• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 12th, 2021

Motorista puwedeng mamili kung PMVIC o PETC ang emission testing ng sasakyan

Posted on: November 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi pipilitin ang mga motorista na mag avail ng emission testing sa mga private emission testing centers (PETCs) na siya naman sinusulong ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ng Land Transportation Office (LTO) hanggang wala pa further notice sa publiko.

 

 

 

Kailangan ang inspection report ng emission testing centers sa mga sasakyan dahil ito ay isang requirement bago marehistro ang sasakyan.

 

 

 

Sa isang budget deliberations na ginawa sa Senado sa pangunguna ni Senate committee on finance chair Grace Po, sinigurado ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na hindi nila pipilitin ang mga motorista na sa mga PETCs magpagawa ng testing ng kanilang sasakyan.

 

 

 

Nilinaw ni Tugade na maaari silang mamili kung saan nila gustong magpa inspect ng kanilang sasakyan. Puwede sa mga PETCs at PMVICs dahil parehas lamang ang presyo ng testing.

 

 

 

Ayon pa rin kay Tugade na kahit na pareho lang ang presyo ng testing sa PMVIC at PETC, ang emission testing naman ng una ay mas extensive at modern kumpara sa huli.

 

 

 

“I have already instructed the LTO and the LTFRB insofar as PMVICs and PETCs are concerned to make them co-exist. We still don’t have economies of scale or the critical mass,” saad ni Tugade.

 

 

 

Sinabi niya ito dahil kukunti pa rin ang mga bilang ng mga PMVICs kung saan ito ay may 72 na sangay lamang sa buong bansa samantalang ang mga PETCs ay may 800 na sangay. Dahil sa kakulangan ng mga PMVICs nagkakaron ng mahabang pila at kung minsan ay tumatagal pa ng hanggang dalawang (2) araw bago sumailalim sa inspeksyon ang isang sasakyan.

 

 

 

“There are many provinces that have only one PMVIC, causing congestion and risking COVID-19 infections. Some provinces reportedly share only one PMVIC,” dagdag ni Tugade.

 

 

 

Suspendido muna ang mandatory testing sa mga PMVIC hanggang hindi pa marami at sapat ang mga sangay ng PMVICs na magbibigay ng serbisyo sa publiko.

 

 

 

Ating maalala na nagkaron ng mabigat na pagtutol ang mga motorista ng mga nagdaang taon ng ipag-utos ng LTO at LTFRB na sa mga PMVICs lamang maaaring sumailalim ang mga motor vehicles ng extensive roadworthiness at safety examinations.

 

 

 

Samantalang ang layunin ay maganda, ang mga motorista at mambabatas ay naghihinala na ang nasabing requirement ay puno ng corruption dahil ang bidding na ginawa para sa PMVIC licenses ay hindi transparent at ang ibang centers ay sinasabing may kaugnayan sa mga opisyal ng LTO at LTFRB.  LASACMAR

’Ibigay ang buong suporta kay incoming PNP chief Lt.Gen. Carlos’

Posted on: November 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nanawagan si outgoing PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa lahat ng miyembro ng PNP na magkaisa sa likod ng magiging susunod na PNP Chief na si Lt.Gen. Dionardo Carlos.

 

 

Ayon kay Eleazar, taglay ni Carlos ang lahat ng qualification para sa pinaka mataas na posisyon sa PNP at nakita ng Pangulo sa kaniya ang lahat ng criteria.

 

 

Binati ni Eleazar si Carlos sa kaniyang promosyon kasabay ng pag-alok ng anumang maitutulong niya bilang dating hepe ng PNP.

 

 

 

“The President has decided, now is the perfect time for the PNP to express our unity and solidarity behind the chain of command as we welcome a new leader who will ensure continuity of command in our organization,” pahayag ni Gen. Eleazar.

 

 

Sinabi ni Eleazar na bilang kanyang Chief, Directorial Staff, si Lt. Gen. Carlos ang naging instrumento ng pagsulong ng Intensified Cleanliness Policy sa PNP.

 

 

Si Eleazar ay bababa sa pwesto ngayong Biyernes, Nobyembre 12, isang araw na mas-maaga sa kanyang mandatory retirement sa Sabado pagsapit ng kanyang ika-56 na kaarawan.

