• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 6th, 2022

Marcos Jr., Sara angat sa year-end survey

Posted on: December 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATANGGAP  ng mataas na “approval” at “trust” ratings sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Bise Presidente Sara Duterte sa nationwide survey ng RP-Mission and Development Foundation, Inc. (RPMD).

 

 

Base sa “Boses ng Bayan” survey ng RPMD, na ginawa noong Nobyembre 27 hanggang Disyembre 2, 83% ng respondents ay nasiyahan sa pagganap ng trabaho ni Pangulong Marcos at 81% kay VP Sara, na nagsisilbi rin bilang Education Secretary. Binigyan din ng mataas na trust rating ang dalawa na kapwa binigyan ng 87% sina Marcos at Duterte.

 

 

Ang pagganap at kredibilidad ng parehong mga opisyal ay binigyan ng mataas na rating sa lahat ng rehiyon at socioeconomic classes. Ang satisfaction rating ni Marcos ay pinakamataas sa Minda­nao, 87% at pinakamababa sa Metro Manila, 73%. Habang ang satisfaction rating ni Duterte ay pinakamataas sa Mindanao, 98% at pinakamababa sa Luzon, 70%.

 

 

Sa mga Cabinet secretaries, sinabi ni Dr. Paul Martinez, Executive Director ng RPMD, nangunguna si DILG Secretary Benhur Abalos Jr. na nakakuha ng 78% at 83% trust rating. Sinundan ni DICT Sec. Ivan John Uy, 74% approval at 89% trust rating; Budget Sec. Amenah Pangandaman, 73% approval at 67% trust, DMW Secretary Susan Ople, 71% approval at 68% trust, DOT Sec. Christina Garcia-Frasco, 70% approval at 65% trust ratings.

 

 

Pang-anim si DFA Sec. Enrique Manalo, 67% approval at 63% trust; DSWD Sec. Erwin Tulfo, 65% approval at 70% trust; DOTr Sec. Jaime Bautista, 63% approval at 60% trust; DTI Sec. Alfredo Pascual, 61% approval at 58% trust; at Solicitor General Menardo Guevarra, na may 58% approval at 65% trust ratings. (Daris Jose)

Administrasyong Marcos, tuloy ang trabaho kahit Christmas holidays

Posted on: December 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TULOY ang trabaho  ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  kahit pa holiday season.

 

 

Katuwiran ni Pangulong Marcos,  kailangan na mapabilis ang inisyatiba na naglalayong mapabuti pa ang buhay ng mga Filipino.

 

 

“Kahit sumampa na ang Christmas season at yung iba ay medyo vacation mode na, tayo ay patuloy pa rin ang lahat ng ating ginagawa para masigurong walang patid ang pagpaganda ng kalagayan ng ating mga kababayan,”  ayon kay Pangulong Marcos  sa kanyang weekly vlog.

 

 

Ipinagmalaki ng Chief Executive ang Kadiwa stalls sa iba’t ibang bahagi ng bansa, para makapagbigay sa mga Filipino consumers ng mas abot-kaya sa bulsa , mura at may mataas na kalidad ng local products kabilang na ang bigas  mula sa  National Food Authority (NFA), na P25 per kilogram lamang.

 

 

Sa kasalukuyan, mayroong 400 Kadiwa stalls sa buong bansa kung saan 40  mula sa nasabing bilang ay matatagpuan sa Kalakhang Maynila.

 

 

“Marami pa tayong inaayos diyan para naman maging sustainable at permanent ang operations ng Kadiwa kahit tapos na ang Pasko,” ang wika ni Pangulong Marcos.

 

 

Sa ulat, ang Kadiwa stalls  ay  itinuturing na “brainchild” ng kanyang mga magulang na sina dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating Unang  Ginang  Imelda Marcos.

 

 

Bilang bahagi naman ng pagsisikap na matiyak ang food security,  binanggit naman ni Pangulong Marcos  ang naging byahe niya sa International Rice Research Institute (IRRI) sa Los Baños, Laguna, araw ng Martes kung saan napag-alaman niya ang tungkol sa pag-aaral at teknolohiya na kailangan ng bansa para sa sektor ng agrikultura.

 

 

“Marami tayong nakita na ‘yung mga ginagawa nilang pag-aaral, ‘yung kanilang mga eksperimento para pagandahin ang pagiging hanap-buhay ng ating mga magsasaka,” anito.

