• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 18th, 2022

BARMM, “greatest legacy” ni Pangulong Duterte sa mga Muslim- regional executive

Posted on: June 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ANG Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang itinuturing na “greatest legacy” ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Filipino- Muslims.

 

 

Kaya nga, hinikayat ni BARMM Chief Minister Ahod “Murad” Ebrahim ang kanyang mga nasasakupan na huwag kalimutan kung ano ang mga nagawa ni Pangulong Duterte para sa kanila pagdating sa pagkakaroon ng ‘homeland’ sa Mindanao.

 

 

“From the bottom of our hearts, thank you very much, Mr. President,” ayon kay Ebrahim sa isang kalatas.

 

 

Sa kabilang dako, pinangunahan ni Ebrahim  ang pagbubukas sa regular session ng 80-member Bangsamoro Transition Authority (BTA) parliament.

 

 

Sa nasabing event, pinaalalahanan ni Ebrahim ang Bangsamoro people na sa ilalim ng administrasyong Duterte naipasa ang  Bangsamoro Organic Law (BOL) na naging daan para maitatag ang BARMM.

 

 

Tinukoy ni Ebrahim  ang ilang ‘notable milestones’ ng BARMM para sa nakalipas na tatlong taon simula ng manumpa ang mga  BTA members para sa kanilang moral governance noong 2019.

 

 

“The regional government has been working tirelessly in building and running a government we can all proudly call Bangsamoro,” anito.

 

 

Inulit naman ni Ebrahim ang kahalagahan ng  public support sa panahon ng  transition period.

 

 

Sinabi pa rin niya na nahaharap sa maraming hamon ang regional subalit ito’y malalampasan sa pakikipagtulungan ng bawat isa.

 

 

“Some of these challenges cannot be resolved by BARMM alone, it needs continuing support from the national government, the international community, and local stakeholders,” ayon kay Ebrahim.

 

 

“What is primordial is to ensure that with the challenges and imperfections, we continue to thrust forward and major and small wins for the region,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

171 kabataang Bulakenyo, lumahok sa Summer Sports Clinic 2022

Posted on: June 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – May 171 kabataang Bulakenyo ang lumahok sa isinagawang Summer Sports Clinic 2022 Mass Graduation kamakailan sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito.

 

 

Ayon sa Provincial Youth, Sports, and Public Employment Service Office (PYSPESO), ginanap ang nasabing sports clinic sa Bulacan Sports Complex sa Brgy. Santa Isabel mula Mayo 16 hanggang Hunyo 10, 2022.

 

 

Anila, apat na mga aktibidad sa palakasan ang binuksan kabilang ang lawn tennis, badminton, basketball at swimming kung saan ang bilang ng mga nagparehistro ayon sa pagkakasunud-sunod ay 12, 18, 16 at 125.

 

 

Walang binayaran ang mga lumahok sa badminton habang nagbayad naman ng tig-P1,500 ang mga nag-enroll sa lawn tennis, basketball at swimming.

 

 

Tumanggap ng medalya, sertipiko ng pagtatapos at t-shirt ang lahat ng lumahok habang tumanggap naman ng sertipiko ng pagpapahalaga ang mga coach.

 

 

Binigyang diin naman ni Gob. Daniel R. Fernando ang kahalagahan ng pagsasagawa ng naturang mga isports hindi lamang sa pisikal na pangangatawan ngunit maging sa mental na kalusugan.

 

 

“Mahigit dalawang taon po tayong hindi nakalabas at nalimitahan kahit ang paglalaro ng iba’t ibang sports dahil sa pandemya at ngayon po ay nagkaroon tayo ng pagkakataon na muling magsagawa ng mga ganitong programa. Hangad po ng ating Pamahalaang Panlalawigan na maging aktibo ang ating mga kabataan sa palakasan upang makatulong hindi lamang sa pagkakaroon ng malusog na pangangatawan ngunit maging ng malusog na kaisipan,” ani Fernando.

