• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 16th, 2022

Mga paraan para mapigil ang pagtatapon ng basura sa karagatan, tinalakay

Posted on: November 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGSASAWA  nitong Lunes ang House committee on Ecology, na pinamumunuan ni Rep. Marlyn Alonte (Biñan City) ng organizational na pulong, at inaprubahan ang Internal Rules of Procedure nito.

 

 

Sinabi ni Alonte na ang hurisdiksyon ng komite ay sumasaklaw sa lahat ng mga bagay nang direkta at pangunahing may kaugnayan sa pamamahala ng ecosystem, kabilang ang pagkontrol sa polusyon.

 

 

“Simply put, our committee is tasked to protect ecological services, prevent and control pollution, and accordingly sustain and restore the natural resources. These are the ecological services that we need to protect — clean air, clean surface and groundwater, lush vegetation due to healthy and uncontaminated soil, and rich marine resources and ideal climate,” ani Alonte.

 

 

Ikinalungkot ng mambabatas na ang kapaligiran ay dumaranas ng labis na pinsala mula sa mga aktibidad ng tao, na sumisigaw na nang aksyon at suporta. “Let us work together to find that balance between economic development and a life-sustaining environment,” dagdag pa ni Alonte.

 

 

Nagsagawa rin ng briefing ang Department of Environment and Natural Resources at Metro Manila Development Authority sa: 1) National Plan of Action on Marine Litter (NPOA-ML), 2) mga agwat sa patakaran sa pamamahala sa basura hinggil sa mga limitasyon ng sanitary landfill, bilang pasilidad ng pagtatapon, gayundin ang 3) mga agwat sa patakaran sa pamamahala ng mapanganib na basura sa bahay, at pangangalaga sa kalusugan dahil na rin sa pandemyang dulot ng COVID 19.

 

 

Nagbigay ng presentasyon si DENR-Environmental Management Bureau (EMB) Assistant Director Atty. Vizminda Osorio hinggil sa National Plan of Action on the Prevention, Reduction, and Management of Marine Litter na inilunsad noong Nobyembre 2021.

 

 

Sinabi ni Osorio na nakikinita ng NPOA-ML na mawawala ang mga basura sa karagatan sa Pilipinas, sa pamamagitan ng ibinahaging responsibilidad, pananagutan, at partisipasyong pamamahala. Samantala, sinabi ni Rep. Joey Salceda (2nd District, Albay) sa pagdinig na kung maging batas, ang House Bill 4102, o ang “Plastic Bags Tax Act,” ay mabibigyan ang mga lokal na pamahalaan ng P10-bilyon kada taon mula sa National Expenditure Program.

 

 

“This is in recognition that pollution is a shared responsibility of the national and local governments. That policy has not been enunciated properly,” ani Salceda. (Ara Romero)

Pagpapalawig sa libreng Sakay extension sa EDSA buses, LRT-2 trains sa Metro Manila, muling ipinanawagan

Posted on: November 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IKINAGALAK ni CamSur Rep. LRay Villafuerte ang desisyon ng palasyo na palawigin pa hanggang Disyembre ngayon taon ang free bus ride program nito sa EDSA.

 

 

Gayunman, umapela ang mambabatas sa dalawang kapulungan ng kongreso na mag-realign ng pondo sa General Appropriations Act (GAA) upang makapaglaan ang pamahalaan ng pondo upang mapalawig pa hanggang sa susunod na taon ang Libreng Sakay program.

 

 

Umaasa itong maisasama rin sa ilalaang pondo para sa Libreng Sakay sa mga estudyante sa LRT-2 (Light Rail Transit Line 2) na magtatapos din ngayong taon.

 

 

Sinabi ng mambabatas na dala na rin sa patuloy na pagtaas sa presyo ng mga bilihin kasama ay makakabuti sana na magpatuloy ang pagbibigay ng libreng sakay hanggang 2023.

