• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 17th, 2022

MCKENNA GRACE, AN ADORABLE GIRL GENIUS IN “GHOSTBUSTERS: AFTERLIFE”

Posted on: February 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SHE recently starred in New Line’s Annabelle Comes Home and in the hugely successful Captain Marvel opposite Brie Larson. Now, Mckenna Grace stars budding scientist, Phoebe in Columbia Pictures’ new action-adventure Ghostbusters: Afterlife (now showing in Philippine cinemas).

 

 

[Watch the film’s latest trailer at https://youtu.be/vstFiU4r-Cc]

 

 

At the center of Ghostbusters: Afterlife is a small family: single mom Callie (Carrie Coon), her 15-year-old son Trevor (Finn Wolfhard), and her 12-year-old daughter Phoebe (Mckenna Grace). After they are evicted from their Chicago apartment, the family moves into a ramshackle Oklahoma homestead where they begin to discover their connection to the original ghostbusters and the secret legacy their grandfather left behind.

 

 

“Phoebe is brilliant and could only be played by an actress who is as intelligent as she is,” director Jason Reitman says. “Mckenna is exceptionally smart – she’s probably read more books than I have – very thoughtful, and very funny. She’s perfect for Phoebe –a young, misunderstood woman who finds herself in ghostbusting.”

 

 

“In Phoebe, I wanted the audience to meet a young girl who is a genius and who feels like an outsider,” says Jason, “someone who is looking for friends in the moment that she discovers she’s just like her grandfather. She is a scientist. She is someone who can make things, who wants to fix things. She is the kid who wants to break open the toaster and see how it works, but instead of a toaster, she gets a proton pack.”

 

 

Grace says she feels blessed to play this role. “I get to be the character that unravels her grandfather’s life and discovers their family tree.  She’s not at all like other kids her age. She’s incredibly smart.  She’s very into science experiments. When we are first introduced to her, she is pulling cords through a giant hole in the wall and causes a power outage in the whole house. She’s very inventive and resourceful,” Grace concludes.

 

 

Ghostbusters: Afterlife is distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Use the hashtag #Ghostbusters

(ROHN ROMULO)

Opensa Depensa Ni REC Alaska Milk babu na sa PBA

Posted on: February 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TATAPUSIN na lang ng Alaska Milk ang kasalukuyang 46th Philippine Basketball Association 2021-22 Governors’ Cup bago magpaalam sa unang propesyonal na liga ng sport sa Asya sa taong ito.

 

 

“All good things come to an end,” namamalat na bulalas ni team owner Wilfred Steven ‘Fred’ Uytengsu Jr.  sa pinatawag na Zoom press conference Miyerkoles ng umaga. “The franchise will be leaving the PBA at the end of our 35th and final season.”

 

 

Sa pang-36 na taon sa loob ng 35 season (1986-2002) sa liga, sumungkit ang Aces ng 14 na kampeonato, pinakamalaki ang 1996 grand slam o pagwalis sa tatlong conference sa paggabay ni coach Earl Timothy ‘Tim’ Cone.

 

 

“No immediate buyers yet, but it remains a possibility that we can sell our franchise to another company if they want to come in at the end of the season,” panapos ng 60-anyos na may ari ng koponan sa ilalim ng Alaska Milk Corporation.

 

 

Kung walang bibili sa kompanyang gatas, mapipilitan si Uytengsu na ibalik ang prangkisa sa PBA at ang mga player ay paghahati-haatian ng 11 koponang natira via dispersal draft.

 

 

Malilibre sa merkado na tiyak pag-aagawan ang kalibre ng mga basketbolistang sina Jeron Teng, Abu Tratter, Mike Digregorio, Rob Herndon, Maverick Ahanmisi, Ben Adamos at Allyn Bulanadi at iba pa.

 

 

Nalungkot sigurado ang mga miyembro ng PBA board of governors o kinatawan ng mga may ari ng koponan sa pamumuno ni Victorico Vargas ng TNT sa paglisan nang matagal nilang kasama.

 

 

Maging ang mga bumubuo sa tanggapan ng liga sa pangunguna ni Commissioner Wilfrido Marcial, ang sektor ng negosyo at ang media, lalo na ang PBA Press Corps.

