• November 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 13th, 2021

ALDEN at JOHN LLOYD, parehong wini-wish na magkasama sa isang project; DENNIS, willing maging kontrabida ng bagong Kapuso

Posted on: November 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MUKHANG wala pa ring balak si Kapuso actress LJ Reyes na bumalik ng Pilipinas, lalo pa at mukhang nagagamay na ang mga kasama niyang anak na sina Aki at Summer.

 

 

Sinubukan siyang kausapin noon ng father ni Aki (Paulo Avelino) na kung uuwi sila ng bansa, pwedeng mag-stay sa kanilang bahay sa Baguio ang mag-iina, pero she didn’t buy the offer.  Wala namang paramdam man lamang si Paolo Contis, ang tatay ni Summer, tungkol sa kanila.

 

 

Nalilibang na si LJ sa pag-aalaga sa mga anak, lalo na at magiging teenager na si Aki at naiintindihan na raw nito ang mga pinag-uusapan nila at si Summer ay mukhang ini-enjoy na ang bago nilang kapaligiran.

 

 

Tumutulong din kasi si LJ sa business ng mommy  niya, a café bar, sa New York at very soon ay baka ituloy na rin niya ang business niya na tungkol sa mga beauty products.

 

 

Bago umalis ng bansa, katatapos lamang mag-renew ng contract niya si LJ sa GMA Network at hindi kataka-taka kung one day ay maisipan na ring bumalik ng mag-iina rito.

 

 

***

 

 

KAHAPON ang finale episode ng cultural drama series na Legal Wives ni Kapuso Drama actor Dennis Trillo, with ‘wives’ Alice Dixson, Andrea Torres and Bianca Umali. 

 

 

Kaya si Dennis, ay gusto namang makagawa ng isang romantic comedy project, o isang naiiba namang role, like iyong siya naman ang antagonist.

 

 

      “Gusto ko namang ako ang kinamumuhian ng mga taong manonood sa akin,” sabi ni Dennis sa interview sa pagtatapos ng kanilang serye.

 

 

“Gusto ko rin namang baguhin iyong mga usual roles na ipinagagawa sa akin.  Iyong magpakita ako ng bago na magiging interested pa rin ang viewers na panoorin ako.”

 

 

At since isa na ring Kapuso ngayon ang actor na si John Lloyd Cruz, nagpaabot si Dennis ng message na willing siyang maging kontrabida ni Lloydie sa future project nito sa GMA.

 

 

Dati na silang magkasama noon ni Lloydie sa ABS-CBN pero hindi naman nagtagal doon si Dennis kaya hindi sila nagkaroon ng chance na magkatrabaho.

 

 

***

 

 

NAGING open noon pa si Asia’s Multimedia Star Alden Richards, na fan siya ng loveteam nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, kahit magkaiba sila ng network.

 

 

Gumawa pa noon ng paraan si Alden na ma-meet niya nang personal ang mga idols niya, at makasama sila sa isang informal dinner.  Kaya naman nang magkasama na sina Alden at Bea sa TVC shoot sa Thailand ng isang shampoo commercial, palagay na ang loob niya sa actress.

 

 

Very soon nga ay magkakasama na sila sa isang movie ni Bea na ipu-produce ng Viva Films, GMA Pictures at APT Entertainment.

 

 

Nang magbigay naman ng welcome message si Alden nang mag-sign ng contract si JLC sa paglipat sa GMA, ipinaabot niya ang wish niyang magkasama sila nito sa isang project.

 

 

Sinagot naman din agad ito ni JLC na sana nga ay magkasama sila sa isang project sa GMA ni Alden.

(NORA V. CALDERON)

“SPIDER-MAN: NO WAY HOME” REVEALS RETURNING FOE IN TEASER POSTER

Posted on: November 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

THE Multiverse unleashed.  Checkout the official teaser poster below for Columbia Pictures’ new action-adventure Spider-Man: No Way Home, coming exclusively to Philippine cinemas January 08, 2022.

