• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 21st, 2021

6 na atleta handa na sa pagsabak sa 2020 Tokyo Paralympics

Posted on: August 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Lilisan na sa Linggo, Agusto 22 ang excited na anim na mga para-athletes ng Pilipinas sa sasalihang 2020 Tokyo Paralympics na gagawin mula Agosto 24 hanggang Septyembre 5 sa Tokyo, Japan.

 

 

Ang nasabing mga atleta ay kinabibilangan ng tig-dadalawa para sa swimming at athletics at tig-iisa naman para sa powerlifting at taekwondo.

 

 

Inihayag ng taga-Davao City na para-swimmer na si Ernie Gawilan, na kampante silang makakakuha ng medalya sa kanilang pagsali sa malaking sporting events sa buong mundo lalo na’t ilang taon din silang nag-training.

 

 

Aminado naman itong malaking hamon para sa kanila ang mga contingents mula sa Urupa at sa Estados Unidos na parehong malalakas kung saan ang iba sa kanila ay kanila ng nakaharap sa ibang mga international competitions habang ang iba naman ay mga bago pa.

 

 

Dagdag pa ni Gawilan, in-born na siyang walang isang kamay at dalawang paa habang ang iba niyang mga kasamahan gawas sa powerlifting ay isa namang polio victim habang sa athletics ay partially blind naman.

 

 

Saysay pa ni Gawilan na sa simula pa lang ay mahirap para sa kanila ang pagsasanay dahil sa kanilang kondisyon ngunit dahil sa disiplina at determinasyon ay kanilang nalampasan ang lahat ng uri ng mga pagsubok hanggang sa kanya-kanya silang nanalo sa kani-kanilang field.

 

 

Noong sumali umano siya sa Asian Para-Games na lumahok ang 45 mga bansa ay nakakuha ang Pilipinas ng 3 golds at 2 silver medals kung saan isa siya sa mga naka-gold.

 

 

Dito siya nakatikom ng malaking halaga ng pera dahil sa ibinigay na incentives ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng gobyerno na kalahati sa inilalaan na insentibo sa mga regular athletes.

MARK, tuluyan nang binitiwan ni Manay LOLIT at may rebelasyon pa

Posted on: August 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TULUYAN na ngang binitiwan ni Manay Lolit Solis ang alaga niyang si Mark Herras dahil sa lumalang isyu na mangungutang ang aktor ng P30K, pero hindi niya ito pinagbigyan.       

 

 

Na kung saan kung sinu-sino na ang nadamay, at galit na galit ang netizens sa mga naging tirada ni Manay Lolit tungkol sa Mark.

 

 

At ito nga ang latest IG post niya, mas marami ang nagalit at nag-react: “Salve gusto ko ipaalam sa lahat na starting today wala na akong kinalaman kay Mark Herras. Masakit man sa loob ko, naisip ko na baka nga mas gumanda pa ang career niya kung ang GMA Artists Center na lang ang hahawak sa kanya. After all, dito naman nagsimula ang showbiz career niya eversince. At para na rin iyon nakukuha ko na komisyon mula sa kanya hindi na mabawas sa konti niyang kinikita.

 

 

“Nakakaawa naman na ang laki ng cash advance niya sa GMA7 na binabayaran niya, tapos meron pa akong parte sa TF niya. Iyon feeling ko kay Mark Herras na parang anak ko siya, hindi mawawala. Iyon pangaral ko sa kanya, hanggang ngayon iyon pa rin ang gusto ko sabihin sa kanya.

 

 

“Ayaw ko na lang maging bahagi pa ng buhay niya ngayon, at siguro duon sa mga nagpapakita ng malasakit sa kanya, magawan nyo ng paraan maayos ang finances niya, career niya, at buhay niya.

 

 

“Basta starting today, OUT muna ako kay Mark Herras. Andyan naman ang Artists Center para alagaan siya, at sana magtagumpay sila. Goodluck, wish you well Mark Herras. You’re on your own now, be happy and safe.” #classiclolita #pilipinostarngayonshowbiz #takeitperminutemeganun #74naako

 

 

***

 

 

NILABAS na ang teaser trailer ng FPJ’s Ang Probinsyano na magsi-six years nang umeere sa Setyembre.

