• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 12th, 2022

3 bagong COVID-19 variants pinangangambahan

Posted on: January 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TATLONG  bagong va­riants ng COVID-19 na tinatawag na Deltacron o Delmicron, Flurona at IHU ang pinangangambahan ngayon na kumalat makaraang matuklasan sa Europa at Amerika.

 

 

Agad namang pinawi kahapon ng Department of Health (DOH) ang pa­ngamba sa mga Pilipino sa pagsasabing wala pa sa Pilipinas ang naturang mga variants.

 

 

“Currently, no recor­ded cases here in the Phi­lippines. Our experts are still studying this,” ayon sa pahayag ng DOH.

 

 

Iginiit din ng DOH na ang World Health Organization (WHO) ang siyang awtoridad sa pagkumpirma sa naturang mga variants at pagdetermina kung ang mga ito ay “Variant under Monitoring (VUM), Variant of Interest (VOI), o Variant of Concern” na.

 

 

Ayon sa mga internasyunal na ulat, may 25 kaso na ng Deltacron ang natukoy sa bansang Cyprus. Nakitaan ang Deltacron ng 10 mutasyon mula sa Omicron va­riant habang ang “genetic background” nito ay kahalintulad naman ng Delta variant.

 

 

Posible umano na dahil sa pagkakasabay ng Delta at Omicron, lumikha na ito ng bagong variant na resulta ng pagpapalit-palit ng mga ito ng “genes”.

 

 

Samantala, natagpuan naman sa 12 pas­yente sa France ang IHU na may 46 na mutasyon. Hindi pa naman mabatid kung gaano kabagsik at gaano kabilis kumalat ng naturang variant na kailangan pang isailalim sa dagdag na mga pagsusuri.

 

 

Natagpuan naman ang tinatawag na Flurona sa dalawang pasyente sa Estados Unidos at isa sa Israel. Ang Flurona ang tawag sa pinaghalong impeksyon ng “influenza o flu” at ng COVID-19.

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 4) Story by Geraldine Monzon

Posted on: January 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKAS ang mga kasama ni Cecilia habang siya ay naiwan sa kamay ni Bernard.

 

 

Dahil sa narinig na putok kanina ay napilitang lumabas ng silid si Angela sa pag-aalala sa asawa. Kasunod niya si Lola Corazon.

 

 

“Bernard!”

 

 

“Natawagan mo na ba si Marcelo?”

 

 

“Oo Bernard, papunta na siya. S-Siya ba ang…”

 

 

“Isang babae at tatlong lalaki. Balak nila tayong pagnakawan.” Ani Bernard na hindi inaalis ang tutok ng baril kay Cecilia.

 

 

“Anong nangyari do’n sa tatlo?”

 

 

“Nakatakas sila. But don’t worry sweetheart, sisiguraduhin ko na hindi na sila makakabalik dito.”

 

 

Nagpakuha ng tali si Bernard kay Angela at saka niya itinali ang dalaga.

 

 

“Bernard, huwag mong masyadong higpitan, baka masaktan siya.” Paalala ni Angela sa asawa.

 

 

Nilingon siya ng lalaki.

 

 

“At talagang inaalala mo pa siya?”

 

 

“Hindi natin alam kung anong dahilan niya kung bakit siya napasama sa ganoong gawain. Huwag natin siyang husgahan agad.”

 

 

Napailing na lang si Bernard. Alam niya kung gaano kadakila ang puso ng asawa.

 

 

Si Lola Corazon naman ay pinuntahan si Bela sa silid nito.

 

 

“Bela apo, okay ka lang ba?”

 

 

“Ano pong nangyari lola, where is mom and dad?”

 

 

“Nasa salas lang, may kausap na bisita. Dito na lang muna tayo ha.”

 

 

“Yes lola. Ahm… did you see the ghost hunter?”

 

 

“Ghost hunter?”

 

 

“She told me that she will kill the 3 ugly ghosts outside and she will save mom and dad from them!”

 

 

Natawa ang matanda.

 

 

“Hamo, mamaya at tatanungin natin ang mom and dad mo tungkol dyan. Sa ngayon, matulog ka muna ulit or gusto mo bang ipagtimpla muna kita ng milk.”