 

 

Kasabay nito, kinilala at pinagkalooban din  ni Fernando ng tig-P5,000 perang insentibo  at plake ng pagkilala ang mga nagwagi sa 31st Southeast Asian Games na ginanap sa Hanoi, Vietnam kamakailan kabilang sina Bronze Medalist Jenaila Rose Prulla ng Lungsod ng  San Jose Del Monte para sa Women’s Tennis Team Event; Silver at Bronze Medalist Christian Joseph Jasmin ng Bustos para sa Lightweight Men’s Double Sculls at Men’s Lightweight Quadruple Sculls (Rowing); nasa Top 10  naman si Mark Lowel Valderama ng Santa Maria para sa Cycling Event; Bronze Medalist Jorey Napoles ng Calumpit para sa  3×3 Men’s Basketball; Bronze Medalist Jaron Requinton ng Santa Maria para sa Men’s Beach Volleyball Team Event; Gold Medalist Afril Bernardino ng Calumpit para sa Women’s 5×5 Basketball; 6th placer Richard Salaño  ng Marilao para sa Track  and Field Marathon; Silver Medalist Jhonny Morte ng Bustos para sa Men’s 65 kg Freestyle Wrestling; Gold Medalist Christine Ray Natividad ng Pandi para sa League of Legends, Wild Rift Women’s Team; Bronze Medalist Mark Mabazza ng Lungsod ng San Jose Del Monte para sa Assistant Coach and Physiotherapist of 3×3 Men’s Basketball at Gold Medalist Rogen Ladon ng Marilao para sa Men’s Boxing Team. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Ads June 18, 2022

Posted on: June 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Tuloy pa rin ang pakikipaglaban ni Cardo Dalisay: CHARO, pasok na sa ‘FPJAP’ at kaabang-abang magiging karakter

Posted on: June 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SO, hindi pa rin matatapos ang FPJ’s Ang Probinsyano dahil may bagong papasok na kaabang-abang ang karakter na gagampanan ni Ms. Charo Santos-Concio.

 

 

Sa teaser na inilabas ng Dreamscape Entertainment, ini-reveal ang pagpasok ng award-winning actress sa teleserye ni Coco Martin na nantunghayan na kagabi (June 17), na sinasabing, “Isang babae ang magsisilbing liwanag sa kanilang madilin nadaan!”

 

 

Tama nga ang sinabi ng isang nakausap namin na hindi pa matatapos ang FPJAP dahil marami pang mangyayari. Kung akala nung iba na mamatay na si Cardo eh heto at buhay pa rin ang famed character ng serye.

 

 

Kaya kahit na ‘yung di makapaniwala na mabubuhay pa si Cardo after siya mabaril eh nagtataka dahil kahit sobrang bugbog na si Cardo ay kaya pa rin nitong bumangon at makipaglaban.

 

 

Hindi pwedeng mamatay ang karakter ni Cardo dahil if that happens, tapos na ang serye.

 

 

So, kahit na may balita na mapapanood na ang Darna this July, patuloy pa rin ang pakikipaglaban ni Cardo at ng Task Force Agila.

 

 

***

 

 

CEO na si Angeline Quinto ng Twinqle, ang baby product line business na kanyang sinimulan habang ipinagbubuntis niya si Sylvio, ang kanyang firstborn.

 

 

Ginanap ang launching ng baby product line ni Angeline noong June 15, Miyerkoles sa Chantara Room ng Dusit Thana Hotel sa Makati City.

 

 

Naisipan daw ni Angeline ang magbukas ng online business selling na ito ng baby products para makatulong sa mga nanay na gustong kumita kahit na nasa bahay lang sila.

 

 

Bago pa lang siya nagbubuntis ay marami nang tanong si Angeline na health issues tungkol sa pag-alalaga ng sanggol. Siyempre gusto niyang maging handa sa pagiging isang ina.

 

 

Dati raw ay hindi siya maalaga sa kanyang sarili pero mula ang isilang niya si Sylvio ay naisip niya na dapat maging healthy siya for her son.

 

 

Sinabi ni rin Angeline na kinailangan din niyang mag-change ng lifestyle at mag-diet para maging healthy siya.

