• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 6th, 2022

Gun ban violators, pumalo na sa higit 2.3-K – Comelec

Posted on: April 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PUMALO  na sa mahigit 2,300 ang bilang ng mga lumabag sa Commission on Elections (Comelec) gun ban.

 

 

Ayon sa Philippine National Police (PNP) kabuuang 2,313 na katao na ang lumabag sa nationwide election gun ban ng komisyon.

 

 

Nasa 2,249 ng mga violators ay sibilyan, 40 ang security guards, 14 ang police officers, at 10 military personnel.

 

 

Nakumpiska naman sa mga lumabag sa isinagawanf 2,209 police operations ang 1,785 firearms, 10,157 piraso ng bala at 826 deadly weapons.

 

 

Ayon sa PNP, karamihan sa mga violators ay mula pa rin sa National Capital Region na mayroong 854, Calabarzon, 250 at Central Visayas na may 241.

 

 

Sa ilalim nga ng Resolution No. 10728, ipinagbabawal ng Comelec ang pagbitbit ay pagbiyahe ng mga baril at deadly weapons sa labas ng kanilang bahay mula Enero 9 hanggang Hunyo 8.

 

 

Exempted sa gun ban ang mga law enforcers, pero dapat ay otorisado ng Comelec at dapat ay nakasuot ang mga ito ng agency-prescribed uniform habang nakaduty sa kasagsagan ng election period.

DOH binabantayan banta ng ‘mas nakahahawang’ Omicron XE sa Thailand

Posted on: April 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAPAYUHAN ngayon ng Department of Health (DOH) ang publiko na patuloy sa pagpabakuna laban sa COVID-19 ngayong namataan na ang Omicron XE — na kinatatakutang “pinakanakahahawang COVID-19 variant” sa ngayon — sa Bangkok, Thailand.

 

 

Ika-29 lang ng Marso nang magbabala ang World Health Organization (WHO) patungkol sa XE recombinant (BA.1-BA.2) ng Omicron variant, na siyang unang na-detect sa United Kingdom.

 

 

“The Department of Health (DOH) is in constant coordination with the World Health Organization (WHO) regarding the reported ‘Omicron XE’ detected in Bangkok, Thailand,” ayon sa DOH, Lunes.

 

 

“Observation and monitoring are still ongoing on whether the variant would be categorized as a sub-variant of Omicron or a new variant to be named by WHO should it display any significant change in characteristics.”

 

 

Patuloy naman daw mino-monitor ng DOH, sa tulong ng Philippine Genome Center, ang case trends at nagsasagawa ng genomic surveillance activities sa gitna ng bago at existing variants.

 

 

Ipinagpapatuloy naman daw nilang ipatutupad ang 4-door stretegy ng gobyerno para mapigilan ang inisyal na pagpasok ng mga variants sa bansa.

 

 

“In this light, the DOH reminds the public that vaccines, in addition to adhering to the minimum public health standards and now more importantly, everyone, especially our elderly, the immunocompromised, those with comorbidities, and children are highly encouraged to get vaccinated and boosted,” sabi pa ng Kagawan ng Kalusugan.

 

 

‘Mas nakakahawa pa sa karaniwang Omicron’

 

 

Ayon sa WHO, posibleng mas nakahahawang pa sa nakahahawa na ngang BA.2 variant ng Omicron, ang Omicron XE.

 

 

Tinagurian ang BA.2 bilang “Stealth Omicron” dahil sa katangian nitong mas mahirap ma-detect. Una nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na pinakakaraniwan ito sa local cases sa bawat rehiyon.

 

 

“Early-day estimates indicate a community growth rate advantage of ~10% as compared to BA.2, however this finding requires further confirmation,” ayon sa WHO noong nakaraang buwan.

 

 

“XE belongs to the Omicron variant until significant differences in transmission and disease characteristics, including severity, may be reported.”

 

 

Disyembre nang bumaba sa halos 500 lang ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, ngunit tumaas ito papunta sa record-high noong Enero matapos makapasok ang Omicron variant. (Daris Jose)

Sa in-isyung statement ng Sparkle GMA Artist Center: Nag-post at nag-share ng pinekeng photo ni ALDEN, papatawan ng legal action

Posted on: April 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAG-ISSUE ang Sparkle GMA Artist Center ng statement tungkol sa fake photo ni Alden Richards na lumabas.

