• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November, 2022

Justin Brownlee, Jamie Malonzo binalik angas ng Ginebra Gin Kings

Posted on: November 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

STANDING

TEAM W L

Bay Area 10 2

Magnolia 9 2

Converge 8 3

Ginebra 8 3

NorthPort 6 6

Phoenix 6 6

SMB 5 5

Rain or Shine 5 6

Meralco 4 6

NLEX 4 7

TNT 4 7

Blackwater 3 9

Terrafirma 1 11

 

Mga laro sa Miyerkoles

(PhilSports Arena, Pasig)

3 pm – Meralco vs NLEX

5:45 pm – Converge vs Ginebra

 

 

Sa likod nina Justin Brownlee, Jamie Malonzo at Scottie Thomspon, sumandal sa nakakahilong distribusyon ng bola ang Ginebra para takbuhan ang NorthPort 122-105 sa second game ng 47th PBA Commissioner’s Cup elims sa PhilSports Arena Linggo ng gabi.

 

 

Namigay ng 38 assists sa 48 made shots ang Gin Kings sa pangunguna ng tig-siyam nina Scottie Thompson at Justin Brownlee, may 7 pa si Christian Standhardinger.

 

 

Tumapos si Brownlee ng 31 points, 26 kay Jamie Malonzo at 20 pa kay Standhardinger. Humablot ng tig-13 rebounds sina Brownlee at Standhardinger, mainam din ang kontribusyong 12 points ni Jonathan Gray.

 

 

Umiskor ng 10 pataas ang limang starters ng Batang Pier pero walang naisagot nang kumalas ang Gins sa kalagitnaan ng fourth.

 

 

Tinagay ng Ginebra ang pang-walong panalo sa 11 laro at sinaluhan sa tersera ang Converge.

 

 

Bumaba sa 6-6 ang NorthPort kabuhol ang Phoenix sa 5th. Namuno sa Batang Pier ang 26 points ni Arvin Tolentino na 6 for 9 sa 3s, 23 kay Prince Ibeh at 22 ni Robert Bolick.

 

 

Nagliyab ng 47 points sa third quarter ang Magnolia (9-2) na sinandalan para itaob ang Meralco (4-6) 108-96 sa first game.

 

 

Ikinalat ni Paul Lee ang 11 sa kanyang team-high 27 points sa pivotal third, may 17 points si Calvin Abueva at 16 markers, 20 rebounds kay Nic Rakocevic sa Hotshots.

 

 

Mga iskor

Unang laro

Magnolia 108 – Lee 27, Abueva 17, Rakocevic 16, Jalalon 12, Sangalang 11, Barroca 11, Dela Rosa 6, Ahanmisi 3, Reavis 2, Corpuz 2, Laput 1, Wong 0, Dionisio 0.

Meralco 96 – McDaniels 32, Black 16, Quinto 14, Banchero 11, Johnson 9, Almazan 8, Caram 2, Hodge 2, Pascual 2, Maliksi 0, Hugnatan 0, Pasaol 0, Jose 0.

Quarters: 27-21, 46-51, 93-74, 108-96.

 

 

Pangalawang laro

Ginebra 122 – Brownlee 31, Malonzo 26, Standhardinger 20, Gray 12, Thompson 8, J.Aguilar 7, Pringle 7, Mariano 6, Tenorio 3, Pinto 2.

NorthPort 105 – Tolentino 24, Ibeh 23, Bolick 22, Navarro 11, Chan 10, Ferrer 8, Balanza 4, Taha 3, Sumang 0.

Quarter: 27-34, 63-63, 93-92, 122-105. (CARD)

DOLE nagpaalala: 13th month ibigay bago ika-24 ng Disyembre

Posted on: November 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABAS  na ng guidelines ang Department of Labor and Employment (DOLE) pagdating sa 13th month pay ng mga empleyado, bagay na dapat mabayaran ng employers hanggang bisperas ng Pasko.

 

 

Ito ang muling idiniin ng kagawaran, Lunes, sa kalalabas lang nilang DOLE Labor Advisory No. 23, Series of 2022.

 

 

“The 13th month pay shall be paid on or before December 24, 2022,” wika ng DOLE sa kanilang advisory.

