• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 27th, 2021

PNP chief sa mga courier services:’Kilatisin mabuti ang mga rider’

Posted on: October 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pina-alalahanan ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang mga delivery at courier service companies na kilatisin muna ng mabuti ang kanilang mga kinukuhang delivery riders para masigurado na hindi nagagamit ang kanilang kumpanya sa mga iligal na transaksiyon at lalo na ang paghahatid ng mga kontrabando.

 

 

Hinimok naman ng PNP ang mga delivery at courier companies na agad ipagbigay alam sa mga awtoridad sakaling may matunugan silang ganitong mga modus nang sa gayon agad ito maaksiyunan.

 

 

Magugunita na isang delivery driver ang naaresto ng mga tauhan ng PNP at PDEA sa ikinasang buybust operation sa Barangay 84 Caloocan City. Nakilala ang suspek na si Arturo Dela Cruz, 38-anyos.

 

 

Nakumpiska sa kaniyang posisyon ang nasa 500 grams na shabu na nagkakahalaga ng P3.4-M.

 

 

Inatasan na rin Eleazar ang PDEG na imbestigahan ang nasabing kaso para malaman ang operasyon ng suspek. Inaalam na rin ng PNP kung sino ang supplier ng suspek at kung saan nito idi-deliver ang nasabing iligal na droga.

 

 

Kasalukuyang nasa kustodiya ngayon ng PDEA ang suspek at nahaharap sa kasong illegal drugs.

 

 

Pinuri naman ni Eleazar ang matagumpay na joint operations ng PNP at PDEA.

Pacquiao nakalaro ng bilyar sina Bata at Djanggo

Posted on: October 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagpahayag ng suporta ang dalawang billiard legend ng bansa na sina Efren “Bata” Reyes at Francisco “Djanggo” Bustamante kay Senador Manny Pacquiao.

 

 

Nakaharap ng Filipino boxing champion ang dalawang billiard legend kung saan naglaro pa ang mga ito ng billiard.

 

 

Itinaas nina Reyes at Bustamante ang kamay ni Pacquiao na nagpapakita ng suporta sa pagtakbo nito sa pagkapangulo sa 2022 elections.

 

 

Sina Reyes at Bustamante ay nakilala sa larangan ng billiard hindi lamang sa bansa at maging sa ibang bansa.

Helper itinumba ng riding-in-tandem sa harap ng live-in partner

Posted on: October 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang isang 30-anyos na helper matapos pagbabarilin sa harap mismo ng kanyang live-in partner ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek na sakay ng isang motorsiklo sa Malabon City, kahapon ng umaga.

 

 

Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo ang biktima na kinilalang si Cristalino Valino, residente ng 0953 Samaton, C. Perez Street, Barangay Tonsuya.

 

 

Batay sa report nina PCpl Renz Marlon Baniqued at PCpl Rocky Pagindas kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-9:16 ng umaga nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Pilapil Street, Barangay Tonsuya.

 

 

Sa inisyal na imbestigasyon, naglalakad ang biktima kasama ang kanyang live-in partner na si Airralyn Magdaraog, 26, sa naturang lugar nang lapitan siya ng hindi kilalang suspek at dalawang beses na binaril sa ulo.

 

 

Matapos ang insidente, naglakad ang gunman patungo sa kanyang kasabwat na nagmamaneho ng kanilang getaway motorsiklo saka mabilis na nagsitakas sa hindi matukoy na direksyon.

 

 

Narekober ng rumespondeng mga tauhan ng SOCO sa crime scene ang dalawang basyo ng bala at isang fired bullet mula sa hindi pa matukoy na uri ng baril.

 

 

Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ang motibo sa insidente. (Richard Mesa)

Ads October 27, 2021

Posted on: October 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

P1-B fuel subsidy para sa mga PUV drivers at operators, hindi sapat – transport group

Posted on: October 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Labis na ikinatuwa ng grupo ng mga tsuper ang pagbibigay ng inter-agency Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng P1 billion na cash grants para sa mga public utility vehicle (PUV) drivers.

 

 

Gayunman, ayon kay Obet Martin, Pasang Masda president ang P1 billion ay hindi sapat para sa mga drivers at operators.

 

 

Base raw sa kanyang computation kung hahati-hatiin ang P1 billion sa bilang ng mga drivers kasama ang kanilang mga operators ay papalo lamang sa P2,500 ang matatanggap ng bawat isa.

 

 

Kalahati lamang ito sa hirit nilang P5,000 na ayuda para sa mga tsuper ng PUV sa buong kapuluan.

