HINAHANGAAN ni Glaiza De Castro ang kanyang kaibigang si Angelica Panganiban sa pagiging totoo nito.
Kahit daw mataray ang tingin ng ibang tao, ‘yun daw ang pagiging totoong tao nito.
“Kaya rin kami naging friends ni Angelica dahil nakita ko sa kanya ‘yung sincerity, na kung ano ‘yung nasa isip niya ‘yun talaga ‘yung sasabihin niya. ‘Yun po ‘yung minsan nakakatakot sa mga tao, na ang daming sinasabing mga magagandang bagay sa ‘yo pero pagtalikod mo, iba na ‘yung sinasabi.
“Siya (Angelica), kung pangit ‘yung sinasabi niya sa ‘yo sa harap mo, asahan mo na ‘yun talaga ‘yung opinyon niya sa ‘yo,” sabi pa ng bida ng ‘The Seed Of Love’.
Kaya naman daw naging tapat din si Glaiza kay Angelica na kaibigan niya for 15 years. Bukod kay Angelica, kaibigan din ni Glaiza ang iba pang empowered women tulad nina Maxene Magalona, Chynna Ortaleza, Sheena Halili at Rochelle Pangilinan.
“Sa akin lang, feeling ko lang kapag nagsasama-sama kami, mas na-e-empower nila ako, ‘yung energy nila na nakukuha ko. Sa life, meron kang kasama na mga matitikas na mga babae na handa rin sumama sa ‘yo sa laban mo,” sabi ni Glaiza.
***
INIHAYAG nina Epy Quizon at Gabby Eigenmann na mali ang paniniwala ng iba na madaling nakapasok sa showbiz industry kapag anak ng artista.
Inilahad din nila ang disadvantage kapag mula sa angkan ng mga celebrity.
“Akala nila madali para sa amin na makapasok ng industriya kasi anak ka ni Dolphy or anak ka ni Ralph (tunay na pangalan ni Mark Gil). Akala nila madali. Pero pagpasok mo, ikukumpara ka agad sa mga kapatid mo, sa tatay mo. ‘Yun ‘yung maling expectations ng tao,” sabi ni Epy.
Ayon naman kay Gabby: “It was an advantage na anak ka ng artista or galing ka sa angkan ng mga artista. It was an advantage, a stepping stone, easier way to show business.
“Pero ang problema lang is they expect you to be as good as your dad or as good as your tito. Sabihin nila ‘Sana kasing galing niya ang lolo niya si Eddie Mesa.’ It was a pressure, pressure para sa amin ‘yon.
“Misconception nga is akala nila it was easier for us. Mahirap kasi they tend to compare nga eh. I-e-expect nila na kasing galing mo, pero iko-compare nila na ‘parang mas magaling pa rin ang daddy mo, mas gwapo ang daddy mo.”
Parehong kasama sina Epy at Gabby sa big cast ng top-rating primetime series na ‘Voltes V: Legacy’.
***
AFTER seven years, muling nagbabalik sa kanyang first solo tour si Beyonce Knowles.
Nagsimula first leg ng kanyang ‘Renaissance World Tour’ sa Stockholm, Sweden at susunod na ang 57 city tour sa Europe and North America.
Huling tour ni Queen Bey ay noonng 2016 at dahil sa excitement ng kanyang fans sa buong mundo, sold-out na ang ilang venues na pagdarausan ng kanyang tour. Tulad na lang sa Stockholm, na-sold out ang 60,000 seating capacity ng Friends Arena. Nagkakahalaga ang ticket between $150 to $1,000.
Bongga ang stage production ni Queen Bey dahil disco themed ito. Bukod sa kanyang dancers at live band, may ilang pasabog ito tulad ng pagsayaw nito na may giant robot arms at may image ng isang silver alien dancer na nagsasayaw sa ibabaw ng disco ball.
Ang estimate na kikitain ni Queen Bey sa tour niyang ito ay $2.1 billion!
(RUEL J. MENDOZA)