 

 

“No request or application for exemption from payment of 13th-month pay, or for deferment of the payment thereof shall be accepted and allowed.”

 

 

Ang naturang alituntunin ay inilabas alinsunod sa Article 5 ng Labor Code of the Philiine at Presidential Decree 851 na nag-oobliga sa mga employers ng pribadong sektor na bayaran ng 13th month pay ang kanilang rank-and-file employees.

 

 

Sasaklawin nito ang lahat ng nabanggit anuman ang posisyon o employment status basta’t “nakapagtrabaho ng hindi bababa sa isang buwan ng calendar year.”

 

 

Ibibigay din ito sa rank-and-file employees na:

 

binabayaran sa “piece-rate basis”

 

fixed o guaranteed wage plus comission

 

may multiple employers mga nag-resign o tinanggal

 

nasa maternity leave

 

mga nakakukuha ng salary deferrential

 

Para i-compute ang 13th month, i-add ang kabuuang halaga ng sahod/sweldong nakuha sa buong taon at i-divide ito sa 12 (buwan). Hindi pwedeng bumaba riyan ang 13th month.

 

 

“The minimum amount shall be given without prejudice to existing company practice or policy, employment contract or collective bargaining agreement (CBA) if any.”

 

 

“Compliance with the 13th-month pay shall be enforced b the appropriate DOLE Regional/Field/Provincial Office having jurisdiction over the workplace in accordance with the prescribed rules and regulations.”

 

 

Ngayong buwan lang nang sabihin ng DOLE na inaaral na nila kung maaaring bigyan ng subsidyo ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) para mabayaran nila ng 13th month ang kanilang mga manggawa.

 

 

Taong 2021 lang nang iulat ng kagawarang umabot sa 1,300 kumpanya ang bigong makapagbigay ng naturang benepisyo, na isang paglabag sa batas. (Daris Jose)

Preso paghihiwalayin ng kulungan, depende sa krimen

Posted on: November 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KASUNOD ng naging kontrobersiya sa New Bilibid Prison (NBP), planong paghiwa-hiwalayin ng piitan ang mga bilanggo o persons deprived of liberty (PDLs), depende sa nagawang krimen.

 

 

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge Gregorio Catapang, Jr. na mayroon nang regionalization plan para mapaluwag ang NBP kung saan nagsisiksikan ang nasa 30,000 na kaya lamang mag-accommodate ng 6,000 inmates.

 

 

Kabilang sa plano na pagsama-samahin ang mga preso sa bawat rehiyon ay mga karumal-dumal na krimen tulad ng murder, rape at may kaugnayan sa iligal na droga.

 

 

“Sa tatlong region na ‘yun, mamimili tayo saan ba ‘yung drugs, saan ba ‘yung rape, saka saan ba ‘yung murder.

 

 

Hindi namin sila pagsasama-samahin. So, maghi-hiwalay-hiwalay ‘yang mga ‘yan,” ayon kay Catapang.

 

 

Natukoy na ng BuCor ang mga lugar ng regionalization na kinabibilangan ng Central Luzon, Calabarzon, Central Visayas, Zamboanga Peninsula at Davao region.

 

 

Sa regional prisons ay magkakaroon din ng maximum, medium at minimum facilities.

 

 

Mas magiging madali na rin sa mga kaanak ng PDLs na madalaw ang kanilang mahal sa buhay kung mayroong regional penitentiary, kaysa pumunta pa sa NBP na malayo ang panggagalingan.

 

 

Masosolusyunan din ng regionalization ang problema sa ‘unclaimed’ cadaver ng PDLs, na dumarami dahil sa isyu ng pagbibiyahe kung iuuwi pa sa kanilang mga lalawigan.

 

 

Noong Biyernes ay ipinalibing ng BuCor ang nasa 60 bangkay na matagal nang nakatengga sa Eastern Funeral Services, sa Muntinlupa City.

