• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 27th, 2021

Stephen Curry umabot na rin sa 5,000 assists milestone, kasabay ng 3-0 win ng Warriors

Posted on: October 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naabot ni Stephen Curry ang franchise history ng Warriors bilang kauna-unahang player ng koponan na narating ang 5,000 assists.

 

 

Kasabay ng milestone ni Curry ay nang iposte rin ng Golden State ang ikatlong panalo laban sa Sacramento Kings, 119-107.

 

 

Kumamada si Curry ng 27 points na dinagdagan pa niya ng 10 assists at seven rebounds.

 

 

Bago ito ang two-time MVP ay nagtala naman ng 20 points at 10 rebounds sa unang dalawang games ng Warriors.

 

 

Samantala tumulong din sa Warriors sina Jordan Poole na nagtapos sa 22 points at si Draymond Green na nagpakita ng 14 points, six rebounds at seven assists.

 

 

 

Sa kampo ng Kings si Harrison Barnes ay tumipa ng 24 points habang si Richaun Holmes ay nagdagdag ng 16 points at 11 rebounds.

 

 

Ang Kings ay may kartada ng 1-2.

Pilot face-to-face classes sa pribadong eskuwelahan, nakatakda sa Nobyembre 22 —Briones

Posted on: October 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDA nang simulan ang pilot run ng face-to-face classes sa mga pribadong eskuwelahan sa darating na Nobyembre 22.

 

Sa virtual press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na target ng departamento na isama ang 20 private schools kabilang na ang international academic institutions.

 

“Ang formal na [umpisa ng face-to-face classes] ay Nov. 15 [for the public schools], 22 for the private schools,” ayon kay Briones.

 

Mula sa inisyal na 100 public schools na magpapartisipa sa pilot run, hiniling ni Briones na 20 private schools ang idaragdag na inaprubahan ng Department of Health.

 

Sinabi ni Briones, tanging isa lamang na international school ang nagsumite ng kanilang plano para sa face-to-face classes sa DepEd, na rerebisahin din ng Department of Health. (Daris Jose)

‘Gumawa ng paraan para mabakunahan lahat’

Posted on: October 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga local government unit (LGU) na maghanap ng mabisa at sistematikong paraan para matukoy kung sino sa kanilang mamamayan ang hindi pa naturukan ng COVID-19 vaccine.

 

 

Sa kanyang “talk to the nation” nitong Lunes ng gabi sinabi ng pangulo na dapat gawin lahat ng mga LGU ang kanilang makakaya para mabakunahan ang kanilang mamamayan.

 

 

Ipinagmalaki pa nito noong siya ang alkalde sa Davao ay may paraan itong ipinatupad upang sumunod ang mga tao sa kaniya.

 

 

Depende lamang aniya sa pakikitungo ng alkalde sa kaniyang mamamayan lalo na at may ibang mga ibang barangay officials ang hindi niya kaalyado.

 

 

Binalaan din ng pangulo ang mga hindi susunod sa mga protocols na itinakda ng LGU na mahaharap ang mga ito sa kaso. (Daris Jose)

911 Emergency call center, ilulunsad sa Bulacan

Posted on: October 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS– Ilulunsad na ng Bulacan ang 911 emergency hotline upang palakasin ang proyektong Bulacan Rescue na umaalalay sa mga Bulakenyo sa panahon ng sakuna na gaganapin sa Oktubre 28, 2021 sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito.

 

 

Maaari nang itawag ang mga emergency kabilang ang medikal, (atake sa puso, stroke atbp.), aksidente, sunog, gumuhong gusali at mga natural na sakuna gaya ng baha, bagyo at lindol na nangangailangan ng agarang responde.

 

 

Nakasaad sa Executive Order No. 56, T’2018 na itinatalaga ang 911 bilang pambansang hotline na maaaring tawagan sa panahon ng sakuna at inaatasan din ang lahat ng pamahalaang lokal na magkaroon ng lokal na 911 call center kung saan libre ang pagtawag, sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal at Philippine Long Distance Telephone Company.

 

 

“This will not defeat the purpose of the Bulacan 566, pwede pa rin pong tawagan ang numerong ito para sa pagresponde sa mga emergency 27/7. Ito pong ilulunsad natin na 911 hotline ay makakatulong ng 566 sa pagpapanatili ng pampublikong kaayusan at seguridad at pagpigil sa kriminalidad.  Ngayon po sa pag-dial ng 911, kahit walang load, walang problema, mas pinabilis din po and waiting time dahil sa Go Live,” ani Fernando.

