• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 10th, 2023

Walang trabaho sa Pilipinas lumobo sa 2.37 milyon

Posted on: March 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

LALO pang tumindi ang kawalang trabaho sa Pilipinas sa pagpasok ng 2023 matapos umabot sa 4.8% ang unemployment rate nitong Enero, ayon sa Philippine Statistics Authority.

 

 

Kapansin-pansing mas mataas ito kumpara sa nasa 4.3% lang noong Disyembre 2022 sa nakaraang Labor Force Survey ng gobyerno.

 

 

“Unemployment rate in January 2023 was estimated at 4.8 percent, translating to 2.37 million unemployed Filipinos,” ayon sa PSA, Huwebes.

 

 

“This estimated rate is lower than the unemployment rate reported in the same month in 2022 at 6.4 percent.”

 

 

Kahit tumaas, gumanda na ‘di hamak ang estado ng empleyo ng mga Pilipino kumpara noong kasagsagan ng COVID-19 lockdowns noong 2020 kung kailan sumirit ito sa 10.3% noong taong iyon.

 

 

Narito ang mga mahahalagang datos sa empleyo noong Enero:

 

Employment rate: 95.2

May trabaho: 47.35 milyon

Unemployment rate: 4.8%

Walang trabaho: 2.37 milyon

Underemployment: 14.1%

“Nakukulangan” sa trabaho: 6.65 milyon

Labor force participation rate: 64.5

Labor force: 49.72 milyon

 

 

Bumaba rin ang employment rate at employed noong nasabing buwan kumpara sa 95.7% bago matapos ang 2022.

 

 

“The number of underemployed persons or the employed persons who expressed the desire to have additional hours of work in their present job or to have additional job, or to have a new job with longer hours of work was registered at 6.65 million, translating to an underemployment rate of 14.1 percent in January 2023,” sabi pa ng ahensya.

 

 

Mas mababa ang kalidad ng trabaho sa ngayon kumpara sa 12.6% lang na underemployment noong Disyembre.

 

 

Inilabas ang mga naturang datos ilang araw matapos iulat na bumagal ang pagtaas ng presyo ng bilihin nitong Pebrero 2023 sa 8.6%, bagay na mas maigi kumpara sa inaasahang inflation rate ng Bangko Sentral ng Pilipinas na aabot sa 9.3%.

Iminungkahing kumpunuhin para sa seguridad ng mga Bulakenyo Fernando, ininspeksyon ang Bulo Dam

Posted on: March 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Matapos makatanggap ng sulat ang Gobernador mula sa isang concerned citizen na nagpapahiwatig ng pag-aalala tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng Bulo Dam, personal na pinamunuan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang inspeksyon ng dam kasama ang mga kinatawan mula sa National Irrigation Administration (NIA) kahapon sa Brgy. Kalawakan, Doña Remedios Trinidad, Bulacan upang tiyakin ang kaligtasan ng mga Bulakenyo.

 

 

Sa isinagawang inspeksyon, natuklasan ni Fernando na nagkaroon ng pinsala ang dam matapos ang Bagyong Karding. Kaya naman kinumpirma ni Inh. Roald Marck Revellame ng NIA-Central Office na lahat ng mga nasirang bahagi, kasama ang vortex vane, ay nasa ilalim pa rin ng warranty at irerekomenda para sa pagkukumpuni at karagdagang pagpapatibay ng kalagayan ng dam.

 

 

“Sa nakita ko, hindi naman gano’n kalaki ‘yung damages, majority ay hindi ganoon kalaki pero siyempre, kailangang agapan ang maliit na problema bago ito lumala. I’m sure na hindi ito pababayaan ng NIA kasi iyon ang hinihingi ko sa kanila, ang concern sa nakararaming Bulakenyo; hindi sa iisang tao lamang o concern sa proyekto lang. Itong mga engineers from NIA ay cooperative naman at alam nila kung ano ‘yung makabubuti,” anang gobernador.

 

 

Bilang punong ehekutibo ng lalawigan, nagbigay ng mga rekomendasyon si Fernando upang masiguro na mapapakinabangan ang dam at upang matiyak na hindi ito makapagdudulot ng anumang pinsala sa mga residente.

 

 

“Kailangan lang talaga ng improvements kamukha noong nakita ko doon na manipis ‘yung wall sa secondary spillway, at napansin din na mayroong sira at hindi natapos ‘yun energy dissipator ng tunnel type spillway. Kaya suggestion ko na pwedeng lagyan ng extension ng concrete path ang spillway at sa side, l i-rip rap ‘yun bahagi ng bundok at i-reinforce ang wall para maiwasan ang pagguho o landslide lalo kung tumaas ang tubig sa dam,” ani Fernando.

