• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 29th, 2022

Nagpa-surprise ang mag-asawang Dingdong at Marian: ZIA, nagkaroon ng dalawang 7th birthday celebration

Posted on: November 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DALAWA ang naging birthday celebration ng panganak na anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia Dantes.

 

Sa actual date ng birthday niya at noong Linggo, November 27. Sa mismong birthday ni Zia, tila nagpa-surprise ang mag-asawa at walang idea si Zia na may naghihintay na surprises sa kanya. Pamilya at mga kasama lang nila sa bahay ang mga nando’n.

 

Pero sa 7th birthday ni Zia, present na ang mga relatives nila at mga kaibigan. Mukhang sa bagong bahay ng Dantes family ang naging celebration with Care Bears as the theme of the party.

 

Very precious talaga si Zia na mas lalo pang paganda nang paganda.

 

***

 

HINDI nagpahuli but instead, nakipagsabayan din talaga si Sean de Guzman sa mga de-kalibreang co-stars niya sa 2022 MMFF official entry na “My Father, Myself” na sina Jake Cuenca at Dimples Romana.

 

Kasama rin dito ang baguhan na si Tiffany Grey.

 

At siyempre, natutuwa si Sean dahil mismong ang director nila na kilala sa pagiging prangka at metikuloso ay pinupuri siya sa ipinakitang performance.

 

Ayon kay Sean, “Kay Direk po ako nag-start. Una ko pong pelikula ay siya ang naging direktor ko, ‘yung ‘Lockdown, tapos po Macho Dancer, at hanggang ngayon po, dito sa My Father, Myself siya po ang direktor ko.

 

“Sobrang thankful po ako kay Direk kasi siya ‘yung nag-launch sa akin at nang dahil sa kanya, nagkaroon po ako ng dalawang international best actor awards para sa Fall Guy, na siya po ang director.”

Malaki raw talaga ang natutunan niya kay Direk Joel na talagang naga-guide siya.

 

“Si Direk kasi ‘pag tsina-challenge ka niya, ano eh, nandun ‘yung hirap, pero nandun din ‘yung parang satisfaction mo as an actor na parang kailangan ko itong gawin para ‘yung pressure na nararamdaman ko galing kay Direk, parang ‘yung expectation niya kailangan kong ma-meet.

 

“So kahit magkamali ako, tuloy lang, nandiyan si Direk, gina-guide kami. Sobrang hands-on niya sa mga actors niya. Sabi nga ni ate Dimps, pantay-pantay ang tingin niya sa amin kapag nasa set kami. Walang maliit, walang malaking artista. Lahat pantay-pantay. ‘Yun po ang magandang bagay kay Direk.”

 

Sabi rin ni Sean, marami rin daw siyang natutunan talaga kay Jake bilang co-actor. Ang eksena nila sa movie ay siguradong tatatak sa mga manonood.

 

(ROSE GARCIA)

Marami pang ni-reveal sa ‘Korina Interviews’: TESSA, inamin kay KORINA na naka-move on and in full swing na

Posted on: November 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

“ITO na yata ang wackiest interview ko to date,” sabi ng multi-awarded broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas tungkol sa kanyang latest guest sa kanyang NET 25 show na Korina Interviews.

 

 

Pinag-usapan ni Korina kasama ang celebrated socialite, host, at philanthropist na si Tessa Prieto ang untimely death ng kanyang kapatid na lalake at kung paano ito nag-udyok sa kanya na ipagdiwang ang buhay araw-araw.

 

 

Ni-raid din ni Korina ang dressing room ni Tessa na puno ng mga nakakasilaw na outlandish gowns, headdresses, hats, fashion accessories, at mga sapatos.

 

 

“Ilan ang gown mo? Hindi ba mabigat yan sa ulo? Bakit ganyan ka parati manamit? What’s the worst part of suddenly being a single Mom? Are you in love again?”

 

 

Lahat ito ay isa-isang sinagot ni Tessa at may mga inamin pa siya kay Korina.

 

 

Inamin ni Tessa na nagga-garage sale daw siya for charity, pero ang kaso, “when I down, ako rin ang bumibili ng sarili kong gamit. Kasi it’s so sentimental value

 

“You know, how Marie Kondo says, is this sparks joy? Oo, kasi lahat ng gamit dito, sparks joy.”