 

 

Aniya, sa pamamagitan ng Go Live 911 gamit ang software na Touchpoint, direktang maitatawag sa mga pinakamalapit na reresponde ang emergency upang higit na masuri ang sitwasyon at mapabilis ang pagresponde.

 

 

Ayon sa PDRRMO, nakapagsagawa na sila ng PLDT 911 Seminar-Orientation noong Nobyembre 8, 2019; sertipikado na rin ang lahat ng empleyado ng C4 bilang Emergency Communicator noong Disyembre 23, 2019; nakapagsagawa ng Emergency Telecommunicator Certification Training noong  Enero 13 hanggang 17, 2020; nag-inspeksyon na din ang Emergency 911 national office ng DILG sa Pamahalaang Panlalawigan para sa aplikasyon nito sa lokal na paggamit ng 911 hotline noong Hunyo 21, 2021 at ito ay naaprubahan.

 

 

Nitong Oktubre 12-15, sumailalim na rin ang mga empleyado ng Bulacan Rescue sa pagsasanay sa Call Handling at Emergency Dispatch para sa  Bulacan 911 Operation.

 

 

“Handa na po ang ating Bulacan Rescue upang magserbisyo sa ating mga mamamayan. HInihiling lang po natin sa ating mga kababayan na gamitin ang hotline 911 sa mga lehitimong emergency, ‘wag po nating gamitin sa panloloko kasi pwedeng sa oras ng pagtawag ng manloloko ay meron talagang may emergency na hindi makapasok,” paliwanag ni Fernando.

 

 

Sasailalim ang  Bulacan 911 emergency sa Bulacan Rescue – Communications, Command and Control Center (C4) ng PDRRMO. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Hirit ng transport groups, pinagpupulungan na- Roque

Posted on: October 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KASALUKUYAN nang pinagpupulungan ng pamahalaan ang panawagan ng transport groups na pagsuspinde sa excise tax, vat sa fuel products kasunod ng 8 sunud-sunod na linggo ng oil price hike?

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, “as we speak po, pinagpupulungan na itong bagay na ito noh? Kinukunsidera po ang parehong proposals. So, government is heeding and we are evaluating po.”

 

Ang banta naman ng transport groups, hindi sila magsasawang magsagawa ng kilos-protesta para mapakinggan ang kanilang demands at nangakong ipagpapatuloy ang protesta kapag hindi napigil ang pagsirit ng presyo ng langis.

 

Sa ulat, may oil price hike na dapat asahan, bukas, Oktubre 26, ayon sa mga taga-industriya, ang ika-9 na sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

 

Pero hindi na ito kasinglaki ng taas-presyo noong nakaraang linggo.

 

Taas-presyo sa petrolyo

Gasolina P1.10-P1.50/L

Diesel P0.30-P0.40/L

Kerosene P0.50-P0.60/L

 

Batay sa tantiya ng mga taga-industriya, P0.30 hanggang P0.40 ang taas-presyo sa diesel, at P0.50 hanggang P0.60 ang taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

 

Maglalaro naman sa P1.10 hanggang P1.50 ang taas-presyo sa kada litro ng gasolina.

 

Ayon sa mga taga-industriya, humupa na ang presyo ng langis sa world market noong Martes hanggang Huwebes pero muling umakyat noong Huwebes.

 

Bumaba na anila ang presyo nang ilang araw kasunod nang lumabas na forecast na hindi ganoon katindi ang magiging taglamig.

 

Tumataas kasi ang demand tuwing winter dahil sa heating fuel.

 

Pero sa pangkalahatan, pataas pa rin ang direksyon ng presyo ng langis dahil sa kakulangan ng suplay.

 

Nasa halos P20 kada litro na ang iminahal ng gasolina mula Enero, P18 naman sa diesel at mahigit P15 sa kerosene. (Daris Jose)

Sikat na Fil-Am Drag Queen na si MANILA LUZON, dumating na sa bansa para sa ‘Drag Den Philippines’

Posted on: October 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DUMATING sa bansa ang sikat na Filipino-American drag queen na si Manila Luzon.