 

 

[And watch the film’s latest trailer at https://youtu.be/iur-ckKj27U]

 

 

About Spider-Man: No Way Home

 

 

For the first time in the cinematic history of Spider-Man, our friendly neighborhood hero is unmasked and no longer able to separate his normal life from the high-stakes of being a Super Hero. When he asks for help from Doctor Strange the stakes become even more dangerous, forcing him to discover what it truly means to be Spider-Man.

 

 

Directed by Jon Watts, Spider-Man: No Way Home is written by Chris McKenna & Erik Sommers, based on the MARVEL Comic Book by Stan Lee and Steve Ditko.

 

 

Produced by Kevin Feige, Amy Pascal with executive producers Louis D’Esposito, Victoria Alonso, JoAnn Perritano, Rachel O’Connor, Avi Arad, Matt Tolmach.

 

 

The cast is led by Tom Holland, Zendaya, Benedict Cumberbatch, Jon Favreau, Jacob Batalon with Marisa Tomei.

 

 

In Philippine cinemas January 08, 2022, Spider-Man: No Way Home is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Connect with #SpiderManNoWayHome

 

 (ROHN ROMULO)

Magkapatid na paslit patay sa sunog sa Caloocan

Posted on: November 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang isang 7-anyos na batang babae at kanyang 2-anyos na kapatid na lalaki sa naganap na sunog na tumupok sa 15 kabahayan sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Ang sunog na katawan ng mga biktimang sina Jumina Jean Corado at kanyang kapatid na si Brix Tyler, na unang iniulat ng kanilang ina na nawawala ay natagpuan sa debris ng isang bahay na katabi ng kanilang bahay dakong alas-7 ng umaga.

 

 

Ayon kay North Caloocan Fire Station chief F/Insp, Elyzer Ruben Leal, nagsimula ang sunog sa bahay ni certain Lilybeth Dolen dakong 1:05 ng madaling araw sa Ilang-Ilang Street, Brgy. 185 Malaria at mabilis na kumalat ang apoy sa katabing mga kabahayan.

 

 

Umabot ang sunog sa unang alarma bago idineklarang under control bandang 1:47 ng madaling araw at tuluyang naapula dakong alas-3:20 ng madaling araw.

 

 

Inaalam pa ng mga Arson investigator ang sanhi ng naging sunog habang tinatayang naman nasa P100,000.00 halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy.

 

 

Ipinag-utos naman ni Mayor Oca Malapitan sa City Social Welfare Department ang agarang tulong, kabilang ang pagkain, kumot, inuming tubig at iba pang relief goods na kailangan ng mga biktima ng sunog na pansamantalang nanunuluyan sa Malaria covered court. (Richard Mesa)

JULIE ANNE at RAYVER, magka-tandem na ang turingan kaya wala nang awkwardness

Posted on: November 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PAGKATAPOS ng successful first part Limitless online concert ni Julie Anne San Jose, ang “Breath” at sa Mindanao ang naging location, ngayon ay nasa part 2 na kunsaan sa Visayas naman siya nag-ikot at ang title ay “Heal.”

 

 

Special guest ni Julie Anne sina Jessica Villarubin at Rayver Cruz.

 

 

With Rayver, inamin ni Julie na although lahat naman ay nag-conceptualize, isa siya sa may personal choice na makasama ito sa part 2. Kaya bukod sa highlight ang pagkanta at pagtugtog ni Julie ng piano sa tabing dagat, with a cinematic sunset, tiyak na marami ang maghihintay sa gagawin nila ni Rayver.

 

 

Sa isang banda kasi, mula nang magkasama sa All-Out Sundays at maging hosts sila ng The Clash, kahit na alam ng lahat na may girlfriend si Rayver, may mga kinikilig talaga sa kanila.

 

 

Pero wala naman daw silang ilangan o awkwardness na dalawa.

 

 

Sabi nga ni Julie, “Wala namang dapat na awkwardness kasi we’re more on a tandem than loveteam. Talagang comfortable lang kami sa isa’t-isa.

 

 

      “At ‘yun naman talaga ang factor para magkaroon ng chemistry ang isang tandem.”

 

 

At the same time, nagpapasalamat daw siya sa sumusuporta sa tandem nila.

