• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 22nd, 2022

‘Di lang magtagpo ang schedules nila kasama si GELLI: CARMINA, nagandahan sa script ni CANDY kaya gusto nang mag-shoot

Posted on: March 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAG-ENJOY kami sa panonood ng iWant TFC offering 6-part mini-series titled Bola-Bola na nagkaroon ng preview sa Cinema 1 ng Santolan Town Plaza last Sunday, March 20

 

Present ang buong cast headed by Francine Diaz, KD Estrada, at Akira Morishita ng BGYO. Present din ang ilang fan groups ng mga artista na walang sawang nag-cheer sa kanilang mga hinangaang artista.

 

Iikot ang kwento kay Thea (Francine) isang overweight high school student na matututong mahalin ang kanyang katawan at buong pagkatao niya. Buong buha ni Thea, iisa lang ang inaasam niya – maging normal na teenager at maranasang magmahal at mahalin ng iba sa kabila nang pamba-bash sa kanya dahil sa pagiging mataba.

 

Based sa best-selling romance novel ni Anna Geronga, ito ay dinirek ni JP Habac at prinodyus ng iWant TFC, Dreamscape Entertainment at Kreative Den.

 

One thing na kapuri-puri sa series, based sa dalawang episode na pinapanood sa amin, ay ang mahusay na acting mga artista. Nakakaaliw si Francine at kuhang-kuha niya ang angst ng kanyang character who wants to belong kahit na siya ay mataba.

 

For KD and Aki, for acting newbies ay pasado ang kanilang performance. Swak sila sa kanyang respective roles bilang Julian (KD) na best friend ni Thea at Lucas (na childhood crush ni Thea). May chemistry silang tatlo.

 

Maganda rin ang support given by Vance Larena, Arlene Muhlach at Danica Ontengco.

 

Kuha ng director ang feels ng mga young students of today. Maganda rin na tinatalakay sa series ang body shaming and loving one’s self no matter how you look o kaht na mataba ka.

 

For sure, magugustuhan ng mga teeners ang Bola Bola once mapanood nila via streaming sa March 26 sa iWant TFC app (iOS and Android) and website (iwanttfc.com).

 

A new episode drops every weekend sa March 27, April 2, April 3, April 9 and April 10.

 

***

MAY gagawin movie sina Carmina Villarroel, Gelli de Belen at Candy Pangilinan na si Candy ang nagsulat.

 

Nagandahan si Carmina sa script at doon niya na-realized na sobrang talented talaga ng kanyang kaibigan.

 

“Hindi lang siya mahusay sa acting. She is also good in writing. Alam naman namin na Candy writes her own script whenever she has a show kaya saludo kami sa husay niya,” sabi ni Carmina.

 

Sa ganda ng script ni Candy, gusto na raw nina Carmina mag-shoot kaso ang problema hindi magtugma ang kanilang mga schedules.

 

Pero umaasa si Carmina, Gelli and Candy na masisimulan nila ang pelikula soon.

(RICKY CALDERON)

SEC, magtatatag ng bagong dibisyon para i-monitor ang mga financing, lending firms

Posted on: March 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG magtatag ang Securities and Exchange Commission (SEC) ng bagong dibisyon na tututok sa financing at lending firms bilang bahagi ng pagbuwag laban sa abusadong lenders alinsunod sa Lending Company Regulation Act (LCRA).

 

 

Ayon sa Department of Finance (DOF), iniulat ng SEC na nakatuon ang pansin nito sa kampanya ukol sa mga abusadong lending firms matapos na makatanggap ito ng reklamo hinggil sa abusive collection practices na kinasasangkutan ng pagbabanta o insulting borrowers.

 

 

Nagtayo na aniya ang SEC ng online team na magsasagawa ng “sweeping operations and monitors complaints,” at magrerebisa ng social media platforms para i-check ang posibleng pang-aabuso o illegal lending practices.

 

 

Sinabi pa ng SEC, na binawi nito ang registration ng 2,081 firms, at nagawang i- convict ang 76 indibiduwal sa 8 kaso para sa paglabag sa LCRA.

 

 

Nagpalabas din ito ng cease and desist orders laban sa 73 online apps, at kinansela ang lisensiya ng 36 financing o lending companies.

