DUMATING na sa Pilipinas si United States (US) Vice President Kamala Harris para sa serye ng engagements nito kabilang na ang pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.
Nakatakda ring bumisita si Harris sa Palawan.
Sina Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano, Pasay Rep. Antonino Calixto, US Ambassador to the Philippines Marykay Carlson at Reynold Munsaya, tagapagsalita ni Duterte ang nag-welcome kay Harris sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa isang senior US administration official, ang nakatakdang miting ni Harris kay Pangulong Marcos at Duterte ay nakatuon sa pagpapalakas sa Philippine-US security alliance at economic relationship.
Muli nitong pagtitibayin ang US defense commitments sa Pilipinas at ang kahalagahan ng kanilang alyansa pagdating sa kapayapaan at katatagan sa South China Sea.
“They will discuss upholding international rules and norms,” ang pahayag ng isang the US official.
“We anticipate there will be deliverables and new initiatives on this front, as well, related to the digital economy and upskilling and accelerating the transition to clean energy,” dagdag na pahayag nito.
Sa kabilang dako, nakatakdang makipagpulong si Harris sa civil society activists bilang bahagi ng kanyang patuloy na suporta para sa human rights at democratic resilience.
Magpapartisipa rin si Harris sa isang “moderated conversation” o town hall kung saan ang mga filipinang kababaihan ang kanyang audience.
Gayundin, nakatakdang bumiyahe si Harris papuntang Puerto Princesa, Palawan para ipakita ang commitment ng administrasyon ng Estados Unidos na suportahan ang PIlipinas sa rules-based international maritime order sa South China Sea.
“The Vice President will deliver remarks underscoring the importance of international law, unimpeded commerce, and freedom of navigation in the South China Sea,” ayon sa US official.
Nakatakda ring makipagpulong si Harris sa mga mamamayan, civil society leaders, at kinatawan ng Philippines Coast Guard (PCG).
“And now, in her engagement with the Philippines Coast Guard, which has benefitted from US partnership, training, and equipment, she will see firsthand the outcomes of this partnership and discuss how to strengthen it even further with new funding and initiatives,” ang pahayag ng US official.
Si Harris ang highest-ranking US official na nakatakdang bumisita sa Palawan. (Daris Jose)