 

 

Maaari pa aniyang magawa ang realignment habang dinidinig pa ng Senado ang panukalang 2023 GAA bago ito maaprubahan at maipasa sa Malakanyang ngayong Christmas break sa Disyembre 17.

 

 

Naglalabas ang gobyerno ng P10M-P12M kada araw para sa bus companies na nagbibigay ng libreng sakay sa may 300,000 pasahero araw-araw.

 

 

Una ring inihayag ng DOTr na ang libreng sakay sa bus ay magiging 24/7 mula Disyembre15 hanggang Disyembre 31, na siyang huling mga araw ng transport subsidy program matapos mabigo ang ahensiya makakuha ng pondo para magpatuloy ito hanggang 2023.

 

 

Sa kasalukuyan, ang libreng sakay ay limitado lamang mula alas-4 ng madaling araw hanggang alas-11 ng gabi habang ang mga pasahero na sasakay sa labas ng nasabing oras ay magbabayad ng P13 sa unang 5 kilometers (km) at dagdag na P2.20 sa bawat susunod na kilometro. (Ara Romero)

Mas marami ng mga Bulakenyo ang makikinabang sa serbisyong medikal

Posted on: November 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Mas marami ng mga Bulakenyo ang makikinabang sa serbisyong medikal makaraang pasinayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando ang bagong Outpatient Department ng Bulacan Medical Center sa isang programa na isinagawa sa bagong OPD building na matatagpuan sa Bulacan Medical Center Compound, Brgy. Guinhawa dito kaninang umaga.

 

 

Pinondohan ng Department of Health sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program (DOH-HFEP) ang dalawang palapag na gusali na may tinatayang halaga na P49 milyon, para sa lawak na 684 square meters sa unang palapag at 612 square meters sa ikalawang palapag.

 

 

Sinabi naman ni Provincial Health Officer II Dra. Hjordis Marushka Celis na bukas ang bagong outpatient department mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 N.U. hanggang 5:00 N.H. na may kapasidad na tumanggap ng 300 hanggang 400 na pasyente bawat araw at tuwing Sabado mula 8:00 N.U. hanggang 12:00 N.H. upang maghatid ng serbisyo na limitado sa internal medicine at pagtatanggal ng tahi.

 

 

Pamamahalaan ang bawat pasilidad sa OPD ng mga section at department heads ng BMC kabilang na ang Family Planning, OB-Gyne, Surgery Department, Treatment/Excision, Laboratory, X-Ray Room, Medical Department, Psyche/EENT, IPCC/HESU, Animal Bite Training Center, Dental Clinic, Pedia/Under 5 Clinic, Sub-Specialty Area at Pediatric Department.

 

 

Sa kanyang mensahe, inihayag ni Fernando ang pasasalamat sa DOH sa pagbibigay sa lalawigan ng bagong gusaling pang-medikal.

 

 

“Mayroon na naman tayong gusali na ipinagkaloob sa atin ng Diyos upang tayo ay makapagbigay ng serbisyo sa ating mga kababayan, lalo’t higit ‘yung mga mahihirap na tao na walang sapat na pera at sa atin lumalapit para humingi ng tulong,” anang gobernador.

 

 

Mahigpit din niyang pinaalalahanan ang mga kawani na gampanan ang kanilang mga tungkulin ng may integridad at paglingkuran ang mga Bulakenyong nangangailangan ng may pagmamalasakit at pang-unawa.

 

 

Inanunsiyo rin niya na ang dating outpatient department sa BMC ay magiging Department of Ophthalmology and Visual Sciences kung saan pinagunahan din niya ang groundbreaking ceremony nito sa idinaos na programa.

 

 

Para sa mga karagdagang mga katanungan at appointments, bisitahin lamang ang BMC OPD Online Appointment Facebook page o bisitahin ang link na https://www.facebook.com/BMCOPDKonsulta para sa OPD Consultation processes at mga anunsiyo. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

LRT 1 Cavite extension on time ang construction

Posted on: November 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO ang Department of Transportation (DOTr) na ang Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension Project ay matatapos ayon sa schedule nito kung saan ito ay magiging operasyonal sa huling quarter ng taong 2024.