 

 

Gagawan nila ng legal action ang nag-post at nag-share ng pinekeng larawan ni Alden.

 

 

Ayon sa statement, “It has come to our attention that a photo of our artist, Mr. Alden Richards, appearing to be unclothed, is circulating online.

 

 

“We wish to inform the public that the said photo is ‘fake’ and digitally altered using a picture that Mr. Richards posted on his social media account months ago.

 

 

“Mr. Richards is a role model for many people and we strongly condemn perpetrators of malicious activities related to our artists, including the spreading of groundless information and defamation.

 

 

“GMA strongly denounces criminal use of social media.  We will be seeking legal recourse against those involved in the posting and sharing of this fake photo as well as those posting libelous comments on said photo.

 

 

“We all need to guard agains fake news, so we urge the public to think before they click.”

 

 

***

 

 

STILL on  Alden Richards, finally ay nag-start nang mag-taping ang cast ng Philippine adaptation ng Korean drama na Start-Up last Monday, April 4.

 

 

Ito ang first project together nina Alden at Bea Alonzo sa GMA Network.  Kasama nila sa cast sina Yasmien Kurdi, Jeric Gonzales, Boy 2 Quizon, Kim Domingo, at si Ms. Gina Alajar. 

 

 

Somewhere in Manila ang location taping nila. Instagram post ni Bea: “First taping day for my new series as a Kapuso. Thank You, Lord, for blessing us with this beautiful sunset today.  This reminded us of how wonderful you are and how amazing your plans are for each and everyone of us.  I trust that you will guide me as I embark on this new journey.

 

 

Handa na akong makilala ka, DANI (character ni Bea sa #StartUp).”

 

 

Umabot sa more than 60,543 comments mula sa mga fans at netizens na excited nang mapanood muli si Bea na  almost three years na raw nila siyang hindi napapanood sa small screen.

 

 

***

 

 

NGAYON pa lamang ay excited na ang mga regular viewers ng Family Feud hosted by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

 

 

Natupad na kasi ang wish nilang sana raw ay maglaro rin ang family ni Dingdong, particularly si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

 

 

Kaya nang mag-post sa Instagram ang Team Marian, na nag-taping na ang Dantes Family ng game show, ang tanong nila ay kailan daw kaya iyon mapapanood?

 

 

Maglalaro raw ang dalawang Dantes Team, ang Dantes Girls vs. DG Boys.

 

 

May mga comments nga sa Instagram na “Iba pala pag ikaw na naglalaro, magiging “T” ka minsan #MahalagaEnjoy.”

 

 

Comment ni Marian: “Grabe kaba ko dyan! Kalokaaa!”

 

 

Comment naman ng isang netizen, “yung excited ako para mapanood si King sa Family Feud araw-araw, mas lalo akong na-excite na panoorin ito dahil kasama na si Queen at family nila.  Can’t wait na!”

 

 

Nag-post naman si Marian sa kanyang Facebook na sinorpresa niya at ng mga anak nilang sina Zia at Sixto, si Dingdong, na inabutan nila sa GMA studio na nagri-rehearse para sa show.

 

 

Abangan kung kailan sila mapapanood sa Family Feud, na airing from Mondays to Fridays, 5:45PM, sa GMA-7.

 

 

***

 

 

BINIGYAN na ng GMA Network ng isang mini-series ang young Sparkle love team nina Sofia Pablo at Allen Ansay, ang Raya Sirena. 

 

 

Seven episodes ang mini-series na co-production venture ng GMA Network at ng Regal Entertainment.

 

 

Bale follow up ang mini-series ng unang pinagtambalan nina Sofia at Allen, ang top-rating GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas na kasama rin nila ang love teams naman nina Jillian Ward at Vince Crisostomo, Althea Ablan at Bruce Roeland. 

 

 

Napapanood ito daily, after Eat Bulaga sa GMA-7, Mondays to Saturdays.

       (NORA V. CALDERON)    

Discover the Past of Hogwarts’ Headmaster in ‘Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore’

Posted on: April 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

THE beloved wizard of the Harry Potter books and movies has an intriguing history that will be unveiled in the third “Fantastic Beasts” film.

 

 

Warner Bros. Pictures’ Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore is a magical adventure that sends a team of unlikely heroes, led by Newt Scamander (Eddie Redmayne), on a mission that could spell their only chance to save both the wizarding and non-magical worlds.