 

 

Ang paglansag sa mga abusadong lending firms ng SEC ay sa pakikipagtulungan sa Philippine National Police, na kamakailan lamang ay nakakuha ng “warrant to search, seize, and examine” ang computer records ng Cashtrees Lending Corp. sa tanggapan nito sa Pasay City.

 

 

Mahigit 45 manggagawa ng kumpanya kabilang na ang isang Chinese national, ang naaresto noong nakaraang buwan dahil di umano’y sa pangha- harass at pagbabanta sa kliyente na walang kakayanan na magbayad ng utang sa itinakdang panahon.

 

 

Kapwa naman na binalaan ng SEC at National Privacy Commission (NPC) ang mga naturang kompanya laban sa “unfair debt collection practices.”

 

 

“Such practices included sending violent threats, using harsh words, disclosing the name and other personal information of the borrower in public, and messaging or calling the people on the contact list of the borrower without his/her consent,” ayon sa SEC.

 

 

Ang mga lending firms na mahuhuli na gumagawa ng ganitong methods ay pagmumultahin ng P25,000 hanggang P1milyong piso, bukod pa sa pagpapawalang-bisa sa kanilang certificate of authority para mag- operate. (Daris Jose)

Ads March 22, 2022

Posted on: March 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

100 FILIPINO NURSES, WANTED SA 2 KLINIKA SA MARRAKECH

Posted on: March 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAHANAP ng 100 Filipino nurses  ang dalawang klinika sa Marrakech , ayon sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Moroccan capital city.

 

 

Sinabi ni Labor Attaché Dominador Salanga na ang  POLO ay nagpadala ng dalawang memo na humihiling sa Philippine Overseas Employment Administration na maglaan ng mga slots para sa estado ng North Africa.

 

 

Ang kahilingan ay dumating wala pang isang taon mula nang magtatag ang POLO ng opisina sa Morocco.

 

 

Ang Morocco noon ay nasa ilalim ng hurisdiksyon ng labor office na naka-attach sa Philippine Embassy sa Tripoli, Libya.

 

 

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay may taunang deployment ceiling ng 7,000 health care workers (HCWs) batay sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases’ Resolution 153.

 

 

“Out of the 7,000 slots, we have to request for 100. Remember, POEA has a special quota for Germany, a special project for nurses under JICA (Japan International Cooperation Agency) so we deploy nurses, caregivers to Japan. These 6,500 to 7,000 is actually spread out and Saudi Arabia takes the pie on top of their usual recruitment office for nurses,” sabi ni Salanga.

 

 

Nagtakda ang POLO Rabat ng pamantayan sa kwalipikasyon para sa mga nars na papayagang magtrabaho sa Morocco, kung saan ang French at Arabic ang malawak na sinasalitang wika.

 

 

Sinabi ng opisyal na ang mga nars ay dapat may Level B na kasanayan sa wikang Pranses at dalawa hanggang tatlong taong karanasan.

 

 

“The doctor can speak English but the nurse would be handling a patient so if you have a patient who only speak French or Arabic and you have a Filipina nurse who is a skilled nurse but unable to speak or understand the language, you are handling lives so it can be the cause of injury,” ayon Kay Salanga.

 

 

Mayroong hindi bababa sa 4,600 Pilipino na nagtatrabaho sa Morocco, na karamihan ay nagtatrabaho sa mga beauty center o sambahayan. GENE ADSUARA

Gov’t workers group humirit ng P21,000 monthly minimum wage

Posted on: March 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN ang Confederation for Unity, Recognition, and Advancement of Government Employees (COURAGE) sa pamahalaan na itaas ang minimum na buwanang sweldo para sa mga state workers.

 

 

Ito ay dahilan pa rin sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at bilihin sa bansa.

 

 

Sa isang statement ay nanawagan ang nasabing grupo para sa P21,000 na minimum wage para sa lahat ng mga government workers sa buong bansa.

 

 

Katuwiran ng grupo, ang pinakamababang salary grade na salary grade 1 sa ilalim ng Salary Standardization Law ay tanging nasa P12,517 kada buwan, malayong-malayo daw sa buwanang kitang tinataya ni dating National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Ernesto Pernia na nagkakahalaga sa P42,000 na kinakailangang halaga ng isang tipikal na pamilyang Pilipino para sa makapamuhay ng maayos.

 

 

Binanggit din ng grupong COURAGE sa naturang statement ang mga pagkakaiba sa klasipikasyon ng sahod na natatanggap ng mga manggagawa sa local government units (LGUs) bilang compensation.

