• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 12th, 2023

Ningning sa 80th Golden Globe Awards, muling naibalik: ANGELA, waging best supporting actress at nakalaban ni DOLLY

Posted on: January 12th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MULING bumalik ang ningning ng Golden Globe Awards sa kanyang 80th year pagkatapos na di ito nagkaroon ng live awards night noong nakaraang taon.

 

 

Hosted by Jerrod Carmichael, ginanap ang ng live ang Golden Globes sa Beverly Hill Hilton in Beverly Hills, California. Muling bumalik sa red carpet ang mga celebrities at present halos lahat ng winners.

 

 

Big winner sa film category ang The Banshees of Inisherin na nakapanalo ng tatlong awards. Sa TV category naman ang comedy series na Abbott Elementary ay nagwagi ng tatlong awards.

 

 

Narito ang mga nagwagi:

 

Best Picture, Drama: The Fabelmans

 

Best Motion Picture, Musical or Comedy: The Banshees of Inisherin

 

Best Director, Motion Picture: Steven Spielberg (The Fabelmans)

 

Best Screenplay: The Banshees of Inisherin

 

Best Motion Picture, Non-English Language: Argentina, 1985

 

Best Performance by an Actress in a Motion Picture, Drama: Cate Blanchett (Tár)

 

Best Performance by an Actor in a Motion Picture, Drama: Austin Butler (Elvis)

 

Best Motion Picture, Animated: (Guillermo del Toro’s Pinocchio)

 

Best Performance by an Actress in a Motion Picture, Musical or Comedy: Michelle Yeoh (Everything Everywhere All at Once)

 

Best Performance by an Actor in a Motion Picture, Musical or Comedy: Colin Farrell (The Banshees of Inisherin)

 

Best Original Song, Motion Picture: “Naatu Naatu,” “RRR”

 

Best Original Score, Motion Picture: Justin Hurwitz (Babylon)

 

Best Performance by an Actress in a Supporting Role in Any Motion Picture: Angela Bassett (Black Panther: Wakanda Forever)

 

Best Performance by an Actor in a Supporting Role in Any Motion Picture: Ke Huy Quan (Everything Everywhere All at Once)

 

Best TV Series, Drama: House of the Dragon

 

Best TV Series, Musical or Comedy: Abbott Elementary

 

Best Performance by an Actor in a TV Series, Drama: Kevin Costner (Yellowstone)

 

Best Limited Series, Anthology Series or a Motion Picture Made for TV: The White Lotus

 

Best Performance by an Actor in a Limited Series, Anthology Series or a TV Movie: Evan Peters (Monster: The Jeffrey Dahmer Story)

 

Best Performance by an Actress in a Limited Series, Anthology Series or a TV Movie: Amanda Seyfried (The Dropout)

 

Best Performance by an Actress in a Supporting Role in a TV Limited Series, Anthology Series or TV Movie: Jennifer Coolidge (The White Lotus)

 

Best Performance by an Actor in a Supporting Role in a TV Limited Series, Anthology Series or TV Movie: Paul Walter Hauser (Black Bird)

 

Best Performance by an Actress in a Supporting Role in a TV Musical, Comedy or Drama Series: Julia Garner (Ozark)

 

Best Performance by an Actress in a TV Series, Drama: Zendaya (Euphoria)

 

Best Performance by an Actress in a TV Series, Musical or Comedy: Quinta Brunson (Abbott Elementary)

 

Best Performance by an Actor in a TV Series, Musical or Comedy: Jeremy Allen White (The Bear)

 

Best Performance by an Actor in a Supporting Role in a TV Musical, Comedy or Drama Series: Tyler James Williams (Abbott Elementary)

 

Cecil B. DeMille Award: Eddie Murphy

(RUEL J. MENDOZA)

Pag-angkat ng sibuyas, aprub na – DA

Posted on: January 12th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TULOY na ang pag-aangkat ng Pilipinas ng sibuyas.

 

 

Ito ang sinabi ni Agriculture spokesman Rex Estoperez makaraang aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang importasyon ng 21,060 metrikong tonelada ng sibuyas.

