
Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
Dadaan sa butas ng karayom ang Gilas Pilipinas women’s basketball team para sa kauna-unahang misyong three-peat championship sa 32nd Southeast Asian Games 2023 sa Mayo sa Cambodia.
Siniwalat ito ni national coach Petrick Henry Aquino sa Philippine Sportswriters Association Forum na mga hatid ng San Miguel Corporation, MILO, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, at Philippine Amusement and Gaming Corporation nitong Martes.
“Yung ibang teams na nakikita ko like Indonesia has been recruiting so much, ang Vietnam meron silang twin sisters na galing sa States (Kayleigh and Kaylynne Truong), and Malaysia now has an Australian coach,” sey ng Gilas Pilipinas women’s project director din sa Forum sa Rizal Memorial Sports Complex conference room sa Malate, Manila.
“Kaya kailangan nating maging handa at subukang panatilihin ang gintong iyon para sa atin,” hirit pa ni Aquino.
Tumapos ang Pinay quintet at Indonesians sa magkatulad na 4-1 record sa Hanoi SEA Games noong summer, pero ang 93-77 win ng una sa huli ang pagpakipkip ng gintong medalya sa PH una via winner-over-the other rule. (CARD)
CONGRATULATIONS to “Start-Up PH” actress na si Yasmien Kurdi!
Labis ang saya ni Yasmien sa panibagong papuri at karangalan na kanyang natanggap bilang isang actress, last December 3, kinilala siyang “Top Actress of the Year” mula sa Brand Asia Awards.
Ayon sa Instagram caption ni Yasmien: “Top Actress of the Year. Thank you Brand Asia Awards for this recognition. I am extremely honored to receive this prestigious award. Maraming salamat po! To God Be The Glory”
Sa comment section ng post ni Yasmien, binati siya ng husband niyang si Rey Soldavilla at ng kanyang mga fans at followers.
Kung matatandaan, last March, 2022, pinarangalan din si Yasmien bilang Asia’s Valuable and Significant TV Actress of the Year sa 5th Asia Pacific Luminare Awards. At last October, kinilala naman ng Diamond Excellence Awards si Yasmien bilang Outstanding TV Actress of the Year. Kaya labis ang pasasalamat ni Yasmien sa mga awards na natanggap niya this 2022.
Napapanood ang “Start-Up Ph” nina Alden Richards, Bea Alonzo at Yasmien gabi-gabi, 8:50PM after “Maria Clara at Ibarra, sa GMA-7.
***
TANONG ng mga netizens, ano ang upcoming ‘mega serye’ ng GMA Network na “Urduja Files?”
Excited ang mga viewers dahil bukod sa mga bigatin ang bumubuo sa cast na ipinakita na sa video kuha mula sa story conference nila the other day, sa Chika Minute ng “24 Oras.” Si Kylie Padilla kasi ay gaganap na isang pulis, si Sanya Lopez naman ay ang legendary Princess Urduja at si Gabbi Garcia ay isang jeweller at may konting drama ang kanyang story.
“Tungkol ito sa drama, sa love story, historical din at fantasy, at halos action. Pwede rin itong pambata, matanda, mommy, daddy, buong pamilya, talagang magkakasundo sila kapag pinanood ito,” dagdag pa ni Sanya.
Balitang ngayong December na nila sisimulan ang taping ng “mega serye” na magtatampok din sa mga Kapuso hunk actors, at si Zoren Legaspi.
***
PANSAMANTALA na bang iniwan ni Jeffrey Hidalgo ang pagkanta na sinimulan niya noong 1989, bilang isa sa miyembro ng group na itinatag ni Maestro Ryan Cayabyab, ang Smokey Mountain?
Busy na kasi ngayon si Jeffrey bilang isang director at actor. Unang movie na dinirek niya ang “Silong” nina Piolo Pascual at Rhian Ramos in 2015. Nasundan na ito ng pagdidirek niya for Vivamax, with “Eva” ni Angeli Khang and “Lampas Langit” with Christine Bernas and Ricky Davao. Dito nanalo si Direk Jeffrey ng Best Director Award sa International Filmfest Manhattan.
Sa TV, naidirek niya ang “Inday Will Always Love You” at “TODA One I Love” sa GMA Network.
Naging TV actor din siya sa soaps like “Kadenang Bulaklak,” “Pangako sa “Yo” at ang latest serye niya, na kasalukuyang ipinalalabas ngayon, ang “Flower of Evil.”
Kasabay din ito ng pagiging actor niya sa Viva Metro Manila Filmfest horror entry, ang “Deleter,” at ito ang biggest movie role niya. Ang deleter daw ay basically editors, their job is to delete scenes from video content submitted to them that might offend viewers, like bloopers or shots with wrong angles. A techno-horror film and a mysterious death occurs in the story and that’s how all the scary scenes begin.
Kumusta naman sila ni Geneva Cruz, na kasama niya noon sa Smokey Mountain?
“We have remained good friends ni Geneva since then. Noong mga teenagers pa kami, nanligaw ako sa kanya pero binasted niya ako. We’re very comfortable with each other pa rin ngayon and we love Boracay kaya lagi kaming may beach photos together in her Instagram account.”
(NORA V. CALDERON)
NAGPAKILIG ng kanilang mga tagahanga ang ‘Running Man Philippines’ stars na sina Kokoy De Santos at Angel Guardian sa ‘The Boobay at Tekla Show’ noong nakaraang Linggo.