 

 

Kasama na nga si Coco Martin si Julia Montes bilang Mara… paparating na ang huling… pag-ibig!”

 

 

Reaction naman ng netizens sa teaser trailer nina Coco at Julia:

 

 

“Para mo ng awa tapusin mo na yan Cardo. Kung ano ano na naging kwento nian, ang layo sa totoong Probinsyano ni FPJ. Sawang sawa na kme sa gigil ngipin acting mo.”

 

 

“ay teh ano naman kung malayo? alam mo naman siguro ang ibig sabihin ng “adaptation”. Hindi naman yan remake na dapat same sa film. Pwedeng pwede nila pahabain yan kung kebs naman nila.

 

 

“Hindi mo rin naman pinapanuod so bakit ka magmamakaawa na tapusin na. Teh may options ka alam mo yun di ba?.”

 

 

“Ganda ni Julia.”

 

“Nope, just ordinary.

 

 

“infairness bagay ni julia maging action star. pwede syang maging darna. ala nannette medved. 6 years pa lang pala ang probinsyano, akala ko mag 10 years na.…

 

“Ganda ni Julia! Sayang at napunta kay Coco.”

 

 

“Agree she could have done better.”

 

 

“Eto ang quality ng Pinoy entertainent, bulok! No wonder hindi makapag compete sa ibang bansa.”

 

 

“dami ring low quality US drama, Kdrama, Thai at Cdrama. Puro hype ka lang sa mga shows na gusto ng iba.”

 

 

“You can try legal wives. Ibang iba sya, di nako nanunood ng pinoy series puro kdrama na lang ako for years pero trending kasi sa youtube so sinilip ko, abay maganda pala. Walang kyeme mga artista. At magaling din pala si bianca.”

 

 

“Huling pag-ibig na daw.. Aguyyyy.”

 

 

“E ano naman ngayon kung nandyan na si Julia sa seryeng yan?”

 

 

“Nice naman. Mara is her real name talaga noh?”

 

 

“Hindi na talaga ako nanonood ng AP pero based sa teaser, interesting kung ano kayang mangyayari dito na bago. makanood nga pero siguraduhin mo lang na matutuwa kami cardo haha.”

 

 

“ewan ko huh, pero talagang nakakasawa na ang seryeng ito kahit sa pic na lang at di na pinapanood. marinig at makita mo lang ang “ang probinsyano’, mapapangiwi ka, sa totoo lang naman.”

 

 

“Scarlet Johansson Lucy/Black Widow vibes.”

 

 

“Eww, no. Not even close.”

 

 

“Magaling sana ang cast eh… at infairness maganda na yung plot ngayon. Ang problema, yung pacing. napakabagal! Kahit yata isang linggo akong hindi manood magegets ko pa din ang kwento..Ayoko mag-expect pero sana naman pagpasok ni Julia at ng bagong cast kaabang-abang na lalo. no hate love ko tong show lalo na nung Book 1.”

 

 

“Yup, puro closeup gigil faces and titigan with no words… Pampaubos oras. Milking it for all it’s worth.”

 

 

“parang luho na lang ni Coco ang nasusunod kaya may Ang Probinsyano pa. Pati pagpasok ni Julia dyan na wala nang kinang, si Coco din yan. Kaumay na.”

 

 

“Bitter ka lang.. anong walang kinang.. yung idolet mo nga nilumot na.”

 

 

“Sus, anong walang kinang ang dami nag aabang nyan.”

 

 

“Hmmm, that’s embarrassing. Too amateurish.”

 

 

“Ganda ni Julia. Nasa Pinas palang ako may Ang Probinsyano na. Ngayon, 5 years na ako sa Dubai, buhay parin si Cardo. Bet na bet ko dati si Maja at Bella. Matibay si Cardo.”

