• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 10th, 2021

JERIC, aminadong malaking pressure na mapiling bida sa movie ni Direk LOUIE kaya dapat lang na galingan

Posted on: November 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA si Engr. Benjamin Austria, the man behind BenTria Productions, na panahon na para ilunsad si Jeric Gonzales in a solo movie kaya ito ang napili niyang magbida sa Broken Blooms.

 

 

Naniniwala ang newbie producer sa kakayahan ni Jeric bilang isang actor kaya first choice ang binata to play the lead in Broken Blooms, written by Ralston Jover and to be directed by Louie Ignacio.

 

 

Nakita raw niya na may potential si Jeric as an actor at agree siya sa decision ni Direk Louie na sa binata ipagkatiwala ang role.

 

 

Pangarap ni Engr. Austria na makapag-produce ng pelikula at nagustuhan niya ang script written by Ralston Jover kaya ito ang napili niya para maging maiden offering ng kanyang production outfit.

 

 

Ayon naman kay Jeric, may pressure siyang nadarama dahil mga award-winning actors ang kasama niya sa Broken Blooms. Pero gusto raw niyang gamitin na motivation ang pressure na ito para pagbutihan ang kanyang acting sa movie, lalo na’t biggest break niya ito as an actor.

 

 

Willing siya gawin kahit na anong eksena ang ipagawa sa kanya basta sa ikakaganda ng pelikula. May tiwala naman siya kay Direk Louie na gagabayan siya nito to come up with a good performance.

 

 

As an added pressure for Jeric, lahat ng artistang nakakatrabaho ni Direk Louie ay nanalo ng award sa festivals abroad. Siyempre dream ni Jeric na maging award-winning actor din.

 

 

Sabi nga ni Direk Louie, “Panahon mo na, Jeric. Para sa ‘yo ito. Galingan mo.”

 

 

***

 

 

COMEBACK movie ni Teri Malvar ang Broken Blooms.

 

 

Siya ang gaganap na na asawa ni Jeric Gonzales sa pelikula na ididirek ni Louie Ignacio.

 

 

First time ni Teri na gaganap na isang young wife. Pero ka-age siya ng karakter na ginagampanan niya.

 

 

“Very adult ang role ko kaya medyo naninibago pa ako. Kaya need namin na mag-bonding ni Jeric para maging maayos ang mga scenes namin together,” pahayag ni Teri.

 

 

Suwerte si Teri sa mga movies niya under Direk Louie. Nanalo siya ng awards for School Service. Kaya naman excited siya to work with Direk Louie sa kanilang reunion project.

(RICKY CALDERON)

TWISTED THRILLER “DON’T BREATHE 2” OPENS IN PH CINEMAS NOV 17

Posted on: November 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

FROM the minds behind blockbuster thrillers Don’t Breathe and Evil Dead comes what Indiewire describes as “a clever, twisted continuation that breathes new life into the horror sequel.”  Columbia Pictures’ suspenseful tale Don’t Breathe 2 will finally be seen in its eye-popping terror when it opens exclusively in Philippine cinemas on November 17.

 

 

[Watch the film’s restricted trailer at https://youtu.be/G-ZfiJZnbFY]

 

 

In 2016’s Don’t Breathe, Norman Nordstrom (Stephen Lang) was underestimated by everyone because of his blindness, but ultimately revealed an unflinching will to survive and get what he wants… and a monstrous, evil side of his personality… He’s a man who’ll let nothing – no person or conscience – stand in his way. Now, in Don’t Breathe 2, eight years have passed, and Nordstrom lives with 11-year-old Phoenix; he has recreated the family stolen from him by a drunk driver and found the twisted justice he’s always felt was his due. When intruders once again come to his home, this time focused on Phoenix, Norman will reveal for a second time what’s hidden inside him, in new and unexpected ways.

