• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 7th, 2021

Dating PRESS USEC. Capco, pumanaw na; Andanar, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya

Posted on: September 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAABOT ng pakikiramay si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa pamilyang Capco sa pagkawala ni dating Press Undersecretary Roberto “Bobby” Capco.

 

Sa isang kalatas, sinabi ni Andanar na maaalala si Capco sa pagsisilbi nito sa bansa bilang mamamahayag na may integridad at dedikasyon.

 

Aniya, importante ang ginampanang papel ni Capco bilang integral communications operations planner at implementer na siyang namahala sa mga programa ng Philippine Information Agency, Bureau of Communications Services, at News and Information Bureau noong administrasyong Arroyo.

Pagtatayo ng PCOO Academy, sisimulan ngayong Setyembre-Andanar

Posted on: September 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA WAKAS, magsisimula na ang pagtatayo ng Government Strategic Communications Academy (GSCA) ngayong buwan ng Setyembre.

 

Sa isang kalatas, sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar na ang proyektong ito ay magkakaroon ng “breaking ground” ngayong buwan sa loob ng compound ng Northern Bukidnon State College (NBSC) sa Manolo Fortich, Bukidnon.

 

Aniya, bukas ang akademya sa mga media workers sa pribadong sektor na nagnanais na makibahagi sa training programs gaya ng “broadcasting and writing,” bukod sa iba pa.

 

“It will focus on teaching communications to our information officers from the barangays to those in the national government agencies,” ani Andanar.

 

“This profession is a vocation. It’s really something that you do because you believe in public service, in informing the people through development communication,” dagdaga na pahayag nito.

 

Magsisimula sana aniya ang pagtatayo ng GSCA noong nakaraang taon subalit ang pondo at iba pang documentary requirements ay “were only met recently.”

 

Samantala, ang big-ticket projects ng PCOO ay hindi aniya matutupad kung wala ang suporta ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Partikular na tinukoy nito ang Mindanao Media Hub sa Davao City, ang kauna-unahang government media hub sa labas ng Kalakhang Maynila .

 

Ang Visayas Media Hub ay itatayo rin gamit ang inaaprubahang paunang budget nito.

 

Masigasig ang PCOO sa pagpo-promote sa kapakanan ng mga media workers sa bansa at naging katuwang sa pagsusulong na maipasa ang Media Workers Welfare bill.

 

Ang iba pang polisiya na naipasa sa lehislaturang sangay ng pamahalaan ay ang Freedom of Information Bill at ang People’s Broadcasting Corporations Bill.

MOTORSIKLO SUMALPOK SA KOTSE, RIDER TODAS

Posted on: September 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang isang rider matapos dumulas at sumemplang ang minamanehong motorsiklo saka sumalpok sa isang papalikong kotse sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktima na kinilalang si Juanito Angala, 44-anyos, may-asawa at residente ng Blumentrit Extension, Sampaloc Manila.

 

 

Nahaharap naman sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide with Damage to Property ang driver ng Toyota Vios na kinilalang si Francisco Manuel, 53, taxi driver at residente ng San Basilio Santa Rita Pampanga.

 

 

Sa imbestigasyon ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-8:40 ng Linggo ng gabi sa kahabaan ng Rizal Avenue Extention corner 3rd Avenue, Brgy. 45 ng nasabing lungsod.

 

 

Binabagtas ng biktima ang naturang lugar patungong Manila lulan ng kanyang minamanehong motorsiklo at pagsapit sa kanto ng 3rd Avenue ay aksidente siyang dumulas dahil sa madulas na kalsada.

 

 

Sumemplang umano ang biktima bago sumalpok sa kanang bahagi ng papalikong kotse na naging dahilan upang magtamo ito ng matinding pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan kaya’t agad siyang isinugod sa naturang pagamutan subalit, hindi na rin umabot ng buhay. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

BATAS ang MAKAKARESOLBA sa ISYU ng PMVIC

Posted on: September 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Bakit ang napakahalagang government function tulad ng emission testing at road-worthiness inspection ay ipinapasa ng DOTr sa pribadong sektor?

 

 

Taong 1984 nang nagkaroon ng pilot test ang motor vehicle inspection station sa LTO Central at tinawag itong North Motor Vehicle Inspection Station (NMVIS).  Nadagdagan nito sa LTO Region 3, 4-A, 7 at 11.

 

 

 

Noong 1999 ay isinabatas ang RA8749 o ang Clean Air Act.  Makikita na ang basehan ng pagtatag ng Motor Vehicle Inspection System ng LTO ay hindi ang RA8749 dahil naitatag ito noong 1984 nang wala pa ang RA 8749.