 

 

“The mission ahead is as huge as the responsibility that rests on the shoulders of General Carlos. I wish him all the best in the new post even as I offer myself in my humble capacity as a retired PNP Chief in whatever assistance I can provide,” dagdag pa ni Eleazar. (Gene Adsuara)

‘Maging bayani, magpabakuna, -magligtas ng buhay’ – Bong Go

Posted on: November 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hinikayat ni Senator Senate Committee on Health chairman Christopher “Bong” Go ang bawat isa na maging isang bayani sa sariling kaparaanan sa pamamagitan ng pagpapabakuna upang hindi na kumalat ang COVID-19 at mailigtas ang buhay ng iba.

 

 

“Let us be heroes in our own way and put a stop to the spread of this virus by getting vaccinated. Hinihikayat ko ang lahat na magpabakuna lalo’t bukas na ang programa sa ge­neral population. Nasa datos naman na kung sino ang positibo at grabe ‘yung sintomas ay kadalasan sila ‘yung mga hindi pa bakunado,” ayon kay Go.

 

 

Kaya naman suportado ng senador ang pinagsanib na inisyatiba ng pamahalaan at pribadong sektor na layong pag-ibayuhin pa ang vaccination drive sa pamamagitan ng pagtuturok ng 5 million doses ng COVID-19 vaccines sa loob ng 3 araw.

 

 

Hinimok ni Go ang lahat ng sektor at eligible individuals na suportahan ang nationwide campaign na isasagawa sa November 29 hanggang December 1, para matulungan ang bansa na maabot ang target na mabakunahan ang 50% ng populasyon bago matapos ang taon.

 

 

“Ipakita natin ang malasakit sa ating mga frontliners at magpa-schedule na sa pinakamalapit ninyong vaccination site. Huwag kayong matakot sa bakuna dahil ito ang tanging solusyon para unti-unti na tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay,” apela ni Go. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

NORA, kinilala ng ‘Komisyon sa Wikang Filipino’ ang kontribusyon sa mga pelikulang Pinoy

Posted on: November 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY sa pagtanggap ng awards ang ating mahal na Superstar na si Ms. Nora Aunor.

 

 

Kinilala ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang kontribusyon ni Nora Aunor sa mga pelikulang Pinoy at pinarangalan ito bilang Kampeon ng Wika para sa taong 2021 ngayong Martes.

 

 

“Masaya po akong tinatanggap ang karangalang ito bilang Kampeon ng Wikang Filipino sa taong ito ng Komisyon sa Wikang Filipino. Bagama’t isang Bikolana, naniniwala akong kailangan pa nating palakasin at pasiglahin ang wikang nagbibigay sa atin, at natutuwa akong makita ng KWF ang munti kong kontribusyon sa pamamagitan ng aking mga awit at pelikula,” saad sa pinadalang mensahe ni Nora.

 

 

“Ipinapangako ko pong magpapatuloy ang inyong lingkod sa pagsusulong ng ating mga wika sa Pilipinas. At sa mga magulang, sana po patuloy ninyong turuan na mahalin ng ating kabataan ang ating sariling wika,” dugtong pa ng batikang aktres.

 

 

Bukod sa aktres, tumanggap din ng parehong parangal ang organisasyong Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino.

 

 

Ang Kampeon ng Wika ay taunang iginagawad ng KWF sa mga indibidwal, institusyon, o organisasyon na aktibo sa pagpapalaganap at pagpepreserba ng wikang Filipino at iba pang dayalekto sa Pilipinas sa kanilang industriyang kinapapalooban.

 

 

***

 

 

DALAWANG malaking showbiz event ang naganap last Tuesday, November 9.

 

 

Winelcome ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment si Megastar Sharon Cuneta bilang guest star sa FPJ’s Ang Probinsyano.

 

 

Over at the Kapuso network, pumirma naman ng kontrata sa GMA 7 ang award-winning actor at dating Kapamilya na si John Lloyd Cruz para sa isang sitcom na kanyang gagawin.

