• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 7th, 2022

Laro’t Saya sa Parke binalik ng Philippine Sports Commission

Posted on: December 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Optimistiko sina Laro’t Saya sa Parke Program Manager Dr. Lauro ‘Larry’ Domingo at may pasimuno ng proyekto na si PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy Jr na babalik ang sigla ng mga komunidad sa grassroots sports matapos ang mahigit dalawang taong tengga sanhi ng pandemya.

 

 

Nasilip ito ng dalawang opisyal kasama si LSP project director Alona Quintos sa mga soft opening ng programa na kilala ring Play ‘N Learn sa mga nakalipas na Sabado at Linggo sa iba’t ibang lungsod sa kapuluan.

 

 

Huling nasimulan ng ahensiya ng gobyerno sa sports ang pagdaraos ng programa sa City Park ng GenTri, Cavite kung saan mahigit sa 500 kabataan, estudyante at mga magulang ang nakilaro at nakisaya sa kada Sabado at Linggong aktibidad na itinuturo ang zumba, basketball, baseball, badminton, table tennis, volleyball, sepak takraw, taekwondo, at chess.

 

 

Kasunod sa mga unang binuksan sa Sipalay City at Bacolod City sa Negros Occidental, Ilocos Sur, Puerto Princesa, at sa Tagum City, Davao Del Norte na dinadaluhan ng ‘di bababa sa 600 katao. (CARD)

Tiyak na maraming makaka-relate sa ‘Ang Kwento ni Makoy’: BUBOY at BELLA, magpapakilig at magpapaluha sa kanilang unang pagtatambal

Posted on: December 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PALABAS na ngayon sa mga sinehan ang romcom movie na “Ang Kwento ni Makoy” na pinagbibidahan ng former child star-turned-comedian na si Buboy Villar at ka-partner niya ang promising actress na si Bella Thompson.

 

 

Ang inspirational movie na magpapakilig at magpapaluha sa manonood ay tungkol sa isang masayahin at mapagmalasakit na nurse na si Makoy (Buboy) na mag-aalaga sa isang masungit na writer na si Ched, na COVID patient (Bella).

 

 

Mula ito sa direksyon ni HJCP at produksyon ng Masaya Studio Inc. Bukod sa bagong magka-loveteam na sina Buboy at Bella, kasama rin sa “Ang Kwento ni Makoy” ang mga emerging stars na sina Elan Villafuerte, Jimson Buenagua, Ranz Aganan, Angelita Loresco, Kenneth Mangurit, at Kharyl Shanti Ibnohasim na kilala sa larangan ng Philippine indie films at indie theatrical plays.

 

 

Nabigyan din ng chance sa movie ang mga new faces in the industry na sina Caroline Perla, Jonna Sibonga, at Prince Euri Feliciano.

 

 

Kinunan ito noong kasagsagan ng pandemya, ang istorya ng “Ang Kwento ni Makoy” ay iikot sa kakaibang onscreen chemistry nina Bella at Buboy kung saan mamahalin ang kani-kanilang character na ginampanan.

 

 

Sigurado kaming maraming makaka-relate sa bawat eksena na may kinalaman sa pandemya. Kaya magbaon ng panyo at pamunas, dahil tiyak ang tutulo ang inyong mga luha.

 

 

Pahayag ni Direk HJCP, “The pandemic had a huge impact on our lives. During the lockdown, everyone was looking for that beacon of hope to continue moving forward.

 

 

“The main character, Makoy, embodies that and, through him, we are reassured that no matter what trials we live through, everything will eventually fall into place.”

 

 

Naka-relate naman si Buboy sa kanyang role, “Actually meron kaming similarities ni Makoy na parang gusto ko mapasaya kayong lahat, gusto ko maibigay yung nararapat para sa inyo, gawin ang trabaho ko.

 

 

“I mean si Makoy ganu’n din siya ang sa kanya lang too much yung pag gawa niya. Kaya mahal na mahal ko si Makoy.”

 

 

Pahayag naman ni Bella, “Very grateful ako na kasama ko dito sa Buboy, kasi tinutulungan niya ako when it comes to acting.”

