• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2022

PBBM, binigyang -pugay ang mga kababaihan at kalalakihan na nagpagmalas ng kagitingan para sa bayan

Posted on: August 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BINIBIGYANG-pugay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng mga kababaihan at kalalakihan na nagpamalas ng kanilang  kakaibang katapangan at giting sa  pakikipag-laban at nagsakripisyo alang-alang sa bayan.

 

 

Ang mensahe na ito ng Pangulo ay matapos magpahayag na kaisa siya ng sambayanang Filipino  na nagdiriwang ngayon ng National Heroes Day o Araw ng mga Pambansang Bayani, Agosto 29.

 

 

“We remember and honour each of them for the sacrifices they made in our behalf so that we may live in peace, security and liberty as well as realize  our full  potential as Filipinos,” ang bahagi ng mensahe ng Pangulo.

 

 

Sinabi ng Chief Executive  na hindi dapat na malimutan ang naging pamana o legado ng mga bayani sa kanilang naging kabayanihan na aniya’y nakikita rin naman ngayon sa  mga medical professionals, civil servants,  uniformed personnel at mga ordinaryong mamamayan.

 

 

“Their deeds not only remind us of the nobility of our race, but laso invite us to take part in the difficult  but rewarding task of nation-building,” aniya pa rin.

 

 

Ayon pa sa Punong Ehekutibo, ang mga filipino ay patahak sa kadakilaan at nananatiling nananalaytay sa dugo nito ang kabayanihan.

 

 

Sa huli ay inihayag ni Pangulong Marcos na ang bawat isa’y may kani-kanyang taglay na kabayanihan na maaaring ipagmalaki at magsilbing inspirasyon sa mga susunod na henerasyon.

 

 

“We are Filipinos,  a people destined to greatness. In our veins flow the blood of heroes and in our bodies reside  the indomitable spirit required to accomplish incredible feats so long as we manifest our will into action,” ayon sa Pangulo sabay sabing “As we celebrate this day dedicated to our nation’s heroes, let us strive to fulfill our own promise so that we may also be heroes in our own right and a source of pride and inspiration for the succeeding genaration of Filipinos  to emulate.” (Daris Jose)

Gilas reresbak sa Saudi

Posted on: August 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IBUBUHOS na ng Gilas Pilipinas ang lahat upang masikwat ang panalo laban sa Saudi Arabia sa pagpapatuloy ng fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers ngayong gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

 

 

Magtutuos ang Gilas Pilipinas at Saudi sa alas-7 ng gabi kung saan inaasahang daragsain ang venue upang suportahan ang Pinoy cagers sa laban nito.

 

 

Inaabangan na ng lahat ang debut ni NBA star Jordan Clarkson ng Utah Jazz sa harap ng mga Pinoy fans.

 

 

Ito ang unang pagkakataon na maglalaro si Clarkson sa Maynila kaya’t excited na rin ang Filipino-American cager na maramdaman ang init ng suporta ng mga Pilipino.

 

 

Bago ang laro, bumisita pa si Clarkson sa Tenement Basketball Court sa Taguig para masilayan ang mga fans nito doon kahapon.

 

 

Makakasama ni Clarkson si 7-foot-3 center Kai Sotto ng Adelaide 36ers na bumiyahe pa mula sa Adelaide, Australia para makasama ang Gilas Pilipinas sa fourth window.

 

 

Lamang ang Gilas Pilipinas sa Saudi kung height at talento ang pag-uusapan.

 

 

Nariyan din sina reig­ning PBA MVP Scottie Thompason, Japeth Aguilar at Dwight Ramos na may pinakamataas na efficiency rating sa kanilang huling laro.

 

 

Desidido ang Gilas Pilipinas na makabawi mula sa masaklap na 81-85 kabiguan sa kamay ng Le­banon noong Biyernes sa Beirut, Lebanon.

 

 

Kaya naman ilalabas ng Gilas Pilipinas ang lahat para makabalik sa porma ang tropa at mabigyan ng magandang laro ang mga Pinoy fans.

 

 

Laban sa Lebanon, humataw si Clarkson ng 27 puntos habang nakalikom naman si Ramos ng 18 puntos mula sa 5-of-11 field goal shooting.