(ROHN ROMULO)

Pdu30, nakiisa sa virtual send-off ceremonies sa mga atletang Pinoy na sasabak sa Tokyo 2020 Paralympics

Posted on: August 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang suporta ng bansa para sa anim na atletang Filipino na makikipaglaban sa Tokyo 2020 Paralympic Games, isang major international multi-passport event na pangangasiwaan ng International Paralympic Committee (IPC).

 

Ang 16th Summer Paralympic Games ay idaraos sa Tokyo, Japan mula Agosto 24 hanggang Setyembre 5.

 

“My warmest greetings to our Philippine Paralympian Team. I am one with you as you present the best of our country at the Paralympic Games in Tokyo,” ang mensahe ni Pangulong Duterte sa isinagawang virtual send- off ceremonies

 

Ang mga atletang Filipino na makikipaglaban sa Japan ay sina Allain Ganapin (Taekwondo), Jeanette Aceveda (Athletics), Gary Bejino (Swimming), Jerrold Mangliwan (Athletics), Ernie Gawilan (Swimming), at Achelle Guion (Powerlifting).

 

Si Mangliwan ang magsisilbing flag bearer ng bansa sa Opening ceremony.

 

Sinabi ng Punong Ehekutibo na pinatunayan ng mga atletang ito na ang kapansanan ay hindi hadlang para sumabak sa ‘competitive sports.”

 

“Your participation here shows to the world that anything is possible through hard work, determination and solidarity,” ani Pangulong Duterte.

 

“Rest assured that the entire nation is behind you as you compete and show your capabilities to make the world…. you really make our country proud. Mabuhay ang Philippine Paralympian Team,” dagdag na pahayag ng Chief Executive. (Daris Jose)

‘I’m 100 percent sure, Pacquiao cannot knock me out’ – Ugas

Posted on: August 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagyabang ang Cuban WBA welterweight champion na si Yordenis Ugas na hindi siya kayang patumbahin lalo na ng Pinoy ring icon na si Manny Pacquiao.

 

 

Ayon kay Ugas, 35, matagal na panahon na siyang pinanday sa pagboboksing lalo na noong siya ay nasa amateur boxing pa lamang.

 

 

Ginawa ni Ugas ang pahayag sa final press conference kanina sa Las Vegas, tatlong araw bago ang big fight sa Linggo.

 

 

“I’m 100 percent sure he cannot knock me out,” ani Ugas sa pamamagitan ng interpreter. “I’ve done all the work and preparation. Over this past 6 years you know… I’ve been really hitting my strides and I don’t think Manny Pacquiao can knock me out.”

 

 

Sagot naman ni Pacquiao, 42, pagkakataon na ito upang malaman ng mundo kung kanino ba talaga nararapat ang korona sa WBA welterweight division.

 

 

“Its a good thing we can settle it down the dispute about the WBA belt,” wika naman ni Pacman.

 

 

Samantala, matapos ang press conference nagharapan ang dalawa para sa staredown bitbit ang tig-isang championship belt.

NADINE, hinahanapan na ng magandang projects na ipi-present ng Viva; open din na magpartner sila ni JAMES

Posted on: August 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAG-UUSAPAN na uli si Nadine Lustre at ang Viva Entertainment.

 

 

Ito ang ipinahayag ni Vincent del Rosario sa presscon ng Vivamax, ang streaming platform ng Viva which marked its sixth month.

 

 

Ayon pa kay Vincent, nakatakda raw silang makipag-usap kay Nadine para mag-present ng projects sa dalaga.

 

 

Si Boss Vic del Rosario raw mismo ang nagsabi sa kanila na maghanap ng projects na pwedeng i-present sa ex-girlfriend ni James Reid.

 

 

Maraming beses na raw sinabi ni Boss Vic sa kanila na open ang Viva na muling makatrabaho si Nadine dahil may live contract naman ito sa kompanya.

 

 

“Nagsimula na kaming maghanap ng right material for Nadine. Gusto namin na mabigyan siya ng project na bagay sa kanya. Hopefully, within the year ay may mai-present na kaming project for her na magugustuhan niya,” pahayag pa ni Vincent.

