• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 13th, 2022

Panalo ni BBM tiniyak ng political families

Posted on: April 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGSANIB-puwersa ang mga kinikilalang political families sa lalawigan ng Leyte upang tiyakin ang panalo ni presidential bet Ferdinand “Bong Bong” Marcos, Jr. at ng UniTeam Alliance sa darating na halalan sa Mayo.

 

 

Sa pagbisita ng UniTeam sa Ormoc City noong Sabado, nagkaisa ang maiimpluwensyang angkan na ibuhos ang suporta kay Marcos na tinaguriang “anak ng Leyte.” Ang pamilya ng ina ni Marcos na si dating unang ginang Imelda Marcos ay tubong Tacloban, Leyte.

 

 

Sa kabila ng masamang lagay ng panahon, tumulak ang UniTeam sa Ormoc upang makipag-pulong sa halos 500 local leaders na pinangungunahan ng pamilya Larrazabal, Codilla, Aviles, Fiel, Aparis, Mendoza, Pepito, Santiago, Tugunon at Chu. Bukod sa kanyang mensahe ng pagkakaisa, nagpasalamat si Marcos sa pagbuhos ng suporta ng mga Leyteño.

 

 

Ayon kay dating Comelec Commissioner Gregorio “Goyo” Larrazabal, kandidato pagka-kongresista sa ika-apat na distrito ng Leyte, buo ang kanilang suporta kay Marcos. “Itinuturing namin siyang kapamilya dahil tunay siyang anak ng Leyte,” diin niya.

 

 

Ani Larrazabal, nagdesisyon siyang sumabak sa pulitika upang isulong ang pagbabago at mga adbokasiya sa kanyang distrito. Kasama niyang tumatakbo bilang mayor ng Ormoc City si dating mayor Edward “Ondo” Codilla. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Ateneo, La Salle muling magtutuos!

Posted on: April 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING magkukrus ang landas ng mortal na magkaribal na Ateneo de Manila University at De La Salle University sa pagsisimula ng second round ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 84 men’s basketball tournament ngayong araw sa Mall of Asia Arena.

 

 

Nakatakda ang bakbakan ng Blue Eagles at Green Archers sa alas-7 ng gabi habang masisilayan din ang duwelo ng NU at UP  sa alas-10 ng umaga.

 

 

Lalarga rin ang laro ng FEU Tamaraws at Adamson University sa alas-12:30 ng tanghali kasunod ang laban ng University of Santo Tomas at University of the East sa alas-4:30 ng hapon.

 

 

Mas magiging exciting ang laban ng Ateneo at La Salle sa pagkakataong ito dahil mayroon nang fans na inaasahang daragsa sa venue.

 

 

Hindi tulad noong Abril 2 sa kanilang unang pagtutuos kung saan nakuha ng Blue Eagles ang 74-57 panalo sa venue na walang expectators.

 

 

Target ng Ateneo na makuha ang ikawalong sunod na panalo upang mapatatag ang kapit nito sa solong pamumuno.

 

 

Sariwa pa ang Blue Eagles sa 91-80 panalo sa Growling Tigers noong Sabado para makumpleto ang first-round sweep.

 

 

Nadugtungan din ang winning streak ng Ateneo sa 33 games na nagsimula noon pang 2018.

 

 

Subalit walang balak magpakampante ang A­teneo  dahil alam ng tropa na mas magiging matindi ang labanan sa second round.

 

 

Desidido rin ang La Salle na makaresbak sa pagkakataong ito.

 

 

Mataas din ang moral ng Green Archers na matikas na isinara ang first round sa bendisyon ng 61-58 panalo sa Soaring Falcons.

 

 

Okupado ng La Salle ang No. 3 spot bitbit ang 5-2 marka.

Kung wala sa minutes, fake news

Posted on: April 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINABULAANAN ng Commission on Elections (Comelec) ang bali-balitang “may marka na” ang ilang balotang ibinigay sa ilang botante sa pagsisimula ng overseas absentee voting ng mga Pinoy abroad.

 

 

Lunes nang ibalita ng Singapore-based voter na si Cheryl Abundo na may shade na agad ang nakuha niyang balota nang boboto sana para sa 2022 national elections. Bandang 9 a.m. daw nang mangyari ang insidente.

 

 

“Kakatapos lang bumoto sa embahada. The ballot I received came pre-shaded. Nang binalik ko para palitan, ito raw ay spoiled ballot from yesterday,” wika niya sa isang social media post kanina.

