• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 28th, 2022

Lotlot at Mon, wagi rin ng acting awards: CHARO at CHRISTIAN, tinanghal na Best Actress at Best Actor sa ‘The 5th EDDYS’

Posted on: November 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINANGHAL na ang pinakamagagaling sa larangan ng paggawa at pagbuo ng pelikula sa katatapos lang na ikalimang edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

 

Naganap ito kagabi, November 27, sa Metropolitan Theater (MET), mula sa mahusay na direksyon ng OPM icon at award-winning singer-songwriter na si Ice Seguerra.

 

Hindi pa rin matatawaran ang galing ng premyadong TV personality at talent manager na si King of Talk Boy Abunda na nagsilbing host ng awards night ng The EDDYS

 

At tulad ng inaasahan, nasilayan ng manonood ang pasabog na performances nina Ice Seguerra, Jona, Zephanie at Miss Regine Tolentino kasama ang Dance Royalties.

 

Naging mainit at mahigpit ang naging labanan para sa labing-apat kategorya ng The EDDYS ngayong taon.
Humakot ng tropeo ang “On The Job: The Missing 8” ng Reality Entertainment na nanalo ring Best Film.
Para sa Best Director, nauwi ito ni Erik Matti (On the Job: The Missing 8).

 

Limang Best Actress ang nagsalpukan pero si Charo Santos (Kun Maupay Man It Panahon) ang tinanghal na nanalo.
Ang pinakamahusay na aktor sa The 5th EDDYS ay ipinagkaloob naman kay Christian Bables (Big Night).
Waging Best Supporting Actress si Lotlot de Leon para sa ‘On The Job: The Missing 8’ at si Mon Confiado para sa ‘Arisaka’ naman ang napiling Best Supporting Actor.

 

 

Narito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi sa ika-5 edisyon ng The EDDYS:

 

Best Supporting Actor: Mon Confiado para sa “Arisaka”

Best Supporting Actress: Lotlot de Leon para sa “On The Job: The Missing 8”

Best Sound Design: Corinne de San Jose para sa “On The Job: The Missing 8”

Best Musical Score: Erwin Romulo (On The Job: The Missing 😎, Cesar Francis Concio (Love is Color Blind), Teresa Barrozo (Big Night)

Best Original Theme Song: “Maghihintay” mula sa “More Than Blue” (Words, music and performance by Marion Aunor)

Best Visual Effects: Mothership para sa “On The Job: The Missing 8”

Best Editing: Jay Halili “On The Job: The Missing 8”

Best Production Design: Whammy Alcazaren para sa “Kun Maupay Man It Panahon”

Best Cinematography: Neil Derrik Bion para sa “On The Job: The Missing 8”

Best Screenplay: Jun Robles Lana para sa “Big Night”

Best Director: Erik Matti para sa “On The Job: The Missing 8”

Best Actor: Christian Bables for “Big Night”

Best Actress: Charo Santos for “Kun Maupay Man It Panahon”

Best Film: “On The Job: The Missing 8”

 

Sa The 5th EDDYS, pinarangalan ang Icon awardees na sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Phillip Salvador, Roi Vinzon, Helen Gamboa, Divina Valencia, Elizabeth Oropesa, Sharon Cuneta, at Alma Moreno.

 

Sa special awards, ipagkaloob ang Joe Quirino Award sa entertainment journalist at TV correspondent na si Mario Dumaual.

 

Ang scriptwriter at dati ring editor na si Eric Ramos ang tumanggap ng Manny Pichel Award habang ang Rising Producer Circle award ay ipagkaloob sa Rein Entertainment.

 

Ang Viva Films naman ang napili ng SPEEd bilang Producer of the Year.

 

Para sa Isah V. Red Award, binigyang-pugay sina Gretchen Barretto, Kris Aquino, at Alfred Vargas; Kapuso Foundation at Sagip Kapamilya.

 

Binigyan din ng Posthumous Award sa Gabi ng Parangal ang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces at ang tinaguriang La Primera Contravida at isa ring premyadong movie icon na si Cherie Gil.