 

 

Starring Stephen Lang, Brendan Sexton III, and Madelyn Grace, Don’t Breathe 2 is directed by Rodo Sayagues. Written by Fede Alvarez & Rodo Sayagues. Based on Characters Created by Fede Alvarez & Rodo Sayagues.

 

 

Don’t Breathe 2 came out of a place of trying to surprise ourselves and the audience,” says Alvarez, who reteams with Sayagues to again co-write the sequel, then “changes seats” (in Alvarez’s words) as Sayagues takes on directing duties. “We didn’t want to do a sequel where it was ‘the same again, bigger.’ We are telling a completely different story that poses the same questions – how does the audience feel about this character and what he’s doing. Like any good thriller, it’s a riddle – every scene is a clue, and you have to put it together.”

 

 

With an impressive 85% Audience Score in Rotten Tomatoes, Don’t Breathe 2 has wowed both horror fans and critics from popular genre media outlets when it opened recently in the U.S.

 

 

Collider calls the film “A house full of deliciously rendered horrors,” adding “My anticipation level has raised nearly as high as my adrenaline levels.”

 

 

“Even freakier than the first Don’t Breathe,” shares Edward Douglas of Below The Line. “You’ll never figure out where it’s going.  Expect the unexpected this time around.”

 

 

Sabina Graves of Comingsoon.net describes it as “Thrilling with unexpected shocking twists! Sayagues helms a worthy sequel that expertly amps the tension from the first film to a stunning conclusion.”

 

 

Don’t Breathe 2 is a welcome surprise,” praises Sean O’Connell of Cinemablend. “It’s dark and twisted, but totally unpredictable. It starts off by giving fans of the original what they expect, then it takes off in a wild new direction that’s incredibly disturbing, but compelling and tense.”

 

 

“The Blind Man’s wrath will keep you on the edge of your seat,” claims Simon Thompson of Forbes. “It’s exhaustively tense — you can’t look and you can’t look away!”

 

 

In Philippine cinemas November 17, Don’t Breathe 2 is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Join the conversation online and use the hashtag #DontBreathe2

(ROHN ROMULO)

Unang kaso ng Kappa variant natukoy sa Pinas

Posted on: November 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakarating na sa Pilipinas ang unang kaso ng COVID-19 Kappa va­riant o B.1.617.1 na isang lalaking pasyente mula sa Pampanga, ayon sa Department of Health (DOH).

 

 

Kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang unang kaso ng B.1.617.1 variant sa bansa na isang local case, isang 32-anyos na lalaki mula sa Floridablanca, Pampanga.

 

 

Magaling naman na umano ang pasyente at nagkaroon lamang ng mild na sintomas ng sakit.

 

 

Nakolekta ang sample nito noong Hunyo 2, 2021 pa, kung kailan ang B.1.617.1 variant ay itinuturing pa lamang na variant of interest.  Pero simula noong Setyembre 20, ang naturang variant ay itinuturing na bilang ‘variant under monitoring’ ng World Health Organization (WHO).

 

 

Tiniyak naman ni Vergeire na masusi nilang iimbestigahan ang natu­rang kaso upang makakuha pa ng dagdag na impormasyon kung paano nakarating ito sa Pilipinas.

 

 

Ang Kappa variant ay nagmula sa lineage na kahalintulad ng sa Delta variant at unang natukoy sa India noong Oktubre 2020. (Daris Jose)

9 Valenzuelano Centenarians nakatanggap ng cash incentives

Posted on: November 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SIYAM na centenarian na kinakatawan ng kanilang mga kamag-anak ang nakatanggap ng cash incentives mula sa Pamahalaang Lokal ng Valenzuela bilang pagkilala sa kanilang mahabang buhay na nakaukit sa kasaysayan ng Lungsod.

 

 

Ang lokal na pamahalaan ay namimigay ng cash incentives sa mga centenarian na residente ng lungsod mula noong 2016 sa bisa ng Ordinance No. 300 o ang “Centenarian Ordinance of Valenzuela City”. Mula sa P20,000 bawat isa, itinaas ito ng Lungsod sa P50,000 noong nakaraang taon alinsunod sa pag-amyenda sa Ordinance No. 652.

