Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
PATULOY na nagwawagi ang Puregold sa sektor ng retailtainment, dahil nakaabang ang mga manonood sa bansa sa pinakabago nitong digital series na Ang Lalaki sa Likod ng Profile.
Tampok sa kapana-panabik na serye ang 21-taong gulang na
Tiktok sensation na si Yukii Takahashi, na gumaganap na Angge, ang bidang babae.
Nagsimulang lumikha ng mga video sa Tiktok si Yukii noong Marso 2022. Naging patok siya sa kanyang natural na kagandahan at kakayahang magpatawa, at nagkaroon siya ng 8.2 milyon na follower sa nasabing plataporma.
Nakuha niya ang atensyon ng Cornerstone Entertainment, at naging bahagi siya nito.
Sa kasalukuyan, nagkaroon na ng maraming exposure si Yukii sa industriya, naging host ng reality survival show na ‘Top Class’ at naglabas ng single na pinamagatang “Bounce”.
“Natutuwa kami sa Puregold sa pagtuklas ng mahuhusay na talento gaya ni Yukii at pagbibigay ng pagkakataon sa kanila na mas gumaling pa, habang patuloy kaming lumilikha ng dekalidad na content sa retailtainment,” ayon kay Ms. Ivy Piedad, Puregold Marketing Manager.
Dahil alam ng Puregold na malaki ang gampanin ng retailtainment sa hinaharap, sinisikap nitong makagawa pa ng magagandang kuwento para sa mga suki nito.
Sa Ang Lalaki sa Likod ng Profile, kapares ni Yukii ang aktor, singer, at songwriter na si Wilbert Ross na gumaganap bilang Bryce, isang lalaking mahilig sa video games na nahihirapang makipag-usap at makitungo sa mga babae.
Pumayag si Angge na maging virtual wingwoman ni Bryce, nang sa gayon ay matulungan niya ang kanyang kuya sa mga bayarin.
Ipinakita sa ikatlong episode na nakatulong ang kasunduang ito, at dahil kay Angge, nakakonekta si Bryce sa mga babae. Pero ang pagiging malapit sa isa’t isa ay maaaring magbunga ng iba pa.
Nag-iisip ang mga manonood: may namumuo ba sa pagitan nina Angge at Bryce? Totoo na ba ang kanilang mga nararamdaman?
Sa darating na ika-4 na episode, magiging interesado naman ang mga tagapanood sa potensiyal nina Angge at Bryce na magkaibigan.
Tuloy lamang ang masaya at nakakakilig na mga eksena, kasama ang iba pang miyembro ng cast, si Bessie na nanay ni Bryce, ang mga kaibigan niyang sina Genski at Ketch, at si Chili Anne na may gusto kay Bryce. (panoorin ang trailer: https://youtu.be/lcd3wD4xLZQ)
Sa rami ng mga fan at tagasubaybay na nasasabik sa tambalan nina Bryce at Angge, at natutuwa sa daloy ng kuwento, mukhang nakagawian na ng mga netizen ang panonood ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile.
Tunghayan ang susunod na episode ngayong ika-pito nang gabi sa opisyal na YouTube Channel ng Puregold.
Gusto mo ba ng LIBRENG entertainment? Mag-subscribe na sa Puregold Channel sa YouTube. Para sa karagdagang updates, i- like ang @puregold.shopping sa Facebook, i-follow @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at @puregoldph sa TikTok.
(ROHN ROMULO)
UMABOT na sa mahigit 84% ng coastline na apektado ng oil spill sa Mindoro ang nalinis ng gobyerno.
Iniulat ni Defense Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr. kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Biyernes na sa 74.71 kilometro ng apektadong coastline, 62.95 kilometro o 84.26% ang nalinis na “as of May 10, 2023.”
Ang binanggit ni Galvez ay resulta ng miting kasama ang National Task Force (NTF) at Office of Civil Defense (OCD), araw ng Huwebes.
Base sa 15th technical report ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang Clusters 4 at 5, kabilang ang mga munisipalidad ng Bongabong, Roxas, Mansalay, Bulalacao, San Teodoro, Baco, at Puerto Galera, ay nasa “acceptable standards” para sa fishing activities.
Ang Clusters 1, 2, at 3, naman kung saan nasa bisinidad ng submerged ship, ay hindi pa rin ligtas na mangisda.
Tinuran ni Galvez na nakapagtala ang OCD ng kabuuang 6,801 litro ng oil waste at 300,603.60 litro ng oil-contaminated waste na nakolekta sa pamamagitan ng pinagsamang pagsisikap ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at organisasyon.