 

 

From being the Queen of Teleserye Theme Songs ay Mompreneur naman si Angeline ngayon with the launch of her baby product line.

 

 

“Siguro engaged ka na,” pabirong sabi ng tatlong natirang press people na nag-interview sa kanya after ng launching ng kanyang kompanya naTwinqle na ang specialty ay baby products.

 

 

Hindi itinanggi ni Angeline Quinto na engaged na siya sa father ni Sylvio.

 

 

Hindi naman tahasang inamin ni Angeline na engaged na nga siya, suot naman niya ang singsing na duda ng press ay engagement ring nila ng kanyang partner.

 

 

Hindi naman niya itinatago ang suot niyang singsing. It was there for us to see. Kaya nung tanungin niya kung paano nalaman ng tatlong press people na engaged na siya, ‘yung suot niyang singsing ang sagot doon.

 

 

***

 

 

KAHAPON ay pormal na iginawad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacanang ang parangal sa mga nahirang na National Artists.

 

 

Kabilang sa pinarangalan ay ang multi-awarded screenwriter na si Ricardo “Ricky” Lee.

 

 

Ayon sa kanya, Biyernes ng gabi (June 10, 2022) nang ipakita sa kanya ng kanyang assistant ang balita sa TV Patrol. Bago pa siya nakapag-react ay nagdating na ang mga text, calls at messages para batiin siya kaya wala siyang time to let it sink.

 

 

Pero na-realize daw niya na ang swerte niya dahil kasama niya sa paparangalan ang dalawang babaeng pinakamamahal niya sa industriya na sina Nora Aunor at Marilou Diaz-Abaya.

 

 

Ayon pa sa kanya, mahalaga raw ang karangalang ito hindi lang para sa kanya kundi para sa lahat ng scriptwriter, dahil madalas daw na director at artista lang ang naiisip kapag pelikula ang pinag-uusapan.

 

 

Ang karangalan daw na ito ay gentle reminder na mahalaga ring bahagi ng pelikula ang scriptwriter. Kaya sobra-sobra talaga ang kanyang pasasalamat sa kapwa niya mga artists na nagtiwala at nagbigay ng karangalang ito.

 

 

Sana ay muling gumawa ng pelikula sina Ricky Lee at Nora Aunor.

 

 

(RICKY CALDERON)

VEP, nais na mapabilang ang persons with comorbidities sa mabibigyan ng 2nd booster

Posted on: June 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAIS ng Vaccine Expert Panel (VEP) na makasama sa mabibigyan ng  2nd booster  ang mga persons with comorbidities.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni VEP chairperson Nina Gloriani na ang taong mayroong dalawa o higit pang sakit ay  “similarly vulnerable” sa malalang sakit na  coronavirus disease 2019 (Covid-19).

 

 

“We agree, we actually recommend na ‘yong mga may comorbidities (masama) kasi hindi rin natin malaman ano ang level ng immunocompromised na tinatawag sa comorbidity,” anito.

 

 

Tinukoy ni Gloriani ang kamakailan lamang na pag-aaral na nagpapakita na ang mga taong mayroong dalawa o higit pang sakit gaya ng diabetes at chronic respiratory illness, ang level ng immunocompromise ay mataas.

 

 

“Mas mataas ang immunocompromise ng taong ‘yon so kailangan nating ma-consider ‘yon sa pagbibigay ng second booster as well. Hindi necessarily sinabi nating parang wala siyang immunocompromise, kailangan malaman natin ‘yong medical status plus how many ba ‘yan,” anito pa rin.

 

 

Sa kasalukuyan, ang  immunocompromised persons na eligible para sa second booster ay kinabibilangan ng mga taong mayroong cancer, HIV/AIDS, primary immunodeficiency,  umiinom ng immunosuppressants, at mga nakatanggap ng organ transplant.

