• November 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 13th, 2021

ALBERT, nagpapasalamat na pinagkakatiwalaan pa rin hanggang ngayon; binabalikan ang mga pelikula at naging leading lady

Posted on: October 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINAGBUTI ni Jak Roberto ang kanyang performance sa bagong handog ng Stories From The Heart: Never Say Goodbye dahil fan siya ng direktor nilang si Paul Sta. Ana.

 

 

Nakilala si Direk Paul sa kanyang critically acclaimed indie films na Oros, Huling Pasada, at Marino. Siya rin ang screenwriter ng Mayohan, #WalangForever, All of Me at Balut Country.

 

 

Sa GMA, dinirek niya ang mga teleserye na The Stepdaughters, Dragon Lady, Tadhana, Wagas, Magpakailanmam at My Fantastic Pag-ibig.

 

 

Noong malaman daw ni Jak na si Direk Paul ang direktor nila sa ‘Never Say Goodbye’, naghanda raw siya pero ‘di niya pinahalata na kinikilig siya sa chance na madirek nito.

 

 

“Matagal na akong fan ni Direk Paul ever since napanood ko yung Oros. Kaya ayokong mapahiya sa set kaya pinag-aralan ko ng husto yung character ko.

 

 

“Ang sarap ng feeling na nagkaroon kami ng collaboration ni Direk Paul. Kaya hopefully madirek din niya ako sa isang indie film.”

 

 

***

 

 

MARAMING nakatambal sa pelikula ang aktor na si Albert Martinez at malaki raw ang naitulong ng mga aktres na ito kaya naging mahusay siyang aktor sa nagdaang apat na dekada.

 

 

“Let’s start with the people I grew up working with. I will start with my first leading lady, it was Snooky Serna. And then next, Dina Bonnevie, Lorna Tolentino, and Alma Moreno. Those are the 80s leading ladies,” sey ni Albert na nakasama sa mga Regal Babies noong dekada ‘80.

 

 

Naitambal din si Albert sa mga aktres na mas may edad sa kanya tulad nila Nora Aunor (Muling Umawit Ang Puso, Sidhi), Elizabeth Oropesa (Tatsulok), Vilma Santos (Bata, Bata… Paano Ka Ginawa?).

 

 

Gumawa rin ng mga pelikula si Albert na kailangan may sexy scenes siya kasama sina Joyce Jimenez (Scorpio Nights 2, Ang Galing-Galing Mo Babes), Amanda Page (Tatsulok), Belinda Bright (Ang Kapitbahay), Sunshine Cruz (Ekis), Lolita de Leon (Laman) at Glydel Mercado (Sidhi). 

 

 

At 60 years old, binabalikan na lang ni Albert ang mga nagawa niyang mga pelikula at nagpapasalamat siya at nandito pa rin siya sa industriya at pinagkakatiwalaan sa marami pang proyekto.

 

 

Balik-Kapuso ngayon si Albert para sa upcoming series na Las Hermanas kunsaan kasama niya sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, Jason Abalos at ang nali-link sa kanya na si Fatima da Silva.

 

 

***

 

 

SINILANG na ni Nikki Gil ang second child nila ng husband niyang si BJ Albert.

 

 

Post ni Nikki via Instagram: “Our little miss Madeline Elle arrived a few days ago. Thank you Lord for our sweet Maddie.”

 

 

Nakatanggap ng congratulatory messages si Nikki mula sa celebrity parents tulad nina Marian Rivera, Anne Curtis, Shaina Magdayao, Kaye Abad, Andi Manzano at marami pang iba.

 

 

Noong nakaraang April in-announce nila Nikki at BJ na may second baby na silang parating. Excited na raw ang 4-year old son nilang si Finn na maging kuya.

(RUEL J. MENDOZA)

KARLA, nababatikos dahil sa desisyong tumakbo na party-list representative ng partidong bumoto laban sa ABS-CBN

Posted on: October 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI namin talaga maintindihan kung bakit tumakbo na partylist representative si Karla Estrada sa partidong ang representative ay bumoto against sa renewal ng franchise ng ABS-CBN.

 

 

Parang adding insult to injury naman ang ginawa ni Karla. Pinasikat ng ABS-CBN ang kanyang anak na si Daniel Padilla at binigyan din siya ng regular program together with Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

 

 

Pero heto si Karla at sasapi sa grupo na bumoto na huwag bigyan ng prangkisa ang kanyang beloved network, kaya siya nababatikos.

