• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 23rd, 2022

2 most wanted sa rape at murder, timbog sa Caloocan at Valenzuela

Posted on: November 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr ang pagkakaaresto sa dalawang most wanted persons sa magkahiwalay na manhunt operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela Cities.

 

 

Ayon kay Col. Peñones, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Caloocan police sa pangunguna ni P/Major Jeraldson Rivera, kasama ang 4th MFC RMFB, NCRPO ng joint manhunt operation sa Araya St. Dolmar 2. Golden Hills Subdivision  Brgy. 168, Deparo 1, Caloocan City na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang most wanted person dakong alas-4:30 ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong akusado bilang si Cebastian James Biglang-Awa. 19 ng Barangay 168, Deparo 1, ng lungsod

 

 

Si Biglang-Awa ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rosalia I. Hipolito-Bunagan ng Regional Trial Court (RTC) Branch 232, Caloocan City para sa kasong Rape.

 

 

Sa Valenzuela, natimbog din ng mga operatiba ng WSS ng Valenzuela police sa pangunguna ni PLt Ronald Bautista sa manhunt operation in relation to SAFE NCRPO sa McArthur High-way, Barangay Karuhatan dakong alas-3 ng hapon ang isa pang most wanted person na kinilala bilang si Melvin Magnifico, 54 ng Lot 5 Blk. 10 Phase 5, PerIsland Malinis Street, Brgy. Lawang Bato.

 

 

Ani Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, si Magnifico ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong March 7, 2017 ni Judge Maximino R. Ables ng Regional Trial Court (RTC) Branch 47, Masbate City para sa kasong Murder at walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan. (Richard Mesa)

Kumpanyang sangkot sa paghuhukay sa Bilibid, kakasuhan

Posted on: November 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PLANO ring kasuhan ng Department of Justice (DOJ) ang pribadong kumpanya na sangkot din sa paghuhukay sa compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

 

 

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na kinukumpleto pa nila ang investigation report saka isasagawa ang paghahain ng mga kaukulang kaso.

 

 

“Yan ho kasi, marami hong paglabag sa batas ‘yan,” ayon kay Remulla.

 

 

Tinukoy ni Remulla ang kumpanyang Agua Tierra Oro Mina (ATOM) Development na sinabi ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director Gerald Bantag na siyang nagde-develop sa lugar.

 

 

Una na ring sinabi ni Remulla na naghuhukay umano ng Yamashita treasure si Bantag na personal na sinabi sa kaniya ng huli ngunit hindi niya pinayagan.

 

 

May pahayag din si Bantag na “deep swimming pool” ang kanilang ginagawa dahil sa pagiging scuba diver niya at hindi isang tunnel para mapatakas ang mga inmates. (Gene Adsuara)

Vhong Navarro, kalaboso na sa Taguig jail

Posted on: November 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAILIPAT na noong Lunes sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Taguig City ang aktor na si Vhong Navarro buhat sa kanyang pagkakadetine sa detention center ng National Bureau of Investigation (NBI).

 

 

Nakadetine ngayon sa Male Dormitory ng BJMP Taguig City Jail si Navarro makaraang lumabas na ang kaniyang medical examination at negatibong RT-PCR test results.

 

 

Ang paglilipat ng kulu­ngan sa aktor ay matapos na maglabas ng “commitment order” ang Taguig Regional Trial Court Branch 69 na mailipat na ng detensyon si Navarro at iniutos sa NBI-Security Management Section noong Nob. 14.

 

 

Kahapon ng umaga, ­ineskortan na ng mga ahente ng NBI si Navarro patungo sa Taguig City Jail.

 

 

Nakulong si Navarro makaraang sumuko noong Setyembre sa NBI nang maglabas ng warrant of arrest ang korte ukol sa kasong rape na isinampa laban sa kanya ng mo­delong si Deniece Cornejo. (Daris Jose)

50 million national ID target na mailabas ng Philippine Statistics Authority ngayong taon

Posted on: November 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMAASA ang Philippine Statistics Authority (PSA) na maabot ang target nitong makapag-isyu ng 50 milyong physical at digital national ID card ngayong taon, dahil sa patuloy na pagtaas ng mga card na ipinapadala para sa delivery.

 

 

Sa isang pahayag, sinabi ng kagawaran na mayroong pare-parehong pagtaas sa Philippine Identification (PhilID) cards na ipinadala sa post office para ihatid sa ikatlong quarter ng taon.

 

 

Sa partikular, ang mga PhilID na ipinadala ng Philippine Statistics Authority at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay lumago mula 1.86 milyon noong Hulyo hanggang 2.24 milyon noong Agosto at umakyat pa sa 2.53 milyon noong Setyembre.

 

 

Sa 50 milyon na target ngayong taon, 30 milyon ay physical ID card, habang 20 milyon ay digital versions ng PhilID.