 

 

Each has a role to play in this covert operation devised by the ultimate wizarding mastermind: Professor Albus Dumbledore (Jude Law).

 

 

Dumbledore has been one of the most revered figures in the Wizarding World canon since he was first introduced some 20-plus years ago.  However, the beloved wizard of the Harry Potter books and movies has an intriguing history that is unveiled in the third film in the “Fantastic Beasts” series.

 

 

Jude Law, who returns to the role of the wizard destined to be Headmaster at Hogwarts, reveals, “What I enjoyed the most was the opportunity to unpeel more of Dumbledore’s past.  There were hints of it in the last film, but here we are able to delve into his connection with Gellert Grindelwald as young men and the point at which it started to break. Albus had once shared with Grindelwald quite extreme views about Muggles, which he worked out himself as being wrong and backed away.  But he lives with that dark secret and the fallout from their relationship.”

Portrayed by Mads Mikkelsen, Gellert Grindelwald had been a wanted man due to his radical beliefs and violent tactics.  Now, the powerful Dark wizard has emerged from the shadows, ready to implement his plot to gain control of the entire wizarding world and wage all-out war on the Muggles. This time, however, he is not operating outside the law but within the system while twisting it to his own ends, which makes him all-the-more dangerous.

 

Dumbledore is the one wizard with the power to thwart Grindelwald’s ambitions, but there remains a physical manifestation of their previous relationship that stops him.

 

 

Law explains, “The blood oath is the embodiment of the bond between Gellert and Albus, one made through youthful passion and belief.  Even though their lives have taken very different directions, they are still connected in this stalemate, which, from Albus’s point of view, is hugely frustrating.”

 

 

Ever the chess master, Dumbledore formulates a plan that involves his friend and former student, Newt Scamander, joining forces with a small band of wizards, witches and one brave Muggle.  Yates observes, “Dumbledore has a checkered history of encouraging people to do crazy things, but we love him for that, nonetheless.”

 

 

Warner Bros. Pictures presents a Heyday Films Production, a David Yates film, Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore, in Philippine theaters Black Saturday, April 16.  The film will be distributed worldwide in select theatres and IMAX by Warner Bros. Pictures.

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #SecretsOfDumbledore

 

 

(ROHN ROMULO)

PNP: Seguridad sa Holy Week plantsado na

Posted on: April 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ILANG araw bago ang Semana Santa, handang-handa na ang Philippine National Police (PNP) para sa pagbibigay ng seguridad ng mga biyahero at namamanata.

 

 

Sinabi ni PNP Chief PGen. Dionardo Carlos na inatasan na niya ang kanyang kapulisan na tutukan ang public safety at law enforcement operations simula sa Abril 10-17.

 

 

Paalala ni Carlos sa mga police commanders na siguraduhin ang police visibility sa mga lugar na tradisyunal na dinudumog ng mga tao sa panahong ito.

 

 

Partikular ang mga istasyon ng bus, paliparan, pier at iba pang transport hubs, kung saan ipinag-utos ng PNP Chief ang paglalagay ng mga Police Assistance Centers (PAC) para umalalay sa mga tao.

 

 

Inatasan din ni Carlos ang PNP Highway Patrol Group (HPG) na pangunahan ang paglalagay ng mga PAC sa tulong ng mga lokal na pulis, sa kahabaan ng Maharlika Highway at Phil. Nautical Highway para matiyak ang “road safety”.

 

 

Dagdag pa ni  Carlos, kasabay ng pag-alalay sa mga biyahero, sisiguraduhin din ng PNP na nasusunod ang minimum public health standards depende sa antas ng alerto ng mga lugar na patutu­nguhan ng mga bibiyahe ngayong Semana Santa.

Nabiktima nang i-prank call sa paglipat sa GMA: PIOLO, sinabihan si BEA ng ‘Adik ka. Yun na yun?!’

Posted on: April 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TAGUMPAY ang prank calling ni Bea Alonzo sa kanyang kapatid na James at sa mga kaibigan, na kinabibilangan nina Kakai Bautista, Mark Nicdao, Piolo Pascual at Vice Ganda.

 

 

Last April Fool’s Day, nasa bahay lang daw si Bea at walang magawa.  At mag-check siya sa comment section ng YouTube channel may suggestion na gawin niyang vlog.

 

 

Nakita na raw niyang ginawa na ito ng mga artista friends at hindi pa siya nabiktima, kaya ita-try niyang mambiktima.

