PUWEDENG kasuhan ng Commission on Elections (Comelec) mismo ang isang pulitiko sa probinsya ng Cavite dahil sa pamimigay ng pera bago ang isang political rally nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ayon sa isang election lawyer.
Martes nang mamataang namimigay si Cavite Gov. Jonvic Remulla ng libu-libong papremyo sa isang covered court sa Dasmariñas sa mga supporter na magpapakita ng talento. Pero giit niya, “hindi ito election offense” dahil hindi pa raw siya kandidato. Sa ika-25 ng Marso pa kasi ang official campaign season para sa local candidates gaya niya.
“‘Yung kwestyon kung sino ang mamili ang boto, it doesn’t matter whether candidate ka o hindi. Kasi nakasulat doon [sa batas] na ‘any person that commits vote-buying,'” ayon sa election lawyer na si Emil Marañon III, Miyerkules, sa panayam ng TeleRadyo.
Si Marañon ay abogado ni Vice President Leni Robredo.
“Second po na dapat tignan, para kanino ba ‘yung pamimili niya ng boto? Kung para ‘yan sa national candidate, meron na po tayong national candidate mula noong February 8, 2022 noong nag-start po ang campaign period [nila].”
Ayon sa Section 261 (a) (1) ng Omnibus Election Code, pwedeng bumili ng boto kahit ang mga hindi kandidato sa eleksyon:
Sinumang mapatutunayang nagkasala sa anumang election offense ay parurusahan ng hanggang anim na taong pagkakakulong. Wala itong probation at parurusahan din ng disqualification mula sa paghawak ng public office. Tatanggalan din sila ng karapatang bumoto.
“Kahit po siguro na sabihin natin na walang vote-buying para sa kanyang sarili [Remulla], pero nagkaroon ng vote-buying po para doon sa national candidates na nag-organisa ng sortie na ‘yon o political rally,” dagdag pa ni Marañon.
Dumating din si Bongbong, na kumakandidato sa pagkapangulo, sa parehong covered gym kung saan namahagi ng pera.
Kahit na sabihing palaro ang ginawa ni Remulla, naninindigan ang election lawyer na vote-buying ito kung ginawa ito sa konteksto ng political rally. Sa kabila nito, ipinipilit ng “Etivac” re-electionist na si na tinignan nila ang mga panuntunan para tiyaking wala silang nalabag.
“BBM was not mentioned… Wala ‘yon… We’re not candidates yet. We checked the rules, it’s still allowed as long as the [national] candidates aren’t there,” wika niya sa isang ambush interview ng media kahapon.
Matapos matanong hinggil sa isyu sa Cavite, sinabi ni Comelec commissioner George Garcia na magtatayo sila ng “Task Force on Vote Buying.”
Gayunpaman, inilinaw ni Garcia na kailangan pa rin na may maghain ng pormal na reklamo bago umusad ang kaso sa kahit sinumang election offender.
Pero ayon kay Marañon, pwedeng Comelec mismo ang maghain ng kaso kung huling-huli sa akto ang namimili ng boto.
“Merong motu proprio powers ang Comelec because the Comelec has the constitutional duty to actually implement election laws. Parte po ‘yan ng responsibilidad nila to execute laws by prosecuting violators of election law,” sabi pa ni Atty. Emil.
“Kung matatandaan natin ‘yung sa issue ng [electoral] posters, hindi ba Comelec mismo ang nagsasabi sa taumbayan na kakasuhan namin kayo? … [B]akit ngayon sasabihin niyo na wala kayong power na mag-file kayo sa vote-buyer?”