 

 

“Nakakatuwa dahil yung mga inaalala natin kung minsan na mga problema na hinaharap ng ating mga magsasaka ay talagang tinutugunan ng IRRI at may mga sagot din sila na magagamit natin,” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.

 

 

Labis namang ikinatuwa ng Punong Ehekutibo ang pagkakataon na ma-recreate ang larawan ng kanyang ama nang bumisita ito sa IRRI headquarters noong  Oktubre  26, 1966  kasama si  US President Lyndon Johnson, IRRI Director General Robert Chandler and scientists.

 

 

Ipinagmalaki naman ni Pangulong Marcos ang hiniram niyang ideya mula sa kanyang ama, programa na magbibigay katiyakan sa lahat ng mga  kabataang filipino para sa pagdiriwang ng Pasko, ito aniya ay ang  “Balik Sigla, Balik Saya: Nationwide Gift-Giving Day” na idinaos sa  Malacañan Palace Grounds, araw ng Linggo.

 

 

“Nung Pangulo yung ating ama, mayroon tayong ginagawa bawat Pasko na tinatawag na Maligayang Pasko. Yung buong Palasyo ay ginagawang children’s party, mayroong magician, may clown, mayroong mga laru-laro. Yung mga nakakapunta ay galing sa mga orphanage,” ani Pangulong Marcos.

 

 

“Ang aming iniisip kasi yung ibang mga bata kung hindi natin bigyan ng Pasko, eh walang Pasko. Kawawa naman. Eh kami nang gagawa ,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa idinaos na  gift-giving event na sabay-sabay na ginawa sa 40 lokasyon sa bansa, namigay si Pangulong Marcos ng pamasko  sa 600 bata  mula sa orphanages, shelters at communities.

 

 

Ipinangako rin ni Pangulong Marcos ang patuloy na pagpapatupad ng mga programa at proyekto na naglalayong makapagbigay ng maayos na buhay sa lahat ng mga Filipino.

 

 

“‘Yan ang mga bagay na mula noon hanggang ngayon ay hindi magbabago at patuloy natin binibigyan ng halaga ang pag-aalaga at pagbibigay saya sa ating kabataan, ang mura at maasahang pagkain para sa lahat, at isang matibay at masaganang sistema ng agrikultura,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)

Pinusuan at magaganda ang comments sa pinost ni Darla: Kalagayan ni KRIS, unti-unti nang bumubuti kaya patuloy na pinagdarasal

Posted on: December 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINUSUAN at napuno nang magagandang reaksyon mula sa mga netizens ang Instagram post ni Darla Sauler last week, kasama si Queen of All Media Kris Aquino at Bimby Yap.

 

 

Kuha raw ito sa tinutuluyan ni Kris sa Amerika kasama sina Bimby at Joshua.

 

 

Caption ni Darla, “You always make time for family.

 

 

“Happy to visit and catch up with you and the kids while you’re in the US, Krisy.

 

 

“Continuously praying for your well-being. Love, love, love you, Bimby and Kuya always, @krisaquino.” Kasama sa dulo ang isang white heart emoji.

 

 

Pinusuan din ito ng mga celebrities tulad nina Derek Ramsay at Iza Calzado.

 

 

Marami ngang natuwa sa larawang pinost niya at ayon sa nma netizens, nakikita nilang tuloy-tuloy na ang pagbuti ng kundisyon ni Kris.

 

 

Unti-unti na ngang bumabalik ng itsura at nagkakalaman na ang TV host/actress. At marami pa rin ang patuloy nagdarasal sa kanyang paggaling.

 

 

Komento ng mga netizens:

 

“Thanks God Kris looks better now. We’re always praying for complete ang fast healing, Kris! Thank you, Darla for this post.”

 

 

“You’re healed Ms. Kris.. in the mighty name of Jesus! d great and best physician we know! Prayinhg for your complete recovery!”

 

 

“Happy to see the latest photo of Ms. Kris Aquino thru you, Darla (a very reliable source). Get well soon, Ms. @krisaquino. Waiting to see you back on screen, doing what you love and do best. God bless you!”

 

 

“Happy to see your health is improving, Kris… pray lang and trust HIM.”

 

 

“Happy to see ur latest pix Miss Kris. always imclude you on my prayes. God will heal you. love love love.”

 

 

“Aww. Nakaka-happy naman makita si Ms. Kris na maayos na ulit.”