 

 

Dahil dito, suportado ng grupo ang hakbang ng Department of Transportation (DoTr) sa hirit ng mga ito sa Inter Agency Task Force (IATF) na dagdagan ang sitting capacity sa mga PUVs mula sa 50 percent sa 100 percent para makabawi naman daw ang mga drivers sa kanilang kinikita sa araw-araw.

 

 

 

Ayon kay DoTr Assistant Secretary Mark Steven Pastor, ang kanilang hirit ay dahil na rin sa sunod-sunod na pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo.

 

 

Aniya, ayaw daw nilang tumaas ang pamasahe dahil para sa kanila, wala raw kinalaman ang mga commuters sa pagtaas ng presyo ng petrolyo.

 

 

Kaya naman ayaw daw nilang ang mga commuters ang pumasan sa linggo-linggong oil price hike.

 

 

Dahil dito, noong Biyernes ay nagsumite raw ang mga ito sa IATF ng kanilang formal position paper na dagdagan ang sitting capacity mula sa 50 percent sa 100 percent.

 

 

Pero ito ay base naman daw sa tinatawag na medical literature na available sa ngayon lalo na’t niluwagan na ang alert level sa National Capital Region (NCR).

 

 

Nakahanda naman daw nilang dipensahan ang kanilang posisyon sa Huwebes dahil ikinokonsidera rin umano nila hindi lang ang isyu sa public transportation kundi pati ang isyu sa public health. (Gene Adsuara)

WHO naalarma na, 180,000 healthcare workers namatay dahil sa COVID-19

Posted on: October 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nababahala na ang World Health Organization (WHO) na maaaring madagdagan pa ang bilang ng mga healthcare workers sa buong mundo kapag kulang ang bakunahan.

 

 

Sinabi ni WHO head Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus na kailangang prayoridad na bakunahan ang mga healthcare workers dahil nasa 80,000 hanggang 180,000 na ang mga healthcare workers na namatay dahil sa COVID-19 mula January 2020 hanggang buwan ng Mayo nitong taon.

 

 

Sinabi nito na maaaring isa sa mga dahilan kung bakit dumarami ang bilang ng mga namatay na healthcare staff ay dahil sa hindi pantay na distribution ng mga bakuna.

 

 

Dahil dito, hinimok ng WHO ang mga bansa na gawing prayoridad sa bakunahan ang mga healthcare workers.

 

 

Napag-alaman na tinatayang nasa 135 million healthcare workers sa buong mundo.

BIG-SCREEN ADVENTURE “DUNE” OPENS IN PH CINEMAS NOV 10

Posted on: October 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

AFTER an eternity of cinema closure, the time has come to experience Dune on the big screen the way it’s meant to be seen. 

 

 

Warner Bros. Philippines is happy to announce that the epic adventure will open exclusively in Philippine theaters on Wednesday, November 10.

 

 

As director Denis Villenueve (“Blade Runner 2049,” “Arrival”) has said: “`Dune’ has been made, designed, dreamed to be seen on a big screen.”

 

 

[Watch the “Dune – Big Screen Experience” featurette at https://youtu.be/wn9GLUzEyf4]

 

 

     The Academy Award nominated filmmaker directs Warner Bros. Pictures and Legendary Pictures’ Dune, the big-screen adaptation of Frank Herbert’s seminal bestseller, considered one of the most influential books of the 20th century and credited with inspiring many of the greatest films of all time.

 

 

A mythic and emotionally charged hero’s journey, Dune tells the story of Paul Atreides, a brilliant and gifted young man born into a great destiny beyond his understanding, who must travel to the most dangerous planet in the universe to ensure the future of his family and his people. As malevolent forces explode into conflict over the planet’s exclusive supply of the most precious resource in existence—a commodity capable of unlocking humanity’s greatest potential—only those who can conquer their fear will survive.

 

 

     “I discovered the book in my teenage years and I remember being totally fascinated by its poetry, by what it was saying about nature—the true main character of Dune,” Villeneuve relates.

 

 

“Frank Herbert’s view of nature was absolutely mesmerizing—all those beautiful ecosystems he created.  His exploration of the impact and chaos caused by colonialism was a portrait of the 20th century that is still relevant today.  And through all of this was a young man struggling with his identity, trying to find his way in the world, as I was doing myself.  The way Paul discovers his identity through another culture was, for me, amazing.”

 

 

     Villeneuve’s big screen adaptation fully immerses the audience in this profoundly moving story of Paul’s coming of age set against family rivalries, tribal clashes, social oppression and ecological disaster on the unforgiving, austere planet, creating a fantastical cinematic experience that is both epic and intimate.