 

 

“I want to sleep na lang po lola.”

 

 

Habang kausap ni Bernard si SPO2 Marcelo ay nilapitan ni Angela ang nakaposas ng si Cecilia.

 

 

“Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?”

 

 

Hindi agad sumagot ang dalaga pero napilitan din ito.

 

 

“Cecille…”

 

 

“Cecille, ako si Angela. Hindi ko alam ang klase ng buhay na meron ka. Pero curious lang ako kung bakit mo pinasok ang ganitong gawain.”

 

 

“Hindi na importante ‘yon. Handa akong pagbayaran sa kulungan ang nagawa ko.”

 

 

“H-hindi ka ba nagsisisi…look, iniwan ka ng mga kasama mo sa ere…pero kung magiging honest ka sa’kin, I’ll promise to help you.”

 

 

“Marami ng nangako sa’kin. Pero maski isa, wala namang tumupad sa pangako.”

 

 

Hindi na naituloy ni Angela ang pagkausap kay Cecilia nang lapitan na ni SPO2 Marcelo ang dalaga.

 

 

“Bernard, mukhang malalim ang problema ng batang ‘yan…naaawa ako sa kanya.”

 

 

“Hindi na siya bata sweetheart. Dapat alam na niya ang tama at mali. Kung marami na siyang problema, hindi na dapat niya iyon dinadagdagan pa ng mga pagkakamaling ginagawa niya ngayon. Kaya huwag mo siyang kaawaan. Ang kailangan niya ay matuto ng leksyon.”

 

 

“Ah basta, naaawa pa rin ako sa kanya. “

 

 

“I-lock mo lahat ang pinto at i-double check ang mga bintana, kailangan kong sumama sa presinto.”

 

 

“Sige, mag-iingat ka.”

 

 

Agad namang nakarating kay Madam Lucia ang nangyari kay Cecilia. Ang kababata at ka-tropa ng dalaga na si Bert ang nagsabi rito sa cellphone.

 

 

“Puro talaga kayo mga ulupong, ipinahamak nyo na naman ang apo ko!” inis na sabi ng matanda.

 

 

“Oo na po, kasalanan na namin. Pero kailangan din kasi namin iligtas ang mga sarili namin sa ganoong sitwasyon lola. Babawi kami kay Cecille. Sa ngayon magtatago muna po kami. Kayo na po ang bahalang umareglo sa kanya sa presinto!” sabay off na ni Bert ng cellphone.

 

 

Dali-dali namang nagtungo sa presinto si Madam Lucia. Dinatnan pa niya roon si Bernard na kausap ng isa pang pulis. Nilingon ni Bernard ang matanda nang lapitan nito ang dalaga sa loob ng kulungan.

 

 

“Cecilia, ano na naman ba itong ginawa mo?”

 

 

“Lola, kung nagpunta ka rito para sermunan ako, umuwi ka na lang po at maghanap ng magpapahula sa’yo. Hindi ka magkakapera rito.”

 

 

“Hindi ako aalis dito nang hindi kita kasama!”

 

 

Hindi na kumibo si Cecilia.

 

 

Lumapit si Madam Lucia sa mga pulis. May dinukot siya mula sa bitbit na bag.

 

 

“Mamang pulis, heto, baka sumapat na ito para sa kalayaan ng apo ko?”

 

 

Napakamot ng ulo si SPO2 Marcelo nang iabot sa kanya ng matanda ang dalawang kuwintas. Sinipat sipat niya ito.

 

 

“Hmmm, isang nasa maayos na kondisyon, isang may konting sunog, at may nakasulat sa pendant na, No Other Love!”

 

 

Nakangiting iniabot iyon ng pulis kay Bernard.

 

 

“Bernard, ano sa tingin mo?”

 

 

Lumipat ang tingin ng matanda kay Bernard. Nanlaki ang mga mata niya rito.

 

 

“Ikaw, ikaw nga, ikaw ang susunod na magmamay-ari ng kuwintas!”

 

 

Nagkatinginan sina Bernard at Marcelo sa sinabi ng matanda.