Iniulat ng OCD na inaasahan na darating sa bansa ang siphoning vessel mula Singapore bago matapos ang buwan jabang ang oil removal operations ay nakatakdang magsimula sa unang linggo ng Hunyo, tinatayang tatagal naman ng 30 araw.
Matatandaang sa naging pagbisita ni Pangulong Marcos sa Oriental Mindoro noong nakaraang buwan, inatasan nito ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na makipag-ugnayan at makipagtulungan sa mga lokal na opisyal para sa pagtatalaga ng alternatibong fishing areas.
Samantala, sinabi naman ni Galvez na nagbigay ang administrasyong Marcos ng kabuuang P516,873,483 halaga ng maagang recovery assistance sa 96,256 residente na apektado ng oil spill sa nasabing lalawigan.
Sinabi rin ni Galvez sa Pangulo na inaasahan na nito na magpapalabas ng “water test results at corresponding advisory” ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) bago sumapit ang Mayo 15.
Sinabi pa ni Galvez na na “the Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau will plot water quality test sites on a map for visualization while the Department of Tourism and P&I Correspondent Aqueous Inc. will determine the number of insurance claimants under the tourism industry.”
“The National Economic and Development Authority, Department of Trade and Industry, and the Department of Labor and Employment will identify alternative livelihood for the affected population,” dagdag na pahayag ni Galvez.
Nito lamang buwan ng Marso, dumating na sa Oriental Mindoro ang salvage rescue ship ng Japan na may lulang Remotely Operated underwater Vehicle (ROV).
Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA) dumating sa Calapan Port ang Japanese Dynamic Positioning Vessel (DPV) na SHIN NICHI MARU pasa 6:00 ng umaga ng Lunes (Mar. 20).
Pagkatapos maiproseso ng mga tauhan ng Coast Guard, PPA, Bureau of Quarantine, Bureau of Immigration, at Bureau of Customs ay agad dumeretso ang barko paputang bayan ng Naujan.
Ang ROV ay gagamitin para makita ang eksaktong lokasyon at sitwasyon ng lumubog na MT Princess Empress.
Ang naturang salvage rescue ship ay inupahan ng may-ari ng MT Princess Empress para makatulong na maawat na ang pagtagas ng langis mula sa lumubog na tanker. (DDC) (Daris Jose)
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na binanggit ng lahat ng mga ASEAN member states ang Code of Conduct (COC) sa South China Sea (SCS) sa isinagawang Summit ng regional body sa Indonesia.
Iyon ay dahil umaasa ang lahat ng ASEAN nation na maisasapinal na ang COC bilang “legally binding pact.”
“We’re waiting for the continued work being developed, that is being done to develop the framework for the Code of Conduct but ASEAN, halos lahat, lahat kami brought it up,” ayon kay Pangulong Marcos.
“Sana naman andiyan na ‘yung Code of Conduct para maging maliwanag ang mga posisyon ng ibang bansa, ng China, alam natin ‘yung gagawin, what are the rules, so that’s a continuing… Lahat umaasa na matapos na ‘yung COC,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.
Ang panukalang Code of Conduct ay naglalayong pigilan o hadlangan ang “overlapping claims” sa “potentially oil-rich region” at mauwi sa malala at marahas na komprontasyon o isang “economically devastating major conflict.”
Samantala, patuloy na isinusulong ni Pangulong Marcos ang pagsasapinal ng COC, sabay sabing dapat lamang na panindigan ang United Nations Convention on the Law of the Sea bilang universal framework sa mga aktibidad sa karagatan. (Daris Jose)
SINABI ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. na nasa “normal footing” na ang Pilipinas bago pa ideklara ng World Health Organization (WHO) na nagtapos na ang emergency phase ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.
Sinabi ng Pangulo na wala siyang nakikitang dahilan para ibalik ang emergency status lalo pa’t bumaba na ang kaso ng Covid-19.
“So we don’t need to do anything. We are already on normal footing. Nauna pa tayo sa kanila . And in terms of the… requirement that we used to have for a valid vaccine certificate, wala, matagal nang tinanggal ‘yun ,” ayon sa Pangulo.
“So now we have the e-Pass that’s much easier to use. That was… to make the ease of travel better. But we did that a few months back,” dagdag na pahayag nito.
Sinabi naman ni House of Representatives Speaker Martin Romualdez na ang naging deklarasyon ng WHO ay magbibigay-daan naman sa Pilipinas na mapanatili ang pagyabong ng ekonomiya ng bansa o dalhin ang ekonomiya sa mas mataas na antas.
