• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 25th, 2022

Pagtalaga kay ex-PNP chief Cascolan bilang DOH official kinastigo

Posted on: October 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KINUWESTIYON ng ilang grupo ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay dating police chief Camilo Cascolan bilang bagong undersecretary ng Department of Health (DOH) — ito kahit hindi siya healthcare worker at wala pa ring secretary ang DOH.

 

 

Linggo lang nang kumpirmahin ng kagawaran ang pagkakatalaga ng dating pinuno ng Philippine National Police (PNP) sa pwesto, bagay na laman ng appointment letter na may petsang ika-19 ng Oktubre.

 

 

“Health workers prefer an undersecretary who has a clean [track] record, not a red-tagger, one whose hands are not tainted with the bloody drug war and one who truly upholds the rule of justice,” ayon sa Alliance of Health Workers kahapon.

 

 

“They want to work with a health undersecretary who is an expert in eradicating deadly and infectious diseases, not an expert in violating human rights and extrajudicial killings.”

 

 

Hindi kilala si Cascolan bilang doktor, nurse, dentista o ano pa, ngunit kilala bilang isa sa mga utak ng Oplan Tokhang at Oplan Double Barrel — ang madugong kampanya kontra-drogang pumatay sa higit 6,252, ayon sa huling datos ng Philippine Drug Enforcement Agency.

 

 

Itinataya naman ng ilang human rights advocates sa halos 30,000 ang napatay, ang ilan sa kanila walang due process

 

 

Kasama sa mga itinalaga ni Marcos sa pwesto ay sina:

Charade Mercado-Grande bilang (assistant secretary)

Maria Lourdes Caballero Santiago (director IV)

Girlie Enriquez Veloso (director IV)

Maria Joyce Udthuhan Ducusin (director III)

Sophia Macaranas Mancao (director III)

 

 

Hindi pa sinasagot ng DOH kung bakit kahapon lang nila kinumpirma ang appointments ilang araw mula sa petsa ng appointment paper. Ilalabas na lang din daw nila ang mga espisipiko nilang tungkulin sa lalong madaling panahon.

 

 

Samantala ayon pa sa AHW, malaking insulto at kawalan ng pakialam sa buhay, kalusugan at kaligtasan ng health workers at mga Pilipino ang paglalagay ni Marcos kay Cascolan sa pwesto lalo na’t aktwal na health experts daw ang pinakakwalipikadong magpatakbo ng DOH.

 

 

“AHW asserted that Cascolan’s appointment runs counter to DOH mandate of ensuring the provision of quality health service that every Filipino people deserves and in upholding the quality of life, respect for human dignity and protect the health and safety of the health workers and the Filipino people,” dagdag pa ng grupo.

 

 

“With the country’s deteriorating health situation wherein poverty-related, communicable and preventable diseases like tuberculosis, COVID-19 and cardiovascular problems remained top causes of mortality and morbidity, there is a need for a free, scientific and comprehensive health approach in combatting diseases than a militarist approach.”

 

 

Dati nang nabanatan ang aniya’y militaristang pamamaraan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagharap sa COVID-19 pandemic, lalo na’t marami sa mga itinalagang miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ay mga militar kaysa doktor.

 

 

Muli namang nananawagan ang AHW kay Marcos na magtalaga na ng kalihim ng DOH, na siyang determinado raw na magtaas ng sahod, at pagandahin ang mga benepisyo’y working conditions maliban sa pagtindig ng nabanggit laban sa pananakot, red-tagging at killings.

 

 

Una nang sinabi ni Marcos na magtatalaga lang siya ng DOH secretary oras na “mag-normalize” ang COVID-19 situation ng Pilipinas. Kasalukuyan pa ring nakaupo bilang office-in-charge ng DOH si Maria Rosario Vergeire sa ngayon. (Daris Jose)

Utah Jazz may 3 wins na matapos malusutan sa double overtime ang Pelicans

Posted on: October 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANANATILING  malinis ang record ng Utah Jazz ngayong bagong seaon ng NBA matapos na manalo na naman at ang panibagong nabiktima ay ang New Orleans Pelicans sa iskor na 122-121 na umabot sa double overtime game.

 

 

Kumamada ng 31 points, 12 rebounds ang Finnish basketball player ng Jazz na si Lauri Markkanen para tuluyang makuha ang kanilang ikatlong panalo.

 

 

Ang Filipino-American na si Jordan Clarkson ay nag-ambag naman ng 18 points kasama na ang tatlong 3 pointers.