 

 

“Ang mga kuwintas na ito ay kuwintas na nababalot ng mahika ng pag-ibig, ito ang magliligtas sa pagmamahalan nyo ng tanging babae na nasa puso mo!” ani Madam Lucia.

 

(ITUTULOY)

PBA prayoridad ang kaligtasan ng lahat

Posted on: January 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALANG balak ang pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) na isugal ang kaligtasan ng mga players, coaches at officials matuloy lamang ang PBA Season 46 Governors’ Cup.

 

 

Naghihinayang si Marcial dahil maganda na sana ang takbo ng liga noong nakaraang taon.

 

 

Maliban sa tuluy-tuloy na mga laro, nabigyan na ng pagkakataon ang mga fans na makapanood ng live sa mga playing venues.

 

 

Subalit naudlot ang lahat matapos lumobo ang bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

 

 

Dahil dito, ibinalik sa mas mahigpit na Alert Level 3 ang buong National Capital Region (NCR) gayundin ang ilang kalapit na probinsiya.

 

 

“Sayang nandun na yung momentum, e. Dire-diretso na sana tayo,” ani Marcial sa programang The Chasedown.

 

 

Wala pang pinal na desisyon kung kailan itutuloy ang liga.

 

 

“Hindi ako manghihinayang kung makakaligtas naman ang lahat. Para sa atin naman ito. Hindi ko isusugal yung safety ng mga tao para lang makalaro. Kaya humingi ako ng pasensiya sa team owners at sa go­vernors na sana maintindihin nila,” ani Marcial.

 

 

Sa ngayon, pinaplano pa ng PBA kung ano ang magiging susunod na aksyon nito.

 

 

Nakaantabay pa ang lahat sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa kung saan umabot na sa mahigit 33,000 ang mga tinatamaan ng COVID-19 kada araw.

 

 

Pinag-aaralan din ng liga kung babalik ito sa full bubble o semi bubble para ituloy ang season.

Kahit na todo-bigay sa love scenes: AJ, gusto ring makilala na magaling na artista at goal nila ‘yun ni SEAN

Posted on: January 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KAHIT na super daring at todo bigay pa rin sa mga love scenes nila ni Sean de Guzman sa Hugas ang bagong movie ng Vivamax, kumpara sa mga past movies nila, ang action element sa Hugas ang nakikitang kaibahan ni AJ Raval.

 

 

Sey ni AJ, “Unang-una po, ang kaibahan po sa mga ginawa namin before, ito po, action. Talagang binigay po namin ang best namin dito. At marami po kaming natutunan na dinala po namin dito sa Hugas.

 

 

     “Nandiyan po si Direk Roman (Perez Jr.) na alam na po niya kaming kapain, pangaralan. I think, binigay naman po namin ang best namin dito. Unang-una, ako po, pangarap ko po talagang mag-action and I think, this is a dream come true.”

 

 

Mas nakilala, mas nag-ingay si AJ last year at masasabing isa siya sa naging controversial star. Pero ngayong 2022, gusto raw niyang makilala siyang talaga bilang isang actress.

 

 

Aniya, “Siyempre, gusto ko rin pong makilala na magaling pong umarte, may talent po. ‘Yun po ang gino-goal namin ni Sean this year, napag-usapan po namin.”

 

 

***

 

 

ANG pagba-bible study araw-araw ang isa raw sa naging dahilan kaya kahit aminado ang mga director at cast ng Prima Donnas ay nakatagal sila at natapos nila ang halos 3 buwan na lock-in taping nila.

 

 

Pare-parehong aminado sina Wendell Ramos, Benjie Paras, Chanda Romero, Katrina Halili, Aiko Melendez at ang bagong mapapanood sa book 2 na si Sheryl Cruz na may mga personal silang struggle sa ginawang lock-in taping.

 

 

Si Wendell, nandiyang nanganak ang misis niya na wala siya at nagdesisyon na hindi na lumabas from the lock-in at hindi nakita ang bagong silang na anak at nakasama ang misis hanggang sa tapos na ang lock-in nila.

 

 

Si Aiko na ang dami nga namang inaasikaso dahil tumatakbo ito sa Quezon City at gayundin si Benjie na aminadong nami-miss ang mag-iina niya.