 

 

 

Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista na sinabi ng Light Rail Manila Corp. (LRMC) na siyang namamahala, ang construction ay nasa tamang schedule nito upang matapos on time ang LRT 1 Cavite Extension.

 

 

 

“We are on track to finish the Cavite extension on time. This is the reason we are here, to make arrangements with the LRMC and their contractors so this line will be operational as scheduled. We are expecting this line to be operational by September 2024. I am impressed with the status of the project,” wika ni Bautista.

 

 

Ayon sa updates ng construction, ang unang bahagi ng LRT 1 Cavite extension ay on time sa kanilang civil works. Lahat ng istasyon ay halos may 30 porsiyentong completion level.

 

 

Ang Dr. A. Santos istasyon ay may 48.03 porsiyento ng tapos, habang ang Ninoy Aquino ay may 34.06 porsiyento na rin ang tapos. Ang istasyon sa Redemptorist ay may naitalang 30.17 porsiento sa civil works.

 

 

Mayroon naman 37.12 porsi yento ang progress ng completion sa istasyon ng Asia World at 35. 47 porsiento naman ang estasyon ng Manila International Airport.

 

 

“From 20 at present, the LRT 1 Cavite extension targets to increase the number of railway stations to 28 upon completion of its three phases,” dagdag ni Bautista.

 

 

Naglalayon na ang proyekto sa LRT 1 Cavite extension ay makarating hanggang Bacoor sa Cavite kung saan madaragdagan ng 11 kilometro ang buong rail line.

 

 

Sinabi rin ng LRMC na ang mga istasyon ay makakatulong upang tumaas pa ang kapasidad ng LRT 1 kung saan ito ay magkakaroon at magiging 800,000 na pasahero kada araw.

 

 

Dahil din sa construction ng LRT 1 Cavite extension, inaasahang magkakaroon ng improvement sa commercial development malapit sa mga istasyon.

 

 

“Commuters can expect a comfortable, reliable and modern integrated transport by riding the LRT 1. Travel time from Pasay to Cavite will be cut down from an hour and a half to only 25 to 30 minutes,” saad ng LRMC.

 

 

Ang LRMC consortium na binubuo ng Metro Pacific Investments Corp.’s Metro Pacific Light Rail Corp., Ayala Corp.’s AC Infrastructure Holdings Corp., at Macquarie Infrastructure Holdings (Philippines) PTE Ltd. ay siyang nanalo ng kontrata para sa pagtatayo ng LRT-Cavite extension project. LASACMAR

Cambodian leader COVID-19 positive matapos i-host ASEAN Summit na dinaluhan ni Marcos Jr.

Posted on: November 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINABI  ni Cambodian Prime Minister Hun Sen na nagpositibo siya sa COVID-19 ilang araw matapos niyang pangunahan ang ASEAN Summit na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. atbp. world leaders sa Phnom Penh.

 

 

Ito ang ibinahagi niya sa kanyang Facebook page, Martes, matapos niyang dumating sa Indonesia para sa G20 summit. Sa kabila nito, hindi raw niya inaasahang magkakaroon ng sintomas.

 

 

“I am not sure when this virus came to me, but when I arrived, the Indonesians took a sample from me in the evening, and in the morning it confirmed Covid-19 positive.”

 

 

Si Hun Sen, na itinuturing na “longest-ruling Asian leader,” ay nakaharap ng mga pinuno mula sa walong Southeast Asian countries gaya ni Bongbong. Katatapos lang nito noong Linggo.

 

 

Nakaharap din niya sina US President Joe Biden pati na ang ilang pinuno mula Tsina, Japan, Australia at Canada. Makikita sa ilang opisyal na larawan ng pagpupulong na wala siyang face mask habang kinakaharap ang mga naturang leaders at heads of state.