 

 

Nananatili rin anilang pareho at hindi nadadagdagan ang sahod ng mga lowest level workers sa government-owned controlled corporations (GOCCs) alinsunod sa Compensation and Position Classification System (CPCS).

After na gumanap sa iba’t-ibang supporting roles: JOSEF, nag-enjoy dahil na-challenge sa daring scenes at type makatrabaho si ANGELI

Posted on: March 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments
MAY kasabihan nga tayo na YOLO, “You Only Live Once.”
Kaya dapat wag kang matakot sumubok ng mga bagong bagay. Pero minsan, sa kagustuhan nating masubukan ang lahat, nalilimutan natin na may mga bagay na hindi natin dapat gawin.
Panoorin kung paanong makikipaglaro sa apoy ang tatlong taong mapusok at mapangahas sa pinakabagong Vivamax Original Movie na X-deal 2 ngayong March 25 sa Vivamax.
Sa pagbisita ng magkasintahang Peter (Josef Elizalde) at Violet (Rob Guinto) sa isang isla para sa isang trabaho, makakatagpo nila ng landas si Olivia (Angela Morena), na dating nobya ni Peter. Sa muling pagkikita ng dating magkasintahan, maniniwala si Peter na binigyan ulit sila ng pagkakataon ni Olivia para magkaroon ng closure.
Dahil dito, isang kasunduan ang maiisip ni Violet. Pipilitin nitong muling magkalapit si Olivia at Peter at hahayaang magkaroon ng closure sex ang dalawa. Ang kapalit? Io-offer ni Violet ang kanyang sarili kay Olivia dahil alam niyang gusto siya ni Olivia. Silang tatlo ay mai-involve sa isang swap sex.
Ang mga bida ng X-deal 2 ay ang mga upcoming artist mula sa Viva. Bibida sa pelikula sina Rob Guinto, isang sexy social media influencer na bumida na rin sa ilang Vivamax Originals, ang Siklo at Boy Bastos at Angela Morena na naging parte ng  comedy movie na Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo Part 2: Aussie! Aussie! O Sige!
Bibida rin sa pelikula si Josef Elizalde, na nakilala sa supporting roles sa iba’t ibang pelikula, gaya ng Ulan, Hindi Tayo Pwede at Just a Stranger. Ngayon, si Josef naman ang magiging bida kasama ang dalawang naggagandahang dalaga.
Dumating na nga ang hinihintay na big break ni Josef, pahayag pa niya, “for 14 years in the industry and doing support, I’m blessed working with the veterans actors throughout my career, ang daming napi-pick up sa kanila.
“I’m blessed na dumaan ako sa kanila, especially sa mga directors na nagturo din sa akin, kaya ‘di ko sila puwedeng kalimutan.”
“And so far, i think it paid off, noong i-shoot namin ang movie, nagawa ko naman yung character ko as what Direk Law wanted me to portray.
“At sa tingin ko naman, oh well hopefully magtuloy- tuloy na ito,” tugon pa ni Josef na aminadong na-enjoy ang paggawa ng sexy and erotic film, dahil big challenge ito sa kanya.
After this project, type naman ni Josef makipag-love scene sa isa pang Viva sexy  star na si Angeli Khang.  Nagalingan daw si Josef nang silipin niya sa Vivamax ang Silip Sa Apoy, kaya gusto niyang makatrabaho ang in-demand sexy actress.
Ang X-deal 2 ay ang sequel sa naging pelikula ni Lawrence Fajardo noong 2011, pero may iba na itong mga bida at istorya. Ang naging ugnayan ng dalawang pelikula ay ang konsepto nito ng page-eksperimento sa pakikipagpalitan ng karelasyon.
Si Lawrence Fajardo rin ang director ng Pinoy adaptation ng A Hard Day, na official entry sa Metro Manila Film Festival, at ng marami pang Vivamax Original Movies gaya ng Mahjong Nights, Reroute at Nerisa.
Handong ng Viva films ang isang deal na hindi niyo mahihindian. Mapapanood na ang X-deal 2 sa Vivamax ngayong March 25, 2022.
Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store.
Mapapanood rin ang X-deal 2 sa Vivamax Middle East, para sa mga Pinoy sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar, mapapanood na ito sa halagang AED35 kada buwan. Mapapanood din ang Vivamax sa Europe sa halagang 8 GB kada buwan.
Ang Vivamax ay mapapanood na sa Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, at pati na rin Canada at United States of America.  Vivamax, atin ‘to!
(ROHN ROMULO)

NAVOTAS KINILALA NG DILG SA ANTI-DRUG CAMPAIGN

Posted on: March 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KINILALA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas dahil sa matagumpay na pagtugon nito sa problema ng iligal na droga kung saan nakapagtala ito 95% sa Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Audit na siyang pinakamataas sa NCR.

