• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 7th, 2023

Tinodo na ang pagsabog ng mga hinaing: POKWANG, mukhang umasang babalikan ni LEE at bubuuin pa rin ang pamilya

Posted on: February 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINDI pala kami nagkamali ng aming opinyon sa nangyayari ngayon kay Pokwang. 

 

 

Kung bakit ngayon siya parang bulkang biglang sumabog.  As in, ‘yung pananahimik niya ng matagal noon sa paghihiwalay nila ni Lee O’ Brian, tinodo naman ni Pokwang ang pagsabog ng mga hinaing niya.

 

 

Sana nga ay totoo sa sinabi niyang parang huli na ang pagte-tell all niya sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’ at saka siya nag-post na, “It’s time to fly high and be happy again with my true love.”

 

 

Na-feel talaga namin na na-hopia si Pokwang na kahit na siya naman ang nagpaalis kay Lee sa bahay niya, deep inside, umaasa siyang babalik ito at bubuuin pa rin ang pamilya nila. Kaso, hindi ganito ang nangyari. 

 

 

Inamin din ni Pokwang na siya ang gumagastos sa loob ng ilang taon. Plus, ang business niya na mga condiments, bottled sardines na “PokLee” pa ang pangalan noon at si Lee ang nag-aasikaso, mukhang walang naibigay sa kanyang income.

 

 

Pero dahil mahal niya, inamin din niya na gusto niyang mabuo pa rin sila. Knows din namin na gusto talaga ni Pokwang na makasal sana sila, kaso si Lee ang mukhang walang ganitong itensiyon. Kahit na sey niya rin, feeling niya ay hindi naman siya minahal, nagkaroon lang sila ng anak, si Malia.

 

 

Naku, siguro naiisip ni Pokwang na bakit parang ang malas niya sa pag-ibig. Pero sana, tingnan na lang din ni Pokwang na ang dami pa rin niyang blessing, lalo na ang dalawa niyang anak.

 

 

Nailabas naman na niya ang mga hinanakit, time to focus na on herself and her two kids. At siyempre, i-enjoy pa rin ang buhay at mga blessing na meron siya.

 

 

Mukhang nakakaragdag pa sa kanya ang mga pamba-bash na natatanggap sa ilang bashers at haters niya. Mas makabubuti rin siguro na dedmahin muna niya ang mga ito.

 

 

***

 

 

MATAGAL nang nababalitang hiwalay na sina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco.

 

 

Lumipat na nga ng ibang bahay si Jennica bitbit ang dalawang anak nila. ‘Yun lang, medyo na-confuse ang iba nang mag-post sila na parang nagkabalikan, bukod pa ang mga Instagram post ni Alwyn na tila inaayos na nitong muli na magkabalikan sila.

 

 

From our source, talaga naman daw na nag-attempt si Alwyn na maayos pa sila, pero si Jennica, hindi na raw talaga nito makapa sa puso na kaya pa niya dahil ‘yung tiwala na talaga ang nawala.

 

 

Ina-avoid ni Jennica na pag-usapan ang status ng marriage niya tuwing mag interview, pero finally, sa interview sa kanya ni Jha Ho, nagsalita na ito at sinabing single na siyang talaga.

 

 

Sabi pa niya, “Hindi naman sa kung ano, wala rin naman kasi akong ibang masasagot talaga. Regarding sa past relationship ko, marriage ko in the past, ‘yun lang din talaga.

 

 

“I don’t think din talaga na darating ang araw na magiging bukas ako sa isang open interview para pag-usapan kung bakit ito natapos, kung ano ang nangyari. 

 

 

“Out of my respect na rin kay Alwyn (Uytingco) and his family, more importantly siyempre, ‘yung parents niya, ‘no.  Ayoko kasing dumating sa punto na hindi ako makakatingin kay Mama Liza, ‘yung mommy ni Alwyn.  

 

 

“Ayokong dumating ‘yung araw na hindi ako makakatingin sa mata niya dahil may nasabi akong hindi maganda patungkol sa anak niya.