 

 

Ayon pa kay Vincent, nakakapag-usap naman daw sina Nadine at Boss Vic kasi may active contract naman ang aktres sa kanila.

 

 

“Nadine is like family to us. The opportunity to work with her again is exciting. She will bring new flavor sa possible new partnerships na pwede namin magawa for her,” dagdag pa ni Vincent.

 

 

Bukas din naman ang pintuan ng Viva na muling makatrabaho si James bilang kapartner ni Nadine or as a solo artist bagamat walang active contract sa kanila ang binata.

 

 

Naghahanda na rin ang Viva sa paggawa ng pelikula sa kanila nina Sarah Geronimo at Anne Curtis next year.

 

 

Nag-agree na si Anne sa movie na gagawin niya to be directed by Erik Matti.

 

 

Posible rin na gumaw muli ng virtual concert si Sarah before the year ends. Successful kasi ang Tala concert niya at malakas ang clamor ng fans na siya ay mapanood muli sa isang live concert kahit na virtual lang.

 

 

***

 

 

INABOT ng pandemic ang Pedro Penduko project na pagbibidahan ni Matteo Guidicelli kaya hindi muna itinuloy ang filming nito.

 

 

Pero bago ang pandemya ay sumabak na sa training ni Matteo bilang paghahanda sa role niya sa pelikula na dapat sana ay launching film ni James Reid.

 

 

Pero dahil nagkaroon ng injury si James kaya kinailangan niyang mag-backout sa movie at si Matteo ang napisil ng Viva to play Pedro Penduko instead.

 

 

Maraming cast na involved at maraming malalaking eksena ang pelikula kaya hindi pwede mag-shoot ang Pedro Penduko sa panahon ng quarantine kahit pa sumunod pa sila sa protocol.

 

 

Siyempre limitado lang ang pwedeng mag-shoot under a bubble set-up kaya minabuti ng Viva to put the project on hold.

 

 

Since malaki ang production requirement ng Pedro Penduko, mahirap itong i-mount during the pandemic. Nangangailangan ito ng maraming artista at extras, na hindi pinahihintulutan sa bubble set up.

 

 

Bilang proteksyon sa kanilang mga artista, Viva makes sure na sumusunod sila sa safety protocols. Maingat sila at patuloy na nag-iingat.

 

 

Kung may mga kaso na may mga tao sa production na nagkasakit, agad naman natulungan ang mga ito at hindi naantala ang production.

(RICKY CALDERON)

MAVY at CASSY, secure na ang future dahil maayos na na-invest ang kinita simula noong bata pa

Posted on: August 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAG-POST ng isang topless photo ang Kapuso actress na si Kim Rodriguez sa Instagram noong sunmapit ang 27th birthday niya. 

 

 

May suot naman pantalon si Kim at bahagyang tinakpan niya ang kanyang malusog na dibdib.

 

 

Caption pa niya: “Be brave enough and always dare to try new things, as life becomes boring when you stay in your comfort zone. Thankful for another year.  I am incredibly fortunate to be with my family and friends through this uncertainty and I am grateful to have overcome the difficulties.

 

 

“Also, thank God for giving me such a beautiful life. To GMA, friends, fans, etc., I am truly blessed to have you. Thank you and I love you guys!”

 

 

Thankful nga si Kim na kahit may pandemic ay nabibigyan siya ng trabaho kaya tuloy lang ang takbo ng kanyang career.

 

 

May fitness goals din si Kim kaya naman ang pinaka-workout niya ay ang mag-cycling. Nasubuykan na raw niyang mabisikleta ng 33 kilometers for three hours mula sa kanyang bahay.

 

 

Bukod sa cycling, na-enjoy din ni Kim ang hiking sa bundok ng Rizal.

 

 

***

 

 

KAHIT na hindi magtrabaho sa showbiz ang kambal nila Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na sina Mavy at Cassy Legaspi, secure na ang future nila dahil nailagay sa maayos na investment ang kinita nila simula noong gumawa sila ng maraming TV commercials.