 

 

When it came to casting the many roles, Villeneuve and the producers assembled an astonishing list of actors to fill the coveted roles, including Timothée Chalamet as our hero, Paul Atreides, alongside Rebecca Ferguson, Oscar Isaac, Josh Brolin, Zendaya, Jason Momoa, Javier Bardem, David Bautista and many more.

 

 

“To my great pleasure, most of my first choices were available and willing to embark on this journey with me,” Villeneuve smiles.

 

 

Acclaimed screenwriters Jon Spaihts and Eric Roth, as well as Villeneuve, tackled the daunting adaptation of Herbert’s novel.

 

 

Spaihts offers, “This was a chance of a lifetime for me.  I first read Dune at probably 12 or 13, and at that age I was struck by it almost like scripture; it felt like one of the most profound things that I had read and became one of my annual reads, like The Lord of the Rings.”

 

 

     “I was a fan,” Roth states.  “It has all the ingredients that come together to create a wonderful alchemy of storytelling: what happens to planet Arrakis, the father-son and mother-son storylines, the fact that women are very powerful… It seems modern and all of a sudden very pressing, and he wrote it in the `60s.”

 

 

     “To me, ‘Dune’ is a psychological thriller, an adventure, a war movie, a coming-of-age movie.  It’s even a love story,” concludes Villeneuve, who at last is able to fulfill his lifelong dream of bringing the landmark work with its complex mythology to life.

 

 

“There’s a reason the book stayed on my shelf, beside my bed, all those years.”

 

 

Only in cinemas starting Nov. 10, Dune is distributed in the Philippines by Warner Bros. Pictures, a WarnerMedia Company.

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #DuneMovie

(ROHN ROMULO)

Nakitang lapses sa anti-drug campaign ng pamahalaan, nothing is perfect- Roque

Posted on: October 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NOTHING is perfect.

 

Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa naging pahayag ni Vice-President Leni Robredo na nagkaroon ng “lapses” sa anti-drug campaign ng pamahalaan matapos ilabas ng Department of Justice (DoJ) ang 20-pahinang detalye ng 52 drug war cases mula sa PNP na nirebyu ng departamento.

 

“Well, I think like any other government program, we cannot claim to be perfect. Pero ang sinasabi natin, huwag naman iyong gawain ng ilang mga bugok ay maapektuhan iyong buong programa. At saka itong desisyon ng ating DOJ, nagpapatunay nga po na ginagampanan natin iyong ating obligasyon bilang estado na kapag mayroon pong napatay ay iimbestigahan, lilitisin at paparusahan ang mga pumapatay,” ayon kay Sec. Roque.

 

“So, nothing is perfect and itong findings ng DOJ proves that the Philippines nga po is undertaking and performing its obligation in so far as the right to life is concerned,” dagdag na pahayag nito.

 

Nauna rito, sa kanyang weekly radio program, winelcome ni Robredo ang initial report ng DoJ, idinagdag nito na makapagbibigay ito ng garantiya na mananagot ang mga responsable sa drug-related killings.

 

“Actually, ‘di pa tapos ang imbestigasyon ng DOJ pero ang initial findings kino-confirm niya lang ‘yung alam nating matagal na maraming lapses,” ayon kay Robredo.

 

“Tapos ‘yung initial na nilabas na findings ‘yung sinabing pinatay kasi nanlaban. Sabi ng DOJ, walang ebidensiya na humawak ng baril, walang ebidensiya na nagpaputok ng baril gaya ng claim doon sa reports,” dagdag na pahayag nito.

 

Sa ulat, sa initial findings ng DoJ, makikitang ang mga nasabing kaso ay kinasasangkutan ng mga pulis sa anti illegal drugs operations mula 2016 hanggang 2020 kung saan may namatay o nasugatan na suspek.

 

Naglalaman ang summary ng mga kaso ng pangalan ng mga namatay na suspek, petsa at lugar ng insidente, rekomendasyon ng PNP Internal Affairs Service laban sa mga police respondents at ang obserbasyon ng DOJ Review Panel.

 

Hindi kasama sa impormasyon ang pangalan ng mga pulis na sangkot.

 

Bukod sa buy-bust operations, ang mga insidente ng pagkamatay ay nangyari sa implementasyon ng search o arrest warrant.

 

Isa naman sa 52 kaso ay walang napaslang kundi sugatan lang ang mga suspek.

