• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 16th, 2022

Grateful na kasama ang ibang Pinoy sa Asian-American project: KC, kinumpirma na bibida sa ‘Asian Persuasion’ bilang kapalit ni TONI

Posted on: April 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA IG post ni KC Concepcion nakumpirma na ka-join na siya sa cast ng upcoming American movie na Asian Persuasion na directorial debut ni three-time Tony Awards and Grammy Awards winner Jhette Tolentino.

 

 

Ipinost ng primera prinsesa ni Megastar Sharon Cuneta ang screengrab ng article sa Variety Magazine na kung saan kasama niya ang iba pang Filipino co-actors na sina Dante Basco, Paolo Montalban at Jax Bacani.

 

 

Kasama rin sa movie sina Apl.de.Ap, Yam Concepcion, Fe delos Reyes, Tony Labrusca at Rex Navarrete.

 

 

Caption ni KC sa kanyang IG post, “Onto day 3 of filming @asianpersuasionfilm! Thank you for joining us on this new journey.

 

 

“Grateful to be part of this Asian-American project, with our amazing cast & crew.”

 

 

Ayon sa report ng Variety, pinalitan ni KC ang TV host-singer at aktres na si Toni Gonzaga bilang lead star ng Asian Persuason.

 

 

Ang romantic comedy na kinukunan sa New York, “‘Asian Persuasion’ features a diverse, primarily Asian cast and seeks to elevate, inform and inspire the Asian narrative,” base sa article.

 

 

Tungkol ito sa buhay ni Mickey na isang chef na sinusubukan na I-overcome ang isang trahedya habang ini-establish ang Michelin-rated Filipino restaurant.

 

 

Last April7, may bonggang birthday post nga si KC tungkol sa gagawin niyang international movie.

 

 

Say nga ng anak ni Gabby Concepcion, “being back on set for my birthday, doing what I’ve always loved, is a celebration in itself… Please, do what makes you happy – what makes you feel alive!!!

 

 

“Coming back to acting + living in New York for work is another dream come true. Keep dreaming new dreams loves.

 

 

“Love ko kayo!”

 

 

***

 

 

SAMPUNG kabataang filmmakers ang napili bilang lumahok sa ikalimang edisyon ng Sine Kabataan Short Film Lab and Festival.

 

 

Bawat isa ay makatatanggap ng PHP 100,000 bilang pondo sa produksyon ng kanilang mga short films.

 

 

Ang Sine Kabataan ay isang kompetisyon para sa mga kabataang filmmaker handog ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na nagbibigay ng pagkakataon sa mga nagsisimulang filmmakers na ipakita ang kanilang mga talento at gayundin ay linangin pa ang kanilang pagkamalikhain at orihinalidad sa pagkukuwento habang binibigyang pansin ang mga isyu na nararanasan ng mga kabataan sa kasalukuyan.

 

 

Ang 20 shortlisted na mga story concepts ay dumaan sa intensibong online Story Development Lab. Binigyan din ang filmmakers ng training kung paano buuin ang messaging at branding ng kanilang mga proyekto sa Pitching Lab.

 

 

Pagkatapos ng Sine Kabataan Pitching Showcase noong Marso 27, ang Selection Committee na binubuo nina Director JP Habac, Producer Armi Cacanindin, at FDCP Executive Director Ria Anne Rubia ay pumili ng 10 finalists mula sa 20 na proyekto.

 

 

Ang mga finalist ay sumailalim sa Safe Filming Lab kasama ang mga finalist ng CineIskool, isa pang proyekto ng FDCP para sa mga kabataang filmmaker, noong Abril 2. Ang sampung Sine Kabataan finalists ay sasailalim din sa Editing Lab bago ang kanilang final showcase sa 2022 Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), ang banner project ng FDCP.

 

 

“In order for our young and aspiring filmmakers to flourish in this industry, we need to equip them with the necessary tools and skills to further develop their craft and provide the platform where they can share their projects. This is what Sine Kabataan is keen on providing through its platform and intensive film labs. This year, we are proud that the selected finalists chose to tackle relevant issues to the youth using their fresh perspectives.