 

 

Inamin ni Bea, na kinabahan siya na gawin ang prank calling at kailangan paghusayan ang pag-arte.

 

 

Katulad ng ginawa niya kay Kakai, iko-confront niya si Piolo dahil may nabalitaan siyang may sama ito ng loob sa ginawang paglipat sa GMA.

 

 

Matapos na kamustahin at tanungin kung busy ba si Papa Pi na una niyang nakasama sa 2005 Star Cinema movie na Dreamboy, sinumulan na nga ni Bea ang kanyang pagpa-prank.

 

 

Sabi ng Kapuso actress na nagsimula nang mag-taping para Start-Up kasama si Alden Richards, “Pi, kakausapin sana kita, e. Ang weird lang. Di ba ok tayo?”

 

 

“May nakausap kasi ako. Gusto ko tanungin ka nang diretso. Parang nag-air ka yata ng sama ng loob tungkol sa paglipat ko sa taong kausap ko. Siyempre ‘di ko na sasabihin kung sino.

 

 

“Parang, may nasabi ka na, you didn’t like that I went to GMA. Parang things na parang medyo hurtful for me.

 

 

“Kasi magkausap pa tayo the last time. And then magka-Viber tayo.”

 

 

Diin pa ni Bea, “Gusto ko lang tanungin kung totoo kung may sama ka ba talaga ng loob sa akin?”

 

 

Habang natatawa, pagkatapos niyang kompro ntahin si Piolo.

 

 

Sagot naman ng Kapamilya actor, “Bea, sa totoo lang, sorry ha, kung sino man source mo, sabihin mo kausapin ako kasi ba’t naman ganun?   “Ba’t naman sasama loob ko sa ‘yo? That’s your choice. Di ko alam kung saan nanggagaling ‘yan, Bea.

 

 

“Pero sorry, yung mga nasabi mo, I don’t think… bakit naman sasama loob ko sa ‘yo?”

 

 

Dugtong pa ni ni Bea, “Pero wala ka namang ibang kinasasama ng loob sa akin at all?”

 

 

Reaction naman ni Papa Pi, “Uy, ano ka ba? My gosh! It’s weird! Oh gosh.”

 

 

Pag-amin pa niya, “Nalungkot ako nu’ng lumipat ka, pero hindi masama loob ko.

 

 

“Parang that’s your decision, di ba? Kung sino man umalis, kung sino man lumipat, siyempre you’ll feel bad about it.

 

 

“Pero you don’t even have the right to say na masama loob mo.”

 

 

Dahil nga seryoso na si Piolo at hindi mapigilang matawa ni Bea kaya nasabi na lang niya na, “Alam mo yung akala ko talaga magkaibigan tayo. Matagal na eh… wala lang! “Gusto ko lang sabihin sa ‘yo na prank call ito!” sabay tawa ng aktres.

 

 

Kaya naman napabulalas na lang si Piolo ng, “Adik ka. Yun na yun?!”

 

 

Natatawang sagot naman ni Bea, “Nakakainis ka! Wala man lang ako makuha sa ‘yo. Ano ba ‘yun? Parang mas kinabahan pa ako kesa kinabahan ka, nakakabuwisit.

 

 

“Hay naku! Joke lang yun. Prank lang! Love you!”

 

 

Pahabol pa ni Bea kay Piolo, “Kelan tayo magdi-dinner ulit.”

 

 

Sabay sabing ‘love you’, nag-sorry ulit at nagpasalamat.

 

 

Kahit successful ang prank call ni Bea, sinabi rin niyang, “I think ang baduy ko mag-prank call, guys.

 

 

“Feeling ko nga alam na ni Pi na prank call lang, e. Umakting lang siya para di ako mapahiya.”

 

 

Winner rin ang prank call niya kay Mark at Vice Ganda na sobrang na-stress, tungkol naman ito sa pagpo-propose sa kanya ni Dominic Roque, pero tinanggihan niya, kaya nagtampo ang kasintahan.

 

 

Aminado si Bea na nag-good vibes siya dahil ang mga na-prank call niya ay ipinakita at ipinadama na totoong kaibigan na dadamay sa oras ng pangangailan at susuporta sa kanyang kaligayahan, kaya sobra siyang na-touch.

 

 

Last time na binisita namin ang latest vlog ni Bea, umabot na ito 630K views.