 

 

Pero ganyan talaga ang buhay, sabi nga walang permanente sa mundo nating ginagalawan. (REC)

PAGBEBENTA NG GAMOT SA SAR-SARI STORE IPAGBAWAL

Posted on: February 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HIHILINGIN ng Food and Drug Administration (FDA) sa pamahalaang lokal na gumawa ng ordinansa sa pagbabawal ng pagbebenta ng gamot sa mga sari-sari store.

 

 

Ayon sa FDA, ito ay upang maiwasan ang pagbebenta ng mga pekeng gamot  na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga konsyumer.

 

 

Sinabi ang panukalang ito ni  FDA Deputy General Oscar Gutierrez, kay  President Rodrigo Duterte sa “Talk to the People” briefing na inere nitong Lunes..

 

 

Punto ni Gutierrez, ang lokal na pamahalaan ang nag-iisyu ng license to operate sa mga sari-sari stores.

 

 

“FDA thinks that these sari-sari stores are also victims,”

 

 

“So actually,  the sari-sari stores have a license to operate from the local government. So we would like, if possible, to work with the LGUs so they can pass an ordinance that prevents the sari-sari stores from buying or carrying medicines,” pahayag pa ni Gutierrez. .

 

 

Hinalimbawa naman ng opisyal ang Davao City na mayroon nang ganitong ordinansa.

 

 

Hinikayat din nito ang mga Filipino na bumili lamang ng gamot sa mga  FDA-licensed drug stores — kung saan  mayroong 45,000 nationwide.

 

 

Iniulat din ng FDA na may 185 sari-sari stores na iniimbestigahan ng FDA , 78 rito ay natuklasang lumabag sa  Pharmacy Act.

 

 

Sa 78, siyam ang napag-alamang nagbebenta ng pekeng gamot

 

 

Kabuuang 13 pekeng gamot din ang natuklasang  karamihan ay COVID-related .

 

 

Nakipag-ugnayan din ang FDA sa mga online shopping sites tulad ng Lazada at Shopee upang matukoy ang mga paglabag sa pagbebenta  ng mga pekeng gamot gamit ang mga platform, sabi ni Gutierrez.

 

 

Sa kanyang panig, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Ano na maglalabas siya ng memorandum circular “upang ang kampanya laban sa pagbebenta ng mga pekeng gamot ay [itigil] hanggang sa antas ng sari-sari stores.”

 

 

“They are dangerous to the health of our constituents,” dagdag nito . GENE ADSUARA

Pagdanganan asam ang maraming Magic 10 finish sa LPGA Tour

Posted on: February 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PUPUNTIRYA si Bianca Isabel Pagdanganan nang maraming pagtapos sa Top 10 sa mayamang nakabase sa Estados Unidos na 73rd Ladies Professional Golf Association Tour 2022.

 

 

“I’ve had two Top 10 finishes. Knowing that I can do that, I definitely want to hope for more this year. I’m working to finish more in that position,” bulalas nitong Sabado ng 24 na taong-gulang at 5’4″ ang taas na Pinay shotmaker na tubong Quezon City kay Jose Emmanuel Eala ng Power and Play.

 

 

Na-cut (six-way tie sa 93rd sa 120 entries) ang dalaga sa Tour’s Leg 3 LPGA Drive On Championship at Crown Colony noong Enero 27-30 at lumapag na pang-41 sa Leg 4 Gainbridge LPGA at Boca Rio nitong Pebrero 3-5 sa parehong kompetisyong ginanap sa Florida.(CEC)

P3-B budget, inilaan para sa fuel subsidy ngayong taon- Malakanyang

Posted on: February 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGLAAN ang pamahalaan ng P3 bilyong pisong budget para sa fuel subsidy sa ilalim ng General Appropriations Act of 2022.

 

 

Ang pahayag na ito ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay matapos na magpatupad ang mga kumpanya ng langis ng panibagong big-time price hike para sa pitong sunod-sunod na linggo sa kabila ng supply constraints sa global market.