 

 

“Congratulations to our young filmmakers, we hope that this experience will jumpstart their filmmaking journeys,” sabi ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño.

 

 

Ang sampung napiling proyekto mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao ay tumatalakay sa mga temang coming-of-age, usaping panlipunan, digital technology, at isyung pangkalikasan. Kabilang sa lineup ngayong taon ang mga entries na may animation, mixed media, at mixed live na format.

 

 

Ang ten official finalists ay ang Ami ug Migo (Ami and Migo) ni Karina Jabido, Anak ng Santol ni Karen Israel, Back Home ni Anna Katrina G. Velario, Boy Kilat ni Faith Anne Aragon, Friends and Rainy Days ni Raiza Masculino, HM HM MHM nina Kim Rivera Timan at Samantha Pauline Villa-Real, Kalumbata (Philippine Eagle) ni Ryan C. Cuatrona, No More Crying 毋通閣吼咯  ni John Peter C. Chua, Tong Adlaw Nga Nag-Snow Sa Pinas (The Day It Snowed in the Philippines) ni Joshua Caesar Medroso, at Unsolved Equation ni Dexter Paul De Jesus.

 

 

Ang ikalimang edisyon ng Sine Kabataan film labs at festival ay idaraos nang hybrid format. Idinaos online ang nakaraang dalawang edisyon nito at ipinalabas nang libre sa FDCP Channel ang festival. Nagsimula ang Sine Kabataan bilang isang film competition lamang para sa mga kabataang filmmakers.

 

 

Pangalawang pagkakataon na ito na ang Sine Kabataan ay may kasamang intensibong lab sessions para sa mga kalahok nito.

(ROHN ROMULO)

Nag-Balesin dahil free si Gov. Chiz: HEART, nagpa-wow na naman sa mga suot na two-piece swimsuit habang nagpapa-araw

Posted on: April 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAG-POST si Kapuso actress at style icon Heart Evangelista sa kanyang Instagram habang nagpapaaraw sa Balesin Island.

 

 

Napa-wow na naman ang netizens sa suot long-sleeved bikini top matched with a bikini bottom at caption ni Heart, “She needed that vitamin sea.”

 

 

Sumunod na IG post naman ni Heart ay ang two-piece zebra print swimsuit na kung sa lalong lumabas ang kanyang kaseksihan.

 

 

Nagpunta si Heart and her team sa Balesin for a quick getaway, since wala munang campaign ang husband niyang si Sorsogon Governor Chiz Escudero na kandidato naman ngayong bilang Senador.

 

 

Matatandaan na special place for Heart and Gov. Chiz ang Balesin dahil dito sila ikinasal  seven years ago. Doon din sila nag-celebrate ng kanilang seventh wedding anniversary last February.

 

 

***

 

 

IPINAKILALA na ng GMA Network ang star-studded cast ng Philippine adaptation ng Start-Up, ang top-rating Korean drama of the same title, na tiyak na mamahalin din ng mga Kapuso viewers, gabi-gabi.

 

 

The series will star Kapuso prime stars, Bea Alonzo and Alden Richards.

 

 

Si Bea ay si Danica ‘Dani’ Sison, sweet at maalaga sa kanyang lola, na tanging kasama niya sa buhay, kaya naging palaban si Dani sa kahit anong pagdaanan niyang pagsubok.

 

 

Si Alden ay si Tristan “Good Boy” Hernandez, matalino at madiskarte, kahit mag-isa na lamang siya sa buhay, pero tinutulungan siya ng isang matandang babae, si Lola Joy.

 

 

Si Yasmien Kurdi bilang Katrina “Ina” Diaz, nakatatandang kapatid ni Dani, strong at ambitious, pero ‘di tulad ni Dani, she is cold and independent at si Jeric Gonzales bilang Davidson “Dave” Navarro, matalino pero hindi sapat ang kaalamang magpatakbo ng negosyo.

