• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 7th, 2021

BBM-Sara UniTeam: Mga komunidad sa BARMM tulungan laban sa vaccine hesitancy

Posted on: December 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nanawagan ang BBM-Sara UniTeam sa pamahalaan na paigtingin ang pagbabakuna sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at ayudahan ang mga komunidad nito upang matugunan ang pag-aalinlangan sa bakuna ng mga residente.

 

 

 

Naalarma sina Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at vice-presidential aspirant Sara Duterte sa mga ulat na ang BARMM ay ang may pinakamababang vaccination rate sa mga rehiyon sa bansa.

 

 

 

Ayon sa datos ng National Task Force Against COVID-19, nitong November 14, mayroon nang 324,246 na indibidwal ang ganap nang nabakunahan sa BARMM.  Katumbas ito ng 7.59 porsiyento ng tinatayang 4.7 milyon ng dapat na mabakunahang populasyon sa rehiyon.

 

 

 

Nabanggit pa sa mga ulat na mataas pa rin ang pagtanggi sa bakuna at pag-aatubili ng mga residente sa rehiyon kahit pa maaaring ma-ospital o mamatay ang isang hindi bakunado sa nasabing sakit.

 

 

 

“We are appealing to the national government to devote more resources to the vaccination campaign in the BARMM region.  We must do everything we can to reach out to more people and convince them that getting vaccinated is the only path towards normalcy,” pahayag pa ni Marcos Jr.

 

 

 

Hinimok rin ng BBM-Sara UniTeam ang mga local government units (LGUSs) na magsagawa ng malawakang information campaign sa social media at “bannering” sa mga barangay upang malabanan ang mga naglipanang maling impormasyon hinggil sa bakuna.

 

 

 

“LGUs should also tap the power of social media platforms as an alternative means to reach out. They should also consider bannering in barangays to correct wrong information being passed around about Covid-19 vaccination. Maybe this one time, we can all be a ‘Maritess’ for vaccination.  Instead of spreading gossip, let’s all help to ensure that correct information on vaccines reach those who remain hesitant,” dagdag pa ni Marcos Jr.

 

 

 

Iminungkahi rin ng tandem na dagdagan ang alokasyon ng mga mobile vaccination sites, cold-chain vehicles, at vaccine refrigerators sa rehiyon ng BARMM upang makarating ang mga bakuna maging sa mga liblib na komunidad.

 

 

 

“We are also appealing to the families of the unvaccinated to encourage their love-ones to get vaccinated.  They need to realize that they would also be putting the lives of their entire family by refusing to be vaccinated,” saad pa ni Marcos Jr.

 

 

 

Ang pambansang pamahalaan ay muling magsasagawa ng ‘Bayanihan, Bakunahan’ vaccination drive mula Disyembre 15 hanggang 17 at kasama rito ang rehiyon ng BARMM.

2 DRUG SUSPECT TIKLO SA P374K SHABU SA VALENZUELA

Posted on: December 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DALAWANG hinihinalang drug personalities kabilang ang 49-anyos na ginang ang arestado matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation sa Valenzuela City.

 

 

Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief P/Lt. Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Joven Palileo, 39, ng Gumamela St. Gen. T. De Leon at Rosa Flora Gatus, 49 ng Yakal St. Old Prodon, Gen. T. De Leon.

 

 

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU ng buy bust operation sa Urutia St , Bgry. Gen. T. De Leon kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P9,000.00 halaga ng shabu.

 

 

Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.

 

 

Nakuha sa mga suspek ang tinatayang nasa 55 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P374,000.00, marked money na isang tunay na P1,000 bill at walong pirasong P1,000 boodle money at mobile phone.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

AMA, GINAWANG PARAUSAN ANG ANAK, KULONG

Posted on: December 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KULONG ang isang padre de pamilya nang nabuking  na ginagawang parausan ang kanyang 11 taon gulang na anak sa Sta.Ana, Maynila.