 

 

“Maa’m Kris magpagaling po kayo maraming tao po nag darasal po sa inyo. At isa na po ako don. Tuwing gabi pinag darasal po kita na sana’y gumaling na po kayo… Alam po namin na hindi po kayo pababayaan ng panginoon…. God bless po.. Stay safe with your family.”

 

 

“She looks better now ms darla. Need nya lang mag gain ng konting weight. i hope and pray kahit papano maging ok na sya kahit hindi 100 percent.”

 

 

“Looking good, praise God for HIS goodness. Praying for your speedy recovery Ms Kris. Just be strong.”

 

 

“Love ko tong pamilya kahit hindi nyo ako kilala saan ka man mapunta kakampi mo ako hanggang sa huli laban lang.”

 

 

“Thank you for loving Ms. Kris and being her true friend Darla.”

 

 

“Thanks God for taking care of you Kris. We really miss you waiting for your come back with your kids.”

 

 

Matagal-tagal pang gamutan ang pagdaraanan ni Kris at nabanggit na nga sa balita na sa loob 18 buwan ang kanyang treatment para sa kakaiba at rare disease.

 

 

Kaya patuloy nating ipagdasal si Kris at matagumpay na malampasan ang kanyang pinagdaraanan.

 

(ROHN ROMULO)

Navotas nag-uwi ng maraming awards, recognitions

Posted on: December 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAG-UWI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas kamakailan ng maraming awards at recognitions kamakailan mula sa Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

 

“These awards and recognitions should inspire us more to always improve and upgrade the quality of our services,” ani Mayor John Rey Tiangco.

 

 

Sa ginanap na 2022 DOH Hospital Star Awards, ang Navotas City Hospital ay nakatanggap ng citation para sa pagiging isa sa top 15 Level 1 hospitals nationwide.

 

 

Ipinagkaloob ng DOH ang parangal bilang pagkilala sa mga pagsisikap ng NCH na patuloy na pahusayin ang kalidad ng healthcare services nito, at pagmasdan ang mga pinakamahusay na kasanayan at mga inobasyon sa pamamagitan ng pamamaraang batay sa ebidensya.

 

 

Ang mga nanalo ay pinili sa pamamagitan ng pagsusuri sa kanilang mga programa, aktibidad, inisyatiba, at inobasyon sa mga sumusunod na pamantayan: kaligtasan at pagkontrol sa impeksyon, pagbibigay ng serbisyo, kasiyahan ng customer at empleyado, aktibidad na nakabatay sa komunidad, pagpapabuti ng kalidad, at pagharap sa COVID-19 pandemic.

 

 

Nagkamit din ang Navotas ng pagkilala bilang Top 3 sa Nutritional Status at Best in Good Practices para sa matagumpay nitong pagpapatupad ng 11th Cycle Supplementary Feeding Program ng DSWD.

 

 

Sa ilalim ng programa, ang Navotas City Social Welfare and Development Office ay nagbigay ng supplementary food sa mga batang naka-enroll sa child development centers (CDC) upang makatulong na mapabuti at mapanatili ang kanilang nutritional status.

 

 

Bukod dito, 21 CDC sa Navotas, at kani-kanilang mga guro at teacher aides ang nakakuha ng accreditation mula sa DSWD.

 

 

Ang lungsod ay isa sa dalawang local government units sa National Capital Region na nakakuha ng 100 percent accreditation para sa Early Childhood Care and Development Center-Based Programs.

 

 

Samantala, nakakuha din ng accreditation ang Navotas Bahay Pag-asa mula sa parehong ahensya.

 

 

Ang Bahay Pag-asa ay ang pasilidad ng lungsod na nagbibigay ng panandaliang pangangalaga sa tirahan para sa mga children in conflict with the law at naghihintay ng disposisyon ng korte ng kanilang mga kaso o paglipat sa ibang ahensya o hurisdiksyon.

 

 

Isang residente ng Bahay Pag-asa ang pumangatlo sa spoken word poetry contest sa 11th Juvenile Justice and Welfare Consciousness Week Celebration. (Richard Mesa)

Everyone’s Favorite Feline Returns In “Puss in Boots: The Last Wish’

Posted on: December 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

THIS holiday season, everyone’s favorite leche-loving, swashbuckling, fear-defying feline returns.

 

 

For the first time in more than a decade, DreamWorks Animation presents a new adventure in the Shrek universe as daring outlaw Puss in Boots discovers that his passion for peril and disregard for safety have taken their toll.