 

 

Lalo na pagdating sa gowns, at kahit marami na, palagi pa siyang nagpapagawa. Kuwento ni Tessa, “over the pandemic, marami akong nabili, kasi they need a money and stuffed like that. Kaya I have gowns, wala pang party or occassions. Kaya pipili na lang ako, at ginagawan ko ng iba’t-ibang combinations.”

 

 

Tungkol naman sa pagiging single mom, inamin ni Tessa na, “the transition na I had to question, kung ano ba ang dahilan ng buhay ko. Akala ko okay na, I’m gonna be on my 60s, akala ko pang-retire level and everything is establish na.

 

 

“Ang realization ko, life can begin now and you can choose kung anong direksyon or path to take. And I’m so excited to take this path. And as a single mom, I’m so excited kasi I’m getting close na with my kids and my mga apo. You know, ibang level ng love ang grandchildren. And I am full time mom now.”

 

 

Marami na ngang pinagdaanan si Tessa sa buhay at journey niya at inamin na ang pinakamasakit ay, “you’re questioning your own core. I taught, I was good, as mother and as wife, hindi pala.

 

 

“But I live with no regrets, I love that I went through this in the sense that it made me grow better as person. A more loving and kinder, more reponsible.

 

 

“And I realize, I have the capacity to change. I thought I wouldn’t. But I wasn’t enough and wasn’t supposed to be.”

 

 

Ngayong okay na siya and in full swing na uli, “I already restarted my works for charity. Kasi sabi ko, over the pandemic, we raise over millions of donations, tama, I’m fine na.

 

 

“But now I’m a single mom, I don’t have to do it. But no, I have to continue my life and my legacy of helping and doing as much as I can, to change the world.”

 

 

At ang nakakaaliw sa bandang dulo ng Korina Interviews at nag-switch sila dresses na kung saan in-enjoy talaga ni Ate Koring ang pabolosong pink gown ni Tessa with complete burloloys, sa latest episode ng pinag-uusapang show tuwing Linggo, 5:00 p.m. na napapanood sa Net 25.

 

 

Puwede ring balikan ang past ang latest episodes ng Korina Interviews sa kanyag YouTube channel na Rated Korina.

(ROHN ROMULO)

10 pang local government units, lumagda para sa flagship housing program ni PBBM

Posted on: November 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NADAGDAGAN pa ng 10 local government units (LGUs) ang lumagda para maging partner ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa kanilang misyon na makapagpatayo ng isang milyong bahay kada taon sa susunod na anim na taon.

 

 

Ang naturang proyekto ay nasa ilalim ng flagship Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

 

 

Layon nitong matugunan ang housing gap na 6.5 million units sa bansa.

 

 

Ang katatapos lamang na paglagda ay kasama na sa 28 na kabuuang bilang ng mga LGUs na pumirma sa memorandums of understanding (MOUs) sa DHSUD.

 

 

Ito ay para pormal nang maipursige ang housing projects sa kanilang mga area.

 

 

Sa 28 LGUs, nasa 11 ay nasimulan na ang ground breaking kasama na ang Quezon at Marikina sa National Capital Region (NCR).

 

 

Kabilang naman sa mga pinakaghuling LGU-enrollees ay ang Bohol province, ang lungsod ng Mandaue at Tagbilaran; Panglao, Bohol at anim na munisipalidad mula sa mga probinsiya ng Oriental at Occidental Mindoro.

 

 

Sinabi ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar na dahil sa nag-uumapaw na suporta ng mga LGUs ay nasa right track daw ang housing program ng pamahalaan. (Daris Jose)

Nalungkot lang na ‘di nakarating para tanggapin ang award: LOTLOT, nakasungkit uli ng Best Supporting Actress trophy sa ‘The 5th EDDYS’

Posted on: November 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA ikalawang pagkakataon sa loob lamang ng isang buwan ay nanalong Best Supporting Actress si Lotlot de Leon para sa pelikulang ‘On The Job 2: The Missing 8’.