 

 

 

Kasong Qualified Rape sa ilalim ng  Article 266-A par 1 ng Revised Penal Code ng Republic Act 8353 at Sexual Assault na inamiyendahan sa Article 8353 na may ugnayan s  Section 5 ng Republic Act 7610 ang kakaharapin ng suspek na si Jefferson  ng Pedro Gil St., Sta.Ana, Manila.

 

 

 

Sa  ulat ni P/ Lt.Col. Orlando Mirando Jr., Station Commander ng MPD- Station 6 , Martes ng gabi nang maaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni  Hon. Roy Gironella , Presiding Judge ng  Regional Trial Court Br 43, ng Manila.

 

 

 

Batay sa rekord ng pulisya, may isang taon na umanong  parausan ng suspek ang anak na babae na inamin naman ang ginawang kahalayan sa biktima nang hiwalayan siya ng kanyang asawa.

 

 

 

Aminado rin ang suspek na nalulong  ito sa shabu.

 

 

 

Bagama’t hiwalay na ang nanay ng biktima sa suspek, nang malaman ang kahayupang ginawa sa anak ay agad itong  humingi ng tulong  sa tanggapan ni P/ Lt.Col.Mirando kaya ito ay naaresto. GENE ADSUARA

Pacquiao at Mayweather muling maghaharap pero sa basketball game

Posted on: December 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kinumpirma ng kampo nina US retired boxing champion Floyd Mayweather Jr at Filipino boxing champion Manny Pacquiao ang muli nilang paghahaharap.

 

 

Ito ay hindi na sa boxing ring at sa halip ay sa basketball court.

 

 

Itinakda kasi sa Enero 2022 ang basketball charity event na gaganapin dito sa Pilipinas.

 

 

Bawat sa kanila ay may makakasamang mga dating NBA players.

 

 

Kapwa pinirmahan ng dalawang kampo ang kontrata ng nasabing basketball tournament noong nakaraang Oktubre.

 

 

Base sa setup na mayroong 10 miyembro ang bawat koponan at dalawa sa kanilang miyembro ay mga dating NBA players.

Ilan sa mga napupusuang kukunin ni Pacquiao ay ang 2001 NBA Most Valuable Player na si Allen Iverson.

Mahigit 8M, mga nabakunahan sa tatlong araw na National Vaccination day

Posted on: December 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa 8, 014, 751 ang mga nabakunahan sa katatapos lang na 3 day Bayanihan, Bakunahan.

 

Sinabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje sa Laging Handa Public briefing, na ang higit 8 million recorded jabs ay “as of 6am” pa lamang ng Disyembre 3.

 

Hindi pa aniya pumapasok ang iba pang data lalo na na ang datos ng hanggang 6pm ng Disyembre 3 kaya’t madaragdagan pa ang naitalang record ng Disyembre 3 “as of 6am.”

 

Aniya pa, ang day 3 ang pinaka-dinagsa sa 3 day National Vaccination day kung saan ay pumalo sa 2.8 million ang nabigyan ng bakuna.

 

Pumangalawa naman aniya sa pinakamaraming pinuntahang araw ang day 1 na mayroong 2. 7 million jabs habang nasa 2. 4 million ang nakakuha ng bakuna sa ikalawang araw ng Bayanihan, Bakunahan.

 

Sinasabing “top performing regions” ang Region 4a, Region 3 at pumangatlo ang Region 7.

 

Tinatayang, 1/3 sa bilang ng mga nabakunahan ay pawang nagmula sa nabanggit na rehiyon.

 

Samantala, itinuturing na top performing provinces ang Cebu Province, Negros Occidental at Cavite. (Daris Jose)

RIHANNA, idineklara na ‘National Hero’ ng kanyang hometown na Bridgetown, Barbados

Posted on: December 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IDINEKLARA na isang National Hero ang singer-actress-businesswoman na si Rihanna o Robyn Rihanna Fenty in real life sa kanyang hometown sa Bridgetown, Barbados.