 

 

Mawawala naman sa lineup ng Gilas si Carl Tamayo na bumalik na sa kampo nito sa University of the Philippines.

 

 

Nakatakdang tumulak ang Fighting Maroons sa South Korea para sumalang sa ilang tuneup games laban sa mga koponan ng Korean Basketball League (KBL) bilang paghahanda sa UAAP Season 85 title defense ng UP.

 

 

Papalitan ni Roosevelt Adams si Tamayo sa lineup.

 

 

Nagsilbing reserve lamang si Adams sa laban ng Pilipinas at Lebanon.

May pa-surprise birthday party sa kanya sina Rhian: MAX, wish na magka-international project kaya nag-audition sa Amerika

Posted on: August 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASURPRESA ang lahat ng mga nakarinig na para sa isang batikang aktres at the same time, mahusay na director na si Gina Alajar nang aminin nito na kinakabahan siya portraying the role of Lola Joy in “Start-Up Ph.”

 

 

Ito ang GMA Network’s adaptation ng Korean drama na “Start Up.” May mga kumuwestiyon kay Direk Gina during the online mediacon. Parang hindi naman daw siguro totoo na kinakabahan pa ito sa husay niyang actress.

 

 

Pero napa-‘on point,” at “tama” siya nang sabihin namin sa kanya na parang nage-get namin kung saan nanggagaling ang kaba niya. Dahil ‘yung role na ginagampanan niya ngayon ang maituturing na pinaka-importante, if not, ang puso ng “Start-Up Ph.”

 

 

Ang role kasi niya ang naging well-loved character ng drama. Lalo na ‘yung mga eksena nila rito ni ‘Good Boy’ na gagampanan naman ni Alden Richards.

 

 

Sabi ni Direk Gina, “Tamang-tama, you hit the point! Kasi, there will be comparison. Lalo na sa mga nakapanood. Tama ka, well-loved si Mrs. Joy.

 

 

“Actually, maraming nagsasabi nga na siya ang buhay ng ‘Start-Up’, puso ng ‘Start Up’, so ‘yon, the pressure comes from there. Will I be able to do the same, will I be able to give the heart? Gano’n kaya ang mangyayari?”

 

 

Sabi naman namin sa kanya, positibo naman kami na makikita ng mga manonood ito with her acting ability na lang.

 

 

***

 

 

NAGKAROON ng pa-surprise birthday party para kay Max Collins ang mga kaibigan niya, kabilang na rito ang isa pinakamalapit niyang kaibigan ngayon na si Rhian Ramos.

 

 

Ang alam daw ni Max, mag-staycation lang sila sa Okada Manila, pero pagpasok niya, naka-set-up ito, with all her friends at may mga paandar pa. May Marina Summers din na inimbitahan.

 

 

Naka-chat namin si Max at masayang-masaya nga raw siya. Sey niya, “My friends surprised me with intimate part at Okada, I was so happy that Marina Summers from Drag Race Philippines performed pa.”

 

 

Sa ngayon, kung may birthday wish daw si Max, talaga ang gusto niya ay sana raw, magkaroon siya ng international project this year. Few months back nga, nag-audition din siya sa U.S.

 

 

Pero ayon din kay Max, meron daw siyang exciting project na paparating, pero confidential pa. Pero goal niya ay makagawa pa ng maraming films at mas mag-grow as an artist.

 

 

Ang asawa at matagal na nababalitang kesyo hiwalay na sila na si Pancho Magno ay nag-greet naman sa Instagram nito kay Max na, “Happy Birthday Mommah.”

 

 

Nireplayan ito ni Max ng tatlong hearts emojis.

 

 

 

(ROSE GARCIA)

P453-B inilaan para sa climate-related expenditure para sa 2023

Posted on: August 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISASAMA  sa panukalang National Expenditure Program (NEP) for 2023  ang P453 billion para sa climate change adaptation at mitigation programs at projects.

 

 

Sa isang  press statement, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na ang climate-related expenditure para sa susunod na taon ay 56.4% na mas mataas kumpara sa P289.73 bilyon ngayong taon.

