• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 19th, 2021

DOMINIC, sinorpresa si BEA ng isang brown-haired Poodle puppy

Posted on: October 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINORPRESA ni Dominic Roque ang girlfriend na si Bea Alonzo sa nakaraang birthday nito ng isang brown-haired Poodle puppy.

 

 

Isang fur mom kasi si Bea at alam ni Dominic na matutuwa ito sa kanyang niregalong puppy dog.

 

 

Sa Instagram Stories ni Bea, pinost niya ang bago niyang fur baby at humingi ito ng suggestion mula sa kanyang followers kung ano ang magandang ipangalan dito?

 

 

May alaga nang White Maltese dog si Bea na ang pangalan ay Walter White.

 

 

Noong magkaroon daw ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic last year, si Walter White ang naging constant companion niya.

 

 

Kasama rin daw ito ni Bea matulog sa kanyang kama, sabay din silang kumain at pati sa pag-workout.

 

 

Nasama na rin niya si Walter White sa isang print ad endorsement niya.

 

 

Ngayon ay dalawa na ang fur babies niya, doble na ang aalagaan niya na parang mga anak niya.

 

 

***

 

 

UNTI-UNTI na raw nakakawala si Mavy Legaspi sa tandem nila ng twin sister niyang si Cassy Legaspi.

 

 

May kanya-kanya na raw silang solo careers at hindi raw forever na makikilala sila at Cassy & Mavy.

 

 

“Masaya ako kasi may career path na ako na solo. Si Cassy may career path na rin. I am very happy and siyempre ‘yung first projects ko kasama ko ‘yung mga close sa aking buhay,” sey ni Mavy.

 

 

Pinaka-excited si Mavy sa pagganap bilang Basti sa I Left My Heart in Sorsogon.

 

 

“I am very happy and I am very excited na you’ll get to watch I Left My Heart in Sorsogon very soon.”

 

 

Bukod sa naturang teleserye, parte pa rin si Mavy ng Sarap, ‘Di Ba?

 

 

***

 

 

UMABOT na sa 9.8 million views ang official trailer ng Scream 5 after itong ilabas noong nakaraang October 12.

 

 

Ang Scream ang pinaka-successful na slasher film noong ’90s at muli itong magbabalik with the original cast na sina Neve Campbell as Sidney Prescott, David Arquette as Deputy Dewey Riley and Friends star Courteney Cox as Gale     Weathers. Sasamahan sila ng Hollywood Gen-Z stars na sina Kyle Gallner, Mason Gooding, Mikey Madison, Dylan Minnette, Jenna Ortega, Jasmin Savoy Brown, Sonia Ammar, Jack Quaid and Melissa Barrera.

 

 

Nagkaroon ng apat na pelikula ang Scream at nag-gross ang mga ito ng higit sa $608 million sa worldwide box-office.

 

 

Sa reboot ng naturang slasher film, hindi na si Wes Craven ang direktor nito dahil pumanaw na ito noong 2015. Sina Matt Bettinelli-Olpin and Tyler Gillett ang humawak ng project at naging faithful sila sa na-create na characters ni Kevin Williamson na siyang executive producer ng Scream 5 na magpi- premiere in theaters sa January 14, 2022.

(RUEL J. MENDOZA)

VCO trials nagpakita nang malaking pagbaba ng virus count sa mild COVID-19 cases

Posted on: October 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakitaan ng malaking pagbawasa sa coronavirus count ng mga pasyenteng nakibahagi sa community trials para sa virgin coconut oil (VCO) bilang adjunct treatment sa mild COVID-19 cases.

 

 

Ayon kay Department of Science and Technology Undersecretary (DOST) Rowena Guevarra, sa pag-aaral sa isang pasilidad sa Sta. Rosa, Laguna lumalabas na binawasan ng VCO ng 60 hanggang 90 percent ang virus count sa mild cases ng COVID-19.

 

 

Ang trials na ito ay ginawa rin sa iba pang mga komunidad sa lungsod ng Valenzuela at Mandaluyo.

 

 

Nakita aniya sa mga community trials na ito na umiikli ng nasa limang araw ang paggaling ng mga pasyente na tinamaan ng COVID-19.