 

 

     “I really appreciate it at marami pa pong kaganapan sa Heal. Basta, hindi ko pwedeng i-spoil, basta abangan niyo na lang po.”

 

 

Ang Limitless Part 2: Heal ay sa November 20 na mapapanood at maaari ng makabili ng ticket sa gmanetwork.com at synergy.

 

 

***

 

 

TULOY na tuloy na nga ang magiging kasal ni Ritz Azul sa kanyang non-showbiz fiancée na si Allan Guwi. 

 

 

      May mga unang report na sa December ng taong ito ang kasal ni Ritz, so not unless nagbago siya ng schedule or as Maid of Honor, kasama si Miles Ocampo sa mga preparation sa kasal kaya may pa-“see you next week” si Ritz comment nito sa post ni Miles.

 

 

Ang sigurado, hindi hadlang ang pandemic para ma-enjoy at magawa ni Ritz ang usual na ginagawa ng isang bride-to-be at ang kanyang wedding mismo.

 

 

Nagkaroon ng bachelorette party si Ritz kasama ang mga napili niyang entourage sa wedding, kabilang nga rito si Miles na masaya na isa sa napiling Maid of Honor. Ito rin ang nag-post ng naging bachelorette party ni Ritz na may pa-hastag na #bacheloRITZ sa Bohol.

 

 

Nagpasalamat naman si Ritz sa post niya at sey nga niya, “Thank you soo much for this wonderful and memorable trip, girls!  Roller coaster feelings, pustahan, sunset viewing, height realizations and more! I love you all! Alam nyo yan! See you soonest!”

 

 

At may pa-good luck pa ito sa mag-speech daw.

 

 

Sa isang banda, simula nang sumali sa Artista Academy, very consistent si Ritz sa pagsasabing NBSB (no boyfriend since birth) siya. So, kung totoo talaga at paniniwalaan nga itong statement niya sa kabila ng mga ilang na-link din sa kanya, kabilang ang isang director, masasabing first and last boyfriend ni Ritz ang mapapangasawa.

 

 

***

 

 

ANG Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera talaga ang masasabing “reyna” may pandemic man o wala.

 

 

Kasi kahit na may pandemic and unlike others, sa loob halos ng dalawang taon, nagagawa talaga ni Marian na tuloy-tuloy pa rin ang mga trabaho niya kahit na nasa bahay lang. Bukod sa sunod-sunod na endorsements, ang sold-out palaging Floravida by Marian niya na business at heto nga, apat na taon ang hino-host niyang Tadhana.

 

 

Na ‘yung dalawang taon, purely sa bahay lang siya nagsu-shoot kunsaan ang asawa na si Dingdong Dantes ang naging director niya.

 

 

Kung may kulang man at nami-miss sa kanya lalo na ng mga tagahanga ay ang mapanood siyang muli na umarte sa isang teleserye.

 

 

Kaya kinamusta namin ito kung posible na kaya siyang mapanood ngayong 2022.

 

 

     “Naku, ang hirap kasi na sabihin ko on the spot na oo o hindi. Kasi, depende pa rin ‘yan sa magiging situwasyon at protocol ng GMA.

 

 

      “Kung konting araw lang naman, bakit hindi, ‘di ba? Let’s compromise pero kung katulad ng lock-in taping at mawawala ako ng isang buwan para sa mga anak ko, medyo mahirap ‘yan para sa akin. Siyempre, ‘yung mga anak ko, umaasa ‘yan sa akin. Si Zia nag-aaral, si Sixto sa akin, so mahihirapan ako.

 

 

     “Pero tingnan natin, baka naman pagdating next year, mas smooth na ito at alam na natin kung paano diskartehan, so tingnan natin.”

 

 

      At least, pwedeng sabihin na mas medyo open siya ngayon sa posibilidad kesa dati na talagang definite ang answer nya na no for a lock-in taping.

(ROSE GARCIA)

Alert level system para sa Covid-19 response, ipatutupad na sa buong bansa

Posted on: November 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IPATUTUPAD na sa buong bansa ang alert level system para sa Covid-19 response.

 

Ito’y matapos tintahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Executive Order No. 151  araw ng Nobyembre 11.