 

 

Nandito si Manila Luzon para sa gagawin niyang Filipino drag race contest na Drag Den Philippines.

 

 

Pinost niya via Instagram on Sunday na naka-red outfit siya habang naka-pose sa balcony ng kanyang hotel room.

 

 

Sa Twitter naman ay pinaalam ni Manila Luzon na nasa Pilipinas na siya: “She’s here! Humanda na kayo, mga sis. Manila Luzon is back in the Philippines. Yez! Dragdagulan na!” 

 

 

Noong nakaraang August ay nagsimula ng auditions para sa Drag Den Philippines para sa mga pabolosang beki na mahilig mag-drag o ang magdamit at mag-ayos babae. And mananalo ay tatawaging ‘Philippine Drag Supreme’.

 

 

Sumikat si Manila Luzon dahil sa pagsali niya sa 3rd season ng reality competition program na RuPaul’s Drag Race. Nakasama rin siya sa first and fourth seasons of RuPaul’s Drag Race All Stars.

 

 

Ang tunay niyang pangalan ay Karl Philip Michael Westerberg. Pinay ang kanyang mother at American ang kanyang father na taga-Minnesota. Lumaki siya sa Los Angeles at kasalukuyang nakatira sa New York.

 

 

Noong June 2019, tinanghal si Manila Luzon na 19th most powerful drag queens in America.

 

 

***

 

 

MAY natapos na palang duet sina Lea Salonga at Gary Valenciano na dedicated sa mga frontliners na ang titulo ay ‘Heroes’.

 

 

Ang original composition na ito ng National Artist for Music na si Ryan Cayabyab at ni Jose Javier Reyes at ilu-launch sa Ten Outstanding Young Men (TOYM) Foundation to show solidarity and boost the morale of medical frontliners.

 

 

Noong 2020 sinulat ni Reyes ang lyrics sa gitna ng pandemya kunsaan maraming frontliners ang buwis-buhay para matulungan ang maraming maysakit na COVID-19.

 

 

Naging special song ito para kay Reyes dahil marami sa kanyang mga kaibigan ay pumanaw dahil sa COVID-19.

 

 

     “It was not meant for any special occasion. I just felt it. I just had to write it down as a form of therapy. I sent the lyrics to Ryan since we’ve always worked well together. Sabi ko please set them to music if you can at the right time.

 

 

“Nakakaiyak ang sitwasyon ng mga frontliners. They should be the ones who should be celebrated! They are our real heroes,” diin ni Direk Joey.

 

 

Si Jonathan Manalo ang co-producer ng song project which will benefit the Philippine General Hospital (PGH).

 

 

Ang TOYM ay tatanggap ng donations to the PGH’s Panatag na Kanlungan na susuporta sa maraming doctors, nurses, hospital staff, and other volunteers and front liners at the forefront of fighting this pandemic.

 

 

Every P1,000 donated will entitle donors to a special commemorative face mask.

 

 

Ang music video ng Heroes nina Lea, Gary at Mr. C ay nakunan earlier this year sa kani-kanilang home studios.

 

 

***

 

 

PUMANAW na ang Friends star na James Michael Tyler, o mas kilala bilang si Gunther, dahil sa sakit na prostate cancer and he was 59.

 

 

Sa official Instagram page ng Friends, nagpaabot ng kanilang pakikiramay ang Warner Bros. Television dahil sa pagpanaw ni Gunther na naging importanteng character ng Friends.

 

 

“Our thoughts are with his family, friends, colleagues and fans,” ayon sa post.

 

 

Nagpaalam din ang isang Friends star na si Maggie Wheeler a.k.a. Janice: “So Grateful to have known this kind and gentle man. James Michael Tyler will be dearly missed. My thoughts are with his loved ones at this difficult time.”

 

 

Huling napanood si Tyler sa HBO Max’s Friends: The Reunion noong May. Nagpasalamat ito sa ten years na naging pamilya niya ang cast and crew ng Friends.

 

 

“It was the most memorable 10 years of my life, honestly. I could not have imagined just a better experience. All of these guys were fantastic. It was just a joy to work with them. It felt very, very special.”

 

 

Noong June ay ni-reveal ni Tyler na na-diagnose siya with advanced prostate cancer noong September 2018.

(RUEL MENDOZA)