 

 

Sa darating na Biyernes naman ay nakatakdang ipalibing ang 60 pang bangkay ng PDLs. (Gene Adsuara)

Representatives ng Pilipinas sa Le Bal des Debutantes sa Paris: AGA at CHARLENE, proud na proud sa kambal na sina ANDRES at ATASHA

Posted on: November 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments
PROUD parents  ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales dahil naging representatives ang kambal nilang sina Andres at Atasha ng Pilipinas sa Le Bal des Debutantes sa Paris. 
Ganoon din namang ang mag-asawang sina Congressman Richard Gomez at Ormoc City Mayor Lucy Torres, dahil nanalo naman sa Open Fencing Championship, ang only child nilang si Juliana, na ginanap sa Thailand. Si Cong. Richard ang nag-post sa Instagram niya ng
pagbati sa anak. “Congratulations @gomezjuliana for winning the Thailand Open Fencing Championship. May you keep on winning and bring more honor to our country.”
Matatandaan na noon pang nag-aartista si Richard, paborito  na niyang maglaro  ng iba’t ibang sports at isa na rito ang fencing na minana nga ni Juliana.  Ngayon ay pinasok naman ni Richard ang shotgun sports st nagku-compete at nananalo rin siya sa iba’t ibang countries.
***
CONGRATULATIONS to Asia’s Multimedia Star and “Start-Up PH” leading man, Alden Richards, na napili ng Esquire Philippines as this year’s “Entertainer of the Year.”
Sa interview kay Alden, nagbalik-tanaw siya sa 11 years na nasa showbiz na siya, na sa simula raw ay inakala niyang paying job lamang ito, pero after two years, naging passion na niya dahil marami na siyang natutunan.
Hindi raw siya naniniwala sa failures, only lessons learned, dagdag niya never get tired of aspiring, of dreaming and being able to try new things.
Inamin ni Alden na may corporations na siyang naitayo, ang Myriad Corporation at MXP Builders, Design-Build, kaya pinag-aralan din niya how to be a producer, s director, how to mount a show at nagtayo rin siya ng kanyang AR Foundation, Inc. para raw makatulong siya sa mas maraming tao, dahil nandoon daw ang fulfillment niya.
Ang Myriad Corporation ni Alden ay isa sa producers ng “Huling El Bimbo” ng Eraserheads na sold-out na ang tickets kahit sa December 22, 2022 pa sng concert nila sa SMDC Festival Grounds.
Sa tanong kay Alden kung bakit single pa rin siya ngayon, sagot niya, “it’s your choice if you don’t want to be single anymore, pero huwag mo ipilit, that’s one thing I’ve learned, huwag mo ipilit kung hindi pa time. There’s always a perfect time for that.”
Meanwhile, nasa last four weeks na lamang ang “Start-Up PH” na napapanood gabi-gabi sa GMA-7 at 8:50 PM.
(NORA V. CALDERON)

HTAC hugas-kamay sa nasayang na 31M COVID bakuna

Posted on: November 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABAS ng pahayag ang Health Technology Assessment Council (HTAC) matapos ibunton ni Iloilo Rep. Janet Garin ang sisi sa kanila sa nasayang na 31 milyong dose ng COVID-19 vaccine na nagkakahalaga ng P15.6 bilyon.

 

 

Base sa pahayag ni Garin, bawat desisyon umano ng Department of Health (DOH) ay dadaan muna sa HTAC, na may ilang sitwasyon na masyadong matagal magdesisyon o magbigay ng rekomendasyon.

 

 

Dagdag ni Garin, habang ang ibang mga bansa ay nagtuturok na ng COVID-19 booster shot, ang HTAC ay hindi pa nakakapagpasya kung kailan magbibigay nito at naghihintay pa rin sa resulta ng kanilang mga clinical trial.

 

 

Depensa ng HTAC, ang pagkasayang ng mga COVID-19 vaccine ay maiuugnay sa hindi paggamit sa bakuna dahil sa pag-aalinlangan ng mga taong magpaturok, problema sa logistic, labis na pagtatantya sa pagbili dahil sa hindi naaangkop na mga pagpapalagay at hindi pagkakaunawaan ng private at public sector sa logistic mobilization.

 

 

Hindi umano hawak at kontrolado ng HTAC ang pamamahala sa naturang mga proseso katulad sa negosasyon sa pagbili ng bakuna, presyuhan nito, desisyon sa pagbili ng pribadong sektor, pagpaplano, forecasting at deployment ng mga COVID-19 vaccine.

 

 

Ang inilalabas umano nilang rekomendasyon ay nagsisilbing gabay para sa DOH at Philippine Health Insurance Corporation sa pagdedesisyong pinan¬syal sa pagbili ng mga health technology.

 

 

Binigyang-diin ng HTAC na kailanman ay hindi sila naging dahilan ng pagka-delay sa implementasyon ng booster shot.  (Daris Jose)

Vander Weide believes Petro Gazz has firepower to match Cignal

Posted on: November 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Dahil sa matinding pagkatalo sa Creamline sa kanilang semis opener, alam ng import ng Petro Gazz na si Lindsey Vander Weide na kailangan niyang makipag-usap sa kanyang mga kasamahan sa koponan upang palakasin ang kanilang moral bago ang kanilang laban laban sa second-seeded na si Chery Tiggo.

 

 

Kaya, bago ang laro, hiniling ng American reinforcement ang mga Anghel na maniwala sa kanilang sarili at maglaro na parang mga kampeon.

 

 

“Sinabi ko sa koponan bago ang larong ito na kailangan nating maniwala na makikita natin ang ating sarili sa kampeonato at maging iyon ang nanalong koponan,” sabi ni Vander Weide pagkatapos nilang alisin ang Crossovers mula sa finals contention.

 

 

“Sinabi ko na kailangan naming maglaro ng ganoon dahil naramdaman ko na sa aming unang laro laban sa Creamline ay hindi kami naglalaro na parang nakikita namin ang aming sarili sa pagtatapos ng kampeonato at sa palagay ko ang aming pag-iisip ay medyo lumipat ngayon. Alam namin kung ano ang kailangan naming gawin at inalagaan namin ito at ang sarap sa pakiramdam,” she added.

 

 

Ang buong Petro Gazz squad ay dininig ang tawag ni Vander Weide at sinagot ito ng dominanteng 25-15, 25-17, 25-13 sweep ng Crossovers na naglagay sa kanila pabalik sa pagtatalo para sa finals spot sa 2022 Premier Volleyball League Reinforced Conference.

 

 

Tiniyak din ni Vander Weide, na nagsisilbing team captain ng team, na gawin ang kanyang bahagi sa loob ng court. Umiskor siya ng 18 puntos sa 14 na pag-atake at apat na ace para tulungan ang Angels na itaas ang kanilang semis na nakatayo sa 1-1.

 

 

“Like I said, I told them that we had to believe in ourselves but I don’t want we to be overconfident of course but we’ve been practicing for so long, we know our capabilities, and we just need to go out there. at maglaro ng volleyball,” sabi ng 25-anyos na outside spiker.

 

 

Dahil wala na si Chery Tiggo, itinuon ni Vander Weide at ng mga Anghel ang kanilang paningin sa walang talo na Cignal habang sinusubukan nilang bumalik sa finals sa unang pagkakataon mula noong 2019.

 

 

“I mean dinala namin sila sa lima, magaling silang team, talagang dynamic sila, all-around and they have great players but it’s a team that we played well against in certain sets so we know how to compete against them . Kailangan lang nating i-replicate kung ano ang ginawa natin sa mga set na iyon na tinalo natin sila.” (CARD)

Buo ang saya ng Pasko ng mga Ka-Tropie: Kauna-unahang PIE Channel Christmas SID, mapapanood na

Posted on: November 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL damang-dama na ang simoy ng Pasko, lalong papasayahin ng PIE Channel ang bawat Ka-TroPie.

Ngayong Christmas season, bubuuin ng PIE ang saya ng bawat barkada, magkaka-opisina, at pamilya bilang pasasalamat nito sa kanilang mga manonood.

Sinimulan ang #PIEmaskongSaya sa pag-launch ng kauna-unahang PIE Channel Christmas Station ID. Ang musika na ginamit ay komposisyon ni Marcus Davis na siya ring music composer ng karamihan sa mga awit sa ABS-CBN Station ID.

Ang lyrics ay isinulat naman ni Paolo Ramos at inawit ng PIE Jock at Pinoy Big Brother Season 10 Big Winner na si Anji Salvacion. Ang video ng naturang Station ID ay sa ilalim ng direksyon ni Josh Dizon at Paolo Ramos na siya ring nag-direct ng karamihan ng sikat na Kapamilya Station IDs.

Sa PIE Channel Christmas Station ID, ipinapakita ang mga kwento ng saya at mga sorpresang hatid sa nakaraang pitong buwan ng Pinoy Interactive Entertainment channel. Mapapanood ito sa PIE Channel pati na rin sa YouTube at Facebook accounts nito.

Bukod sa station ID at tuloy-tuloy na pagbibigay ng mga cash prizes araw-araw, madarama rin ng mga Ka-TroPIE ang #PIEmaskongSaya sa mga aabangang gimik tulad ng caroling ng PIE Jock, Pinoy Christmas-themed episodes, performances and segments, mall shows at marami pang iba!

 

 

Abangan ang mga PIE Jocks sa kanilang pagbisita sa mga bus/jeepney terminals, tindahan, waiting sheds, grocery counters, mga karinderya at iba pang mga lugar dahil may dala silang sopresang bubuo sa inyong Pasko!

Lahat ‘yan ay mapapanood simula December 14 hanggang sa araw ng Pasko, December 25.

Mapapanood din ang espesyal na 3-part Christmas mini-seryeng “Buo ang Pasko” na pagbibidahan nina Anji Salvacion, Kaila Estrada, Mel Kimura, Soliman Cruz, at Melai Cantiveros-Francisco sa PIE Channel! Eere ang mga episodes nito sa darating na December 3, 10, at 17, 2022 na may replays buong linggo sa PIE.

Mapa-TV, online, mobile, o kahit nasaan ka man, mag-isa o kasama ang pamilya, sa PIE, buong-buo ang saya ng PASKO!

Merry Christmas, mga Ka-TroPie!

Mahahanap ang PIE Channel sa pag-scan ng inyong digibox. Mapapanood din ang PIE sa Cablelink Channel 100, SkyCable Channel 21, YouTube, at official website nito. Kung mayroon kang GCash app, maaari rin itong masubaybayan ng LIVE sa GLive!

(ROHN ROMULO)

Babylove Barbon, Gen Eslapor nanalasa sa beach volleyball

Posted on: November 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Lumapit ang tambalang reigning MVP Babylove Barbon at Gen Eslapor sa pangwalong sunod na titulo para sa University of Santo Tomas nang itumba sina Euri Eslapor at Alyssa Bertolano ng University of the Philippines, 21-16, 21-6, sa 85th University Athletic Association of the Philippines 2022 women’s beach volleyball tournament semifinals Linggo ng hapon sa Sands SM By the Bay sa Pasay City.

 

 

Nananatiling walang bahid ang Golden Tigresses para sa pang-36 na sunod na panalo sapul pa noong 2016. Sunod sa España-based squad ang National University sa finals sa Martes sa parehong venue.

 

 

Tinagpas nina rookie Honey Grace Cordero at Kly Orillaneda ng Lady Bulldogs sa isa pang Final Four match sina Justine Jazareno at Jolina Dela Cruz ng De La Salle University, 21-17, 21-14.

 

Pag-aagawan ng Lady Maroons at Lady Archers ang tersera puwesto.

 

 

Unang nilapa ng Tigresses ang Lady Spikers sa huling araw ng eliminations, 23-21, 21-14 upang makuha ang malinis na 7-0 kartada.

 

 

Tinapos naman nina Cordero at Orillaneda ang University of the East tandem nina Meriam Mungcal at Khrisia Lerom 21-6, 21-9, para sa 6-1 rekord. (CARD)

Kahit noong October pa ang birthday niya: RHIAN, patuloy pa rin sa pagbigay ng kawang-gawa sa mga single mothers

Posted on: November 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TUMALAB ang pagpaparinig at pagpaparamdam ni Valeen Montenegro sa kanyang boyfriend na si Riel Manuel na gusto na niyang magpakasal. 

 

 

Heto at nag-propose na noong nakaaraang November 24 si Riel kay Valeen.

 

 

Pinost ni Valeen ang special moment na ito sa kanyang Instagram na may caption na: “Easiest YES!!! What seemed to be an ordinary Thursday, unexpectedly turned into my favorite day. Ladies and Gentlemen.. my Beyoncé! Special thanks to @mchlgonzales for capturing this moment. We will cherish you forever.”

 

 

Noong 2018 pa may relasyon sina Valeen at Riel. Tuwing may ini-interview kasi si Valeen, lagi siyang tinatanong kung kelan na ito nagpaplano na mag-settle down?

 

 

Laging sagot ni Valeen ay depende raw kung magpo-propose na sa kanya ang kanyang boyfriend, magpapakasal na raw ito agad-agad.

 

 

Sa grupo raw kasi nila sa ‘Bubble Gang’, si Valeen na lang ang hindi pa kinakasal tulad nila Chariz Solomon at Lovely Abella. Kaya gusto na raw niyang makasal para maka-relate siya kapag nagkukuwentuhan silang tatlo.

 

 

***

 

 

NOONG October 3 pa ang birthday ni Rhian Ramos pero patuloy pa rin ito sa kanyang pagbigay ng kawang-gawa sa maraming single mothers sa Sampaloc, Manila.

 

 

Noong mag-turn 32 si Rhian, imbes na magkaroon daw siya ng malaking party, mas ginusto niyang magkaroon ng panahon sa kanyang pagtulong sa mga single mothers sa tulong ng TESDA Camanava.

 

 

“It’s tough enough to earn money for your own living expenses but what if you have kids to take care of and no one to help. It’s close to my heart kasi mommy ko, single parent din.

 

 

“Gusto ko pumili ng isang programa na puwede magbago ng buhay at puwedeng makatulong talaga na long-term. Just wanted to give a great big thank you to all the sponsors again. This was a really a great event!” sey ni Rhian.

 

 

Isa sa programang pinagkaabalahan ng Kapuso star ay ang paggawa ng dishwashing liquid. Nagpamigay siya ng mga librean materials sa in-organize niyang workshop. Dagdag kita raw ito para sa mga single mothers. Namigay din si Rhian ng maagang pamasko sa mga ito.

 

 

Mukhang nahawa na si Rhian sa pagiging charitable ng kanyang boyfriend na si Sam Verzosa na kasalukuyang miyembro ng Philippine House of Representatives dahil sa party list nito na Tutok To Win.

 

 

***

 

 

MASAYANG-MASAYA ang mgs fans ng Koreanovela na ‘Crash Landing On You’ dahil ang mga bida na sina Hyun Bin and Son Ye-jin ay meron ng baby boy.

 

 

Ayon sa Vast Entertainment and MS Team Entertainment, kinumpirma nila na sinilang na ni Son ang isang baby boy noong nakaraang November 27. Nasa mabuting kalagayan naman daw ang mag-ina.

 

 

Inaabangan ng HyunSon fans ang pagbuo ng pamilya ng dalawang sikat na SoKor stars simula pa noong kinasal sila.

 

 

Kinasal sina Hyun Bin at Son Ye-jin noong March 31 at noong June ay in-announce nila na magkakaroon na sila ng baby. October naman noong i-announce nila na boy ang magiging panganay nila.

 

 

Naging hit noong magkroon ng pandemic in 2020 sa Netflix ang series na Crash Landing On You na tungkol sa isang South Korean heiress na nag-crash ang parachute sa North Korea at ma-in love sa isang sundalo roon. Kinunan ang maraming eksena ng series sa bansang Switzerland.

 

 

Bago sila magsama sa naturang series, una silang nagkasama sa pelikulang The Negotiation in 2018.

(RUEL J. MENDOZA)

Street Smart nagpa-wow sa Philracom Rating Based

Posted on: November 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Pasiklab ng tikas si Street Smart para manalo sa Philippine Racing Commission Rating Based Handicapping System Linggo ng hapon sa Metro Manila Turf Club Inc. sa Malvar/Tanauan, Batangas.

 

Kinabayo ni jockey Rico Suson, tumiyempo siya ng 1:26.8 sa 1,400 meter race upang ibulsa ng winning horse owner ang premyong P150K.

 

Sumegundo si Moves Like Jagger na humamig ng P50K, tumersero si Smiling Lady na sumikwat ng P25K habang pumang-apat si Central Bank na sumungkit ng P12,500 sa event na suportado ng Philracom sa pamumuno ni chairman Aurelio De Leon.

 

Tumanggap din ang trainer ng pumrimerang kabayo ng P12K, P4,500 sa pangalawa at P2,500 ang pangatlo. (CARD)