• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 8th, 2021

XIAN, nag-post ng duet nila ni KIM para mabawasan ang pagka-miss dahil sa lock-in taping

Posted on: December 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ILANG linggo na ring naka-lock-in taping sina Glaiza de Castro at Xian Lim para sa False Positive ng GMA Network, kaya naman miss na miss na niya ang girlfriend na si Kim Chiu. 

 

 

Para mabawasan ang pagka-miss sa girlfriend, nag-post si Xian na nagdu-duet sila ni Kim ng song na “You and Me” mula sa isang lumang performance nila.

 

 

Naglagay pa sa caption si Xian ng ilang stanza ng song: “Cause it’s you and me. And all of the people with nothing to do.  Nothing to prove. And it’s you and me.  And all of the people.  And I don’t know why.  I can’t keep my eyes off of you.”

 

 

Inalaala rin ni Xian ang panahong nagsisimula pa lamang ang relasyon nila ni Kim, na hindi raw naging madali pero thankful siya na after all these years, sila pa rin.

 

 

Sumagot naman si Kim sa comment section ng, “Awwww!!! Miss you too!”  Nag-post naman si Xian ng three heart emojis kay Kim.

 

 

***

 

 

LAST Friday, sa “Chika Minute” ng 24 Oras hosted by Iya Villania-Arellano, ipinakita niya ang ground-breaking ceremony nila ng husband niyang si Drew Arellano at tatlo nilang anak na magsisimula na sila ng pagpapatayo ng sariling bahay.

 

 

Hindi binanggit ni Iya kung saan sila magpapatayo ng bahay.  Sa ngayon ay nakatira pa sila sa kanilang condominium of two years.

 

 

Pero ang co-host naman ni Iya sa Mars Pa More na si Camille Prats-Yambao ay nag-post habang nagpa-pack sila ng husband na si VJ, ng mga gamit nila at ng kanilang tatlong anak, para sa paglipat nila sa new home nila.

 

 

Camille shared photos on Instagram habang nagpa-pack nga sila ng mga gamit nila.

 

 

“Time to turn a new leaf,” caption ni Camille.

 

 

“Today, was our last day in a place we called home for two years.  Grateful for the memories shared and friends we’ve made during our stay here.  To new beginnings!”

 

 

Last September, ipinakita na ni Camille ang kanilang ‘giant dream house’ na malapit nang matapos at naka-schedule na raw silang lumipat this December, para roon na sila mag-celebrate ng Christmas.

 

 

Ikinasal sina Camille at VJ in 2017, at kasunod nito ang pagsisilang niya ng panganay nila, si Nala, isinilang naman niya ang second child nila, si Nolan, in 2019.

 

 

Ang eldest nila, si Nathaniel or Nathan will turn 14 on January, 2022, her son with her late husband Anthony Linsangan.

 

 

***

 

 

EXCITED na ang mga followers ng romantic-comedy series na First Yaya nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez, sa book two nito na titled nang First Lady, dahil nagtapos ang book one nito habang ikinakasal na sina President Glenn Acosta (PGA) at si Yaya Melody.

 

 

Sunud-sunod na kasi ang post ni Gabby ng mga scenes nila habang naka-lock in taping sila sa Thunderbird sa La Union, kung saan din kinunan ang mga eksena sa first book nila, kasama ang mga gumanap na mga anak niya, at si Sanya, ang kanyang Presidential Security Guards (PSG) at ang bagong member of the cast, si Alice Dixson. 

 

 

At since First Lady nga ang title, tiyak daw na isasabay ang airing nito sa nalalapit na national and local elections sa May, 2022 sa GMA Primetime series.

(NORA V. CALDERON)       

Mga prison camp ng Bureau of Corrections, zero case na sa COVID 19

Posted on: December 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ZERO case na o wala ni isa mang preso sa alinmang prison camp ng Bureau of Corrections ang mayroon pang COVID-19.

 

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Bureau of Corrections spokesperson Assistant Secretary Gabriel Chaclag na zero COVID case na mayroon ang kanilang ahensiya.

 

Iyon nga lamang, may dalawa sa kanilang personnel ang kasalukuyang positibo sa virus pero nasa moderate lang naman ang sintomas ng mga ito.

