NAGSIMULA ring bilang child stars sina Carmina Villarroel at Chuckie Dreyfuss kaya alam nila ang mga pinagdaraanan ni Jillian Ward na bida na ngayon sa GMA Afternoon Prime teleserye na ‘Abot Kamay Na Pangarap’.
Ilan sa mga naging pelikula ni Chuckie ay Idol, I Have Three Hands, The Crazy Professor, Mga Kuwento Ni Lola Basyang, When I Fall In Love, Once Upon A Time, Batang Quiapo, Kambal Tuko, Penoy Balut, Family Tree at Tiyanak.
Si Carmina naman ay lumabas sa mga pelikulang Pinulot Ka Lang Sa Lupa, Underage, Student Body, Bobo Cop, Babaeng Hampaslupa, Good Morning Titser, Regal Shockers: The Movie, Isang Araw Walang Diyos, Limang Daliri Ng Diyos at Tiyanak,
Pero malaki raw ang pagkakaiba ng pagiging child star ngayon sa pagiging child star noong ’80s. Bukod daw sa may TV station na nag-aalaga sa mga batang artista ngayon, provided na ng lahat ng comforts kapag nagte-taping or shooting on location.
Kuwento ni Chuckie: “I started in showbiz when I was 7-years old. From That’s Entertainment, gumawa na ako ng mga movies. Hindi pa kasi uso mga teleserye noon. Ibang-iba ang situation ng mga child stars noon, lalo na in terms of how many hours kang nagtatrabaho. Ngayon kasi may specific hours kung kelan dapat patigilin na ang mga bata mag-work. Ako kasi naranasan ko na two days straight na nagsu-shooting. Mas okey ang kalagayan ng mga child stars ngayon kumpara noon.”
Sey naman ni Mina: “Nag-start ako talaga sa commercials around 9 or 10 years old. Sa movies, 12-years old ako nagsimula. Masasabi ko ay iba noon. Ngayon kasi may mga standby area, may airconditioned tents, may portable toilets ang mga artista.
“Noon wala kaming mga ganyan. Yung tambayan namin sa loob ng sasakyan namin at may dala kaming dariling travel size na portalet. Mas kumportable ang mga bata ngayon compared sa amin. Tsaka mas protektado sila ngayon in case magkaroon ng aberya sa set.”
Ang edge nga lang nina Carmina art Chuckie sa mga child stars ngayon ay ang pagkakataong nakatrabaho nila ang mga mahuhusay na artista tilad nina Fernando Poe, Jr, Dolphy, Susan Roces, Eddie Garcia, Nora Aunor, Vilma Santos, Maricel Soriano, Richard Gomez, Gabby Concepcion, Tirso Cruz III at maraming pang iba.
Sa mga direktor naman, masuwerte sila’t nakatrabaho nila ang mga yumao nang sina Ishmael Bernal, Peque Gallaga, Mel Chionglo, Maryo J. delos Reyes, Joey Gosiengfiao, Channing Carlos at Emmanuel Borlaza.
***
MUNTIK na palang hindi makasama sa FOX series na Monarch si Iñigo Pascual kung hindi siya pinilit na mag-audition ng kanyang US agent.
Kuwento ni Iñigo na hesitant siyang mag-audition sa US at tatlong projects sa US ang tinanggihan niyang puntahan ang auditions dahil sa paniniwalang hindi siya mapapansin at kuntento na raw siya sa career niya sa Pilipinas.
Noong mag-announce ng casting call for Monarch, pinagtulakan pa siya ng kanyang agent na mag-audition kahit na ayaw ni Iñigo.
“I was two weeks late for the submission, because I wasn’t really considering doing it. In my mind, marami namang young actors sa States, mas madali silang makukuha doon, may mas magagaling doon. Sabi ko, ‘Okay na ako sa career ko dito sa Pilipinas. Hindi naman ako makukuha doon. Ano pang point?’
“Until kinausap ako ng mga managers ko. Sabi nila sa akin, ‘May career ka nga dito, pero paano ‘pag nakuha mo ‘yun? Big opportunity ‘yun. ‘Pag hindi mo makuha, there’s no harm in trying. May career ka pa rin dito sa Philippines na puwede mong balikan,’” sey ni Iñigo.