 

 

Ang cash incentive na ito ay iba sa insentibong natatanggap ng mga centenarian mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan makakakuha din sila ng P100,000 bawat isa base sa Centenarians Act of 2016.

 

 

Maliban sa PhP 50,000 cash incentive, makakatanggap din ang mga centenarian ng food packs at vitamins mula sa Alliance of Senior Citizens of Valenzuela City.

 

 

Sa siyam na centenarians, dalawa na ang pumanaw ngayong taon ngunit nakatanggap pa rin ng kanilang cash incentives dahil qualified pa rin sila at maaaring gawaran ng posthumously. Batay sa tala ng lungsod, mayroon itong pitong buhay na centenarians – tig-isa mula sa Barangay Coloong, Wawang Pulo, Mapulang Lupa, Malinta, at Ugong, at dalawa mula sa Barangay Karuhatan.

 

 

Samantala, pinaalalahanan ni Mayor REX Gatchalian ang mga kaanak ng mga benepisyaryo, gayundin ang bawat Valenzuelano, na pabakunahan ang mga senior citizen laban sa COVID-19 para sila ay maprotektahan dahil sila ay madaling mahawaan ng virus.

 

 

“I send my regards to our dear centenarians at home… Let this cash incentive from your city government help you sustain your needs as you further reach your golden years. You are a part of Valenzuela City’s history and this incentive is our way of saying ‘thank you’ as we celebrate your life here in Valenzuela City,” ani Mayor REX. (Richard Mesa)

Duterte personal na sinalubong pagdating ng 2.8-M doses ng Sputnik V

Posted on: November 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinangunahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsalubong nitong Lunes ng gabi sa pagdating ng 2.8 million doses ng Sputnik V sa Villamor Air Base sa Pasay City.

 

 

Ang malaking bulto ng bakuna mula sa Russia ay binili ng gobyerno.

 

 

Nagbigay naman ng maiksing talumpati ang pangulo kung saan pinasalamatan niya ang Russia kasabay din nang panawagan sa publiko doon sa mga hindi pa nagpapabakuna.

 

 

“The government cannot do this alone, and we need your active participation by getting vaccinated and strictly following minimum health standards,” ani Duterte.

 

 

Samantala, kasama rin ng pangulo na sumalubong ay si Russian Ambassador to the Philippines Marat Pavlov, Senator Bong Go, vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., DILG Secretary Eduardo Año, Presidential Assistant on Foreign Affairs Usec. Robert Borje, Health Usec. Ma. Carolina Vidal-Taiño, Philippine Archipelago International Trading Corporation Chairman Benito Yap Aw at PAITC President Olivia Limpe Aw.

 

 

Samantala ang latest delivery ng Sputnik V vaccine ay nagdagdag para umabot na sa 7.19 million ang natanggap ng bansa mula sa 10 million doses na inorder ng gobyerno ng Pilipinas. (Daris Jose)

Malakanyang, binalaan ang mga Alkalde laban sa pagpapatigil at pagbasura sa COVID-19 face shield policy

Posted on: November 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BINALAAN ng Malakanyang ang mga Alkalde na sasalungat sa mandatory face shield policy para sa mga “crowded and enclosed spaces.”

 

Ang polisiya ay nananatiling epektibo maliban na lamang kapag sinabi na ng pandemic task force na tigilan na ang paggamit ng face shield.

 

Ang paalalang ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos na ipatigil ng Lungsod ng Davao, Manila, Iloilo, at iba pa ang polisiya sa labas ng hospital setting.

 

“Ang desisyon po ng IATF ay desisyon din ng Presidente. So ang desisyon po ngayon ay kailangan ipatupad muna ang mga face shields habang pinagaaralan po,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Mayors are under the supervision of the President. Let us follow the chain of command,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Nauna rito, tinintahan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang Executive Order No. 42 o ang Non-Mandatory Wearing of Face Shield sa lungsod ng Maynila.