 

 

Samantala, batay sa pinakabagong data mula sa  Department of Health, makikita rito na pumalo na sa mahigit sa  580,000  ang eligible population, kabilang ang  healthcare workers at senior citizens na nakatanggap ng karagdagang boosters. (Daris Jose)

Advance Tickets for Marvel Studios’ Thor: Love and Thunder Now on Sale

Posted on: June 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

THE God of Thunder returns to the big screen with the local theatrical release of Marvel Studios’ “Thor: Love and Thunder,” the fourth installment in the Marvel Cinematic Universe’s ‘Thor’ saga.

 

 

Marvel fans can now buy their tickets in advance by checking the show timings at https://movies.disney.ph/thor-love-and-thunder and at the cinemas nearest them.

 

 

Marvel Studios’ Thor: Love and Thunder finds the God of Thunder (Chris Hemsworth) on a journey unlike anything he’s ever faced – one of self-discovery. But his efforts are interrupted by a galactic killer known as Gorr the God Butcher (Christian Bale), who seeks the extinction of the gods.

 

 

To combat the threat, Thor enlists the help of King Valkyrie (Tessa Thompson), Korg (Taika Waititi) and ex-girlfriend Jane Foster (Natalie Portman), who – to Thor’s surprise – inexplicably wields his magical hammer, Mjolnir, as the Mighty Thor. Together, they embark upon a harrowing cosmic adventure to uncover the mystery of the God Butcher’s vengeance and stop him before it’s too late.

 

 

Watch the official trailer: https://www.youtube.com/watch?v=pX2PO-LOXc0

 

 

Marvel Studios’ Thor: Love and Thunder is directed by Academy®-acclaimed filmmaker, Taika Waititi (“Thor: Ragnarok,” “Jojo Rabbit”) and produced by Kevin Feige and Brad Winderbaum. Chris Hemsworth and Tessa Thompson reprise their roles as Thor and Valkyrie. Academy® Award-winner Natalie Portman returns in the Thor franchise while Christian Bale joins the MCU with his new character.

 

 

Thor: Love and Thunder opens in Philippine cinemas on July 6, 2022. Join the conversations online by using the hashtag #ThorLoveAndThunderPH.

 

 

Directed by Taika Waititi (“Thor: Ragnarok,” “Jojo Rabbit”) and produced by Kevin Feige and Brad Winderbaum.

 

 

Thor: Love and Thunder opens in Philippine cinemas on July 6, 2022. Join the conversations online at #ThorLoveAndThunderPH

(ROHN ROMULO)

Hirit ng mga transport group na dagdag pasahe, posibleng madesisyunan – LTFRB

Posted on: June 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SIGURADO umanong bago ang Hunyo 30 ay makakapagpalabas na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng desisyon kaugnay ng hirit ng ilang transport group na dagdag pasahe.

 

 

Sinabi ni LTFRB executive Dir. Maria Kristina Cassion, sisikapin daw ng board na makapagpalabas ng desisyon hanggang sa katapusan ng buwan.

 

 

May kahilingan din umano ang mga jeepney operators na maging P2.50 ang kada kilometro.

 

 

Una rito, sinabi ni Cassion na pinag-aaralan na ng ng LTFRB ang hirit ng ilang transport group na dagdagan ng P5.00 ang minimum na pasahe sa mga public utility vehicle (PUV) sa bansa.

 

 

Isasagawa naman daw ang pagdinig sa petisyon sa Hunyo 28.

 

 

Aniya, hinihimay nila nang husto ang nilalaman ng petisyon sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

 

 

Sa petisyon aniya ng 1UTAK, Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Phillippines (ALTODAP) at Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), nais nilang gawing P14 ang minimum na pasahe mula sa dating P9.00 dahil wala na umano silang kinikita.

 

 

Idinahilan din ng mga transport group ang madalang na pasahero na ang karamihan ay sinamantala ang “Libreng Sakay” program ng gobyerno.

 

 

Matatandaang inaprubahan ng LTFRB ang P1.00 dagdag-pasahe sa mga PUV sa Metro Manila, Region 3 at Region 4. (Daris Jose)

‘Mag-ipon sa bangko, sa halip na sa alkansya’ – BSP

Posted on: June 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINIMOK ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na isaayos ang pag-iipon ngayong panahon ng pandemya.