 

 

 

Pero may batas na noong 1984 na nagmamandato ng road worthy inspection – ang RA4136 o ang Land Transport and Traffic Code.  Sa RA4136 Sec. 34, ang mga sumusunod ang dapat mainspeksyon para masiguro ang roadworthiness ng isang sasakyan – tires, brakes, horns, headlights, taillights, stop lights, motorcycle and other light vehicles, lights when parked or disabled, windshield wiper, use of red flags mufflers. Kaya malinaw na para sa emission ang batas na umiiral ay RA8749, samantala sa roadworthiness ay RA4136.

 

 

 

Naging issue nga ito noong 2001 nang iminungkahi ang isang privatized Built Owned Operate (BOO) scheme ang na-conceptualize para sa isang standard motor vehicle inspection system na ipinasa sa NEDA para maaaprubahan.

 

 

 

Pero ang mga nakaupo noon sa Investment Coordination Committee ay mas pinanigan ang proposal na accreditation process, bagay na sinalungat naman ng Deparment of Transportation and Communications(DOTC) noong mga panahong iyon.

 

 

 

Dahil dito ang emission inspection ng mga pribadong sasakyan ay dumadaan sa Private Emission Testing Centers base sa Section 21 ng RA8749 habang ang mga public utility vehicles ay sa LTO MVIS base sa Section 34 ng RA4136.

 

 

 

Ano naman ang pinaghuhugutan ng mga Private Motor Vehicle Inspection Centers? Naglabas ang Department of Transportation ng DO 2018- 019 na ipinapasa ang roadworthiness inspection at emission testing sa mga accredited private motor vehicle inspection centers.

 

 

 

Ano ang naging basehan ng department order?  Ayon sa Office of the Solicitor General “outsourcing” ang ginawa ng DOTr nang ipinasa sa pribado ang emission at roadworthiness inspection sa mga PMVIC.  Ang legalidad ng Deparment Order ng Dotr ang pinagdududahan ng maraming mambabatas.

 

 

 

Bakit ang napakahalagang government function tulad ng emission testing at road worthiness inspection ay ipinapasa ng DOTr sa pribadong sektor?

 

 

 

Wala bang pondo para ma-upgrade ang kasalukuyang mga public motor vehicle inspection centers? Di ba’t naglaan na ng pera para dyan? Korapsyon ba ng ilang tiwaling opisyal ng LTO ito? Pag pribado ba ay walang korapsyon?

 

 

 

Kailangan ba ng bagong batas para masolusyunan na ito? (Atty. Ariel Enrile – Inton)

PNP nakahanda sa pagpapatupad ng ‘granular lockdown’ sa NCR

Posted on: September 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tiniyak ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar na handa ang PNP sa pagpapatupad ng granular lockdown sa Metro Manila kung ito ang ipag-utos ng IATF pagtatapos ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Setyembre 7.

 

 

Ang granular lockdown ay pagsasara ng bahagi ng barangay, na may mataas na kaso ng COVID 19.

 

 

Sa datos ng PNP, may 51 barangays sa Metro Manila ang kasalukuyang nakapailalim sa granular lockdown.

 

 

Inatasan na ni PNP chief, ang lahat ng police commanders sa Metro Manila sa pamamagitan ni Joint Task Force COVID Shield headed by PLTGEN Israel Ephraim Dickson at NCRPO Regional Director PMGEN Vicente Danao, Jr. na makipag-ugnayan sa kani-kanilang Lokal na Pamahalaan tungkol sa pagpapatupad ng granular lockdown.

 

 

Ayon kay PGen Eleazar, batay na rin sa kautusan ni SILG Eduardo Año, direktiba nito sa mga police commanders sa Metro Manila na makipag-ugnayan sa kani-kanilang local government units sa pagpapatupad ng granular lockdown upang matiyak ang maayos na pagpapatupad at maiwasan ang kalituhan sa pagpapatupad nito.

 

 

Sinabi pa ng PNP Chief na bago pa man ang anunsiyo ng granular lockdown, kaniya nang inatasan ang lahat ng police commander sa Metro Manila na maghanda sa posibleng pagpapatupad nito.

 

 

“I urge the public to cooperate with measures and regulations that the government is imposing to stop the surge in COVID-19 cases. Kung hindi man para sa ating sarili ay sumunod tayo sa mga public health safety at quarantine protocols para sa kaligtasan at kalusugan ng ating mga mahal sa buhay,” dagdag pa ni PNP chief.