 

 

Si Ms. Gina Alajar naman ay si Lola Ligaya, “Joy Sison,” selfless at mapagmahal na lola nina Danica at Katrina, may-ari ng “Banana Sa-Wrap” na makakabili ka ng iba’t ibang klaseng turon.

 

 

Si Boy 2 Quizon bilang si Wilson Espiritu, mabait, matalino at funny, kaibigan ni Dave at si Royce Cabrera ay si Jeff Katipunan at best friend nina Dave at Jeff, mas seryoso kaysa kay Wilson. College friends silang tatlo na may-ari ng Three Sons Tech.

 

 

Kasama rin si Kim Domingo bilang Stephanie Rios, matalino, mayaman at sosyal na lawyer at designer.

 

 

Nagsimula nang mag-taping ang Start-Up sa direksyon nina Jerry Sineneng at Dominic Zapata, at may tentative airing na sila ng July, 2022.

(NORA V. CALDERON)

118 na ang mga nasawi sa Eastern Visayas dahil sa bagyong Agaton

Posted on: April 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Patuloy pang nadadagdagan ang bilang ng mga indibidwal na kumpirmadong patay sa pananalasa ng bagyong Agaton sa Eastern Visayas region.

 

 

Sa isang pahayag ay kinumpirma ni Easter Visayas Regional Police spokesperson Colonel Ma. Bella Rentuaya na batay sa kanilang partial report ay umabot na sa 113 ang bilang ng mga nasawi nang dahil sa kalamidad.

 

 

Aniya, 86 dito ay mula sa lungsod ng Baybay, habang nanggaling naman sa bayan ng Abuyog sa Leyte ang 32 mga indibidwal na nasawi, at isa naman ang naitalang namatay sa bayan ng Motiong sa Samar.

 

 

Pagguho ng lupa nang dahil sa malakas na mga pag-ulan ang itinuturong dahilan ng pagkamatay ng mga residente sa Baybay at Abuyog matapos itong matabunan ng mga nawasak ng na mga gusali na dahil pa rin sa nangyaring sakuna.

 

 

Sa ngayon ay nasa 117 katao pa ang pinangangambahang nawawala sa Babay City, at nasa 128 na mga indibidwal naman sa Leyte.

 

Nasa 236 na mga indibidwal naman ang sugatan nang dahil sa bagyo, ayon sa mga awtoridad.

 

 

Samantala, ang nasabing datos na ito na naitala sa nasabing rehiyon ay ‘di hamak na mas mataas kumpara sa datos na nakalap ng National Disaster Risk Reduction and Management Councit (NDRRMC) kung saan ay nasa 76 mga indibidwal pa lamang ang mga naitatalang death toll nationwide nang dahil sa pananalasa ni “Agaton.”

Ads April 16, 2022

Posted on: April 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Mga aktibong kaso ng COVID-19, posibleng pumalo sa 500,000 sa kalagitnaan ng Mayo – DOH

Posted on: April 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko hinggil sa patuloy na pagbaba sa pagsunod sa minimum public health standards (MPHS) ay posibleng magdulot sa muling pagsipa ng bilang ng mga kaso ng COVID-19.

 

 

Ipinahayag ito ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kasabay nang pagsasabing ang kapabayaan na ito ay maaaring magresulta sa muling pagtaas sa nasa 500,000 na aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa sa kalagitnaan ng buwan ng Mayo.

 

 

Batay kasi sa datos na nakalap ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases’ sub-Technical Working Group on Data Analytics, kasabay nang pagbaba ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa noong Marso at Abril ngayong taon ay nagkaroon din ng pagbaba sa pagsunod sa mga ipinatutupad na minimum public health standard sa bansa.

 

 

Dahilan ng posibleng paghantong nito sa pagtaas muli ng mga aktibong kaso sa bansa.