 

 

 

“Kasi, natapos man ‘yung marriage namin, hindi naman sila kasama ro’n. Kumbaga, in my mind, they will always be family.  It’s just that, hindi na kami mag-asawa ni Alwyn.”

 

 

 

At tahasan din sinabi ni Jennica na ngayon lang daw talaga siya nagsalita dahil kumportable siya kay Jhai Ho. Pero, talagang kinakabahan daw siya kapag tinatanong sa kanya si Alwyn at hindi niya binabanggit.

 

 

 

Pero sey niya rin, “ ‘Yun na po talaga ‘yon. Wala na po talaga ‘kong ibang maisasagot kung hindi, hindi na po talaga kami mag-asawa.  Feeling ko, marami ang nagugulat, pero matagal na po. Magda-dalawang taon na po.  Hindi siya bago.

 

 

 

“Nagkataon lang po na hindi ako nagsasalita about it, pero gusto ko na rin po kasi na moving forward, ‘wag na lang siyang pag-usapan pa. Hindi na rin naman iisa ang buhay naming dalawa ngayon kasi, we’re not romantically linked with each other.”

 

 

 

Sa isang banda, nai-share rin ni Jennica ang sinabi sa kanya ng ina na si Jean Garcia. Halos magka-edad daw sila nang dumating dito ang biggest break niya noong akala niya, halos wala ng nangyayari sa career niya, pero bigla siyang pinagtawag ng ABS-CBN para sa “Pangako Sa ‘Yo” and since then nga, nagtuloy-tuloy na.

 

 

 

At ngayon, isa si Jennica sa napapansin sa bagong serye ng Kapamilya network, ang “Dirty Linen.”  

 

 

So we’ll see kung mapapangalawahan nga ba ni Jennica ang nangyari sa nanay niya.

 

(ROSE GARCIA)

CHANNING TATUM BURNS UP THE STAGE IN “MAGIC MIKE’S LAST DANCE”

Posted on: February 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

CHANNING Tatum reprises his iconic role as stripper Mike Lane in Warner Bros. Pictures’ new musical comedy “Magic Mike’s Last Dance.”  

 

 

[Watch the film’s trailer at https://youtu.be/MRVXQeGjCMs]

 

 

In the film, “Magic” Mike Lane (Tatum) takes to the stage again after a lengthy hiatus, following a business deal that went bust, leaving him broke and taking bartender gigs in Florida.  For what he hopes will be one last hurrah, Mike heads to London with Maxandra Mendoza, a wealthy socialite (Salma Hayek Pinault) who lures him with an offer he can’t refuse…and an agenda all her own.  With everything on the line, once Mike discovers what she truly has in mind, will he—and the roster of hot new dancers he’ll have to whip into shape—be able to pull it off?

 

 

Tatum explains, “Mike and Maxandra meet at a very interesting moment in their lives.  Mike had taken his furniture company as far as it could go and it folded; Max had been in a marriage for a number of years and it’s fallen apart.  They are both at this crossroads, thinking, ‘Who do I want to be now?  What do I do now?’  That’s where we meet them, and where they meet each other.”

 

 

For Tatum, stepping back into Mike’s shoes meant putting himself through a rigorous training routine, as well as workshopping and creating his dance numbers from scratch with the choreography team.

 

 

“At 42, it’s a whole different thing than when I was actually dancing at 19,” Tatum laughs.  “It’s a full-time job, one-hundred percent.  And the dancers, for me, were the reason to do the movie.  They’re killers, each and every single one of them can do something that no one else on the planet can do as well; they’re one of a kind.  And because of the Magic Mike Live shows around the world there are so many of them, so it was really hard to pick which dancers we wanted for the movie.”

 

 

One of the seminal performance scenes in the movie was inspired by, as Tatum describes it, “a very, very arresting dance that really takes your breath away.”  The number involves a massive amount of water.  “Working out a dance with water is very chancy, because you don’t know how slippery it will be at any moment, so we had to learn this over months of practice and really give our utter bodies and souls to it.”

 

 

Long before leaving for filming in London, Tatum got back into a routine of working out and rehearsing for hours each day, which continued throughout filming once he reached London.