 

 

Pero lahat sila, very thankful sa director ng serye na si Gina Alajar dahil bukod sa bible study, nagkakaroon din daw sila ng Praise & Worship.

 

 

At ngayon, tahasan nilang sinasabi na kung may expert na nga siguro sa lock-in taping, pwede na nilang i-claim ito at pwede na raw mag-seminar sa kanila.

 

 

Simula sa Lunes, sa GMA Afternoon Prime ang pagbabalik ng Prima Donnas na sa trailer pa lang, ang dami ng pasabog.

 

 

***

 

 

SA mga kapatid, ayon kay Pokwang, meron at meron daw talagang lumalabas na pasaway.

 

 

At sabi nga niya sa naging YouTube interview niya kay Ogie Diaz, hindi raw niya sinisisi ang ilang kapatid sa naging situwasyon ng ina, pero alam daw niya na may time, nagsisinungaling sa kanya ang ina para makahingi ng pera at maibigay sa mga ito.

 

 

Inamin ni Pokwang na tila nag-withdraw na rin siya sa pagtulong o pagbibigay siguro ng pinansiyal sa ilang kapatid dahil sabi nga niya, “Dumating na siguro ko sa punto na enough na. At naniniwala ako na ang tao kahit bigyan mo ng isang libo, kung gustong umasenso, mapapalago.”

 

 

      “Kasi again, meron na akong pamilya. May anak akong binubuhay. At hindi porke’t artista ako, kumikita ako nang malaki. Hindi laging gano’n. May mga obligasyon din ako.”

 

 

Naging emosyonal si Pokwang at naluha habang nagpapahatid ng message sa mga kapatid nga.

 

 

Sey pa niya, “Hindi naman pwedeng lagi na habambuhay kargakarga mo sila. ‘Pag meron naman, nag-aabot naman, di ba? Pero sana kapag hindi napagbigyan, ‘wag naman magsasalita ng kung ano-ano. 

 

 

      “Alam n’yo naman ang buhay natin, hindi naman tayo pinanganak na mayaman.” 

 

 

Sinabi rin niya sa mga ito na kung hindi raw ba natuwa na bago mamatay ang ina nila, kahit paano nga naman, nakaranas ng ginhawa.

 

 

At ramdam mo talaga ang bigat na dala niya nang tanungin niya ang mga ito pa rin na, “Feeling ko, bakit kailangang kargahin ko lahat? Bakit kailangan lahat karga ko? Tingin n’yo dahil ako ang kumikita? May obligasyon din ako. 

 

 

“Yung trabaho natin, hindi ‘to panghabambuhay. Mawawala at mawawala rin ang kinang mo. Siyempre nandito pa ko kahit papaano, pero para sa mga anak ko. Tapos na ko para sa inyo. Tapos na ko sa ‘yo.”

(ROSE GARCIA)

Andrew Garfield Enjoyed Lying About His Role In ‘Spider-Man: No Way Home’

Posted on: January 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ANDREW Garfield, who portrayed Spider-Man in The Amazing Spider-Man film series, enjoyed lying about his role in  Spider-Man: No Way Home.   Garfield reprised as the webslinger in the latest installment of Tom Holland’s Spider-Man series, which takes place in the MCU. Tobey Maguire, who has also portrayed Peter Parker in the past in Sam Raimi’s trilogy, joined Garfield and appeared in Spider-Man: No Way Home as well.

 

 

The two previous Spider-Man weren’t the only actors to reprise their roles from previous Spider-Man films and audiences were treated to multiple iconic and memorable villains. Alfred Molina as Doc Ock, Jamie Foxx as Electro, and Willem Dafoe as the Green Goblin/Norman Osborn also returned in big screen. Despite being from older film series which were unconnected to the MCU, the Spider-Men and their various villains were brought into Holland’s film through the introduction of the multiverse thanks to Doctor Strange.

 

 

In the film, Benedict Cumberbatch’s Doctor Strange brings the characters into the universe of Holland’s Spider-Man by miscasting a memory spell, which ends up having disastrous consequences.

 

 

Garfield shared that he enjoyed lying about his surprise appearance in the film.