 

 

Tinangka pa ng Pelicans na makabangon pero isinalba nina Markkanen at Kelly Olynyk ang Utah sa pamamagitan ng clutch baskets sa overtime.

Pilipinas ‘top 5 sa mundo’ pagdating sa batang wala ni isang bakuna — UNICEF

Posted on: October 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

AABOT sa 1 milyong bata ang hindi pa nakakakuha ng kahit ni isang dose ng anumang “childhood vaccine” sa Pilipinas, dahilan para mapasama ang bansa sa may pinakamaraming bilang ng zero dose children sa buong mundo.

 

Isiniwalat ng (United Nations International Children’s Emergency Fund) Philippines na top 5 contributor ang Pilipinas sa 18 milyong zero-dose children sa buong mundo nitong 2021. Bukod pa ito sa pagiging top 7 contributor sa pinakamaraming bilang ng batang walang proteksyon sa tigdas.

 

 

“Falling child immunization rates and the increasing number of children at risk of measles, polio and other vaccine preventable diseases must be treated as a public health emergency that needs urgent action,” ani UNICEF Philippines Representative Oyunsaikhan Dendevnorov kasabay ng World Polio Day.

 

 

“Lessons learned from COVID-19 highlight the need to strengthen primary health care through integrated health and nutrition services for a strong and resilient health system in the long term.”

 

 

Kabilang sa mga routine immunization ng mga bata para sa life-threatening diseases ang:

polio

tigdas (measles)

tuberculosis

 

 

Ngayong Oktubre lang nang sabihin ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na nasa 62.9% lang ang coverage ng mga “fully immunized children” sa Pilipinas, ito kahit na 95% ang target ng gobyerno ng Pilipinas.

 

 

Batay sa 2022 risk assessment ng World Health Organization, lahat ng rehiyon sa Pilipinas ay “high-risk” para sa isang measles outbreak.

 

 

Dahil diyan, ibinahagi na noon ni Vergeire na posibleng mangyari ang naturang outbreak sa Pilipinas sa 2023 kung magpapatuloy na mababa ang bilang ng mga batang nagpapabakuna.

Department of Education nais italaga sa mga LGUs ang pagpapatupad ng kanilang feeding program

Posted on: October 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINITINGNAN  ng Department of Education (DepEd) na italaga na sa mga local government units (LGUs) ang pagpapatupad ng kanilang School-Based Feeding Program (SBFP) sa 2028.

 

 

Tatlong opsyon ang pinag-aaralan ng DepEd: no devolution, partial devolution, at full devolution sa LGUs.

 

 

Ang ibig sabihin ng walang debolusyon ay pananatilihin ng departamento ang mga pondo ng feeding program, bagama’t ang mga LGU ay maglalaan ng kanilang sariling pondo para sa “mga sentrong kusina” na itatatag sa kanilang mga lugar.

 

 

Pangasiwaan din ng mga lokal na pamahalaan ang mga kusinang ito upang mabawasan ang trabaho ng mga guro sa paghahanda ng mga pagkain para sa kanilang mga estudyante.

 

 

Sa ilalim naman ng full devolution, ang mga lokal na pamahalaan ay magpopondo sa pagbili ng mga pagkain, ngunit ang DepEd central at regional offices ang bahala sa iba pang support fund.

 

 

Ang DepEd, gayunpaman, ay isinasaalang-alang ang partial devolution sa ngayon, kung saan ang una hanggang ika-apat na klase na munisipalidad ay ilalagay sa pamamahala sa feeding program habang ang departamento ay patuloy na mangangasiwa ng mga pondo para sa ikalima at ikaanim na klase na munisipalidad. (Daris Jose)

Sunud-sunod na sinagot ang mga isyu sa kanya… VICE GANDA, nagbirong aalis na sa ‘It’s Showtime’ kaya may contract signing

Posted on: October 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IKINALOKA ng mga netizens sa bagong pasabog ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda tungkol sa mga dahilan ng pag-absent niya sa “It’s Showtime” lalo na sa grand finals ng “Miss Q&A” last Saturday.

 

 

Sunud-sunod ang naging Twitter post ng TV host-comedian para patulan ang tanong isang netizen na kung ano ang problema niya at natiis ang mga followers at viewers. At baka raw totoong hindi na sila ok ng mga co-hosts.

 

 

Niretweet ito ni Vice kasunod ang kanyang mga pasabog na sagot, “Totoo po lahat ng mga nasa isip nyo. Wala naman po talagang dahilan kung bat ako absent last sat. Tinamad lang ako talaga.

 

 

“At totoong may mga issues kami ngayon sa showtime. Ang cast at ang direktor. At oras na para ipaalam ko sa inyo ang mga nangyayari para matapos na.”

