• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 23rd, 2021

DILG, sinimulan ang Barangay Development Program sa Bulacan

Posted on: November 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government ang groundbreaking ceremony ng mga development projects sa ilalim ng 2021 Local Government Support Fund-Support in Barangay Development Program ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa Sitio Suha, Brgy. San Mateo, Norzagaray, Bulacan kahapon.

 

 

Sa isang simpleng programa, sinabi ni DILG Reg. 3 Director Karl Caesar R. Rimando na pinondohan ng nagkakahalagang P20 milyon ang proyekto kabilang na ang Concreting of Farm-to-Market RoadConstruction of Two Units of Health Center at Electrification Project.

 

 

Mabibigyan rin ang mga residente ng mga hayop na maaaring paramihin at pagkakitaan, mga pataba at mga binhi.

 

 

Samantala, pinasalamatan naman ni Gobernador Daniel R. Fernando ang DILG sa pagpili nito sa Brgy. San Mateo bilang isa sa mga benepisyaryo ng programa at pinaalalahanan ang mga Bulakenyo na ingatan at alagaan ang nasabing mga proyekto sa kanilang barangay.

 

 

“Lubos ang aking pasasalamat dahil isa ang Brgy. San Mateo sa napiling lugar dito sa Lalawigan ng Bulacan upang isagawa ang Barangay Development Program. Malaking tulong ito sa ating kapwa Bulakenyo sa Norzagaray, umpisa pa lamang ito ng pag-unlad. Karugtong nito, hinihiling ko lamang na ating alagaan at ingatan ang mga proyektong ipinagkaloob sa atin,” anang gobernador.

 

 

Itinatag ang Barangay Development Program (BDP) sa layuning maghatid ng kaunlaran sa mga komunidad sa bansa na dati ay may kaguluhan.

ALDEN, na-sad na ‘di kasama ang pamilya sa pagsi-celebrate ng Christmas, New Year at birthday sa Amerika; tuloy na ang lock-in shooting nila ni BEA

Posted on: November 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SIMULA kagabi muling napapanood si Asia’s Multimedia Star Alden Richards at ang buong cast ng GMA Primetime series na The World Between Us, sa kanilang season returns. 

 

 

Kaabang-abang ang new look ni Alden na tinawag na “Alden 2.0” dahil ibang-iba na ang character niya bilang si Louie Asuncion, na para na siyang isang high-class model, from a simple but smart guy to a business executive.  Napangiti nga si Alden nang sabihin para na siyang isang Korean CEO.

 

 

Kaya ang tanong paano niya na-achieve ang new look niya?

 

 

      “Majority po ng look ko ngayon, akin na po talaga yung isinuot ko, mula sa mga outfits ko at mga accessories, I really invest sa show, kasi I promised na kahit anong pwede kong maitulong, gagawin ko,” paliwanag ni Alden

 

 

“Nang mag-season break po kami ng serye, may three-year transition period ang character ko, kaya nag-slimming down ako, to give justice to the transition. 

 

 

Hindi po lamang naman ako, ganoon din sina Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez.  Siguro po nakatulong din yung lock-in taping namin kaya nagkaroon kami lahat ng time to focus on it.

 

 

Medyo mahirap, pero nang makita namin ang changes, nakaka-proud pong panoorin na iyong mga pinaghirapan namin ay may pinuntahan.  Tutukan ninyo kami at 8:50 PM sa GMA-7.”

 

 

***

 

 

STIL on Alden Richards, balitang tuloy na ang lock-in shoot nila ni Bea Alonzo ng A Moment to Remember, na based sa hit 2004 Korean movie of the same title, pero ngayon, may bago na itong title na Special Memory.

 

 

Ito ang ipinahayag ni Viva Entertainment executive Vincent del Rosario, matapos nilang maghintay na maayos na ang pagsu-shooting nila dahil nabawasan na ang mga restrictions gawa ng pandemic, at magagawa na nila itong isang well-crafted movie.

 

 

Tungkol ito sa isang couple whose relationship would be tested when the wife gets diagnosed with early-onset Alzheimer’s disease.

 

 

Balitang magsisimula na silang mag-shooting ng December 1 hanggang December 20.  Kaya tamang-tama naman na sa December 23 ang alis ni Alden papuntang San Francisco, to be with his Kuya RD. 

 

 

Two years ding hindi nakabiyahe si Alden dahil sa pandemic, at ngayon lamang siya nakakuha ng time kaya susulitin na niya mag-rest after ng sunud-sunod na trabaho.

 

 

Sad nga lamang si Alden dahil kung dati every year ay kasama niyang nagbibiyahe ang family niya ng Christmas, this year ay hindi sila nakapag-renew ng visa kaya ang makakasama niya ay ang cousin niyang si April, who works in Siargao.

 

 

Doon na rin magsi-celebrate ng 30th birthday niya si Alden sa January 2, 2022.  Pagbalik niya ay magri-resume sila ng shoot ng movie ni Bea.

 

 

***

 

 

NATULOY na at nagsimula na ang lock-in taping ng first team-up nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Beauty Gonzalez, after ng Descendants of the Sun ni Dingdong at Stories of the Heart: Loving Miss Bridgette, ni Beauty.

 

 

Magtatambal sina Dingdong at Beauty sa “AlterNATE,” para sa second season ng drama anthology na I Can See You, kasama sina Joyce Ching, Bryan Benedict, Jackie Lou Blanco at Ricky Davao (na muling magtatambal after a long while).