 

 

Panoorin at husgahan ang different side ni Buboy Villar sa kanyang latest comedy-drama, “Ang Kwento ni Makoy,” palabas na nationwide at panoorin ang official trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=bHnh9icsQno

 

 

For more information, like and follow the official Facebook page of
‘Ang Kwento ni Makoy’ at https://www.facebook.com/KuwentoniMakoy or
visit Masaya Studio’s official website at www.masayastudio.com.

 

(ROHN ROMULO)

Mahigit P63-M halaga ng smuggled frozen foods mula Hong kong at China, nasabat ng Bureau of Customs

Posted on: December 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigit P63 million halaga ng smuggled frozen foods na dumating sa Manila International Container Port (MICP) mula sa Hong kong at China.

 

 

Ayon kay BOC Commissioner Yogi Filemon Ruiz, nag-ugat ang naturang operasyon sa natanggap na intelligence reports ng Customs Intelligence and Investigation Service-MICP kaugnay sa pagdating ng dalawang container vans mula sa Hongkong at dalawang container van mula naman sa China na naglalaman ng mga frozen meat products subalit idineklarang ng consignees na libu-libong kilo ng frozen prawn balls

 

 

Ang mga container vans mula sa Hong kong ay dumating sa bansa noong Nobiyembre 17 habang ang nagmula naman sa China ay dumating noong Nobiyembre 18.

 

 

Aniya, ang bawat apat na container ay may humigit kumulang P15,750,000 halaga ng suspected misdeclared frozen goods.

 

 

Nadiskubre sa inspection ng BOC mula sa container vans mula Hong Kong ang mga frozen tofu, chicken paws, at boneless beef, Vietnamese suckling pig, at beancurd skin.

 

 

Sa container vans mula Chin naman ay nadiskubre dina ng frozen fish tofu at frozen beef cheek meat.

 

 

Agad namang nag-isyu ng Alert orders si BOC Deputy Commissioner Juvymax Uy laban sa Victory JM Enterprise OPC na importer ng dalawang containers ng frozen prwn balls mula Hongkong gayundin sa importer mula China.

 

 

Saad pa ng opisyal ang kanilang walang patid na kampaniya kontra sa mga smuggled na agricultural products ay alinsunod sa direktiba ng Pangulo at pagprotekta sa ating lokal na merkado gayundin sa presyo ng mga produkto.

 

 

Samantala, inihahanda na ang kasong paglabag sa Sec. 1400 o misdeclaration in goods declaration) may kaugnayan sa Sec. 1113 (property subject to seizure and forfeiture) laban sa mga nasa likod ng smuggling. (Daris Jose)

“DUNGEONS & DRAGONS: HONOR AMONG THIEVES” UNLEASHES PAYOFF POSTER

Posted on: December 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

AN adventure of epic proportions. Check out the payoff poster for Paramount Pictures’ Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves and get ready to see it in cinemas across the Philippines March 29, 2023.

[Watch the film’s trailer below:

https://www.youtube.com/watch?v=vKpDpZ5Di3Q&t=129s

About Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves 

 

A charming thief and a band of unlikely adventurers undertake an epic heist to retrieve a lost relic, but things go dangerously awry when they run afoul of the wrong people.  Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves brings the rich world and playful spirit of the legendary roleplaying game to the big screen in a hilarious and action-packed adventure.

Paramount Pictures Presents In Association with eOne A Jonathan Goldstein & John Francis Daley Film

Directed by Jonathan Goldstein & John Francis Daley, screenplay by Jonathan Goldstein & John Francis Daley and Michael Gilio. Story by Chris McKay & Michael Gilio

Based on HASBRO’S DUNGEONS & DRAGONS

Produced by Jeremy Latcham, p.g.a., Brian Goldner, Nick Meyer; the Executive Producers are Denis L. Stewart, Jonathan Goldstein, John Francis Daley, Chris Pine, Zev Foreman, Greg Mooradian

The film stars Chris Pine, Michelle Rodriguez, Regé-Jean Page, Justice Smith, Sophia Lillis, Chloe Coleman, Daisy Head and Hugh Grant.

Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures.

Connect with #DnDMovie and tag @paramountpicsph

 

(ROHN ROMULO)

2023 Budget pirmado na ni Mayor

Posted on: December 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NILAGDAAN na ni Manila Mayor Maria Sheila “Honey” Lacuna-Pangan  ang budget ng pamahalaang lungsod para sa taong 2023 na nagkakahalaga ng P22.2 bilyon, na ang halos kalahati ay nakalaan para sa serbisyong panlipunan at pang-kalusugan.

 

 

“Isinumite natin ito sa Sangguniang Panlungsod at kaagad naman nilang tinalakay, sinuri, pinag-aralang maigi at ipinasa sa kanilang nakaraang regular na sesyon,” pahayag ng alkalde bago isagawa ang seremonya ng paglagda na ginanap sa Bulwagang Katipunan ng Manila City Hall.

 

 

“Ito ang tanda ng ating sama-samang pangarap tungo sa mas magandang buhay para sa ating mga kapwa Manilenyo,” dagdag pa ng alkalde.

 

 

Sinabi pa ng kauna-unahang babaeng alkalde sa kapitolyo ng bansa na ang paglagda, na una niyang nagawa mula nang manungkulan siya noong Hunyo 30, 2022 ay sumasalamin sa kaniyang mithiing makapagbigay ng pinakamahusay na serbisyong pangkalusugan upang higit na mapaganda at mapabuti ang kanilang pagkakaloob ng Social Amelioration Program (SAP) tulad ng allowances sa mga lolo at lola, persons with disabilities (PWDs) at solo parent, gayundin sa lahat ng mga mag-aaral sa Universidad De Manila, sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at senior high school students sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.

 

 

Kabahagi rin aniya dito ang kanilang prayoridad sap ag-iingat sa likas na yaman at pagsisikap na magkaroon ng malinis at luntiang kapaligiran. .” At siyempre, pinaglalaanan din natin ng pondo ang mga programang may kaugnay sa pagtitiyak ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng bawa’t isang Manilenyo,” sabi pa ng alkalde.

 

 

Nakapaloob din aniya sa taunang budget ang mga programa at proyekto na kaugnay sa pagpapatupad ng Universal Health Care Acts at iba pang mga serbisyo na kanilang ini-aalay para sa mga mamamayan, lalu na sa mga kapuwa Manilenyo na higit na nangangailangan ng kalinga.

 

 

Inihayag pa ni Mayor Lacuna-Pangan na kabilang ding tutustudan ang pagsasa-ayos ayos ng iba’t-ibang health centers sa lungsod, pagpapatayo ng Crisis intervention Center for Women and Children, pagdaragdag ng mga imprastaktura at pasilidad sa Manila Boystown Complex at pagpapagawa ng mga City Libraries na daragdagan ng mga multi-purpose at multi-functional facilities para sa pangangailangan ng iba’t-ibang sektor ng lungsod.

 

 

“Ang mga programa at proyektong ito ay ilang lamang sa mga mahahalagang bagay na nilalayon nating maging epektibong instrumento ng panibagong simula at paghahatid ng panibagong pag-asa sa ating mga kababayan,” sabi pa ng alkalde.

 

 

Kasama ng alkalde sa ginawang paglagda sina Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto, Majority Floorleader Councilor Ernesto Isip, Jr., Minority Floorleader at 6th District Councilor na siya ring chairman ng Committee on Appropriation Councilor Salvador Philip Lacuna, mga miyembro ng Local Finance Committee na kinabibilangan nina Secretary to rhe Mayor Atty. Marlon Lacson, City Budget Officer Grace Chua, City Treasurer Jazmin Talegon, at City Accountant Jonathan Galorio, 5th District Congressman Irwin Tieng at mga miyembro ng 12th City Council sa seremonya ng paglagda. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

PBBM, ipinag-utos sa PSA na bilisan ang paglilimbag sa PhilSys digital ID

Posted on: December 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. , araw ng Martes sa Philippine Statistics Authority (PSA) na i-fast-track o madaliin ang printing o paglilimbag sa digital version ng  Philippine Identification System (PhilSys) ID.