 

 

Kabilang nga ang tsikang lumabas na magkaaway daw sila ni Anne Curtis. Nag-away-away din sina Ion Perez at Jhong Hilario, Ryan Bang at Teddy Corpuz.

 

 

Sunud-sunod na sagot ni Vice, “Una, TOTOONG MAGAKAAWAY KAMI NI ANNE. Matagal na tong alitan na to na di naayos. Its been 13yrs na di maresolve ang issue kung sino samin ang chaka.

 

 

“And last week nga ay umabot na sa sampalan. Nalunok nya ang kamay ko at till now di ko pa nababawi. I hate anne for life!

 

 

“Pangalawa, last week nagsapakan si Jhong at si Ion. Magpartner kasi sila sa Magpasikat at hirap na hirap si Ion na magchoreo dahil mabagal pumick up ng sayaw si Jhong. Di makuha ni Jhong ang step ng LintikNaPagIbig at napikon na si Ion at nagpang abot sila.

 

 

“Pangatlo, NAGMURAHAN SI TEDDY AT RYAN SA STUDIO. Nagpakulot kasi si Teddy sa Salon ni Ryan. Nangako si Ryan na maganda ang kalalabasan nito. Pagtapos magpakulot ay dumiretso na si Teddy sa studio ng masaya naman. Pagkita ni Ryan ay nagsorry ito. Ayun minura sya ni Teddy.

 

 

“At eto na nga ang pang apat at pinakamalaking issue na kinakaharap ngayon ng showtime.

 

 

“Sinubukan nilang itago ito pero alam ko namang lalabas din sa takdang oras. Madlang People…….nabuntis ni Direk Jon Moll si Jugz.”

 

 

Dagdag pang-aasar pa niya, “Ayan po ang mga dahilan ng mga away at kaguluhan sa showtime. Tama ang mga nasa isip nyo. Kaya naman tamad na tamad nakong pumasok. At dahil dyan gusto ko ng magresign. At dahil gusto ko ng magresign ay may contract signing po ako next next week. Ok na po?? Happy??”

 

 

Huling hirit pa ni Vice, “Happy 13th Anniversary It’s Showtime!!! See u Wednesday! Miss u and love u!!!”

 

 

***

 

HINDI nakatatakot, pero nakagugulat, ganyan ang sumalubong na Halloween sa mga tao sa Snow World Manila simula nang linggong ito. Hindi talaga ginawang nakatatakot dahil sa mga bata ang karamihan sa mga pumapasok sa Snow World, bukod nga sa magbubukas naman ng horror attraction ang Star City, para sa mga gusto ng katatakutan talaga.

 

Ang Halloween sa Snow World ay katuwaan din. May makikitang mga bampira, ice zombies, mangkukulam at ang legendary snow ghost na si Yukki Onna.

 

Ayon sa mga kuwento, si Yukki Onna ay namatay sa isang snow avalanche sa Japan, at magmula noon nagpapakita siya sa mga naglalakad sa snow lalo na sa gabi, para paalalahanan sila na mag-ingat lalo na ‘pag masama ang panahon.
Habang ine-enjoy ninyo ang Halloween sa Snow World, nariyan pa rin ang 30 meters ice slide, mas maikli kaysa sa dati, pero mas ligtas naman.

 

Pinalawak din ang snow area kung saan puwedeng makapaglaro sa tunay na snow, at maranasan ang totoong snow fall. Kung kayo’y giniginaw na, maaaring uminom ng mainit na kape o tsokolate sa mismong Snow World Café na nasa loob ng attraction.

 

Ang Snow World Manila, ang kaisa-isang snow attraction sa buong Luzon ay bukas mula Huwebes hanggang Linggo, mula alas dose ng tanghali hanggang alas-otso ng gabi.

 

Muli ngang magkakaroon ng katuparan ang lagi nating pangarap na makakita ng tunay na snow at magkaroon ng white Christmas, matapos na maghintay nang tatlong taon.

 

 

(ROHN ROMULO)

CAAP patuloy na iniimbestigahan ang pag-overshot ng Korean Air sa runway ng Cebu-Mactan International Airport

Posted on: October 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY na inaalam ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang sanhi ng pag-overshot ng Korean Air Lines sa runway ng Mactan-Cebu International Airport nitong gabi ng Linggo.

 

 

Agad na dinala sa iba’t-ibang hotel ang mga pasahero habang inaayos pansamantala ang malilipatan ng mga ito.