 

 

“Ang budget law natin for 2022 which is the General Appropriations Act of 2022, mayroon pong mga nakalaan diyan na para sa mga  fuel subsidy,” ayon kay Nograles.

 

 

Sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) budget, sinabi ni Nograles na may kabuuang P2.5 bilyong piso ang inilaan para sa financial assistance at fuel vouchers sa mga kuwalipikadong public utility vehicles, taxis, tricycles, full-time ride-hailing delivery service drivers na apektado ng oil price hike.

 

 

Ani Nograles, ang implementasyon ng programa ay “subject to the guidelines issued by the DOTr, Department of Energy (DOE) and Department of Budget and Management (DBM) and when the average Dubai crude oil price based on Mean of Platts Singapore or MOPS for three months reaches or exceeds USD80 per barrel.”

 

 

Aniya pa, isa pang panibagong P500 milyong piso sa ilalim ng Department of Agriculture (DA) ang inilaan naman para sa pagbibigay ng fuel discounts sa apektadong magsasaka at mangingisda.

 

 

Ang fuel discount, aniya pa ay ibibigay “provided that the farmer or fisherfolk beneficiary owns and operates an agricultural and fishery machinery individually or through a farmer organization, cooperative or association; provided further that in case of fisherfolk, their fishing vessels are duly registered in the Integrated Boat Registry System or DA-BFAR’s BOATR.”

 

 

Aniya, ang mga magsasaka at kanilang organisasyon ay dapat na makapagpakita ng proof o pruweba na sila ang nagmamay-ari ng farm machinery.

 

 

“So may conditions set before ma-trigger itong tinatawag na  fuel subsidy. So apart from that, bago tumama po iyan ay patuloy naman po na pinag-uusapan ang iba pang mga mekanismo at tulong na maaari nating ibigay sa mga lubos na maaapektuhan,” aniya pa rin.

 

 

Sinabi pa ni Nograles na tinutugunan na ng pamahalaan ang epekto ng oil price hike, partikular na ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

 

 

“Iyong DTI [Department of Trade and Industry] po ay nag-update na po ng kanilang mga suggested retail price para sa mga basic necessities and prime commodities po natin,” aniya pa rin.

 

 

Sa ulat, matapos ang isang round ng upward adjustments, dapat asahan ng mga motorista ang panibagong sunod-sunod na big-time na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa darating na linggo, ayon sa projections ng Unioil Petroleum Philippines.

 

 

Sa pagtataya nito sa presyo ng petrolyo para sa Pebrero 15 hanggang 21 trading week, sinabi ng Unioil na maaaring tumaas ng P1.00 hanggang P1.10 ang presyo kada litro ng diesel.

 

 

Ang presyo ng gasolina, sa kabilang banda, ay maaaring tumaas ng P1.10 hanggang P1.20 kada litro.

 

 

Ang mga kumpanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsyo ng mga pagsasaayos ng presyo tuwing Lunes upang maging epektibo sa susunod na araw.

 

 

Kung maalala, epektibo noong Pebrero 8, ang mga kumpanya ng gasolina ay nagtaas ng presyo ng gasolina ng P1.05 kada litro at diesel ng P1.20 kada litro.

 

 

Ang year-to-date adjustments ay nasa kabuuang net increase na P6.75 kada litro para sa gasolina at P9.15 kada litro para sa diesel. (Daris Jose)

MAMAMAYAN, HINIMOK NA MAKIISA SA CATHOLIC E-FORUM

Posted on: February 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINIMOK ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mamamayan lalo na ang mga botante na makiisa sa isinagawang voters education ng simbahan na One Godly Vote na Catholic E-Forum.

 

 

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP Permanent Committee for Public Affairs,  layunin ng talakayan na bigyang kaalaman ang publiko sa mga usapin at plataporma ng mga kandidato upang makapagdesisyon ng tama sa nalalapit na halalan.

 

 

‘Nais po nating tutukan ay mga isyu na nakakaapekto lalo na sa ordinaryong Filipino at pakinggan natin kung ano ang mga solusyon, plataporma, istratehiya para mas mapaunlad ng mga kandidato ang ating bansa at higit sa lahat ay matulungan po natin ang ating kapwa Filipino,’ ayon kay Fr. Secillano.

