• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 8th, 2022

SIMBAHAN BILANG NEUTRAL AT PARTISAN

Posted on: March 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ANG simbahan  bilang non-partisan ay hindi tulad ng pagiging neutral ayon sa opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) matapos magpahayag ng hindi pag-apruba para sa mga kandidato sa pulitika na “magnanakaw” at “sinungaling.”

 

 

“Is the Church being neutral by being non-partisan? I guess people have to understand that being non-partisan is not the same as being neutral,” sinabi ni Fr. Jerome Secillano, CBCP’s public affairs committee executive secretary, sa  Facebook post noong Huwebes

 

 

Sinabi ng pari na ang simbahan ay naging matapang sa pagpapahayag ng kanilang paninindigan laban sa kasamaan, kawalang-katarungan at kasinungalingan.

 

 

“She is against evil. She is not neutral,” sabi ng pari.

 

 

Ayon sa opisyal ng  CBCP, ang pagiging non-partisan ay nangangahulugan na ang katapatan ng simbahan ay maaring sa kandidato o anumang political party pero para sa mga tao.

 

 

Sinabi pa nito na  “marami ang nagpapagulo sa pagkakaibang ito at ginagamit ang simbahan para isulong ang kanilang agenda, para suportahan ng institusyon ang kanilang kandidato.”

 

 

“It is hypocritical to say that their candidate is the only best hope for the people. I say, let the people decide who to them is the best after being guided, formed and informed through a series of discernment,” wika ni Secillano.

 

 

Dagdag pa ng pari na ang katapatan ng mga klero ng Simbahan ay “nasa institusyong tumatawag sa atin sa isang buhay ng paglilingkod.”

 

 

“We should never allow ourselves to be used as tools for partisan politics. Our personal choice doesn’t make us political tools, especially, if we keep them privately,” dagdag ng pari.

 

 

“To be neither neutral nor partisan, my principle is clear; no to incompetent, unjust and self-serving politicians. No to thieves and liars too!” giit niya.

 

 

Para kay Secillano, ang simbahan ay “dapat magpatuloy sa pagbuo ng mga konsensya para sa isang mature na pampulitikang pagsasanay ngunit ipaubaya ang pag-endorso sa mga tapat na Lay.” (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

South Korea, nag-alok na i- rehabilitate ang Bataan Nuclear Power Plant-Research institute

Posted on: March 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DAPAT na ikunsidera ng gobyerno ng Pilipinas ang alok ng South Korea na i-rehabilitate o ayusin ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP), na makatutulong na mapalakas ang power capacity ng bansa.

 

 

Sinabi ni Philippine Nuclear Research Institute Director Carlo Arcilla na ang alok ng South Korea na i-rehabilitate ang planta ay nagkakahalaga ng $1 billion.

 

 

“Dapat pag-isipan natin kung seryoso ang offer ng South Korea kasi they have credibility,” ani Arcilla

 

 

Sinabi pa niya na karamihan sa nuclear power plants ng South Korea ay magkakapareho ng edad bilang BNPP at nabawi nila ang kanilang nagastos sa pagpapatayo sa loob lamang ng anim na taon.

 

 

Subalit bago pa aniya pumayag sa panukala ng Seoul, umapela si Arcilla sa mga mambabatas na amiyendahan ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) lalo pa’t pinagbabawalan ng batas ang pamahalaan na ariin ang power generating units.

 

 

“Isang legal roadblock ‘yan kasi kung gobyerno ang may-ari, hindi na pwedeng mag-generate ng power. Dapat i-modify ang EPIRA law,” ayon kay Arcilla.

 

 

Tiniyak naman ng PNRI director na sa oras na magbigay ang pamahalaan ng “green light” para i-operate ang BNPP, susundin nito ang international standards at sasailalim sa masusing safety inspection para mapigilan ang posibleng nuclear disasters.

 

 

“BNPP can only generate more than 600 megawatts of electricity and not enough to significantly contribute to our power needs, but he said we should start considering harnessing nuclear energy since the country’s main sources of fuel, like the Malampaya field, will run out of gas in the next few years,” ayon kay Arcilla.

 

 

Ang alok ng South Korea ay matapos na magpalabas si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng  Executive Order 164  na “establishing a nuclear energy program to expand the country’s power sources.”