 

 

“It could be an honest mistake pero hindi dapat inaallow na mangyari ang mga ganitong pagkakamali. Be vigilant and report to the watchers and marshalls if it also happens to you.”

 

 

Sinabihan naman daw siya ng poll watcher na na sinabihan ng reklamo na vinoid at minarkahan na ang barcode ng ibinalik niyang balota.

 

 

Nababahala tuloy ang maraming botante sa ngayon na maaaring may nangyayari nang dayaan sa eleksyon bago pa man ang Mayo, kung kailan ikakasa ito sa Pilipinas mismo.

 

 

Ayon naman sa Philippine Embassy in Singapore, “isolated incident” lang daw ang nangyari. Gayunpaman, pinabulaanan nila ang ilang “unverified sources” na maraming pre-shaded ballots ang naipamahagi.

 

 

“It has come to the attention of the Philippine Embassy that some unverified sources allege that pre-shaded ballots have been given to voters who came to the Embassy to cast their vote today. This is not true,” ayon sa embahada.

 

 

“The Embassy is aware of only one (1) incident wherein one (1) spoiled ballot from yesterday’s voting exercise was inadvertently and unintentionally given to a voter this morning. This was subsequently recorded in the official OVF No. 11-A (Minutes of Voting for AEWS Voting Posts).”

 

 

Sa isang press briefing kasama ang media, sinabi ni Comelec commissioner George Garcia na wala pa raw silang natatanggap na opisyal na ulat pagdating sa reklamo ng pre-shaded na balota.

 

 

“Wala po kaming natanggap na report kahit sa ating post, kahit na kaming mga opisyal natin dun sa Singapore and therefore, fake news po iyun. May kumakalat rin po na sa Dubai daw meron ding [pre-shaded ballot],” ani Garcia kanina.

 

 

“Meron kasing tinatawag na minutes of voting. Ang tanong ko, and baka ika-countercheck ko kung totoo ang sinasabi niya, ‘yun bang pre-shaded na balota at ‘yung incident na ‘yun, na-report ba ‘yun sa minutes of voting?”

 

 

“Kasi kung walang na-report sa minutes of voting at wala ring nakita ‘yung watcher… isa lang ang ibig sabihin: hindi po totoo ‘yung sinabi niya [nag-aakusa].”

 

 

Ibeberipika raw ngayon ni Garcia kung talagang naiulat ito sa minutes. Kung wala raw kasi, ibig sabihin ay walang nagreklamo.

 

 

Nananatiling “best evidence” daw ng mga kaganapan ng eleksyon ang mga naturang minutes, kung kaya’t mahalaga raw na nailagay ito kung totoo.

 

 

“I’m verifying with the poll watcher I reported to if it was included in the minutes. I also sent an email to comelec and the embassy,” sabi ni Abundo.

 

 

“Pinapabasa raw niya yung minutes and she’ll update me.”

 

 

Pinayuhan naman ni Comelec commissioner Marlon Casquejo ang lahat na i-report agad-agad sa otoridad kung makakikita ng iregularidad ang mga botante para madaling maaksyunan ang isyu.

 

 

“Kapag nakita na ng botante na may shaded ballots na, hindi na dapat tatanggapin ni botante ‘yon. So automatic dapat ire-report niya agad… Sasabihin niya, ‘Maam/sir, may shade na po ‘yung balota. Bakit ganoon?'” dagdag ni Casquejo.

 

 

“Kapag umalis na si botante without any opposition as to the ballots, then there is a presumption already na malinis ‘yung balota na natanggap niya. Kapag pumunta na siya sa voting booth… Tapos binalik niya, sasabihin niya pre-shaded na ito, may nakasulat na, hindi na katanggap-tanggap ‘yun na rason.”

 

 

Ayon kay Abunda, sinabi niya raw ito sa poll watchers sa site matapos bumoto. Sambit naman ng Casquejo, karaniwan ay sinusulatan ng “spoiled” ang balota kung nanggaling ito noong mga nakaraang araw pa.

 

 

Linggo nang magsimula ang overseas absentee voting sa ibayong dagat. Tinatayang nasa 1.6 milyong botanteng Pinoy ang rehistrado sa ibang bansa. Matatandaang nasa 2 milyong Pilipino ang umuwi ng bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Lakers coach Frank Vogel sinibak sa puwesto – report

Posted on: April 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINIBAK na sa puwesto ang head coach ng Los Angeles Lakers na si Frank Vogel.

