KUMPIYANSA ang Filipino-Chinese businesses na ang nalalapit na state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa China ay makapagpapalakas sa larangan ng kooperasyon kabilang na ang potensiyal na joint exploration ng mga resources sa West Philippine Sea.
Nauna nang sinabi ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) na ang mga opisyal nito ay handang makiisa kay Pangulong Marcos at sa kanyang delegasyon sa panahon ng kanyang state visit na nakatakda sa Enero 3–6, 2023.
“We believe this historic state visit is very important to the growth potentials of our Philippine economy, because China is our most important economic and trade partner, the world’s emerging new economic superpower, and our neighbor,” ang nakasaad sa kalatas ng FFCCCII na binasa ni president Henry Lim Bon Liong sa isang press conference.
“We are hopeful for enhanced Philippines-China economic and development partnerships, especially in areas of agriculture, trade, infrastructure, energy, tourism, and people-to-people exchanges,” dagdag na pahayag nito.
Base sa bagong data na available mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), makikita na ang China ay top importer ng mga kalakal noong Oktubre ($2.22 billion) at pang-apat na top export destination para sa kalakal na gawa sa bansa ($959.59 million).
Kumpiyansa rin ang FFCCCII na ang state visit ng Pangulo ay makapanghihikayat ng mas marami pang Chinese industrial export enterprises para mamuhunan sa Pilipinas, “with Chinese export factories going to Vietnam, Thailand, Cambodia, and Indonesia.”
“Hopefully also, there will be progress in possible joint oil and gas exploration in the seas that shall benefit both the Philippines and China, with hopefully wisdom and political will from our national leaders as they meet in Beijing,” ayon sa FFCCCII.