 

Malinaw na nakasaad sa EO  na obligasyon ng estado na protektahan at itaguyod ang karapatan sa kalusugan ng mamamayan nito.

 

Iyon ang dahilan kaya’t kinakailangang magpatupad ang estado ng state of public health emergency  sa buong bansa sa  panahong may pandemya ng Covid-19.

 

Labis kasing nakaapekto sa buhay ng mga indibidwal at mga pamilya sa buong mundo lalo na ang mahihirap na sektor ng lipunan ang Covid-19.

 

Magpapatupad naman ang pamahalaan ng mga kaukulang hakbang at mga patakaran gaya ng mga community quarantine  para sa kaligtasan ng nakararami.

 

Sa kabilang dako, nakasaad pa rin sa EO na ang pinakabagong patakaran ay ang alert level system na base sa mga data ay nagbibigay ngayon ng muling pagsigla ng ekonomiya  kasabay ng patuloy na pagbibigay proteksyon sa kalusugan ng mga tao.

 

Dahil dito, ipatutupad na sa buong bansa ang alert level system  sa ilalim ng apat na yugto.

 

Unang yugto na kasalukuyan nang ipinaiiral ay sa NCR, Region 3, 4a, 6, 7, 10 at 11.

Phase 2 ay sa Region 1, 8 at 12

Phase 3 ay sa Region 2, 5, at 9

At phase 4 ang CAR, Region 4b, 13, at BARMM

Samantala, nakasaad pa rin sa EO na ang paglilipat na sa phase 2 ay maaaring ipatupad anumang oras ng pagiging epektibo ng kautusang ito, o sa bisa ng pagtatakda ng Inter-Agency Task Force (IATF) subalit hindi dapat lumagpas ng pagtatapos ng nobyembre 2021.

 

Magsisimula naman ang mga susunod na yugto kada linggo hanggang sa full nationwide implementation. (Daris Jose)

Final list ng mga kandidato sa 2022 elections, posibleng ilabas sa 2nd week ng December – Comelec

Posted on: November 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kahapon nang sabihin ni Jimenez na kabuuang 91 ang mga petisyon na tatalakayin ng komisyon bago ang final printing ng mga balota sa Disyembre.

 

 

Aniya, ang mga petisyon ay kinabibilangan ng mga tatakbo sa pagka-pangulo, bise presidente, senators at partylist representatives.

 

 

Samantala, kahit marami raw ang maghahain ng kanilang withdrawal o magsa-substitute ay hindi na papalawigin pa ng Comelec ang itinakdang deadline sa Lunes.

 

 

Sinabi ng tagapagsalita ng Comelec na mananatili sa naturang petsa ang deadline hanggang alas-5:00 ng hapon.

 

 

Dahil dito, mayroon na lang apat na araw ang mga kandidato na magbabago pa ang isip na iurong ang kanilang CoC.

 

 

Mananatiling bukas ang mga tanggapan ng Comelec kahit na sa Sabado pero sarado sa Linggo at muling magbubukas sa Lunes o ang mismong deadline para sa withdrawal ng kandidatura.

 

 

Sa kabilang dako, posibleng magsagawa ng isa pang voting simulation ng Comelec matapos ang nauna nang simulation exercise na isinagawa nito noong October 23 sa San Juan Elementary School.

 

 

Sabi ni Comelec Spokesman Director James Jimenez, pinagpaplanuhan pa ito ng komisyon.

 

 

Hindi na binanggit ni Jimenez kung saang lugar ang posibleng pagdausan ng isa pang voting simulation.

Sara Duterte nagbitiw sa ‘Hugpong’ sumali sa partidong Lakas- CMD

Posted on: November 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ilang araw bago ang deadline ng election substitution sa ika-15 ng Nobyembre, naghain na ng kanyang resignation si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio mula sa kanilang regional party na Hugpong ng Pagbabago (HNP).

 

 

Kinumpirma ng HNP ang balita sa pamamagitan ng kanilang secretary general na si Anthony del Rosario sa isang pahayag, Huwebes.

 

 

“In her letter to the officers and members of HNP, she states that, ‘It is with profound sadness that I hereby tender my resignation from our beloved party. My support will always be with you and I will always be grateful for all the things you have taught me.'”