 

 

Sa mga pagsusuri, lumalabas na ang 20% pagbaba sa pagsunod sa health protocols ay posibleng magresulta sa humigit-kumulang 34,788 na mga aktibong kaso ng nasabing virus pagsapit ng kalagitnaan ng Mayo.

 

Habang nasa tinatayang 300,000 naman na mga active cases ang maaaring kahantungan ng 30% na pagbaba sa pagsunod sa health protocols, at posible pa itong tumaas hanggang 500,000 sa oras na magkaroon naman ng 50% ng mga pagbaba sa pagsunod sa nasabing protocols.

 

 

Samantala, upang mapigilan ang transmission at mutation ng mga virus ay muling hinikayat ni Vergeire anglahat na manatili sa pagsusuot ng face mask, isolating kapag may sakit, dagdag proteksyon sa pamamagitan ng pagpapabakuna ng boosters na up to date, at gayundin ang maayos na air ventilation.

 

 

Magugunita na una nang nagpaalala ng husto ang mga kinauukulan hinggil sa pagpapabakuna ng booster shot para sa dagdag na proteksyon laban sa nasabing virus sa kabila ng patuloy na paghupa ng mga kaso nito sa bansa.

Kaabang-abang ang una nilang pagtatagpo: ANDREA, natuloy na rin sa paglabas sa top-rating sitcom ni JOHN LLOYD

Posted on: April 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TULOY na ang paglabas ni Andrea Torres sa top-rating sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA na Happy ToGetHer.

 

 

Sa bandang ending ng episode ng naturang sitcom noong nakaraang April 10, ni-reveal na magiging next celebrity guest ay walang iba kundi si Andrea.

 

 

Simula noong mapag-usapan ang gagawin na sitcom na ito ni JLC sa GMA, si Andrea na ang unang banggit na itatambal sa aktor. Gawa na rin nang pagkaka-link ng kanilang mga ex na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna, na ngayon ay mag-asawa na.

 

 

Pero walang kumpirmasyon noon kung tuloy si Andrea dahil sa sunud-sunod nitong trabaho, pero excited itong makatrabaho si JLC. Kahit si JLC, clueless sa kung sino ang makakasama niya sa kanyang sitcom, pero welcome daw si Andrea na makasama niya sa show.

 

 

Noong magsimula na ang sitcom, iba’t ibang aktres ang naging special guest si JLC tulad nina Jasmine Curtis-Smith, Faith da Silva, Julie Anne San Jose, Bianca Umali, Herlene “Hipon Girl” Budol, Rhian Ramos, Faye Lorenzo, Michelle Dee, Athena Madrid, Sofia Pablo, Althea Ablan, at Michelle Dee.

 

 

Kaya bukas, April 17 ay mapapanood na ang unang pagtagpo nina JLC at Andrea sa Happy ToGetHer. 

 

 

***

 

 

NAGPASABOG sa social media si Britney Spears nang i-announce nito na siya ay buntis.      Ito ang magiging first baby nila ng kanyang fiance na si Sam Asghari. 

 

 

May dalawang teenage sons ni Britney na sina Jayden (16) at Preston (15) na anak niya sa ex-husband niyang si Kevin Federline.

 

 

Inanunsyo ng 40-year old former Teen Pop Queen ang kanyang pagiging buntis sa Instagram na ikinatuwa ng kanyang 40 million followers:

 

 

“I lost so much weight to go on my Maui trip only to gain it back … I thought “Geez … what happened to my stomach ???” My husband said “No you’re food pregnant silly !!!” So I got a pregnancy test … and uhhhhh well … I am having a baby … 4 days later I got a little more food pregnant. It’s growing !!! If 2 are in there … I might just lose it … I obviously won’t be going out as much due to the paps getting their money shot of me like they unfortunately already have … it’s hard because when I was pregnant I had perinatal depression … I have to say it is absolutely horrible … women didn’t talk about it back then … some people considered it dangerous if a woman complained like that with a baby inside her … but now women talk about it everyday … thank Jesus we don’t have to keep that pain a reserved proper secret … This time I will be doing yoga every day !!! Spreading lots of joy and love!!!”