 

 

Noong Oktubre 28, nag-isyu ang PSA ng 23,248,689 PhilIDs para sa delivery o 77.2 porsiyento ng 30.1 milyong target ngayong taon.

 

 

Sinabi ng Philippine Statistics Authority na patuloy itong nakikipagtulungan sa Central Bank sa paghahanap ng higit pang mga paraan upang mas mapabilis at mapataas ang dami ng produksyon at pag-imprenta ng PhilID tulad ng pagpapabuti ng daloy ng datos.

 

 

Sa isang hiwalay na pahayag, sinabi ng ahensiya na 74,778,024 Filipino ang nakarehistro na para sa Philippine Identification System (PhilSys) noong Nob.7, na 80.9 porsiyento ng 92 milyong target para sa taon.

 

 

Tinukoy ng kagawaran ang suporta ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at local government units (LGUs) sa pagpapatupad ng PhilSys, partikular sa mobile registration.

 

 

Sa pamamagitan ng mobile registration, nailapit ng Philippine Statistics Authority ang pagpaparehistro ng PhilSys sa mga geographically isolated and disadvantaged areas, gayundin sa mga indigenous cultural communities or indigenous people, senior citizen, at mga taong may kapansanan.

Walang taas-pasahe sa PUV, hanggang matapos ang 2022

Posted on: November 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK  ng Department of Transportation (DOTr) na walang magaganap na pagtataas ng pasahe sa mga pampublikong sasakyan hanggang sa pagtatapos ng 2022.

 

 

Ito ang binigyang diin ni DOTr Secretary Jaime Bautista kasabay nang pagsasabing huli na ang inaprubahang taas-pasahe sa maraming public utility vehicle noong Setyembre.

 

 

Mas makabubuti umano na hindi na muna magtaas ng pamasahe ngayong holiday season para naman hindi na mabawasan ang inilaan ng marami ngayong holiday seasons.

 

 

Pinag-aaralan din umano ng DOTr kung sapat o kailangan pang mag­dagdag ng PUV dahil matapos ang dalawang taon, ngayon lang ulit inaasahan na ang mga pasahero ay magsisidagsaan sa mga pampublikong lugar.

 

 

Patungkol naman umano  sa idinadaing ng ilang pasahero na mataas na pasahe sa transport network vehicle services (TNVS), sinasabing ito ay  posibleng dahil ito sa tinatawag na “surge rate.” Na ito ay ang dagdag-singil kapag ma­rami ang nangangailangan ng masasakyan pero kaunti ang supply ng sasakyan. Ito rin ang dagdag-singil kapag rush hour. (Daris Jose)

NU Bulldogs pasok sa Final Four: first time sa pitong taon

Posted on: November 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Sa wakas ay tinapos ng National University (NU) ang pitong taong paghihintay para makalaro sa UAAP Final Four ng men’s basketball championship matapos talunin ang University of Santo Tomas (UST), 67-57, Linggo ng hapon sa Mall of Asia Arena.

 

At alam talaga ni NU coach Jeff Napa kung ano ang ibig sabihin nito.

 

“Anong susunod? Kailangan nating mag-training ulit bukas. Kailangan nating maging handa laban sa La Salle. Kailangan naming maging handa sa aming huling dalawang laro ng ikalawang round. Dahil hindi lang Final Four finish ang target namin. We’ll do the same thing, the same routine,” ani Napa sa Filipino.

 

Hindi gaanong natuwa si Napa sa kabila ng panalo, dahil nahabol ng kanyang mga Bulldog ang walang ngipin na Tigers ng kasing dami ng 11 puntos nang maaga bago nag-rally para iangat ang kanilang record sa 9-3 sa ikaapat na sunod na panalo.

 

“Bad win for us, pero nakaligtas pa rin [kami] itong UST team, na naglaro nang walang pressure. Nilalaro nila ang kanilang puso at binigyan kami ng problema. Good thing we were able to regroup to come back in the second half and get the win,” sabi ni Napa.

 

Si John Lloyd Clemente, na huling nakaranas ng Final Four noong high school pa noong 2018, ay nagbuhos ng 19 puntos, kabilang ang isang dagger corner na three-pointer para tapusin ang 12-0 run para sa 64-54 lead sa nalalabing 1:51 minuto.

 

Walang nailigtas ang Tigers mula sa pagkalugmok sa kanilang ika-10 pagkatalo sa 11 laro pagkatapos noon.

 

Mahigpit pa rin ang hawak ng defending champion University of the Philippines sa No. 1 spot, kaya naman ayaw ni Napa na bumagal ng kaunti ang kanyang mga singil sa kanilang huling dalawang laro dahil ang pagtapos sa pangalawa pagkatapos ng eliminations ay magbibigay sa kanila ng natatanging kalamangan sa ang playoffs.