 

 

Samantala, pagdating naman sa clinical trials na ginagawa ng Philippine General Hospital para sa mga mild at sever cases, sinabi ni Guevarra na ina-analyze pa ang resulta nito at sa katapusan pa ng Oktubre o pagsapit ng Nobyermbre pa malalaman ng publiko ang resulta ng trial na ito.

Pinas, in- update ang ‘Red, Green, Yellow’ list, Covid-19 protocols

Posted on: October 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BINAGO at in-update ng Pilipinas ang roster ng “red, yellow, at green” countries/ jurisdictions at maging ang  testing at quarantine protocols para sa pagdating ng mga pasahero.

 

 

Ang  red, yellow at green list ay in-update sa nangyaring  pulong ng mga miyembro ng   Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

 

 

Sa isang press statement, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang  Romania ay ang tanging bansa na kasama sa red list.

 

 

Sa kabilang dako, mayroong 49 ‘states and jurisdictions’ sa green list.

 

 

Kabilang sa  green list ang Algeria, American Samoa, Bhutan, Burkina Faso, Cameroon, Cayman Islands, Chad, China (Mainland), Comoros, Republic of the Congo, Cook Islands, Eritrea, Falkland Islands (Malvinas), Gibraltar, Hong Kong (Special Administrative Region of China), Kiribati, Madagascar, Mali, Marshall Islands, Federated States of Micronesia, Montserrat, Nauru, New Zealand, Nicaragua, Niger, Niue, North Korea, Northern Mariana Islands, Palau, Poland, Saba (Special Municipality of the Kingdom of the Netherlands), Saint Helena, Saint Pierre and Miquelon, Samoa, Sierra Leone, Sint Eustatius, Solomon Islands, Sudan, Syria, Taiwan, Tajikistan, Tanzania, Tokelau, Tonga, Turkmenistan, Tuvalu, Uzbekistan, Vanuatu at Yemen.

 

 

Ang lahat ng iba pang bansa, nasasakupan, o teritorto ay nakalista sa ilalim ng  yellow list.

 

 

Ang  updated roster ay magiging epektibo mula  Oktubre 16 hanggang  31. (Daris Jose)

Mahigit 1.1K kabataan, binakunahan sa pilot pediatric vax

Posted on: October 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT sa  1,000 menor de edad na may edad na 15 hanggang 17  binakunahan na bilang bahagi ng  pilot pediatric vaccination.

 

 

Ito ang ulat ng  National Task Force (NTF) Against Covid-19.

 

 

Sinimulan ng pamahalaan ang  rollout sa 8 ospital sa iba’t ibang bahagi ng Kalakhang Maynila na nagsimula noong Oktubre 15, gamit ang  Pfizer-BioNTech vaccine, isa sa mga bakunang inaprubahan ng  Food and Drug Administration para sa mga kabataang ang edad ay 12 hanggang 17.

 

 

“We started the vaccination of children and we used Pfizer vaccine for 15 to 17 years old. Eight hospitals did the vaccination and a total of 1,153 children below 18 years old have been vaccinated. That’s only as of today,” ayon naman kay NTF medical adviser Dr. Teodoro Herbosa sa isang panayam sa Ninoy Aquino International Airport.

 

 

Si Herbosa, kasama si United States Embassy Cultural Affairs Officer Nina Lewis,  ay winelcome ang pagdating ng 862,290 Pfizer-BioNTech doses, na bahagi ng  2,290,860 government-procured doses na nakatakdang dalhin sa   Davao, Cebu, at Maynila  Oktubre 14 hanggang 16.

 

 

“Noting this increase in Pfizer supply, the government is on track to vaccinate children aged 12 years to 14 years by next week and those outside Metro Manila no later than November 5,” anito.

 

 

“We’re very happy that the US continues to support us in the national vaccine program. They’re our biggest partner in the arrival of vaccines both through the COVAX (Facility) and through the procured vaccine,” dagdag na pahayag ni Herbosa. (Daris Jose)

LIQUOR BAN, INALIS NA SA NAVOTAS

Posted on: October 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAKARAANG ibaba sa alert level 3 ang Metro Manila, tinanggal na ng Pamahalaang Lokal ng Navotas ang liquor ban sa lungsod kasabay ng pagbaba ng mga kaso ng Covid-19.