 

 

Iginawad ang honour kay Rihanna noong November 30 by Prime Minister Mia Mottley kasabay ng pag-celebrate nang pagiging republic ng Barbados after 396 years sa ilalim ng British monarchy.

 

 

Si Rihanna ang second woman at 11th person to be declared a national hero of Barbados. The honor allows the singer to use the title “Right Honorable” in front of her name going forward.

 

 

Ayon kay Prime Minister Mottley: “On behalf of a grateful nation, but an even prouder people, we therefore present to you the designee for national hero for Barbados, ambassador Robyn Rihanna Fenty. May you continue to shine like a diamond and bring honor to your nation by your works, by your actions, and to do credit wherever you shall go. 

 

 

“Commanding the imagination of the world through the pursuit of excellence, her creativity, her discipline, and above all else, her extraordinary commitment to the land of her birth.

 

 

“Having satisfied that, Ambassador Robyn Rihanna Fenty has given service to Barbados which has been exemplified by visionary and pioneering leadership, extraordinary achievement and the attaining of the highest excellence to the Government of Barbados.”

 

 

Since 2018, nabigyan si Rihanna ng honorary title of Ambassador for Culture and Youth in Barbados. In 2008, former prime minister David Thompson declared February 22 as “Rihanna Day”

 

 

Isa si Rihanna sa biggest musical artists sa buong mundo with hit singles tulad ng “Umbrella”, “Pon de Replay”, “Disturbia”, “Don’t Stop The Music”, “Rude Boy”, “Shut Up And Drive”, “Love The Way You Lie”, “Only Girl (In The World)”, “We Found Love”, and “Diamonds”.

 

 

As of September 2018, Rihanna has sold over 250 million records worldwide, making her one of the best-selling music artists of all time.

 

 

On social media, Rihanna has 112 million followers on Instagram, 103.6 million on Twitter and 102 million on Facebook.

 

 

Na-declare din na isang billionaire si Rihanna ng Forbes with a net worth of $1.7 billion, making her the wealthiest female musician in the world and second only to Oprah Winfrey as the richest female entertainer.

 

 

***

 

 

HINDI raw ininda ni Direk Perry Escaño ang ‘di pagkakasali ng pelikula nilang Caught In The Act sa Magic 8 ng Metro Manila Film Festival 2021.

 

 

Ang importante raw ay nabigyan nila ng trabaho ang maraming film workers noong kasagsagan ng pandemya.

 

 

“Ang intention namin is for everyone na magkaroon ng trabaho. This movie helped more than 200 film workers during the pandemic. From staff, crew, talents, drivers, medical team, post production staff, our media friends and even the musicians kasi nga we released six songs for the Caught in the Act Inner love soundtrack.

 

 

“No hard feelings sa MMFF screening committee. Baka may different taste sila at may gusto silang genre pagdating sa pag pili ng Magic 8.”

 

 

Pinagmamalaki ni Direk Perry ang professionalism ng Gen Z cast niya na binubuo nila Joaquin Domagoso, Andi Abaya, Josh Lichtenberg, Bamboo B. at Jhassy Cruz Busran. 

 

 

“We shot the film during pandemic. That was June, As director, challenging for me kasi you have limited time, 12-14 hours per day unlike before you have 24 hours to shoot. The hardes part, you need to shoot in the province na ‘di mataas ang covid. 

 

 

“Thank God, no one got sick. Sumunod kami sa strict safety protocols lalo na at mga teenagers ang nasa cast namin.

 

 

“Even though, most of them are newcomers, they are very professional. They came to the set on time and prepared, alam nila dialogues nila. Kaya napadali ang work ko as director at maganda kinalabasan.”

 

 

Magbubukas sa mga sinehan ang Caught In The Act on December 15.