 

 

“Let us print out as much as we can and then isunod natin ‘yung physical ID as soon as we can,” ayon sa Pangulo sa naging pagpupulong nito kina National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan at mga opisyal ng PSA.

 

 

Sa nasabing miting, napag-usapan ang printing capacity kung saan ang usapin ay kinabibilangan din ng  “late start of the flow of data and the volume of the data which is less than what is supposed to be.”

 

 

Iniulat din sa Punong Ehekutibo ang  data flow mula PSA sa  Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay naitama.

 

 

Sinabi naman ni PSA Undersecretary Dennis Mapa  na patuloy itong makikipagtulungan sa BSP para sa mas mabilis at pagpapalakas sa volume ng  Phil ID production at printing.

 

 

Nauna nang tinukoy ni Mapa ang pagdagsa ng mga registrants ng mga PhilSys matapos na maantala ang paglimbag o printing ng national ID cards.

 

 

Buwan ng Oktubre, sinimulan ng  PSA  ang implementasyon ng printed digital version ng  Phil ID.

 

 

“Through the printed Phil ID, registered persons can immediately utilize the benefits of PhilSys, such as faster and seamless transactions in accessing financial and social protection services requiring proof of identity, subject to authentication,” ayon sa  PSA. (Daris Jose)

Panaga: Season-high in Blocks while mom watching

Posted on: December 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Naghatid si Jeanette Panaga ng inspiradong performance para itulak ang Creamline sa 25-22, 22-25, 25-5, 25-19 na panalo laban kay Chery Tiggo sa kanilang 2022 Premier Volleyball League Reinforced Conference best-of-three Battle for Third series.

 

 

Ang 6-foot middle blocker ay nagrehistro ng 14 puntos sa siyam na blocks para pamunuan ang All-Filipino Cool Smashers matapos na hindi maisama ang Turkish import na si Yeliz Basa.

 

 

Gustong magpakita ni Panaga dahil pinanood siya ng live ng kanyang ina na si Annie sa unang pagkakataon na naka-Creamline jersey.

 

 

“Sobrang nainspire ako and sobrang happy ako na pumunta siya dito sa game. Hindi niya pa alam na hindi kami nakapasok ng Finals sabi ko ‘Ma, hindi kami nakapasok ng Finals’ pero sabi niya ‘Nak, manonood ako for you’,” said Panaga sa panayam sa TV postgame habang naka-pan ang camera sa kanyang ina sa tabi ng kanyang girlfriend na si Michelle Morente.

 

 

“She means a lot to me talaga so grabe, sobrang nainspire ako kapag nanonood ‘yung nanay ko.”

 

 

Ang kanyang blocking output na siyam ay tumugma din sa season-high na naitala ni Rose Doria sa 17-25, 20-25, 27-25, 25-22, 15-5 na panalo ng Cignal laban sa PLDT sa Invitational Conference.

 

 

“Ha? Ako ba? Totoo? this season?,” said the shocked Panaga upon learning she got that record. (CARD)

Dahil nagpapatayo na rin ng bahay nila ang boyfriend: BARBIE at JAK, binibiro ng mga kaibigan kung kailan na ikakasal

Posted on: December 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HAPPY and thankful si Kapuso Hunk actor Ruru Madrid nang maging birthday gift na rin niya on his 25th birthday last December 4, ang screen test niya ng next project niya sa GMA Network, ang “The Write One,” na ipu-produce ng GMA News & Public Affairs, sa primetime.

 

 

“Excited po ako, dahil after four years na namin ng relasyon ni Bianca (Umali), first time lamang naming magtatambal sa isang teleserye,” kuwento ni Ruru sa Chika Minute ng “24 Oras.”

 

 

“It was refreshing, ngayon po lamang nag-sink-in sa akin na finally we will be working together,” say naman ni Bianca.

 

 

“Nakakatuwa dahil nakita ko ang ibang side ni Bianca, ngayong magkatrabaho na kami, nakita ko kung paano magtrabaho si Bianca, alam ko marami akong matututunan sa kanya.

