• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 4th, 2021

MCCOY, nag-post nang nakaka-touch na mensahe para kina ELISSE at FELIZE

Posted on: November 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKAKA-TOUCH ang mensahe na pinost ni McCoy de Leon sa Instagram para sa kanyang mag-ina na sina Elisse Joson at Felize.

 

 

Panimula ni McCoy, Binigay ka ng Diyos hindi lang isang regalo, binigay ka rin niya dahil binigyan mo kami ng pagasa ng nanay mo. Nagtuloy tuloy ang pagsasamahan namin dahil sayo, kasi alam naming ikaw ang magiging dahilan kaya kami nabubuhay sa mundong ito. Walang hanggang kasiyahan ang binibigay mo sa amin. Simula nung nakita namin hanggang ngayon. Bawat ngiti mo nawawala lahat ng pangangamba namin. Aamin ko natatakot ako sa minsang magulong mundong ito, pero kahit anong mangyari poprotektahan kita hanggat buhay ako.                 

 

 

Mamahalin kita nang higit pa sa sarili ko. At ngayon masayang masaya kami ng nanay mo na ipagmalaki ka sa buong mundo.

 


      Sa pagpapatuloy niya,Para naman sa ina ng anak ko, maaring marami tayong pinagdaan simula noon hanggang nandito pa rin tayo. Nagmamahalan ng lubos, sumusugal sa lahat ng maaring mangyari at tinaggap ang bawat isa lalo na ako…kaya salamat Elisse ko.

 

At sa aking mag ina, Hindi man ako perpekto bilang ama o asawa pero gagawin kong perpekto ang pagmamahal ko para sa inyo. Pinangako ko sa Diyos ito at mangangako hanggang sa huli. Mahal na mahal na mahal ko kayo Elisse at Felize.

 

 

Tuwang-tuwa naman ang celebrity friends nina McCoy at Elisse sa kanilang sobrang cute na baby girl, kaya umapaw ang mga nagko-congratulate sa showbiz couple.

 

 

Kahit na ang netizens ay aliw na aliw rin sa pinost ni photos ni Elisse, pati na mensaheng ito ni McCoy.

 

 

Say nila, “Carbon copy masyado ni Mccoy ang baby nila.

 

 

“Ang ganda ng baby nila, hawig din niya si Mithi yung anak Carlo Aquino na super cute din na baby. Sarap nila titigan super cuties!”

 

 

“Ang cute cute, di ako fan ng mclisse pero binabalik balikan ko yung photo ni baby sa mga fan accts nila sa ig haha cant get enough huhu kakagigil.”

 

 

“Grabe ang gandang baby sarap titigan.”

 

 

“Cute and happy family! May God continue to bless them.”

 

 

“Awww. This kind of message. Iba talaga and vibes pag tagalog kesa english. Idk, mas may hatak at sincere for me.”

 

 

“Sana maging maganda ang marriage and parenting nila. Mccoy is consistently known as a kind and responsible person based sa mga nakakatrabaho so sana magtuloy tuloy. Wag sanang masayang ang 2nd chance.”

 

 

“Lakas makababae ng ganitong pasulat. Lalo na pag ikaw lang makakabasa hay penge nga.”

 

 

“Oo nga e sabi ko nga kay Elisse saan makakahanap ng McCoy haha.”

 

 

“Awww happy for them and their little family. Ang ganda ng baby.”

 

 

“Happy for Mccoy, Elisse and Felize.”

 

 

“Happy for both of them. Sana maging ok din business and career para kay baby. Sana di din matulad sa ibang celebrity couple na sa hiwalayan din nauuwi, kawawa ang bata eh.”

 

 

(ROHN ROMULO)

3 kalaboso sa P1.5 milyon shabu sa Caloocan

Posted on: November 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KULONG ang tatlong hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P1.5 milyon halaga ng shabu nang tangkain takasan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita habang sakay ng dalawang motorsiklo sa Caloocan City.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong mga suspek na sina Jeffrey Filiciano, 43, Regie Rivera, 35, messenger, kapwa ng Sampalok, Manila, at Jeric Sy, 52 ng 5th Avenue Brgy. 53 ng lungsod.