 

 

***

 

 

SA taong 2022, isa sa goal ng Kapuso actor na si Kelvin Miranda ay ang magpalaki ng katawan.

 

 

Marami raw kasing netizen na gustong makitang borta si Kelvin para mas marami raw ang magnasa sa kanya kapag mag-post ito ng shirtless photo sa social media.

 

 

Inamin ni Kelvin na may kulang pa sa pangangatawan niya at nagsimula na raw siyang mag-boxing para makondisyon ang katawan niya sa sisimulan niyang borta workout.

 

 

“Sana mas maayos ko na ‘yung physical. Wino-work hard ko talaga kung papaano ko ipe-present yung sarili ko sa susunod pang mga taon. Kasi papunta na tayo don eh, hindi naman tayo tumatandang paurong so nagre-ready na rin ako sa mga role na puwede kong matanggap sa future,” sey ni Kelvin.

 

 

Gusto raw kasi ni Kelvin na gumawa ng action na teleserye tulad ng kay Ruru Madrid sa Lolong. Pero mas feel daw ng maraming netizen na mapanood siya sa mga naughty roles tulad sa ginawa niya sa Stories From The Heart: Loving Miss Brigette.

 

 

Kaya hiling nila ay pang-thirst trap na mga litrato ni Kelvin sa socmed.

 

 

“Gusto ko talaga mag-action kaya ang focus ng workout ko ay para doon. Pero may mga gusto akong mag-sexy. Puwede rin naman, pero depende po sa anong role ang ibigay sa akin ng GMA sa susunod na teleserye. Gusto ko ring pagbigyan lahat, lalo na sa mga sumuporta sa akin sa simula pa lang ng showbiz career ko,” diin pa ni Kelvin.

(RUEL J. MENDOZA)

Ads December 7, 2021

Posted on: December 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TONI, inalala na pumipila noong bata pa sila ni ALEX para sa MMFF entries; nagpapasalamat na kasama uli ang movie nila

Posted on: December 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

EXCITED na sina Ultimate Multimedia Star, Toni Gonzaga, at ng Country’s Top Influencer, Alex Gonzaga sa pagpapalabas ng The ExorSis sa taunang Metro Manila Film Festival.   

 

Mula ito sa Viva Films at TinCan Productions na pag-aari ni Toni at isa sa mga maswerteng napili bilang official entry sa MMFF 2021 ang The ExorSis na isang horror-comedy film na pinagbibidahan nga ng box office queens at certified comedic duo. Mula sa pelikula nilang Mary, Marry Me noong 2018, nagbabalik MMFF ang Gonzaga sisters para muling magbigay ng kasiyahan sa buong pamilya.

 

 

Makakasama rin nina Toni at Alex ang kaibigan nilang si Melai Cantiveros na gusto nilang ipag-produce ng pelikula sa darating na panahon.

 

Hindi ipinagkaila ni Toni, na ang shooting nila ang isa sa pinakamasayang experience sa panahon ng pandemya.

 

“Nu’ng nagluwag na at puwede nang mag-shoot para sa pelikula, sobrang grateful ko na nakasama ko itong cast na ’to. They’re such a joy to work with. Parang hindi kami nagsu-shootingFeeling namin, nag-retreat lang kami dahil mas marami yung bonding moments. Ang saya-saya, sobra akong grateful dahil tinanggap nila yung proyekto tapos nag-enjoy sila na ginawa yung pelikula.

 

“I like doing comedy films tapos horror, kasi this brings back mga memories yung mga unang pelikula na ginawa ko sa Star Cinema, yung D’Anothers’.

 

At ngayong balik-MMFF ang magkapatid, wala naman daw silang nararamdamang pressure.

 

 

Pahayag ng asawa ni Paul Soriano, “Kahit noong unang sumali kami sa MMFF, para hindi kami ma-pressure ni Alex, ang lagi naming pinag-uusapan, ‘Naalaala mo, Catherine (Alex), nu’ng bata tayo, lagi tayong pumipila pag MMFF sa Sta. Lucia East Grand Mall?’