July 2021 nag-audition si Iñigo at after one week ay nakatanggap siya ng tawag na siya ang napiling gaganap na Ace Grayson sa Monarch. Nagsimula siyang mag-shoot para sa naturang series in September 2021 kunsaan isa sa co-stars niya ay ang Oscar winning actress na si Susan Sarandon na gaganap na kanyang adoptive grandmother.
Last Sunday, September 11 nag-premiere ang Monarch sa US at today, September 13 naman dito sa Pilipinas via iWantTFC.
Dahil sa Monarch, naging bukas na si Iñigo sa mga darating pang opportunities sa kanyang career sa labas ng Pilipinas. isang dahilan kung bakit nagpa-tattoo siya ng Baybayin word na “Malaya”.
“When I was here in the Philippines, I felt stuck. I didn’t know what I was going to do with my career. I felt like I didn’t know what I wanted to do after ‘Dahil Sa ‘Yo.’ I felt like I was kind of lost in a way. When I got to do ‘Monarch,’ there was a lot of things na masasabi kong, I felt malaya. I’m free to dream whatever I want to dream of. Kaya kong mangarap at gawin ‘yung mga gustong gawin.
“Nandoon ‘yung kaba, nandoon ‘yung takot, halo-halo, excitement. Siyempre, first ko ‘to na project sa States, at sana magtuloy-tuloy na after this project. Sana marami pang opportunity na dumating. Sana marami akong young aspiring artists na ma-inspire na mangarap at huwag mag-give up sa pangarap nila. I’m also claiming that this project will open more doors for other Filipino artists to be able to cross over and to be able to create a movement, a Filipino wave in the States.”
***
ANG nga pelikulang Kun Maupay Man It Panahon, Big Night, Historya ni Ha, On The Job: The Missing 8, at Walang Kasarian ang Digmang Bayan ay maglalaban pata sa Best Film categpry ng 45th Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino na naka-schedule sa October 27.
Sa Best Actress category, magsasalpukan sina Charo Santos-Concio (Kun Maupay Man It Panahon), Donna Cariaga (Rabid), Elora Españo (Love and Pain in Between Refrains), Kim Molina (Ikaw at Ako at ang Ending), and Yen Santos (A Faraway Land).
Sina John Arcilla (On The Job: The Missing 8), John Lloyd Cruz (Historya ni Ha), Christian Bables (Big Night!), Paolo Contis (A Faraway Land), Francis Magundayao (Tenement 66), Shogen (Gensan Punch) at Dingdong Dantes (A Hard Day) ang magsasabong para sa Best Actor category.
Nakakuha pa ng dalawang nominasyon si John Arcilla sa Best Supporting Actor category. Nominated siya para sa Big Night at A Hard Day.
Ang Filipino animator and filmmaker na si Roque “Roxlee” Lee ang tatanggap ng Natatanging Gawad Urian trophy.
Heto ang iba pang nominees ng 45th Gawad Urian:
Pinakamahusay na Direktor: Joselito Altarejos (Walang Kasarian ang Digmang Bayan); Lav Diaz (Historya ni Ha); Lawrence Fajardo (A Hard Day); Carlo Francisco Manatad (Kun Maupay Man It Panahon); Erik Matti, On The Job: The Missing 8; Jun Robles Lana (Big Night!)
Pinakamahusay na Pumapangalawang Aktres: Dolly de Leon (Historya ni Ha); Lotlot de Leon (On The Job: The Missing 8); Eugene Domingo (Big Night!); Jay Valencia Glorioso (Rabid); Mae Paner (Historya ni Ha); Shella Mae Romualdo (Arisaka)
Pinakamahusay na Pumapangalawang Aktor: John Arcilla (Big Night!); John Arcilla (A Hard Day); Ronnie Lazaro (Gensan Punch); Sandino Martin (Walang Kasarian ang Digmang Bayan); Dante Rivero (On The Job: The Missing 8); Dennis Trillo (On The Job: The Missing 8)
(RUEL J. MENDOZA)