 

 

Ang Catholic E-Forum ng One Godly Vote ay mapakikinggan mula Lunes hanggang Biyernes hanggang sa buwan ng Abril tuwing ika-8 hanggang ika-10 ng umaga kung saan tampok na panauhin ang mga kandidato sa pagkapangulo, ikalawang pangulo at mga senador.

 

 

Sinabi pa ng pari na tungkulin ng simbahan na paalalahanan ang mga nagnanais manilbihan sa pamahalaan na ang paglilingkod ay hindi para sa sarili kundi para sa taong bayan.

 

 

‘Hindi lamang ang simbahan ang bumabalanse sa mga ginagawa ng pamahalaan kundi ang simbahan ay maaring mag-compliment sa ginagawa ng pamahalaan.But you have to remember, the church is not going to take away the duty and obligation of the government that is not the aim of the church. Ngunit ang simbahan ay narito para paalalahanan ang pamahalaan na sila ay dapat na maging responsable at maging accountable sa kanilang mga gawain.’paglilinaw ng pari.

 

 

Binigyan diin ni Fr. Secillano na nawa sa pamamagitan ng pakikinig at dagdag kaalaman ay matalinong makapipili ang mga botante, lalo’t napapanahon na ang pagkakaroon ng pinuno ang bansa na tunay na hahango sa taong bayan mula sa kahirapan tungo sa tunay na kaunlaran.

 

 

Ang ‘One Godly Vote’ ay sa pakikipagtulungan na rin ng CBCP at Radio Veritas ang media arm ng Archdiocese of Manila kasama ang mga Catholic station at iba’t ibang media platforms ng simbahan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Malakanyang, nakiramay sa pagpanaw ng beteranong broadcaster at dating press secretary na si Dong Puno

Posted on: February 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAABOT ng pakikidalamhati at pakikiramay ang Malakanyang sa pamilya, kaibigan, at kasamahan sa trabaho ni dating Press Secretary Ricardo “Dong” Puno, Jr., na pumanaw, February 15, sa edad na 76.

 

 

“A lawyer by profession, Sec. Puno was a respected member of the media prior to and after serving under the administration of former President Joseph Estrada.,” ayon Kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

 

Kilala sa kanyang paging matalino, insightful interviews, kinilala si  Sec. Puno  sa kanyang napakaraming katangian  para sa kanyang trabaho  sa public affairs programs na nakatulong na makapagbigay sa publiko ng  “better understanding” sa mga tinatawag na “issues of the day.”

 

 

“Our thoughts are with the loved ones of Sec. Puno as we join them in praying for his eternal repose,” ani Nograles.

 

 

Sa ulat, kinumpirma ng dalawang anak ng beteranong broadcaster at dating press secretary na namayapa na ang kanilang ama.

 

 

Ayon sa kanyang dalawang anak na sina Ricky at Donnie, 12:15pm ngayong araw nang pumanaw ang kanilang ama dahil sa iniindang karamdaman.

 

 

Kilala si Dong Puno bilang dating public affairs host, media executive, newspaper columnist, at isang abogado.

 

 

Ilan sa kanyang nga naging ABS-CBN shows ay ang “Dong Puno Live”, “Viewpoints”, at “Insider”.

 

 

Taong 2000 nang i-appoint siya ng dating presidente Joseph “Erap” Estrada bilang press secretary bago ito tumakbo sa pagkasenador noong sumunod na taon ngunit sa kasamaang palad ay natalo ito at nagbalik na lamang sa Kapamilya network. (Daris Jose)

Pinas, isinasapinal na ang ‘roadmap’ para sa COVID-19 Alert 1

Posted on: February 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISINASAPINAL na ng Pilipinas ang “roadmap” para sa tinatawag na “new normal” o “loosest of 5 COVID-19 alert levels.”

 

 

Umaasa kasi ang adviser at researcher ng bansa na mas mapaluluwag na ang restriksyon sa Marso.