 

Maliban lamang sa mga hospital, medical clinic, at iba pang medical facilities.

 

Ang nasabing kautusan ay agad na ipatutupad ngayong araw sa buong lungsod kung saan agad ding ipadadala ang kopya sa bawat establisimyento.

 

Napagdesisyonan ito ng lokal na pamahalaan ng Maynila base na rin sa mga guidelines na una nang ipinalabas ng Inter- Agency Task Force (IATF) partikular ang pagpapatupad ng Alert Level 2 system sa National Capital Region (NCR).

 

Isa din dito ang naging pahayag ni Interior Secretary Eduardo Año kung saan sinabi mismo ng kalihim na karamihan sa mga miyembro ng IATF ay pabor na huwag nang magsuot pa ng face shield.

 

Sinabi naman ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Benjamin Abalos na nagkaisa ang Metro Manila mayors na gawing opsyonal na lamang ang paggamit ng face shield.

 

Humirit naman si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeireng isa pang linggo para pag-aralan kung dapat na ngang alisin ang face shield requirement sa gitna ng mababang bilang ng COVID-19 cases.  (Daris Jose)

NADINE, nagsimula nang mag-shooting at si DIEGO ang napiling ka-partner; netizens nag-react sa teaser photos

Posted on: November 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGSIMULA na ngang mag-shooting si Nadine Lustre para sa comeback film niya sa Viva Films at sa direksyon ni Yam Laranas.

 

 

Nag-post na si Direk Yam ng teaser photos sa kanyang Instagram account na may caption na, “GREED @vivamaxph #actor@nadine @diegoloyzaga #filmmaking #storytelling #cinema #cinematography#filmproduction @viva_films x @meshlabprod #entertainment.”

 

 

Marami namang na-excite sa bagong pelikula ni Direk Yam na unang pagtatambal nina Nadine at Diego, lalo na yun JaDine fans.

 

 

Anyway, iba’t-iba na naman ang naging reaction ng netizens sa naturang teaser photos ni Direk Yam, na ang ilan ang tuwang-tuwa talaga at meron namang nag-disagree na si Diego ang napiling leading man ni Nadine ng Viva Films na nagsi-celebrate ng kanilang 40th Anniversary.

 

 

Ayon sa ilang netizens:

 

“Hustisya kay Nadine. Di sila magka-level ng talent ni Diego.”

 

“Sure ako na hater ka at di ka talaga concern sa justice for Nadine. Nanghihikayat ka lang ng negative comments.”

 

“WOW naman as if bankable star yang idolet mo! Ewan ko nga sa VIVA at hinabol pa yan. Dapat diyan ilagay sa isang freezer. Napaka Feeling!”

 

“’Di naman naging bankable si Diego like Nadine before pero ghorl kayang lamunin sa acting ni Diego si Nadine(no hate to nadz) pero sa totoo lang tayo, Medyo mas magaling naman sa actingan si Diego diyan.

 

“Wala pa akong nakikitang acting ni Nadine na kayang manglamon talaga, yung mapapanga-nga ka sa sobrang galing. So baka hustisya kay Diego siguro hehehe.”

 

“Hustisya? sinabi nyo na rin yan nung nilabanan nya Viva haha! Ayan, sinampal sya ng hustisya. Magbayad sya o i-honor yung contract.”

 

“Hustisya? D kaya magaling si nadine. Natsambahan lang. Yung never not love you??? Naku! Sakit sa bangs ng acting nila ni jaime. Please!!!”

 

“For sure mag nunumber 1 to sa vivamax.”

 

“I like Nadine pero di tlga sya magaling umarte medyo Kulang sa emosyon. Sana this time maipakita nya yun best nya .Hahahahaha sorry po.”

 

“Pansin ko rin pilit pero magaganda movies nya.”