 

 

Ika-9 lang ng Nobyembre nang umatras si Duterte-Carpio mula sa kanyang orihinal na re-election bid sa Davao City, bagay na lalong nagpaypay sa tsismis na tatakbo siya sa pagkapangulo sa 2022 sa pamamagitan ng substitution.

 

 

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang sabihin ni Albay Rep. Joey Salceda, miyembro ng PDP-Laban at kapartido ni Pangulong Rodrigo Duterte (ama ni Inday Sara), na plano talaga ng nakababatang Duterte na tumakbo sa pagkapresidente — bagay na posible raw mangyari kung bigla siyang sumali sa partidong Lakas-CMD.

 

 

 

Oktubre 2021 lang nang sabihin ni Lakas-CMD secretary general at Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay Jr. na meron “candidate placeholder” ang kanilang partido na pwedeng palitan ni Sara oras na mapagdesisyunan ng huling tumakbo sa pagkapangulo.

 

 

“While we are saddened by her resignation, we however wish her all the best in her future plans. Godspeed po Mayor Sara. In our hearts, you will always be our Chairperson. We love you po,” wika pa ni Del Rosario tungkol sa kanilang chairperson at founder na si Sara.

 

 

Wala pa namang kumpirmasyon pagdating sa planong pagtakbo ng presidential daughter sa pagkapangulo, ngunit lagi’t laging mataas ang kanyang pangalan sa mga presidential surveys gaya ng inilabas noon ng Pulse Asia.

 

 

Dati na ring sinabi ni PDP-Laban presidential aspirant Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na handa siyang umatras sa kanyang kandidatura kung mapagdesisyunan ni Duterte-Carpio na kumandidato.

 

 

 

Matatandaang naging substitute candidate si Digong bago manalo sa pagkapangulo noong 2016 national elections. (Daris Jose)

Ex-Davao City info officer ni Mayor Sara binigyan di umano ng VIP treatment sa drug raid, walang basehan- Roque

Posted on: November 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WALANG basehan ang ulat na binigyan ng VIP treatment sa drug raid sa beach party noong nakaraang linggo ang dating information officer ni Davao City Mayor Sara Duterte.

 

Nauna nang nakumpirma na si Jefry Tupas ay dumalo sa party noong nakaraang linggo subalit umalis ng party bago pa isinagawa ang raid kung saan ay nasamsam ang P1.5 milyong halaga ng party drugs, marijuana, at shabu.

 

Subalit may 17 nahuli ang nagsabi na si Tupas at ang kanyang mga kasama ay pinayagang makaalis habang isinasagawa ang raid.

 

Hindi rin kasama si Tupas sa search o arrest warrant na sadyang isisilbi talaga sa party ayon kay Palace spokesman Harry Roque batay na rin sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency.

 

“Hindi po talaga siya identified as a key personality dito sa ginawang raid,” ayon kay Sec. Roque.

 

Samantala, Pinasisilip ng Makabayan bloc ang naganap na drug raid sa Davao de Oro na kinasangkutan ng dating tauhan ni Mayor Sara.

 

Sa inihaing House Resolution 2342 ng Makabayan bloc, hinihimok ang House Committeee on Dangerous Drugs na magsagawa ng imbestigasyon “in aid of legislation.”

 

Tinukoy sa resolusyon ang drug operation ng mga otoridad sa isang beach party sa Brgy. Pindasan, Mabini noong November 6.

 

17 ang naaresto rito at nasamsam ang nasa ₱1.5 million na halaga ng mga shabu at iba pang party drugs.

 

Nais imbestigahan ng Makabayan ang alegasyon ng umano’y “cover-up” sa sinasabing pagkakasangkot sa iligal na droga ni Jefry Tupas, dating tauhan ni Mayor Sara na tumatayong Davao City Information Officer.

 

Nakasaad pa sa resolusyon na base sa pahayag ng mga suspek na nahuli, sinasabi kasing pinayagan daw ng raiding team si Tupas at iba pang kasama na umalis o makatakas sa raid. (Daris Jose)

Recovery ng ekonomiya ng bansa, posible sa 2022 – Sec.Lopez

Posted on: November 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TIWALANG inihayag ni DTI secretary Ramon Lopez na sa taong 2022 ang panahon para makaahon at maka- recover ang ekonomiya ng bansa mula sa pagkakalugmok dahil sa pandemya.

