IPINAG-UTOS ng Department of Justice (DOJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang reklamo na inihain ni Sen. Francis “Kiko” N. Pangilinan laban sa dalawang YouTube channels sa umano’y pag-atake at pekeng ulat na pinost laban sa kanya at sa kanyang pamilya.
Ang imbestigasyon ay kinumpirma ni State Counsel Angela Maria De Gracia ng DOJ’s Office of Cybercrime (DOJ-OOC).
Sa reklamo ng senador, tinukoy nito ang YouTube channels bilang “Starlet” at “Latest Chika.”
Inakusahan ng senador ang dalawang channels ng paglabag sa Section 4(c)(4) ng Republic Act No. 10175, ang Cybercrime Prevention Act of 2012, na may kaugnayan sa Article 355 ng Revised Penal Code.
Tinukoy din ni Pangilinan na respondent ay si Google Philippines country manager Bernadette Nacario dahil sa paglabag sa Section 20(b)(1) at Section 30(j) ng RA 10175.
“Due to said public and malicious imputations, I suffered and continue to suffer damage to my good name, reputation, and career as a public servant. The public and malicious imputations have also caused serious anxiety and stress to me and my family,” ayon sa affidavit ni Pangilinan
Sinabi ni Pangilinan na gagamitin nito bilang ebidensya ang nakolektang datos at itutuloy ang legal na aksyon laban sa mga ito sa sandaling matukoy ang nasa likod ng naturang mga YouTube channels.
Ipinunto rin nito na may responsibilidad ang YouTube na pag-aari ng Google at Nacario na tignan ang operasyon ng buong kumpanya.
Nakasaad pa sa kanyang affidavit, na kabuuang 82 videos ang iniulat mapanirang-puri laban kay Pangilinan at kanyang pamilya tulad ng pangangalunya ni Sharon-Cuneta Pangilinan sa pamamagitan ng pakikipagrelasyon sa ibang lalaki at gumawa ng karahasan si Pangilinan (physical assault) laban sa kanyang asawa na paglabag sa Violence Against Women and Children Act. GENE ADSUARA