 

 

“The mothballed BNPP is the country’s only nuclear power plant. It was constructed during the administration of the late dictator Ferdinand Marcos, Jr.,” ayon sa ulat. (Daris Jose)

Wala nang mahihiling pa dahil ‘#blessed’ na: ‘Gift of Life’, pinaka-best birthday gift na natanggap ni MAINE

Posted on: March 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY nakarating nga sa aming balita na anytime, may balak na raw mag-propose si Arjo Atayde.

 

 

Pero dahil wala pang lumalabas kung naganap na ba ito o hindi pa, baka naman nga humahanap pa ng tamang timing ang actor.

 

 

Kaya nang matanong si Maine Mendoza kung ano ang best gift na natanggap niya sa 27th birthday niya, “gift of life” raw ang pinaka-best gift na natanggap niya.

 

 

Bukod siyempre rito, ang katotohanan na ang dami na niyang na-achieve na ni hindi raw niya pinangarap pero, naipagkaloob sa kanya at nagagawa niya ngayon.

 

 

Sabi pa ni Maine, wala na raw siyang gustong hilingan pa. “hashtag blessed” lang po.

 

 

Nakausap ng entertainment press si Maine sa online mediacon ng ika-isang taong anibersaryo ng Buko Channel kunsaan, ang show ni Maine ay ang Maine Goals, a travel and lifestyle show.

 

 

Kaya kung meron man daw siyang gusto pang magawa sa show, ‘yung makapag-shoot sila outside the country rin.

 

 

***

 

 

MAY malungkot na balita ang Kapuso actor na si Ruru Madrid.

 

 

Na-aksidente pala ito sa taping ng pinagbibidahang serye, ang Lolong.  Kaya mas lalo pang maaantala na matapos ang taping nila kahit na matagal na rin itong ginagawa.

 

 

Sabi ni Ruru sa kanyang Instagram post, “I had a minor accident a couple of days ago while taping for our upcoming show.  As per the doctor’s advise, this hairline fracture requires a cast and 2-4 weeks rest.  

 

 

It’s unfortunate that we are packing up for now and resuming in about a month… Sad news… but as a person who always tries to see the good in unfortunate situations, I guess I just need to remind myself that everything happens for a reason.”

(ROSE GARCIA)

PDU30 itinaas sa 16-anyos sexual consent mula sa dating 12 taon

Posted on: March 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TININTAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Republic Act 116481 na magpapalakas hindi lamang sa Anti- Rape Law kundi gayundin sa inamyendahang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

 

 

Dahil dito, mula sa dating 12 taon pababa ay magiging 16 years old pababa na ang magiging saklaw sa edad ng sinumang mabibiktima ng statutory rape.

 

 

Base sa section 5 ng RA 11648, ang sinumang nakagawa ng sexual act o kaya ay ginamit sa anumang sexual exploitation ang isang 16 na taong gulang pababa ay maaaring makasuhan.

 

 

Saklaw din ng batas na maparusahan ang mga may pananagutan na ang edad sampung taon higit sa isang menor de edad na kanyang nakasama sa ilang establisimyento gaya ng hotel, motel, beer house, massage parlor, beach at mga tourist areas na may kaparusahang prison mayor bukod pa sa 50 libong pisong multa.

 

 

Hindi naman aplikable ang naturang probisyon kung ang kaugnayan ng 16 years old pababa na nakasama nito sa nabanggit na mga establisimyento ay within 4th degree of consaguinity.

 

 

“The sexual act must also be non-abusive and non-exploitative.

 

 

The exemption, however, would not apply if the victim is under 13 years old,” ayon sa batas.

 

 

Disyembre ng nakaraang taon ng niratipikahan ng Kongreso ang bicameral conference committee report ang hakbang na itaas sa 16 mula sa dose anyos ang edad ng biktima ng statutory rape na umano’y global standard on statutory rape age. (Daris Jose)

SLP tutuklas ng bagong talento sa Pilipinas

Posted on: March 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HAHANAP ang Swim League Philippines (SLP) ng mga bagitong tankers sa iba’t ibang panig ng Pilipinas sa pagdaraos nito ng 2022 Finis Short Course Swim Competition Series.

 

 

Unang aarangkada ang Luzon Leg na idaraos sa Marso 26 hanggang 27 sa New Clark City Swimming Pool sa Capas, Tarlac upang mabigyan ng tsansa ang mga nasa rehiyon para magpasiklab.