 

 

A hero to some, an outlaw to others…everyone agrees that this swashbuckling cat has style to spare. Known for his iconic (and beautifully cobbled) boots, Puss is a skilled swordsman, charming, fearless, determined and a crazy-good dancer.

 

 

Puss is a legend who has lived all these lives. He goes from town to town and party to party. He’s the life and soul of everywhere he goes. But just like the rock star who plays the concert every night and is in top form, he goes back to his hotel by himself every night—lies in bed and doesn’t have anyone around. That’s the story of Puss. He’s never let anyone in. Along the journey, he’s starting to question that choice.

 

 

The long-awaited follow-up to the 2011 Academy Award®-nominated blockbuster, Puss in Boots: The Last Wish stars Academy Award® nominee Antonio Banderas who returns as the voice of the notorious PiB as he embarks on an epic journey into the Black Forest to find the mythical Wishing Star and restore his lost lives.

 

 

The last time we saw Puss in Boots, in his 2011 solo outing as a movie star, he was purring about his cunning ability to save the world and be adulated for it. Now with only one life left, the devil-may-care feline is wondering if he’s forever lost his mojo…and with it, the very essence of what makes him Puss in Boots.

 

“Puss in Boots: The Last Wish” features an all-star voice cast that includes Oscar® nominee Salma Hayek Pinault as Kitty Softpaws, Harvey Guillen as Perrito the mutt, Oscar® nominee Florence Pugh as Goldi, Oscar® winner Olivia Colman as Momma Bear, Ray Winstone as Papa Bear, Samson Kayo as Baby Bear, Emmy winner John Mulaney as Jack Horner and Wagner Moura as Wolf.

 

 

Salma Hayek Pinault as Kitty Softpaws Antonio Banderas Harvey Guillen as Perrito PUSS IN BOOTS THE LAST WISH

 

The character of Puss in Boots first appeared in 2004’s Oscar®-nominated Shrek 2 and instantly became a global, scene-stealing sensation. Puss then co-starred in two other Shrek sequels and his solo film, as well as in multiple DreamWorks Animation videos and a TV series. The Shrek and Puss in Boots films have collectively earned more than $3.5 billion worldwide.

 

 

Antonio Banderas has lived with (and brought life to) Puss in Boots for almost two decades, and he has seen the impact of the character first-hand in every area of the globe. “I have had interviewers from all around the world and thought, ‘Wow. When that person saw Shrek 2, they were seven, eight years old,’” Banderas says. “Now, they are interviewing me about this character they saw years ago, and now they are 28 or 29. It’s beautiful that younger people have grown up with this character that produced such a strong impact in their lives. It seems like the time to pick up Puss and throw him back to the biggest screen, the place where he belongs.”

 

 

“Coming back to voice this memorable hero has been a remarkable experience,” Banderas says. “I felt like I was visiting a very dear, clever friend that I hadn’t heard from for a few years. We both have greyer whiskers and are no longer the brash, young players we used to be. What I love most about playing Puss is that deep down inside, he has a strong sense of honor and loyalty—as well as a mischievous and funny side, which endears him to audiences of all ages,” concludes Banderas.

 

 

A DreamWorks Animation and Universal Pictures feature, “Puss in Boots: The Last Wish” breaks into local cinemas starting December 7.

 

(ROHN ROMULO)

‘Di kinaya na kinalaban ng ina ang negosyo nila: MATET, damang-dama ang pagiging ampon at ‘di talaga mahal ni NORA

Posted on: December 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI kinaya ni Matet de Leon na ang mismong ina niya, ang Superstar na si Nora Aunor ay kinumpetensiya pa sila sa negosyo nilang mag-asawa.

 

May matagal ng negosyo si Matet at ang kanyang mister na gourmet tuyo at tinapa. Pero naloka raw siyang talaga nang ang mommy niya, meron na rin “Ate Guy’s gourmet tuyo at tinapa.”

 

Sabi ni Matet, “Noong Wednesday, natutulog ako. Ang sarap ng tulog ko no’ng hapon. Paggising ko, si mommy, meron siyang message sa akin.

 

“Siyempre, kapag si mommy ang nag-message sa akin, ‘ ay, si mommy, nag-message sa akin!’ ‘Ano ang pangangailangan ni mommy?’ ‘Kailangan kong attendan ang pangangailangan ni mommy ko.’