 

Sina Sean de Guzman at Alexa Miro ang napiling Beautéderm Male and Female Faces of the Night.

 

Ang ikalimang edisyon ng The EDDYS ay presented ng SPEED at Fire and Ice Media and Productions, in partnership with GLOBE, sa pakikipagtulungan ni Rhea Anicoche Tan at ng Beautederm, NCCA, at Metropolitan Theater.

 

Kabilang naman sa mga sponsor ng 5th EDDYS ang Nathan Studios, Rep. Arjo Atayde, UNILAB at Tanduay.

 

Suportado rin ito ng Live Stream Manila, Dr. Carl Balita Foundation ni Dr. Carl Balita, Federation Of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII), JFV Rice Mill, Bataan Rep. Geraldine B. Roman, Mayor Joy Belmonte, Jinkee Pacquiao, Bernard Cloma, MullenLowe Treyna Inc., Browne Communications, at kasama pa ang Cetaphil, Avon, Dermclinic at Watsons.

 

Congratulations sa lahat ng winners at special awardees.

 

Mabuhay ang Pelikulang Pilipino.

See you at ‘The 6th EDDYS’ next year.

(ROHN ROMULO)

Tiyak na nagdiwang ang kanilang mga fans: JULIE ANNE, nag-‘i love you too’ na kay RAYVER sa kanilang concert

Posted on: November 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TIYAK na nagdiwang ang mga fans nina Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose at Kapuso Hunk Rayver Cruz sa kaganapan sa concert nilang “JulieVerse” last Saturday, November 26, 2022 sa Newport Performing Arts Theater.

 

 

Post ng Sparkle GMA Artist Center ang pagsagot ni Julie Anne ng “I love you, too” kay Rayver:  Julie pens a sweet message for Rayver Cruz at tonight’s #JulieVerse concert! Sabay-sabay na tayong kiligin!

 

 

Dagdag pa rin ng Sparkle: “Post-concert sepanx is real.  We don’t want to leave the #JulieVerse

 

 

Tanong din ng mga fans: “official na raw ba ang sagot ni Julie kay Rayver?  Wait na lang daw tayo ng sagot nina Julie at Rayver.”

 

 

Anyway, malamang pabalik na rin si Julie sa lock-in taping nila ng historical fantasy portal series na “Maria Clara at Ibarra,” nila nina Dennis Trillo, Barbie Forteza,  David Licauco, Rocco Nacino, Juancho

 

Trivino at Tirso Cruz III, na pansamantala muna niyang iniwan para mag-concentrate sa rehearsals at actual concert nila ni Rayver.

 

Napapanood naman ito gabi-gabi, 8PM, pagkatapos ng “24 Oras” sa GMA-7.

 

***

 

ANYDAY now ay magsisimula na palang mag-shooting si Director Darryl Yap ng prequel ng first movie niyang ginawa for Via Films, ang “Maid in Malacanang.”

 

 

Titled “Martyr or Murderer” gagampanan pa rin ito ni Cesar Montano as the former President Ferdinand E. Marcos.  Si former Manila Mayor Isko Moreno naman ang final choice to play the role of former Senator Benigno Aquino.  Napili na rin ni Direk Darryy na gaganap bilang young Ferdinand E. Marcos ang actor na si Marco Gumabao at gaganap namang young Benigno Aquino si Jerome Ponce.

 

 

Naging controversial noon si Jerome na gumanap sa “Katips,” ang movie na dinirek ni Vince Tanada, na ipinalabas kasay ng “MiM” na nakita siayng nanood ng kalaban nilang movie.  May mga lumabas nang photos nina Marco at Jerome ng roles na gagampanan nila at kitang may hawig nga sila sa ipu-portray nilang characters.

 

 

Wala pa nga raw lamang nakukuha si Direk Darryl na gaganap sa role ng mga batang Imelda Marcos at Cory Aquino.  This December na nga magsisimula ang shooting dahil naka-schedule raw nila itong ipalabas in time sa celebration ng People Power Anniverary on February 25, 2023.