 

 

Sa bisa ng City Ordinance No. 2021-56 na ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ng Navotas at pinirmahan ni Mayor Toby Tiangco ay ipinawalang-bisa na ang liquor ban sa lungsod.

 

 

Pero paalala ni Tiangco, mananatiling bawal ang pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar base sa Municipal Ordinance 2002-06, babilang dito ang mga daanan at bangketa.

 

 

Gayunman, pwedeng magbenta, bumili, o uminom ng alak sa inyong bahay o sa mga establisimyentong authorized na magserve ng alak.

 

 

Paalala pa niya, manatiling mag-ingat para tuloy-tuloy na ang pagbaba ng mga kaso pati na ang pagluwag pa ng mga restrictions. (Richard Mesa)

Mga doktor kabado sa Alert Level 3 sa Metro Manila

Posted on: October 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nangangamba ang mga doktor sa bansa sa desisyon ng pamahalaan na ibaba ang Alert Level 3 sa Metro Manila kahit na hindi pa umano nakakahinga ang mga doktor matapos ang ‘surge’ sa mga kaso ng COVID-19.

 

 

Sinabi ni Dr. Maricar Limpin, pangulo ng Philippine College of Physicians, na nag-aalala rin sila na baka hindi agad makaresponde ang pamahalaan kapag muling tumaas ang mga impeksyon dahil sa kakulangan na ng mga healthcare workers.

 

 

“Medyo nangangamba kami na itong pagluwag na ito, base sa nakaraan, every time na nagluluwag tayo, medyo may kasamang pagkalimot ang ating mga kababayan,” ayon kay Limpin.

 

 

Sa kabila ng pagbaba ng mga kaso, marami pa rin umanong natitira sa mga pagamutan na malulubha ang kundisyon.

 

 

“Puno pa rin kami, ma­dami pa rin ang COVID-19 cases natin. Puno ang ICU (intensive care unit), emergency wards, although di na talaga siya tulad ng dati. Within the day, naa-admit na namin ang kailangan namin i-admit,” ayon sa doktora.

 

 

“Except kung sabihin natin nakakahinga na kami, di pa rin kami nakakahinga sa ngayon.”

 

 

Marami ring ospital ang kulang sa tauhan dahil sa pagbibitiw ng marami at pagtungo sa ibang bansa lalo na sa United Kingdom at sa Estados Unidos na mas malaki ang suweldo.

 

 

Kung dati, umaasa sila na ang mga bagong doktor at nurse ang humahalili sa mga umaalis ng bansa, sa ngayon ay hindi ito maaari dahil sa kanselado ang eksaminas­yon ng Professional Regulatory Commission (PRC). (Gene Adsuara)

Ads October 19, 2021

Posted on: October 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Walang fare hike

Posted on: October 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi kinatigan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang panawagan ng mga transport groups na magkaron ng pagtaas ng pamasahe sa public utility jeepneys (PUJs).

 

 

Ito ang sinabi ni Tugade sa isang panayam na ginawa noong nagkaron ng signing ng memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng DOTr at Department of Labor and Employment (DOLE) para sa proyektong “enTSUPERneur.”

 

 

“If it is up to me, as of today, I do not want increase in fares because the majority will be affected by that. I am not fighting the few, but I am protecting the many,” wika ni Tugade.

 

 

Sinabi rin ni Tugade na ipagpapatuloy niya ang kanyang pananaw at opinyon na walang fare hike na mangyayari ngayon panahon ng pandemya. Marami pa naman na ibang paraan upang matulungan ang mga drivers at operators ng mga PUJs.

 

 

Isa na rito ang kanilang inilungsad na proyekto na tinawag na “enTSUPERneur” kung saan ang mga naakpektuhan na mga transport workers ay bibigyan ng pagkakataon na magtayo ng kanilang sariling Negosyo sa pamamagitan ng livelihood assistance at pagbibigay ng financial capital.

 

 

Kasama sa programang ito ang pagbibigay ng mga trainings tungkol sa entrepreneurial-related na kaalaman, business management orientation, business capital, micro-insurance at iba pang support at monitoring activities.

 

 

“This livelihood assistance program is an addition to the social support mechanism that we have put in place. Similar to the “Tsuper Iskolar” beneficiaries are the drivers and operators who are affected by the Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) so that they will be given alternative livelihood,” ayon naman kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board chairman Martin Delgra.