 

 

Sinabi ni Estoperez na nilagdaan na ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban ang importasyon ng fresh yellow and red onion.

 

 

Nasa 3,960 metrikong tonelada ng fresh yellow onion at 17,100 metrikong tonelada ng fresh red  ­onion ang aangkatin.

 

 

Ayon kay Estoperez, kinakailangang siguraduhin ng mga ­importers na makararating sa bansa ang mga aangkating sibuyas ng hanggang ­Enero 27.

 

 

Hindi aniya dapat na lumagpas sa Enero 27 ang mga imported na sibuyas dahil kinakailangan na masigurong mabibigyang proteksyon ang mga lokal na magsasaka ng sibuyas.

 

 

Sa kalagitnaan ng Pebrero hanggang sa buwan ng Mayo inaasahang papalo ang peak ng pag-aani ng sibuyas ng mga magsasaka sa bansa.

 

 

Umaasa si Estoperez na kapag naging sapat na ang suplay ng sibuyas sa bansa, babalik sa P150 hanggang P200 ang kilo ng sibuyas gaya nang naitala noong Setyembre. (Daris Jose)

Premium rate ng PhilHealth sa 2023, mananatili sa 4%

Posted on: January 12th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na mananatili pa rin sa 4% ang kanilang premium rate na may income ­ceiling na P80,000 para sa CY 2023.

 

 

Ito ay bilang pagtalima na rin sa direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na suspindihin ang nakatakda sanang premium rate increase na mula 4.0% ay gagawin sanang 4.5%, gayundin ang pagtataas ng income ceiling ng mula P80,000 hanggang P90,000.

 

 

Sinabi ni Acting PCEO Emmanuel Ledesma, Jr., nakatakdang magpalabas ang PhilHealth ng hiwalay na advisory hinggil rito, kung saan isasaad ang mga gabay na mag-iimplementa ng naturang direktiba, partikular na para sa mga direct contributors.

 

 

Tiniyak ni Ledesma na tuloy pa rin ang rollout ng bagong benefit packages, na dapat sana ay kukuhanin mula sa premium increase, tulad ng nakaplano.

 

 

Kabilang aniya dito ang Outpatient Therapeutic Care para sa Severe Acute Malnutrition, Outpatient Package para sa Mental Health, Comprehensive Outpatient Benefit, at iba pa.

 

 

Inatasan na aniya ang pamunuan upang magpatupad ng mga kinakailangang istratehiya upang matiyak ang implementasyon ng mga naturang benepisyo.

 

 

 

Siniguro rin naman ng PhilHealth sa publiko na ang mga kasalukuyang benepisyo na ini-enjoy ng kanilang mga miyembro ay hindi maaapektuhan ng nasabing suspensiyon. (Daris Jose)

General at colonels na nakapagsumite na ng courtesy resignation, sasailalim sa lifestyle check

Posted on: January 12th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ng Philippine National Police na sasailalim sa lifestyle check ang mga general at colonel ng pulisya na nagsumite na ng kanilang courtesy resignation.

 

 

Ayon kay Philippine National Police Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., ang lifestyle check ay bahagi ng pagsisikap ng five-man committee na magsusuri sa courtesy resignations at magrerekomenda kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

Sa pinakahuling bilang, mahigit 500 na matataas na opisyal ng pulisya ang nagsumite na ng kanilang courtesy resignation, ngunit hindi malinaw kung kabilang dito ang 10 na iniulat na sangkot sa illegal drug trade.

 

 

Samantala, ayon sa Volunteers Against Crime and Corruption, mas mabuting kasuhan na lang ang mga opisyal na sangkot sa illegal drug trade, dahil maaaring mauwi sa demoralisasyon sa Philippine National Police ang paghingi ng courtesy resignation ng lahat ng matataas na opisyal.

 

 

Kaugnay niyan, wala pa umanong komento ang Philippine National Police at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pahayag ng Volunteers Against Crime and Corruption.