 

 

Kasama rin sa inspeksyon ang mga opisyal ng Malibay Farmers Irrigators Association at tiniyak na hindi sila apektado ng maliliit na pinsala sa dam at kinumpirma na ang north canal ng Bulo Dam ay nagsusuplay ng tubig sa humigit-kumulang 50 ektarya sa lugar. Pinagbubuti na rin ang south canal para maserbisyuhan ang target area sa lalong madaling panahon.

 

 

Sinamahan rin si Fernando nina Provincial Director PCOL. Relly B. Arnedo, Ing. Glenn, pinuno ng Provincial Engineer’s Office Reyes, PDRRMO OIC PCOL. Manuel M. Lukban (Ret), Panlalawigang Agrikulturista Ma. Gloria SF. Carrillo, Provincial Legal Officer Abgd. Gerard Nelson Manalo at Katrina Anne B. Balingit, pinuno ng Provincial Public Affairs Office. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Sunod-sunod ang pagkilala bilang aktor: Award na binigay ng Malacañang kay JOAQUIN, ni-recognize din ng Manila

Posted on: March 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAKIKITA namin kay Joaquin Domagoso na tila surreal sa kanya ang lahat ng mga nangyayari sa kanya, lalo na ang sunod-sunod na pagtanggap ng mga awards.

 

After sa Malacañang, binigyan naman siya sa Manila.

 

“Binigyan po ako ni Sir Yul (Servo) ni-recognize niya po ‘yung award na binigay rin sa akin na award ng Malacañang, which, I’m very thankful po for Sir Yul. And natuwa rin po ako na nando’n din po ang signature ng lahat ng councilors ng Manila.”

 

Siyempre, isang Manileño talaga si Joaquin kaya malaking bagay sa kanya na mai-recognize raw siya sa mismong bayan niya. Kahit daw ang Daddy niya, si former Manila Mayor Isko Moreno ay nagulat at natuwa raw nang malaman.

 

“Shock din ang Papa ko, kasi, he didn’t expected na ire-recognize ako ng Manila,” sey niya.

 

Mukhang hindi pa matatapos ang pagbibigay ng pagkilala kay Joaquin sa bansa dahil sa naibigay niyang karangalan sa bansa sa pelikula niyang “That Boy in the Dark” na limang Best Actor International awards ang nakuha niya.

 

Pero inamin ni Joaquin nang makausap namin sa Scott Media na nando’n siyempre ang saya sa mga hindi niya inaasahang maagang pagkilala sa kanya bilang actor, pero nando’n din daw talaga ang nararamdaman niyang matinding pressure.

 

Aniya, “I’m very happy lang talaga but now that I keep getting awards, I’m stuck with what knowing what to do. Currently, marami na po akong napasalamatan. I’m at the point na, ‘ano na next?’ The awards, yes, I’m thankful, pero parang, what’s next po?”

 

Sa ngayon daw, patuloy pa rin siyang nagwo-workshop para tuloy-tuloy ang improvement niya sa pag-arte.

 

“Pero ‘yung pressure, opo, it’s like a lot of people are waiting for you to fail,” pag-amin niya. “Kailangan ko lang din po sigurong ma-sustain,” sabi naman niya.

 

 

 

(ROSE GARCIA)

Quake drills, layon na bawasan ang casualties- NDRRMC

Posted on: March 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN  ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)  sa publiko na magpartisipa sa lahat ng earthquake drills na naglalayong bawasan ang casualties lalo pa’t walang paraan ma-predict kung kailan mangyayari ang lindol.

 

 

“We call on everyone to join the drill once again as part of our effort to reinforce earthquake preparedness. Earthquakes can happen anytime without warning and sometimes they can be as devastating as what happened in Türkiye,” ayon kay NDRRMC executive director Undersecretary Ariel Nepomuceno.

 

 

Magsasagawa kasi ang NDRRMC ng first quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED), mamayang alas-2 ng hapon.

 

 

Si Nepomuceno, isa ring administrator ng  Office of Civil Defense (OCD) ay nagpahayag na mahalaga ang paghahanda para bawasan  casualties  dahilan ng malakas na lindol.

 

 

“Preparedness always matters. Let us work together to reduce the possible impacts of earthquakes. We hope for the widest participation in the upcoming drill,”  dagdag na wika nito.

