• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 22nd, 2023

Babalik agad dahil sa bagong serye: BARBIE at DAVID, nasa South Korea na para mag-shoot ng movie

Posted on: May 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAKAALIS na today, May 22 sina Barbie Forteza at David Licauco, papunta sila sa  South Korea,  to shoot a movie. 

 

 

Ayon ito sa report ni Lhar Santiago sa “24 Oras”.  The Sparkle stars are doing a romantic comedy film titled “That Kind of Love,” na iri-release not only in the Philippines but also globally.

 

 

Both are excited na muli silang magkakasama after ng kanilang historical fantasy portal series na “Maria Clara at Ibarra” na nakilala sila bilang FiLay loveteam (Fidel at Klay).

 

 

Nang magsimula silang mag-shoot ng movie, hindi pa nila sinabi kung saan ang scenes na kukunan abroad, maliban sa sabi ni Barbie na gusto niya ang food ng bansang iyon.

 

 

The Pambansang Ginoo said viewers will see a different side of him sa mga nauna niyang projects sa GMA, like “Mano Po Legacy: The Family Fortune,” “Heartful Café” at #MCI. “Halos lahat po ng shows ko mostly mayaman ang role ko, this time it’s different so it’s something to look forward to.”

 

 

After shooting sa land of K-drama, babalik din agad sina Barbie and David sa bansa dahil may gagawin naman silang bagong series sa Kapuso Network.

 

 

***

 

 

UMANI nang maraming views ang TikTok reel posted by Kapuso Primetime Queen Marian Rivera habang karga ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang bunso nilang si Sixto.

 

 

Dumalaw silang mag-ina sa taping ng top-rating game show nito sa GMA Network, ang  “Family Feud” na mga girls ang contestants.

 

 

Caption ni Marian, “sorry girls, Sixto will not go with you, not just yet,” na ang respond naman ni Sixto: “I don’t like.  When I’m old na, I can go with you.  I can drive pa!”

 

 

Meanwhile, magkakaroon ng season break ang “Family Feud” this June at muli silang magbabalik sa September. Kaya kaabang-abang ang mga magiging malalaking special guests nila bilang mga contestants.  Pag-uukulan muna ng panahon ni Dingdong ang mystery teleserye niyang “Royal Blood” at ang pagho-host ng bagong singing competition na “The Voice Generation.”

 

 

***

 

 

MUKHANG na-miss ni Maine Mendoza ang kalyeserye segment ng long-running noontime show na “Eat Bulaga,” noong 2015 na nagpasimula ng AlDub love team nila ni Alden Richards.

 

 

Matatandaan, na naging everyday habit na rin ng mga televiewers noon ng EB, ang kalyeserye na nagtatampok sa kanila ni Alden  at ng mga ‘Lolang’ sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros na pinupuntahan ang mga contestants sa kani-kanilang bahay para bigyan ng swerte.

 

 

Ngayon, binuhay ito nina Jose at Wally, minsan, kung wala ang isa sa kanila, si Ryan Agoncillo ang kasama ng dalawa, at iba naman ang paraan ng pagkuha nila ng contestants.  Pumapara sila ng jeep o bus na dumaraan sa tapat ng APT Studios, at kumukuha ng contestants na hindi nagmamadaling makarating sa kanilang pupuntahan, na siya nilang binibigyan ng swerte.

 

 

Pero last Friday, May 19, wala si Wally, at si Maine ang sumama kay Jose na pumara ng isang bus at maglo-lola ang nakuha nilang contestants.

 

 

Kitang-kita ang saya ni Maine habang ini-interview nila ni Jose ang maglo-lola na hindi makapaniwala sa swerte nilang natanggap.

(NORA V. CALDERON)

Dahil sa ‘Topakk’ movie nila ni Arjo: ENCHONG, natupad ang pangarap na maka-attend ng Cannes International Film Festival

Posted on: May 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PARANG high na high ang pakiramdam ni Enchong Dee.  

 

 

Ang dahilan, ang katuparan daw ng kanyang pangarap na maka-attend ng Cannes International Film Festival.

 

 

Kasalukuyan ngang isa sa mga invited si Enchong sa Cannes dahil sa pelikula nila ni Arjo Atayde na “Topakk.”  Parang may realization pa ito na hindi raw talaga sa loob ng bansa mananatili dapat ang isang actor.

 

 

Aniya, “Ang mundo ng isang aktor ay hindi nananatili sa loob ng bansa. Malaki ang mundo.  Malayo ang lalakbayin. Masarap matuto.  Nakaka-excite gumawa ng pelikula na maipapalabas mo sa mga banyaga.  Thank you Lord pinaka-experience mo to sakin.

 

 

“Pangarap ko lang to dati na maka-attend ng @festivaldecannes but more so doing a world premiere for Topakk in Marche Du Film. Grabe ka Lord.”

 

 

Nagpasalamat din ito kay Direk Adolf Alix Jr. dahil sinama raw siyang manood ng “New Boy” at kunsaan, kasabay nilang nanood ang Hollywood actress na si Cate Blanchet.