 

 

Base sa report ni Col. Mina kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Jose Hidalgo Jr., dakong alas-12:05 ng hating gabi, nagsasagawa ng Oplan Sita sa kahabaan ng Taksay St., Brgy. 28 ang mga tauhan ng Tuna Police Sub-Station (SS1) sa pangunguna ni PMAJ Jerry Garces nang parahin nila ang mga suspek na sakay ng dalawang motorsiklo dahil walang suot na mga helmet.

 

 

Gayunman, hindi pinansin ng mga suspek ang mga pulis at tinangkang tumakas ng mga ito na naging dahilan upang habulin sila ng mga parak hanggang sa bumangga sa nakaparadang truck si Sy habang naaresto naman ang dalawa niyang kasama.

 

 

Nang kapkapan, nakuha ni PCpl Joeph Young kay Sy ang isang knot tied plastic sachet na naglalaman ng nasa 100 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P680,000 habang narekober naman ni PCpl Christian Malinao kay Rivera ang isang medium plastic sachet na naglalaman ng nasa 25 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P170,000.

 

 

Nasamsam naman ni PSSg Ernesto Camacho kay Filiciano ang isang knot tied plastic sachet na naglalaman ng nasa 100 grams ng shabu na may standard drug price P680,000 at isang weighing scale.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Art 151 of RPC, RA 10054 at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002. (Richard Mesa)

Lowest in 5-mos: 3,117 bagong nadagdag na COVID cases sa PH

Posted on: November 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mas mababa ang bilang ng mga naitalang bagong kinapitan ng coronavirus kumpara sa mga nakalipas na araw sa Pilipinas.

 

 

Ito ay makaraang kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang panibagong 3,117 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

 

Dahil dito ang mga COVID cases mula noong nakaraang taon ay nasa 2,790,375 na.

 

 

Mayroon namang naitalang maraming gumaling na nasa 5,124.

 

 

Ang mga nakarekober mula noong nakaraang taon ay umakyat pa sa 2,703,914.

 

 

Sa ngayon ang mga aktibong kaso pa sa bansa ay umaabot sa 43,185.

 

 

Sa kabila nito meron namang nadagdag na 104 na mga bagong pumanaw.

 

 

Ang death toll sa bansa dahil sa deadly virus ay nasa 43,276 na.

 

 

Nilinaw ng DOH na mayroong walong mga laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

 

 

“18 duplicates were removed from the total case count. Of these, 13 are recoveries. Moreover, 68 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation,” ani DOH sa kanilang advisory. “All labs were operational on October 30, 2021 while 8 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 8 non-reporting labs contribute, on average, 0.8% of samples tested and 1.1% of positive individuals.”

Presyo ng gasolina sisirit uli; diesel, kerosene may katiting na rollback

Posted on: November 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Panibagong bigtime price hike ang ipatutupad ngayong araw ng mga lokal na kumpanya ng langis sa presyo ng gasolina na ika-10 sunod na linggo na ng pagtaas.

 

 

Samantala may kaunting rollback naman sa mga produktong diesel at kerosene.

 

 

Ang Chevron Philippines ay magpapatupad ng P1.15 dagdag sa kada litro ng unleaded gasoline habang rollback na P0.35 naman sa diesel at P0.30 rollback din sa kerosene pagsapit ng alas 12:01 ng madaling araw.

 

 

Gayundin ang dagdag presyo ng Petron Corporation, Pilipinas Shell, Seaoil Philippines, subalit magsisimula ito alas 6:00 ng umaga ng Martes.

 

 

Sumunod din sa nasabing presyuhan ang mga small players. (Gene Adsuara)

PBA 2nd conference tuloy!

Posted on: November 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tuluy na tuloy na ang pagdaraos ng second conference ng Philippine Basetball Association (PBA) Season 46 kung saan masisilayan ang matitikas na foreign imports.

 

 

Ito ang inihayag ni PBA commissioner Willie Marcial na inaprubahan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang special permit para sa mga fo­reign imports na darating sa bansa.

 

 

Nauna nang nakipagpulong si Marcial kay DFA undersecretary Brigido Dulay para talakayin ang tungkol sa pagpasok ng mga imports.

 

 

Nakikipag-ugnayan na rin ang liga sa Inter-Agency Task Force (IATF) na siyang nagbibigay ng pahintulot sa lahat ng usapin patungkol sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

 

 

Nagbigay na rin ng endorsement ang Games and Amusements Board (GAB) sa IATF para alalayan ang PBA.

