INANUNSYO ng Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa (BP2) program na opisyal na papalitan na nito ang kanyang website sa www.balikprobinsya.nha.gov.ph simula Abril 22, kung saan ay hindi na magiging available ang kasalukuyang www.balikprobinsya.ph
Sa ilalim ng bagong sistema, mapabibilis ng gobyerno ang aplikasyon para sa BP2 program sa tatlong paraan: “through the applicants’ respective barangays (villages), via the Department of Social Welfare and Development (DSWD), or by visiting the BP2 Depot along Agham Road in Diliman, Quezon City.”
Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Executive Order No. 114 noong May 6, 2020 na naglalayong i-institutionalize ang BP2 program, na naglalayon pa rin tugunan ang “congested urban areas” sa Kalakhang Maynila sa pamamagitan ng paghikayat sa mga tao lalo na sa mga informal settlers, na bumalik na sa kani-kanilang tahanan sa lalawigan.
Ang agarang pagtulong sa ilalim ng BP2 program ay kinabibilangan ng transportation allowance, travel requirements, at emergency cash aid.
Sa pamamagitan ng whole-of-nation approach ng gobyerno, ang mga aplikante ay maaaring makakuha ng pangkabuhayan at employment opportunities, transitory support package, at transitory shelter assistance.
Sinabi naman ng DSWD na ang eligible applicants ay maaaring iyong mga apektado ng mga proyekto ng pamahalaan at legal demolition activities; pamilyang naninirahan sa kalye o nasa danger zones; mga tinamaan ng human-induced o natural disasters, kabilang na ang health hazards gaya ng coronavirus disease 2019 pandemic; nawalan ng hanapbuhay o income opportunities; at informal settlers.
Ang mga nasa marginalized, disadvantaged, o vulnerable individuals na nais na magsimula sa kabukiran ay maaari ring mag-apply para sa programa.
“Eligibility may include other situations deemed acceptable and valid based on the assessment of the social workers during the period of application,” ayon sa DSWD.
Ang mga aplikante ay maaaring magtanong via DSWD email address balikprobinsya@dswd.gov.ph o tumawag sa hotline (02) 8952-0697 o (02) 8931-8101, local 513.
Ang uri ng serbisyo at kabuuang halaga ng tulong na ibibigay sa bawat pamilya ay ibabase sa gagawing assessment ng DSWD, sa pakikipagtulungan sa local social welfare officers, partner stakeholders, at DSWD field offices.
Magbibigay din ang DSWD ng psychosocial support sa panahon ng transition period sa mga lalawigan. (Daris Jose)