 

 

“Sa unang eksena namin ng screen test, na napakahaba, parang nag-taping ako ng isang araw, very challenging, iba talaga, diin na diin, napakahusay niya, ang galing niyang umarte, tiyak marami akong matututunan sa kanya.”

 

“Ako naman po, I’m preparing myself, more mentally, professionally, we are lovers po kasi sa story,” dagdag naman ni Bianca.  “I’m thankful na after four years magkatambal na kami ni Ruru sa serye.”

 

***

 

 

LABIS ang pasasalamat ni Kapuso actor Jeric Gonzales, dahil nasa last three weeks pa ang kanilang Pinoy adaptation ng K-drama na “Start-Up PH” nila nina Alden Richards, Bea Alonzo at Yasmien Kurdi, heto at nag-attend na siya ng story conference ng next project niya sa GMA Network, ang “Urduja Files.”

 

 

Makakasama naman niya sina Kylie Padilla, Sanya Lopez, Gabbi Garcia at Vin Abrenica. Ka-join din nila sa storycon sina Arra San Agustin, Kristoffer Martin, Michelle Dee, Rochelle Pangilinan at si Zoren Legaspi

 

 

Mukhang sa bagong seryeng gagawin ni Jeric, mapapasabak naman siya sa mga action scenes, tulad ng mga paghahandang ginagawa nina Gabbi, Sanya at Kylie na dumaraan na sa martial arts at arnis training.

 

 

The series will be directed by Jorron Lee Monroy.

 

 ***

 

 

BIDANG-BIDA si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza sa “Maria Clara at Ibarra” at marami talagang humahanga sa character niya bilang ang Gen Z na si Klay na pumasok sa daigdig ng Noli Me Tangere.

 

 

Kahit sa Virtual Watch Party na organized ng GMA Pinoy TV sa USA, ay hinangaan si Barbie ng mga Pinoys doon na na-educate daw sila ng tungkol sa Noli me Tangere.

 

 

Live na nakausap sina Barbie, Julie Anne San Jose at Dennis Trillo ng mga Pinoy na nag-attend na nakasuot din ng Filipino dresses.

 

 

Meanwhile, binibiro ng mga friends nina Barbie at boyfriend na si Jak Roberto kung kailan ba ang kasal?  Paano, si Barbie ay nagpapatayo na ng bahay para sa parents niya, samantalang si Jak ay nagpapatayo naman ng bahay para sa kanila ni Barbie.

 

 

Pero wala pa namang balak na magpakasal agad sina Barbie at Jak dahil may mga kasunod pa silang projects na gagawin sa GMA Network.

(NORA V. CALDERON)

Christmas Tree pinailawan sa Valenzuela

Posted on: December 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGNININGNING na mga awiting pamasko, dancing fountain, at kumikinang na mga paputok ang matatanaw sa Valenzuela City People’s Park kasabay ng pagpapailaw ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian ng 2022 “Tuloy ang Progreso” Tree of Hope, bilang dedikasyon sa 8,000 masisipag na empleyado ng city hall.

 

 

Kasama nina Mayor WES, Mayoress Tiffany, Liam, at Tara sa gracing tree lighting ceremony sina Congressman REX Gatchalian, Vice Mayor Lorie Natividad-Borja at mga konsehal ng lungsod.

 

 

Ang 50-foot Christmas tree ay nakatayo sa aero circle ng park na may mga kumikinang na ilaw, 10-foot bear burloloy sa paligid nito, at bola ng liwanag na nagliliwanag sa lahat ng lugar ng park.

 

 

Mula noong 2004, ang Tree of Hope Lighting Ceremony ay naging tradisyon na sa lungsod, na inilalaan ang tema nito sa iba’t ibang sektor taun-taon ngunit nahinto noong 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.

 

 

Regular itong ginagawa sa huling bahagi ng Nobyembre o unang bahagi ng Disyembre upang pormal na salubungin ang panahon ng kapanahunan sa lungsod.

 

 

Ngayong taon, sa pagbangon mula sa pandemya at paghupa ng mga paghihigpit, ang Tree ay nakatuon sa higit sa 8,000 masisipag na empleyado ng city hall na walang takot na hinarap ang mga hamon na dala ng pandemya sa loob ng higit sa dalawang taon.