 

 

The series is under the direction of Dominic Zapata, pagkatapos niyang idirek ang The World Between Us.

(NORA V. CALDERON)

Santo Papa, tinanggap ang mga credentials ng bagong Philippine envoy to The Holy See

Posted on: November 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PORMAL nang umupo bilang bagong Philippine ambassador to The Holy See si dating Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Myla Grace Ragenia Macahilig.

 

Pinalitan ni Macahilig si Grace Relucio-Princesa, na nagsilbi bilang Manila’s ambassador to The Holy See mula September 2018 hanggang unang bahagi ng taon.

 

Sa social media accounts ng Vatican News, ipinaskil nito ang mga larawan ni Pope Francis na tinatanggap ang mga credentials ni Macahilig bilang hudyat ng opisyal na pagsisimula nito ng kanyang bagong gampanin bilang kinatawan ng Pilipinas sa The Holy See.

 

Matatandaang, noong nakaraang Hunyo ay kinumpirma ng Commission on Appointments ang nominasyon ni Macahilig na noong panahon na iyon ay Asec ng DFA.

 

Nabanggit ni Macahilig na ang kanyang ‘assignment’ sa The Holy See ay kanyang “first posting as ambassador.”

 

“This year is actually a very auspicious year for Philippines and the Holy See diplomatic relations. As everyone may remember, this is actually the 70th year of the establishment of diplomatic relations between the Philippines and the Holy See,” ang naging pahayag ni Macahili sa komisyon noong panahon na iyon.

 

“In addition, the Catholic Church in the Philippines is actually commemorating the 500th year of the introduction of Christianity to the country (this year),” aniya pa rin.

 

Si Macahilig ay nagsilbi sa DFA sa loob ng 23 taon. Ang huling naging posisyon nito ay bilang assistant secretary sa financial management services office ng DFA.

 

Nagtrabaho rin siya sa mga embahada ng Pilipinas sa New Zealand mula 2002 hanggang 2008, at United Kingdom mula 2012 hanggang 2018. (Daris Jose)

PDu30, pinakilos ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan para suportahan ang Bayanihan Bakunahan” program

Posted on: November 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan at mga instrumentalidad na ipaabot ang lahat ng posibleng suporta sa “Bayanihan Bakunahan” program na pinangungunahan ng Department of Health at Department of Interior and Local Government.

 

Ang aktibidad na tatakbo mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1 ay naglalayong bakunahan ang 15 milyong Filipino sa 16 na rehiyon sa labas ng Kalakhang Maynila.

 

Sa kasalukuyan, may 32.9 milyong Filipino ang fully vaccinated laban sa COVID-19.

 

“The Bayanihan Bakunahan” project seeks to significantly add to this figure, as we have all seen evidence of how increased vaccination rates have contributed to the reduction of active COVID-19 cases and the drop in daily new COVID-19 cases,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

Kaya nga, hinikayat ng pamahalaan ang mga hindi pa bakunadong mamamayang filipino na magpartisipa sa “Bayanihan Bakunahan” project upang mabigyan ng mga ito ang kanilang mga sarili at pamilya ng proteksyon at kapayapaan ng isipan dahil sa bakunag ituturok sa kanila.

 

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ng Malakanyang ang lahat ng nag-organisa ng mga tauhan at resources para pakilusin sa pagbabakuna sa mga mamamayang filipino.

 

Pinasalamatan din ni Nograles ang mga frontliners na ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya para makapag-ambag sa tagumpay ng nasabing inisyatiba.

 

“Together, we can get the jabs done; together, we can beat COVID,” ayon kay Nograles. (Daris Jose)

“DRUG QUEEN” TIMBOG SA P13 MILYON SHABU SA MALABON

Posted on: November 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT P13 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa 23-anyos na bebot na binansagan ng mga pulis bilang “drug queen” matapos matimbog sa buy bust operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Sa report ni Malabon police chief Col. Albert Barot kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Jose Hidalgo Jr., ang pagkakaaresto kay Herssie Ogoy ng Fatima Street Tulay 14, Brgy. Daang Hari, Navotas City ay nagmula sa impormasyon na ibinunyag ni Alejandro Blancaflor, 46, na unang naaresto ng mga pulis, kasama ng dalawa pa sa buy bust operation sa Don Basilio Blvd. Brgy. Dampalit dakong alas-6:20 ng Biyernes ng gabi.

 

 

Nang isailalim siya sa custodial debriefing, sinabi ni Blancaflor kay P/Lt. Alexander Dela Cruz, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na nagmula sa isang alyas Herssie ang ilegal na droga na kanilang ibinenta sa isang police poseur-buyer, kasama ng 19 grams ng shabu na nakuha sa kanila na naging dahilan upang magsagawa ang mga operatiba ng panibagong buy-bust operation.

 

 

Nagawa ni P/Cpl. Paulo Laurenz Rivera na umaktong poseur-buyer, kasama si P/Cpl Ferdinand Danzal na nagsilbi bilang back-up na makipagtransaksyon ng P50,000 halaga ng shabu kay Ogoy sa Dalagang Bukid St. Brgy. Longos dakong alas-11 ng gabi na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

 

 

Narekober sa suspek ang dalawang malaking chinese tea bag at isang knot tied transparent plastic bag na naglalaman ng humigi’t kumulang sa 2 kilos at 50 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P13,940,000, buy bust money na limang pirasong tunay na P1,000 bills at 45 pirasong boodle money, pulang eco bag at cellphone. (Richard Mesa)