 

 

A Warner Bros. Pictures Presentation, “Magic Mike’s Last Dance” slides into theaters across the Philippines beginning February 8.

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #MagicMikesLastDance

 (ROHN ROMULO)

GSIS non-life insurance premiums, pumalo sa record-breaking na P6.8 B noong 2022

Posted on: February 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INIULAT ng  Government Service Insurance System (GSIS) ang  record-breaking P6.8 billion  na gross premiums written (GPW) sa kanilang non-life insurance business para sa taong 2022.

 

 

Ito ang pinakamataas na naitala ng GSIS sa kanilang kasaysayan.

 

 

Ang 2022 GPW ng GSIS ay tumaas ng 15% mula sa P5.9 bilyong piso noong nakaraang taon.

 

 

Nakapagtala rin ito ng  33% o P1 billion increase sa  net premium written  sa kaparehong taon, mula  P3 bilyong piso noong 2021 na naging P4 bilyon noong 2022.

 

 

Mayroong net worth na P41 bilyon noong  2022, sa ngayon, ang GSIS ang “biggest non-life insurer” sa bansa.

 

 

“I commend the men and women of GSIS who made this achievement possible.  During my oath taking as head of GSIS in July 2022, one of the marching orders  that President Marcos gave me was to provide insurance cover to all government properties. And we have been making headways in complying with the president’s directive,”  ayon kay GSIS President and General Manager Wick Veloso.

 

 

Bilang pagtugon sa kautusan ng Pangulo, kaagad na sinimulan ni Veloso at ng kanyang  general insurance teams ang nationwide aggressive campaign at ginawang triple ang pagsisikap ng GSIS  sa marketing ng non-life insurance products nito.

 

 

Sa katunayan, naglibot na si Veloso sa iba’t ibang lugar sa bansa at nakipagpulong  sa maraming local government officials  upang kumbinsihin ang mga ito na i-insure  ang anilang mga  properties sa GSIS.

 

 

Kasabay nito,  muli namang pinagsama-sama ni Veloso ang kanyang insurance teams at hinikayat ang mga ito na lumabas at i-merkado ang non-life insurance products.

 

 

Pinarangalan naman ni Veloso ang mga top performers na nakabuo ng bagong insurance businesses tuwing weekly flag-raising ceremony.

 

 

Pinaigting naman ng GSIS ang pagsasagawa ng online at face-to-face insurance marketing caravans sa buong bansa, mayroong  2,500 property officers ang nakiisa.  Kasama rito ang regular training at capacity-building workshops ng property officers mula sa ibang government agencies upang tiyakin na ang lahat ng government assets ay “adequately and comprehensively covered.”

 

 

“As a result of these initiatives, GSIS generated the bulk of big ticket accounts (with premium of above five  million)  in the second half of 2022. These included Philippine Statistics Authority, Philippine Reclamation Authority/CAVITEX Infrastructure Corp, Hann Philippines, Inc., Eastern Visayas Regional Medical Center-Tacloban, Vicente Sotto Memorial Medical Center-Cebu, Quirino Memorial Medical Center, Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services, Philippine Coast Guard Marine Hull Fleet, PPA – Global Port, and additional assets of the Quezon City  government,” ni Veloso.

 

 

Sa ilalim ng  RA 656 (Property Insurance Law), “GSIS is mandated to insure all properties, assets, and interests of the government against any insurable risk.”

 

 

Nag-aalok naman ang GSIS ng insurance coverage gaya ng “fire, engineering, marine hull, marine cargo, aviation, bonds, motor car, personal accident, contractor’s all risks, at  comprehensive general liability insurance.”

 

 

Para sa iba pang katanungan ukol sa non-life insurance programs  ng GSIS, ang mga miyembro, ang  interested parties ay maaaring bumisita sa  GSIS website (www.gsis.gov.ph) o GSIS Facebook page (@gsis.ph), email gsiscares@gsis.gov.ph, o tumawag sa  GSIS Contact Center sa 8847-4747 (kung sa Kalakhang Maynila ), 1-800-8-847-4747 (para sa Globe at TM subscribers), o 1-800-10-847-4747 (para sa Smart, Sun, at Talk ‘N’ Text subscribers). (Daris Jose)

Single ticketing system aprubado na

Posted on: February 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

APRUBADO  na ng Metro Manila Council (MMC) ang pagpapatupad ng single ticketing system sa Metro Manila.