 

 

Darayo rin ang national series sa Visayas para naman sa second leg ng torneo na gaganapin sa Abril 23 hanggang 24 habang aariba din ang Mindanao Leg sa Mayo 28 hanggang 29.

 

 

Gaganapin naman ang National Finals sa Hunyo 4 hanggang 5.

 

 

Ang torneo ang magsisilbing qualifying para sa international competitions na lalahukan ng SLP sa Japan, Australia, France, US, Canada, Singapore, Thailand at Hong Kong.

 

 

“This event is open to all young and aspiring swimmers who want to be part of the SLP team competing in different international tournaments. We are looking forward to discovering more fresh talents,” ani SLP chairman at Behrouz Elite Swimming Team (BEST) team manager Joan Mojdeh.

 

 

Paglalabanan ang medalya sa walong ka­tegorya 6-under, 7 to 8 years old, 9 to 10 years old, 11 to 12 years old, 13 to 14 years old, 15 to 16 years old, 17 to 18 years old at ang 19-above.

Nag-post ng sweet birthday message: CLAUDINE to GRETCHEN, ‘it was a privilege to be your sister’

Posted on: March 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAG-SHARE si Claudine Barretto sa kanyang IG post ng photos nila ni Gretchen Barretto na nag-celebrate ng birthday few days ago.

 

 

Ayon kay Clau, it was a privilege to be Gretchen’s sister.

 

 

Sa kanyang sweet message, “To my Ate my advisor, friend & Idol, Happy happy birthday. I thank God first of all for you as a Wife, Mother, Daughter & Friend.”

 

 

Dagdag pa niya, “May u continue to allow God to use u as an instrument for the many who need & have None.

 

 

“Again its a Privilege to b your sister. i luv u so much my Ate. @gretchen_barretto.”

 

 

Sa comments section, makikita rin ang pagbati ng happy birthday kay Gretchen mula sa ilang celebrities tulad nina Vina Morales, Mel Kimura, Gerald Santos at Princess Punzalan.

 

 

Bumuhos din ang greetings mula sa netizens at yun iba ay pinupuri talaga ang kabaitan ni La Greta:

 

 

“True naman din. Dami rin natulungan ni Gretch because of her generosity.”

 

 

“Tingin ko mabait naman talaga si La Greta. Misunderstood lang.”

 

 

“Mabait sya hindi sya suplada matapobre. Kahit saan mo makita pag bjnati mo ay ngingitian ka. Nakita namin sya sa isang high end supermarket pati si Dominique at hindi sila mga suplada at kahit si Dom mabait din. Yung ibang celebrities hindi man lang mangitian o makawayan ang mga fans pag walang camera.”

 

 

“We can say all we want about Greta. But when she became rich she took care of everyone in her family, at least financially.”

 

 

“Hindi talaga niya sinarili lang ang kung anumang nagkaron sya.”

 

 

“Sa true lang, may mga masasabi talaga negative about her pero ‘di sya talaga nakalimot nun yumaman sya.”

 

 

***

 

 

MAY bago na namang tambalan na aabangan sa Vivamax.

 

 

Nag-post nga ang hugot direktor na si Jason Paul Laxamana na excited na siyang mag-shoot ng Mr. Heartless na isa na namang coming-of-age romantic comedy-drama film.

 

 

Pagsasamahan ito nina Diego Loyzaga at Sue Ramirez sa unang pagkakataon na hatid ng Viva Films.

 

 

Komento naman ng netizens, mukhang isa nga si Diego sa maswerte at favorite ng Viva Films, dahil hindi talaga siya nawawalan ng project at naipa-partner sa iba’t-ibang actress.

 

 

Marami nga siyang nagawa last year kahit na kasagsagan ng pandemya, una na rito ang tv series na Encounter with Cristine Reyes.

 

 

Sunud-sunod din ang pelikula na streaming pa rin at pwedeng balik-balikan sa Vivamax tulad ng Death of a Girlfriend (with Aj Raval), Bekis on the Run (with Kylie Verzosa), More Than Blue (with Yassi Pressman) at Dulo (with Barbie Imperial)

 

Huli siyang napanood sa The Wife (with Louise delos Reyes and Cara Gonzales) at next month mapapanood naman si Diego sa Greed kasama si Nadine Lustre.