 

 

Una rito, si Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang umapela sa mga generals at full colonels na isumite ang kanilang courtesy resignation bilang bahagi ng pagsisikap na alisin sa puwersa ng pulisya ang mga nasasangkot sa illegal drug trade. (Daris Jose)

PBBM, ipinag-utos sa DOJ na ipagpatuloy ang pagpapalaya sa mga bilanggo na kuwalipikado sa parole

Posted on: January 12th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa  Department of Justice (DOJ) na ipagpatuloy lamang ang pagpapalaya ng mga bilanggo o  persons deprived of liberty (PDLs), na kuwalipikado sa  parole.

 

 

Ayon sa  Presidential Communications Office (PCO), ang nasabing kautusan ay ginawa ng Pangulo sa Cabinet meeting sa Malakanyang, araw ng Martes.

 

 

Sa nasabing miting, binigyang halimbawa ng Pangulo ang kanyang naging karanasan bilang gobernador ng Ilocos Norte, karamihan aniya sa  PDLs ay nanghihina na sa kulungan dahil hindi nila kanyang kumuha ng serbisyo ng  magaling na abogado.

 

 

“Wala naman silang magaling na abugado. So that’s why we are in favor now to release many of them,” ayon kay Pangulong Marcos sabay sabing “They just needed representation to set them free. So let’s continue with that.”

 

 

Sa kabilang dako, suportado naman ni Pangulong Marcos ang plano ng DoJ na ilipat ang mga tigasing kriminal sa  isang Alcatraz-type prison, kung saan ay ia-isolate ang mga ito sa general jail population at upang matigil na ang kanilang criminal activities, lalo na iyong nagagawa pa ring magkaroon ng  direct operations kahit pa nakakulong.

 

 

Tinuran pa ng Pangulo na ang malaganap na korapsyon sa loob ng  Bureau of Corrections (BuCor) ang binigyang diin niya kung bakit may pangangailangan na ilipat ang mga nasabing bilanggo sa  special facilities.

 

 

“Iyan ‘yung mga ganoon we have to do that para hindi na maka-contact. Alam mo, we have to isolate them properly,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)

CBCP-ECCCE, nakiisa sa prayer intention ng Santo Papa Francisco na educational emergency

Posted on: January 12th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAKIKIISA  ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education (CBCP-ECCCE) sa prayer intention ng kaniyang Kabanalang Francisco para sa unang buwan ng taon.

 

 

Ayon kay La Union Bishop Daniel Presto – Vice-chairman ng CBCP-ECCCE, mahalagang maisulong ang pagkakapatiran katulad ng panalangin ng Santo Papa upang mamamayani ang kapayapaan sa paaralan at higit na matuto ang mga mag-aaral.

 

 

“Mga minamahal na kapatid sa prayer intention ng Santo Papa na entrusted sa worldwide prayer network para ngayong buwan ng Enero 2023.Ito’y bahagi ng tinatawag na global compact on education na ini-launch ng ating Santo Papa, ano nga ba yung global compact on education? ito ay isang movement to counter the widespread educational emergency, bakit nga ba may educational emergency? dahil siguro sa mga pagkakaniya-kaniya o marahil mga ilang mga kabataan o kababaihan hindi makadalo ng klase o eskwela,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Presto.

 

 

Tinukoy din ni Bishop Presto na mahalagang mabigyan ng sapat na atensyon ang usapin ng kapayapaan sa mga bansang nakakaranas ng karahasan hindi lamang sa seguridad kungdi pati ang diskriminasyon sa mga paaralan.

 

 

Ayon sa Obispo, kahanay din ang Monthly Prayer Intention ang pagpapatuloy sa adbokasiya ng Global Compact on Education na isulong sa pagtuturo sa mga estudyante ng kahalagahan sa pagkakaiisa at pakikipagkapwa-tao.

 

 

“Gayundin naman is to safeguard and protect our common home from exploitation of the resources. Itong panawagan ng Santo Papa ay upang magkaisa ang sambayanan at ang sangkatauhan na matuto ang mga bata’t kabataan sa eskwela hinggil sa kahalagahan ng fraternity lalo na yung attitude of inclusion sa halip na exploitation, yung attitude na pagtulong sa mga nangangailangan sa halip na pagwawalang bahala, sa pagbibigay kahalagahan sa mga bata’t kabataan sapagkat pag-asa sila ng bayan,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Presto.

 

 

Batay sa datos ng United Nations International Children’s Emergency Fund, aabot sa 150-milyong kabataang mag-aaral taon-taon ang nakakaranas ng karahasan o pagmamalabis sa kamay ng kapwa nila estudyante.

Grab, kinastigo ng LTFRB sa hearing sa surge fee

Posted on: January 12th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KINASTIGO ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board ( LTFRB) ang My Taxi Philippines/ Grab dahil sa walang dalang kaukulang dokumento na nagpapatunay sa alegasyon  na sila  ay nagka-COVID kaya hindi nakarating sa nagdaang public hearing noong Disyembre.

 

 

Ang public hearing ay isinasagawa patungkol sa reklamong surge fee na sinisingil ng Grab sa kanilang mga commu­ters .

 

 

Hinanap din ng LTFRB board sa pangu­nguna ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz sa mga opisyal ng  Grab ang dokumento na nagpapaliwanag kung magkano at paano ang ginagawang pagsingil ng  surge fee sa kanilang mga commuters.

 

 

Sa hearing, sinabi ni Atty Ariel Inton, founding President ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na dapat ay nagbitbit na ang Grab ng mga kailangang dokumento hinggil sa alegasyong naniningil ito ng surge fee sa mga pasahero na hindi aprubado ng LTFRB.

 

 

Sinabi ni Chairman Guadiz na dapat maipaliwanag ng maayos ng Grab ang isyu sa surge  fee dahil marami ang nagrereklamo hinggil dito.

 

 

“Ipaliwanag nyo ng maayos ang surge fee na sinasabing nagkaroon ng overpricing” sabi ni Guadiz sa Grab.

 

 

Ayon kay Inton, kinumpirma ng Grab na sila ay nasingil ng P85 surge fee  pero dapat anya ay P45 pesos lamang ito.

 

 

Muling itinakda ng LTFRB board ang hea­ring bukas, araw ng Huwebes (January 12) upang makapaglabas na sila ng desisyon para dito.

 

 

Ayon sa Grab, isusumite nila ang lahat ng kailangan ng LTFRB tungkol dito. (Daris Jose)

Foreign trips ni PBBM, nagbukas ng bagong job opportunities abroad para sa mga Filipino -Department of Migrant Workers

Posted on: January 12th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAITUTURING na maganda ang naging Bunga ng mga naging byahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ibang bansa.

 

 

Isa na rito ang mabuksan ang  maraming job opportunities sa abroad para sa mga Filipino.

 

 

Sa press briefing, tinuran ni DMW secretary Susan Ople na isa na rito ang nabuksang pangangailangan ng Singapore ng maraming Pinoy health workers at isinasapinal na lamang aniya ang implementasyon ng protocol ukol dito.

 

 

Maliban dito  ay nagbukas din ng oportunidad para sa mga gustong magtrabahong Pinoy sa Saudi Arabia na ayon kay Ople ay nangangailangan naman ng anim na libong mga Filipino workers.

 

 

Magugunitang nagkasuap sina Pangulong Marcos at Saudi  Crown Prince Muhammad bin Nayef sa Bangkok, Thailand ng dumalo ang dalawa sa Asia-Pacific Economic Cooperation -Economic Leaders’ Meeting.

 

 

Sinabi pa ni Ople na may inisyal na  pakikipag-usap na sila sa Portugal na nangangailangan din ng trabahador at kaugnay nitoy sinabi ni Ople na tutulak sila sa nasabing bansa sa 1st quarter ng taong ito.

 

 

Winika pa ni Ople na lalagda din sa pagtungo ni Pangulong Marcos sa Japan ang pamahalaang Pilipinas para sa panibagong bilateral labor agreement.