 

“So ‘yun, ang unang-una kong nakita, ang mga sinend sa akin ni mommy na mga produkto nga niya. Naloka ko talaga! As in, nag-hyperventilate ako.”

 

Sabi pa rin ni Matet, “Hindi ko na alam kung ano ang rason bakit sinend niya sa akin ang mga pictures na ‘yan. Kasi, hindi ko na siya gustong kausapin.”

 

Kaya raw siya naba-badtrip na sinend sa kanya ng mommy niya ang mga bottled tuyo nito dahil meron din siyang gano’ng business, ang Casita Estrada gourmet tuyo at gourmet tinapa. At alam daw ni Ate Guy na meron siyang gano’ng business.

 

Kaya hindi raw niya alam kung bakit napagdesisyonan ng mommy niya kung bakit ito gumawa pa ng sariling brand niya.

 

Hindi na raw siya nag-post sa mga social media account niya, but instead, iniyak na lang daw niya.

 

“Iniyak ko na lang,” sey niya. “Ang ginawa ko, tinawagan ko ang ate ko (Lotlot de Leon), tinawagan ko ang Kuya ko (Ian de Leon).”

 

“How do I feel about it? I feel very sad. I feel betrayed. Grabe, ampon na ampon ang pakiramdam ko ngayon mga ‘tol! Ang lakas maka-ampon ng ginawa nila. Ang lakas maka-ampon! Damang-dama ko ang pagka-ampon ko.

 

“Walang gagawa nito sa anak nila. Ang ibig sabihin lang nito, hindi talaga ‘ko tinatratong anak.”

 

Pati raw ang mga taong malalapit sa Superstar, hindi na lang daw niya pangangalanan, pero ang tingin din ay hindi talaga sila mahal ng ina nila.

 

“Ngayon ko lang na-realize talaga. Hindi kami mahal ng nanay namin. Hindi naman ako iiyak dito. Ayokong manghingi ng awa ng galing sa inyo. This is just to clear the air.”

 

Marami pang sinabi si Matet sa kanyang Youtube vlog. Including tungkol sa utang na loob bilang isang ampon at iba pa. Pero sabi niya rin, kaya nga raw sila nag-negosyo ng gourmet tuyo at tinapa dahil wala naman siyang trabaho sa showbiz.

 

Kahit sinabi ni Matet noong una na hindi siya iiyak, bandang huli ay ‘di rin niya napigilan. Sinabi rin nito na mahal na mahal niya ang ina, pero hindi na raw siya makikipagkita o makikipag-usap dito, gayundin ang mga anak niya.

 

“Para hindi ka na naiinis,” ang sabi na lang niya.

 

***

 

NAGING emosyonal si Boobay sa naging premiere night ng pelikulang “Broken Blooms” na ipalalabas na sa mga sinehan sa December 14.

 

Marami kasi, lalo na sa LGBTQ+ community ang makaka-relate sa character ni Boobay sa movie. At in fairness, talagang nanggulat siya rito kaya pinalakpakan pa siya sa isang scene.

 

Pero tila hindi napigilan ni Boobay na maging emosyonal nang sabihin niya na, “Nang mapanood ko, sobra talaga ang pasasalamat ko kay Direk Louie (Ignacio). Pero ‘yun po talaga, dahil firs time kong mapanood ‘to, hindi ako makapaniwala, parang nasabi ko sa sarili ko na ito ‘yung ikaka-proud ko na sabihin sa tatay ko na, manood ka Pa.

 

“Kasi sa pelikulang ito, nakalagay na ‘Norman “Boobay” Balbuena na apelyido mo.”

 

At kung meron man daw na masasabi niyang kapareho ng totoong siya sa character na ginampanan niya, “’Yung pagkakaparehas namin ‘yung giving without expecting. Masaya ka lang. Pero kapag ayaw na niya na binibigyan mo siya, ‘yun ang masakit.”

 

Bukod sa tatay niya, proud din daw si Boobay na ipapanood ang movie sa kanyang bff na si Marian Rivera. Inimbitahan nga raw niya itong manood ng premiere, pero dahil may schedule na, hindi na nakapunta.

 

Pero thankful daw siya rito na alam niyang very supportive sa kanya palagi.

 

 

(ROSE GARCIA)

Fury napanatili ang WBC world heavyweight belt matapos talunin si Chisora

Posted on: December 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Napanatili ni Tyson Fury ang kaniyang WBC world heavyweight title matapos talunin si Derek Chisora.

