• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 9th, 2021

PINAKAMABABANG ACTIVE CASES NAITALA NG NAVOTAS

Posted on: November 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAITALA ng Navotas City ang bagong record na pinakamababang aktibong kaso ng COVID-19 ngayong taon.

 

 

Ayon sa ulat ng sa City Health Office, ang Navotas ay mayroon lamang 31 aktibong kaso nitong Nobyembre 2 na mas mababang record noong Pebrero 6 na may 33 kaso.

 

 

“Just this Saturday, during our situationer, we expressed our intention to beat our lowest number of active cases this week. And the Navoteños delivered!” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

“OCTA Research has also classified Navotas as ‘very low risk.’ We congratulate and thank each Navoteño, especially our frontliners, for doing their utmost to help keep our city safe from COVID,” dagdag niya.

 

 

“Ang importante po ay wag tayong magpabaya para hindi masayang ang sakripisyo ng lahat. Pakiusap ko po na magkaisa tayong lahat. Lalo pa nating ingatan ang ating sarili para bumaba na nang todo ang mga kaso at di na mabigyan ng pagkakataon na tumaas ito ulit, na siyang magpapahirap na naman sa buhay nating lahat. Bigay todo na tayo sa pag-iingat sa sarili para matapos na ang pandemya,” sabi pa niya.

 

 

Hinikayat din ni Tiangco ang mga Navoteño na magpabakuna laban sa COVID-19.

 

 

Nagbukas ang Navotas ng tatlong site para sa pediatric vaccination. Kailangang magtakda ang magpapabakuna ng appointment sa pamamagitan ng https://covax.navotas.gov.ph/ at pumili sa Navotas City Hospital, Kaunlaran High School, o Tumana Health Center bilang kanilang vaccination site. (Richard Mesa)

Pagwawakas sa work-from-home setup ipinuubaya ng DOLE sa mga employers

Posted on: November 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ipinauubaya na lamang ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer kung itutuloy pa ba nila o hindi ang work-from-home arrangement ng kanilang mga empleyado sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

 

Sinabi ito ni Bello matapos na magdesisyon ang national government na luwagan pa ang quarantine classification ng Metro Manila sa Alert Level 2.

 

 

Ayon kay Sergio Ortiz-Luis ng Employers’ Federation of the Philippines, posibleng hindi papasukin ng mga employers ang kanilang mga empleyado dahil pa rin sa issue sa transportasyon.

 

 

Bukod dito, kailangan din aniyang ikonsidera ang espasyo sa mga opisina lalo pa at ang iba ay hindi kayang maaccommodate ang lahat ng kanilang mga empleyado habang ipinatutupad ang physical distancing.

DOTr: Consultancy contract ng Mindanao Railway nilagdaan

Posted on: November 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nilagdaan sa pagitan ng Department of Transportation (DOTr) at ang consortium ng China Railway Design Corp and Guangzhou Wanan Construction Supervision Co. Ltd. ang project management consultancy contract na siyang unang bahagi ng Mindanao railway project.

 

 

 

“The DOTr is now bringing the Mindanao rail project to life and will very soon be providing a reliable, convenient and fast railway connection to the millions of residents in Mindanao,” wika ng DOTr.

 

 

 

Ang Mindanao rail project ay isang China-funded na inprastruktura na siyang kauna-unahang train system sa labas ng Luzon.

 

 

 

Ang unang bahagi ng malawak na Mindanao project ay ang Tagum-Davao-Digos segment na mayroon na 100 kilometro na siyang magdudugtong sa lungsod ng Tagum sa Davao del Norte, lungsod ng Davao at Digos sa Davao del Sur. Magkakaron ito ng walang estasyon sa kanyang alignment.

 

 

 

Magkakaron din ito ng depot sa lungsod ng Tagum para sa heavy maintenance at satellite depot sa lungsod naman ng Davao para sa mga light maintenance.

 

 

 

Inaasahang magkakaron ng partial operation ang unang segment sa March ng darating na taon at magkakaron naman ng full operation sa June 2023.

 

 

 

Kapag natapos na ang nasabing Mindanao railway, ito ay maaring  makapagsasakay ng 122,000 na pasahero sa taong 2022 at makakatulong upang mabawasan ang travel time at magiging isang (1) oras na lamang mula sa dating tatlong (3) oras.

 

 

 

“China Railway Design Corp. or DRDC, being the project management consultant for the first phase of the Mindanao rail project, shall assist the Mindanao railway project management office in the preparation and management of the overall implementation program,” sabi ni DOTr assec Eymard Eje ng project implementation ng Mindanao cluster.

 

 

 

Kasama sa mga gagawin ay ang acquisition activities, coordination sa mag iba’t ibang sangay ng pamahalaan na may pangangasiwa sa mga design at works ng proyekto, paghahanda at pagsusumite sa project management office ng cost estimates para sa project budget proposal, at ang mga kailangan updates at review ng mga detailed design ng proyekto.

 

 

 

Sinabi ng DOTr na ang 1,544-kilometer na Mindanao railway project ay isa sa mga big-ticket infrastructure na proyekto sa ilalim ng Build Build Build programa ng pamahalaan na naglalayon na makatulong upang mas mapaganda ang inter-island connectivity at upang makapagbigay ng ikabubuhay sa mga mamayan at makatulong din upang isulong ang pagunlad ng ekonomoya sa Mindanao.  LASACMAR

MARIAN, successful ang launch ng sariling clothing line; new collection sold-out agad pagkalipas ng ilang oras

Posted on: November 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

OUR congratulations to Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa successful launch ng sariling clothing line, under her Flora Vida lifestyle brand. 

 

 

Sold-out kasi agad ito in just hours since its release.  Ang new collection ni Marian ay bumubuo ng easy-to-wear pieces for lounging  or day-to-day activities. Each design costs P10,000.00.

 

 

Kaya naman nagpasalamat si Marian sa kanyang Instagram: “I hope you enjoy this collection as much as I enjoyed doing it and I look forward to seeing how you will style your “Floravida clothing pieces.”

 

 

Kaya naman very proud si Dingdong Dantes kay Marian, sa success ng bago nitong clothing line, happy siya na kahit anong business ang pasukin ng asawa ay matagumpay.

 

 

Nagpasalamat naman si Marian sa IG post ni Dingdong ng, “Awwww mahal ko, salamat! I miss you!”

 

 

Kasalukuyan kasing naka-lock in taping si Dingdong ng isang mini-series na ginagawa niya for GMA-7. Si Marian naman ay tuloy pa rin as host ng mga episodes ng Tadhana na nasa ika-fourth year na ang OFW docu-drama at may bago pa siyang endorsement na ilalabas very soon.

 

 

***

 

 

NAGDIWANG ang mga fans ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards dahil last Sunday, muli na siyang nagbalik sa Sunday noontime show ng GMA Network, ang All-Out Sundays.

 

 

Naging mainit nga ang pagtanggap ng mga Kapuso niya kay Alden dahil sabi nga ni Barbie Forteza, ang tagal na rin daw kasi niyang nawala sa show.

 

 

      “Na-miss ko rin kayo, kaya lang straight ang lock-in taping ko ng The World Between Us with Jasmine Curtis-Smith, Tom Rodriguez, Ms. Dina Bonnevie and Ms. Jaclyn Jose.”

 

 

Ang season two ng primetime drama series ay mapapanood na muli simula ngayong November, sa panibagong timeslot.

 

 

Pero ang tinatanong ngayon ng mga netizens ay kung ano itong new Instagram post ng GMA Network for Alden na: “Asia’s Multimedia Star Alden Richards shares teaser of a special project. Stay tuned for more details.”

 

 

Ayaw pang magbigay kahit simple clue ang management kung ano ang coming project na ito ni Alden.

 

 

We just wish Alden good luck!

 

 

***

 

 

MATAGAL-TAGAL na palang hindi nagkakatambal ang real-life husband and wife na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, kaya natuwa sila sa offer ng mini-series na Stories From the Heart: The End of Us, na gaganap silang mag-asawa kaya magkakaroon sila ng intimate scenes.

 

 

Kuwento ng mag-asawang naghiwalay at nasa  proseso na sila ng annulment, pero may mangyayari na magpapabago sa takbo ng kanilang kuwento.

 

 

Inamin ni Carmina na hindi siya pumapayag sa mga kissing and intimate scenes dahil hindi raw siya comfortable dito.  “But with this one… surprise!”

 

 

Ayon naman kay Zoren, matagal nilang hinintay ang bagong proyekto na ito.

 

 

At ang kambal nilang sina Mavy at Cassy naman ay excited na makitang magkatambal ang kanilang Nanay at Tatay sa isang project.

(NORA V. CALDERON)

Cash incentives naibigay na ng SMC sa mga Olympic medalists boxers

Posted on: November 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Personal na iginawad ni San Miguel Corporation (SMC) president Ramon Ang ang mga cash incentives sa mga Tokyo Olympic medalist boxers na sina Eumir Marcial, Carlo Paalam at Nesthy Petecio.

 

 

Nakatanggap ng P2 milyon si bronze medalist boxer Marcial habang tig-P5 milyon naman sina silver medalist Carlo Paalam at Petecio.

 

 

Nangako rin si Ang na bibigyan ang tatlong boksingero ng negosyo na kanilang kagustuhan mula sa SMC na itatayo sa kanilang probinsiya.

 

 

Mula sa Zamboanga City kasi si Marcial habang sa Cagayan de Oro si Paalam at Davao del Sur naman si Petecio.

 

 

Magugunitang nauna ng binigyan ng P10 milyon bilang incentive mula sa SMC si weightlifter Hidilyn Diaz na nakakuha ng gold medal sa Tokyo Olympics.

Kasabay sa pagwi-welcome kay SHARON bilang bagong ka-probinsyano: JOHN LLOYD, tuloy na tuloy na ang pagiging Kapuso at may bagong ka-partner

Posted on: November 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NGAYONG araw na magaganap ang dalawang pasabog na showbiz event ng Kapamilya at Kapuso network.

 

 

Una na ngang naglabas ng teaser ang FPJ’s Ang Probinsyano sa tuloy na tuloy nang pagpasok ni Megastar Sharon Cuneta sa buwang ito pagkatapos ng ilang aberya.

 

 

Nakalagay sa teaser ‘MEGAganda pa ang gabi niyo. Abangan.’

 

 

Ni-repost naman ni Sharon sa kanyang IG ang post ng @megaberksonline na, “Kalaban or kakampi? Malapit na!

 

 

“November 9 media con. Save the date berks!”

 

 

Sa pagwi-welcome nga kay Mega sa cast ng action-drama series ni Coco Martin sa araw na ito malalaman na kung may kaugnayan siya kina Julia Montes at ang dating ka-loveteam at director sa mga concert na si Rowell Santiago.

 

 

     At malamang may iba pang ibang stars na makakasama ni Sharon na ipapaalam din ngayong araw at sa IG post naman ng Dreamscape Entertainment, “Get ready this Tuesday, November 9, dahil may MEGAnap! Sabay sabay natin siyang i-welcome dahil #KaProbinsyanoNaSHA!”

 

 

Samantala, sa midnight post naman ng GMA Network sa kanilang IG account a few days ago ng teaser na, “He’s HA PPY to be back. 11.09.21.”

 

 

Na may caption na, “Multi-awarded actor, may malaking pasabog! Abangan iyan ngayong Martes.”

 

 

At karamihan nga sa netizens ay iisa lang ang hula sa photo ng actor na naka-smile kundi si John Lloyd Cruz, na matagal na sanang nakapirma pero nagkaroon ng aberya.

 

 

Matatandaan din na lumabas ang balitang magkasama sila ni Bea Alonzo sa isang shoot, na pinalalagay para na para sa Christmas Station ID ng GMA-7, na mukha namang may katotohanan, kaya sobrang nakaka-excite ang pagkakasama ng dalawa sa yearly station ID ng network na may pa-teaser na dahil malapit nang mapanood, ‘Mangingibabaw ang pag-ibig ngayong Pasko!’ at may hashtag na #LoveTogetherHopeTogether!

 

 

Anyway, may follow-up IG post naman ang GMA na, ‘Handa na ba ang PUSO mo?’ na may caption na, “Ihanda ang inyong mga puso dahil ang much-awaited comeback of this box-office actor is almost here! Abangan iyan ngayong Martes.”

 

 

Dagdag post pa ng GMA, “One of the biggest stars of this geneation, may bagong ka-partner?”

 

 

Kaya wala na talagang atrasan ang pagiging Kapuso ni Lloydie at sino kaya ang ia-announce sa makakasama niya sa sitcom?

 

 

Abangan na lang natin at kung sino ang mas pag-uusapan at magta-top trending?

 

 

***

 

 

MAY bago na namang handog ang Viva Films na nagsi-celebrate ng 40th Anniversary sa buwang ito, ang mainit na drama at mga nagbabagang senswal na emosyon ang magliliyab sa bagong erotic drama movie ni Direk Law Fajardo, ang Mahjong Nights na bida ang next important star ng VIVA na si Angeli Khang.

 

 

Matapos ang kanyang sexy role sa pelikulang Taya, tinanggap naman ni VMX Crush Angeli ang challenge ng isang sexy role, kaya naman isa na siya sa mga dapat abangan na rising sexy star ng VIVA.

 

 

Para sa Mahjong Nights, ang award-winning director na si Lawrence Fajardo ang naggabay kay Angeli para sa kanyang role.

 

 

At kay Jay Manalo at Mickey Ferriols, kasama rin sa pelikula ang mga batikang aktor na sina Arnel Ignacio, Jamilla Obispo at Maricel Morales, bilang mga kaibigan ni Esther.

 

 

Kasama rin ang in-demand sexy young actor na si Sean De Guzman bilang ang batang driver at love interest ni Alexa. Kaya naman kaabang-abang ang maiinit na eksena sa pagitan ni Sean at Angeli.

 

 

Kaya itaya niyo na ang lahat para sa pinakamainit na movie experience kapag pinanood ninyo ang Mahjong Nights, streaming online sa November 12 sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East at Europe. Ngayong November 19, available na din and Vivamax sa USA at Canada.

 

 

Para sa local subscriptions, maaaring ma-avail ang P149/month watch-all-you-can plan sa VIVAMAX app at pwedeng magbayad gamit ang iyong debit, credit card, GCash or PayPal account na naka-link sa iyong Google, Apple o Huawei App Gallery account.

 

 

Maaari ding mag-subscribe sa www.vivamax.net, pumili ng plan, at magbayad gamit ang PayMaya, Debit or Credit card, GCash, GrabPay, o sa ECPAY partner outlets na malapit sa inyo.

 

 

Pwede ding mag-add to cart ng VIVAMAX subscriptions sa Shopee, Lazada, PayMaya at ComWorks Clickstore.

 

 

Mas affordable, mas madami at mas madali na ang mag-subscribe, kaya naman #SubscribeToTheMax na sa best Pinoy Movie Streaming App, VIVAMAX!

(ROHN ROMULO)