 

“Tapos the mere fact na makita lang namin yung poster natin na nakahilera sa mga pelikula na pagpipilian na panoorin sa MMFF, parang we’ve come a long way.

 

“Yun lagi ang sinasabi ko sa kanya, ‘Imadyinin mo, Catherine, dati nanonood lang tayo ng MMFF, ngayon isa na tayo sa pagpipilian sa MMFF.’ Yun ang palagi naming nire-remind sa isa’t-isa para hindi kami ma-pressure.  

 

 

“Mas iniisip namin na magpasalamat na lang tayo dahil atleast napasama tayo sa choices. Dati kami yung nanonood, ngayon kami na yung napapanood.

 

Asahan nga ang kakaibang Christmas “spirit” ang mararamdaman natin sa pagdating ng The ExorSis sa mga sinehan para sa MMFF 2021.

 

Kwento ito ni Gina (Toni Gonzaga) at ni Dani (Alex Gonzaga), magkapatid na malaki ang pagkakaiba ng mga ugali. Si Gina ay isang pormal at goal-oriented na tao, samantalang si Dani naman ay pa-easy-easy lang sa buhay.

 

 

Sa pagkakaulila sa mga magulang, naging responsibilidad na ni Gina bilang panganay na alagaan ang kanilang pamilya, at ang kanyang grocery business ang nakatulong na makapagtaguyod sa kanila ng kanyang kapatid. Gumawa naman ng paraan ang tadhana upang matupad ni Gina ang mga naudlot niyang pangarap at nabigyan ito ng pagkakataon na makapunta sa abroad, pero nagdadalawang isip si Gina na ituloy ito sa pag-aalalang hindi kaya ng iresponsableng si Dani na i-manage at alagaan ang pinaghirapan niyang grocery business.

 

Isang gabi, may isang misteryosang babaeng nagngangalang Leng-Leng ang mapapadaan kina Gina at maaaksidente mismo sa harap ng kanilang grocery at sa kasawiang palad ay babawian  ng buhay. Gagala ang espiritu nito at sasanib kay Dani.

 

 

Aatakehin nito ang lahat ng makita, maging ang kanyang kapatid. Magiging malala ang sitwasyon ni Dani at hahanap si Gina ng paraan upang matulungan at maprotektahan ang kapatid, at maligtas si Dani sa masamang espiritu ni Leng-Leng na sumanib sa katawan nito.

 

Matapos ang virtually celebrated festival noong nakaraang taon dahil sa pandemya, magbabalik muli sa mga sinehan ang 47th Metro Manila Film Festival, at isa ang The ExorSis sa mga official entries na pasok para sa prestihiyosong pagdiriwang na ito na magsisimula sa December 25.

 

Pinahayag ng magkapatid sa kanilang mga social media kung gaano sila kasaya para sa kanilang paparating na pelikula, “Yehey! We made it to this year’s MMFF! See you sa Pasko!” saad ni Toni sa kanyang Instagram account kung saan pinost ng aktres ang poster ng pelikula, pinromote din ito ni Alex sa kanyang account at nag post naman ng isang pang poster ng pelikula at may caption na, “Mga sissss!! Deserve ninyong tumawa ng natatakot ngayong Pasko. Balik sine na tayo! Ito na #TheExorSis. December 25 sa mga sinehan!”

 

 

Ang pelikulang ito ay mula sa up-and-coming na direktor na si Fifth Solomon, na isa ring malapit na kaibigan ni Alex at direktor ng pelikula niyang Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka. Si Fifth din ang nagsulat at direktor ng Dulo, isang Vivamax Original movie na mapapanood na sa darating na Disyembre 10.

 

 

Ang The ExorSis ay kwento ng pamilya at ng walang kondisyong pagmamahal sa kanila. Ihanda ang sarili na tumawa, umiyak at matakot.