 

 

Idinaos din ang Christmas Party at ilang empleyado na nagsilbi sa pamahalaang lungsod sa loob ng sampu hanggang apatnapung taon ang kinilala at ginawaran ng sertipiko at cash incentive. Nagkaroon din ng raffle na may cash at appliance prize sa party.

 

 

“Inaalay po natin ang tree lighting natin sa lahat ng ating masisipag at magigiting na kawani dito sa city hall. ‘yung iba, may ten, fifteen, twenty o thirty years na pong naglilingkod sa ating lungsod. Natutuwa po ako na marami sa inyo ang tuloy na sumuporta sa ating bagong administrasyon, kaya’t naging madalim man ang nakaraang dalawang pasko, ngayong taon ay ibabalik natin ang ningning at saya dito sa Lungsod ng Valenzuela.” pahayag ni Mayor WES.

 

 

Sabay-sabay ding sinindihan ang mga Christmas decor sa Valenzuela City Family Park, Fatima Avenue, Polo Park, at WES Arena. Ang Christmas Bazaar at Food Fiesta sa kahabaan ng CJ Santos Street sa kabilang park at Fatima Avenue ay binuksan din sa parehong araw, at bukas ito sa buong Pasko. (Richard Mesa)

1,582 Zambo farmers, nag-aantabay ng land ownership awards

Posted on: December 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG may 1,582 Zamboanga Peninsula farmers ang nakatakdang maging landowners.

 

 

Nakatakda kasing pagkalooban ng  Department of Agrarian Reform ng ‘certificates of land ownership awards (CLOAs) ang mga nasabing magsasaka.

 

 

Sa isang kalatas, pangungunahan ni  DAR Secretary Conrado Estrella III  ang pamamahagai ng CLOAs, sakop nito ang kabuuang  2,653 ektarya ng agricultural lands sa nasabing lalawigan.

 

 

“For distribution are 819 CLOAs in the provinces of Zamboanga Sibugay covering 1,373 hectares of land to 764 ARBs; Zamboanga del Sur, with 441 CLOAs covering 628 hectares to 441 ARBs; and Zamboanga del Norte with 403 CLOAs, covering an area of 652 hectares benefitting 377 ARBs,” ayon kay Estrella.

 

 

Maliban sa CLOAs, itu-turn over ni Estrella ang mahigit sa  P8.6 milyong halaga ng support services sa  mga  agrarian reform beneficiaries, kasama na rito ang ‘farm equipment, machinery, at facilities.’

 

 

“This includes two units of processing centers, two units of water tank collectors, a vermiculture production center, three units of three-wheel multipurpose motorcycles with canopies, a hauling truck, and a unit of corn sheller, with a total cost of PHP3.34 million for Zamboanga del Sur agrarian reform beneficiary organizations (ARBOs),” ayon sa DBM.

 

 

May kabuuang P2.75 milyong halaga ng  support services ang ipamamahagi sa  Zamboanga Sibugay, kung saan kabilang rito ang  dalawang multi-purpose buildings, limang power tillers na may  kompletong  ‘implements at tillers’ , isang rice thresher,  isang  mud boat na may kasamang kompletong tools, at water tank collector.

 

 

“The ARBOs from Zamboanga del Norte would be provided with a hauling truck, warehouse, forage shredder, vermi shade, five heads of cattle, four egg machines, and a rainwater collector, with a total cost of P2.60 million,” ayon sa ulat.

 

 

Winika pa ni Estrella na ang mga nasabing  support services ay ipinatutupad sa ilallim ng  Climate Resilience Farm Productivity Support Program, Village Level Farm-Focused Enterprise Development Project, and the Convergence on Value Chain Enhancement for Rural Growth and Empowerment (Project Converge) ng DAR na makatutulong sa mga magsasaka na maging mas produktibo.

 

 

“This move is In line with the directive of President Ferdinand R. Marcos Jr. to improve the agricultural sector in the countryside, and boost the lives of the farmers in this region,” aniya pa rin.  (Daris Jose)