 

 

Sa kabila ng lahat ng ito, nagpapasalamat pa rin siya dahil na-late nang dating sa Bali at hindi nakasama kumain ang ilang leaders sa G20 Summit.

 

 

Uuwi ang Cambodian delegation ngayong araw at idiniing hindi niya muna makakaharap sina Chinese President Xi Jinping at French President Emmanuel Macron sa APEC summit sa Bangkok ngayong linggo.

 

 

Wala pa ring balita mula sa Malacañang kung patungkol sa lagay ng kalusugan ni Marcos Jr.

 

 

Si Bongbong ay ilang beses nang tinamaan ng COVID-19 noong taong 2020 at 2022 at isa nang senior citizen, na siyang malaki ang risk sa nasabing karamdaman.  (Daris Jose)

Obvious naman na walang anak at hindi kasal kay Maine: ALDEN, nasagot na ang isyu kaya tathimik at ‘di na nagre-react

Posted on: November 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

OBVIOUS at very given naman na wala talagang anak at hindi kasal sina Alden Richards at Maine Mendoza.

 

 

Pero may ilang Aldub fans talaga na kung ano ang pinaghuhugutan at pinaniniwalaan ito.

 

 

Nabuhay na naman at naging maingay ang chika na ‘to dahil sa naging interview ni Maine recently sa Youtube channel ni Ogie Diaz na nag-comment na siya.

 

 

Para sa amin, maganda naman ang ginawang ito ni Maine dahil ever since, she’s very known naman talaga sa madalang pero kapag nagsalita o nag-post, talang direct to to the point. At may paglilinaw na nagaganap.

 

 

Pero siyempre, si Maine ‘yon. Iba naman si Alden. Iba rin ang ways ni Alden sa pag-deal sa mga issue at bashers.

 

 

Ilan sa mga tweets na nababasa namin, “May video o statement na ba si Alden na he categorically sinabi niya na hindi sila kasal ni Maine at hindi totoo na may anak na sila?”

 

 

Sa isang banda, sa mga past interviews ni Alden, nasagot na rin niya na wala siyang anak, wala siyang asawa at single siya. Pero ayaw pa rin paniwalaan ng iba, huh!

 

 

As a guy, kitang-kita namin kay Alden na siya ‘yong hindi na lang binibigyan ng pansin lalo na kung alam niya kasi sa sarili niya na hindi totoo o walang katotohanan. Way na rin siguro ito ni Alden na his silence means ‘no’.

 

 

Meaning, kaya hindi siya nagre-react, kasi, wala ngang katotohanan at baka naiisip niya, para hindi na lumaki pa.

 

 

Focus si Alden ngayon sa GMA Telebabad na “Start-Up PH” na marami ang nag-aabang kung sila ng character ni Bea Alonzo ang magkakatuluyan o magkakabukuhan na kung sino talaga ang totoong letter sender sa kanila ni Jeric Gonzales.

 

***

 

 

NAIINTINDIHAN namin ang pinanggagalingan ni Carla Abellana nang sabihin niyang hindi pa rin talaga nagsi-sink-in sa kanya na divorce na sila ni Tom Rodriguez.

 

 

Wala naman kasing diborsiyo sa bansa but instead, annulment. Kaya lang naging mabilis ang divorce nila dahil American citizen si Tom at covered ng batas ng U.S.

 

 

Sabi nga ni Carla sa naging interview niya sa Youtube channel ni Nelson Canlas na naipalabas din sa 24 Oras ng GMA-7 na, “One kasi, divorce doesn’t exist in the Philippines. Dahil ang foreign ng divorce and wala kasi sa atin, hindi pina-practice dito. Parang hindi pa siya fully nagsi-sink in.

 

 

“Siguro, mas doon pa siya magsi-sink in pag siguro ‘yung dito na naproseso or dito na naasikaso at na-recognize na siya ng Philippine port.