 

 

 

Nagbigay ng pagsangayon ang labing-pitong (17) Metro Manila mayors sa Resolution No. 23-02 ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung saannakapaloob ang Metro Manila Traffic Code of 2023.

 

 

 

Ayon kay MMC chairman at San Juan City Mayor Francis Zamora ang mga lokal ng pamahalaan ng kalakhang Manila ay binibigyan hanggang March 15 na magpasa ng kanila kanilang ordinances tungkol sa pagpapatupad ng nasabing order. Nais naman nilang sa April nasimulan ang pagpapatupad ng single ticketing system. Ang nasabing Metro Manila Traffic Code ay malaking tulong sa mga motorista.

 

 

 

“The erring motorists are no longer needed to go to the city hall to redeem their license. They can pay the fine wherever they are in the Philippines. It will also be a good help for our countrymen, especially with the standardization of our fines. They will not be confused with the fines anymore because the rates will be the same across the cities,” wikani Zamora.

 

 

Ayon naman kay MMDA chairman Romando Artes na ang Metro Manila Traffic Code ng 2023 ay magbibigay ng isang sistema para sa interconnectivity ng mga government instrumentalities nakasama sa transport at traffic management sa kalakhang Manila dahil sa pagkakaroon ng isang harmonized fines at penalties.

 

 

 

Ang nasabing resolusyon ay ipadadala sa Land Transportation Office (LTO) at mga local city councils para kanilang gayahin.

 

 

 

“This is a historic moment for all of us because after more than 20 years, Metro Manila is finally adopting the single ticketing system that will highly benefit our motorists. The single ticketing system would help avoid confusion among our driving public, as well as the option to pay electronically for their violations. Driver’s license will also not be confiscated during apprehension,” saad ni Artes.

 

 

 

Nasa ilalim ng Metro Manila Traffic Code ang disregarding traffic signs, illegal parking, number coding, truck ban, light truck ban, reckless driving, unregistered motor vehicle, driving without license, tricycle ban, obstruction, dress code for motorcycle, overloading, defective motorcycle accessories, unauthorized modification, arrogance/discourteous conduct of the driver, illegal counterflow at speeding na siyang pinaka-common na traffic violation.

 

 

 

Ang mga special laws tulad ng Seat Belts Use Act of 1999, Child Safety in Motor Vehicles Act, Mandatory Use of Motorcycle Helmet Act, Children’s Safety on Motorcycle Act, Anti-Distracted Driving Act at Anti-Drunk and Drugged Driving Act ay kasamana rin sa Metro Manila Traffic Code.

 

 

 

Dagdag ni Artes na ang MMDA ay bibili ng mga equipment at hardware ganoon din ang IT requirements na kailangan para sa seamless at simultaneous rollout para sa integration ng LTO’s Land Transportation Management System.  LASACMAR

Isang daang libong sasakyan , maaaring mabigyan ng prangkisa ayon sa LTFRB

Posted on: February 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PLANO ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory board na dagdagan pa ang mga Transport Network Vehicles Services na mabibigyan ng prangkisa.

 

 

Sa ilalim ng planong ito ay papayagan ng LTFRB na makakuha ng prangkisa ang 100,000 na sasakyan upang matugunan ang pangangailangan ng libo-libong pasahero sa Metro Manila.

 

 

Ayon kay LTFRB chairman Atty. Teofilo Guadiz III, mabibigyan lamang muna ng prangkisa ang 100k na sasakyan na una ng nagparehistro sa isang kilalang ride-hailing app.

 

 

Aniya, kung sakali man na hindi sapat ang naturang bilang ay dadagdagan ito ng ahensya upang mapunan ang pangangailangan ng mga pasahero.