 

 

Nauna nang sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na ang pilot testing para sa granular lockdown sa Metro Manila ay magsisimula sa Setyembre 8. Matapos nito ay pag-aaralang maigi bago magibigay ng rekumendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Sinabi naman ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na mabuti ang granular lockdown para sa ekonomiya dahil maraming negosyo at mga establisyemento ang papayagan nang mag-operate sa gitna ng COVID-19 pandemic. (Daris Jose)

PARK SEO JOON, kumpirmadong kasama sa cast ng ‘Captain Marvel 2: The Marvels’; kinabog ang ‘Top 10 Highest Paid Korean Actor’

Posted on: September 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KINABOG nga ni Park Seo Joon ang dahil kinumpirma ng kanyang agency na Awesome ENT noong Friday, September 3 ang paglabas nito sa Marvel Studios film.

 


      Spotted nga si Park Seo Joon that day na umalis ng Seoul papuntang Los Angeles, California via Incheon International Airport, at marami ang nag-speculate na ang pagpunta niya ng Amerika ay paghahanda na para sa kanyang Marvel Studios debut.

 

 

Naglabas naman agad ang agency niya ng official statement tungkol dito: “Hello, this is Park Seo Joon’s agency Awesome ENT.  

 

 

“It’s true that Park Seo Joon departed for Los Angeles earlier this afternoon after confirming his casting in the new Marvel Studios film.

 

 

“First, we would like to sincerely thank those of you who have shown great interest in Park Seo Joon’s new challenge. We know very well that you are all very curious about what production he will star in, what his character will be, where he will film, for how long, and more.

 

 

“However, we will not publicize more specific details until a later time.

 

 

“We now ask that you cheer on Park Seo Joon so that he can wrap up his filming successfully and return safely.

“Thank you.”

 

 

Ayon nga sa lumabas na balita, makakasama si Park sa cast ng sequel ng Captain Marvel, na pagbibidahan pa rin ni Brie Larson kasama sina Teyonah Parris (Monica Rambeau) at Iman Vellani (Kamala Khan).

 

 

At ayon pa sa lumabas na tsika ang gagampanan daw na character ni Park ay si Amadeus Cho a.k.a Brawn, isang Korean-American teen hero sa Marvel Universe, para nga sa upcoming film na Captain Marvel 2: The Marvels, na mula sa direksyon ni Nia DaCosta.

 

 

Si Park ang third actor of Korean descent na bibida sa Marvel movie, nauna si Claudia Kim na gumanap na si Helen Cho sa Avengers: Age of Ultron (2015) at ang Korean American na si Ma Dong-seok, or Don Lee, sa upcoming movie na Eternals na gaganap bilang Gilgamesh.

 

Ang 32-year-old Korean actor ay sumikat sa hit TV series tulad ng romantic comedy na What’s Wrong with Secretary Kim (2018) at sa drama na Itaewon Class (2020). Nagkaroon din siya ng cameo appearance sa Oscar-winning black comedy na Parasite (2019).

 

 

Bago siya umalis ng Seoul, natapos niya ang movie na Concrete Utopia, kasama sina Lee Byung-hyun at Park Bo-young.

 

 

After ng shooting niya para sa The Marvels by the end of the year, at sa kanyang pagbabalik, sisimulan agad niya K-drama na Gyeongseong Creature.

 

 

Samantala, ayon sa Hallyuwire.com ang Top 10 Highest Paid Korean Actors in 2021 ay pinagununahan pa rin ni Kim Soo Hyun na ayon sa report ay makatatanggap siya 500 million won, o nasa $440,000 per episode para sa upcoming K-drama na One Ordinary Day.

 

 

Nasa Top 2 naman ang kinababaliwan pa rin ng mga Pinoy na si Hyun Bin (estimated $113,000 per episode) at pangatlo si So Ji Sub (estimated $90,000 per episode).

 

 

Kukumpleto sa Top 10 highest paid actor sina Jo In Sung (estimated $89,000 per episode), Lee Min Ho (estimated $84,000 per episode), Song Joong Ki (estimated $70,000 per episode), Ji Chang Wook (estimated $67,000 per episode), Lee Seung Gi (estimated $59,000 per episode), Yoo Ah In (estimated $58,500 per episode at Lee Jong Suk (estimated $50,000 per episode).

 

 

For sure, after na maipalabas ang Captain Marvel 2: The Marvels worldwide, tataas pa ang talent fee ni Park See Joon.