 

 

Hindi hinayaan ng 34-anyos na si Fury na madungisan ang kaniyang unbeaten record sa halos 60,000 katao na nanood sa Tottenham Hotspur Stadium sa London.

 

 

Inihinto na ng referee ang laban matapos makita ang 38-anyos na kapwa British boxer na labis na ito ng nabugbog sa loob ng ika-10 rounds.

 

 

Dominado ni Fury ang laban kung saan desididong makaharap si Oleksandr Usyk.

 

 

Matapos ang laban ay inamin ni Fury na sumakit ang kaniyang kamay at kailangan din na sumailalim sa operasyon ang kaniyang kanang siko na aabot ng hanggang walong linggo bago gumaling. (CARD)

Rain or Shine pasok na quarterfinals matapos talunin ang NLEX 110-100

Posted on: December 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Pasok na quarterfinals ang Rain or Shine matapos na talunin ang NLEX 110-100 ng PBA Commissioner’s Cup.

 

 

Nanguna sa panalo ng Painters ang import na si Ryan Person na nagtala ng 24 points at siyam na rebounds habang mayroong 19 points si Andrei Caracut at Gian Mamuyac ay nagtala rin ng 15 points sa laro na ginanap sa PhilSports Arena sa lungsod ng Pasig.

 

 

Dahi sa panalo ay makakaharap nila ang top team na Bay Area Dragons.

 

 

Ito ang unang pagpasok ng Rain or Shine sa playoffs mula pa noong nakaraang taon at sa pangunguna ng kanilang nagbabalik na coach na si Yeng Guiao.

 

 

Pang-apat na rin na pagkakataon ito na hindi nakapasok sa playoffs ng Commissioners’s Cup ang NLEX na ang huli ay noong 2016. (CARD)

Jaylen Brown, Boston pinahiya Brooklyn sa sariling teritoryo

Posted on: December 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGSUMITE ng double-double sina Jaylen Brown at Jayson Tatum at pinutulan ng Boston ng four-game win streak si Kevin Durant at Brooklyn via 103-92 win nitong Linggo sa Barclays Center.

 

 

Pero hindi raw ang 34 points, 10 rebounds ni Brown at 29-11 ni Tatum ang susi sa panalo.

 

 

“Our defense definitely won us the game tonight, no doubt about that,” giit ni Tatum.

 

 

Nagawa nila ‘yun kahit wala si Defensive Player of the Year Marcus Smart (bruised left hip).

 

 

Nilatag ng 20-point outburst ni Brown sa first quarter ang ratsada ng Celtics bago binulabog sa six turnovers ang Nets sa final period.

 

 

Umiskor ng 31 si Durant pero inari ang walo sa 17 turnovers ng Brooklyn.

 

 

Nagdagdag ng 18 points si Kyrie Irving na malamyang 7 of 21 lang sa field.

 

 

Abante lang ng dalawa ang Celtics nang magsalpak ng 3 si Al Horford bago binutata si Durant na nagresulta sa fastbreak dunk ni Brown, 85-76. (CARD)

Maynila, ginawaran ng ‘Excellence in Digital Public Service Award’

Posted on: December 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TUMANGGAP ng “Excellence in Digital Public Service” ng Gcash sa katatapos na Digital Excellence Awards ang Lungsod ng Maynila sa patuloy na pag-ani ng iba’t ibang anyo ng pagkilala sa ilalim ng pangangasiwa ni Mayor Honey Lacuna.

 

 

Sinabi ni Lacuna na kinilala ng digital wallet service provider ang napakalaking pagtaas ng mga online na transaksyon para sa mga online na pagbabayad noong 2022 sa pamamagitan ng Go Manila app at website ng lungsod (www.gomanila.com).

 

 

Napag-alaman na ang parehong platform ay may kasamang mga pagbabayad ng GCash para sa mga buwis sa negosyo at real property, mga aplikasyon para sa mga civil license at certifications, mga cedula at permit.

 

 

Nagpasalamat ang alkalde matapos malaman na ang Maynila ang tanging local government unit na nabigyan ng  nasabing award ng GCash ngayong taon.

 

 

Ang nasabing parangal ay tinanggap ng electronic data processing (EDP) head na si Fortune Palileo, na pinuri ni Lacuna para sa mahusay na trabaho.