 

 

Meanwhile, naka-schedule na ring mapanood sa Netflix ang “Maid in Malacanang” sa February 2023.

 (NORA V. CALDERON)

PBBM umaasa ‘i-reconsider’ ng Court of Appeals ang TRO sa SMC power rate petition

Posted on: November 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMAASA  si Pangulong Bongbong Marcos na i-reconsider ng Court of Appeals na maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) na isuspinde ang implementasyon ng South Premier Power Corp. (SPPC) Power Supply Agreement (PSA) sa Manila Electric Co. (Meralco).

 

 

Ginawa ng Pangulong Marcos ang pahayag matapos maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Court of Appeals Fourteenth Division pabor sa SPPC na subsidiary ng San Miguel na may 60-day effectivity mula sa service on the respondents.

 

 

Dahil dito nagpahayag ng pagkabahala ang Pangulo sa posibleng adverse effects nito na magdudulot ng dislocations at posibleng pagtaas ng kuryente.

 

 

“We hope that the CA will reconsider. And include in their deliberations the extremely deleterious effect this will have on power prices for ordinary Filipinos,” pahayag ng Pangulong Marcos jr.

 

 

Una rito, tinanggihan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang panukalang pagtaas ng presyo sa kuryente.

 

 

Magugunitang, pinagbigyan ng Court of Appeals ang bid ng San Miguel Corporation (SMC) power subsidiary na suspindihin ang utos ng Energy Regulatory Commission (ERC) na tumatanggi sa petisyon para sa mas mataas na singil.

 

 

Batay sa pagsisiwalat sa Philippine Stock Exchange nitong Biyernes, kinumpirma ng SMC na nakatanggap na ito ng kopya ng desisyon na ginawa ng 14th division ng CA na nagbigay ng joint petition na inihain ng South Premier Power Corporation (SPPC) at ng Manila Electric Company (Meralco).

 

 

Ang pansamantalang restraining order ay mananatili sa loob ng 60 araw.

 

 

Sa bisa, suspindihin din ng stay order ang power supply deal ng conglomerate sa Meralco na pinapagana ng Ilijan Natural Gas plant sa Batangas. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Bong Go: POGO isarado kung perhuwisyo

Posted on: November 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINIMOK ni Senator Christopher “Bong” Go ang gobyerno na maingat na balansehin ang perhuwisyo at benepisyo na hatid ng mga Philippine offshore gaming operations (POGOs) sa bansa at tiyakin kung napananatili nito ang kapayapaan at kaayusan, gayundin ang pangangalaga sa buhay ng mga tao.

 

 

Ani Go, kung pulos kaperhuwisyuhan lamang at wala nang naibibigay na magandang benepisyo ay mas mabuti pang i-ban at tuluyan ng isarado ang mga POGO.

 

 

“Ako po ang posisyon ko po d’yan sa POGO, tingnan po natin ang cost and benefit ng operation ng POGO,” ani Go sa isang ambush interview matapos pangunahan ang paglulunsad ng ika-153 Malasakit Center sa bansa sa loob ng Overseas Filipino Workers Hospital  sa San Fernando City, Pampanga.

 

 

“Kung hindi naman po gano’n kalaki ang kita ng POGO para sa gobyerno (at sa Pilipino)… at mas lalala ang (problema sa) peace and order natin, naghahasik ng lagim itong mga dayuhan, nakakabahala po — ‘yung sila mismo ang  naghahari dito — mas mabuti pang i-ban na lang po,” idiniin ng senador.

 

 

Sa pinagsamang pagdinig ng Senado noong Miyerkules, nagbigay ang PAGCOR ng roadmap para sa pagtugon sa mga isyung nakapalibot sa mga POGO.

 

 

Sinabi ng PAGCOR na ang roadmap ay naglalayong “makamit ang pinakamainam na bilang ng mga lisensyado at unti-unting dagdagan ang kabuuang kita ng POGO sa susunod na limang taon, ngunit may mas matatag na balangkas ng regulasyon na mag-aalis ng mga operasyon ng iligal na online na pagsusugal at ang mga sakit sa lipunan na nauugnay dito.” (Gene Adsuara)

Holistic anti-illegal drugs program ng gobyerno na BIDA, inilunsad

Posted on: November 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

OPISYAL nang inilunsad ng gobyerno ang anti-illegal drugs advocacy program na tinawag na Buhay Ay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA).