 

 

Sa real estate naka-invest ang pera nila Mavy at Cassy dahil ang presyo ng lupa ay tumataas sa pagdaan ng maraming taon.

 

 

“Mavy and I have been doing commercials since we were three years old, so growing up, our parents decided na it’s best if we invest on land,” sey ni Cassy.

 

 

Sey naman ni Mavy: “We trust our parents as to where they would invest our money. Sila ang mas nakakaalam kung ano ang best for me and Cassy.”

 

 

Sa paggastos daw, may freedom na gamitin ng kambal ang kanilang kinitang pera mula sa kanilang tapings, guestings at ibang endorsements.

 

 

“We can buy what we want as long as we know that we really deserve it. Pero we’re careful pa rin not to overspend. Yung tama lang at yung kailangan lang,” diin ni Mavy.

 

 

Four years ng Kapuso sina Mavy at Cassy kaya nag-renew ulit sila with GMA Artist Center.

 

 

***

 

 

PAGKATAPOS na i-announce ni Colin Jost na magkaka-baby na sila ng Black Widow star na si Scarlett Johansson, sinilang na ng aktres ang kanilang baby boy noong nakaraang August 18.

 

 

Post ni Colin sa Instagram: “Ok ok we had a baby. His name is Cosmo. We love him very much.”

 

 

Maingat palang tinago ni Scarlett ang kanyang pagbubuntis. Unang nabalitang pregnant siya noong nakaraang July, pero wala siyang nilabas na official statement tungkol sa naturang issue.

 

 

Ayon sa Page Six: “When Scarlett got pregnant, she and Colin kept very quiet about it. She has been keeping a very low profile.”

 

 

In-announce lang ni Colin na buntis si Scarlett noong nakaraang weekend, ilang araw bago ito manganak.

 

 

Ito ang second child ni Scarlett. May 6-year-old daughter siya named Rose from ex-husband Romain Dauriac.

 

 

Si Colin ang third husband ng aktres. Una siyang kinasal sa aktor na si Ryan Reynolds from 2008 to 2011 at sumunod ang journalist na si Dauriac from 2014 to 2017.

(RUEL J. MENDOZA)

Pinoy jins sumipa ng 10 medalya

Posted on: August 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sumipa ang national taekwondo jins ng dalawang ginto, dalawang pilak at anim na tansong medalya sa 2021 World Taekwondo Asia Poomsae Open Championships na ginanap via online.

 

 

Nanguna sa kampanya ng Pinoy squad sina June Ninobla at Cyd Edryc Esmaña na nakahirit ng ginto sa kani-kanyang kategorya.

 

 

Nasungkit ni Ninobla ang korona sa men’s under-60 category matapos magtala ng 7.430 puntos para talunin sina silver medalist Liao Yun-Cheng ng Chinese Taipei (7.090) at bronze winners Ill Joong Yang ng Australia (6.940) at Balram Yadav ng India (6.770).

 

 

Nakatanso rin si Ninobla kasama ang anak nitong si Jocel Lyn sa family pair category mula sa nakuha nitong 7.790 puntos.

 

 

Humirit naman ng ginto si Esmana sa men’s cadet individual category kung saan nakakuha ito ng 7.680 puntos.

 

 

Galing naman ang pilak sa magkapatid na Vincent at Paul Rodriguez sa family pair category tangan ang 7.850 puntos — kapos lamang ng 0.030 puntos mula kina gold medalists Nur Humaira Abdul Karim at Nurul Hidayah Abdul Karim ng Malaysia.

 

 

Nakapilak din si Shellah Agman sa female individual Children 1 class bitbit ang iskor na 6.920.

 

 

Ang iba pang tanso ay mula kina Nikki Oliva (female individual freestyle), Rodolfo Reyes Jr. (male individual under-30), Angelica Joyce Gaw (female individual under-30), at kina Julianna Martha Uy at Acey Kiana Oglayon (female individual cadet).