 

 

Una ay pinarangalan si Lotlot sa Gawad Urian noong November 17, at nito namang Linggo ng gabi, November 27, ay muling nasungkit ni Lotlot ang Best Supporting Actress trophy sa The 5th EDDYS ng SPEEd o Society of Philippine Entertainment Editors.

 

 

Ikinalungkot lamang ni Lotlot na hindi siya nakarating sa mismong awards night para personal na tangggapin ang kanyang award; may naka-schedule kasi siyang swab test the following morning, Monday, kaya kinailangan siyang mag-quarantine buong araw ng Sunday. Ang swab test ni Lotlot ay para sa taping ng isang TV show the following day, Tuesday.

 

 

Kaya naman sa pamamagitan ng kanyang social media account ay nagpahatid si Lotlot ng pasasalamat sa buong grupo ng SPEEd; ito ang mensaheng nakalagay sa verified Facebook account ng aktres…

 

 

“Your love endures forever father in heaven!

 

 

“Sa lahat ng bumubuo ng EDDYS AWARDS mula sa aking puso Maraming Maraming Salamat! This means so much to me po!

 

 

“To my OTJ family, Direk Erik, Sir Don, Ms. Mich to everyone from @realitymmstudios thank you!

 

 

“Maraming Salamat sa tiwala!

 

 

“Para din po ito sa lahat ng mga journalist, writers, reporters, news anchors na patuloy na pinaglalaban makarating sa ating lahat ang katotohanan!

 

 

“Mabuhay kayo!

 

 

“To God be the greatest glory!!! ”

 

 

#OnTheJobTheMissing8

 

 

***

 

 

BATA pa lamang sila ay magkaibigan na sina Hajji Alejandro at Danny Javier.

 

 

“And then lalo ko siyang nakilala, nag-concert tour kami lahat ng artists ng Jem Records, kasama si Ryan Cayabyab, sila Celeste Legaspi, Florante, Susan Fuentes, iyon sabay-sabay kaming kumakain.

 

 

“For several months nag-tour kami nationwide promoting Christmas albums as well as our individual na kanya-kanyang album.

 

 

“Dun ko nakilala talaga na totoong tao talaga si Danny Javier and napakalaking kawalan niya sa ating industriya.”

 

 

“Iba siya, iba siya so mami-miss taga ng industriya si Danny Javier,” ang sinabi pa ni Hajji tungkol sa yumaong member ng APO Hiking Society.

 

 

Samantala, ang ‘Mana-Mana Lang’ na concert ni Hajji at Rachel Alejandro ay gaganapin sa December 9 sa ballroom ng Winford Manila Resort & Casino sa Tayuman sa Maynila sa likod ng SM San Lazaro.

 

 

Guest sa concert si Rox Puno na anak naman ng isa pang music icon na si Rico J. Puno.

 

 

Ang musical director ng concert ay ang anak rin ni Hajji na si Ali Alejandro ng grupong Mojofly na guest rin sa concert.

 

 

Sa direksyon ni Vergel Sto. Domingo, si Tony Boy Faraon ng Rotary Club of Manila ang producer ng naturang concert.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Ads November 29, 2022

Posted on: November 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Mary Francine Padios, pencak silat puntiryang mas makilala

Posted on: November 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Kung martial arts ang pag-uusapan, isa ang pencak silat sa mga nakakakuha ng medalya para sa ‘Pinas dahil sa galing ng mga atleta.

 

 

Nito lang Mayo sa Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam nakakopo ang mga atleta ng medalya kasunod pa sa Asian Pencak Silat Championships sa India.

 

 

Isang linggo pang lang ang nakakalipas, humakot din ang mga manlalaro ng Philsilat Sports Association, Inc. ng apat na medalya sa 8th PSC Women’s Martial Arts Festival sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Maynila.

 

 

Isa sa naka-SEA Games gold si Mary Francine Padios.

 

 

“Sa kalaban ko at ako, pare-pareho lang galaw namin. ‘Yung kaibahan lang is the way namin gawin yung art. Kung saan puwede maging matigas, puwedeng malambot. Depende sa amin ‘yun na artist. At the same time, nagkakaiba kami ng way to deliver strikes,” pahayag ni Padios nitong Sabado.