 

Si Clemente, na bumaril ng four-of-seven mula sa kabila ng arko, ay sumasalamin sa pananaw ng kanyang coach.

 

“Marami pa kaming lapses na dapat i-improve gaya ng sabi ni coach Jeff. Hindi kami magiging kampante dahil peaking na ang level ng competition, lalo na sa Final Four at last two remaining games namin,” he said.

 

Si Omar John ay may 12 puntos sa six-of-nine shooting para sa NU, habang si Kean Baclaan ay may 10 puntos, anim na assists at limang boards nang umiskor sila ng 14 puntos mula sa 15 turnovers ng UST.  (CARD)

804 Valenzuelano PWD at pedicab drivers, natanggap sa TUPAD

Posted on: November 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

AABOT sa 804 Valenzuelano persons with disability at pedicab driver ang pumirma ng kontrata bilang pinakabagong benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa Valenzuela City.

 

 

Sa pamamagitan ng tanggapan ni First District Representative REX Gatchalian, at sa tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE), ang REX Serbisyo Center ay nakapaghatid ng tulong para sa recovery ng mga miyembro ng Valenzuela Persons with Disabilities Federation Incorporated ( VPDFI) at mga miyembro ng Pedicab Operators and Drivers Association (PODA) bilang pinakabagong grantees ng TUPAD.

 

 

Layunin ng TUPAD na magbigay ng pansamantalang trabaho o “emergency employment” sa mga displaced worker, unemployed, at underemployed na manggagawa na ang kita ay lubhang naapektuhan ng pandemya.

 

 

Ang mga benepisyaryo ng DOLE’s program ay gugugol ng hindi bababa sa sampung araw sa pagtatrabaho sa pamamagitan ng mga social community projects tulad ng paglilinis ng mga kalye, paaralan, health centers, pagbabara sa mga kanal, tree-planting, contract tracing, at iba pa.

 

 

Sumailalim sa orientation at contract signing ang Valenzuelano PWD at mga miyembro ng PODA saka natanggap ang kanilang TUPAD ID. Ang kanilang suweldo ay katumbas ng minimum wage sa NCR o PhP 5,700 para sa sampung araw na trabaho mula 8:00 am hanggang 12: 00 nn.

 

 

Inihayag ng DOLE worke sa isang orientation na ang TUPAD recipients ay tatanggap ng kanilang suweldo sa pamamagitan ng money remittance Palawan Express matapos sumunod sa mga kinakailangan ng DOLE tulad ng DTR o Daily Time Record, at dokumentasyon ng larawan bilang patunay ng pagdalo.

 

 

“Ako po ay personal na nagpapasalamat sa mga kinatawan ng DOLE-CAMANAVA para sa kanilang tulong na maisagawa ang programang ito. Patuloy po tayong susuporta at magbibigay ng trabaho para sa bawat Valenzuelano.” pahayag ni Cong. REX. (Richard Mesa)

5-year plano sa trapik, nilatag ng MMDA at MM Mayors

Posted on: November 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NILATAG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), 17 mayors ng Metro Manila at mga ahensya ng national government ang five-year plan sa trapiko upang mabawasan ang pagsisikip ng mga sasakyan sa mga pangunahing lansangan sa kalakhang Maynila.

 

Ayon sa MMDA, ang Comprehensive Traffic Management Plan (CTMP) for Metro Manila ay bibigyan ng pondo mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA) kung saan ilalatag ang mga paraan upang mabigyan ng solusyon ang mga problema sa traffic management na siyang nagiging hadlang sa patuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa.

 

“The most urgent of these strategies would be to complete the improvement of 42 traffic bottlenecks the CTMP project had identified and the signal systems,” wika ng MMDA.

 

Ang CTMP ay naglalayon na ipatupad ang mga aksyon na may kinalaman sa improvement ng traffic corridors; enhancement ng intelligent transportation system (ITS); palakasin ang regulasyon sa trapik; pagpapatupad ng road safety; promotion ng aktibong transportation at development ng comprehensive traffic management database.

 

Nererekomenda rin ng CTMP sa bawat lokal na pamahalaan ng Metro Manila ang pagkakaroon ng kani-kanilang CTMP upang makatulong sa pagpapalakas ng transportation network sa bawat rehiyon habang ang MMDA ay pinayuhan na palakasin naman ang planning capacities sa traffic management at ang koordinasyon sa mga related organizations.

 

Ayon kay MMDA acting chairman Romando Artes na ang JICA-funded na CTMP project ay tamang-tama dahil ang Metro Manila ay lumalago dahil sa mga economic activities kung kaya’t nagkakaroon ng pagtaas ng traffic congestion.

 

“As the project ends, the next step is to implement the plan. Continuous coordination, role-sharing, funding, monitoring and evaluation – these are critical matters that must be addressed,” wika ni Artes.