“The lifting would translate to increased mobility, more economic activities, and therefore additional job and income opportunities for workers and their families,” ayon kay Romualdez.
Sinabi pa niya na ang pagbawi sa travel restrictions ay mangangahulugan ng mas maraming turista ang bibisita sa Pilipinas.
“Let the concerned government agencies and sectors of the economy prepare for this possibility, which will benefit tourist destinations and local communities,” ayon kay Romualdez.
Magkagayon man, sinabi ni Romualdez na hindi pa rin dapat na maging kampante ang publiko at palaging i- observe ang minimum health requirements gaya ng pagsusuot ng face masks kung kinakailangan, regular na paghuhugas ng kamay, mag-isolate kapag may sakit, magpabakuna, at panatilihin ang physical distancing –upang maiwasan na mahawa ng Covid-19. (Daris Jose)
BINUKSAN na ng Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) ang pagpili sa natatanging sheriff ng mga regional trial courts (RTCs) sa Pilipinas.
Inihayag ito ni Mr. Nelson Santos, Presidente ng PAPI nitong Sabado, Mayo 5, matapos na pagtibayin ang isang resolusyon ng samahan na ilunsad ang pagpili sa natatanging RTC Sherrif na nakitaan ng mahusay na pagtupad sa tungkulin nang higit pa sa inaasahan ng publiko.
Layunin ng inilunsad na pagpili ay itaguyod at ipalaganap ang mahusay na pagsisilbi sa gawain sa mga hukuman sa bansa.
“The search aims to promote court services excellence in the Philippines,” sabi ni Santos
Tatawaging “PAPI’s 2023 Competence and Integrity Award” ang patimpalak.
“This Award will be called PAPI’s 2023 Competence and Integrity Award in recognition to Court sheriff’s whose contributions in their professional service and respective communities are worthy of emulation,” sabi ni Santos.
Tatanggap ng isang “Certificate of Beyond Excellence” ang mga nominado na nakitang nakapagbigay ng inspirasyon sa kapwa kawani sa mga hukuman at sa taumbayan dahil sa kanilang mahusay na pagganap sa tungkulin nang higit pa sa inaasahang kahusayan.
Ito ang mga katangiang kailangang mataglay ng mga pipiliing awardees:
Upang matiyak ang kakayahan ng mga nominado, kikilatisin ng Noard of Jurors ang natapos na edukasyon, taglay na karanasan, masinop, kahusayan at katapatan sa tungkulin at tunay na kagalang-galang.
Kailangan din, ang nominado ay walang nakahaing reklamo o kaso sa Office of the Ombudsman.
Ang pipiliing awardee ay kailangang nominado ng mga totoong kasapi ng PAPI, at maluwag sa kalooban ng nominado na humarap para sa gagawing interbyu ng Board of Jurors.
Bubuuin ang Board ng mga opisyal nasyonal ng PAPI.
Tatanggap ng nominasyon simula Lunes, Mayo 15 hanggang Biyernes, Hunyo 9, 2023.
Tungkol sa iba pang impormasyon sa Award, mangyaring tingnan ang PAPI Facebook Page sa nomination forms at iba pang nais na malaman tungkol sa patimpalak. (BISHOP JESUS “JEMBA” BASCO)
NADAGDAGAN pa ng tatlong kaso ng mas nakahahawang Omicron subvariant XBB.1.16 o Arcturus ang nakita sa Pilipinas — ito ipinagpapalagay ng Department of Health na meron na nitong “local transmission” sa bansa.
Lumalabas sa pinakabagong COVID-19 biosuriellance report mula ika-26 ng Abril hanggang ika-6 ng Mayo na nanggaling sa Western Visayas ang mga nabanggit.
Kaugnay nito, na-detect din ang 197 pang bagong kaso ng Omicron subvariants.
Naitala ang unang kaso ng Arturus sa bansa mula sa probinsya ng Iloilo, bagay na magaling na sa ngayon.
Una nang sinabi ng World Health Organization na bagama’t maaaring kumalat nang husto ang Arcturus sa iba’t ibang bahagi ng daigdig dahil sa estimated growth advantage nito at abilidad na matakasan ang immune system. Sa kabila niyan, wala pa anumang sinyales na mas malala ang sintomas nito.
Abril lang nang ideklara ito bilang “variant of interest” ng WHO matapos ang tuloy-tuloy nitong pagkalat.
“With regard to the Arcturus cases, it is likely that XBB.1.16 is in local transmission since there is an increasing number of cases of the variant with no linkages to international cases or no known history of exposure,” sabi ng DOH sa hiwalay na pahayag.