 

 

First time ni Lloydie na gagawa ng show sa GMA dahil ever since ay ABS-CBN contract star ang binata. Bagets pa si Lloydie when he did Tabing-Ilog for the Kapamilya and later on was paired with Bea Alonzo sa mga TV shows at movies.

 

 

Unang sabak naman ni Sharon sa teleserye ang pagpasok niya sa action-drama show ni Coco Martin which is celebrating its 6th anniversary. Ang pag-guest ni Sharon sa teleserye ay katuparan ng pangarap ng mga Sharonians at maging ng Megastar na finally ay maging bahagi siya ng isang teleserye.

 

 

She couldn’t have made a better choice than be part of FPJ’sAP dahil ito ay isa sa pinaka-popular na programa sa ABS-CBN.

 

 

Kahit na walang franchise sa ngayon ang network at nag-migrate sila sa online platform, patuloy na mataas ang viewership ng programa ni Coco.

 

 

Tiyak na mas lalong darami ang manonood sa FPJAP dahil for sure ay tututukan ito ng mga Sharonians who are delighted na gagawa na rin ng teleserye ang kanilang Mega idol.

 

 

Since matagal na rin naman walang TV show si Lloydie, much-awaited din ang kanyang acting comeback sa GMA via a sitcom.

(RICKY CALDERON)

‘Casino, karera ng kabayo, sabong, bawal pa rin sa Alert Level 2’

Posted on: November 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Bagamat marami na ang mga establisyemento at serbisyo ang pinapayagan sa pagluluwag sa Metro Manila at karatig na lugar sa ilalim ng Alert Level 2, may ilang pa rin sa mga ito ang mahigpit pa ring ipinagbabawal.

 

 

Batay sa panuntunan ng IATF bawal pa rin ang pagbubukas ng mga casino, karera ng kabayo, sabungan at iba pa.

 

 

Samantala sa Alert Level 2 guidelines kung saan pinapayagan na pero limitado lamang sa 50 percent ang indoor capacity at 70 percent naman sa outdoor capacity ay narito ang mga sumusunod:

 

limited face to face classes
religious gatherings and necrological services
dine-in service
meetings or conferences
concert
party gaya ng kasalan
birthday
karaoke at iba pa
amusement o themeparks
tourist attractions at recreational venues
entertainment venues kasama ang mga sinehan na limitado sa mga vaccinated
mga teatro at bar
personal care establishments
beauty salon
barbershop and spas
gym and fitness studios
venues para sa non-contact exercises
contact sports na aprubado ng LGU.

 

 

Habang pinapayagan na rin ang pagtitipon sa bahay kahit kasama ang mga hindi bahagi ng mismong household.

ANGELI, umaming suportado ng ina sa pagpapa-sexy na taliwas sa amang Korean general; bida agad sa second movie

Posted on: November 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MASUWERTE ang dating cosplayer na si VMX Crush Angeli Khang dahil second movie pa lang niya sa Viva Films na nagsi-celebrate ng 40th Annivesary ngayong November, ay bida na agad siya.

 

 

Una ngang nagpakita ng alindog ang Fil-Korean star sa erotic film na Taya, na kung saan nakasama rin niya ang in-demand young sexy actor na si Sean de Guzman, na leading man niya ngayon sa isa na namang sexy films ang Mahjong Nights na streaming na ngayon sa Vivamax.

 

 

Ayon sa 20-year sexy star, “It made me say ‘yes’ nung nalaman ko yung story niya hindi lang basta may magawa, talagang the details, the research, the mental health, the emotions and everything, on point siya.     

 

 

Na-feel ko talaga sa sarili ko na kung nangyayari ito hindi pa sa pandemic, nasad ako na dumami pa yung cases nung nagkaroon ng pandemic. So seeing the comments of some people who judged kagad yungcpagka erotic in a bad way, inaanyayahan ko kayong panuorin itong Mahjong Nights at talagang it’s an eye-opener to all.

 

 

I hope na magustuhan niyo dahil marami kaming mga pasabog dun. After watching the movie I’m sure madaming maiiwan na feelings sa inyo kaya panuorin niyo ‘to.

 

 

Hindi nga naging madali ang desisyon niya na pasukin ang showbiz na nagsimula sa pagmo-model at pagko-cosplay, lalo pa nga’t isang Korean general pala ang kanyang ama.