 

Sa kabilang dako, ipinagmalaki rin ni Chaclag na mataas din ang vaccination rate ng kanilang PDL na nasa 77 % at mas mataas pa sa vaccination rate ng BUCOR personnel.

 

Aniya pa, may mga prison camp pa nga sila gaya ng sa CIW, sa Leyte, Ihawig at medium ganundin sa minimum security compound na kung saan, nasa 98% ng bakunado ang mga PDL.(Daris Jose)

Malakanyang, ayaw pang magbigay ng target na bilang ng mga babakunahan

Posted on: December 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WALA pang maibigay ang Malakanyang na bilang na aabutin ng pamahalaan para sa ikalawang sigwada ng Bayanihan, Bakunahan.

 

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ikinukunsidera rin nila kasi ang pagtatakda ng target ng mga nasa LGU.

 

“Ayaw kong pangunahan ‘no iyong vaccine and the reason why hindi pa kami nagbibigay ng target is kailangan matandaan po natin na—or maintindihan natin na tuluy-tuloy pa naman ‘no, tuluy-tuloy pa rin iyong ginagawa nating bakunahan,” ayon kay Nograles.

 

Maganda rin naman ang performance ng mga lokal na pamahalaan at ang gagawin na lang ani Nograles nila ay magkaroon ng recalibration.

 

Mula doon sabi ng tagapag- salita ay saka na lang sila maglalabas ng indicative target.

 

Nitong nakaraang unang Pambansang bakunahan, siyam na milyon ang tinarget na maturukan ng vaccine para sa tatlong araw na pagbabakuna.

 

Hindi man naabot ang 9 million, hindi na rin masama ayon sa mga otoridad ang higit walong milyong nakatanggap ng vaccine at itinuturing aniyang tagumpay ang unang sigwada ng Bayanihan, Bakunahan.

 

“So all the way up to December 15 mayroon pa ring ongoing vaccinations na ginagawa. So depende sa supply, depende—although wala na tayong problema sa supply, depende na rin siguro sa pagsi-set ng targets per LGU,” aniya pa rin.

 

“Because some LGUs maganda naman ang performance ‘di ba so we’ll make the recalibration na lang din then come up with an indicative target,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

KASO NG OMICRON VARIANT, WALA PANG NAITALA

Posted on: December 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Wala pa ring  naitatalang kaso ng Omicron variant, base sa pinakahuling sequencing ng Philippine Genome Center sa mga samples hanggang nitong Dec.6

 

Ito ang kinumpirma ni Health Usec Maria Rosario Vergeire sa virtual media forum ngayong  Lunes.

 

Ayon kay Vergeire  mula sa 19,305  samples na may lineage , pawang mga Delta, Alpha at Beta lamang ang natukoy.

 

Mula Nov.15 hanggang 29  arrivals,  mayroong 253 indibidwal  ngayon na galing ng South Africa na minomonitor na ng DOH.

 

Ito aniya ang mga bina- backtrace ngayon na mga indibidwal para  makita  kung sino sa kanila ang magpopositibo kapag nag-retest na puwedeng isequence .

 

Sa ngayon aniya  ay nagku-quarantine na lahat ang mga na-locate. GENE ADSUARA 

DINGDONG, sinamahan at all-out ang suporta sa pagiging hurado ni MARIAN sa ‘Miss Universe’

Posted on: December 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ALAS-ONSE ng gabi noong December 6 ang naging flight ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, kasama rin ang kanyang mister, ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na lumipad papuntang Eilat, Israel.

 

 

Kasama rin ang kanyang glam team  na pinangungunahan ni Steven Doloso at ilang staff ng Triple A.

 

 

All-out ang suporta ni Dingdong kay Marian na ayon kay Yan, ang una niyang sinabihan nang malaman niya na kinukuha siya ng Miss Universe organization na maging isa sa miyembro ng selection committee.

 

 

Sa Instagram post nga ni Dingdong ay pinagsisigawan nito gaano siya ka-proud kay Marian at ito raw ang kanyang Miss Universe.

 

 

Pinost din ni Dingdong ang sagot ng kanyang misis tungkol sa pamba-bash dito sa pagsasalita niya ng English.

 

 

     “Siguro aaminin ko, para sa akin, minsan lang kasi mabigyan ang isang tao ng ganito kahalagang gagampanan mo sa isang Miss U na kunsaan ay napakahalagang okasyon na magsasama-sama ang lahat. Para sa akin, isang malaking karangalan ito.