 

 

The actor had spent much of 2021 denying that he would be appearing in Spider-Man: No Way Home, despite multiple set-leaks and intense speculation. Garfield described his committed deception as “weirdly enjoyable,” though admitted that it was hard at times, and he questioned whether or not it was the right thing to do.

 

 

In his interview with TheWrap, Garfield says, “It was stressful, I’m not gonna lie. It was rather stressful but also weirdly enjoyable. It was like this massive game of Werewolf that I was playing with journalists and with people guessing, and it was very fun.

 

 

There were moments where I was like, ‘God, I hate lying.’ I don’t like to lie and I’m not a good liar, but I kept framing it as a game. And I kept imagining myself purely as a fan of that character, which is not hard to do.

 

 

I placed myself in that position of, Well, what would I want to know? Would I want to be toyed with? Would I want to be lied to? Would I want to be kept on my toes guessing? Would I want to discover it when I went to the theatre? Would I want to be guessing, guessing, guessing?

 

 

I would want the actor to do an incredibly good job at convincing me he wasn’t in it. And then I would want to lose my mind in the theatre when my instinct was proven right. That’s what I would want.”

 

 

The appearances from previous Spider-Man characters are an integral part of the film, as the two older Spider-Men help Holland’s Peter Parker deal with his emotions and succeed in his aim to ‘cure’ villains, rather than kill them.

 

 

The return of Garfield and Maguire works best as a surprise, and like with Avengers: Endgame, fans have been working to avoid spoilers and not spoil the film themselves.

 

 

Out of the three adaptations, Garfield’s own Spider-Man series was the least well-received, both agreed by audiences and critics.

 

 

Most agreed to that Garfield’s performance was one of the aspects of the series that did work, and with the release of Spider-Man: No Way Home, the actor has generated a renewed interest in his series and its future possibilities.

 

 

Some fans have shared their enthusiasm for a new Amazing Spider-Man film, which would give Garfield the chance to complete his trilogy as Maguire and Holland both did.

 

http://peoplesbalita.com/wp-content/uploads/2022/01/spiderman-andrew-garfield.jpg

Whether or not the actor portrays Spider-Man again in the future, with Spider-Man: No Way Home Garfield’s version of Spider-Man has now received a satisfying resolution. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

Bumida sa Warriors vs Cavs Thompson ‘di kinalawang

Posted on: January 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MATAPOS ang dalawang taon ay muling nasilayan sa aksyon si Klay Thompson.

 

 

Nagsalpak si Thompson ng 17 points kasama ang tatlong three-point shots sa 96-82 pagdomina ng Golden State Warriors sa Cleveland Cavaliers para tapusin ang kanilang dalawang dikit na kabiguan.

 

 

Muling sumosyo ang Warriors (30-9) sa Phoenix Suns para sa best record sa NBA at Western Conference.

 

 

Nawala sa eksena ang five-time All-Star guard nang magkaroon ng ACL injury sa kaliwang tuhod sa Game Six ng 2019 NBA Finals kontra sa Toronto Raptors at torn right Achilles tendon noong Nobyembre ng 2020.

 

 

Ginulat ni Thompson ang lahat nang isalpak ang isang one-handed dunk na sinundan ng isang triple para sa 49-41 abante ng Golden State sa Cleveland (22-18) sa second period.

 

 

Naglista si Stephen Curry ng 29 points, 5 rebounds at 5 assists at may 14 markers si Jordan Poole para sa Warriors.

 

 

Sa Los Angeles, nag­lista ang Memphis Grizzlies (28-14) ng franchise record na siyam na sunod na pananaig matapos kunin ang 127-119 panalo sa Lakers (21-20).

 

 

Tumipa si Desmond Bane ng 23 points at may 21 at 16 markers sina Jaren Jackson Jr. at Ja Morant, ayon sa pagkakasunod.

 

 

Sa Dallas, kumolekta si Luka Doncic ng 22 points, 14 rebounds at 14 assists para sa kanyang ikatlong triple-double sa season sa 113-99 pagdaig ng Ma­vericks (22-18) sa Chicago (26-11).

 

 

Itinala ng Dallas ang kanilang season-best na anim na sunod na arangkada at pinigil ang nine-game winning streak ng Chicago na namumuno sa Eastern Conference.