“With that, the DOH reiterates that COVID-19 is here to stay and we must continue to learn and live with the virus. Hence, certain measures and protocols must be in place to help mitigate virus transmission and mutation.”
Patuloy na nagpapakita ng pagtaas ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakaraang linggo matapos makapagtala ng halos 1,533 kaso kada araw simula pa ika-10 ng Mayo, bagay na 75% na pagtaas mula noong nakaraang linggo.
Halos kapareho daw ito ng mga naiulat na kaso noong ika-11 ng Hulyo 2022 kung kailan may 1,507 arawang kaso.
Sa kabila nito, pinakalma naman ng DOH ang publiko at sinabing karaniwang “mild” pa rin ang sintomas ng Arcturus. Ineengganyo pa rin ng kagawaran ang lahat ng kumuha ng COVID-19 at magpa-booster shots bilang pinakaepektibong pananggalang sa sakit.
“In general, COVID-19 exhibits flu-like symptoms such as fever, cough, fatigue, loss of taste or smell, sore throat, headache, body pain, diarrhea – among others,” sabi ng DOH.
“Even so, with that, the DOH further reminds the public to continue applying our layers of protection such as wearing of masks, isolating when manifesting symptoms, and ensuring good airflow to remain protected against the virus.”
Umabot na sa 4.1 milyon ang tinatamaan ng COVId-19 sa Pilipinas simula nang makapasok ito sa bansa noong 2020. Sa bilang ‘yan, aktibong infections pa ang 13,964. Sa kasamaang palad, patay na ang 66,453 sa kanila.
PINAYUHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. na magbalik-Pinas na at harapin ang alegasyon laban sa kanya ukol sa pagpatay kay Negros Oriental governor Roel Degamo at iba pa.
“Come home. That’s the best advice I can give him. Come home,” ayon kay Pangulong Marcos bilang tugon sa tangong kung ano ang maipapayo niya sa mambabatas.
Kinapanayam ang Pangulo ng mga miyembro ng media habang lulan ito ng PR 001 habang pabalik ng Pilipinas matapos dumalo sa 42nd ASEAN Summit sa Labuan Bajo, Indonesia.
Ayon sa Pangulo, sinabi sa kanya ni Timor-Leste Prime Minister Taur Matan Ruak sa kanilang bilateral meeting na humirit ng political asylum si Teves sa huli.
“Yes. It turns out that Congressman Arnie Teves applied for political asylum but was denied. Ganun lang. So I think they will continue to be — to go to the process,” ang pagbubunyag ng Pangulo.
“May appeal process para sa — those who are applying… but na-deny so we’ll just wait for the process to complete,” anito.
Dahil dito, pinasalamatan naman ng Pangulo si Ruak para sa agarang pag-aksyon sa aplikasyon ni Teves.
Malugod aniyang ikinatuwa ng gobyerno ng Pilipinas ang mabilis na desisyon ni Rual dahil mas magiging mabilis na aniya na maibabalik sa Pilipinas si Teves para sagutin ang alegasyon laban sa kanya.
Samantala, iniulat naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na binasura ng Timor-Leste ang aplikasyon ni Teves’ para sa political asylum at ipinag-utos dito na kaagad na lisanin ang bansa sa loob ng limang araw. (Daris Jose)
PINAKASIKAT na young loveteam ngayon sa Kapuso network ang Sparkle loveteam na AlFia nila Allen Ansay at Sofia Pablo.
Naging patok ang loveteam nila sa mga teleserye na ‘Prima Donnas: Book 2’, ‘Raya Sirena’ at ‘Luv Is: Caught In His Arms’. May natapos na rin silang digital series para sa GMA Public Affairs na ‘In My Dreams’.
Ngayon ay kasama ang AlFia loveteam sa upcoming sitcom na ‘Open 24/7’ na pinagbibidahan nila Vic Sotto, Jose Manalo, at Maja Salvador.
Natuwa sina Sofia at Allen dahil unang sitcom ito na gagawin nila at kasama pa nila si Bossing Vic.
“Sinabihan kami ni Sofie na may Zoom kami dahil may bago raw kaming sitcom. Tapos hindi pa namin alam nung una na kasama namin sila Bossing. Tapos nung nalaman namin, sabi namin, ‘yung mga pinapangarap lang namin dati na maka-work, napapanood lang namin sa TV ay makakasama na namin ngayon,” kuwento ni Allen.
Si Sofia naman ay na-starstruck sa mga artistang nakasama sa Zoom storycon nila ng ‘Open 24/7’.