(ROHN ROMULO)

Mga nasirang simbahan ng bagyong Odette, ipapagawa ng Caritas Manila

Posted on: April 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TULUYAN  nang maipapagawa ang mga simbahan at chapels na winasak ng bagyong Odette sa 10-diyosesis ng Simbahang Katolika sa Visayas at Mindanao.

 

 

Ito’y sa tulong ng matagumpay na PADAYON ONLINE CONCERT ng Caritas Manila na pinangunahan ng Viva artists noong March 25,2022 kung ang malilikom na pondo ay ipapagawa sa mga nasirang simbahan.

 

 

Nakalikom ang Caritas Manila ng 22-milyong piso sa ginanap na PADAYON ONLINE concert na pinangunahan ni Sarah Geronimo at asawang si Mateo Guidicelli.

 

 

Nauna rito, mahigit-kumulang sa 47-milyong piso ang naibigay na tulong ng Caritas Manila sa libu-libong mamamayan na lubhang apektado ng pananalasa ng bagyong Odette sa Diocese of Surigao, Diocese of Tagbilaran, Diocese of Talibon, Diocese of Maasin, Archdiocese of Cebu, Diocese of Kabankalan, Diocese of Dumaguete, Diocese of San Carlos, Apostolic Vicariate of Puerto Princesa at Apostolic Vicariate of Taytay Palawan.

 

 

Unang 37-milyong piso ang ibinigay ng Caritas Manila sa agarang pangangailangan ng 38,000 pamilya habang 10-milyong piso sa rehabilitasyon ng pinakamahihirap na komunidad na nasalanta ng bagyo sa Visayas at Mindanao.

 

 

Sa pamamagitan naman Caritas Manila Damayan Program ay kinakalinga ang mahigit 37-libong pamilya sa Regions 11, 10, 8, 6, 5, MIMAROPA at CARAGA na walang matirahan at nananatili sa mga evacuation centers matapos sirain ng bagyo ang kanilang mga tahanan.

 

 

“Caritas Manila sent an initial ₱47 million to 11 dioceses affected by super typhoon Odette. The first ₱37 million was sent to provide for the basic and emergency needs of over 38,000 families, and another ₱10 million for rehabilitation efforts in poor communities in Visayas and Mindanao,” ayon sa pag-uulat ng Caritas Manila.

 

 

Iniulat din ng Caritas Manila na umaabot sa 2.14-bilyong piso ang naitugon ng social arm ng Archdiocese of Manila sa pangangailangan ng mga pinakamahirap na pamilya na lubhang naapektuhan ng COVID 19 pandemic.

 

 

Ayon sa social arm ng Archdiocese of Manila, naitala sa 1.7-bilyong piso noong 2020 at 418-milyong piso noong 2021 ang COVID-19 relief assistance o Food packs, sanitation kits, grocery at gift checks na naipamahagi sa mga mahihirap na pamilya maging sa pinakaliblib na lugar sa bansa.

 

 

Nananawagan naman si Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila ng patuloy na pagkakaisa at pakikibahagi ng mamamayan upang matulungan ang mga hindi pa nakakabangon sa epekto ng pandemya.

 

 

“Addressing not only the health but also the economic effect of this pandemic can only be achieved if we work closely together and share our common goal of making a positive impact in the lives of those at the bottom of the pyramid,” pahayag ni Father Pascual.

 

 

Sa kabila ng epekto ng pandemic, tinutukan din ng Caritas Manila ang kinabukasan ng mga mahihirap na estudyante sa bansa sa pamamagitan ng pagpapalawak sa YSLEP.

 

 

Sa nakalipas na taon sa gitna ng COVID 19 pandemic, 106-million pesos ang inalaang pondo ng Caritas Manila sa pag-aaral ng 4,639 na scholars ng Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) sa Technical-Vocational at Tertiary level education.

 

 

Iginiit ni Father Pascual sa mahalagang tulungan ang mga kabataan na makapag-aral at makapagtapos ng kolehiyo upang makaahon ang pamilya sa kahirapan dulot ng pandemya at kawalan ng trabaho.

 

 

“We believe that education is the great social equalizer if we want to overcome poverty, wehave to educate as many youths as we can with knowledge skills and attitude of a servant like the Lord,” said Fr. Pascual,

 

 

Ikinagalak naman at kinilala ni Father Pascual na marami sa kanilang mga scholar ang nakatanggap ng ibat-ibang parangal noong nakalipas na taon.