 

 

Ito ay matapos ang bigong pagpasok sa NBA playoffs ng Lakers ngayong season at nagtapos ngayong season na mayroong 33 panalo at 49 na talo.

 

 

Naging coach ng Lakers si Vogel noong 2019 kapalit ng tinanggal na coach na si Tyronn Lue.

 

 

Napag-kampeon nito ang Lakers noong 2019-2020 ng talunin nila ang Miami Heat sa ika-anim na laro.

 

 

Habang nabigo ang Lakers sa Phoenix Suns sa first round ng playoffs noong 2020-2021.

 

 

Naging malaking hamon aniya kay Vogel ang season ngayon dahil sa marami sa kanilyang manlalaro ang dumanas ng injury.

Ads April 13, 2022

Posted on: April 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Pekeng sex video ng anak ni Robredo kinondena

Posted on: April 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KINASTIGO ng kampo ni 2022 presidential candidate at Bise Presidente Leni Robredo ang diumano’y kumakalat na online links patungkol sa “mahahalay” na video diumano ng anak niyang si Aika — bagay na wala raw katotohanan.

 

 

Lunes nang kumalat ang naturang mga ulat. Sa kabila nito, walang laman ang mga naturang link na lumalabas sa Google.

 

 

“Links to an alleged sex video are circulating around the twitterverse. This is a malicious fabrication and we have reported it to the platforms concerned para matake-down,” ayon kay Barry Gutierrez, tagapagsalita ng bise kanina.

 

 

“Our lawyers are studying our options for legal action.”

 

 

Wika pa ni Gutierrez, dapat tingnan ang naturang isyu bilang nasuklan-suklam at “kadiring” distraction ngayong lumalakas ang momentum ng kanilang kampo.

 

 

Kamakailan lang kasi nang tumaas si Robredo sa surveys, habang umabot naman sa 220,000 ang bilang ng mga dumalo sa campaign rally nila sa Pampanga nitong weekend.

 

 

“Ang mas malalim na goal ng ganitong tactic, ‘yung manggigil tayo at magwala sa social media. Para awayin natin ang mga tao at hindi tayo maka-convert,” banggit pa ni Gutierrez.

 

 

“Kaya nga ang tamang response dito: Hold the line tayo para sa pag-ibig. Be firm but kind sa pagtatama ng disinformation, kahit gaano ito kawalanghiya.”

 

 

Umaasa naman ang kanilang kampo na mapapanagot ang nagkakalat ng mga nasabing tsismis lalo na’t malinaw itong krimen.

 

 

Sa ilalim ng Republic Act No. 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009, maaaring makulong ng hanggang pitong taon at pagmultahin ng hanggang P500,000 ang mga nagkakalat ng nude photos at videos nang walang pahintulot.

 

 

Kasalukuyang no. 1 trending sa Philippine Twitter ang #ProtecttheRobredos habang sinusulat ang balitang ito.

 

 

Ayon naman kay Robredo, hindi sila magpapatalo sa naturang isyu at tuloy-tuloy lang na magtratrabaho sa gitna ng kontrobersiya.

 

 

“Best antidote to fake news is the TRUTH. Let us not lose focus,” ayon sa kanya ngayong hapon.

 

 

“This was how I survived the last 6 years.”

 

 

Binanatan din ng senatorial candidate na si Chel Diokno ang mga naglipanang kabastusan laban kay Aika, na siyang sinyales lang daw na “desperado” na ang kanilang mga kaaway.

 

 

Sa kabila nito, walang binanggit si Diokno kung sino ang kanilang pinaghihinalaang nagpapakalat nito.

 

 

“Alam nating desperado na sila dahil sa paglakas ni VP, but it takes a special kind of evil to resort to misogynistic attacks against the kids,” wika ng lawyer turned senatoriable.

 

 

“Ito ba ang uri ng pulitika na gusto natin para sa ating mga anak?”

 

 

Marso lang nang sabihin ni VP Leni na nakakatanggap ng pambabastos ang kanyang mga anak, na panay mga babae gaya na lang nina Aika, Tricia at Jillian.

 

 

Pebrero lang nang lumabas ang mga datos na si Robredo ang pinakamadalas targetin ng disinformation bago ang eleksyon. (Daris Jose)

Sixers Joel Embiid nagtala ng kasaysayan matapos tanghalin bilang scoring champion sa NBA

Posted on: April 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

OPISYAL nang kinilala ng NBA ang Philadelphia 76ers superstar na si Joel Embiid bilang scoring champion.