 

 

Well, hindi pa naman tayo sure kung mananalo ang partylist na ito pero if ever na muling mag-apply for franchise ang ABS-CBN, ito kayang partylist na ito ay magbabago ng isip and will vote na mabigyan ng bagong franchise ang Kapamilya network?

 

 

***

 

 

RODERICK Paulate is running as councilor sa second district ng Quezon City.

 

 

After magpahinga for three years, kung saan naging busy siya sa pag-arte, Kuya Dick is returning to politics.

 

 

Lumabas si Kuya Dick sa serye na One of the Baes ng GMA 7 kung saan nakatrabaho niya sina Ken Chan at Rita Daniella.

 

 

If have been used to being of service to the public, siyempre mami-miss mo ang pagtulong. Kuya Dick wants to bring that kind of service back sa mga kababayan niya sa District 2 ng QC.

 

 

Three-term konsehal si Kuya Dick. Naging chairman siya ng Committee on Tourism. Naging chairman din siya ng Civil Service, Appointments and Reorganization.

 

 

Under his watch, maraming mga dating contractual employees na naging regular ang status. He also became Majority Floor Leader at nong 2016 ay naging President Pro Tempore rin siya.

 

 

***

 

 

ANO kaya ang feeling nina Megastar Sharon Cuneta at Ciara Sotto sa darating na elections?

 

 

Magkalaban kasi sa posisyon na Vice President ang dalawang tao na lubhang close sa kanilang dalawa.

 

 

Running mate ni Sen. Ping Lacson si Senate President Tito Sotto while si Sen. Kiko Pangilinan ay running mate ni VP Leni Robredo.

 

 

Sharon never hid the fact na close siya kay Tita Helen Gamboa niya and her uncle Tito who was responsible for making her a singer which paved her entry to showbiz.

 

 

Si Ciara naman ay very close din sa kanyang Ate Sharon.

 

 

Ano kaya ang kanilang saloobin na magkalaban sina Tito Sen at si Kiko sa second highest position in the land?

 

 

Pinag-uusapan kaya nina Ciara at Sharon ang politics in their private moment?

(RICKY CALDERON)

Pinoy, binasag ang world record sa larangan ng jump rope

Posted on: October 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nabasag ni Pinoy skipman Ryan Alonzo ang Guinness World Record sa pinakamaraming double under skip rope sa loob ng 12 oras kasabay ng isinagawang Jump to Greater Heights event.

 

 

Nilampasan ng binansagang ‘skipman’ ang 20,000 Guinness mark of double skips kung saan nakapagtala ito ng 40,980 skips sa event mula umaga hanggang alas-sais ng gabi.

 

 

Tumalon si Alonzo sa rope na may 720-degree revolution sa isang single jump.

 

 

Napag-alaman na hahit halos mangatog na ang tuhod at paa ni Alonzo, nagawa pa rin niyang malampasan ang nasabing world record.

Alert Level 3 para sa NCR may ‘good chance’, – Sec. Roque

Posted on: October 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HABANG patuloy na bumababa ang kaso ng Covid -19, sinabi ng Malakanyang na may “good chance” ang National Capital Region (NCR) na i-downgrade o ibaba sa Alert Level 3, stage ang bagong coronavirus (COVID-19) response system na ikinasa sa rehiyon.

 

Layon nito na payagan ang mas maraming negosyo at aktibidad para magbalik operasyon.

 

Ang pahayag na ito Presidential Spokesman Harry Roque ay kasunod ng ulat na ang reproduction rate ng virus sa Kalakhang Maynila ay bumaba sa 0.6 percent, habang ang positivity rate naman ay 13%.

 

Ani Sec. Roque, sa kamakailan lamang na pigura, ang NCR ay kuwalipikado para i- downgrade o ibaba ang Alert Level nito.

 

Kasalukuyang, nasa ilalim ng Alert Level 4 ang NCR hanggang Oktubre 15.

 

“For the first time po in many many months, ang Metro Manila po ay nasa moderate risk and that is also a factor to consider in lowering quarantine classification,” anito.

 

“I would say it’s a high chance of a lowering of alert level,” dagdag na pahayag nito.

 

Aniya, ang pag-downgrade sa alert level sa Kalakhang Maynila ay mahalaga para mas maraming tao ang makabalik sa kanilang trabaho.