 

 

Samantala, tinuran ng DMW na ang demand ng iba’t ibang mga bansa para makuha ang serbisyo ng mga Pinoy workers ay bunga na rin ng magandang reputasyon ng mga ito bilang mga mahuhusay at masisipag na manggagawa. (Daris Jose)

Kinabog ang mga celebrity pets: Fur baby ni TAYLOR SWIFT, nasa $97 million na ang net worth

Posted on: January 12th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KABOG ang ibang pets ng celebrities sa pusa ni Taylor Swift na si Olivia Benson. Ito kasi ang ikatlong pinakamayamang hayop sa buong mundo ayon sa report ng All About Cats.

 

Umaabot sa $97 million, o mahigit PhP 5.4 billion, ang net worth ng fur baby ni Taylor dahil sa social media. Ayon pa sa website, naging bahagi rin ng iba’t ibang proyekto si Olivia.

 

“With a whopping $97 million net worth, Olivia has found success outside of the world of Instagram influencing. The Scottish Fold earned her fortune starring alongside her owner in several music videos, has crafted her own merchandise line, and has had cameos in many big-budget ads, including for the likes of Diet Coke and Ned Sneakers,” ulat pa ng  All About Cats sa kanilang The Ultimate Pet Rich List: the Richest Pets in the World.

 

Napanood nga si Olivia sa ilang hit music videos ni Taylor tulad ng “Blank Space” at “ME!” Bukod kay Olivia, mayroon pang dalawang alagang pusa si Taylor na sina Meredith Grey at Benjamin Button na meron ding mga yaman na pinagmamalaki.

 

Ang number one na richest pet sa buong mundo ay ang German Shepherd na si Gunther VI, na pagmamay-ari ng the Gunther Corporation.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Tinalbugan ang lahat at solo na naman: KIM, nagpadala ng food truck sa iniidolong si Cha Eun Woo

Posted on: January 12th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
TINALBUGAN ni Kim Domingo ang lahat. 
Nag-solo lang naman ito. Nagpadala ng food/coffee truck si Kim sa filming set ng bagong K-drama ng iniidolong Korean actor/Astro member na si Cha Eun Woo.
Ipinadala ni Kim ang food truck sa set ng “A Good Day to be a Dog” kaya ang banner sa food truck niya ay mababasa na, “Thank you for always inspiring us. Cheering on you, Teacher Seo Won! Chaiting!! – from Philippines, Kim Domingo.”
Bilang pasasalamat, nag-post naman sa official Twitter account ng Astro si Cha Eun Woo. Sey nito, “I ate delicious. Thank you so much. Seowon teacher, chaiting!!!“
Sure kami na ang saya ng fangirl heart ni Kim sa ginawang gesture na ito ni Cha Eun Woo na ipinost din ang picture niya sa harap ng food truck.
Nag-trending agad-agad si Kim sa Twitter pagka-post sa Twitter account ng Astro.
Karamihan sa mga comments, “Really Love , How Kim Domingo shows her support to Eunwoo. She sent Food Truck with a beautiful msg, also organised a Decibel screening in Philippines and attended Jotm too . Such a loyal and supportive fan .”
“Thank you Ms. Kim for this food truck support😊Filo-Rohas loves you so much Dongminie enjoy and eat well.”
“May nanalo na! Masyadong ginalingan #KimDomingo!”
***
HANGGANG ngayon ay nananatiling tikom pa rin ang bibig ni Elisse Joson sa break-up nila ng longtime partner at ama ng anak na si Mccoy de Leon.
Pero sa kanyang Instagram stories, nagpapakita itong talaga ng positivity bukod pa sa parang mas lalo itong nagbu-bloom at fresh-freshan lang ang beauty.
Although may konek sa endorserment ang kanyang Instagram stories tungkol sa umano’y goal niya sa 2023, pwedeng-pwede talagang sabihin na for positivity na lang siya at more on sarili naman niya ang mas pagtutuunan niya ng pansin, bukod siyempre sa kanyang anak na si Baby Felize.
Sabi ni Elisse, ang goal daw niya ngayong 2023 ay mas maging health conscious by consistent eating healthy food, focusing on work and manifesting more blessings and cherishing each moment with her daughter.
Mukhang wala muna nga sa focus ni Elisse ang lovelife or relationship.  At siguro, pinagpa-planuhan kung kailan nga siya finally magsasalita.

 

(ROSE GARCIA)