 

 

May approved na pondo ang proyekto na nagkakahalaga ng P200 million na ayon sa DOTr ay kanilang ibibigay bilang isang benipisyo na nakalaan sa may 6,333 na drivers at operators na mawawalan ng trabaho dahil sa resulta ng local public transport route planning at route rationalization study na ginawa ng LTFRB at Office of Transportation Cooperatives (OTC).

 

 

Ayon naman kay DOLE secretary Silvestre Bello kung saan ang DOLE ang magiging lead agency sa nasabing programa, ay bibigyan sila ng pondo mula sa DOTr upang gamitin ito sa pagbibigay ng tulong pangkabuhayan sa mga drivers, mechanics, conductors at operators. Maaari nilang gamitin ang perang ibibigay sa kanila sa pagtatayo ng sari-sari store o iba pang negosyo kung saan sila ay kikita.

 

 

Sinabi naman ng Department of Energy (DOE) na nakikipagusap sila sa LTFRB para sa price evaluation na kanilang ginagawa bilang kasagutan sa hiling ng transport sector para sa pagtataas ng pamasahe sa PUJs.

 

 

“In case a fare hike will not be possible, the DOE and LTFRB are discussing the computation of possible additional cash aid that may be distributed in place of the fare increase,” saad ni DOE secretary Alfonso Cusi.

 

 

Humihingi ang Pasang Masda ng P3 pesos na increase mula sa P9 pesos na pamasahe kung saan ito ay magiging P12 pesos. Pahayag naman ng LTFRB na kung papayagan ang pagtataas ng pamasahe, ang kanilang mabibigay na dagdag ay P1.26 pesos lamang base sa kanilang computation.

 

 

“While we are commiserating with jeepney operators and drivers who are plying their routes at only 50 percent capacity, we need to strike a balance because of the crisis by the COVID-19 pandemic,” ayon sa LTFRB. LASACMAR

WHO, suportado ang third Covid-19 dose

Posted on: October 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INIREKOMENDA ng World Health Organization (WHO), araw ng Huwebes ang pagbabakuna ng third dose ng COVID-19 vaccine para sa mg taong may immunocompromised condition o hindi kayang makapag- develop ng full immunity matapos ang dalawang doses.

 

“We are now in a position to say that for people with immunocompromised conditions who have been unable to develop full immunity, WHO is supporting a third dose as an extended primary course,” ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque.

 

“Even if they are less than 60 years old, we will advocate for the third dose,” dagdag na pahayag nito.

 

Paglilinaw ni Abeyasinghe, ang third dose ay iba mula sa boosters para sa general population.

 

Sinabi pa niya na inirekomenda ng WHO ang third dose para sa mga taong kabilang sa A2 population, o elderly population, na nakatanggap ng primary vaccination course gamit ang Sinovac o Sinopharm na makatanggap ng third dose ng kahalintulad na vaccine brand “to potentiate its immunogenicity.”

 

“Our recommendation now is that in addition to immunocompromised individuals, that we include all individuals who have received primary vaccination course of two doses with Sinovac or Sinopharm to receive a third dose, provided it’s more than three months since the completion of the first two doses,” paglilinaw pa rin ni Abeyasinghe.

 

“We don’t have a recommendation for general population,” dagdag na pahayag ni Abeyasinghe. (Daris Jose)

2 TULAK TIMBOG SA P1-MILYON SHABU SA NAVOTAS

Posted on: October 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NASAMSAM sa dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga ang mahigit P1 milyon halaga ng shabu matapos matimbog sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Lean Balauro, 32, (Pusher/listed), at Dave Abila, 25, kapwa ng C. Perez, Samatom Brgy. Tonsuya, Malabon City.

 

 

Sa report ni Col. Ollaging kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Jose Hidalgo Jr., dakong alas-10:52 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr. ng buy-bust operation sa kahabaan ng C4 Road., Brgy. Bagumbayan North.

 

 

Isang undercover police na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P10,000 halaga ng droga.

 

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.

 

 

Nakuha sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 150 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P1,020,000.00, buy-bust money na isang tunay na P1,000 bill at 9 pirasong P1,000 boodle money, P300 cash at belt bag.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)