Hidilyn Diaz ibinahagi ang mga hamon ilang oras bago ang pagkamit ng Olympic gold medal

Posted on: August 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ibinahagi ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang mga naranasan nito ilang minuto bago ang kaniyang makasaysayang pagkamit ng Olympic gold medal sa weightlifting.

 

 

Sinabi nito na isang araw bago ang kumpetisyon ay kumonsolta siya sa kaniyang sports psychologist na si Dr. Karen Trinidad dahil tila nawawala na ito ng kumpiyansa sa kaniyang sarili na maisagawa ang pagbuhat.

 

 

Aminado si Hidilyn na napakabigat na pressure ang kaniyang naranasan sa nasabing kumpetisyon.

 

 

Ayon naman kay Dr. Trinidad na kanilang sinanay ang pag-iisip ni Diaz para maging malakas.

 

 

Labis naman na pasalamat ni Dr. Trinidad na gumana lahat ang mga naituro nito kay Hidilyn.

DAYUHAN NA MAY EMPLOYEER SA BANSA, PAPAYAGAN NA

Posted on: August 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) sa lahat ng mga dayuhan na kasalukuyang nasa kanilang bansa na tinanggap na magtrabaho dito sa Pilipinas ng kanilang employeer ay papayagan nang mag-pre-apply ng kanilang work visa bago pumasok ng bansa.

 

Ito ang sinabi ni  Immigration Commissioner Jaime Morente kung saan nag-isyu siya ng operation order na pinapayagan ang kanilang kumpanya na gustong kunin ang serbisyo ng isang dayuhan pero nasa kanilang bansa pa rin na mag-apply ng working visa para sa kanila.

 

Ang nasabing hakbang ng ahensiya ay batay sa resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na pinapayagan na mag-isyu ng working visa sa mga dayuhan na gustong magtrabaho sa bansa subalit kinakailangang may Philippine-based employer sila.

 

Ayon pa s IATF, ang isang visa ay maari din ma-isyu sa isang dayauhang mag karunungang magtrabaho sa isang foreign-funded government projects  kabilang dito ang transportation at infrastructure.

 

Paliwanang ni Morente na sa kasalukuyang, tanging ang isang dayuhan na andito nasa bansa ay ang pinapayanag isyuhan ng visa ng BI.

 

“With the promulgation of this new policy, would-be expatriates bound for the Philippines will be able to apply for their working visas, which they would present when they enter the country,” ayon sa  the BI chief.

 

Ipanaliwanang pa rin ni Morente sa kaso ng isang dayuhan na nauna nang insyuhan ng kanilang visa, ang employeer ng nasbaing dayuhan ay maari pa ring mag-apply ng alien employment permit (AEP) para sa kanila sa Department of Labor and Employment (DOLE).

 

“Those who fail to secure their AEP will not qualify for the issuance of a 9(g) visa and the petition for visa issuance by their employers will be denied by the bureau outright,” ayon pa sa BI Chief. GENE ADSUARA

 

Alapag pinasalamatan ang Kings organization

Posted on: August 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinasalamatan ni dating PBA player at Gilas Pilipinas team captain Jimmy Alapag ang Sacramento Kings organization matapos angkinin ang korona ng katatapos na NBA Summer League sa Las Vegas, Nevada.

 

 

“What an amazing experience here in Vegas for the NBA Summer League!!” wika ni Alapag kahapon sa kanyang Instagram account.

 

 

Ito ang ikalawang pagkakataon na napasama ang 43-anyos na playmaker sa coaching staff ni Kings’ coach Bobby Jackson sa nasabing pre-season tournament matapos noong 2019.

 

 

“Thankful to have been part of such a special group of people, from the coaching staff, trainers, and support staff, to the players,” ani Alapag. “Watching the team come together over the past few weeks was amazing to watch.”

 

 

Kinumpleto ng Kings ang 5-0 sweep sa NBA Summer League kasama ang 100-67 pagbugbog sa karibal na Boston Celtics sa kanilang championship game.

 

 

Umaasa si Alapag na makakasama sa c­oaching staff ni head coach Luke Walton sa pagsabak ng Kings sa NBA regular-season na magsisimula sa Oktubre 19.