 

 

Ang  main ceremonial  na  pipindot at  magdidiin sa button na pangungunahan ng  NDRRMC officials ay gagawin sa  Camp Aguinaldo, Quezon City at nakatuon sa magnitude 7.2 earthquake scenario.

 

 

Susundan naman ito ng  isang  functional exercise kung saan ang mga magpapartisipa ay mga miyembro ng  NDRRMC members,

 

 

Ang Regional DRRMCs naman sa kabilang dako ang mangunguna sa implementasyo ng  sabay-sabay na earthquake drills sa kani-kanilang mga lugar.

 

 

“The exercise seeks to test the capabilities of the member agencies in responding to the impacts of a devastating earthquake and the existing harmonized contingency plan for the magnitude 7.2 earthquake in Greater Metro Manila,” ayon sa ulat.

 

 

“NDRRMC member agencies, including the assisting regional DRRMCs, are expected to demonstrate their interoperability and coordinating mechanisms on earthquake disaster response,”ayon pa rin sa ulat. (Daris Jose)

Ads March 10, 2023

Posted on: March 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

FIFA pinuri ang Filipinas matapos na makasama sa unang pagkakataon sa World Cup

Posted on: March 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAPURIHAN ni FIFA General Secretary Fatma Samoura ang Philippine womens’ Football team dahil sa pagpasok sa unang pagkakataon sa World Cup.

 

 

Kabilang kasi ang Pilipinas at pitong iba na kinabibilangan ng Haiti, Morocco, Panama, Portugal, Ireland, Vietnam at Zambia sa mga bansa na unang sasabak sa World Cup.

 

 

Gaganapin ang FIFA Women’s World Cup sa Australia at New Zealand mula Hulyo 20 hanggang Agosto 20.

 

 

Dagdag pa ni Samoura na sa nasabing pagsabak ng mga bagong koponan ay makakahikayat ang mga ito ng kabataan na pagbutihin ang mga sports na mapipili.

Kaya naging mas maingat sa kanyang kinikita: RABIYA, takot nang bumalik na nangungutang dahil walang-wala

Posted on: March 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGING sobrang maingat na raw sa kanyang kinikita sa showbiz si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

 

 

Natuto na raw itong maging kuripot dahil alam niyang hindi magiging permanente ang buhay niya sa showbiz at ayaw niyang bumalik sa dati ang buhay nila.

 

 

Ayon sa TiktoClock host: “I’m very sigurista. Siguro dahil panganay ako at nanggaling ako sa walang-wala. So, sa lahat ng bagay at trabaho na ginagawa ko, I make sure na secured yung future ko at ng pamilya ko.

 

 

“So now, habang blessed pa talaga ako with my work sa hosting and, hopefully, may matutuloy na teleserye; I just want to save as much as I can. Takot ako bumalik kami sa time na nangungutang, walang makain, napuputulan ng kuryente.”

 

 

Kahit na afford na raw ni Rabiya ang mamuhay ng bongga, hindi raw niya naging ugali ang gumastos ng sobra-sobra dahil mas gusto raw niyang ilaan ang mga kinikita sa isang negosyo na makakatulong sa kanyang pamilya.

 

 

““I’m looking for investments na po. Pero hindi ko basta ipagkakatiwala ang mga kinikita ko. Pag-aaralan ko pa rin lahat. Kasi, nakikita ko rin na sa showbiz, today gusto ka, pero tomorrow hindi.

 

 

“Siguro po mas natatakot ako noon. I need to sacrifice a lot of things para ma-secure ko yung single mom ko kasi wala rin po siyang work. Yung kapatid ko, konti lang din ang kinikita niya bilang physical therapist sa bansang ‘to.”

 

 

***

 

 

MATAGAL ang hinintay ni Beauty Gonzalez para makagawa siya ng una niyang episode para sa Kapuso real life drama anthology na ‘Magpakailanman’.

 

 

Gagampanan ni Beauty ang papel na Diana sa episode na Takas Sa Impiyerno.

 

 

“Natupad na rin ang hiling ko na makapag-guest sa MPK. Marami na akong shows na nilabasan sa GMA at dapat makagawa ako ng MPK episode.

 

 

“Very proud ako kasi first time akong madirek ni Direk Gina Alajar. Iba talaga ang feeling kapag babae rin ang magdirek sa yo. Maganda ang experience ko working with such a great actress-director.”

 

 

Maayos ang pagsamama ng mag-asawang sina Diana at Albert (played by Lucho Ayala) pero masusubukan ang kanilang tibay nang magkasakit ang anak nilang si Lucas (Seth dela Cruz).