 

 

Umaasa siya na mas makikilala pa ang sport at darami ang atetang sumunod sa yapak niya. (CARD)

Angelo Nicolas Almendras, NU Bulldogs lumapit sa walis-titulo

Posted on: November 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMANGAS si Angelo Nicolas ‘Nico’ Almendras upang akbayan ang National University sa 25-19, 25-21, 25-19 panalo kontra University of Santo Tomas sa Game 1 best-of-three finals ng 14th V-League 2022 Men’s Collegiate Challenge Linggo ng hapon sa Paco Arena sa Maynila.

 

Tumikada si Almendras ng 13 points kasama ang 14 excellent receptions para isampa ang Bulldogs sa 1-0 lead ng torneo na pinatatakbo ng Sports Vision at mga suportado ng Asics, Beyond Active Wear at Mikasa.

 

Nag-ambag pa sina Michaelo Buddin at Kennry Malinis ng tig-11 puntos para sa Bustillos-based squad na lumapit sa pagwali sa kampeonato.

 

“Maganda ang pinakita ng mga bata namin. Kita naman sa endgame, nakuha namin ang mga gusto naming mangyari like yung blocking, opensa namin, lahat nagtutuloy-tuloy,” suma ni Bulldogs coach Dante Alinsunurin.

Kumana sina Jay Rack Dela Noche at Ybañez ng tig 10 pts. para sa Tiger Spikers pero nakapagpakawala ng 27 errors ang kampo.

Kumana naman ng walong puntos si Gboy De Vega para sa balibolista ng España na kailangan manalo sa Game 2 para makahirit ng winer-take-all.

“Importante agresibo kami. Pagtatrabahuhan pa rin namin sa practice at tuloy tuloy pa rin ang ginagawa namin,” sey pa ni Alinsurin.

Sa Miyerkoles ng alas-2:00 ng hapon ang Game 2. (CARD)

‘Logan’ Star Shares Key Advice Hugh Jackman Gave Her

Posted on: November 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LOGAN star Dafne Keen shares the advice Hugh Jackman gave her on set of the X-Men film.

 

Jackman made his debut as Wolverine in the 2000 film X-Men and went on to reprise the role nine times over nearly two decades, effectively ending his character’s run with 2017’s Logan (though he will be returning and making his Marvel Cinematic Universe debut in Deadpool 3).

 

Logan served as a departure for Jackman’s Wolverine franchise, with a quieter and darker story centered on Logan’s mission to protect the young mutant X-23, also known as Laura (Keen) and get her to safety. The movie was Keen’s debut as Logan’s clone/biological daughter and set up a larger future for her character as Logan’s successor after the titular character’s death.

 

Having made her feature debut on Logan, Keen has gone on to star as Lyra in HBO Max’s critically acclaimed fantasy series His Dark Materials and will be featured in upcoming Star Wars series The Acolyte.

 

During a conversation with Marie Claire, Keen spoke about the plethora of advice she received while filming Logan, from both Jackman and director James Mangold. The young actor stated that Mangold’s advice was more craft-focused, telling her to “always go full out” in her performances, which has become “a top tip of [hers].” One of Jackman’s key tips for Keen was to treat the crew “equally” while on set.

 

See Keen’s account below: “Hugh Jackman was so great as the number one on set at teaching me how to treat crew. He was the most brilliant person with the crew, he taught me how the distance between cast and crew is wrong and that everyone is to be treated equally. He was close with everyone from the crew, he knew everyone’s names and would get people lottery tickets each week. I learnt the ropes from him and feel very lucky to have been taught that by him.”

 

Given the natural on-screen chemistry and strong off-screen bond between Keen and Jackman, viewers have been vocal about wanting to see more of their relationship. However, since Logan ended with Wolverine’s death, the possibility of Laura and Logan reuniting has always seemed unlikely. The news about Jackman returning as Wolverine for Deadpool 3 reignited the potential for Laura and Logan to meet again, this time officially within the MCU’s timeline.

 

While many Wolverine and X-Men fans have expressed enthusiasm over Jackman finally interacting on-screen with Reynolds’ Deadpool, some have worried that Jackman’s return as the hero cheapens the moving farewell to the character executed by Logan, which is widely considered one of the best comic book adaptations and earned an Academy Award nomination for Best Adapted Screenplay.