 

Habang ang JICA naman ay susuportahan ang pagsisikap ng pamahalaan na matugunan ang problema sa trapiko sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga traffic management na nararanasan ng Japan lalo na sa pagpapatupad ng ITS kasama na rin ang private-public partnerships.

 

“JICA will support the government’s efforts to address heavy traffic by sharing Japan’s experiences in traffic management, particularly in ITS, and in private-public partnership,” saadni JICA’s Philippine chief representative Takema Sakamoto. LASACMAR.

ATP: Ruben Gonzales nanalo ng third title ng season, nasungkit ang Yokohama doubles title

Posted on: November 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Naging mabunga ang unang pagsasama nina Ruben Gonzales at Victor Cornea.

 

Nadaig ng third seeded pair ang hometown crowd at sina Masamichi Imamura at Tomoya Fujiwara para mapanalunan ang men’s doubles championship ng ATP Yokohama Keio Challenger.

 

Nanaig ang Filipino at Romanian tandem sa straight sets laban sa kanilang mga kabataang Japanese rivals, 7-5, 6-3, noong Sabado sa Mamushidani Tennis Courts sa Keio University.

 

Matapos i-drop ang serve sa unang bahagi ng unang set, kinailangang maglaro sina Gonzales at Cornea hanggang sa tuluyang masira ang serve sa 10th game para mabawi ang liderato at tuluyang makuha ang opener.

 

Nanatiling mahigpit ang ikalawang set hanggang sa ika-6 na laro nang dalawang perpektong inilagay na lobs ni Cornea at isang crosscourt winner ni Gonzales ang nagbigay-daan sa kanila upang makuha ang 4-2 kalamangan na kanilang pinahaba sa 5-2 sa serve ni Gonzales.

 

Nagawa ng Japanese na humawak ng serve sa walong laro upang paliitin ang agwat ngunit naantala lamang nito ang hindi maiiwasang paghawak ni Cornea ng serve sa ikasiyam na laro at isinara ang laban gamit ang isang ace.

 

Nakuha ng 37-anyos na si Gonzales, na nagbulsa ng Vietnam SEA Games men’s doubles gold medal noong Mayo kasama si Treat Huey, ang kanyang ikatlong ATP Challenger title para sa taon. Nakipagtulungan siya kay Huey para magwagi sa Savannah Challenger noong Abril bago ang SEA Games. Ang kanyang ikalawang title run ay dumating noong Agosto nang siya at ang American partner na si Reese Stadler ay lumabas na kampeon ng Santo Domingo Challenge sa Dominican Republic.

 

Maghahabol si Gonzales para sa panibagong titulo sa susunod na linggo nang makasama niya ang Indonesian star na si Christopher Rungkat sa ATP Matsuyama Challenger. Aksiyon din sa torneo si Francis Casey Alcantara na muling makakasama ang nangungunang manlalaro ng Vietnam na si Nam Hoang Ly. (CARD)

NEW VIGNETTE FOR “I WANNA DANCE WITH SOMEBODY” CELEBRATES WHITNEY

Posted on: November 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

“THE most challenging part of portraying Whitney Houston is…portraying Whitney Houston,” says Naomi Ackie, star of Columbia Pictures’ I Wanna Dance with Somebody.

 

 

 

Check out the new vignette below titled “Celebrating Whitney Houston” and watch I Wanna Dance with Somebody exclusively in cinemas across the Philippines January 08, 2023.

 

 

YouTube: https://youtu.be/yR5SZtD1hrY

 

 

About I Wanna Dance With Somebody

 

 

I Wanna Dance with Somebody is a powerful and triumphant celebration of the incomparable Whitney Houston. Directed by Kasi Lemmons, written by Academy Award® nominee Anthony McCarten, produced by legendary music executive Clive Davis and starring BAFTA Award® winner Naomi Ackie, the film is a no-holds-barred portrait of the complex and multifaceted woman behind The Voice.

 

 

From New Jersey choir girl to one of the best-selling and most awarded recording artists of all time, audiences are taken on an inspirational, poignant—and so emotional—journey through Houston’s trailblazing life and career, with show-stopping performances and a soundtrack of the icon’s most beloved hits as you’ve never heard them before. Don’t you wanna dance?

 

Directed by Kasi Lemmons, written by Anthony McCarten,  produced by Anthony McCarten, Pat Houston, Clive Davis, Larry Mestel, Denis O’Sullivan, Jeff Kalligheri, Matt Jackson, Molly Smith, Trent Luckinbill, Thad Luckinbill, Matt Salloway, Christina Papagjika.

 

The film stars Naomi Ackie, Stanley Tucci, Ashton Sanders, Tamara Tunie, Nafessa Williams and Clarke Peters.

 

 

I Wanna Dance With Somebody is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.

 

Connect with the hashtag #IWannaDanceMovie

 

(ROHN ROMULO)