GINAGAWAN ng paraan ng administrasyong Marcos na mapababa ang presyo ng langis kahit pa ito’y para lamang sa Kapaskuhan.
“Yun ang tinatrabaho namin ngayon, na hindi tumaas ang fuel. At least not for Christmas man lang — if we could postpone and dahan-dahanin,” ayon kay Pangulong Marcos.
“Masyado nang nahihirapan ang mga tao, ” diing pahayag ng Punong Ehekutibo.
Kamakailan lamang ay sinabi ng Department of Energy na hindi malayong magkaroon ng pagtaas sa presyo ng liquefied petroleum gas sa susunod na buwan subalit Idinagdag nito na patuloy naman na mababawasan ang presyo ng ibang produkto ng langis.
Araw ng Martes, nagpatupad ang mga oil companies ng panibagong another rollback, kung saan bumaba ng ₱3.9 per-liter ang presyo ng diesel habang ₱0.85 naman ang gasoline.
Umaasa naman ang Pangulo para sa price adjustments ngayong Pasko Christmas sabay sabing “it looks like baka naman suwertihin tayo.” (Daris Jose)