 

 

Lumalabas kasi na marami ang nag-iipon ngunit nakalagay lamang ito sa mga piggy bank, jar o anumang container sa mga bahay.

 

 

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, maliban sa hindi ito nakakatulong sa pagpapalago ng ekonomiya, nagiging problema pa ng gobyerno kung magiging kalakaran na sa marami.

 

 

Nagiging limitado kasi ang umiikot na pera sa merkado dahil sa artificial shortage ng coins at bills.

 

 

“The unnecessary accumulation of banknotes and coins prevents Philippine currency from being recirculated and used as payment instrument,” wika ni Diokno.

 

 

Sa ganitong punto, napipilitan umano ang BSP na gumastos para sa paglalabas ng bagong mga pera na iikot sa merkado.

 

 

Para sa BSP head, mas may pakinabang sa estado at sa mismong nag-iipon kung ilalagak ito sa bangko.

 

 

Maliban sa iikot ang pera na mahalaga sa ekonomiya, nababantayan din umano ito sa pamamagitan ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) at nagkakaroon pa ng interest ang inilalagak na salapi.

Na-trigger sa comment ng netizen sa pagla-like ng ‘cheating post’: CARLA, ibinuhos na ang lahat ng galit pero nanahimik lang si TOM na durog na durog

Posted on: June 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TAHIMIK pa rin ang actor na si Tom Rodriguez sa mga pinakawalang statement ng actress na si Carla Abellana laban sa kanya.

 

 

 

Napakahaba nang naging statement ni Carla bilang sagot sa isang netizen sa kanyang Youtube vlog. Ang comment ng netizen ay ang tungkol sa pagla-like ni Carla sa “cheating” post ni AiAi delas Alas sa Instagram.

 

 

 

Mahaba ang naging reply ni Carla na part of her reply, “Opo, nag like po ako, pero yun lang po ang ginawa ko. Hindi ko na po yun inulit.”

 

 

 

Sey pa niya, “Ang taong lubos na nasaktan hirap pong pigilang hindi ilabas ang galit sa anumang paraan. I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed. I was made to look so stupid. Kung sana hanggang doon lang po makakabangon din po ako balang araw. Pero para gawan pa po ako at ang pamilya ko ng mas marami pang kasamaan at kataksilan sa mga sumunod na araw, linggo at buwan, sobra sa sobra na po ang sakit at pagdurog ng puso at pagkatao ko.

 

 

 

“Pero bukod po dun wala po akong ginawang masama kay Tom. Wala po akong binigay kay Tom kundi tunay na pagmamahal, respeto, pag-aalaga, pag-aaruga, pag-unawa, pagtitiis, sangatutak na pagpapatawad, milya-milyang pasensya, paniniwala, pagtiwala, pag-asikaso, pag-protekta, lahat-lahat na. Binigay ko po buong buhay ko sa kanya.”

 

 

 

Napakarami pang sinabi ni Carla na tila ibinuhos na lahat ng nararamdaman o galit dahil na-trigger ng isang netizen sa comment. At durog na durog halos si Tom.

 

 

 

Tahimik lang si Tom at hindi nagpo-post sa kanyang social media account. Pero ang legal counsel daw ng actor ay nagsabing “no comment” muna si Tom.

 

 

 

Sa isang banda, sa kabila ng mga ipinahayag ni Carla, nakapagtataka na hindi niya lubusang makuha ang simpatiya ng netizens. Binabasa namin ang mga comments, pero ang daming nega for Carla. May mga nagpapakita ng simpatiya kay Tom, pero meron din naman na nagpapalakas pa ng loob ni Carla.

 

 

 

Pero marami kaming nababasa na kung pitong taon itong nagtiis kay Tom, bakit daw, nagpakasal pa? Eh, ‘yung kasal pa naman nila, tumagal lang ng three months.

 

 

 

***

 

 

 

PARANG mas lalong nag-iba ang mindset at priorities ni Matteo Guidicelli simula nang ikasal sila ni Sarah Geronimo and in turn, si Sarah din naman ay tila nahahawa.