 

 

Sa inisyal na imbestigasyon ang Airbus SE A330 flight KE361 ay nanggaling sa Seoul patungong Cebu ng dalawang beses nitong sinubukang mag-landing subalit dahil sa sama ng panahon at malakas na pag-ulan ay nag-overshot ito sa runway sa ikatlong pagkakataon ng muling subukang lumapag.

 

 

Humingi na rin ng paumanhin si Korean Air President Keehong Woo sa mga naantalang pasahero at tiniyak nito na magsasagawa siya ng imbestigasyon.

 

 

Dahil sa insidente ay pansamantalang isinara ang runway ng paliparan.

 

 

Ayon naman sa Aviation Safety Network ang nagsasagawa ng mga pag-aaral sa aksidente ng mga pampasaherong eroplano na mula pa noong 1997 ay hindi nagkakaroon ng matinding aksidente ang Korean Air.

 

 

“No one was hurt during the incident. All 162 passengers and 11 crew onboard the A330 aircraft were immediately evacuated and tended to by airport emergency personnel. The incident has necessitated the temporary closure of the MCIA runway to allow for the safe removal of the aircraft. For now, all international and domestic flights to and from MCIA are canceled until further notice,” bahagi ng statement ng Mactan Cebu Airport. “We are working with Korean Air, the Mactan-Cebu International Airport Authority (MCIAA), and the Civil Authority of the Philippines (CAAP) for the swift resolution of this matter. Updates will immediately be given once available.” (Daris Jose)

Stephen King’s Praise for ‘Terrifier 2’ Receives Response from Director Damien Leone

Posted on: October 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Terrifier 2 director Damien Leone responds to Stephen King’s high praise for the bloody horror sequel. Leone’s latest installment in his Terrifier franchise released in select theaters on October 6. David Howard Thornton returns as Art the Clown, starring alongside Lauren LaVera, Elliott Fullam, Sarah Voigt, Kailey Hyman, and Samantha Scaffidi, who is also reprising her role of Vicky from the original 2016 film. Terrifier 2 is set one year after the events of the first movie, following Art the Clown as he targets Sienna Shaw (LaVera) and her younger brother Jonathan (Fullam) on Halloween night and goes on a savage blood-soaked murder spree.  

 

 

Since its release, Terrifier 2 seems to be surpassing the first film in popularity. Not only is the gory splatter film seeing success at the box office, but it has also been met with generally favorable reviews from critics. The Terrifier sequel also earned a badge of honor for a horror film with reports of audience members passing out and vomiting in theaters. Terrifier 2‘s publicity has reached such a point that even renowned horror author Stephen King shared his review. The best-selling author praised the film with a short tweet that referenced some of Terrifier 2‘s spectacularly disgusting effects, saying, “Grossin’ you out old-school.
Of course, King’s words attracted attention, and Leone has shared his reaction to the King of Horror’s review. The Terrifier 2 director responded to King on Twitter and shared his gratitude for the “tremendous honor.” declaring that the author’s quote would be going on the poster. Check out Leone’s response above.
Terrifier 2 may owe much of its box office success to word-of-mouth advertising and reports of intense audience reactions, but it isn’t the only horror film to find such success this year. While movie-going in general has seen a resurgence over the past year thanks to relaxed pandemic concerns, the horror genre has produced more hits than others. Terrifier 2 joins films such as Jordan Peele’s eerie NopeParamount’s creepy Smile, and the Ethan Hawke-led The Black Phone, on a list of horror movies that all garnered respectable returns at the box office as well as praise from critics. Still, Terrifier 2‘s success is even more impressive thanks to its small budget and indie status. (source: screenrant.com)
(ROHN ROMULO)

450 solo parents tumanggap ng cash aid

Posted on: October 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng panibagong tulong pinansyal sa mga kwalipikadong solo parents sa pamamagitan ng Saya All, Angat All program.

 

 

May 450 Navoteño ang nakatanggap ng P2,000 cash subsidy kasunod ng pag-verify ng kanilang bagong-apply at na-renew na solo parent identification card.

 

 

Kasama sa ikaapat na batch ng mga benepisyaryo si Angelica Ebrole, 33, single mother mula sa Brgy. Sipac-Almacen. Plano niyang gamitin ang perang natanggap niya sa pang-araw-araw na gastusin sa pag-aaral ng kanyang mga anak.

 

 

“Gagamitin ko ang perang natanggap ko para mabigyan ng sapat na baon ang mga anak ko pagpasok sa eskwelahan.  Nagpapasalamat ako kay Mayor John Rey sa pag-asikaso nya sa aming mga solo parent,” ani Ebrole.