 

 

Ito ay kasunod na rin ng “investment pledge” mula sa isang kilalang kumpanya na maaaring makapagbigay ng aabot sa 500k na trabaho para sa mga Pilipino.

 

 

Binigyang diin din ni Guadiz na susubukan rin ng kanilang ahensya na mabigyan ng prangkisa ang iba pang motor vehicle sa ibang parte ng bansa tulad na lamang ng lungsod na Bacolod, Iloilo, Cebu, at Davao.

 

 

Pagsisiguro ng LTFRB na hindi susobra ang bilang ng mga rehistradong Transport Network Vehicles Services o TNVS sa bansa at tiniyak na hindi liliit ang kita ng mga TNVS drivers. (Daris Jose)

Speaker Romualdez, binalaan ang mga nagmamanipula sa presyo ng sibuyas at bawang sa merkado

Posted on: February 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

“YOUR  days are numbered.”

 

 

Ito ang babala ni House Speaker Martin Romualdez sa mga nagmamanipula ng presyo ng sibuyas at bawang para tumaas ang bentahan sa merkado na kagagawan ng mga unscrupulous traders and hoarders.

 

 

Sinabi ni Speaker na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa mga nasabing indibidwal na nasa likod ng pag-iimbak ng sibuyas at ngayon ay ang bawang para lumikha ng artipisyal na kakulangan ng suplay ng sa gayon tataas ang presyo.

 

 

Napansin din ni Speaker na sa kabila ng nagpapatuloy na harvest season at ang pagdating ng mga imported na sibuyas sa bansa ay nananatili ang mataas na presyo.

 

 

Inatasan ni Speaker Romualdez ang House Committee on Agriculture and Food na magsagawa ng imbestigasyon at kung may sapat na ebidensiya, mag rekumenda na magsampa ng kaukulang kasong kriminal laban sa mga indibidwal na nasa likod ng pag-iimbak ng mga suplay.

 

 

“This is economic sabotage,” pahayag ni Speaker Romualdez.

 

 

Ayon kay Speaker Romualdez, pag-aaralan ng House panel ang opsyon na irekomenda sa Pangulo ang calibrated importation ng sibuyas at bawang bilang isang paraan para pilitin ang mga walang prinsipyong indibidwal na ito na mag-diskarga ng kanilang mga stock at ibaba ang mga presyo upang maibsan ang pasanin sa mga mamimili.”

 

 

Gayunpaman, ipinunto ni Speaker Romualdez na ang naturang importasyon ay hindi dapat makapinsala sa kapakanan ng mga lokal na magsasaka.

 

 

“It is very important to ensure that any importation should consist of such quantity and be done well ahead of the harvest season to avoid any adverse effect on the livelihood of our local farmers,” pagbibigay-diin ni Speaker Romualdez.

 

 

Bukod sa isasagawang imbestigasyon, nais ni Speaker Romualdez na magkaroon ng daily monitoring sa presyo ng sibuyas at bawang sa mga palengke.

 

 

“People are still trying to recover from the pandemic. The last thing we need is an unreasonable rise in food prices,” pahayag ni Speaker Romualdez.

 

 

Dagdag pa ni Speaker na dapat seryosong tugunan ng mga mga concerned agencies ang isyu sa smuggling ng sibuyas at iba pang mga agricultural products. (Daris Jose)

DSWD, nagpaabot ng P26.9-M tulong sa mga flood-hit families sa Mindanao

Posted on: February 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAABOT ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mahigit sa P26.9 milyong halaga ng humanitarian aid sa mga pamilya na naapektuhan ng malakas na ulan at pagbaha bunsod ng “shear line at tuloy-tuloy na low-pressure area (LPA) sa ilang bahagi ng Mindanao.

 

 

Sinabi ni DSWD Assistant Secretary for Strategic Communications at spokesperson Romel Lopez na ang food at non-food items ay naipamahagi na sa mga apektadong pamilya sa Davao at Caraga region.

 

 

“Following the instruction of President (Ferdinand) Marcos (Jr.) to Secretary Rex Gatchalian, the agency has been in constant coordination with the local government units to ensure that the needs of the affected population will be immediately addressed,” ayon kay Lopez.