 

 

“The declaration of Alert Level 1 requires continued adherence to health rules and a high vaccination rate, especially among the elderly and people with comorbidity, who are most at risk of developing severe COVID-19,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

 

“Right now, pina-finalize na rin po namin sa IATF ang sabihin natin roadmap to Alert Level 1 for NCR, for Metro Manila at kung ano pa man ang mga regions na mag-fulfill ng requirements and conditions,” ani Nograles.

 

 

Sa ilalim ng Alert 1, sinabi ni Nograles na maaaring i-require pa rin sa publiko ang pagsusuot ng anti-virus masks at sundin ang physical distancing.

 

 

Aniya, ang alert level na ito ay magtatanggal sa limitadong operating capacity ng mga establisimyento.

 

 

“Pero ibig po sabihin, kailangan self-regulation, self-policing in establishments themselves,” ayon kay Nograles.

 

 

Araw ng Lunes nang ianunsyo ng Malakanyang ang pagbabalik ng Pilipinas sa  low risk classification para sa COVID-19 matapos na tumaas ang record ng infections noong Enero dahil sa highly contagious omicron variant.

 

 

“If Metro Manila eases its restrictions next month, this will coincide with summer, when many would want to take a vacation and boost the economy by spending on airfare, hotels, and restaurants,” ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion.

 

 

“Hopefully by March, we see Alert Level 1,” aniya pa rin.

 

 

Sinabi pa ni Concepcion na ito lamang ang tanging paraan na “Philippines could replicate the 7.7 percent economic growth in the fourth quarter of 2021, when restrictions were eased.”

 

 

“This is the last 4 months of this administration. And my wish is we close with a bang, we close with a good finish, not only that we are able to bring down the cases of omicron… but we also see the economy, momentum, continue to move up,” ani Concepcion.

 

 

Nauna rito, sinabi naman ng OCTA research group na ang average daily tally ng COVID-19 cases ay maaaring bumaba ng “less than 1,000 a day” sa Marso.

 

 

“Metro Manila’s coronavirus positivity rate is at 6.8 percent and could fall to the 5 percent, which is the benchmark of the World Health Organization, by March 1,” ayon naman kay OCTA fellow Dr. Guido David.

 

 

“Mukhang handa na rin naman na i-deescalate na iyong alert level. Siguro may mga other indicators lang na tinitingnan,” aniya pa rin.

 

 

Ang isa aniyang indicator ay ang situwasyon sa ilang bahagi na malapit sa Calabarzon region, kung saan ay hindi pa naaabot ang low-risk status dahil sa kanilang healthcare utilization rate.

 

 

“Hopefully by the time na mag-Alert level 1 na tayo by March, mababa na talaga iyong risk level natin… minimal na lang ‘yong risk na magkakaroon ng resurgence or major spike in cases,” ayon kay David, isang mathematics professor sa University of the Philippines.

 

 

Samantala, pitong lugar naman sa bansa ang nasa ilalim ng Alert 3 hanggang sa pagtatapos ng Pebrero habang mananatili naman sa Alert 2 ang Kalakhang Maynila. (Daris Jose)

Eala inspirado kay Nadal

Posted on: February 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SOBRA ang pagkaganado sa ngayon sa pagpapraktis ni Alexandra Eala, ang ating alas sa mga paligsahan sa women’s at junior girl’s singles-doubles ng Women’s Tennis Association (WTA) at International Tennis Federation (ITF).

 

 

Ito ay nang makatabi ng 16-anyos, 5-9 ang taas na Pinay netter buhat sa Quezon City ang 21-time Grand Slam men’s singles champion na si Rafael Nadal ng Spain sa isa niyang practice session sa Rafael Nadal Academy (RNA) sa nasabing European country kung saan siya athletic scholar.

 

 

Ibinahagi ni Eala, isa ring Globe Ambassador, ang isang video sa kanyang Facebook account Martes habang katabi sa training session ang bagong koronang haring Kastila sa 110th Australian Open 2022.

 

 

“Monday morning motivation, practicing on court beside the GOAT! One of the many perks here at the Rafa Nadal Academy!” caption ni Eala, ang reigning WTA No.528 ranked player.