 

 

Sa New York, ipinasok ni rookie Cam Thomas ang isang runner sa huling 1.4 segundo sa overtime sa 121-119 paglusot ng Brooklyn Nets (25-13) sa San Antonio Spurs (15-24).

 

 

Tinapos ng Nets ang kanilang five-game home losing skid.

 

 

Sa iba pang laro, dinaig ng LA Clippers ang Atlanta Hawks, 106-93; nanalo ang Minnesota Timberwolves sa Houston R­ockets, 141-123; wagi ang Portland Trail Bla­zers sa Sacramento Kings 103-88; tinalo ng Denver Nuggets ang Oklahoma City Thunder, 99-95; lusot ang Toronto Raptors sa New Orleans Pelicans, 105-101; at binigo ng Wa­shington Wizards ang Orlando Magic, 102-100.

Omicron isa ng dominant variant sa bansa – DOH

Posted on: January 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ITINURING na ng Department of Health (DOH) na isa ng dominant variant sa bansa ang Omicron coronavirus.

 

 

Sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na ito ay base sa isinagawa nilang genome sequencing.

 

 

Base kasi sa genome sequencing na isinagawa noong Enero 3, na 29 sa kabuuang 48 samples ay nakitaan na Omicron variant habang 18 samples naman ay delta variant.

 

 

Dagdag pa ng kalihim na dominado na ito ng Omicron dahil sa resulta ng kanilang sequence run.

 

 

Umabot rin ng 690 percent ang average daily reported cases ang naitala mula Enero 4 hanggang 10 na mayroong average daily increase na 20,481 na kaso.

 

 

Dahil dito ay maituturing na nasa kritikal na ang kalagayan ng bansa. (Daris Jose)

Pamahalaan, target na gawing fully vaccinated ang 90 milyong Pinoy —Galvez

Posted on: January 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PLANO ng pamahalaan na gawing fully vaccinated ang 90 milyong Filipino laban sa COVID-19 sa kabila ng mga hadlang na mapabiis ang pagbabakuna.

 

 

“Ang atin pong main objective ay mabakunahan ang 90 million na Filipino, sa bilang po na ito mayroon po tayong babakunahan na primary series sa 28 to 30 million na katao,” ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr.

 

 

Sa kasalukuyan, pumalo na sa 52 milyong Filipino ang nabakunahan sa Pilipinas.

 

 

Aniya, kailangan na bumili ng gobyerno ng 70 milyong doses para sa boosters at 26 milyong doses naman ng bakuna para sa mga kabataan na may edad na 5 hanggang 11 taong gulang.

 

 

“The Philippines currently has 100 million doses stockpiled,” ani Galvez.

 

 

Gayunman, nagbabala si Galvez na ang mataas na kaso ay makaaapekto sa kanilang vaccination efforts.

 

 

“Biglang pagtaas ng kaso at infection, ay malaking balakid sa ating vaccination dahil focus ng health care workers at LGU at healthcare personnel ay pondohan ang ospital at karamihan din po sa kanila ay nasa quarantine,” ani Galvez.

 

 

Samantala, sinabi naman ni NTF adviser Dr. Ted Herbosa na bumagal ang pagbabakuna dahil may ilan sa mga health workers sa vaccination centers ang pinabalik sa mga ospital sa gitna ng surge sa COVID-19 cases, habang ang iba naman ay tinamaan ng virus. (Daris Jose)

PIA, nagka-COVID pa rin kahit fully vaccinated at may booster shot; pinatulan ang basher na nagsabing ‘deserved’ niyang mahawa

Posted on: January 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IBINAHAGI ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach a few days ago na nag-positive din siya sa COVID-19 habang nasa United Kingdom.

 

 

Nagbabala pa siya sa IG post ng, “Long post ahead”, bago I-post ang nangyari sa kanya.

 

 

Panimula ni Pia, “I caught COVID here in the UK even though I’ve been fully vaccinated & received my booster shot already. Kumpleto din ako ng flu & pneumonia vaccines.