 

 

“Hindi rin niya itinanggi na nasasaktan pa rin siya sa kinahinatnan ng tatlong buwang kasal nila ng actor.

 

 

“Oo, definitely. I won’t even hesitate to answer and say yes, definitely. But ang pain kasi doesn’t disappear overnight. Gustuhin mo mang mawala na ‘yung pain, it’s in a way something you cannot control.”

 

 

Sinabi rin ng aktres na talagang nire-recognize niya naman na nandiyan pa rin ang pain talaga.

 

 

“Definitely, nandiyan pa siya. Ayoko namang sabihin na wala, kasi hindi rin totoo ‘yun, so definitely, nandiyan.”

 

 

Hindi rin daw nagri-reach-out si Tom mula noong maghiwalay sila.

 

 

“The last time na nakita ko siya was in February, but since then, no,” sabi niya.

 

 

Matatandaang naghiwalay sina Carla at Tom ng Marso nitong taong ito.

 

 

Natawa naman si Carla sa tanong kung mahal pa ba niya si Tom.

 

 

“Oh my gosh, wow, hot seat ito,” sey niya. “Like I said, ‘yung love naman, hindi siya nagdi-dissapear or parang hindi mo nababawasan nang kusa.”

 

 

Honest naman na sinabi ni Carla na, “Hindi, hindi muna. At this point, parang hindi ko kakayanin. If ever he calls, hindi ko kakayanin na kausapin siya.”

 

 

Sa ngayon daw ay hindi pa niya makita ang kanyang puso pero alam niyang dapat niya itong alagaan.

 

 

“Hindi ko alam kung nasaan ‘yung heart ko, nawawala. Sa dami na ng pinagdaanan ng puso, dapat alagaan, parang ganu’n. So, inaalagaan ko, inaalagaan ko ‘yung sarili kong heart.”

 

 

(ROSE GARCIA)

‘Power is the great equalizer’: Nag-react ang mga fighters sa knockout ni Alex Pereira kay Israel Adesanya sa UFC 281

Posted on: November 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Naulit ang kasaysayan sa UFC 281 nang hulihin ni Alex Pereira ang Israel Adesanya sa kanilang MMA rematch, na nagpakilos ng TKO win na naglagay ng UFC middleweight belt sa baywang ng Brazilian.

 

Paulit-ulit na nilalaro ni Adesanya ang apoy habang siya ay nakatayo at hinampas si Pereira. Sa huli sa una, halos nagbayad ito ng mga dibidendo sa huling segundong paghinto. Ngunit nakaligtas si Pereira at pagkatapos ay nakaganti sa kanyang mga suntok na nagselyado sa tagumpay sa 2:01 ng ikalimang at huling round.

 

Narito ang sinabi ng mga manlalaban tungkol kay Alex Pereira laban sa Israel Adesanya at sa UFC 281 main card noong Sabado sa Madison Square Garden sa New York City. (CARD)

Ads November 16, 2022

Posted on: November 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Mag-tita na sina Helen at Sharon, pararangalan din… TITO, VIC & JOEY, pasok sa sampung Icon awardees ng ‘The 5th EDDYS’

Posted on: November 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SAMPUNG tinitingala at nirerespetong alagad ng sining ang bibigyang-pagkikilala sa gaganaping The 5th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

 

 

Tulad ng mga nagdaang taon, 10 mahuhusay at itinuturing na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino ang pararangalan ng SPEEd bilang mga Icon awardees ngayong 2022.

 

 

Ito’y para sa hindi matatawarang kontribusyon at pagmamahal nila sa movie industry sa loob ng mahabang panahon.

 

 

Ang The EDDYS Icon honorees ay sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Phillip Salvador at Roi Vinzon. Kasama rin sa bibigyang-parangal ang mga dekalibreng aktres na sina Helen Gamboa, Divina Valencia, Elizabeth Oropesa, Alma Moreno at Sharon Cuneta.