 

 

Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na nag-document ang kanyang tanggapan  ng  average na 21.3 percent increase sa climate-related expenditures mula  2015 hanggang 2023.

 

 

“With the continuous help of implementing agencies and of every Filipino, we can work towards climate resiliency to safeguard a sustainable future for our country,” ayon kay Pangandaman.

 

 

Ang  joint memorandum ay naglalayong “i-  track, monitor, and report programs that help address and alleviate problems posed by climate change.”

 

 

Ang CCET process ay hakbang para sa progreso sa implementasyon ng climate change initiatives.

 

 

Tinukoy ang  CCET results, sinabi ng  DBM na  P264.89 billion ay inilaan para sa Water Sufficiency projects na binigyang prayoridad ng kasalukuyang administrasyon, P131.51 billion para sa Sustainable Energy; at P40.78 billion para sa Food Security.

 

 

Makatanggap ang Department of Public Works and Highways ng  budget allocation na P168.9 billion para sa Flood Management Program.

 

 

“This will cover the construction and rehabilitation of flood-mitigation structures and drainage systems nationwide,” ang pahayag ng  Budget department.

 

 

Ang National Greening Program ng  Department of Environment and Natural Resources ay makakakuha ng P2.49 billion para sa pagtatanim ng  6.18 million seedlings sa 11,631 hectares ng land resources, Protected Areas Development and Management Program, at Management of Coastal and Marine Areas.

 

 

Nakatuon ang pansin ng Pangulo sa pagtugon sa climate change dahil sa kinikilala nito ang Pilipinas bilang  “one of the most vulnerable countries to the impact of extreme climate disasters.” (Daris Jose)

Matapos umani ng pauri sa acting sa ‘The Influencer’: SEAN, napiling bida sa ‘Fall Guy’ at ipalalabas sa international filmfest

Posted on: August 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ANG swerte naman ni Sean De Guzman.

 

 

Matapos umani ng papuri sa acting sa huling movie niya na ‘The Influencer’, nakatakdang mag-premiere sa isang prestigious international filmfest sa Europe ang latest movie niya titled ‘Fall Guy.’

 

May second invite na ang ‘Fall Guy’ sa isang prestigious film festival sa Asia.

 

 

Si Joel Lamangan ang director ni Sean sa movie na siya rin ang nag-direk sa debut film ng aktor na ‘Anak ng Macho Dancer’.

 

 

Bilib si Direk Joel sa acting ni Sean kaya ito ang pinili niya na magbida sa ‘Fall Guy’ na ang script ay isinulat ni Troy Espiritu.

 

 

Isa pang maganda kay Sean, palaban ito sa mga sexy scenes, kahit na may nudity.

 

 

Basta raw may tiwala siya sa director ay gagawin niya kahit na anong eksena na ipagawa sa kanya.

 

 

Pero gusto rin patunayan ni Sean na may ibubuga siya sa acting kaya game din siya sa paggawa ng role na may hatid na acting challenge.

 

 

***

 

 

BUKOD sa ‘Darna’, na pinagbibidahan ni Jane De Leon, ano pa kayang creation ni Mars Ravelo ang gustong gawin serye ng ABS-CBN?

 

 

Kabilang sa mga creations ni Mars Ravelo na na-adapt na sa telebisyon ay ‘Lastikman’ at ‘Tiny Tony.’

 

 

Bida sa ‘Lastikman’ si Vhong Navarro at si John Prats sa ‘Tiny Tony.’

 

 

Ang hindi pa nagawan ng tv series ng ABS-CBN ang ‘Dyesebel’ bagamat nagawa na ito ng GMA na kung saan bida si Marian Rivera, at ilang beses na itong naisalin sa pelikula.

 

 

Kung sakaling maisipan ng Kapamilya Channel na gawin itong serye, sino sa mga favorite ninyong Kapamilya star ang gusto ninyong gumanap na Dyesebel?

 

 

(RICKY CALDERON)

EJ Obiena muli na namang nakasungkit ng gold medal sa Germany

Posted on: August 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY sa kanyang pamamayagpag sa Europa ang Pinoy Olympian na si EJ Obiena matapos makasungkit na naman ng panibagong gold medal sa kanyang nilahukan na 2022 True Athletes Classic in Leverkusen, Germany.