 

 

At sabi rin niya, “At siyempre, bukod do’n, aaminin ko na hindi naman talaga English ang first language ko kung hindi Filipino.

 

 

     “At kinuha nila ako dahil sa aking body of work bilang isang Filipina at ang masasabi ko lang, kilala niyo naman ako. Hindi naman ako mapagpanggap, ‘di ba?

 

 

      “So, i-eexpress ko ang sarili ko na naaayon sa nararamdaman ko sa araw na ‘yan.”

 

 

Sa isang banda, mukhang parehong first time nilang dalawa sa Israel.

 

 

***

 

 

DEPENDE raw para kay Barbie Imperial ang live-in.

 

 

      “Depende sa dalawang taong magli-live-in talaga. Kasi may kakilala ako na nang mag-live-in sila, mas nag-work ang relationship nila. Meron naman na na-realized nila na hindi sila nag-work.

 

 

      “So depende talaga.”

 

 

Para naman kay Diego Loyzaga, naniniwala raw siya na dapat ay merong trial period. Hindi raw ‘yung biglaan.

 

 

So tingin namin, more on sleep-over ang peg ni Diego.

 

 

“Pwedeng this week, sleep muna siya doon, then next week sleep siya dito. Parang progressive, hindi biglaan.”

 

 

Ang kuwento ng kanilang movie na mapapanood na rin sa Vivamax simula sa December 10, ang Dulo ay may live-in set-up sila.

 

 

Pareho naman din sina Barbie at Diego na aiming sa kanilang controversial relationship na hanggang Dulo na nga sila.

 

 

***

 

 

SAMPUNG taon ng Kapuso si Sef Cadayona at kaka-renew lang niyang muli ng kanyang kontrata sa GMA Artst Center.

 

 

Napatunayan daw ni Sef sa sarili niya ang “Dream, Believe, Survive” ng StarStruck kunsaan nagsimula ang journey niya.

 

 

Very grateful si Sef sa GMA-7 na talaga namang na-uncover ang mga talento niya lalo na sa pagpapatawa at maging sa creative side. Kaya naman nga even si Michael V ay obvious ang tiwala sa kanya.

 

 

From Bubble Gang to Pepito Manaloto Ang Unang Kuwento kunsaan, siya ang gumanap na young Michael V.

 

 

Sa isang banda, makulay ang mga past relationships ni Sef kunsaan, na-link o nagkaroon ito ng relasyon sa ilang naggagandahan at nagseseksihang aktres mula kay Yassi Pressman, Andrea Torres at Maine Mendoza.

 

 

Cliché man daw sabihin, pero sa ngayon, wala raw siyang time sa lovelife so sinasabi nitong zero o single siya.

 

 

Tawa naman nang tawa si Sef nang sabihin namin ang tungkol sa mga ex-girlfriends niya at kumustahin kung sila ba ni Andrea e, naging okay na after nilang mag-break at bilang tulad niya, single na rin itong muli.

 

 

Sabi naman ni Sef, “Baka hindi lang din kasi alam ng karamihan but we turned out also to be good friends. Hindi naman napuputol ang communication namin. Ang saya pala no’n na kapag nagkikita kami, hindi lang sa GMA kahit sa labas, nando’n ‘yung respeto, kumusta.. may gano’n pa rin, hindi siya nawawala.”

 

 

Grateful daw siya sa kung ano ang meron sila ni Andrea ngayon.  Pero ayaw raw niyang sabihin kung hanggang doon na lang or what sila, pero sey niya, “We had our fair share ng talaga nga naman na kaming dalawa.

 

 

      “It’s time to move forward,” nakangiting sabi niya.

(ROSE GARCIA)

Pinoy imports sa Japan pro league, ‘excited’ na sa All-Star game ng B.League sa Jan. 14

Posted on: December 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pormal nang inanunsiyo ngayon ng B.League sa bansang Japan ang mga lalahok sa All-Star Festivities sa Okinawa, Japan sa Enero ng susunod na taon.

 

 

Kabilang sa tampok sa All-star game ang nakatakdang paglalaro ng kasalukuyang walong mga Pinoy basketball players bilang bahagi ng Asian imports sa Japan’s professional league.

 

 

Haharapin ng mga Pinoy players ang B.League Rising Stars sa January 14 sa susunod na taon.