 

 

“Total of 667 YSLEP scholars received school honors and awards. The current batches produced two Magna cum Laude, one cum laude, one board passer, 53 on the President’sList, 494 on Deans List, 26 with honors, 60 academic excellence recipients, and 30 with specialawards,” ayon sa pag-uulat ng Caritas Manila.

 

 

Taon-taon ay umaabot sa mahigit limang libo ang mga YSLEP scholars ng Caritas Manila hindi lamang sa Metro Manila.

Mahigit 300 posibleng ‘areas of concern’ sa halalan inirekomenda ng PNP – DILG

Posted on: April 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASA mahigit 300 posibleng areas of concern sa nalalapit na halalan ang isinumite ng Philippine National Police (PNP).

 

 

Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III ang election hotspots ay tinatawag na aniya ngayong areas of concern.

 

 

Aniya, ang pagdedeklara ng areas of concern ng Commission on Elections ay naantala dahil patuloy na biniberipika ng maigi ng poll body ang sitwasyon sa naturang mga lugar.

 

 

Iniuri ng PNP ang mga lugar sa bansa sa apat na color-coded categories.

 

 

Ang mga lugar na nasa green ay itinuturing na generally peaceful sa pagsasagawa ng halalan.

 

 

Ang mga nasa yellow naman ay nakapagtala ng suspected election-related incidents sa nakalipas na dalawang halalan, posibleng may presensiya ng armadong grupo at intense political rivalries at itinuturing na areas of concern

 

 

Ang mga lugar naman na nasa orange ay mayroong presensiya ng armed groups gaya ng NPA, kung saan itinuturing ang mga lugar na ito bilang areas of immediate concern.

 

 

Samantala ang mga lugar naman na nasa red ay mayroong parameters para sa yellow at orange areas.

 

 

Magpopokus ang security forces sa pag-monitor sa mga lugar na ito na may posibilidad ng violence at intense political fights ng mga lokal na kandidato. (Daris Jose)

Krimen tumaas sa Alert Level 1 – DILG

Posted on: April 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING tumaas ang ilang index crimes simula nang isailalim ng pamahalaan ang ilang lugar sa bansa sa Alert Level 1.

 

 

Partikular na tinukoy ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang mga insidente ng nakawan na nagsimula aniyang du­maming muli nang tumaas ang mobility ng mga tao, ngayong naisailalim ang National Capital Region (NCR) at ilan pang lugar sa bansa sa pinakamababang antas sa COVID-19 alert system.

 

 

“Nitong pagpasok ng Alert Level 1, medyo tumaas ‘yung ibang index crimes, particularly ‘yung theft. Siguro syempre dahil naglabasan na ‘yung mga tao. Dito sa mga malalapit sa mga mall, sa mga palengke, medyo dumami na naman ‘yung mga mandurukot natin diyan,” ayon kay Año.

 

 

Kaugnay nito, hinika­yat din ni Año ang publiko na maging maingat partikular na kung magtutungo sa mga matataong lugar upang hindi mabiktima ng mga magnanakaw.

 

 

Bukod sa pagnanakaw, walo pang focus crimes ang tumaas din gaya ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, at carnapping ng mga behikulo at mga motorsiklo.

 

 

Matatandaang dahil sa pagbaba na ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 ay isailalim na rin ang ilang lugar sa Pilipinas sa Alert Level 1 simula Marso 1.

 

 

Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na maaa­ring manatili ang bansa sa naturang alerto hanggang sa Hunyo 30, 2022, o sa pagtatapos ng termino ni Pang. Rodrigo Duterte.

 

 

Tiniyak naman ni Año na inatasan na nila ang mga local government units (LGUs) at mga law enforcers na ipagpatuloy ang istriktong pagpapatupad ng minimum public health standards para maiwasan ang muling hawaan ng virus.

 

 

Nagpalabas na rin sila ng advisory sa mga LGUs na tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng publiko sa pagsapit ng Mahal na Araw sa kalagitnaan ng Abril dahil sa inaasahang mas marami pang interzonal at intrazonal movements sa bansa.

 

 

Aniya pa, sinimulan na rin ng PNP ang pagpapaigting ng kanilang security operation dahil sa Mahal na Araw, sa pamamagitan ng kanilang “Oplan Ligtas SUMVAC 2022” ngayong summer. (Gene Adsuara)

Ads April 6, 2022

Posted on: April 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments