• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 15th, 2023

DA at DoJ, sanib-puwersa sa paglikha ng “green jobs” para sa PDL

Posted on: July 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SANIB-PUWERSA ang Department of Agriculture at  Department of Justice  sa paglikha ng ” sustainable green jobs” para sa mga persons deprived of liberty (PDL) o mga preso.

 

 

Nauna nang sinaksihan ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang paglagda sa  isang kasunduan sa pagitan ng mga ahensiya para sa Reformation Initiative for Sustainable Environment for Food Security (RISE) Project na naglalayong gamitin ang mga nakatiwangwang na lupain ng Bureau of Correction para sa agricultural development para tulungan ang nilalayon ng  pamahalaan na makamit ang food security.

 

 

Sa pamamagitan ng proyekto, mauugnay ang mga PDL sa farm work para ireporma at ihanda ang mga ito na maisama sa lipunan.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa  ceremonial signing ng kasunduan, sinabi ng Pangulo na ang inisyatiba ay patotoo sa  “unyielding commitment to both food security and rehabilitative justice” ng pamahalaan.

 

 

“By investing in these capacity-building activities, we are not only helping boost food production but also giving our PDLs opportunities to realize their potential for positive change and reformation,” ayon pa sa Punong Ehekutibo.

 

 

“The challenges in food security today are multifaceted and complex, thus it is crucial for us that we work together and tap into our respective specialties, expertise, and strengths so we can formulate more comprehensive, empirical, and integrated approaches,” dagdag na wika ng Pangulo.

 

 

Ani Pangulong Marcos, ang makamit ang nilalayon ay makapag-aambag sa  “much greater humanitarian causes” gaya ng rehabilitasyon at reintegration ng mga PDL tiyakin ang “hunger prevention, poverty alleviation, at mas maayos na kalusugan.

 

 

“So I urge our national government agencies to continue pursuing innovative projects that address the needs that evolve now in this modern age for Filipinos. By making innovation our priority, we can expedite the delivery of programs and services and build a more robust economy,” aniya pa rin.

 

 

Sa ilalim ng programa, ang mga PDL ay bibigyan ng “tailored support services” na dinisenyo  para itatag at paghusayin ang  food production at agricultural skills, at maging ang “managerial at operational capacity.”

 

 

Sa simula, 500 ektarya ng Iwahig Prison ng BuCor at Penal Farm sa  Palawan ang ide-develop para maging agri-tourism sites at  food production areas sa pamamagitan ng RISE project.

 

 

Matapos ang  pilot implementation sa Iwahig, ilulunsad din ang iba pang operating facilities ng BuCor.  (Daris Jose)

HORROR HIT “INSIDIOUS: THE RED DOOR” TO HOLD MORE MIDNIGHT SCREENINGS THIS WEEKEND

Posted on: July 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

WHEN is the most terrifyingly good time to watch a horror movie?

At midnight… in an empty mall… with friends! Due to popular demand, Insidious: The Red Door will hold midnight screenings this weekend, July 15 and 16, on even more screens than on the film’s opening day and opening weekend.

As more and more people post about their screaming good time watching the film during the witching hour, audiences have found that midnight screenings are a unique experience not to be missed. A popular social post of a cinema chain inviting moviegoers “to fulfill their empty mall chase nightmare” has also excited and challenged many to experience the terror of Insidious: The Red Door at midnight.

Check out the list of cinemas offering weekend midnight shows. Due to demand of horror fans, cinemas offering midnight screenings may still be expanded.

On its first weekend, Insidious: The Red Door opened at No. 1, breaking the year’s opening weekend record in the Philippines with a monumental P205.6 million in five days (July 5 to 9), on 542 screens in 206 locations. This result is also the biggest opening weekend for horror films all-time in the Philippines.

[Watch the film’s final trailer at https://youtu.be/3NOce4Ky6PQ]

Insidious: The Red Door brings the original cast (Patrick Wilson, Ty Simpkins and Rose Byrne) back together for the epic conclusion to the terrifying saga of the Lambert family. Directed by Wilson and produced by Jason Blum, Oren Peli, James Wan, and Leigh Whannell, the much-anticipated horror film is now showing in cinemas.

Don’t miss the horror event of the year, bring all your friends, and book your tickets now:

SM Cinemas https://bit.ly/InsidiousTheRedDoorAtSMCinema

Now showing in Philippine cinemas, Insidious: The Red Door is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with the hashtag #InsidiousMovie

(ROHN ROMULO)

OCD, muling pupulungin ang National El Niño Team sa gitna ng banta ng matinding tag-tuyot, kakulangan o kawalan ng ulan

Posted on: July 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MULING pupulungin ng Office of Civil Defense (OCD) ang National El Niño Team sa layuning mas pag-isahin at itugma ang implementasyon ng pagsisikap na maghanda at tugunan ang matinding epekto ng tag-tuyot at kakulangan o kawalan  ng ulan sa bansa.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ng OCD na nakatakda ang pagpupulong sa Hulyo 19 kung saan pag-uuusapan ang nagpapatuloy na aktibidad ng mga ahensiya ng pamahalaan para sa El Niño.