 

 

“I eat healthy & I’m active, but I still got it. I got all the symptoms too. Fever, sore throat, body pain, runny rose, cough, & I also lost my sense of smell & taste. It’s not like a regular cold or flu that goes away after a few days. I’ve never been sick for this long, which lasted more than a week.

 

 

Sa pagpapatuloy niya, “I’m one day away into completing isolation with my sister, @sarahwurtzbach who also caught it. We both tested negative already, thank God!

 

 

The worst is through. I am recovering well. I am beyond grateful my parents are safe. Di sila nahawa sakin.

 

 

Pagpapaalala pa ng beauty queen, Guys, COVID is so real. My timeline shows that many have/had it too, both in the Philippines & abroad. And the numbers are going up exponentially. Please take this seriously cos anyone can get it no matter how healthy you are.

 

 

Being fully vaccinated doesn’t stop you from getting the virus but it helps you overcome it. Please follow health & safety protocols. I think it’s the moment you put your guard down, doon ka mahahawa. You think you’re safe & usually yung makakahalubilo mo walang symptoms. Akala mo all is well. Pero, nahawa ka na pala at may possibility na maipasa mo sa iba nang di mo alam.

 


      “It seems easy for anyone to just break protocols & still go out even when they know they tested positive. Feeling nila, di sila mahuhuli or wala namang nagbabantay. I’ve personally seen other people do this.

 

 

Meron pa diyan, may symptoms na & have the means to get tested pero ayaw nilang maconfirm na may COVID sila, tas lalabas parin. Naku, konsensiya niyo nalang yan. Konting personal accountability, please.

 

 

Ang dami nang nagkasakit. I don‘t wanna sound preachy but let’s not be selfish & go breaking protocols, hoarding supplies, refusing to get tested & vaccinated.

 


      Panalangin pa ni Pia, I hope we can start 2022 right. Let’s look after one other by getting those jabs, staying in isolation if needed, stop gathering in big groups, frequent hand washing, & please wear those masks properly.

 

 

Ang nakakaloka lang, may nag-coment na basher na deserving daw siya na makakuha o tamaan nang nakakahawa at nakamamatay na virus.

 

 

Kaya hindi napigilan ni Pia na patulan ang basher at inalis na rin ang naturang comment.

 

 

Sey pa niya, “I deleted it already pero may nagcomment pa na I deserved this cos I travel?

 

 

And that I had it coming?

 

 

Kilabutan sana kayo sa mga sinasabi nyo. Iba na talaga mundo ngayon. Sana di nyo maranasan to.

 

 

Reply naman ng mga followers niya, na ‘wag na lang pansinin o patulan ang bashers niya. Dasal, pagsuporta at pagmamahal ang mga karamihan sa mensahe sa kanya.

 

 

Kaya naman natuwa si Pia at nag-reply ng, Thank you everyone for your kind messages! (kasama ng praying hands and heart emojis)

(ROHN ROMULO)

Malakanyang, pinayuhan ang mga employer na magtalaga ng health safety officer sa kanilang work place

Posted on: January 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMAPELA ang Malakanyang sa mga nagmamay-ari ng kumpanya na gumawa ng kaukulang hakbang para masiguro na nagagawa ang pag- iingat sa kanilang work place.

 

 

Ang apela ng Malakanyang ay ginawa sa harap ng nagpapatuloy na pagsirit ng mga nadaragdag na kaso ng COVID 19.

 

 

Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, mas makabubuting magtalaga ang mga employer ng health safety officer sa kanilang mga tanggapan o sa mga lugar na nagsisilbing trabahuhan.

 

 

Magiging trabaho ng health safety officer na magpaalala sa mga empleyado at titiyak na nasusunod ang minimum public health standard.

 

 

“Sa mga pumapasok onsite, ilang paalala sa mga employer sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19: Una, mag-assign po tayo ng health safety officer sa inyong workplace para ipaalala sa mga empleyado ang pagsunod sa minimum public health standards at mag-monitor at mag-track po tayo ng mga sintomas,” ani Nograles.

 

 

Aniya pa, bukod sa minimum health protocol ay dapat din aniyang masiguro na may bentilasyon ang mga work place at iwasan ang closed spaces.

 

 

“Pangalawa, tiyakin ang proper ventilation at iwasan ang closed spaces,” anito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)