 

Nagpasya ang DOJ na isapubliko ang mga nasabing impormasyon para maipaalam sa pamilya ng mga namatay na suspek na dinidetermina ang posibleng kriminal na pananagutan ng mga pulis sa sirkumstanya na pumapalibot sa bawat insidente ng pagkamatay.

 

Umaasa ang DOJ na mahimok din ang iba pang testigo na lumantad at magbigay ng salaysay sa NBI ukol sa kanilang nalalaman sa mga nasabing kaso para sa ikareresolba nito.

 

Sinabi pa ng DOJ na batid nito ang importansya ng transparency sa ginagawang pagrebyu ng gobyerno sa war on drugs.

 

Una na ring hinimok ng UN High Commissioner for Human Rights ang DOJ na ilahad sa publiko ang findings nito sa drug war killings.

 

Ikinatuwa ng ilang human rights advocates at grupo ng mga abogado ang inilabas na review sa 52 drug war cases na ipinasa ng Philippine National Police – Internal Affair Services (PNP-IAS) at ginawa ng mga panel mula sa Department of Justice (DOJ).

 

Pero bagama’t mabuti ang naging resulta ay nakulangan ang mga ito sa datos.

 

Ayon sa Free Legal Assistance Group (FLAG), hindi sapat ang 52 kaso at hindi alinsunod sa obligasyon ng Pilipinas sa ilalim ng International Law.

 

Para naman kay National Union of People’s Lawyers chairperson Neri Colmenares, mas marami pang insidente ang nangangailangan ng mas malalim na imbestigasyon.

 

Resulta rin aniya ang inilabas na datos na mayroon talagang pang-aabuso sa kapangyarihan ang mga pulis sa pagsasagawa ng Anti-illegal drugs operations.

 

Para naman kay Human Rights Watch senior researcher Carlos Conde, malinaw sa resulta ng drug war review na may polisiya ng pagpatay na utos ni Pangulong Rodrigo Duterte. (Daris Jose)

GLAIZA, personal na tinanggap ang Best Film award ng TOHORROR Fantastic Film Festival para sa movie na ‘Midnight In A Perfect World’

Posted on: October 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KASALUKUYANG pinapasyalan ng engaged couple na sina Glaiza de Castro at David Rainey ang different places sa Italy para sa kanilang pre-nuptial shoots sa nalalapit nilang wedding.   

 

 

At isa sa napuntahan nila at ipinost ni Glaiza sa Instagram niya ang Como, Italy, the same places kung saan doon nag-shoot ng kanilang first movie ang phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza in 2016, ng Imagine You & Me.

 

 

Tamang-tama namang nandoon sina Glaiza nang tawagan siya ng filmmaker-director niyang si Dodo Dayao, ng movie nilang Midnight in A Perfect World dahil ang horror film nila ang nanalo ng Best Film award sa TOHORROR Fantastic Film Festival in Italy.

 

 

Pinakiusapan ni Direk Dodo na si Glaiza na ang tumanggap ng award nila.  Kaya Glaiza took pride in accepting the award and presenting the  team behind the critically acclaimed local horror film.

 

 

Ang Midnight in a Perfect World ay unang ipinalabas sa QCinema International Film Festival in 2020.  Kasama ni Glaiza sa movie sina Jasmine Curtis-Smith, Dino Pastrano, Anthony Falcon, Bing Pimentel at Soliman Cruz,

 

 

***

 

 

NGAYON nalalapit na ang national election sa 2022, kapansin-pansin na ang daming artista at celebrities na pumapasok din sa pulitika.

 

 

Kaya natanong si Snooky Serna, sa interview sa bago niyang GMA Afternoon Prime na Stories of the Heart: Never Say Goodbye, kung wala bang nag-alok sa kanyang subuking pasukin ang mundo ng pulitika?

 

 

Natanong siya dahil ang karelasyon ngayon ni Snooky ay si former Bulacan Vice-Governor Ramon Villarama, na tatakbo muli ngayong eleksiyon, bilang Congressman sa District 6 ng Bulacan, sa Norzagaray, Sta. Maria at Angat.

 

 

“Masaya na ako sa pagiging artista, ito  na ang mundo ko,” sabi ni Snooky.

 

 

“Susuportahan ko na lamang siya, I will give my moral support sa kanyang magandang adhikain para sa kanyang mga nasasakupan.

 

 

Thankful naman si Snooky sa magandang role na ibinigay sa kanya sa bago nilang serye at first time niyang nakasama sina Klea Pineda, Jak Roberto, Lauren Young, Luke Conde at Herlene Budol.