 

Gayunman, sinabi ni Sec. Roque na depende pa rin ito sa desisyon ng Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

 

“Meron pong datos na nagpapakita that we can lower quarantine classification. Pero kasi nga po, ang eksperimento natin sa Metro Manila is a pilot, kinakailangan pag-aralan muna ang resulta ng pilot ,” anito.

 

“I would say po that the data supports a reduction of the alert level but that’s ultimately the decision of the IATF. Abangan na lang po natin,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Sa ilalim ng Alert Level 3, ang paggalaw, kabilang na ang intrazonal at interzonal travel, ang mga tao ay pinapayagan maliban na lamang para sa “reasonable restrictions” base sa edad at comorbidities ng dinetermina ng local government units (LGUs).

 

Ang mga Individual outdoor exercises ay papayagan sa lahat ng edad kahit pa ito’y may comorbidities o anuman ang vaccination status.

 

Mas maraming establisimyento at aktibidad naman ang papayagan na mag- operate na may maximum na 30% capacity. (Daris Jose)

Ex-DOH secretaries, doctors umapela kay Pres. Duterte na ‘wag harangan ang Senate probe

Posted on: October 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagsama-sama ang daan daang mga doktor maging ang ilang dating mga Health secretaries upang manawagan kay Pangulong Rodrigo Durterte na sana ay ‘wag harangin ang ginagawang imbestigasyon ng mga senador sa umano’y anomalya sa paggamit ng COVID-19 response.

 

 

Naglabas ng statement ang Philippine College of Physicians (PCP), na pinirmahan ng maging dating mga presidente katulad nina dating Health secretaries Carmencita Reodica, Manuel Dayrit, Enrique Ona Jr, Esperanza Cabral at Paulyn Ubial na umaapela kay Pangulong Duterte na ‘wag daw sanang pigilan ang ginagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa alegasyon na overpricing sa pagbili ng DBM at DOH ng personal protective equipments (PPEs) at iba pa. (Daris Jose)

PINAKAHIHINTAY NA 2ND TRANCHE SAP, NATANGGAP NA NG 3K NAVOTEÑOS

Posted on: October 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NATANGGAP na ng 3,003 Navoteño families ang kanilang pinakahihintay na second tranche emergency subsidy sa ilalim ng Bayanihan 1 Social Amelioration Program (SAP).

 

 

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)–National Capital Region, sa koordinasyon sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay sinimulan na ang pamamahagi ng P5,000 cash assistance bilang partial payout sa mga benepisyaryo.

 

 

Nasa 448 beneficiaries na ang mga pangalan ay kasama sa 51 mga liham na ipinadala ng Navotas sa DSWD-NCR, ay nakakuha na ng kanilang cash aid, Sabado. Ang natirang 2,555 ay matanggap ang kanilang second tranche sa October 11-18, 2021.

 

 

“Our constant follow-up and dogged perseverance have borne fruit at last! We are glad that beneficiary-families will now receive the cash assistance due to them. We will continue to coordinate with DSWD-NCR to address the appeals of other Navoteños who have yet to get their financial aid,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

Ang Bayanihan to Heal As One Act 1 ay nag-expire noong 2020 kaya gumawa ng paraan ang DSWD na makakuha ng pondo para sa P8,000 second tranche sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

 

 

Sa ilalim ng AICS, maximum lamang na P5,000 ang maaaring ibigay sa anumang indibidwal na beneficiary habang ang natirang P3,000 ay ipamamahagi ng DSWD sa ibang oras.

 

 

Noong Setyembre, 668 na pamilyang Navoteño ang nakatanggap ng kanilang pinakahihintay P8,000 na emergency cash assistance. Bahagi rin sila sa mga ipinadalang liham ni Tiangco sa DSWD. (Richard Mesa)

Irving, first time nakalaro na rin sa practice ng Brooklyn Nets

Posted on: October 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kinumpirma ng Brooklyn Nets na nakabalik na rin ngayong araw sa training camp ng koponan ang kanilang superstar point guard na si Kyrie Irving.

 

 

Una rito,inabot na rin ng apat na practice sessions na hindi pa nakakasali si Irving at isang pre-season games dahil sa isyu pa rin ng hindi nito pagpapabakuna

 

 

Aminado naman ang kanilang head coach na si Steve Nash, aasahan na raw nila na hindi rin makakasama sa mga home games si Irving.

 

 

Sa ngayon hindi pa nila sigurado kung ilang beses at kelan ito hindi maglalaro.