 

 

***

 

 

NAKAUSAP namin si Andrei Yllana na isa sa cast ng ongoing VIVA One series na “The Rain in España.”  

 

 

Masayang kausap ang anak na ito nina Councilor Aiko Melendez at Jomari Yllana.

 

 

Mukha lang siyang seryoso, pero mahirit din at masayahing tao. Mukhang nakuha niya ang katangiang ito ng parehong magulang.

 

 

In fairness, kung dati, tila may tampuhan pa sa pagitan nina Andrei at Jomari, base sa mga pahayag ni Andrei, masayang-masaya ito sa parehong magulang.

 

 

At gayundin sa respective lovelife nina Aiko at Jomari.  Sey pa niya, kung siya lang daw, gusto na niyang pakasal sina Tito Jay Khonghun at mommy niya.  At very happy rin siya with his Dad and Abby Viduya.

 

 

Sabi namin kay Andrei, mukhang nakuha ni Abby ang “kiliti” niya. Ang present girlfriend ni Andrei ngayon na non-showbiz at three months in a relationship na raw sila, ang nagreto raw nito sa kanya o nagpakilala, si Tita Abby niya.

 

 

O, ‘di ba?  Kaya si Andrei, happy raw siya talaga ngayon with his personal, family at career.

 

(ROSE GARCIA)

Dahil dumaan din sa depresyon: Fil-Canadian model na si RANDALL MERCURIO, gustong maka-inspire ng mga kabataan

Posted on: May 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

AMINADO ang 24-year-old Filipino-Canadian model na si Randall Mercurio nakaranas din siya ng depresyon noong panahon ng pandemya na kung saan may nangyari na hindi maganda sa kanilang pamilya.

 

 

Sa Homecoming Media Launch na hinanda para sa kanya nina Rose Hapin ng RH Productions Canada/Philippines, naikuwento niya ang pinagdaanang depresyon.

 

 

Dati pa ay active na siya sa mental health group dahil advocacy niya ito. Kaya hindi niya akalain na makararanas ng depression.

 

 

“When I was there (Alberta, Canada), my lola died and we didn’t even get to see her at her last moment. Kasi pandemic po noon, kaya hindi kami pinayagang makauwi sa Olangapo.

 

 

“After po noon, doon ko na-feel na kahit meron akong mga kasama, biglang iiyak na lang. Pero noong na-realize ko na pag pinagpatuloy ko na gawin ‘yun, hindi siya magiging happy up there.”

 

 

Sabi pa ng self-taught fashion designer, “pero when I get through that depression, I found friends there and continued what I loved. “Tapos doon ako nag-decide na kaya kong maging inspiration sa iba. Kung nagawa ko, puwede kong sabihin na kaya din nila.”

 

 

Dagdag pa ni Randall nagwaging Mr. Globalmodel International Canada 2023, “Ayaw kong lumabas. Ayaw ko ng tao. Ayaw ko noong mga mayroong nagtatanong sa akin kung okay ako. Feeling ko that time, lahat ng mga tao tinatawanan ako.”

 

 

Kuwento pa ng dancer at singer din, “ngayon na lang talaga nawala. Unti-unti. It’s important na nire-recognize natin ‘yung nararamdaman natin. At ang pinaka-importante ay pahinga. Isa sa mga nakatulong sa akin to recover ay pahinga.

 

 

“Kaya dapat mas mahalin ng mga kabataan o sinuman sa atin ang sarili. Sa oras na minahal mo ang sarili mo, makakapag-reflect kung ano ba talaga ang purpose mo.

 

 

“Kapag masyado mong inisip ‘yung ibang tao, mawawalan ka ng time para sa sarili mo. It starts po talaga with yourself.”

 

 

Samantala, si Randall ang representative ng Filipino-Canadian community sa Misters of Filipinas Fil-Com Canada 2023 pageant na siya mismo ang gagawa at magdidisenyo ng kanyang national costume na ang inspirasyon niya ang mga OFW.

 

 

“Gusto ko talagang ma-inspire ang mga mas nakababata sa akin. I want them to realize na mayroong purpose,” tugon pa ni Randall na isa rin palang licensed Architecture at nagtapos last year with honors ng Architectural Design sa Lethbridge College Alberta, Canada.

 

 

“Sa national costume ko, ang inspiration is OFWs. It is my way of paying tribute to all the hardworking OFWs. Malapit sa puso ko ito. Sobrang halaga. Bata pa lang po kasi ako, ang naiintindihan ko lang, iniwan kami ni Papa, wala siya sa tabi ko to work abroad. Sobrang nakatulong siya talaga sa amin. Hindi naman namin mararating ang success kung hindi dahil sa hardwork ng father ko.

 

 

“Hanggang sa nag-work na rin ako abroad, doon ko lang na-realize kung gaano kahalaga at kalaki ‘yung ginawa niya for us na nakatulong talaga sa future namin,” dagdag pa ni Randall na finalist sa 2022 Faces West Vancouver Modelling Competition at finisher sa 2022 Chan International Edmonton talent boot camp.

 

 

Goodluck Randall!

 

(ROHN ROMULO)