“Akala po kasi namin, nung natanggap namin ‘yung text, kasi biglaan lang talaga. So, hindi pa po namin alam, kung sino ‘yung cast, ‘tapos nagulat po kami. Pagbukas ng Zoom, andun si Bossing Vic Sotto, si Sir. Jose Manalo, si Miss Maja Salvador.”
Di napigilan ni Sofia na maiyak sa mediacon at sinabing hindi siya makapaniwala na part siya ng ‘Open 24/7’: “Masarap sa feeling. Kasi looking at them here po right now sa harap po. Nakaka-proud po sa amin kasi before we really dream lang po na magkaroon ng mga project.
“Pero, we never imagine na makaka-work namin sila. I just remember watching them before. I’m so happy, kasi ngayong kumakain kami sabay-sabay sa set. And then, umaarte kami harap-harapan ng comedy.”
***
HINDI na napigilan na i-post ni Joaquin Domagoso ang latest photos ng anak niyang si Scott sa social media.
First time daw na nag-post si Joaquin ng maraming photos ni Baby Scott at proud na proud siyang gawin ito para makilala na ng marami ang anak nila ng girlfriend na si Raffa Castro.
Caption ni Joaquin: “Baby ko si kulot, inaalis n’ya’ng aking lungkot — Dada loves you.”
Pinusuan ng maraming netizens at nakatanggap ng maraming positive comments ang photos ni Baby Scott. Bakit nga naman daw itatago ang anak nila kung sobrang cute ito?
July 2022 noong kumalat ang balitang nagkaroon na ng apo si former Manila Mayor Isko Moreno at actor-turned-newscaster na si Diego Castro. Nagkaroon na nga ng photo sa Instagram ang dalawang lolo kasama si Baby Scott.
Masaya naman daw ang dalawang lolo sa pagtanggap ng marami sa kanilang apo. Nakagaan daw sa kanilang dalawa ang paglabas na ng photo ni Baby Scott at maganda ang pagsasama ng mga magulang nito.
***
SA edad na 79 ay naging tatay ulit ang Oscar-winning actor na si Robert De Niro.
Inaming ng veteran Hollywood star na sinilang na ang ikapito niyang anak, pero hindi niya sinabi kung lalake o babae ba ito.
“I just had a baby,” sey ni De Niro sa Entertainment Tonight habang nagpo-promote ito ng bago niyang comedy film titled About My Father.
May dalawang anak si De Nito sa unang asawa niyang si Diahnne Abbott. Dalawa rin ang anak niya sa socialite na si Grace Hightower na hiniwalayan niya noong 2018. May twin boys naman siya sa model na si Toukie Smith.
Kabilang si De Niro sa mga tulad nila George Lucas, Charlie Chaplin at Mick Jagger na nagkaroon pa ng anak in their 70’s.
TOM Hardy’s return as Eddie Brock looks to be sooner than expected, as Venom 3 is reportedly getting ready to start filming.
Sony’s Spider-Man Universe is going forward with new characters from the web-slinger’s rogue’s gallery, but the franchise is also set to finish the player who started this universe to begin with: Venom. Hardy, who has played Eddie Brock since 2018, is set to reprise the role of the iconic Marvel antihero as Venom 3 has been in pre-production since February.
While several films have been affected by the ongoing Writers Guild of America strike, it appears Venom 3 is not going to be one of them. In a new report from Production List, the outlet reports that Venom 3 is looking to start principal photography as early as June 5. Filming is apparently going to be taking place in London as well as Los Angeles. At the time of this story’s publication, Sony Pictures has yet to comment on Venom 3’s supposed production start.
While Sony Pictures has been keeping story details under wraps for Venom 3, there is another big mystery that they have yet to address. With Venom 3, it will complete Hardy’s trilogy in Sony’s Spider-Man Universe, but it’s unclear if this is going to be the actor’s finale time as the iconic Marvel character. Even though the franchise is continuing, Sony Pictures has remained quiet about Hardy’s future after Venom 3 as other characters come into play.
It wouldn’t be shocking if this is Hardy’s swan song as Eddie/Venom, with a trilogy finale being perhaps the right place to wrap things up. A lot of it may also come down to how Venom 3 does critically and commercially to determine if the Symbiote’s time on the big screen is done or not. It would seem odd for Hardy to be done as Venom after this film and not even cross paths with other characters in Sony’s Spider-Man Universe.
For the time being, it’s likely wise to look at Venom 3 as Hardy’s possible last film since there has been little to no word about his future in the franchise after the sequel. It’s also interesting that despite looking to start filming next month, Sony Pictures has yet to even announce a release date for the film. (source: screenrant.com)
(ROHN ROMULO)