(ROHN ROMULO)

First time ng aktor na mag-host ng magazine show: AGA, ‘di nagdalawang-isip na tanggapin ang offer dahil gustong magpasaya

Posted on: March 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

EXCITED si Aga Muhlach sa oportunidad na ibinigay sa kanya ng NET 25 para mag-host ng magazine show titled Bida Ka Kay Aga.

 

 

First time ng aktor to host a magazine show at ayon kay Aga, part of the challenge ay ang pasayahin ang kanyang mga producers sa magiging outcome ng programa.

 

 

“I didn’t have second thoughts when NET 25 offered me this show,” wika ni Aga.

 

 

“I wanted to do something different. I was offered to do teleseryes but I am too passionate with my films kaya parang mahirap tumanggap ng TV series.”

 

 

Lubos ang pasasalamat ng aktor sa NET 25 sa pagbibigay sa kanya ng chance na gumawa ng isang program na never pa niya nasubukan.

 

 

“Ang maganda sa NET 25 ay binibigyan nila ako ng shows na di ko pa nagawa tulad ng game show tapos itong magazine show,” wika ni Aga

 

 

“I want to spend time naman na makasama ang audience kasi that is something that I miss kasi wala tayong pelikula, Hindi rin lahat kasi nakapanood ng sine. Masaya ako doing this show dahil may interaction ako sa tao.”

 

 

Aga said there is so much gratitude in his heart with the programs being offered him.

 

 

“With Bida Ka Kay Aga, we want to make more people happy. Gusto ko na ma-experience nila ang saya. Gusto ko lang talaga magpasaya ng tao.

 

 

“I liked the show format because we are able to focus with people who are doing random acts of kindness which is good and what I like most is that I am interacting with the public. I come in the show as a fan of these people.

 

 

Nakakaiyak, nakatutuwa ‘yung mga napapanood ko ‘yung simple tao. This is a feel good show which I really wanted to do. We want to feature ordinary to inspire others and make them feel good as well.”  

 

 

Sabi ni Aga, ‘yung mga tao na gumagawa ng kabutihan sa kapwa tao, no matter how simple the good deed, ang siyang mga tunay na bida sa kanyang bagong programa sa NET 25.

 

 

Sa March 26, Saturday at 7 p.m.ang airing ng pilot episode ng Bida Kayo Kay Aga sa NET 25.

 

 

***

 

 

MAGKASAMA sina Alden Richards at Bea Alonzo sa Century Tuna Superbods 2022 search.

 

 

Makikita ang plug nila sa IG account ng Celebrity Connections which manages Bea’s career.

 

 

Mas madali na sumali sa Century Tuna Superbods Love Strong 2022 dahil everything is digital na.

 

 

Sa plug ay makikita si Alden while working out, displaying his sexy and toned body. Makikita rin si Bea also working out.

 

 

Siyempre kapwa pino-promote nina Alden at Bea ang pagkakaroon ng healthy lifestyle.

 

 

Sabi nga nina Bea at Alden, dapat magpalakas tayo for the people we love.

(RICKY CALDERON)

Panibagong COVID-19 surge babala ng OCTA

Posted on: March 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BINALAAN ng independent OCTA Research Group ang mga Pilipino na posible pa ring magkaroon muli ng panibagong COVID surge kung hindi na susunod ang lahat sa ipinatutupad na ‘minimum public health protocols’ ngayong nasa Alert Level 1 na ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

 

 

Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na bagama’t mas mababa na sa isanlibo ang iniulat na arawang kaso ng COVID-19 sa nakalipas na mga araw, maaari pa rin naman bigla itong magbago sa mga susunod na buwan.

 

 

“Technically, we can say the worst is over for now pero (but) things can still change,” ayon kay David sa panayam ng ABS-CBN TeleRadyo.

 

 

Sa kanilang pagsusuri, karaniwang nagkakaroon ng surge makaraan ang kada tatlong buwan kaya maaaring maganap ito sa Abril o kaya sa Mayo.

 

 

Mangyayari ito kung mabibigo ang publiko na sumunod sa ‘minimum health standards’ tulad ng palagiang pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay gamit ang alkohol at paglayo sa mga tao.

 

 

Maaaring magtulak rin nito ang mga malakihang pagtitipon ng tao tulad ng nagaganap na mga campaign rallies at pagbaba ng ‘immunity’ ng isang tao na ibinibigay ng bakuna.