 

 

Inilarawan ito bilang “pinaigting at mas holistic campaign.”

 

 

“The BIDA program will involve local government units, national government agencies, and other key sectors of society aside from drug enforcement agencies including the Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Bureau of Investigation (NBI) and others in aiming for drug demand reduction and rehabilitation in communities,” ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

 

 

Winika ni DILG Secretary Benhur Abalos na kailangang tugunan ang problema sa ilegal na droga mula sa ugat nito.

 

 

“Kung mayroon kang isang puno, [at] ang punong ito ay gusto mong tanggalin ang sanga, gusto mong tanggalin ang puno, putol ka nang putol ng sanga. Pero ang sanga, tubo nang tubo. Kung gusto mong tanggalin ang puno, ugatin mo, ugatin mo ‘yung puno,” ayon kay Abalos sa isinagawang  national launch sa Quezon Memorial Circle.

 

 

“Ang problema ng droga ay parang ‘yung puno,” anito.

 

 

“Ang kapulisan natin, nandito mga generals, mga colonels, nandito PDEA, Dangerous Drugs Board, NBI, walang ginawa kundi manghuli nang manghuli. Makikita niyo, kaliwa’t kanan ang huli ever since. Pero anong nangyayari? May pumapalit lang kung minsan,” ang pahayag ni Abalos.

 

 

“Kaya ang kailangan natin dito, hindi lang ang panghuli ng ating mga kapulisan, PDEA, NBI. Tulungan ng buong bayan, ugatin natin ang problema,”  aniya pa rin.

 

 

“Hindi natin puwedeng iasa na lamang sa Philippine National Police at sa Philippine Drug Enforcement Agency ang kampanya laban sa iligal na droga dahil lahat tayo ay apektado dito. Kailangang lahat tayo ay kumilos na at makiisa para tuldukan ang salot na patuloy na sumisira sa kinabukasan ng ating mga kabataan,” ang nauna nang inihayag ng Kalihim.

 

 

Ani Abalos, ang BIDA program ay makikipagtulungan sa  mga barangay,  simbahan at religious communities, at mga pamilya para tugunan ang problema sa ilegal na droga at i-rehabilitate ang mga durugista.

 

 

“Andyan ang barangay. Andyan ang ating mga mahal na simbahan. Andyan ang pamilya. Kung ang problema, alam naman ng barangay kung sino ang gumagamit. Down to the grassroots. Sinong tumutulak, sinong nagtutulak, i-identify, pag-usapan. ‘Yung mga gumagamit, baguhin natin,” anito.

 

 

Tutulong din aniya  Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health sa  rehabilitation programs.

 

 

Tutulong naman ang Department of Trade and Industry (DTI) na magbigay ng livelihood programs, habang ang Department of Labor and Employment  ay tutulong naman sa paghahanap ng job opportunities.

 

 

Maaari namang magbigay ng  ‘guidance’ o gabay ang mga church leaders.

 

 

“Andito ang DSWD, Department of Health for rehabilitation. Andito DTI — sa mga nagtutulak, magbago kayo. Tutulungan namin kayo sa bagong livelihood programs ninyo. Department of Labor — kung ang problema empleyo. And of course alam natin ito, spirituality. Kaya kailangan ng guidance,” ayon kay Abalos.

 

 

Tinuran ni Abalos na ang mga kabataan ang target ng illegal drugs peddlers.

 

 

“Let’s guide our children,” anito sabay sabing “Walang imposible. Gawin natin ito. Ang mga bata let’s involve them into sports, culture kung anong gusto nila, ibigay natin. Ngunit bigyan natin sila ng kumpiyansa to say no to drugs. Magtulungan tayo, please, let’s save our children. Let’s save everyone’s future.”