(ROHN ROMULO)

Ads September 7, 2021

Posted on: September 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PDu30, hindi bulag at bingi sa korapsyon

Posted on: September 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI nagbubulag-bulagan at nagte-tengang kawali si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa korapsyon lalo na kung mayroong matibay na ebidensiya laban sa inaakusahang public official.

 

Ito’y matapos sabihan ni Senator Emmanuel “Manny” Pacquiao si Pangulong Duterte na huwag ipagtanggol ang mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa iregularidad.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi kinukunsinti ng Pangulo ang mga nagta-trabaho sa gobyerno lalo na ang kanyang mga kaibigan na napatunayang sangkot sa korapsyon.

 

Nais lamang aniya ng Pangulo na mayroong malaki at sapat na ebidensya laban sa sinasabing tiwaling opisyal ng pamahalaan.

 

“So, I have personal knowledge na kapag meron naman po talagang datos at katotohanan sa mga paratang ng korapsyon, ang Presidente, hindi po pinipikit ang kaniyang mga mata ,” ayon kay Sec. Roque.

 

Nauna rito, sinabihan ni Pacquiao si Pangulong Duterte na huwag maging “too defensive” pagdating sa mga opisyal ng pamahalaan na nabahiran ng korapsyon.

 

Ang pahayag na ito ng senador ay matapos na makailang ulit na idepensa ni Pangulong Duterte si Health Secretary Francisco Duque na nasa hotseat ngayon dahil sa natuklasang ” deficiencies” ng Commission on Audit sa paghawak ng DoH sa COVID-19 funds.

 

Giit naman ni Sec.Roque, wala ni isa man sa mga opisyal ng gobyerno ang nakatatanggap ng “preferential treatment” mula sa Punong Ehekutibo.

 

“Wala kay Presidente kung malapit ka sa kanya eh ,” anito.

 

Aniya, ang kaso ni Duque ay iba dahil wala pang pruweba na magpapatunay na sangkot sa korapsyon ang Kalihim.

 

Samantala, matatandaang sinabi ng Pangulo na hindi niya sisibakin sa puwesto si Duque subalit papayagan niya itong umalis ng puwesto kung kusang-loob na magbibitiw. (Daris Jose)

Napipintong paglipat ni LOVI sa ABS-CBN, ‘done deal’ na ayon sa bali-balita

Posted on: September 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

UM-ATTEND sa red carpet premiere ng pelikulang Cinderella sa Los Angeles ang Kapuso actress na si Lovi Poe.

 

Ginanap sa Greek Theatre ang premiere ng pelikulang pinagbibidahan ng singer na si Camila Cabello na produced ng Amazon Prime.

 

 

“A dream is a wish your heart makes,” caption ni Lovi sa photo niya sa social media habang naglalakad siya sa red carpet.

 

Suot ni Lovi ay isang fairytale-inspired dress. She was styled by Adrianne Concepcion.

 


      Sinasabay na siguro ni Lovi ang kanyang sarili sa Hollywood dahil kasama siya sa pelikulang The Chelsea Cowboy na isang biopic ng English actor na si John Bindon.

 


      In the movie, Poe will portray British singer Dana Gillespie.

 

 

Samantala, tahimik lang si Lovi at kanyang management tungkol sa mga blind item na isang Kapuso actress ang lilipat na sa ABS-CBN sa pagbabalik-bansa nito.

 

 

Ayon pa sa balita, ang singer-actress na tinutukoy na ‘done deal’ na raw ang paglipat nito sa ABS-CBN kahit wala pa itong prankisa at mukhang nagustuhan talaga ang offer kumpara sa kanyang mother station na GMA-7.

 

 

Well, hintayin na lang nating ang magiging official statement na isa sa mga araw na ito ay lalabas na kung ano ba talaga ang katotohanan sa nababalitang paglipat ni Lovi.

 

***

 

NAGULAT at nalungkot si Bb. Pilipinas-International 2021 Hannah Arnold sa balitang kanselado ulit ang Miss International pageant para sa taong ito.

 

Looking forward pa naman daw si Hannah sa pag-compete niya sa naturang beauty pageant. Sa katunayan ay pinaghahandaan na niya ito kaya laking panghihinayang niya na kanselado ang pageant.

 

      “I have to admit that yesterday I was upset and in shock with the news of the 2021 edition of Miss International being cancelled.

 

 

However, waking up today and discussing it with my loved ones, BPCI and my MI sisters from all around the world, we realized it’s in the best interest of the org to keep us safe at this time,” sey ni Hannah.

 

Kaya idi-direct na lang daw ni Hannah ang kanyang energy sa kanyang advocacy work.

 


      “I will definitely use this reign to grow more, focus on my advocacy work and most importantly pursue the goal of ‘cheering all women. Let’s remind ourselves that a new month means a new beginning, a new mindset and a new result. First, let’s start the BER months with a little laugh in the rain.”

 


      Ang cancellation ng 2021 Miss International pageant ay nanggaling mismo sa International Cultural Association Chairperson Akemi Shimomura at pinost niya ang official statement sa lahat ng social media accounts ng Miss International organization.

 

 

***

 

NAKIPAGHIWALAY na ang The Flight Attendant star na si Kaley Cuoco sa kanyang second husband na si Karl Cook.

 


      Sa isang joint statement na nilabas nila sa media, ito ang nakalagay:

 

“Despite a deep love and respect for one another, we have realized that our current paths have taken us in opposite directions. We have both shared so much of our journey publicly so while we would prefer to keep this aspect of our personal life private, we wanted to be forthcoming in our truth together. There is no anger or animosity, quite the contrary.

 


      “We have made this decision together through an immense amount of respect and consideration for one another and request that you do the same in understanding that we will not be sharing any additional details or commenting further.”

 


      Kinasal ang The Big Bang Theory comedienne kay Cook noong June 2018 sa San Diego, California after getting engaged in November 2017. Pareho silang equestrian.

 

 

Na-divorce si Cuoco sa unang husband niya, and tennis player na si Ryan Sweeting, noong 2016 after three years of marriage.

 

Nataon na three years din ang tinagal ng marriage ni Cuoco kay Cook.

(RUEL J. MENDOZA)

‘Quezon City gov’t sinimulan na ang pagbabakuna sa mga buntis’

Posted on: September 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sinimulan na ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang pagbabakuna sa mga QCitizens nito na mga buntis buntis sa ilang vaccination sites sa lungsod.

 

 

Ang mga nanay na nasa second at third trimester lamang ang maaaring mabakunahan.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, bago bakunahan ang mga buntis, sasailaim muna sila sa health checkup sa tulong ng mga doktor mula sa QC Health Department at pipirma ng consent form kung saan nakasaad na pumapayag silang magpabakuna.

 

 

Sinabi ni Belmonte na nasa anim ang vaccination sites kung saan maaaring magpabakuna ang mga expecting mothers.

 

 

Ito ay ang mga sumusunod:
District 1 – Esteban Abada ES
District 2 – Batasan NHS
District 3 – Quirino ES
District 4 – Pinyahan ES
District 5 – Kaligayahan AC
District 6 – Pasong Tamo ES

 

 

Sa kabilang dako, siniguro naman ng alkalde na hindi napapabayaan ang mga mga buntis na nagpositibo sa Covid-19.

 

 

Sinabi ni Mayor Belmonte na tuloy-tuloy ang pagkalinga sa mga COVID-19 patient.
Aniya, isang floor sa HOPE 2 Community Care Facility ang inilaan para sa mga COVID-19 patients na buntis.

 

 

Bukod sa mga hygiene kit at mga gamot, may mga doktor na nagsusuri sa kanilang kalagayan habang sila ay nagpapagaling.

 

 

Pinapayagan din ang mga ito na mag early morning walk at binibigyan sila ng gatas at frutas araw-araw.

 

 

Samantala, nasa 80% o nasa 1,701 na ngayon ang bed capacity sa 13 Hope community caring facilities sa siyudad kung saan 1,361 na ang occupied ng mga pasyenteng tinamaan ng Covid-19.

 

 

Habang ang tatlong hospital sa siyudad ang Quezon City General Hospital ay nasa 98% full bed capacity na ino-occupy ngayon ng 117 pasyente.

 

 

Ang Rosario Maclang Bautista Central Hospital ay nasa 169% ang occupancy rate na may 91 pasyente na naka confine.

 

 

Ang Novaliches District Hospital ay nasa 133% occupancy rate na may 64 pasyente.

 

 

Kaya panawagan ng pamahalaang lokal ng Quezon City sa mga nangangailangan ng pasilidad para sa mga COVID-19 mild o asymptomatic patients, makipag-ugnayan muna sa mga barangay at sa QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) para ma-admit sa HOPE facilities.

 

 

Sa ngayon, nasa 10,932 ang active covid-19 cases sa QC mula sa 136, 673 na kabuuang bilang ng nagpositibo sa siyudad.