 

 

Umani ng 1.3 million likes ang post na ito ni Britney.

 

 

Ang kanyang fiance na si Sam ay pinost ito sa kanyang IG: “Marriage and kids are a natural part of a strong relationship filled with love and respect. Fatherhood is something I have always looked forward to and I don’t take lightly. It is the most important job I will ever do.”

 

 

Matagal nang gustong magkaanak ulit ni Britney pero dahil sakop noon ng kanyang conservatorship pati ang personal niyang buhay, pinagbabawalan siyang magbuntis.

 

 

Isa ito sa dahilan kung bakit pinatanggal na niya sa korte ang conservatorship sa kanya ng kanyang amang si Jamie Spears noong nakaraang taon.

 

 

“I would like to progressively move forward and I want to have the real deal. I want to be able to get married and have a baby. I have an IUD inside of myself so I don’t get pregnant. They don’t want me to have children — any more children,” sey ni Britney sa judge na nag-dissolve ng conservatorship nito noong November 2021.

(RUEL J. MENDOZA)

Mark Wahlberg Reveals Why ‘Father Stu’ Is His Most Important Film To Date

Posted on: April 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MARK Wahlberg, the star of the upcoming biographical drama Father Stu, reveals why he thinks it’s the most important film of his career to date.

 

 

Helmed by first-time director Rosalind Ross, Father Stu follows the real-life story of Father Stuart Long, a boxer-turned-priest who inspired myriad people in his journey from self-destruction to redemption. All the while, he was suffering from a degenerative muscle disease called inclusion body myositis.

 

 

Alongside Wahlberg, who plays the role of the protagonist, the film features a supporting cast that includes the likes of veteran actors Jacki Weaver (Silver Linings Playbook) and Mel Gibson (Braveheart, Mad Max), who play Stuart’s parents. Teresa Ruiz, Nico Nicotera, Annie Lee, and Cody Fern also feature in the film.

 

 

Father Stu marks Wahlberg’s first feature role since February’s adventure blockbuster Uncharted, which saw him star alongside Spider-Man: No Way Home‘s Tom Holland.

 

 

In his interview with TODAY, he explains that he made the movie at a time when he was pursuing his own “spiritual journey” and calls it the “greatest” role he has ever done.

 

 

According to the actor, “I was at a pivotal time in myself, in my own spiritual journey, and it’s certainly the most important film I have ever done. Obviously, it’s the greatest role that I ever got to play. It’s the first time I really had to go the extra mile to get a movie made.

 

 

I’ve had many turning points, eye-opening experiences, things that I’ve learned that have just kind of touched me and helped me get to the position that I’m in now. It was like, okay, how do I use the platform that I have now to give back and start to do service. And so, getting Stu’s word out there, continuing to promote his message, and just encouraging people to focus more on their faith and have hope. I certainly wasn’t put in this position for nothing. I just got to do more.

 

 

Producing Father Stu was no easy task for the Oscar-nominated actor, as he eventually had to put his own money into the project. This, along with the fact that Wahlberg gained 30lbs for the role, is proof of his commitment to the project. Being a lifelong devoted Catholic himself, it’s clear that Wahlberg drew parallels between his faith journey and Long’s, using his own experiences to help prepare for the part and send an important message to people going through similar struggles.

 

 

Wahlberg established himself as an actor early in his career after breakthrough appearances in The Basketball Diaries alongside Leonardo DiCaprio and in Paul Thomas Anderson‘s 1997 film Boogie Nights.

 

 

While he has leaned more towards action-packed roles of late (Uncharted, Spenser Confidential), he has portrayed multiple true-life figures over the years in acclaimed films such as 2010’s boxing drama The Fighter, 2013’s Lone Survivor, and 2016’s Deepwater Horizon, to mention a few.

 

 

Father Stu, however, clearly stands out as a passion project for the actor, and as the movie’s financier, Wahlberg is surely hoping that passion shines through when the movie hits theaters. (source: screenrant.com)

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)