 

 

Aniya, ang BIDA program ay “will work within the framework of the law and with respect for human rights and with focus on rehabilitation and socio-economic development.”

 

 

Dahil dito, binalaan naman ni Abalos ang mga drug pushers.

 

 

“Magmula ngayon, sa mga nagtutulak, nandito ang kapulisan, mga general, at PDEA, gagawin namin ito: ipapakulong namin kayo.

 

 

Pupunuin natin ang kulungan ng mga nagtutulak na ‘yan. Aayusin natin at lilinisin natin ang sistema. ‘Yung tiwala ng mamamayan sa institution ay lalo nating paiigtingin. Trust in the institution. That’s very very important,”  anito.

 

 

Samantala, ayon sa  DILG,  simula nang maupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang tanggapan noong  Hulyo,  tinatayang pumalo na sa  22,646 drug personalities ang inaresto sa 18,505 anti-illegal drug operations na isinagawa ng PNP  sa buong bansa.

 

 

Mayroon namang P9.7-bilyong halaga ng iba’t ibang  ilegal na droga ang nakumpiska  ng  PNP sa panahon ng kanilang operasyon. (Daris Jose)

PNP nagbabala sa publiko laban sa crypto investment scam

Posted on: November 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa publiko kaugnay sa mga naglipanang crypto investment scam.

 

 

Ito’y kasunod sa pag-release ng government and private companies ang bonuses at 13th month pay ng mga empleyado.

 

 

Ayon sa PNP, pinaigting na ng ilang mga indibidwal at maging ng ilang grupo ang kanilang modus at akitin ang mga tao na mag- invest ng pera sa mga pekeng crypto investments.

 

 

Sinabi ni Police Brig. Gen. Joel Doria, director ng PNP-Anti-Cybercrime Group, na ang mga scammers ngayon ay mas lalong nagiging creative sa kanilang mga potential victims gamit ang kanilang bagong modus.

 

 

Kabilang dito ang paghikayat sa isang potential investor na i download ang isang Crypto App at kapag installed na nire-require na cash in ang kanilang investments sa pamamagitan ng digital wallets na naka lista sa application.

 

 

Ang mga scammers ay gumagamit ng pekeng DTI permits at SEC certificates. (Daris Jose)

Nat’l Privacy Commission, nagbabala laban sa pagsasamantala sa mga kabataan

Posted on: November 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA ang  National Privacy Commission (NPC) laban sa mga “online abuse at exploitation” na target ang mga kabataan sa isinagawang  Youth Privacy Advocates Annual Summit.

 

 

“Hihimukin nila na magbigay ka ng personal na impormasyon, gagawing ka-close yung mga bata. Ige-gain nila yung trust nung mga nakakausap nilang bata,” ayon kay Public Information and Assistance division of the commission chief Roren Marie Chin.

 

 

“Pwedeng mag-start nang manghingi ng mga pictures. Pwedeng explicit na mga pictures ito. Kumpletong address, ang mga contaact information, or hingan din ng mga credit card numbers yung bata,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa ulat,  batay sa  survey na isinagawa ng End Child Prostitution and Trafficking, Interpol, at UNICEF,  tinatayang nasa dalawang milyong kabataan ang naging biktima ng  online sexual exploitation at pang-aabuso noong nakaraang taon.

 

 

Natuklasan din sa pag-aaral na 20% ng internet users sa Pilipinas na  may  edad na 12-17 ay nakaranas ng pang-aabuso sa online.

 

 

“Syempre natatakot din ako kasi baka mamaya dun siya pumunta sa ibang site na ano. Kaya minsan nililimit ko rin yung kanyang— ‘wag siyang mag-open. Alam niya ‘yung limitasyon niya don. Sinabi ko sakanya talaga yon,” ang naging pahayag naman ni  Zenaida Ramos-Sarita, isang magulang.

 

 

Dahil dito, pinayuhan ng NPC  ang mga kabataan na umiwas na makipag-usap sa mga  “strangers” sa internet.