 

 

Ito ay makaraang makuha ni Obiena ang 5.81 meters upang talunin ang mga karibal na atleta mula sa Netherlands na si Rutger Koppelaar at ang pambato ng Australia na si Kurtis Marschall matapos ang tinatawag na countback dahil nagpare-pareho silang nagtala ng record.

 

 

Ito na ang ikalawang korona ni Obiena sa loob lamang ng isang linggo nang kanya ring mapagwagian ang 26th Internationales Stabhochsprung-Meeting sa Jockgrim, Germany.

 

 

Ayon kay EJ masaya siya na magbigay ng karangalan para sa Pilipinas.

 

 

Pero aminado naman ito sa labis niyang frustrations na hindi nalagpasan ang 5.95 meters.

 

 

Sinabi ni EJ kailangan umano niya ang technical adaptations para sa susunod na mga adjustment.

 

 

Si Obiena ay muli na namang sasabak sa St. Wendel City Jump sa Aug. 31.

 

 

“I am very happy to bring home the (gold) against a great field. But on the other hand I am frustrated by missing 5.95m again. We have boiled it down to some technical adaptations, which at these heights makes the difference between a miss or a make. Like anything in life, this is all about continual improvement,” ani Obiena sa statement.

Ads August 30, 2022

Posted on: August 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Education aid payout, generally smooth

Posted on: August 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

“GENERALLY smooth” ang ginawang distribusyon ng educational assistance sa mga estudyanteng benepisaryo sa  Department of Social Welfare and Development-designated payout centers na nagpatuloy, araw ng Sabado, Agosto 27 maliban lamang sa mga “isolated hitches” o hadlang sa ilang lugar sa bansa.

 

 

Sinabi ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Rommel Lopez na “generally smooth” ang  nationwide distribution ng educational aid.

 

 

Nauna rito, sinabi ni  DSWD Secretary Erwin Tulfo na ang cash distribution ay tatapusin sa loob ng anim na Sabado na nagsimula na noong Agosto 20 at magtatapos sa Setyembre 24.

 

 

“However, there were some hitches in the process on the second Saturday of the payout,” ayon kay Lopez.

 

 

Dahil sa pagdagsa ng tao na karamihan ay walk-ins — sa  Boac, Marinduque ay nagdesisyon ang DSWD, Philippine National Police (PNP), at local government unit (LGU) na kanselahin ang payout.

 

 

“Gayunpaman, ito ay tinitingnan ng DSWD Central Office na mga isolated places lang naman po, kasi, overall po sa bansa ay maayos po ‘yung pamamahagi ng educational payout na nangyare. So tinitingnan po natin ‘yung mga isolated situation in some places, pero sinisiguro po ng DSWD na aayusin din po natin ‘yung sistema dito po sa mga apektadong lugar,” ayon pa rin kay  Lopez.

 

 

At dahil sa pagkalito at mahabang pila noong nakaraang Agosto  20 -ang unang anim na Sabado na itinakda para sa  payout — nagpasaklolo na ang DSWD Department of the Interior and Local Government (DILG) na mag- request sa LGUs para sa technical assistance. (Daris Jose)

Mga makabagong bayani, pinarangalan ni PBBM

Posted on: August 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINARALANGAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga makabagong bayani ng makabagong panahon dahil sa malasakit at kabutihang loob ng mga ito na naging mas mabuti ang kalagayan ng  bansa ngayon.

 

 

Sa pagdalo ng Pangulo sa National Heroes Day event sa Libingan  ng mga Bayani, araw ng Lunes, Agosto 29,  bahagi ng talumpati  nito ang pagkilala sa mga magsasaka, agricultural worker na buong araw ay nagsisikap upang matugunan ang  mga pangangailangan para sa seguridad ng suplay ng pagkain.

 

 

“Kung hindi dahil sa kanila, wala tayong pagkaing maihahaing sa ating mga pamilya. Tunay silang mga bayani kailanman,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Pinasalamatan din niya ang  mga sektor ng kalakalan at industriya na nangunguna sa landas tungo sa maunlad na ekonomiya.

 

 

May mga hamon man aniyang hinaharap sa nagdaang dalawang taon ay patuloy pa ring binuksan  ng mga ito ang kanilang mga negosyo para sa publiko.

 

 

Kahanga-hanga rin aniya  pakikiisa ng mga ito sa pamahalaan lalo na may mga negosyong matapat na nagbabayad sa  kanilang empleyado kahit na nauubusan na ang kanilang pondo.

 

 

Bukod dito, ikinararangal din ng Punong Ehekutibo ang lahat ng mga manggagawang Pilipino na nagtatrabaho ng buong husay at buong dangal. Sa bawat likha aniya ng   mga kamay ng mga ito ay mas lalong  pinagtitibay ang pundasyon ng  ekonomiya at  lipunan.

 

 

“Isang malaking karangalan ang makapiling kayong lahat sa pagdriwang ng araw ng mga bayani. panatag nating naitataguyod ang ating sarili at ang ating bansa ngayon dahil sa mga dakilang bayani ng ating bayan. Kaya sa pagtitipong ito, buogn lugod nating kinikilala ang ipinamalas nilang tapang, malasakit at pagibig sa ating tinubuang lupa,” ayon sa Pangulo.

 

 

“ginugunita din natin ang taimtim… ang pawis, dugo at buhay na kanilang inalay para sa ating kapakanan, kalayaan at kinabukasan. dahil sa kanilang sakripisyo, gumaan ang mga suliranin pinapasanan natin sa buhay at sa lipunan. inialay nila ang kanilang lakas at kakayahn hindi para sa papuri o gatimpala kung hindi upang pagtibayin ang diwa ng pagkakaisa at upang makamit ang ating mga pangarap para sa bayan,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

 

Ngayon naman aniya na nagbalik na sa paaralan ang  mga kabataang mag-aaral, pinapurihan  din ng Pangulo ang  mga guro at iba pang kawani sa sektor ng edukasyon dahil sa  hindi matatawarang dedikasyon ng mga ito sa kanilang pagtutulungan na maging ligtas ang pagbubukas ng klase.

 

 

Panatag aniya ang  kanyang kalooban nasa mabubuting kamay ang mga kabataan.

 

 

Sa kabilang ako, sinabi pa ng Pangulo na hindi rin aniya dapat  kinakalimutan ng lahat ang mga propesyunal at mga manggagawa sa sektor ng kalusugan na araw-araw na  nakikipagsapalaran sa panganib ng kalakip ng kanilang sinumpaang tungkulin.

 

 

“Kanilang isinasalang-alang ang sariling kaligtasan at kalusugan malagpasan lamang ng ating mga kababayan ang pandemyang kinahaharap natin ngayon,” ani Pangulong Marcos.

 

 

Kabilang din aniya sa  mga frontliner ang kapulisan, ang mga sundalo, ang mga barangay official, community leader, pati na rin ang mga ecological warriors at iba pang sektor na sa kani-kanilang paraan at mga tungkulin ay patuloy na naglilingkod sa bayan at sa mga kapwang mamamayan.

 

 

Hindi rin aniya niya kinakalimutan ang  mga manggagawang mandarayuhan o mas kilala  sa tawag na OFW.

 

 

“Silang lahat na nagsasakripisyo sa ibayong dagat mabigyan lamang ng magandang kinabukasan ang kanilang mga mahal sa buhay. Sa kabila ng mga pagsubok ng kanilang hinaharap, sinisuguro natin na sila ay ligtas lalo na ang mga naiipit sa mga kaguluhan sa bansang kanilang kinaroroonan,” lahad  nito.

 

 

Samantala,  sa  pagdiriwang ngayon ng National Heroes Day ay  inaalala rin aniya ng lahat  ang kabayanihan ng mga beteranong nakipaglaban noong panahon ng digmaan.

 

 

Makakaasa aniya ang  mga beteranong sundalo na  mananatiling aktibo ang gobyerno sa pagsusulong ng mga programang tutugon sa pangangailangan ng mga ito  lalo na para sa kanilang mga rekisitong may kinalaman sa  pangkalusugan.

 

 

“Kaisa ng Philippine Veterans Affairs Office, magpapatayo tayo ng mga ospital sa Visayas at Mindanao na ilalaan natin para sa ating mga beterano. Nais ko rin kunin ang pagkakataong ito upang magpaalala sa lahat na sumunod na sa direktibo  ng pamahalaan hinggil sa ating kalusugan,” ayon sa  Chief Executive.

 

 

Inanyayahan naman ng Pangulo ang lahat na magpabakuna at makiisa sa  mga vaccination program upang mapangalagaan ang kalusugan hindi lamang ng mga sarili kung hindi na rin ng mga kapwa.

 

 

Ito aniya  ang  tamang panahon upang pagtibayin ang  lakas at maghanda sa mabilis at siguradong pagbangon ng  ekonomiya.

 

 

“Manalig tayong sisikat at sasapit din ang mas ligtas at mas masaganang kinabukusan para sa ating lahat,” giit ng Pangulo.

 

 

“Ipinamalas sa atin ng kasaysayan na ang ating kolektibong lakas ay maghahatid sa atin sa ruruok ng tagumpay. Ang mga bayaning nagalay ng sarili para sa atin ay huwarang patutuo sa pangako ng pag-asa ng ating pinanghahawakan. kaya naman dapat lamang natin pahalagahan ng wasto anga ting kalayaan at ibaling ang ating mga kinikilos na ayon sa pag-ibig at pagmamalasakit sa kapwa,” aniya pa rin.

 

 

“Habang ang mga makabagong panahon ay nagbibigay sa atin ng mga pagbabagong kailangang harapin, tiyak na malalampasan natin ang kahit na anong pagsubok kung magiging bayani tayo sa ating mga sariling pamamaraan. Gamitin natin ang ating kakayahan upang panibaguhin ang ating kapaligiran para sa higit na ikakabuti ng lahat,” lahad  nito.

 

 

Ang panawagan pa ng Pangulo sa lahat ay huwag ikulong ang mga sarili sa hidwaan at paghihilahan ng pababa. Sa halip aniya ay maging instrumento  ng pagkakaisa, ng kapayapaan.

 

 

“Umaasa ako na sa halimbawa ng ating mga dakilang bayani, higit nating isasabuhay ang kanilang ipinakitang pagibig sa bayan at ipinagtatanggol at ipinaglalaban nilang panata sa kabutihan. Buong tapang nating harapin ang anumang hamon na hinaharap na may tiwala tayo na higit na lalakas at magiging matagumpay kung tayo ay patuloy na magkakaisa at magtutulungan bilang isang bansa,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Maraming salamat po sa inyong lahat. Mabuhay ang mga Pilipinong bayani, noon, ngayon at kailanpaman,” ang pagbati nito. (Daris Jose)

Pagtiyak ng SSS, walang data records ng mga miyembro ang naapektuhan ng sunog sa main office

Posted on: August 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Social Security System (SSS) na walang data records ng mga miyembro nito ang naapektuhan ng sunog na tumama sa main office, Linggo ng madaling araw, Agosto 28.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ng  SSS na ang lahat ng payments ay tatanggapin at ipo-post nang naaayon.

 

 

“SSS assures the public that all member data records are not affected and there is no interruption in the delivery of its services in all branches and via online thru My.SSS, SSS Mobile App, and uSSSap Tayo portals,”dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa ulat, nasunog ang bahagi ng main building ng Social Security System (SSS) sa East Avenue, Barangay Pinyahan, Quezon City, sa nasabing araw.

 

 

Ayon sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR), nagsimula ang sunog sa electric room ng data center sa unang palapag ng gusali.

 

 

Itinaas ang first alarm bandang 2:05 a.m. at naapula ang apoy ng 5:11 a.m.

 

 

Walang namang naiulat na nasaktan sa sunog na tumupok sa P700,000 halaga ng mga gamit ng ahensya.

 

 

Inaalam na ang sanhi ng sunog at kung may iba pang mga kwarto sa punong tanggapan na naapektuhan ng sunog. (Daris Jose)