 

 

Dahil malaking halaga ang kailangan para maipagamot ito, magtatrabaho si Albert bilang isang drug dealer.

 

 

Hindi batid ni Diana ang bagong trabaho ni Albert pero mapapansin niya ang pagbabago sa ugali nito. Dito na kasi sisimulan ni Albert na saktan sina Diana at Lucas.

 

 

Nang malaman ni Diana na isang drug dealer si Albert, susubukan niyang lumayo dito kasama ang kanyang anak. Magtagumpay kaya si Diana na makatakas kay Albert?

 

 

Mapapanood ito sa March 11.

(RUEL J. MENDOZA)

Tinapos lang ang mga nasagutang projects: ALDEN, tinupad ang pangako at sure nang babalik sa ‘Eat Bulaga’

Posted on: March 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KITANG-KITA ang magandang katawan ni Sanya Lopez sa role na ginagampanan niya sa isa pang groundbreaking drama, set in pre-colonial and modern worlds na “Mga Lihim ni Urduja,” ng GMA Network. 

 

 

Sanya plays the role of Hara Urduja kaya, sa costume na suot niya ay hindi maitatago ang magandang hugis ng kanyang katawan.

 

 

Kaya hindi kataka-taka na may mga pageant fanatics na nagsasabing pwedeng-pwede siyang mag-join sa beauty contests.

 

 

Minsan na nga niyang ipinakita ang kanyang sexy beauty sa isang eksena noon sa “First Lady”.

 

 

Pero nang may kumausap daw kay Sanya, sinabi niyang wala siyang balak sa sumali sa mga beauty contests dahil sa pagiging busy niya sa sunud-sunod na projects na ginagawa niya.

 

 

“Busy po tayo ngayon, at kung sasali ako sa mga beauty pageants, hindi ko na kakayanin,  Sayang po naman ang mga projects na ibinibigay sa akin kung hindi iyon ang pagtutuunann ko ng oras.”

 

 

Sa “Mga Lihim ni Urduja,” maraming bagong ginawa si Sanya kaysa noon sa “Encantadia.” Kinagiliwan nga noong isang gabi ang pagsayaw niya bilang si Hara Urduja.

 

 

***

 

TULAD ni Ashley Ortega, ang lead star ng first figure skating series na “Heart on Ice,” love din pala ni Ina Feleo ang ice skating sport.

 

 

Kaya na-excite siya nang isali siya sa GMA Network sa serye, at hindi na siya nagdalawang-isip na tanggapin ito, kahit hindi pa niya alam kung ano ang role na gagampanan niya.

 

 

“Iba kasi ang figure skating sport, hindi ito masyadong kilala, di tulad ng ibang sports natin, ang basketball or boxing,” sabi ni Ina.

 

 

“Kung tutuusin, marami tayong mahuhusay na figure skaters na lumalaban sa mga competitions abroad, tulad ni Michael Martinez na dalawang beses nang nag-join ng figure-skating sa Olympics.”

 

 

Kaya thankful si Ina nang ibigay sa kanya ang role ni Coach Wendy, isa sa pinakamagaling na figure skating coach sa Pilipinas.

 

 

Kaya hindi naman nahirapan si Ina sa role niya dahil nag-champion na pala siya sa figure skating 20 years ago. Kasama rin sa cast ang Champion Ice Skater na si Skye Chua, na isa na ring Sparkle GMA Artist.

 

 

***

 

 

SURE na raw ang pagbabalik ni Asia’s MultiMedia Star na si Alden Richards sa longest running-noontime show na “Eat Bulaga” this Saturday, March 11.  Ayon sa aming source, marami pang fans na hindi na nakakuha ng slot sa APT Studio para sila makapasok at makapanood nang live.

 

 

Tinupad daw ni Alden ang pangakong tatapusin lamang niya ang mga nasagutan na niyang TVC shoots ng mga endorsements niya at babalik na nga muli siya sa EB.

(NORA V. CALDERON)

NEW “TEENAGE MUTANT NINJA TURTLES” MOVIE “MUTANT MAYHEM” REVEALS TEASER TRAILER

Posted on: March 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

FROM permanent teenager Seth Rogen, a new generation of heroes will rise…from the sewers. Watch the new teaser trailer for Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem – Only in cinemas this August 2023.

 

 

YouTube: https://youtu.be/P5XBy6lMfWE

 

 

Facebook: https://facebook.com/watch/?v=1186827725366595&ref=sharing

 

 

Paramount Pictures, Nickelodeon Movies, and Point Grey Productions present the all-new CG-animated theatrical film, Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem, an original story following the crime-fighting Ninja Turtles as they protect the sewers and streets of New York City.