 

 

Tinanggap ni Mayor Toby Tiangco at Cong. John Rey Tiangco ang plaque para sa 2021 National ADAC Performance Award mula kay DILG-National Capital Region Regional Director Maria Lourdes Agustin at Assistant Regional Director Atty. Ana Lyn Baltazar-Cortez.

 

 

“We thank our fellow Navoteños for actively participating in our anti-drug efforts, especially by reporting through TXT JRT any suspicious individuals or activities. Their support and cooperation have helped us prevent crimes and keep Navotas safe,” ani Mayor Tiangco.

 

 

Kasama sa pamantayan sa pag-audit ang isang organisadong lokal na ADAC, pagpapatupad ng mga plano at programa ng ADAC, paglalaan ng pondo, suporta sa ADACs sa component LGUs, at pagsasagawa ng regular na mga pagpupulong.

 

 

Ang Navotas ay nagsagawa ng Bidahan, isang community-based rehabilitation program kung saan ang mga taong gumagamit ng droga ay sumasailalim sa anim na buwang rehabilitasyon at counseling na sinusundan ng anim at 18 buwang aftercare.

 

 

Nauna rito, 29 mga dating drug user ang nakapagtapos sa anim na buwang online at limited face-face counseling at aftercare program kaya umabot na sa kabuuang 248 ang naka-graduates sa Bidahan mula ng umpisahan ito noong 2016.

 

 

Labing-isa sa 18 barangays sa lungsod ay idineklarang drug-cleared ng Philippine Drug Enforcement Agency. (Richard Mesa)

Giyera baka humantong sa 3rd world war kung ayaw ni Putin ng peace talks – Zelensky

Posted on: March 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAKITA ng kanyang kahandaan si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na makipag-negotiate kay Russian President Vladimir Putin kaugnay sa nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

 

 

Ngunit nagbabala si Zelensky na kapag hindi maisakatuparan ang nasabing negosasyon, maaari itong magresulta sa World War 3.

 

 

Iginiit naman nito na handa siya sa nasabing giyera lalo pa’t pinaghandaan din daw niya ito dalawang taon ang nakalipas.

 

 

Aniya, kung walang mangyayaring negosasyon, hindi matatapos ang giyera.

 

 

Napag-alaman na umakyat na sa mahigit 900 sibilyan ang namatay habang 1,459 sugatan mula ng magsimula ang Russian invasion sa Ukraine ayon na rin sa report ng Office of the UN High Commissioner for Human Rights (OHCHR).

Isyu vs kandidato na ‘di sumisipot sa debate, tatalakayin sa en banc session – COMELEC

Posted on: March 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG  talakayin ng Commission on Elections (COMELEC) sa nalalapit na en banc meeting sa Miyerkules kung paano nito tutugunan ang isyu ng hindi pagdalo ng ilang kandidato sa mga debate na kanilang inorganisa.

 

 

Sinabi ni COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan sa mga mamamahayag pagkatapos ng unang vice presidential leg ng PiliPinas Debates 2022 kagabi, na isasaalang-alang ng komisyon ang paglabas ng resolusyon para pilitin ang mga kandidato na lumahok.

 

 

Napag-alaman na nabigong dumalo sa unang round ng presidential debate nitong nakalipas na Sabado si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at kagabi ay dalawa naman para sa bise presidente na sina Rep. Lito Atienza at Mayor Sara Duterte-Carpio.

 

 

Kung maaalala, sinabi ng vice presidential bet na si Walden Bello sa media na pinag-iisipan niyang laktawan ang susunod na vice presidential debate maliban na lang kung magpapakita sina Bongbong at Duterte.

 

 

Inamin din ni Bello na ang kanyang pagkadismaya sa pag-isnab ng mga kandidato ay naging dahilan upang kumanta siya sa debate sa halip na mag-walk out na una niyang binalak.