 

 

Kinumpirma rin ni Nash na hindi pa rin makakalaro bukas si Irving sa Philadelphia kung saan makakaharap ng Nets ang 76ers bilang bahagi ng preseason game.

 

 

Sa Huwebes ang huling preseason ng Nets sa kanilang home game laban sa Minnesota Timberwolves.

 

 

Kung hindi pa rin makakapagbakuna si Irving hindi na rin ito makakapaglaro kahit isang beses sa isang exhibition game.

 

 

Sa October 19 na ang muling pagbubukas ng bagong NBA season.

Initial rollout sa mga comorbidities na may edad na 12 hanggang 17 sa NCR, kasado na

Posted on: October 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL ‘steady” ang bakuna sa bansa, magsisimula na sa darating na Biyernes, Oktubre 15 ang initial rollout para sa mga may comorbidities na may edad mula 12 hanggang 17 sa National Capital Region (NCR).

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na magsisimula na ang pamahalaan sa juvenile vaccination.

 

Magsisimula na rin aniya ang pagbabakuna sa general population.

 

“So, lahat na po ay puwedeng magpabakuna,” pagtiyak ni Sec. Roque.

 

Ito aniya ay pagsunod sa naging kautusan ng Pangulo na nakasaad sa IATF resolution No. 141.

 

Sa ulat, sisimulan na ang pagbabakuna sa mga kabataang 12 hanggang 17 taong gulang na comorbidities laban sa coronavirus disease sa anim na Metro Manila hospitals simula sa Oktubre 15.

 

Sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na ang anim na ospital na gagamitin para sa pagbabakuna sa mga menor de edad ay ang Philippine Children’s Medical Center, National Children’s Hospital, Philippine Heart Center, Pasig City Children’s Hospital, Fe Del Mundo Medical Center at Philippine General Hospital.

 

“Ito po ay gagawin nating phased. Uunahin po natin yung 15 to 17 years old. And then ‘yung 12 to 14 years old,” ayon kay Galvez.

 

Sinabi pa ni Galvez na ang pagbabakuna sa mga kabataan sa nasabing edad ay palalawigin sa kalaunan sa mga piling Metro Manila local government units (LGUs).

 

“Itong pong mga [LGU] na ito ay ‘yung Manila, Pasig, Taguig, Makati, Quezon City, Mandaluyong. At after 30 days, magkakaroon na po tayo ng rollout sa buong NCR (National Capitla Region) at sa mga areas na meron na po tayong average na more than 50 percent na mga A2 (senior citizens),” ayon kay Galvez.

 

Sinabi ni Galvez na maglalaan ang pamahalaan ng 60 milyong vaccine doses para sa nationwide vaccination ng 26 hanggang 29 milyong kabataan na may edad na 12 hanggang 17 taong gulang.

 

Hindi naman nito tinukoy ang bilang ng mga kabataan na makikiisa sa pilot COVID-19 vaccination isa anim na Metro Manila hospitals.

 

“Ang initial natin sa pilot ay more or less ilang libo lang for the meantime. And then oobserbahan po natin. Once makita natin na walang major adverse effect, itutuloy po natin ‘yun. Gagawin po natin sa mga bata, phased at closely monitored, at saka talagang sequential,” ayon kay Galvez. (Daris Jose)

Malakanyang, mahigpit na naka-monitor sa bagyong Maring

Posted on: October 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGPIT na naka-monitor ang Malakanyang sa nagpapatuloy na operasyon sa Tropical Storm Maring habang patuloy itong kumikilos palabas ng Northern Luzon.

 

Ang rescue personnel at teams mula sa local government units ay nasa lugar upang ang lahat ng requests para sa rescue at assistance ay kaagad na maaksyunan ng lahat ng may kinalaman na ahensiya.

 

Ang suporta mula sa Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, Philippine National Police at Bureau of Fire Protection ay pnakilos na rin at itinalaga.

 

“As of October 12, 2021, 6AM, 465 families or 1, 585 persons in Regions 2 and 8 have been pre-emptively evacuated,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

 

“As of October 10, 2021,” ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay mayroong mahigit na P128-M Standby Funds.

 

Idagdag pa rito ang 373, 737 na available na Family Food Packs na nagkakahalaga ng mahigit sa P219-M.

