HINDI napigilan ang SPARKADA na si Vince Maristela na ipakita ang six-pack abs niya sa mediacon ng bagong GMA primetime series na ‘Luv Is: Caught In His Arms.’
Si Vince nga ang tinatawag na hunk ng SPARKADA dahil sa alagang-alaga ang katawan nito sa workout at diet.
Binuking nga ng ka-partner niya sa Luv Is na si Cheska Fausto na baon ni Vince sa lock-in taping nila sa Baguio City ang mga gym equipments nito.
Dagdag pa ni Cheska: “At si Vince, may sariling baon yan na pagkain, chicken breast. Di sya kumakain ng iba kundi yung lang. Kaya hanga ako sa pagiging maalaga niya sa katawan niya at naiimpluwensyahan niya kaming lahat to eat healthy.”
Kuwento ni Vince na 18 years old pa lang daw siya noong magsimula siyang maging health conscious at mag-workout. Kaya at age 22, batak na batak ang katawan niya as seen sa mga pino-post niya sa Instagram.
In the future daw ay okey sa kanyang tumanggap ng sexy roles.
“Pinapakita ko naman yung katawan ko sa IG, siguro okey lang sa ibang projects basta approved ng Sparkle at ni Mr. M (Johnny Manahan),” sey pa ni Vince.
***
KAHIT na hindi napanalunan ng Filipina international actress na si Dolly de Leon ang best supporting actress award sa nakaraang 80th Golden Globe Awards, nagawa naman niyang makarampa sa red carpet ng naturang event kasabay ang mga A-list Hollywood stars.
Ang local designer na si Norman de Vera ang napili ni Dolly para damitan siya for the awards nights. Nirampa ni Dolly ang black corset gown with matching opera gloves.
Inupuan daw ng aktres at ng kanyang stylist na si LJ Perez ang kanyang isusuot para sa red carpet. Kilala ang New York-based na si Perez sa pag-assist nito sa pag-create ng red carpet looks ng mga celebrities na sina Doja Cat, Lizzo, Shawn Mendez, and Barbie Ferreira.
Pinili ni Dolly ang fellow Pinoy and designer na si Norman de Vera na gumawa ng kanyang red carpet gown. Si De Vera ay kasalukuyang designer and image director ng AZ Factory by Alber Elbaz.
Dinamitan na niya ang mga international celebrities tulad nila Heidi Klum and Jennifer Lopez. Nagtrabaho rin siya sa fashion houses ng Céline, Lanvin, Nicolas Ghesquière’s Louis Vuitton, Calvin Klein, and Versace.
Super proud si De Vera na nakatrabaho niya si Dolly: “For me, she represents all the dreams, hard work, and dedication of every artist… This is a global Filipino moment. Our stories belong to the world stage.
“We are now being seen for what we have always been able to do! I always say there is space at the table. Kain na tayo!”
(RUEL J. MENDOZA)