 

 

Ani Lopez, may mahigit na 41,100 family food packs (FFPs) ang naipamahagi sa mga apektadong pamilya sa mga lalawigan ng Davao de Oro, Davao del Norte, Davao Oriental, Davao Occidental, Agusan del Sur at Davao City.

 

 

“Sleeping kits and modular tents were also provided for the affected families in Compostela town, Davao de Oro,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa kabilang dako, nakipagpulong naman si Gatchalian sa mga lokal na opisyal ng Davao Oriental noong nakaraang Sabado bago pa pangasiwaan ang distribusyon sa bayan ng Governor Genoroso.

 

 

Personal na ininspeksyon din ni Gatchalian ang itinalagang evacuation sites sa mga bayan ng Manay, Caraga at Governor Genoroso.

 

 

Matapos bisitahin ang mga apektadong lugar, tiniyak ni Gatchalian na kagyat na pabibilisin ng departamento ang pagpapalabas ng financial assistance para sa matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

 

 

“The DSWD continues to deliver relief items to the affected local government units (LGUs) of Lupon and Governor Generoso towns in Davao Oriental through the help of the Philippine Navy and Air Force,” ayon kay Lopez.

 

 

“Secretary Gatchalian extends his gratitude to these government agencies for providing us with logistical support to move our department’s food packs to areas that have been cut off from the road networks,” dagdag na wika nito.

 

 

“As of Feb. 5, the DSWD recorded a total of 309,090 affected families or over 1 million individuals from different localities in Davao, Soccsksargen and Caraga regions,” aniya pa rin.

 

 

Samantala, sinabi ni Lopez na 108,275 pamilya o 410,771 katao ang na-displaced at kasalukuyang nanunuluyan sa shelter na itinalaga bilang evacuation centers o sa bahay ng kanilang mga kamag-anak o kaibigan. (Daris Jose)

US pinasabog ang ‘spy balloon’ ng China

Posted on: February 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISANG Chinese ‘spy balloon’ na pumasok sa airspace ng Amerika noong Enero 28 ang pinasabog ng US military aircraft nitong Sabado sa Surfside Beach South Carolina, US.

 

 

Ayon sa Pentagon, ang hakbang na ito ng Beijing ay hindi katanggap-tanggap at paglabag sa soberanya ng US.

 

 

Nabatid na unang nag­labas ng kautusan si US Presidente Joe Biden na pasabugin ang lobo ngunit inirekomenda ng Pentagon na maghintay hanggang magawa ito sa open water upang maprotektahan ang mga sibilyan mula sa mga debris.

 

 

Sa footage na ipinalabas ng mga telebisyon sa US, makikita ang balloon na bumabagsak sa karagatan, kasabay ng pangamba ng US officials na kapag pinabagsak nila ito ay makadamay ng iba pang tao at makasira ng ari-arian na mababagsakan sa lupa.

 

 

Pinuri ni Biden ang mga fighter pilots sa ilang araw na paglipad sa kaulapan at dagat na sakop ng Estados Unidos.

 

 

Sabado ng hapon nang pansamantalang isara ang tatlong paliparan sa lugar na tinawag ng Federal Aviation Administration na isang “national security effort.”

 

 

Napag-alamang mara­ming fighter at refueling aircraft ang kasama sa misyon ngunit ang isang F-22 fighter jet lamang mula sa Langley Air Force Base sa Virginia ang tumarget sa lobo gamit ang isang AIM-9X supersonic.

 

 

Tinawag naman ni US Secretary of Defense Lloyd Austin ang operasyong ito na “deliberate and lawful action” kasunod ng aksyon ng China na tinawag namang “unacceptable violation of our sovereignty.”

 

 

Matatandaang sinabi ng US na may binabantayan silang malaking Chinese “surveillance balloon” sa himpapawid ng US.

Caritas Philippines, kasama sa mag-iimbestiga sa drug war killings sa bansa

Posted on: February 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TIWALA  ang development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na tuluyan ng mabibigyan ng katarungan ang mga biktima ng war on drugs ng dating administrasyong Duterte sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng International Criminal Court sa drug war killings sa bansa.