 

 

Target sana ng PBA na masimulan ang reinforced conference sa ikalawang linggo ng Nobyembre.

 

 

Pinagpaplanuhan pa ng PBA ang magiging setup ng second conference.

 

 

Kabilang na rito ang planong pagdaraos ng torneo sa National Capital Region lalo pa’t bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa bansa partikular sa rehiyon.

 

 

Nakababa na sa Alert Level 3 ang Metro Manila mula sa dating mas mahigpit na Alert Level 4 at Enhanced Community Quarantine.

 

 

Wala pang linaw kung semi-bubble, full bubble o home-venue-home ang gagamitin sa edisyong ito.

 

 

Kani-kanya na ang iba’t ibang teams sa pagligaw ng mga napupusuan nitong mga imports.

 

 

Ilang teams ang nakapagkasa na ng kontrata habang ilan naman ang patuloy na kumakausap ng magiging reinforcement sa second conference.

 

 

Sariwa pa ang PBA sa matagumpay na pagdaraos ng PBA Season 46 Philippine Cup na pinagharian ng Talk  N Text Tropang Giga sa Bacolor, Pampanga.

 

 

Puntirya ng Tropang Giga na masundan ang matikas na ratsada nito sa second conference para maitarak ang back-to-back crown sa liga.

BBM: Siguruhing ligtas ang mga estudyante, guro sa F2F

Posted on: November 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA si Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na nararapat nang simulan ang pagbubukas ng mga eskwelahan, subalit hiniling niya sa pamahalaan na siguruhing maayos ang paglatag ng programa gayun din ang pagpapatupad ng mahigpit na panuntunan sa ‘health and safety’ protocol para sa mga piling estudyante, guro at personnel na makikilahok sa gagawing ‘pilot test’ para sa face-to-face (F2F) classes.

 

 

Iginiit ng pambato sa Panguluhan ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), na nararapat na mabigyan ng sapat na pagpapahalaga ang sektor ng edukasyon na hindi malalagay sa panganib ang kalusugan ng mga estudyante, guro at iba pang indibidwal na kailangan sa pagbabalik eskwelahan sa mga tukoy na lugar sa bansa.

 

 

“Kailangang tiyakin ang kaligtasan ng mga bata at ng mga guro. Pagtibayin ang coordination at cooperation ng lokal na pamahalaan, Department of Health, at Department of Education,  para sa maayos na implementation ng programa,” pahayag ni Marcos.

 

 

Bukod sa pagpapatupad ng ‘health and safety’ protocol batay sa pamantayan ng Inter-Agency Task Force (IATF), ayon kay Marcos makabubuti at para sa katiwasayan ng kaisipan at kalooban ng mga magulang na yaong mga bakunadong mga guro ang payagan ng Department of Education (DepEd) na makapagturo. Hiniling din niya sa Kagawaran na palakasin ang programa para mahikayat ang mga guro at mga empleyado ng eskwelahan sa kahalagahan ng pagbabakuna para malabanan ang pagkalat ng COVID-19 virus.

 

 

Sa kasalukuyan, nagsisimula na rin ang Department of Health (DOH) na bakunahan ang mga kabataan na may edad 12 hanggang 17.

 

 

Batay sa inilabas na memorandum ng DepEd, lahat ng pampublikong eskwelahan sa bansa ay kinakailangang sumailalim sa ‘self-assessment’ sa ilalim ng School Safety Assessment Tool (SSAT) bilang paghahanda para sa malawakang pagbubukas ng mga eskwelahan tungo sa pagbabalik sa normal na sitwasyon.

 

 

Nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng ‘pilot testing’ para sa dalawang buwang face-to-face classes simula sa Nobyembre 15 sa piling 120 eskwelahan na pampubliko at pribado.

 

 

“In other countries, ang experiences nila was that there were risks involved in having non-vaccinated teachers and staff when they went back to face-to-face classes. Don’t get me wrong, I’m happy that at least we are trying to start face-to-face classes. It is actually good news because that is a very good sign that, somehow, we are slowly going back to normalcy,” sambit ni Marcos.

 

 

Pinaalalahanan din ni Marcos ang mga magulang at guardian ng mga estudyante na hindi sapilitan ang paglahok sa naturang programa at siguruhing naunawaan at naipaliwanag ang magiging kaganapan bago payagang makibahagi ang mga anak.

 

 

“Maging tayong mga magulang ay dapat nakatutok din sa kaligtasan ng ating mga anak. Pero ako naman ay naniniwala na pinag-aralang mabuti ng pamahalaan ang hakbang na ito at maaari nga ay kailangan na talagang magkaroon ng face-to-face classes para sa mental health ng kabataan,” ayon kay Marcos.

Barangay captain sa Caloocan pinagbabaril todas, asawa sugatan

Posted on: November 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang isang incumbent barangay captain habang sugatan naman ang kanyang asawa matapos pagbabarilin ng hindi kilalang riding-in-tandem criminals sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, dead-on-the-spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Gerardo Ragos Apostol, 56, Kapitan ng Barangay 143 at residente ng 55 Malolos Avenue, Bagong Barrio habang ginagamot naman ang kanyang misis na si Evelyn, 56, sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi tama ng sa kanang bukung-bukong.

 

 

Batay sa inisyal na imbestigasyon P/Cpl. Anthony Wanawan, habang nakaupo si Chairman Ragos sa harap ng Apostol Rice and Egg Store na pag-aari nila sa Malolos Avenue, Brgy. 143, nang dumating ang isang motorsiklo dakong alas-6:12 ng gabi at pumarada sa harap ng tindahan.

 

 

Sa pahayag sa pulisya ng saksing si Emelda Decierra, 68, store helper, isa sa mga suspek ang bumaba sa motorsiklo at paulit-ulit na pinagbabaril ang biktima sa katawan.

 

 

Tinangka namang yakapin ng asawa ng biktima ang kanyang mister subalit, binaril din sya ng suspek sa kanang bukung-bukong bago mabilis na tumakas ang mga salarin sa hindi matukoy na direksyon.

 

 

Kabilang sa tinitignan ilang anggulo ng pulisya na posible umanong motibo sa pagpatay ay politika at personal na alitan habang patuloy naman ang follow-up operation upang matukoy ang pagkakilanlan at maaresto ang mga suspek. (Richard Mesa)

Seven Seaport Development Projects sa Bohol, panibagong “milestone” ng Build, Build. Build program ng gobyerno-PDu30

Posted on: November 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpapasinaya ng “newly improved Port of Tagbiliran” at anim na “newly improved seaports of Bohol.”

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa inagurasyon ng Seven Seaport Development Projects sa Bohol sa Port of Tagbilaran, araw ng Biyernes, sinabi nito na malaking karangalan na makasama siya sa event na ito.

 

Pinuri ng Pangulo ang DOTR at PPA sa ilalim ng liderato ni Secretary Arthur Tugade dahil sa matagumpay na pagtatapos ng mga nasabing proyekto na tanda ng panibagong milestone sa ilalim ng Build, Build. Build program.

 

“Si Tugade classmate kami, sya among valedictorian sa law school. Dili sya engineer, mas maayo siya sa mga construction. Pero bilyonaryo na ni. He’s a billionaire,” ang kuwento ng Pangulo.

 

Sinabi pa ng Pangulo na ang konstruksyon at pagkukumpuni na ginawa sa mga naturang daungan ay naglalayong payagan ang Bohol na mag- accommodate ng mas maraming tao at kalakal mula sa kalapit-lalawigan at makapag-ambag para sa pagbangon ng lalawigan mula sa pandemiya.

 

Kumpiyansa rin siya na ang mga daungan ay makapagpapalakas sa kakayahan ng Bohol bilang “catalyst” ng economic growth sa Central Visayas.

 

“All these developments support the administration’s mission to provide our people with improved mobility as well as other comfortable productive and dignified life for every Filipino,” aniya pa rin.

 

Samantala, pinuri naman ng Pangulo si Governor Art Yap at ang provincial government ng Bohol para sa matagumpay na pagpapatupad na “COVID response management plan of action.”

 

“Yawa na. .duha lang ka pages. amo lang ni? … sino nag buhat ani?,” ayon sa Pangulo sabay sabing “Again, congratulations to everyone on this achievement. Mabuhay tayong lahat.” (Daris Jose)

Bulacan, sumailalim na sa alert level 2

Posted on: November 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Isinailalim na ang Bulacan sa Alert Level 2 alinsunod sa alituntunin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

 

 

“Napababa na po natin ang mga kaso, nasa low risk na po tayo. Nasa 26 na lamang ang ating positivity rate. Ang ating average daily attack rate ay nasa 4 cases out of 100,000 population. Kung noon nasa mahigit 4,000 ang active cases, ngayon nasa 1,000 na lamang kaya naman ang lalawigan ng Bulacan ay nilagay sa alert level 2 mula November 1-14. Tayo ay pinapayagan sa isang malaking pagluwag,” ani Fernando.

 

 

Ang nasabing bagong sistema ng alert level ang pumalit sa dating quarantine classifications na Enhanced Community Quarantine, Modified Enhanced Community Quarantine, General Community Quarantine at Modified General Community Quarantine.

 

 

Ayon sa Executive Order No. 43 ng gobernador, magbubukas na sa 50 porsyento ng kapasidad sa loob at 70 porsyento sa labas ang mga lugar na pinagdarausan ng pagpupulong at iba pang pagtitipon, pasyalan, amusement parksrecreational venues gaya ng swimming pools at internet café, sinehan; pagtitipong pangrelihiyon; mga pagsusulit; kainan; establisyimento para sa personal carefitness studioscontact sports; at mga lugar na may live performers gaya ng bars at concert halls.

 

 

Gayundin, papayagan lang ang operasyon ng mga ito kung bakunado ang lahat ng mga empleyado at pahihintulutan din ang mga nasa 18 taong gulang pababa kahit hindi bakunado kung may kasamang guardian na bakunado.

 

 

Samantala, hindi naman pinapayagan ang pagbubukas ng mga casinohorse racing, sabungan, sugalan at iba pang gaming establishments maliban na lamang kung pinayagan ng IATF o ng Tanggapan ng Pangulo.

 

 

Bukod dito, hindi pa rin pinapayagan ang face-to-face classes sa lalawigan hanggang hindi bakunado ang mga guro at mag-aaral.

 

 

“Ako po ay maninindigan, from preschool to high school, K-12, walang paaralan ang maaaring magsagawa ng face to face classes hangga’t ang mga empleyado at estudyante ay mabakunahan kahit man lamang 70 percent ng population, para sa higher learning at TESDA, at mga review center, maaaring pahintulutan ang limited face-to-face subject to approval of the governor bago ang pagbubukas ng klase, sasailalim din po ‘yan sa pagsusuri at maaaring baguhin anumang oras ng Office of The President,” paliwanag ni Fernando.

 

 

Inanunsyo din ng gobernador na simula sa susunod na linggo, maaari nang magparehistro at magpabakuna ang mga batang may comorbidity na may edad 12-17 gulang.

 

 

Binigyang diin niya na kailangan pa ring sundin ang minimum public health standards at curfew mula ika-11:00 ng gabi hanggang ika-4:00 ng madaling araw.

 

 

“Ang mahalaga ay ang unti-unting pagbabalik sa normal, ang ating kaligtasan at kabutihan ng bawat Bulakenyo,” pagtatapos ni Fernando. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

OCTA, HINDI NANGANGAMBA SA PANIBAGONG SURGE

Posted on: November 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI nangangamba ang OCTA sa panibagong surge ngayong holiday season matapos na walang namo-monitor na panibagong ngayong  nalalapit na ang Kapaskuhan kung saan inaasahang  maglalabasan ang mga tao.

 

 

Ayon ito kay  OCTA Research  Group Fellow Dr. Guido David at sinabi na maliban sa isa na mula Delta variant o ang tinawag na sub-variant na sinasabing sampung porsyento na mas nakakahawa ay wala nang iba pa na nakikitang panibagong variant.

 

 

Ayon kay David, marami na rin ang nababakunahan partikular sa National Capital Region (NCR) pero paalala nito na dapat makasabay ang mga nasa probinsya kung saan mataas  ang vaccine hesitancy ng mga tao.

 

 

Bagama’t wala silang namo-monitor na posibleng surge ng COVID-19 sa ngayon, ang publiko ay dapat pa ring magpatuloy sa contact tracing, testing, quarantine at isolation.

 

 

Dapat ding patuloy ang pagsunod ng publiko sa minimum public health standard upang maiwasan ang posible pang hawaan ng naturang sakit

 

 

Dagdag pa nito hanggat maari ay iwasan rin ang mass gathering at panatilihin ang pagsusuot ng facemask at pagsunod sa social distancing para tuluyang bumaba ang kaso ng Covid sa bansa.  (GENE ADSUARA)