 

 

In the film, after years of being sheltered from the human world, the Turtle brothers set out to win the hearts of New Yorkers and be accepted as normal teenagers through heroic acts. Their new friend April O’Neil helps them take on a mysterious crime syndicate, but they soon get in over their heads when an army of mutants is unleashed upon them.

 

 

Meanwhile, producer and actor Seth Rogen announced March 4 the main voice cast of Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem at the Nickelodeon Kids’ Choice Awards and was joined on stage by voice cast Micah Abbey (Donatello), Shamon Brown Jr. (Michelangelo), Nicolas Cantu (Leonardo), and Brady Noon (Raphael).

 

 

Says President of Nickelodeon Animation and Paramount Animation Ramsey Naito, “We are beyond thrilled by this world-class cast we’ve assembled to bring these iconic, beloved characters to life in a new chapter of the Teenage Mutant Ninja Turtles universe. This really sets a new bar for this globally celebrated franchise, and we can’t wait to show audiences this film.”

 

 

The Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem cast includes:

 

  • Micah Abbey as Donatello
  • Shamon Brown Jr.as Michelangelo
  • Hannibal Buressas Genghis Frog
  • Rose Byrneas Leatherhead
  • Nicolas Cantuas Leonardo
  • John Cenaas Rocksteady
  • Jackie Chanas Splinter
  • Ice Cubeas Superfly
  • Natasia Demetriou as Wingnut
  • Ayo Edebirias April O’Neil
  • Giancarlo Espositoas Baxter Stockman
  • Post Maloneas Ray Fillet
  • Brady Noonas Raphael
  • Seth Rogenas Bebop
  • Paul Ruddas Mondo Gecko
  • Maya Rudolphas Cynthia Utrom

 

Nickelodeon Movies and award-winning Point Grey Productions’ Seth Rogen, Evan Goldberg and James Weaver are producing the all-new iteration. The film marks Nickelodeon’s first-ever CG-animated theatrical production, in partnership with Naito and Jason McConnell, who are overseeing production for Nickelodeon. For Point Grey, Lukas Williams is co-producing and Josh Fagen is overseeing.

 

 

Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem is directed by Jeff Rowe (The Mitchells vs. the Machines, “Gravity Falls”, “Disenchantment”).

 

 

Considered one of the most popular kids’ franchises, Teenage Mutant Ninja Turtles is a classic, global property created in 1984 by Peter Laird and Kevin Eastman.  It first debuted as a successful comic book series and then became a hit animated TV show, a live-action television series and later spawned numerous blockbuster theatrical releases. The property is a global consumer products powerhouse, winning in every category that has hit shelves to date—with toys, apparel, video games, DVDs and more—and generating billions of dollars at retail.

 

 

Nickelodeon brought the franchise to life again in 2012 with the CG-animated series “Teenage Mutant Ninja Turtles” and then reimagined the Heroes in a Half-Shell with the 2D-animated series “Rise of the Teenage Mutant Ninja Turtles” in 2019.

 

 

Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem will be distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures.  Connect with the hashtags #MutantMayhem #TMNTMovie #TMNT and tag @paramountpicsph

 

(ROHN ROMULO)

Na may kinakaharap na problema sa ibang bansa… DMW sa Hunyo pa pormal na sisimulan ang pagtulong sa mga OFW

Posted on: March 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAGSISIMULA sa buwan ng Hunyo ang paghawak ng Department of Migrant Workers (DMW) sa paghawak ng Assistance to Nationals program na pinapatakbo ng Department of Foreign Affairs.

 

 

Sinabi ni DMW Secretary Susan Ople, na ngayong buwan sana ang pagsisimula ng paghawak nila ng programa subalit ito ay ipinagpaliban dahil kailangan pa nila ng panahon para magsanay ang kanilang tauhan sa nasabing trabaho.

 

 

Nararapat din aniya na pag-aralang mabuti ang mga sensitibong kaso na hawak ng DFA kung saan bubuo sila ng Technical Working group upang talakayin ang problemang kinakaharap ng mga overseas Filipino workers.

 

 

Magugunitang unang sinabi ng DFA na mayroong 83 Filipino ang kasalukuyang nasa death row sa iba’t ibang mga bansa dahil sa magkakaibang paglabag.

 

 

Pagtitiyak ng kalihim na gagawin nila ang lahat ng makakakaya para maiapela ang kaso ng mga OFW na nasa ibang bansa. (Ara Romero)