 

 

Kung maalala kabilang sa mga players na naglalaro ngayon sa Japan bilang import ay ang dating PBA player na si Kiefer Ravena (Shiga Lakestars), ang kanyang kapatid na si Thirdy Ravena (San-En NeoPhoenix), ang dating ring PBA star na si Ray Parks (Nagoya Diamond Dolphins), at nga UAAP stars at dating bahagi ng Gilas Pilipinas na sina Javi Gomez de Liano (Ibaraki Robots), Dwight Ramos (Toyoma Grouses), Kobe Paras (Niigata Albirex BB), Kemark Carino (Aomori Wat’s), at Juan Gomez de Liano (Earthfriends Tokyo Z).

 

 

Liban nito sasabak din si De Liano sa Three-Point Contest pool, si Paras naman ay lalaban sa Slam Dunk Contest, habang ang magkapatid na sina Thirdy at Kiefer ay bahagi naman ng Skills Challenge.

 

 

 

Aminado naman si Kiefer na ngayon pa lamang ay excited na sila at magsasama-sama ang mga kababayang Pinoy na nasa torneyo para sa gaganaping All-Star game.

 

 

Tiniyak na lamang niya na masusulit ang mga fans sa ibibigay nilang kasiyahan sa pinakakaantay na event.

Top content creator sa YouTube: IVANA, ‘di nagpatinag at tinalbugan sina ALEX, TONI at VICE GANDA

Posted on: December 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SI Ivana Alawi pa rin ang maituturing ng reyna ng YouTube sa mga local celebrities.

 

 

Dahil sa pangalawang pagkakataon, siya muli ang top content creator sa YouTube, ayon sa nilabas na listahan ng Google Philippines.

 

 

Noong 2019 lang nagsimulang mag-vlog si Ivana, at last December 2020 ay siya nga ang nangungunang content creator sa bansa at naulit sa taong ito at ayaw talagang magpatinag.

 

Umabot na sa 14.4 million ang kanyang subscribers sa YouTube, at malapit na niyang ma-achieve ang one billion total views sa mga videos na in-upload niya.    Hindi nga bumababa sa one millon views ang bawat video na ginagawa niya, kahit na simple lang ito, nasa loob ng bahay o prank video.

 

Samantala, nasa second spot naman si Zeinab Harake

 

Pasok sa third slot si Alex Gonzaga, na natigil sa pag-a-upload sa YouTube dahil sa malungkot na pangyayari na ‘di pagkakatuloy ng kanyang pagbubuntis.     Habang ang sister naman niyang si Toni Gonzaga ang nakakuha ng ikaapat na puwesto, dahil talagang kinarir ng aktres/tv host/producer ang paggawa ng makabuluhang content.

 

Magkasama nga sina Toni at Alex sa MMFF 2021 entry na The ExorSis na mula sa Viva Films at TinCan film production na mula sa direksyon ni Fifth Solomon, na mapapanood na sa December 25 sa mga sinehan.

 

Pasok sa top 5 si Donnalyn Bartolome, samantalang si Vice Ganda naman ay nasa rank 6th, na patuloy pa rin na kinaaliwan sa kanyang vlog lalo na kapag kasama ang kanyang boyfriend na si Ion Perez.                           

 

Kasama sa Top 10 content creator sa YouTube sina Skusta Clee (7th), Mika Salamanca (8th), Hash Alawi (9th, kapatid ni Ivana) at Cong TV. (10th, Mark Patriarca).

 

 

Reaction naman ng netizens sa pagiging Top 1 pa rin ni Ivana at sa iba pang nakapasok:

 

 

“Sabi na nga ba eh, Ivana is the Queen in Youtube.”

 

 

“pano hindi magta top halos katawan ang puhunan kada post eh..”

 

 

“Tama!!! Ikaw ba naman maglaba ng walang bra di ka papanoorin ng kalalakihan.”

 

 

“Hayaan mo na style ni Ivana yung kunwari natural lang at normal lng pag cocontent na nakaluwa na ang katawan pero matulungin kunwari at nag cringey ng nanay nya tuwing my prank.”

 

 

“Content Creators pala tawag sa mga ganito akala ko Content Imitators and Copycat trying to be better versions.”

 

 

“Nakamove on na si Ivana sa paglalaba na naka-bra. Lagi na syang nakadamit since last year.”

 

 

“I like Zeinab more than Ivana. Mas may classification.”

 

 

“Infernesz Hash Alawi nakapasok kahit bago lang…”

 

 

“I like hash sa totoo Lang.”

 

 

“Anong gawa ni mika salamanca???? i know the rest, mga showbiz, beauty influencers, singers/rapper. eh siya?”

 

 

“Girlfriend yata nun H2WO na propesyunal mobile legends player. Kung di ako nagkakamali.”

 

 

“awwww.. wala si Kimpoy Feliciano..”
“Surprisingly, wala si Wil Dasovich…”
“Hoping makasama din si Mama Anne Clutz next time :)”

 

 

“Live streaming for games ba si cong tv?”

 

 

“My live streaming din siya pero mostly sa content nya komedya.”

 

 

“maganda mga content ni Cong TV, nakakatawa at natural na natural. Team Payaman. Hindi yan games, meron lang part na games.”

 

 

“Real talk wala pa ako napapanood na vlog ni Ivana and cong tv. Si skusta clee kahit di gwapo magaganda song nya.”

 

 

“Grabe si Ivana fastest pinoy na maka 10 million subscribers tapos pinaka konti din ang videos, no wonder dami nya tinanggihan na project e mas malaki kita sa youtube.”

 

 

“Kumakain nga lang sila e tapos konti prank sa nanay nila Boom! Milyones ang views.”

 

 

“Uy, Hash Alawi. Galing naman at nakapasok siya. I like their family talaga very humble at mabait sa mga angels nila.”

 

 

“Sa mga vloggers, ang nakita ko talaga na parang family ang treatment sa helpers nila are the Alawi family and sina Vilma Santos and family. The rest mababait nman sa helpers nila pero ramdam mo na sila ang boss, very meek ang mga helpers. Sina Ivana, akala mo kapamilya talaga nila ang helpers nila.”

 

 

“Sana mapanood nyo si CongTV, hindi lang sya puro komedya pero sobra ka rin mai-inspire sa kanya. Promise!”

 

 

“Hindi ako makapaniwalang 10th lang si Cong TV. He deserves a higher rank.”

 

 

“’Yung mas malaki ang kinita ni Alex sa youtube kesa sa dekada nya sa showbiz grabe lang.”

 

 

“YT has become an extension of PH showbiz.”

(ROHN ROMULO)

Halos 40 bansa na ang nagtala ng Omicron coronavirus variant – WHO

Posted on: December 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Umabot na sa 38 mga bansa ang nakapagatala ng Omicron coronavirus variant.

 

 

Itinuturing kasi ng World Health Organization (WHO) na ang nasabing variant ng COVID-19 ay mabilis humawa.

 

 

Pinakahuling bansa ang US at Australia na may naiulat na local transmission ng Omicron.

 

 

Nagbabala ang WHO na aabutin pa ng ilang linggo para malaman kung gaano nakakahawa ang Omicron at kung ito ay magdudulot ng matinding sakit.

 

 

Ilang linggo rin ang gugugulin para malaman kung gaano kaapektibo ang mga bakuna laban sa Omicron. (Daris Jose)

NLEX isinama sa active player ang veteran player na si Asi Taulava

Posted on: December 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Magiging aktibo muli sa paglalaro ang veteran player ng NLEX na si Asi Taulava.

 

 

Kasama si ang Fil-Tongan player sa 15-man roster na inilista at maglalaro sa 2021 PBA Governors’ Cup.

 

 

Sinabi ni NLEX coach Yeng Guiao na sa edad ni Taulava ay maganda pa rin ang kaniyang pangangatawan.

 

 

Magiging malaking kontribusyon na rin sa koponan kung kaya nitong makipagsabayan ng hanggang anim na minuto sa kada laro.

 

 

Ito na ang pang-22 season para kay Taulava.

 

 

Lagi kasing nasa reserved list ng NLEX sa mga nagdaang season ito.

 

 

Isang beses lamang ito nanalo ng kampeonato noong 2003 All-Filpino Conference noong ito ay nasa Talk ‘N Text.

 

 

Lagi kasing nasa reserved list ng NLEX sa mga nagdaang season ito.

 

 

Isang beses lamang ito nanalo ng kampeonato noong 2003 All-Filpino Conference noong ito ay nasa Talk ‘N Text.