 

 

Kuwento pa ni Angeli na sinasabing next important star ng Viva Films, “When he knew about my modeling he wasn’t supportive kasi ang gusto niyang mangyari sa akin ay sundan yung landas niya sa army and he said that it has a lot of better opportunities din.

 

 

But my heart and mind tell me na gustong gusto ko talaga ‘to kaya I got consent from my mom and she told me to just do whatever makes me happy and I’m thankful that my mom is supportive.

 

 

And I think I’ll have a lot of explaining to do to my dad.

 

 

Buti na lang at very supportive sa showbiz career niya ang kanyang mommy.

 

 

Pahayag pa niya, It’s really hard na i-explain sa mom ko but I’m thankful to end up na sobrang supportive niya sa akin and sabi niya as long as I’m happy with what I’m doing and wala akong tinatapakan na tao then she’ll be a supportive mother.

 

 

Dagdag kuwento pa ni Angeli, ang real name niya ay Agnes Khang at nagmula siya sa isang conservative family.

 

 

“Nag-start ako 2017 as a cosplayer and from there on yung mga tao nagpapa-picture sa akin, dun ko na-realize that I enjoy being in front of the cameras and nung may nag-invite sa akin maging model, grinab ko na talaga yung opportunity na yun kasi alam ko na hindi ako magiging mahiyain sa harap ng camera at dream ko talaga maging artista.”

 

 

Nang nakita raw ng manager niya na si Jojo Veloso na may potential kaya inaya siya na maging part ng Viva artists.

 

 

Aminado naman si Angeli dahil sa kagustuhan niyang mag-artista, meron siyang kailangang isakripisyo.

 

 

Kaya nung nagkaroon ako ng opportunity, I left my school dahil isang opportunity lang ito sa buhay. But after that, I’m planning to be a chef or lawyer but I want to be successful and focus on my career muna.

 

 

Sabi naman niya tungkol sa Mahjong Nights, pinaghandaan ko itong movie na ‘to and sa ganitong mga scenes dahil sabi ng manager ko kunin ko daw itong obstacle na ‘to sa buhay as my stepping stone and work hard on it so that when the people see your effort, sila na mismo ang tutulong sa ‘yo.

 

 

Kasama rin nina Angeli at Sean sa Mahjong Nights sina Jay Manalo, Mickey Ferriols, Arnell Ignacio, Maricel Morales at Jamilla Obispo.

 

 

Ang newest erotic drama film ng Vivamax ay mula sa direksyon ni Lawrence Fajardo.

 

 

Napapanood na nga ang lahat ng contents ng Vivamax sa Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, sa Middle East at Europe.

 

 

At simula sa November 19 paparating na rin ang Vivamax sa USA at Canada na mag-subscribe na.

(ROHN ROMULO)

PAUL RUDD, napiling ‘People’s Sexiest Man Alive’ ng 2021 at ‘di ang nag-leak na si CHRIS EVANS

Posted on: November 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ISANG Marvel superhero ang napiling People’s Sexiest Man Alive of 2021.

 

 

Hindi si Captain America Chris Evans ayon sa kumalat na leak, kundi si Ant-Man na si Paul Rudd.

 

 

In-announce sa talk show na The Late Show with Stephen Colbert ang pagpili kay Rudd at pinakita na ang official cover ng People’s annual Sexiest Man Alive issue.

 

 

Biniro pa ni Colbert si Rudd sa kanyang show by saying: “Paul tested negative for sexy. Don’t you see, Paul? There’s nothing sexier than humility!”

 

 

Nagkuwento si Rudd na ang misis niya for 18 years na si Julie Yaeger, na nakilala while shooting his first film, Clueless, ang kaisa-isang tao na binalitaan niya tungkol sa Sexiest Man Alive title.

 

 

“She was stupefied! After some giggling and shock, she said, ‘Oh, they got it right.’ And that was very sweet. She was probably not telling the truth, but what’s she going to say?” tawa pa niya.