 

 

Huling humambalos ang ating kababayan sa W60 Grenoble sa France kung saan nakarating siya sa second round ng main draw pagkayukod kay fourth seeded French Chloe Paquet s 6-4, 5-7, 3-6, nito lang Pebrero 11.

 

 

Ito ang pangatlo niyang torneo ngayong 2022 pagkaraan nang sa una at pangatlong leg ng W25 Manacor sa RNA, Spain.

 

 

Sumablay si Eala sa W25 Manacor first leg main draw nang matalo sa singles third round qualifying kay No. 1 seed Alice Rame ng France, 6-2, 6-4 noong Enero 18.

 

 

Nabigo siya sa W25 Manacor third leg kay No. 5 seed Giulia Gatto-Monticone ng Italy, 6-2, 6-1, sa singles first round main draw. Umabot siya rito at partner sa doubles quarterfinals. Nag-withdraw siya sa second leg dahil sa pananakit ng tiyan. (REC)

Magkasama noong V-Day sa isang hotel sa Leyte: ALJUR at AJ, nakatikim na naman nang pamba-bash mula sa netizens

Posted on: February 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATIKIM nang pamba-bash ang estranged couple na sina Aljur Abrenica at AJ Raval, na kitang-kita na magkasama noong Valentine’s Day sa isang hotel and resort sa Leyte.

 

 

Sa facebook account, pinasalamatan ng general manager ang dalawa sa pagbisita sa naturang lugar at pinost nga ang kanilang mga larawan.

 

 

Kaya naman kung anu-anong komento ang natanggap nina Aljur at AJ, na magkasama ngang nag-celebrate ng Valentine’s Day.

 

 

“Yung itsura nila, may slight essence of “ay wait, papa-pic ba talaga tayo?”… choz!”

 

 

“Nagpapapansin ksi di na sila napapansin.
How did I say that? Kung gusto nila ng privacy they’d say no to photos.”

 

“Baka nakipag-exdeal para libre, kaso need magpa-picture.”

 

“Tipong nagpakalayo layo kayo para walang paparazzi tapos don pala sa liblib may magpapa picture pa. Para bang “You’ve got receipt, click! Lol”

 

Say pa ng netizens:

 

“Bakit sa may asawa pa?”

 

“She’s not pretty. Just my opinion.”

 

“Bagay nga sila, mga cheap at baduy.”

 

“Ano yan before and after? Hehe”

 

“We’re getting to know each other
A little too well. We’re starting to show our feelings. And people can tell…”

 

“Deny deny pa eh dami na nga ebedensya lumalabas kayo eh tapos sinisi pa yung dating asawa. Kakaloka.”

 

“Mukhang lalake pala yang AJ na yan. Major downgrade.”

 

“True. Gandang ganda ako sa kanya sa mga photos nya kasi ang liit ng mukha at ganda ng hair pero may filter pala. Sa mga videos na walang filter medyo masculine nga ang face nya.”

 

“Good for Kylie, natauhan siya. She deserves someone better.”

 

“Hopefully nasimulan na ang annulment.”

 

“Wala naman paki na si kylie. kasi hindi nya na mahal si aljur.”

 

“Exactly, walang paki si kylie kaya di ko gets bakit daming galit?”

 

“Never found him attractive and Kylie was always too awesome for him anyway. Just sad for the kids, but hopefully they can co-parent well. Anyway he and his new girl both have a similar look. Cheap.”

 

“Na-haggard si girl sa after photo hahaha.”

 

“Si AJ makinis at seksi lang pero ala talagang sossy factor.”

 

“Grabe, ito ang ipinalit sa asawa.”

 

“It’s like replacing a diamond with a pebble.. Or a Ferrari with a tricycle.
“The EX is all class, but this one reeks with ‘cheapness’ – for a lack of better word. Yikes.”

 

“Goodluck na lang sa inyo hahaha.”

 

“I don’t know why y’all hating on Aj . According to Kylie, Aj isn’t the reason of her break up with Aljur.”

 

“I can’t believe it ilang yrs. pa lang after her grand wedding with Kylie. Tapos hiwalay na agad sila at may bago na agad tong si Aljur.”

(ROHN ROMULO)