 

Ang suplay ng kuryente at tubig ay muling naibalik habang ang clearing operations sa mga lansangan ay nagpapatuloy sa mga apektadong lugar ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

 

“We ask the public to continue to take precautionary measures, observe minimum public health standards, and cooperate with their respective local authorities in case of an evacuation,” ang panawagan ng Malakanyang. (Daris Jose)

Rabies data shared system, inilunsad ng JAPOHR-JICA, DOH at Bulacan

Posted on: October 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS- Inilunsad ng Japan and Philippines One Health Rabies project-Japan International Cooperation Agency (JAPOHR-JICA) at ng Kagawaran ng Kalusugan sa pakikipagtulungan ng Research Institute for Tropical Medicine at lalawigan ng Bulacan ang Rabies Data Shared System sa ginanap na pagdiriwang ng World Rabies Day 2021 kamakailan.

 

 

Sinabi ni Akira Nishizono, chief adviser ng JAPOHR-JICA mula sa Oita University, na Bulacan ang unang lugar sa buong mundo na gagamit ng naturang sistema.

 

 

“OITA university is the major partner to develop this shared system. I believe this system will provide all supportive information that ensure we’re not left behind from rabies free world. Let’s work together to eliminate rabies by 2030,” ani Nishizono.

 

 

Determinado naman si Gob. Daniel R. Fernando na makamit ang rabies-free Bulacan at nagpasalamat sa pagsisikap ng mga ahensya na walang sawang nagtataguyod sa pagkakaroon ng malusog na Bulacan.

 

 

“Maraming salamat po sa lahat ng mga ahensiya at organisasyon na patuloy na umaalalay sa atin upang makamit ang isang malusog na lalawigan tulad na lamang ng pagiging rabies-free ng Bulacan. Kaisa po ninyo ako sa inyong patuloy na pagpapahalaga sa kalusugan ng ating mga mamamayan na siyang kayamanan ng ating lalawigan. Naniniwala po ako na ang malusog na lipunan ay pundasyon ng totoong kaunlaran at katiwasayan,” pahayag ni Fernando.

 

 

Samantala, sinabi ni Dr. Beatriz Quiambao, chief ng clinical research division ng RITM at project coordinator ng JAPOHR sa Pilipinas, na isa itong ‘game changer’ sa laban kontra rabis.

 

 

“The rabies data shared system application that JAPOHR developed will allow sharing of information to enable a quick response to confirmed animal rabies case and will enhance collaboration between the animal and human health side. We expect to implement it and eventually reach our shared goal of establishing a one health rabies network in Bulacan that can be replicated in other provinces,” ani Quiambao.

 

 

Ayon naman kay Dr. Reildrin Morales, direktor ng Bureau of Animal Industry ng Kagawaran ng Agrikultura, na naaayon ang tema ngayong taon na “Facts not Fear” sa kasalukuyang kalagayan ng mundo.

 

 

“Despite the pandemic, it is important that we should not lose focus of eliminating rabies. We can help save lives by sharing the right information about rabies,” dagdag pa ni Morales.

 

 

Sa tala ng Provincial Veterinary Office, nakapagbakuna sila ng 55,829 na mga alagang hayop noong 2020 at 63,329 hanggang Setyembre 20 nitong 2021; nakapagsagawa ng 333 na maramihang pagkakapon noong 2020 at 97 para sa 2021; nagsagawa ng rabies test at nagsumite ng samples sa DA-RFO3 para sa kumpirmasyon kung saan saan sa pitong samples noong 2020, apat ang nagpositibo at sa 10 samples ngayong taon, anim ang nagpositibo sa rabis.

 

 

Samantala, siyam na katao naman ang naitalang nasawi dahil sa rabis noong 2018, anim noong 2019, pito noong 2020 at 11 sa unang semester ng 2021 habang 33,249 ang naitalang nakagat ng hayop noong 2018, 34,082 noong 2019, 35,691 noong 2020 at 21,971 noong unang semester ng 2021.

 

 

Ibinahagi din ni Provincial Health Officer Dr. Jocelyn Gomez ang mga dapat gawin matapos makagat ng aso kabilang ang paghuhugas sa umaagos na tubig ng nakagat na bahagi sa loob ng 10-15 minuto at agad na magtungo sa pinakamalapit na Animal Bite Treatment Center (ABTC), habang sinabi naman ni Provincial Veterinarian Dr. Voltaire Basinang na mahalaga din ang pag-quarantine sa aso ng hindi bababa sa 10 araw. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)