 

 

 

‘Di ba nga’t kakatapos lang ni Sarah ng baking course. Si Matteo naman, balita naman talaga na nakikipag-usap ito at nagpi-pitch ng project s sa GMA Network.

 

 

 

At bukod dito, heto at sinisimulan na ang bago nilang business, kasabay ng birthday ng nanay ni Matteo ay nag-ground breaking na sila ng bagong project.

 

 

 

Sey niya, “June 15 2022—our mamas birthday @glfguidicellu and the ground breaking of our new project, G STUDIOS! The building will rise soon and will welcome all content creators, advertisers, celebrities and just anyone and everyone who wants to use the space! See you at G Studios located in Landers Alabang.”

 

 

(ROSE GARCIA)

Paghuhubad sa maskara sa mga communist-terrorists, bahagi ng ‘sacred duty”

Posted on: June 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAGTANGGOL ng  National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang sarili nito mula sa panawagan ni Justice secretary Menardo Guevarra  na iwasan na ang red-tagging nang walang  konkretong ebidensiya.

 

 

Ang buwelta ni   NTF- ELCAC spokesperson Undersecretary Lorraine Badoy sa pahayag na ito ni Guevarra ay ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho na hubaran ng maskara ang mga “terorista”.

 

 

“At the NTF-ELCAC, we view it as our sacred duty to arm our countrymen with information and strip the masks off these terrorists who lie to steal our children away from us, who have murdered scores of our indigenous peoples and have damned the poorest among us,” ayon kay Badoy.

 

 

“Where they create confusion with their lies, we create clarity with the truth. Where they are loud and bold about their toxic lies, we are louder and bolder about the truth,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Nauna rito, hinikayat ni Guevarra ang NTF-ELCAC na ihinto na ang pang-rered tag nito o ang ginagawa nilang pang-uugnay sa isang indibidwal o grupo sa mga makakaliwang rebelde.

 

 

Sa Kapihan sa Manila Bay forum, sinabi ng kalihim na hindi nito suportado ang ginagawa ng NTF-ELCAC na pagli-link ng mga personalidad sa mga armadong komunista.

 

 

Aniya, hindi raw ito dapat ang polisiya ng task force na binuo ng gobyerno.

 

 

Giit ni Guevarra, kung wala namang ebidensya na susuporta sa kanilang red-tagging ay mas maiging ‘wag na lang silang magsalita.

 

 

Nalalagay daw kasi sa panganib ang buhay ng mga taong ito lalo na’t nagiging target sila kahit na nagbibigay lang naman sila ng opinyon laban sa gobyerno.

 

 

Iginiit ni Guevarra na hangga’t maaari, imbes na i-label ang mga tao ay maghain na lang ng karampatang legal na aksyon basta’t mayroon itong ebidensya’t patunay na may kaugnayan talaga sila sa mga rebelde.

 

 

Para naman kay Badoy, hindi dapat mahiya ang gobyerno na tawagin ang  mga sinasabing ” communist fronts”  bilang terror groups.

 

 

“What has grievously endangered our people is all those decades government reneged on its sacred duty, looked the other way and refused to identify members of the CPP NPA NDF–even if they already knew who these terrorists were,” ayon kay Badoy.

 

 

Sa hiwalay na kalatas, sinang-ayunana naman ng NTF-ELCAC Legal Cluster ang paalala ni Guevarra subalit iginiit na ang   “red-tagging” o pagbabansag  sa mga tao bilang  komunista  ay ginagamit lamang ng communists groups bilang depensa.

 

 

“We are happy to inform the SOJ that the NTF-ELCAC has been doing that for the past years. Cases were filed against the CPP-NPA-NDF members, leaders,  and allied front groups. The NTF-ELCAC takes the advice of the SOJ (Secretary of Justice) seriously and obediently,” ayon sa NTF-ELCAC Legal Cluster.

 

 

“If there is one thing that the SOJ and the NTF-ELCAC have in common, we both believe that there is no such thing as red-tagging, contrary to what the propaganda machinery and the propaganda template of the CPP-NPA-NDF would like to pitch to the Filipino people,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)