 

 

Sa huling game ngayong araw bilang regular season finale nakapagtala ng average na career high sa 30.6 points per game si Embiid.

 

 

Naging dikitan ang agawan nina Embiid sa titulo kay dating NBA MVP na si Milwaukee Bucks star Giannis Antetokounmpo na may average na 29.9 points per game.

 

 

Meron din sanang tiyansa si Los Angeles Lakers star LeBron James sa titulo dahil sa kanyang average na 30.3 points per game ngayong season.

 

 

Gayunman, kulang sa 58 games ang hindi inilaro ni LeBron bunsod ng injuries.

 

 

Si Embiid na ipinanganak sa bansang Cameroon, ang siyang unang international player na nanalo sa NBA scoring title.

 

 

Siya rin ang unang center na nagbulsa ng award na huling nasungkit ng basketball legend na si Shaquille O’Neal noon pang ‎1999-2000 season.

Pumirma ng pre-nup agreement ang dalawa: Anak nina DAVID at VICTORIA BECKHAM na si BROOKLYN, ikinasal na kay NICOLA PELTZ

Posted on: April 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGING mas makabuluhan ang 16th birthday ng Sparkle star at bida ng Raya Sirena na si Sofia Pablo.

 

 

Imbes na magkaroon siya ng bonggang birthday celebration, simple lang daw ang naging celebration niya sa bahay at ang maraming natanggap niyang regalong pagkain mula sa kanyang mga kaibigan, kamag-anak at sponsors sa social media ay pinamigay niya sa maraming taong nangangailangan.

 

 

Kasama ang kanyang pamilya, umiikot si Sofia sa ilang lugar at namigay ng ayudang pagkain sa mga madaan nilang mga bata at nangangalakal.

 

 

Nagsimula na kasi sa kanyang hectic taping ng Raya Sirena si Sofia kaya pinagpaliban na muna niya ang pinlano niyang cruise at ATV (All Terrain Vehicle) party kasama ang mga kaibigan.

 

 

Bago siya nag-taping, nagkaroon si Sofia ng Sweet Sixteen princess-theme photo shoot para sa kanyang birthday. Inayusan siya bilang modern-day version of Ariel from the Little Mermaid and Belle from Beauty and the Beast.

 

 

Ang naging comment lang ng kanyang ka-loveteam na si Allen Ansay sa photo shoot ay “ganda mo”.

 

 

***

 

 

KINASAL na ang panganay na anak nina David at Victoria Beckham na si Brooklyn Beckham sa fiancee nitong si Nicola Peltz.

 

 

Naganap ang wedding nila sa oceanside front lawn ng Palm Beach, Florida estate na pag-aari ng magulang ni Peltz.

 

 

Kabilang sa mga guest nila ay sina Serena Williams, Gordon Ramsay, Mel C, Rachel Zoe at Eva Longoria.

 

 

Beckham had six groomsmen (including his brothers Romeo and Cruz), samantalang si Peltz ay may six maids of honor (including Beckham’s sister Harper).

 

 

Suot ng mother of the groom na si Victoria ay slate-gray satin gown, at ang father of the groom na si David naka-traditional tux.

 

 

Bago raw ang wedding, pumirma raw ng pre-nup agreement ang dalawa.

 

 

Kung ang net worth ni Beckham ay 7.6 million dahil sa kanyang mga endorsement at social media work, anak naman ng billionaire ang kanyang actress-wife na si Peltz.

 

 

Ang ama ni Nicola ay si Nelson Peltz na may net worth na $1.6 billion at gumastos ito ng $4 million a wedding nila Brooklyn at Nicola.

(RUEL J. MENDOZA)

Maging alerto vs COVID-19 ngayong Semana Santa – DOH

Posted on: April 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN ang Department of Health (DOH) sa lahat ng Pilipino na panatilihin ang pagsunod sa ‘minimum public health standards’ sa paggunita sa Semana Santa at ipinaalala na nananatili pa rin ang COVID-19 sa bansa.

 

 

Kabilang sa ibinilin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ay ang palagiang pagsusuot ng face mask, isolation kapag nakaramdam ng sama ng pakiramdam, tiyakin na maayos ang sirkulasyon ng hangin sa lugar na ginagalawan, at doblehin ang proteksyon sa pagpapabakuna.

 

 

Muli rin niyang hinikayat ang mga Katoliko na itigil na ang pagpepenitensya dahil sa banta ng sakit gaya ng tetano at bacterial infection na dulot nito at hindi rin naman ito hinihikayat ng simbahang Katolika.