 

 

Ngunit umaasa ang OCTA na patuloy pang bababa ang mga bagong kaso na magigign 500 na lamang sa katapusan ng Marso.

 

 

“Hindi pa tayo maka­pagsabi na endemic na if mataas pa ‘yong cases all over the world. We’re not independent or isolated from the rest of the world. Whatever happens outside the country will affect us at some point,” paalala pa ni David. (Gene Adsuara)

‘Monster’ game ni LeBron na may 56-pts nagdala sa panalo ng Lakers vs Warriors

Posted on: March 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY  pa rin sa kanyang pagbasag sa NBA record books ang 37-anyos na si LeBron James matapos na pangunahan ang panalo ng Los Angeles Lakers kontra sa Golden State Warriors, 124-116.

 

 

Nagbuhos ai James ng season high na 56 big points mula sa 19-of-31 shooting, kasama na ang anim na three-pointers, at liban pa sa 10 rebounds, three assists at one block sa all-around game.

 

 

Natuldukan na rin ng Lakers ang apat na sunod-sunod na talo habang nasa three game losing streak naman ang karibal na Warriors bago ang laro.

 

 

Namemeligro ngayon ang Lakers na makahabol sa play-in tournament dahil sa pang-siyam sila sa puwesto sa Western Conference.

 

 

Samantala, naging makasaysayan naman ang inilaro ni LeBron dahil siya ang unang player na may 50-point game bago mag-21-anyos at pagkatapos ng edad 35.

 

 

Siya rin ngayon ang oldest player sa NBA history sa edad na 37, na may at least 55 points at 10 rebounds sa isang game.

 

 

Ang iba pang mga players na nakapagtala na ng 50 plus points sa edad na 37-anyos ay sina Michael Jordan, Kobe Bryant, at Jamal Crawford.

Bunsod ng patuloy na umiigting na pag-atake ng Russia: Mas marami pang Pinoy, dumating sa Pinas mula Ukraine

Posted on: March 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DUMATING na sa PIlipinas, araw ng Linggo ang mas marami pang Filipino at kanilang dependents mula Ukraine.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may “4 Filipino adults, 3 Filipino-Ukrainian children at kanilang Ukranian mothers” ang dumating sa Pilipinas, araw ng Linggo via Qatar Airlines flight.

 

 

Ang grupo ay nanggaling mula sa Kyiv at iba pang lugar sa western part ng Ukraine, ay naiwan mula sa Warsaw sa Poland, araw ng Sabado.

 

 

Tinulungan ang mga ito ng Philippine officials na bumiyahe mula Kyiv papuntang Lviv, at mula Lviv patungong Warsaw. Sa pagdating sa Poland, muli silang tinulungan ng Philippine Embassy para sa pag-proseso ng kanilang travel documents at visas, at maging ang kanilang pag-byahe at COVID-19 tests.

 

 

Isa pang grupo ng “2 Filipino adults, a Filipino-Ukrainian child at kanyang Ukrainian mother” ang inaasahan na dumating sa bansa habang may grupo naman ng 3 Filipino mula Kyiv ang dumating sa bansa sa sarili nilang account.

 

 

Sa ulat, muling inatake ng Russia ang Kharkiv, ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa Ukraine, sa isang pambobomba na nagpaliwanag sa skyline dahil sa mga bola ng apoy sa mga lugar na maraming naninirahan, kahit ang dalawang panig ay naghahanda upang ipagpatuloy ang pag-uusap na naglalayong ihinto ang bagong digmaan sa Europa.

 

 

Ang pagdami ng atake sa matataong lungsod ay sumunod pagkatapos ng unang round ng pag-uusap sa pagitan ng outgunned Ukraine at ng nuclear power Russia noong Lunes na nagresulta lamang sa pangako na magpupulong muli ang dalawang bansa. Hindi malinaw kung kailan mangyayari ang bagong pag-uusap – o kung ano ang magiging bunga nito. Sinabi ng lider ng Ukraine na kailangan ihinto ng Russia ang pambobomba bago maganap ang isa pang pagpupulong.

 

 

Binatikos ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang pambobomba ng Russia bilang isang lantarang terror campaign, habang nagbabala si U.S. President Joe Biden noong Martes na kung ang pinuno ng Russia ay hindi magbabayad para sa pagsalakay, hindi hihinto ang agresyon sa isang bansa. (Daris Jose)