 

 

Sinabi na rin kamakailan ng COMELEC na ang hindi dadalong mga kandidato sa kanilang inorganisang debate ay hindi na isasali sa libreng on-ine campaign ng komisyon.

 

 

Nagkaisa ang magkakatunggaling presidentiables na dapat singilin ng gobyerno ang P203 bilyong estate tax na hindi pa binabayaran ng pamilya Marcos.

 

 

Pinalutang ni Manila City Mayor Isko Moreno sa Comelec debate nitong Sabado ang ukol sa bilyun-bilyong buwis sa mga ari-arian ng mga Marcos na hindi nababayaran sa kabila na may utos na ang Korte Suprema na bayaran ito.

 

 

“Kung masisingil ko yung P203 billion na estate tax sa isang pamilya, at ia-atras ko ang buwis ng krudo at kuryente by 50 percent, we are going to lose P65 billion. Now, meron pa kong P203 billion minus 65 (billion pesos), marami pa kong daan-daang bilyon pa na pwede nating maibigay sa tao,” ayon kay Moreno.

 

 

Sinusugan naman ito ni Sen. Panfilo Lacson na iginiit na mas malaki pa ang utang ng mga Marcos sa estate tax kaysa sa inaasahang kikitain ng pamahalaan sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Laws 1 at 2 na aabot lang ng P100 bilyon.

 

 

“E mayroong P203-billion nga na sisingilin lamang nandiyan na, bakit ayaw singilin ng BIR (Bureau of Internal Revenue)?” wika niya.

 

 

“Kapag nasingil natin ito [utang], hindi na natin kailangan tipirin ang ating mga kababayan,” pahayag naman ni Vice Pres. Leni Robredo.

 

 

Umayon din si presidential candidate at labor leader Leody De Guzman na nagsabing “Kailangang kunin ‘yung P203 billion na ‘yun.” (Daris Jose)

LGUs may boses, bida sa UniTeam administration

Posted on: March 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINISIGURO ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na may malaking papel na gagampanan at mapapakinggan ang boses ng mga lokal na pamahalaan matapos silang manalo sa darating na halalan ngayong Mayo 9.

 

 

Ito ang sinabi ni Marcos sa harap ng mga local officials ng Zambales sa kanyang pagbisita sa lalawigan.

 

 

Ayon sa standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), sila ng kanyang running-mate na si Inday Sara ang magsusulong at magtatanggol  sa interes ng mga LGUs dahil sila ay naniniwala at nagtitiwala sa mga lokal na lider.

 

 

“Aasahan ninyo na meron kayong boses sa administrasyon ng UniTeam, magkakaroon ng malakas na boses ang ating local government. Ang UniTeam ang pinaka-magiging champion ng local government kung sakali man at tayo ay maging mapalad (sa darating na halalan),” sabi ni Marcos.

 

 

Dagdag pa niya, sila ni Inday Sara ay naniniwala na ang lokal na pamahalaan ang higit na nakakaalam ng mga tunay na nangyayari sa kanilang mga nasasakupan at ang makakapagbigay ng tamang solusyon dahil na rin sa kanilang mga sariling karanasan bilang mga local executive.

 

 

“Magkakaroon po kayo ng malakas na boses. Dahil kayong mga local chief executives ang nakaka-alam sa tunay na sitwasyon doon sa lugar ninyo,” sabi ni Marcos.

 

 

“Kaya gaya ng sinasabi ko, dapat ipagpantay natin ang relasyon ng local government at national government. Lagi kong sinasabi sa mga congressman, sa mga senador, makinig kayo sa mga local government officials dahil kadalasan sila rin ang nakakaalam ng tamang solusyon sa mga suliranin sa kanilang nasasakupang mga lugar,” wika pa nito.

 

 

Sinisiguro din ni Marcos na magkakaroon ng balanseng ugnayan sa pagitan ng national government at local government.

 

 

“’Pag nagkataon, sa susunod na pamahalaan, sa susunod na administrasyon at tayo po ay maging mapalad ay ‘yun ang aming balak, na masasabi naming pinagpantay namin ang relationship between the national government and the local government dahil malaking-malaki ang tiwala ng grupong UniTeam sa local leaders,” paliwanag niya.

 

 

“Hindi manggagaling sa taas ang utos ng hindi namin nalalaman kung ano ang tunay na sitwasyon. Kailangang magtanong sa local government dahil kayo ang nakakaalam sa sitwasyon sa lugar niyo,” dagdag pa nito.