 

Of course, given Logan’s futuristic setting, Deadpool 3 does not have to undo Logan’s death in the 2017 film and can merely take place before those events. If that winds up being the case, it’s unlikely that Laura will be featured in the movie since she was born in 2018 and didn’t meet Wolverine until the events of Logan.

 

If Deadpool 3 features a variant of Logan’s Wolverine from a different universe, it’s possible that a Laura variant could appear and be introduced to him once again. Alternately, Laura could appear in a post-credits scene or as a cameo within the movie. However, it’s more likely that she will be left out of Deadpool 3 and instead hopefully return in a future MCU project once more mutants start making their way into the franchise and the X-Men setup begins.
In terms of the actor’s interest, Keen has expressed her willingness to reprise her X-23 role and join the MCU, which makes sense given the enriching experience she describes while working on Logan. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

Libreng pera padala para sa OFWs, inilunsad

Posted on: November 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INILUNSAD  nitong Linggo ang pagsasanib ng Sendwave at GCash na bagong “fee-free money transfer apps” o “libreng pera padala” na layong  matulungan ang mga overseas Filipino workers at ang kanilang mga mahal sa buhay na pakinabangang mabuti ang ipinadadalang mga remittance.

 

 

Ayon kay Dan Santos, Sendwave Growth Manager sa Pilipinas, nakipagtambalan na sila sa mga  tradisyunal na paraan ng ‘money transfer’ gaya ng bank transfers o cash collection at maging sa mga digital wallets tulad ng GCash.

 

 

Aniya, Setyembre 2021 nang ilunsad nila ang Sendwave sa Pilipinas bilang pagtugon sa pandemyang dulot ng Covid-19 kung saan tinatayang makakatipid ang mga OFW ng $1 bilyong kada taon sa paggamit ng kanilang fee-free up.

 

 

Sinabi naman ni Julie Abalos, International Remittance Head ng GCash, na 83 percent ng adult population ng bansa ay gumagamit na nito.

 

 

Ang Sendwave ay unang inilunsad noong 2014 at napalawig sa parte ng mga bansang Africa, Asia at Latin America at ngayon ay halos isang milyong katao na ang gumagamit nito, na nakapagpadala na ng mahigit $10 bilyon sa kanilang mga pamilya at mga kaibigan.

 

 

Bilang endorser, sinabi naman ni King of Talk Show host na si Boy Abunda, agad siyang napapayag dahil nakita niya ang kahalagahan ng ‘Sendwave app’ sa mga Filipino sa iba’t ibang bansa. Aniya, malaking tulong sa OFWs ang kanilang natitipid sa bayarin sa pagpapadala ng remmittance.

 

 

Maaaring mag-download ng Sendwave app sa App Store o Google Play sino man nasa America, Canada at parte ng Europe upang madaling matanggap ng kanilang pamilya sa Pilipinas ang remittances. (Daris Jose)

Philippine economy, mananatiling malakas sa susunod na taon kahit nakikitaan ng pagbagal

Posted on: November 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TIWALA  si Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na mananatiling matatag ang ekonomiya ng bansa sa taong 2023.

 

 

Sa kabila naman nang inaasahang pagbagal ng ekonomiya sa naturang period dahil sa natitirang headwinds, sinabi ni Balisacan na “comparatively strong” pa rin ang ekonomiya ng bansa sa susunod na taon.

 

 

Magiging factor din umano sa pagbagal ng GDP growth ang external internal challenges.

 

 

Kung maalala, naitala ng bansa ang Gross Domestic Product (GDP) growth na 7.1 percent sa ikatlong quarter ng taon.

 

 

Malaking bagay naman sa pagkamit ng GDP growth na 7.1 percent ang wholesale at retail trade, financial at insurance activities at construction.

 

 

Ito ang nagdalaw sa year-to-date average na 7.7 percent.

 

 

Kasunod na rin ito ng upwardly adjusted 7.5 percent noong second quarter at downward revised na 8.2 percent sa unang tatlong buwan ng kasalukuyang taon.

 

 

Inaasahan naman ng inter-agency Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang full-year economic growth na nasa pagitan ng 6.5 percent hanggang sa 7.5 percent para ngayong taon. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)