 

 

Para naman sa mga special awards ng ikalimang edisyon ng The EDDYS ipagkakaloob ang Joe Quirino Award sa entertainment journalist at TV correspondent na si Mario Dumaual.

 

 

Ang scriptwriter at dati ring editor na si Eric Ramos ang tatanggap ng Manny Pichel Award habang ang Rising Producer Circle award ay ipagkakaloob sa Rein Entertainment.

 

 

Ang Viva Films naman ang napili ng SPEEd bilang Producer of the Year.

 

 

Para sa Isah Red Award, pararangalan naman sina Gretchen Barretto, Kris Aquino, Alfred Vargas; Kapuso Foundation at Sagip Kapamilya.

 

 

Nauna nang inihayag ng SPEEd ang mga nominado para sa iba’t ibang kategorya ng 5th The EDDYS.

 

 

Maglalaban-laban para sa Best Film ang “Arisaka” (Ten17 Productions), “Big Night,” (IdeaFirst Company) “Dito at Doon”, (TBA Studios); “Kun Maupay Man It Panahon” (Black Sheep, Globe Studios, Dreamscape Entertainment), at “On The Job: The Missing 8” (Reality Entertainment).

 

 

Nominado naman sa kategoryang Best Director sina Erik Matti (On the Job: The Missing 8); Mikhail Red (Arisaka); Jun Lana (Big Night); Carlo Francis Manatad (Kun Maupay Man it Panahon); at JP Habac (Dito at Doon).

 

 

Sa pagka-Best Actress, magsasalpukan sina Janine Gutierrez (Dito at Doon); Kim Molina (Ang Babaeng Walang Pakiramdam); Maja Salvador (Arisaka); Charo Santos (Kun Maupay Man It Panahon); at Alessandra de Rossi (My Amanda).

 

 

Sino naman kaya ang tatanghaling pinakamagaling na aktor sa The 5th EDDYS mula sa mga nominado na sina John Arcilla (On The Job: The Missing 8); Christian Bables (Big Night); Dingdong Dantes (A Hard Day); Daniel Padilla (Kun Maupay Man It Panahon); at Piolo Pascual (My Amanda)?

 

 

Para sa Best Supporting Actress category nominado sina Janice de Belen (Big Night); Lotlot de Leon (On The Job: The Missing 8); Eugene Domingo (Big Night); Elizabeth Oropesa (Huwag Kang Lalabas); at Rans Rifol (Kun Maupay Man It Panahon).

 

 

Samantala, magpapatalbugan naman sina John Arcilla (Big Night); Mon Confiado (Arisaka); Christopher de Leon (On The Job: The Missing 8); Ricky Davao (Big Night); at Dennis Trillo (On The Job: The Missing 8) ang matutunggali sa Best Supporting Actor category.

 

 

Ang ikalimang edisyon ng The EDDYS ay ipiniprisinta ng Globe Telecom sa pakikipagtulungan ng Beautederm, NCCA, MET at sa suporta ng Tanduay. Kasama rin si Dr. Carl Balita ng Dr. Carl Balita Foundation, JFV Rice Mill at si Bataan Rep. Geraldine B. Roman.

 

 

Katuwang din ng SPEEd sa pagdaraos ng The EDDYS ang Fire And Ice Media and Productions, Inc., ang kumpanyang itinatag nina Liza Diño at Ice Seguerra.

 

 

Magaganap ang ikalimang edisyon ng The EDDYS sa November 27 sa Metropolitan Theater (MET) na ididirek ng OPM icon at award-winning singer-songwriter na si Ice Seguerra. Magsisilbi namang host ng event ang talent manager at premyadong TV personality na si Boy Abunda.

 

 

Ang pagbibigay ng award ng SPEEd ay isang paraan para hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmma-kers, producers, writers, actors at iba pa na bumuo ng makabuluhan at de-kalidad na pelikula.

 

 

Ang SPEEd ay samahan ng mga entertainment editor ng major broadsheets at tabloids sa bansa, sa pangunguna ni Eugene Asis (ng People’s Journal) bilang presidente.

(ROHN ROMULO)

After six months na isilang si Baby Dylan… JENNYLYN, pinaghahandaan na ang pagbabalik-taping sa serye nila ni XIAN

Posted on: November 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY na kinagigiliwan ng mga netizens ang panonood gabi-gabi ng historical fantasy portal series ng GMA Network na “Maria Clara at Ibarra.” 

 

 

Na ngayon sa story ay may nabuo pang isang magandang relasyon sa pagitan nina Klay (Barbie Forteza) at Fidel (David Licauco), kahit minsan ay para silang aso’t pusa sa eksena, dahil laging binibiro ni Fidel si Klay.

 

 

Bininyagan pa sila ng team FiLay.

 

 

Kaya sa isang interview kay Dennis, nag-share siya ng pasasalamat ng buong cast sa mainit na pagtanggap ng mga viewers sa serye.

 

 

“Masayang-masaya kami,” wika ni Dennis.

 

 

“Siempre, ang gagaling ng mga kasama ko kaya siguro magaganda rin ang reviews, nakikita nilang maliit man ang role, dahil mahuhusay sila ay appreciated nila.  Kaya ako, lagi rin akong handa sa bawat eksenang gawin namin.

 

 

“Nakakatuwa rin na may kani-kaniya na silang gusto, mayroong maka-Maria Clara at Ibarra at mayroon ding Fidel at Klay, at gusto rin nila sina Ibarra at Klay.  Marami pang mangyayari sa serye, may mga papasok pang bagong characters at matagal-tagal pa tayong magkakasama-sama.”

 

 

***

 

 

NAIINIP na rin ang mga fans ni Jennylyn Mercado, kaya natuwa sila nang mag-post ito sa Instagram ng photo with a caption na “work in progress, after 6 months, pilates,”  na ibig sabihin ay naghahanda na si Jen para sa pagbabalik niya sa pag-arte,  after niyang isilang si Baby Dylan.

 

 

Ngayon ay ready na muli si Jen mag-resume ng taping para sa series na “Love. Die. Repeat.”  Pinagtatambalan nila ito ni Xian Lim at ilang taping days na lamang ang natitira nang malaman ni Jen, na she’s preggy for their first child nila ni Dennis, kaya napilitan siyang huminto.

 

 

Naintindihan naman ito ng GMA Network at ni Xian.  Kaya si Xian ay binigyan muna ng isang comedy drama seies na “False Positive” with Glaiza de Castro. 

 

 

May bagong project na gagawin si Xian sa GMA, ang “Hearts on Ice” with Ashley Ortega, pero tatapusin muna nila ni Jen ang serye nila bago sila mag-taping ni Ashley.

 

 

                                                            ***

 

 

VERY lucky si Rocco Nacino na nakasama siya sa “Maria Clara at Ibarra” at ginampanan niya ang isang important character sa serye, bilang si Elias, ang best friend pero misteryosong tagapagligtas ni Ibarra.

 

 

Mapapanood na ang mga eksena ni Rocco sa mga susunod na gabi ng serye after ng “24 Oras.”

 

 

Kaya naman nagkaroon na ng chance si Rocco, na mag-guest sa “Running Man Philippines” kasabay niyang nagtungo roon ang kapwa guest na si Empoy Marquez.  

 

 

Nag-enjoy si Rocco sa two taping days nila sa South Korea kasama sina Mikael Daez, Glaiza de Castro. Ruru Madrid, Kokoy de Santos, Angel Guardian, Lexi Gonzales at Buboy Aguilar.  

 

 

Ayon kay Glaiza, si Rocco raw ang pinakamaswerteng nag-guest sa show dahil nakatanggap siya ng malaking halaga dahil ang episode nila ay may cash equivalent kapag nanalo sila sa contest.

 

 

Patuloy na napapanood ang “Running Man PH” every Saturday, 7:15PM at every Sunday, 7:50PM sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)