 

 

Pinapayuhan din ng DOH ang publiko na iwasan ang paghalik sa mga santo at santa at iba pang imahen at poon sa ating mga simbahan dahil maaari itong maging paraan ng virus transmission.

 

 

Sa kabila na isa sa pinaka-importanteng pagdiriwang ang Mahal na Araw, dapat alalahanin din ng publiko na nandiriyan pa rin ang virus na mas nakakahawa na ngayon dahil sa naglalabasang variants nito.

Kung si Barbie ang Primetime Princess ng GMA: SHAYNE, nagulat nang ipinakilalang ‘Afternoon Prime Drama Princess’

Posted on: April 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SI Barbie Forteza ang kinikilalang Kapuso Primetime Drama Princess, ngayon, si Shayne Sava, ang StarStruck 7 Ultimate Female Survivor, ay siya namang tinaguriang GMA Afternoon Prime Drama Princess.

 

 

Ikinagulat ito ni Shayne nang i-introduce siya sa zoom mediacon ng upcoming GMA Afternoon Prime Drama Princess sa ganoong title.  Hindi raw siya makapaniwala.

 

 

In fairness naman kasi kay Shayne, mukhang pagiging dramatic actress ang magiging forte niya. Second series pa lamang ito ni Shayne, after niyang gawin ang Legal Wives noon, na hinangaan na ang pag-arte niya.

 

 

Ngayon ay binigyan na si Shayne ng mas malaking role na gagampanan, at kasama pa niya ang isang mahusay na comedienne at actress na si Ms. Ai Ai delas Alas.  Gananap silang mag-ina, at sabi nga sa teaser, “ang ina, naging anak, at ang anak, naging ina.”

 

 

Hindi naging madali kina Ai Ai at Shayne ang very challenging roles na ginampanan nila, physically, emotionally and mentally draining, kaya pareho silang nag-consult sa psychiatrist at neurologist at nagkaroon din sila ng immersion program para magampanan nila nang maayos ang kani-kanilang role.

 

 

Ang Raising Mamay ang siyang papalit sa Little Princess simula sa April 25 after Prima Donnas.

 

 

***

 

 

THANKFUL si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, dahil ilang weeks pa lamang napapanood araw-araw ang tinaguriang family game show ng bayan, ang Family Feud, ay nagri-rate na sila dahil bukod sa umaapaw na papremyo nilang ipinamimigay, umaapaw din ang saya.

 

 

Kapag pinapanood ngang mag-host si Dingdong, matatawa ka dahil siya ang unang tumatawa sa mga tanong na binabasa niya.  Kaya hindi kataka-taka kung ang Family  Feud YouTube channel ay magkakaroon na ng silver play button.

 

 

Ang Family Feud, ay isa sa napapanood sa YouLOL, ang official Comedy Channel ng GMA, kasama rito ang Pepito Manaloto, Bubble Gang, at The Boobay and Tekla Show.  Umabot na sila sa more than one million viewers, kaya makatatanggap na sila ng Gold Play Button.

 

 

Masaya lalo si Dingdong dahil tuloy na ang pagkakaroon nila ng wifey niyang si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ng bagong show na matagal nang hinihintay ng kanilang mga fans and followers.

 

 

Ang sitcom nilang Jose and Maria Bonggang Villa, ay every Saturday lamang namang mapapanood, simula sa May 14, pagkatapos ng Pepito Manaloto at papalitan nila ang Agimat ng Agila ni Bong Revilla, na magtatapos na sa May 7.

 

 

Sinu-sino kaya ang bubuo sa cast ng sitcom na isa sa mga shows na mapapanood sa #LoveTogetherThisSummer sa GMA-7.

 

 

***

 

 

TULUY-TULOY ang regular taping nina Bea Alonzo at Alden Richards ng first team-up nila sa GMA Network, ang Start-Up na Philippine adaptation ng top rating Korean drama series.

 

 

Today ang last taping nila, in observance of the Holy Week, at sa Monday, April 18, na sila magri-resume ng taping.

 

 

Sa kanyang farm sa Iba, Zambales magpapalipas ng Holy Week si Bea, at si Alden naman ay itutuloy niya ang mga panata niya tuwing Semana Santa, sa kanila sa Sta. Rosa, Laguna.

 

 

Ang Start-Up ay mula sa direksyon nina Jerry Sineneng at Dominic Zapata.

(NORA V. CALDERON)