 

“Nadine Lustre won Famas, Gawad Urian, and Young Critic’s Circle best actress awards for ‘Never Not Love You’, and Asian Academy Creative Award best actress award and other noms for ‘Ulan’. Sa mga nagsasabing hindi sya marunong umarte, those whose opinions matter disagree with you. She’s the best actress of her generation.”

 

“Naalala ko ung movie nila n james ung ofw nakakhiya walang sense.. sayang oras ko. Bat ba pinagaaksayahan pa ng pera e wala naman talaga talent huhuhu.”

 

“Everytime nagtatrabaho si Nadine ang daming kuda ng bashers. Ang aarte nyo! Ang dami nyong kaartehan kung sinong kasama. Si Nadine ang sinasabing nega pero ginagawa naman ng tama ung trabaho nya. Tapos pag di gawin, pasaway, laos, flop etc… So kayo ata ang nega from the start.”

 

“GOD bless you Nadz. Just focus on work & family.”

(ROHN ROMULO)

Metro Manila mayors, oks na bawiin na ang face shield policy – MMDA

Posted on: November 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGKAISA ang mga Local chief executives sa National Capital Region (NCR) na bawiin na ang sapilitang paggamit ng face shields, maliban sa itinuturing na critical areas.

 

“Napagkasunduan namin itong initial position ng Metro Manila mayors to do away with face shields,” ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos.

 

“Wala na hong face shields maliban lamang sa mga critical areas kamukha ng ospital, kamukha ng health centers… and even ‘yung mga public transport system po natin,” ayon pa kay Abalos.

 

Ang pahayag na ito ni Abalos ay kasunod nang naging anunsyo ng lokal na pamahalaan ng Maynila na hindi na pagagamitin o aalisin na ang paggamit ng face shields sa mga Manileno at mga taong pupunta ng Maynila.

 

Ani Abalos, magsusumite ang Metro Manila mayors ng kanilang posisyon sa Inter-Agency Task Force (IATF) para sa pagbasura ng face shield requirement.

 

Aniya, suportado nila ang panukala ni Interior Secretary Eduardo Año na tigilan na ang paggamit ng face shields, maliban sa mga hospital settings.

 

Noong nakaraang linggo ay humirit pa ng isang linggong palugit ang Department of Health (DOH) sa IATF, para patuloy na pag-aralan ang guidelines kaugnay sa paggamit ng face shield.

 

Sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque, sinabi ni Health Undersecretary Rosario Vergeire na sa gitna ng mga rekomendasyon na alisin na ang paggamit ng face shield sa mga ipinatutupad na health protocols, lalo at bumababa naman na ang kaso ng COVID-19 sa bansa ay marapat na pag-aralan pa rin ito.

 

“Iyon pong face shields pinag-usapan din po kahapon sa IATF at nag-manifest po ang Department of Health na bigyan pa kami ng isang linggo para patuloy na pag-aralan.” ani Usec Vergeire.

 

Pagtiyak nito, kaya naman nila inirekomenda ang paggamit nito noon ay dahil nagkaroon ng basehan at ebidensya sa bisa nito.

 

“Ito pong face shield noong atin pong inirekomenda, ginamit po natin ang ebidensiya at basehan na binigay po ng ating mga eksperto. We have the leading CTG group na continuously evaluating therapeutics, diagnostics at saka ito pong mga face shield at face mask, kung ano po ang dulot nito na benepisyo para sa ating kababayan with regard to protection against COVID-19.” —Usec Vergeire.

 

Sa ngayon aniya, isinasailalim nila itong muli sa ebalwasyon at sa oras na lumabas na ang resulta nito, ay agad naman silang magkakaroon ng angkop na rekomendasyon sa IATF.

 

“So ngayon po niri-re-evaluate nila lahat ng existing evidences at ‘pag lumabas na po ito, magkakaroon na po tayo nang appropriate recommendation for the face shields.” aniya pa rin.