 

 

Napapanood ito Monday to Friday after Las Hermanas, sa GMA-7.

 

 

***

 

 

ISINABAY na ni Kapuso actress Heart Evangelista sa last leg ng lock-in taping day nila ng GMA romantic-comedy series na I Left My Heart In Sorsogon para i-vlog ito titled “Week in my Life: Shooting ‘I Left My Heart in Sorsogon.’

 

 

Nakatutuwa lamang si Heart na hindi yata napapagod sa pagpapalit-palit niya ng wardrobe, tuwing matatapos ang isang eksena, na hindi biro iyong inaakyat niyang ilang steps papunta at pababa sa room niya, wearing high heels.

 

 

Isa siyang fashion model sa story na umuwi sa native place niya sa Bicol, at naisuot daw niya ang mga clothes na bigay sa kanya na hindi niya naisuot dahil nagka-pandemic. Hindi rin kinalimutang ipakita ni Heart ang two things na lagi raw niyang dala-dala saan  man siya pumunta, ang tiger balm at mosquito repellent, na she cannot live without them.

 

 

Kasama na rin sa vlog niya ang promo and photo shoots niya with Richard Yap, Paolo Contis, Mavy Legaspi, Kyline Alcantara and other members of the cast.

 

 

Tinapos na nila lahat ang dapat gawin para sa serye dahil malapit nang mapanood sa GMA Telebabad ang romcom series this November, 2021.

(NORA V. CALDERON)

KYLIE, nagulat at nasaktan sa akusasyon ni ALJUR kaya may hamong magkita na lang sa korte

Posted on: October 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA exclusive tell-all interview ni Kylie Padilla kay Jessica Soho noong October 21, na inere naman noong Linggo sa Kapuso Mo, Jessica Soho, isa-isa niyang sinagot ang akusasyon ng estranged husband na si Aljur Abrenica.

 

 

Na base sa pinost ng aktor, siya ang unang nag-cheat at sumira sa kanilang pamilya.

 

 

Pumayag nga si Kylie na magpa-interview kay Jessica, dahil aminado ang aktres na nagulat siya sa nilabas na statement ni Aljur.   “‘Yung mga lumabas na statement, medyo nagulat din ako,” tugon niya.

 

 

It’s unfair if I don’t have a say ‘cause I was part of the marriage. Dalawa kami.

 

 

“Gusto kong matapos ‘yung nangyayari sa ’min na friends kami but parang nagiiba yata ‘yung ihip ng hangin.”

 

 

Sagot pa ni Kylie sa pinag-uusapang isyu, “Ang dami kong pwedeng sabihin na ikakasira n’ya ‘cause we were both in the marriage but I choose to keep quiet na lang about the details.

 

 

“‘Di naman makakatulong sa’kin eh. He knows what he did wrong. I know what I did wrong.”

 

 

Sobra nga siyang nasaktan sa paratang na siya ang unang nagkaroon ng extramarital affair habang magkasama pa silang mag-asawa.

 

 

“Na-hurt ako, sobra, sa sinabi n’yang that I wrecked the family. Hindi ko inexpect ‘yun kasi we had an agreement – sabay tayong magpapainterview para kahit after nito, kahit maghihiwalay na tayo, we’re still united front. Iisipin pa rin namin na family pa rin kami.

 

 

“In my defense, while we were formally married, I never had any extramarital relationships with other men. That is my truth,” paglilinaw pa ni Kylie.

 

 

Dagdag pa niya, “Okay sana kung ginawa ko eh. I would say ‘I’m sorry.’ Pero hindi talaga eh. And that’s what they keep at throwing at me! Paano naman ako aamin sa bagay na hindi ko naman ginawa?”

 

 

At sa para bang paninisi ng aktor na siya ang may kasalanan sa nangyari sa kanilang relasyon…

 

 

“And if we play the blaming game, what are we gonna get if we try to attack each other online? I mean, who is it helping? Let’s do it in court na lang kung gusto mo ng ganyan labanan.”

 

 

Sa kabila ng nangyari sa kanila ni Aljur, iniisip pa rin ni Kylie ang kanilang mga anak dahil ayaw niyang lumaki ang mga ito na nag-aaway ang kanilang mga magulang.

 

 

Kung pwede lang sana na ma-save pa rin ‘yung friendship nila ni Aljur at ‘di magbatuhan ng kasiraan.  Para naman sa tuwing magkikita sila para kunin ang mga anak ay civil pa rin siya sa isa’t-isa, kahit na magkaroon na sila ng kanya-kanyang buhay.

(ROHN ROMULO)