May usap-usap nga na nagpaparamdam na ng kanyang balak na ligawan ni Kokoy si Angel dahil naging very close sila noong mag-shoot sila ng ‘Running Man’ sa South Korea.
Tinanong nga si Angel kung may pag-asa raw ba si Kokoy kung sakaling pormal na siyang ligawan nito? Ang sagot niya ay: “Oo naman. Tingnan natin. Syempre depende ‘yan kung gaano ba kagaling manligaw ‘di ba? Siyempre kailangan maramdaman mo na gusto ka talaga.”
Comment naman ni Kokoy na consistent siya sa lahat ng kanyang ginagawa. Na kung magsisimula niyang manligaw, tuluy-tuloy lang daw iyon hanggang sa makakuha siya ng sagot.
Ang hanap naman daw ni Angel sa isang manliligaw ay yung maalaga, gentleman, at mayroong mahabang pasensya. Biro ni Kokoy na check daw lahat iyon sa kanya.
First impression naman daw ni Angel kay Kokoy ay babaero. Pero mukha naman daw romantic, sweet at caring si Kokoy na ikinakilig pa ng aktor.
Si Kokoy naman daw ay mataray ang first impression kay Angel. Pero nag-iba raw ang tingin niya kay Angel noong makilala na niya ito: “May pagkamataray ‘pag tumingin. Pero kapag siyempre kapag nagsalita na doon mo lang mare-realize na mabait pala.”
Dahil sa nakakakilig na tandem nila sa Running Man PH ay nabuo ang loveteam na GeKoy.
***
NASA sa South Africa na uli ang nagbalik sa showbiz na si Michelle Aldana.
Tapos na kasi ang lahat ng eksena niya sa top-rating GMA Afternoon Prime series na ‘Nakarehas Na Puso’ kunsaan co-stars niya sina Jean Garcia at Leandro Baldemor.
Nangako kasi si Michelle sa kanyang mga anak na bago mag-Pasko ay babalik na siya sa South Africa para magsama-sama sila.
Sa Instagram, pinost ng beauty queen-actress ang photo nila ng kanyang mga anak na ilang buwan niyang hindi nakasama dahil sa naging trabaho niya sa Pilipinas.
Caption pa niya: “Back on mommy duties.”
Balik na rin si Michelle sa kanyang trabaho kunsaan pino-promote ng kanyang agency ang tourism industry ng South Africa.
“Nothing beats a game drive to welcome one back to South Africa,” caption pa ni Michelle sa isa pang IG post.
Nagpapasalamat si Michelle sa buong cast ang crew ng ‘Nakarehas Na Puso’ dahil nag-enjoy siya sa kanyang pagbabalik sa pag-arte at looking forward siya na makagawa pa ng iba pang shows sa GMA.
***
PINAKIUSAPAN ng management company ng K-pop supergroup na BTS ang mga fans na huwag na silang pumunta sa pag-enlist ng BTS member na si Jin para sa mandatory military service nito next week.
“Jin will fulfill his required time with the military by enlisting in the army. Please note that we will not be holding any kind of official event on the day of his recruitment,” ayon sa statement ng Big Hit Music na pinost sa fan community app WeVerse.
Papasok na sa bootcamp sa Yeoncheon, Gyeonggi province on December 13 si Jin bilang part ng pag-enlist nito sa South Korean military training.
Dagdag pa ng Big Hit: “The entrance ceremony is a time to be observed by military personnel and their families only. In order to prevent any issues that might occur from crowding, we ask fans to please refrain from visiting the site.”
Si Jin ang una sa seven-member group na BTS na papasok sa mandatory militray service. Nakasaad sa batas na “all able-bodied South Korean men under the age of 30 must perform about two years of military service, mainly because the country remains technically at war with nuclear-armed North Korea.”
Noong nakaraang October, nag-release si Jin ng kanyang single titled “The Astronaut” kunsaan nag-perform siya sa Coldplay’s concert in Argentina.
(RUEL J. MENDOZA)
FOOTAGE and stills are now available from the star-studded World Premiere of 20th Century Studios’ ”Avatar: The Way of Water” held in London’s Leicester Square earlier this evening. Attendees included cast members Sam Worthington, Zoe Saldaña, Sigourney Weaver, Stephen Lang, Kate Winslet, Joel David Moore, Jamie Flatters, Trinity Jo-Li Bliss, Jack Champion, Brendan Cowell, Bailey Bass, director/producer/writer/
The film opens in Philippine cinemas on Wednesday, December 14, best seen in 3D, 4D, and IMAX formats. Tickets are now on sale.
Set more than a decade after the events of the first film, “Avatar: The Way of Water” begins to tell the story of the Sully family (Jake, Neytiri, and their kids), the trouble that follows them, the lengths they go to keep each other safe, the battles they fight to stay alive, and the tragedies they endure.
Directed by James Cameron and produced by Cameron and Jon Landau, the Lightstorm Entertainment Production stars Sam Worthington, Zoe Saldaña, Sigourney Weaver, Stephen Lang and Kate Winslet. Screenplay by James Cameron & Rick Jaffa & Amanda Silver. Story by James Cameron & Rick Jaffa & Amanda Silver & Josh Friedman & Shane Salerno. David Valdes and Richard Baneham serve as the film’s executive producers.
(ROHN ROMULO)