 

 

Nakilala si Rudd bilang comedian at lumabas siya sa numerous comedies and rom-coms tulad ng The Object Of My Affection, 200 Cigarettes, Wet Hot American Summer, Anchorman, The 40-Year Old Virgin, Knocked Up, Over Her Dead Body, Forgetting Sarah Marshall, Role Models, I Love You Man, Wanderlust, This is 40, This is the End at Admission.

 

 

Nabigyan ng chance na maging Marvel superhero si Rudd ng maging title roler siya sa Ant-Man. Lumabas din siya MCU films sa Ant-Man and the Wasp, Captain America: Civil War, Avengers: Endgame at sa upcoming Ant-Man and The Wasp: Quantumania.

 

 

Mapapanood si Rudd sa Apple TV+’s The Shrink Next Door.

 

 

Past recipients of the Sexiest Man Alive title ay sina Mel Gibson, Mark Harmon, Harry Hamlin, Nick Nolte, John F. Kennedy Jr., Pierce Brosnan, Richard Gere, Harrison Ford, Brad Pitt, Keanu Reeves, George Clooney, Matthew McConaughey, John Legend, Ben Affleck, Denzel Washington, Idris Elba, Sean Connery, Tom Cruise, Jude Law, Patrick Swayze, Hugh Jackman, Johnny Depp, Adam Levine, Matt Damon, David Beckham, Chris Hemsworth, Bradley Cooper, Ryan Reynolds, Channing Tatum, Blake Shelton at Dwayne Johnson.

 

 

      ***

 

 

KAHIT na na-shelve pansamantala ang dapat na unang teleserye ni Xian Lim sa GMA-7 na Love. Die. Repeat. dahil buntis ang leading lady niya na si Jennylyn Mercado, hindi naman siya matetengga dahil nabigyan siya ng kapalit na teleserye at ang makakatambal niya ay si Glaiza de Castro.

 

 

Isang romantic-comedy mini-series ang pagsasamahan nila Xian at Glaiza titled False Positive na magsisimula na ang lock-in taping on November 26. One week before the taping ay mag-hotel quarantine ang buong cast and crew.

 

 

Tatagal lang daw ng four weeks ang naturang mini-series at ang airing nito ay sa February 2022. Mag-resume naman next year ang Love. Die. Repeat. pagkatapos na manganak at maka-recover si Jennylyn.

 

 

Excited na rin daw bumalik sa trabaho si Glaiza dahil ilang buwan din siyang nagbakasyon sa Europe kasama ang fiance na si David Rainey. Sinamahan nga ni David si Glaiza sa Turin, Italy noong manalo ang pelikula nitong Midnight in a Perfect World sa TOHorror Fantastic Film Fest 2021. Pumunta rin sila sa Barcelona, Spain para sa pre-nuptial shoot nila.

 

 

Huling napanood si Glaiza sa top-rating GMA Afternoon Prime series na Nagbabagang Luha.

 

 

***

 

 

MULING nakatanggap si Kiray Celis ng bongga at mamahalin na regalo mula sa kanyang boyfriend na si Stephan Estopia.

 

 

Pinost ni Kiray sa kanyang Instagram ang niregalo sa kanya na Louis Vuitton sandals with matching brown leather straps.

 

 

Biro pa ni Stepha na iyon na raw ang Christmas gift niya kay Kiray,

 

 

“Loyal na lalaki lang hiniling ko pero binigyan niyo ko ng lalaking may pa iPhone 13 na may pa LV pa! Huhuhu! Christmas gift na daw niya sa akin. HAHAHAHA! I love you, @stephan.estopia!”

 

 

Napa-“sana all” ang maraming netizen sa ka-sweet-an ng dalawa. Pero may mga maaasim pa rin na inggit at hindi matanggap na maganda ang pagsasama nina Kiray at Stephan.

 

 

Noong nakaraang October 30, pinadalhan si Kiray ni Stephan ng brand new iPhone 13 Pro Max habang naka-hotel quarantine ito. Para raw mas magandang lumabas ang mga bina-vlog ni Kiray. Pina-tatto rin ni Stephan ang mga mata ni Kiray sa kanyang dibdib noong nakaraang September.

 

 

Mapapanood si Kiray sa upcoming drama mini-series Stories From The Heart: Love on Air. (RUEL J. MENDOZA)