 

 

“Pandadagdag ko po ito sa pambili ng pagkain at school supplies ng mga bata. Malaking tulong po sa amin ang programang ito ni Mayor John Rey,” sabi naman ni Jopel Pastrana, 35, isang single father mula sa Brgy. Navotas East.

 

 

Ang Saya All, Angat All Tulong Pinansyal ng LGU ng Navotas para sa mga Solo Parents ay bahagi ng serye ng mga pandemic recovery programs ng pamahalaang lungsod na naglalayong makinabang ang 1,500 rehistradong Navoteño solo parents ngayong taon.

 

 

“Our social welfare and development office is already preparing for the fifth and final batch of beneficiaries this year.  We encourage Navoteño solo parents to secure their 2022 solo parent ID to qualify for the next payout,” ani Mayor John Rey Tiangco.

 

 

Ang Navotas, sa pamamagitan ng Navotas Vocational Training and Assessment Institute, ay nagsagawa rin ng 5-araw na skills training sa foot spa services upang mabigyan ang mga rehistradong solo parents ng isa pang paraan na maghanap-buhay.

 

 

Ang pamahalaang lungsod, sa pamamagitan ng City Ordinance No. 2019-17, ay nagbibigay din sa mga indigent solo parents ng P1,000 educational assistance kada school year. (Richard Mesa)

Problema sa industriya ng asukal, patuloy na pinaplantsa – PBBM

Posted on: October 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY na pinaplantsa  ng pamahalaan ang  problema sa industriya ng asukal.

 

 

Ito  ang inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang pangunahan nito ang pamamahagi ng government assistance sa Talisay city sa Negros Occidental.

 

 

Sinabi ng Punong Ehekutibo, may kailangan pang ayusin na problema sa sugar industry na lubha aniyang napabayaan ng ilang taon.

 

 

“Bukod pa dun ang ginagawa namin eh inaayos natin halimbawa dito ang problema ay sa industriya ng asukal, marami tayong kailangan ayusin na problema dahil napabayaan sa nakaraang ilang taon kayat dahan dahan maibabalik natin,” ayon sa Pangulo.

 

 

Magkagayon man, positibo ang Chief Executive  na maibabalik din ang dating estado ng sugar industry kahit paunti- unti.

 

 

Giit ng Pangulo,  patuloy nilang ttitiyakin  na sapat ang natatanggap na pagkain ng taong bayan hindi lamang asukal kundi pati na lahat ng produktong pang- agrikultura sa gitna na rin Ng target nitong mapatatag  ang food supply sa mamamayan.

 

 

“Sa ngayon tinitiyak lang natin na sapat ang dumadating sa taong bayan hindi lamang asukal pati na ang lahat ng produktong agrikultura para naman kahit papaano ay masasabi natin na may sapat na food supply na kayang bayaran ng ating mamamayan,” ang wika ng Pangulo. (Daris Jose)

AMO AT MAID, PATAY SA ENGKWENTRO

Posted on: October 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI  ang isang kasambahay nang nagka-engkwentro sa pagitan ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) at babaeng amo nito sa Sampaloc, Maynila Lunes ng madaling araw.

 

 

Sa ulat ng pulisya,  naganap ang insidente  dakong ala-1:35 ng madaling araw sa kahabaan ng Mindanao Ave., sa nasabing lugar.

 

 

Napag-alaman na dumating sa lugar ang isang kulay itim na pickup Ford Ranger na may plakang ABP 1605 sakay ang suspek na si Kristie Rose Castro y Infante, nakatira sa 30 Saint Anthony, San Carlos Heights ,Baguio City.

 

 

Base sa impormasyon, dumating sa lugar ang suspek kasama ang kanyang maid na nakilala lamang sa alyas Ivy at bigla na lamang nagpaputok ng baril.

 

 

Sinasabing bahay umano ng isang miyembro ng PNP ang kanyang pinutukan kaya naman humingi ng back up ang naturang pulis na hindi pa binabanggit ang pangalan .

 

 

Bumalik pa umano ang babaeng suspek at muling pinaulanan ng bala ang naturang bahay kaya dito na nagkaroon ng engkwentro o palitan ng putok.

 

 

Sa kasawiang palad, tinamaan ng bala at namatay ang maid ng suspek na noo’y makasakay sa passenger seat ng kanyang SUV.

 

 

Sa kabila nito, nagtangkang tumakas ang suspek patungo sa direksyon ng RM Blvd., kung saan siya nasukol .

 

 

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Sampaloc police ang suspek habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente. (Gene Adsuara)