 

 

Hindi dapat na nagbibigay ang mga ito ng kanilang  personal information at limitahan lamang dapat aniya ang pagbisita sa websites  upang sa gayon ay hindi sila mabiktima ng online abuse. (Daris Jose)

Costa Rica, ginulat ang Japan matapos talunin sa nagpapatuloy na FIFA World Cup, 1-0

Posted on: November 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Ginulat ng bansang Costa Rica na ika-31 sa FIFA world ranking nang pataubin ang ika-24 sa ranking na Japan matapos talunin sa score na 1-0.

 

Dahil dito, buhay pa rin ang pag-asa ng Costa Rica na makalusot round of 16.

 

Nagpanalo sa koponan ang late left-footed effort ni Keysher Fuller.

 

Bigo naman ang Japan sa mga goal attemt dahil sa galing ng Costa Rica goalkeeper na si Keylor Navas.

 

Kung maalala tinambakan ng Spain sa score na 7-0 ang Costa Rica sa isinagawang match noong Huwebes.

 

Dahil sa panalo, tabla ngayon sa Group E ang Japan, Costa Rica at Spain sa tatlong points habang ang Germany ay wala pang puntos.

 

Maghaharap mamayang madaling araw oras sa Pilipinas ang Germany at Spain dakong alas-3:00 ng madaling araw sa Al Bayt Stadium. (CARD)

PBBM, pinuri si Manny Villar sa naging papel nito para sa mas lalo pang pinahusay na ugnayan ng Pinas at Japan

Posted on: November 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. ang business tycoon at dating  Senate president Manuel “Manny” Villar para sa naging mahalagang papel nito para lalo pang  mapahusay ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

 

 

Ito’y matapos na saksihan ni Pangulong  Marcos ang ipinagkaloob na Order of the Rising Sun  ng Japanese government kay  Villar sa isang seremonya na isinagawa sa  Ceremonial Hall ng Palasyo ng Malakanyang.

 

 

“Isang pagpupugay sa iyong pagkakahirang at naging kontribusyon sa ating bansa. Mabuhay ka,” ayon kay Pangulong  Marcos sa kanyang Facebook post, Biyernes ng gabi, ibinahagi rin ng Pangulo ang ilang larawan na kuha sa ceremonial awarding.

 

 

Si Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa, ang nagkaloob ng award kay Villar, ang makikita naman sa Facebook post ng state-run Radio Television Malacañang (RTVM).

 

 

Sa kabilang dako, dumalo naman sa nasabing seremonya ang asawa  ni Villar na si  Senator Cynthia Villar, at mga anak na sina Senator Mark Villar, House of Representatives Deputy Speaker Las Piñas Rep. Camille Villar, at Vista Land president at chief executive officer Manuel Paolo Villar III.

 

 

Nakiisa rin sa naturang event si Presidential son at Ilocos Norte 1st District Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos.

 

 

Sa ulat, ipinagkakaloob ng  Japanese government ang  Order of the Rising Sun,  isang Japanese decoration of honor, sa mga indibidwal mula sa  Japanese at foreign nationals na nagpamalas ng kakaibang achievements sa kanilang larangan at maging  “meritorious service and contributions” para sa  ginagawang pagsusulong ng Japan sa iba’t ibang  aspeto maliban sa  military service.

 

 

Matatandaang, Abril 29, 2022 nang ianunsyo ng Japanese Embassy sa Maynila ang awarding ng  Order of the Rising Sun kay  Villar, pagkilala sa kanyang naging kontribusyon na palalimin ang ang  economic ties sa pagitan ng Tokyo at Maynila.

 

 

“During the ceremony, Marcos recognized Villar’s vital role in strengthening the Philippines’ bilateral relations with Japan,” ayon sa  RTVM.

 

 

“The President recognizes Villar’s significant contribution to the current strong bilateral relations between the Philippines and Japan,” ayon pa rin sa RTVM.

 

 

“He also expresses willingness to explore different areas of cooperation with Japan and affirms his commitment to sustain the trajectory of diplomatic ties between the two nations,” dagdag na pahayag ng RTVM. (Daris Jose)

Ads November 28, 2022

Posted on: November 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments