ENGAGED na ang pop superstar na si Britney Spears sa kanyang longtime boyfriend na si Sam Asghari.
Nangyari ang proposal ni Sam pagkatapos magwagi si Britney sa kanyang pinaglalaban na freedom mula sa conservatorship ng kanyang amang si Jamie Spears. Nag-file last week si Jamie ng petition sa korte para maalis na siya bilang conservator ng singer.
Ibig sabihin nito ay hawak na ng 39-year old singer ang buhay niya, kasama na roon ang pag-asikaso ng kanyang finances at pagpapakasal sa kanyang boyfriend na si Sam.
Pinost ni Britney sa social media ang engagement ring sa daliri niya na may caption na: “I can’t f***ing believe it!”
Kinumpirma ng manager ni Asghari na si Brandon Cohen ang engagement ng dalawa: “The couple made their long-standing relationship official today and are deeply touched by the support, dedication and love expressed to them.”
Ito ang magiging third marriage ni Britney, Una siyang kinasal noong 2004 sa kanyang childhood friend na si Jason Alexander in Las Vegas. Pero tumagal lang ng ilang araw ang kanilang marriage at nag-file agad sila ng annulment.
Second marriage ng singer ay sa dancer na si Kevin Federline, also in 2004 at nagkaroon sila ng dalawang anak. They divorced in 2007.
Ang bagong fiance ni Britney na si Sam ay 27-years old at pinanganak sa Iran. Isa siyang personal trainer and actor na lumabas sa Showtime series na Black Monday. Nagsimula silang mag-date ni Britney noong 2016.
***
KABILANG ang Unang Hirit host na si Love Añover-Lianko na tinamaan ng sakit na COVID-19.
Sa kanyang post sa social media, nagpapasalamat ito sa mga nagdasal para ma-survive niya ang naturang sakit. Pinost pa ni Love ang medical certificate na issued September 11 na nagsasabing nakumpleto niya ang 14-day isolation at naka-recover na siya sa COVID-19.
“To God be all the glory. You are the greatest, Lord. Our warmest gratitude to Dr. Percival P. Pangilinan M. D. for helping us and guiding us through the 14-day quarantine and knocking down COVID, eventually.
“We owe you, Doc. Also, to everyone who have prayed, offered masses, sent food, fruits, messages, texts, called, and everythaaang! I am positive– your prayers, love and care have made us stronger to fight this battle. I hope you are all doing good and may God bless us and protect us all.”
Nagbigay din ng words of encouragement si Love sa mga nakikipaglaban pa rin sa sakit na COVID-19.
“And if you are going through the same phase we have been through, may God give you all the strength you need– physically, emotionally, and mentally, and may God heal you. #GRATEFUL #weSURVIVEDcovid”
***
NAGING pleasant ang experience ng veteran actors na sina Bing Loyzaga, Noel Colet at Lloyd Samartino sa mga young stars ng teleseryeng Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette.
Isang buwan daw nilang nakasama ang mga Gen Z stars sa lock-in taping ng teleserye at wala raw naging pasaway sa mga ito.
Sey ni Bing: “I’ve worked with so many young stars of different generations. Yaman din lang at nasa showbiz tayo for more than 40 years na and you can just imagine kung ilang mga artista na ang nakatrabaho ko. Gumanap na akong Ate, tita, mother, kontrabida, you name it.
“Kaya hindi madaling mag-adjust agad with new stars kaya may standard ka nang inaasahan from them parati. But with this cast, ang gaan talaga. Walang naging pasaway and they are all behaved. Ang babait nila sa amin and they really listen sa amin. Ramdam namin yung respeto nila sa aming mga nakakatanda sa kanila.”
Para naman kina Lloyd at Noel na mga naging heartthrobs noong ’80s, parang naging barkada na raw nila ang nakasama nilang mga young stars sa set.
“It’s a good experience working with new stars every time. Nakakabilib ang energy nila sa set. Kami namang mga veteran stars, we are happy na nae-experience naming makatrabaho ang mga batang ito, who are not just good-looking at mga mukhang mga artista talaga, but are very, very talented. They actually inspire us to work more. Nakakahawa ang energy nila,” sey ni Lloyd.
Sey naman ni Noel: “Kung meron kaming natuturo sa kanila, sila rin ay may natuturo sa amin. It’s a give and take thing for us and these young actors. Kaya hindi mo sila iti-treat na parang katrabaho lang, para mo na rin silang barkada. And they ask us questions about being actors noon. Gusto rin nilang matuto sa mga pinagdaanan namin noon.”
(RUEL J. MENDOZA)