 

 

Ito ang mensahe ni Caritas Philippines executive director Rev. Fr. Antonio Labiao, Jr. matapos na aprubahan ng Pre-Trial Chamber (PTC) ng International Criminal Court na ipagpatuloy ni ICC Prosecutor Karim Khan ang imbestigasyon sa marahas na war on drugs.

 

 

“The resumption of the probe will allow due process to run its course and ensure justice and truth will prevail,” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Labiao.

 

 

Pagbabahagi ng Pari, ang naturang hakbang ay isang paraab  upang tuluyan ng mapanagot at maparusahan ang lahat ng sangkot sa naging talamak na extra judicial killings sa bansa.

 

 

Umaasa din si Fr. Labiao na sa pamamagitan ng imbestigasyon ay muling maibalik ang integridad at tiwala ng taumbayan sa pamahalaan lalo’t higit para sa pagkakaroon ng transparency at patas na katarungang panlipunan.

 

 

“This is a step in the right direction to promote transparency, fairness, and trust in public institutions.” Dagdag pa ni Fr. Labiao.

 

 

Kaugnay nito, kabilang ang ilang institusyon ng Simbahang Katolika sa bansa sa bumubuo sa Technical Working Group on Human Rights na nangangasiwa sa pagbubuo ng isang human rights campaign at nakikipag-ugnayan sa UN Joint Programme on Human Rights para sa pagkakaroon ng suporta sa pagsusulong ng edukasyon, capacity building, documentation of cases, resource mapping, at pagbibigay ayuda sa mga biktima ng human rights violations sa Pilipinas.

 

 

Pinangungunahan ang nasabing Technical Working Group on Human Rights ng Caritas Philippines, CBCP, katuwang ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), Swiss Catholic Lenten Fund, Bicol Consortium for Development Initiatives (BCDI) Inc., at ang Task Force Detainees of the Philippines.

 

 

Matatandaang inakusahan ng crimes against humanity si dating Pangulong Duterte at dating Philippine National Police chief at incumbent Senator Ronald “Bato” Dela Rosa dahil sa mga kaso ng extrajudicial killings na may kaugnayan sa War on Drugs na inilunsad kasabay ng pagsisimula ng dating administrasyong Duterte noong taong 2016.

 

 

Sa pagtataya ng pamahalaan aabot lamang sa mahigit 6,000 ang nasawi sa War on Drugs ng nakalipas na administrasyon na taliwas sa datos ng mga human rights groups sa bansa kung saan aabot sa mahigit 30,000 indibidwal ang naitalang namatay. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Jullebee Ranara, inilibing na

Posted on: February 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INIHATID na sa kanyang huling hantungan ang labi ng pinatay na OFW na si Jullebee Ranara sa Golden Haven Memorial Park sa C5 Extension, Las Piñas City, Linggo, Pebrero 5.

 

 

Ayon kay Las Piñas City Police Station chief, P/Colonel Jaime Santos, nasa 20 pulis ang ipinakalat upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa paglilibing kay Ranara.

 

 

Sinabi ni Santos na bukod sa 20 pulis, naka-deploy din ang mga miyembro ng local traffic enforcers at ilang mga tauhan niya ang ipinoste sa loob ng sementeryo.

 

 

Nakipaglibing din ang 2 kapatid ni Joanna Demafelis, ang OFW na pinaslang din sa Kuwait noong 2018.

 

 

Ayon kay Joyce Demafelis, ramdam niya ang sakit na nararamdaman ng pamilya Ranara.

 

 

“Sana mabigyan po [sila] ng hustisya agad-agad, hindi gaya sa amin, sobrang tagal po, at sana mabigyan na din po hustisya sa amin,” ani Demafelis.

 

 

Una nang nadiskubre ang sunog na bangkay ni Ranara noong Enero 22, 2023 sa isang disyerto sa Kuwait na pinaniniwalaang pinaslang matapos halayin at mabuntis umano ng 17-anyos na anak ng kaniyang amo. (Daris Jose)