(ROHN ROMULO)

Mga makikiisa sa Simbang Gabi, dapat fully vaccinated – CBCP

Posted on: December 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naglabas ng panuntunan ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa mga dadalo ng tradisyunal na Simbang Gabi habang nasa gitna pa rin ng Coronavirus Disease (COVID) pandemic ang bansa.

 

 

Ayon sa CBCP, gaya ng mga ipinapatupad nila tuwing regular na misa ay tanging mga fully-vaccinated ang kanilang papapasukin sa loob ng simbahan.

 

 

Bawat entrance ng simbahan ay may nakatalagang guwardiya na siyang magtsi-check ng mga vaccination card.

 

 

Dapat din ay nakasuot ng facemask ang mga dadalo sa misa.

 

 

Magiging 70 porsiyento ang kapasidad ng bawat simbahan pero kanilang hinihikayat ang mga mananampalataya na kung maaari ay makinig na lamang ng mga online mass.

 

 

Ito’y para maiwasan ang hawaan ng COVID-19.

 

 

Batay sa tradisyon ng mga Katoliko sa Pilipinas, sa darating na December 16 magsisimula ang Simbang Gabi habang ang December 15 naman ng gabi ang anticipated mass para sa 9-day novena masses.

Sangley Airport maaatraso ang development

Posted on: December 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ang pamahalaang lokal ng Cavite ay walang nakuhang bid para sa Sangley Point International Airport kung kaya’t tinatayang maaatraso ang development nito bilang isa sa mga alternatibong paliparan sa bansa.

 

 

 

“We had to declare failure of bidding. The Cavite’s Public Private Partnership (PPP) selection committee would reconvene to decide on the future of the airport development,” wika ni Anna Mercene Pulmonares ng legal department ng Cavite’s provincial office.

 

 

 

Ang apat (4) na kumpanya na naghain ng bidding documents noong una pa man  para sa airport project ay ang Metro Pacific Investments Corp., state-owned China Communications Construction Co. Ltd (CCCC), Philippine Airport Ground Support Solutions Inc. and Mosveldtt Law Office.

 

 

 

Noong 2019, ang CCCC at ang partner nitong MacroAsia ang siyang unang bidder na nagwagi sa ginawang bidding. Subalit noong nakaraang January, ang nasabing deal na binigay sa tandem ay binawi dahil sa kakulangan ng mga dokumento na inihain. Kung kaya’t napilitan ang lokal na pamahalaan ng Cavite na muling maghanap ng partner.

 

 

 

Sa ngayon, ang operasyon sa airport ay naapektuhan ng pandemya at walang linaw kung muling babalik ang pre-pandemic passenger traffic sa Sangley International Airport.

 

 

 

Ayon sa isang eksperto, mahirap ngayon ang mag invest sa isang airport project lalo na kung malaki ito. “It is not appealing as before, as we all know, we have no idea as to when travel will return to normal. I will have to think twice, or even thrice, if I were the one investing,” wika ng isang source.

 

 

 

Sinabi naman ng CAPA-Center for Aviation na habang ang ibang airport development ay magpapatuloy, ang iba naman ay hindi maiiwasan na magkaron ng pagkaantala ang development sa mga susunod na taon.

 

 

 

Dagdag pa ni Pulmones na kahit na pinalawig pa nila ang deadline ng submission ng bidding para sa mga prospective bidders ay wala pa rin silang natatangap na bidding documents sa ngayon.

 

 

 

Ang plano ng lokal na pamahalaan ng Cavite ay madevelop ang SPIA upang ito ay maging isang modern, sustainable, at world-class international hub at isang main gateway na walang sovereign debt o guarantee mula sa pamahalaan.

 

 

 

“The joint venture partner would have been responsible for co-developing the airport project with the province of Cavite, as well as providing the necessary equity investment, debt financing and credit enhancements,” saad ni Pulmones.  LASACMAR