 

Sinabi pa nito na sila naman sa DOH ay suportado rin ang pagluluwag ng mga restriksyon, ngunit kailangan lamang aniya talaga ng ebidensya o pag-aaral, upang maging buo ang kanilang gagawing rekomenndasyon.

 

“Pero definitely the Department of Health supports naman po itong pong ease ng mga proteksiyon katulad ng mga face shield dito po sa mabababa ang transmission. Kailangan lang po natin ng ebidensiya para mas mabuo po natin ang ating rekomendasyon sa IATF.” ang pahayag ni Usec. Vergeire. (Daris Jose)

Ads November 10, 2021

Posted on: November 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hininga ni JUDY ANN ang binigay para sa anak na si YOHAN na 17 years old na

Posted on: November 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BUKOD sa nasa ika-4 na taon na ang Tadhana ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, very proud si Dingdong Dantes sa kanyang Misis, dahil sa paglago naman talaga ng sariling business nito, ang Floravida by Marian.

 

 

Nagsimula lang ito sa mga long-lasting flowers design niya, hanggang sa magkaroon siya ng Floravida home at ngayon, level-up na talaga dahil may Floravida clothing na rin siya.

 

 

Halatang enjoy si Marian sa ginagawa na very hands-on sa kanyang business at the same time, very hands-on din sa pag-aalaga sa kanyang mag-aama, lalo na ngayong pandemic. At the same time nga, tuloy-tuloy pa rin sa kanyang Tadhana hosting at sangkaterbang endorsements. Heto’t may bago pa siya, ang Globe.

 

 

Kaya kahit na magkahiwalay ngayon dahil naka-lock-in taping si Dingdong para sa isang short teleserye sa GMA-7 at sa tila miss na miss na agad ang isa’t-isa dahil sa reply ni Marian sa IG post ni Dingdong na, “Awww mahal ko. Salamat. I miss you.”

 

 

At buong pagmamalaki na caption nga ni Dingdong para sa kanyang maybahay, “As you launch your new product line today, please know that I am so proud of how empowered you’ve become as a woman, as actress, a wife, a mother and an entrepreneur.  

 

 

You have worked hard for this, and I have personally witnessed your perseverance in sharing your talent, gifts and passion with as many people as possible through Flora Vida.

 

 

      “Kaya naman sobrang excited ako para sa ‘yo! Buksan na ang tindahan! And when they ring it, I’d gladly bring it.”

 

 

‘Sana All’ talaga ang tandem in and out cam gaya ng DongYan.

 

 

***

 

 

HININGA nga ni Judy Ann Santos ang binigay niya para sa anak na si Yohan Agoncillo. 

 

 

Open naman si Juday at Ryan Agoncillo na adopted nila si Yohan pero since baby ito, talagang masasabing ibinigay at ibibigay ni Juday ang hininga niya para sa anak.

 

 

Gano’n niya ito kamahal.

 

 

Sa Instagram post ni Juday, pinost niya ang mga letter balloons para sa 17th birthday ni Yohan at nag-caption siya na, “Hininga ko lahat yan anak…”

 

 

At sa kanyang birthday message rito, hindi ito makapaniwalang 17 years old na ang anak at nagugulat din daw siya kung paano, halos pareho sila sa maraming bagay kaya “twin” ang tawag niya.

 

 

Sabi ni Juday, “17!!?? What??? No!!! Oh my sweet baby love… my answered prayer, my twin in so many ways (kahit ako nagugulat) It’s amazing how we saw you grow up and mature right before our very eyes.

 

 

You’re doing great my love… life can be tough and unforgiving… but, don’t you worry my dear love… mommy and daddy wull be behind you all the way. (Hanggang manabang ka!) We love you so much sweetheart. Happy Birthday our forever baby girl.”

 

 

At saka ito may pahabol na next year daw, ika-count na nilang pabaligtad ang edad nito.

(ROSE GARCIA)