 

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Sec.Lopez na ang kailangan lang ay mahagip kahit sa panimula ng 2022 ang 4.8% GDP growth.

 

Sinabi ni Sec. Lopez na mula dito ay maaaring makamit ng bansa ang pre- pandemic economic status na pumalo sa 6.6 percent partikular nuong 2019 na kung saan, 2nd fastest growing economy ang Pilipinas sa South East Asia.

 

Samantala, sinabi pa rin ng Kalihim na posibleng umabot sa 5% growth ang ekonomiya ng bansa para sa buong 2021.

 

Tinatayang 5.3% na lang ani Sec. Lopez ang kakailanganin na maaaring makamit sa huling quarter ng 2021 para pumalo sa 5% ang growth rate ng bansa sa kabuuan ng taong ito.

 

Aniya pa, kakayanin naman ito lalo’t gumaganda na ang estado ng COVID 19 cases. (Daris Jose)

JOHN, level-up na ang career dahil isa na sa direktor ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Posted on: November 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ng Cornerstone, ang talent agency ni John Prats, na nag-level up na ang career ng dahil isa na rin siya direktor ng FPJ’s Ang Probinsyano.

 

 

In fact, nabasa na nga name ni John bilang isa sa co-directors ng action-drama series ng ABS-CBN.

 

 

By accident ang pagpasok ni John sa pagdidirek. Ang unang nagbigay ng break sa kanya as a director ay sina Angelica Panganiban at Sam Milby.

 

 

Nag-produce silang magkakaibigan — Angge, Sam at John — para sa first concert noon ni Moira dela Torre at wala raw silang director.

 

 

Dahil bago pa lang sila sa business at kulang sa budget kaya nag-decide ang magkakaibigan na kay John ipadirek ang concert.

 

 

Successful naman ang first major concert ni Moira at marami ang humanga sa trabaho ng newbie director.

 

 

Ilang concert pa ang naidirek ni John. After that ay kinuha na siya ng ABS-CBN para magdirek ng It’s Showtime!

 

 

Siya ang pumalit sa dating director at creator ng programa na si Bobet Vidanes.

 

 

Kaya bukod sa pagiging artista ng FPJ’s Ang Probinsyano, na pinagbibidahan ni Coco Martin, may bagong trabaho si John as a director.

 

 

HABANG ang ibang dating Kapuso stars ay pinili na lumipat sa ABS-CBN namely Janine Gutierrez at Sunshine Dizon, mas pinili ni dating Kapamilya actor John Lloyd Cruz na pumirma ng kontrata sa Kapuso Network

 

 

Isang sitcom ang nakatakdang gawin ni Lloydie sa kanyang bagong network na labis ang kagalakan matapos piliin ng actor to make his showbiz comeback sa Kapuso Channel.

 

 

Ever since he started his career ay sa Dos na nakilala si Lloydie. Bagets pa siya when he did the youth-oriented drama series na Tabing Ilog.

 

 

Now that he is with GMA, may chance kaya na gumawa ng project si John Lloyd with Bea Alonzo, na Kapuso star na rin?

 

 

Maraming box-office movies na pinagsamahan sina Bea at John Lloyd when they were still with ABS-CBN and Star Cinema.

 

 

***

 

 

KAHIT na eager na mag-promote ng pelikula kung saan isa siya sa lead stars, nalungkot ang artista dahil ayaw siyang payagan ng kanyang management team.

 

 

Maganda pa naman ang role niya sa movie at marami ang pumuri sa kanyang performance.

 

 

Bakit nila kaya ayaw payagan sa promo ang artista eh kasama sa trabaho niya na i-promote ang movie?

 

 

Buti pa ‘yung artista nauunawaan na dapat siyang mag-promote ng pelikula. Naniniwala siya na dapat maging masipag siya sa promo para maraming manood ng movie nila.

(RICKY CALDERON)