 

 

“Also, priority among the discussion points is the presentation of the short, medium and long term plans of various team clusters to address the effects of El Niño on food security, water security, energy security, health, public safety and cross cutting issues,” ang nakasaad sa kalatas.

 

 

Sinabi naman ni OCD administrator at executive director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Undersecretary Ariel F. Nepomuceno, na nais na niyang isapinal ang National Action Plan for El Niño lalo pa’t  idineklara noong Hulyo  4 na nagsimula na ang El Niño phenomenon.

 

 

Sa kabilang dako, pangungunahan naman ni Nepomuceno ang nasabing miting kung saan ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) ay magbibigay din ng kanilang  updated forecast ng  climate phenomenon at estado ng iba’t ibang dam sa bansa.

 

 

“We are looking forward to the finalization of the National Action Plan for El Niño by this team as we continue to undertake various activities specific to our agency mandates to ensure that the effects of El Niño-induced dry spells and drought to the country can be countered,” ayon kay Nepomuceno.

 

 

“Pagasa forecasts the possible strengthening of El Niño towards ‘moderate” to “severe” degree by the latter part of 2023,” ayon sa ulat.

 

 

Samantala, regular naman na nagpupulong ang  National El Nino Team para sa updates  na ginagawang hakbang ng ahensiya kasunod ng naging kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa isang “science-based, whole-of-nation strategy” para ihanda ang bansa para sa matinding epekto ng climate phenomenon. (Daris Jose)

Ads July 15, 2023

Posted on: July 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PBBM, pinangunahan ang pamamahagi ng iba’t ibang tulong mula sa pamahalaan sa N. Samar

Posted on: July 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng iba’t ibang government assistance mula sa  Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at  Department of Labor and Employment (DOLE) sa  Northern Samar. 

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo, tiniyak nito sa mga residente at lokal na opisyal ng Northern Samar na palaging handa ang national government na bigyan ang mga ito ng lahat ng tulong na kanilang kailangan bilang bahagi ng nilalayon ng gobyerno na itaas ang pamumuhay ng mga Filipino sa buong bansa.

 

 

Ginagawa aniya ng gobyerno ang lahat ng makakaya nito para tulungan ang  micro-small and medium-sized enterprises (MSMEs).

 

 

“Nandito po kami para matiyak na ‘yung mga talagang bumagsak, kasi talagang maraming tinamaan nang mabigat, diyan naubos ang kanilang savings, nagsara ang kanilang negosyo, hindi na sila makabalik, ‘yun ang mga hinahanap namin para tulungan dahil ‘yan ang puno’t dulo ng ating ekonomiya, ang mga maliliit na negosyo, ang MSMEs,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

“Kaya’t kailangan natin pasiglahin at buhayin ‘yang sector na ‘yan. Kaya’t ‘yan po ang aming ginagawa ngunit kagaya ng sabi ko, mayroon pa ring nangangailangan ng tulong kaya tinitiyak din namin, mayroon din kami dito, na makapagbigay ng tulong sa ating mga cooperative,” dagdag na wika nito.

 

 

Sa kabilang dako, ang Pangulo bilang  concurrent Agriculture Secretary, nanguna sa distribusyon ng  dalawang four-wheel drive tractors, tatlong  multi-cultivators, apat na pump irrigation systems, isang cacao processing facility, iba’t ibang agricultural livelihood projects, apat na unit ng  hand tractors at apat na  rice threshers at apat na  rice cutters.

 

 

Namahagi rin ang Pangulo nang  mahigit sa  21,480 bag ng certified rice seeds, 300 bag ng  hybrid rice seeds, fertilizer discount vouchers at  P5,000 financial assistance  kada isa  para sa 1,220 farmer-beneficiaries sa Northern Samar.

 

 

Pinangunahan din ng Punong Ehekutibo ang pagbibigay ng tulong mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) gaya ng 16 deep sea fish aggregating devices o paya, tatlong  high-density polyethylene cages, 150 set ng  seaweed farm implement at fingerlings, at pagkain para sa tilapia production sa mga lawa.

 

 

Namahagi rin ang Chief Executive ng 20 piraso ng 30-foot at limang  22-foot fiberglass boats at mangrove crablets at formulated feeds habang nag-donate naman ang Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA) ng dalawang ektaryang  abaca mother block nursery sa  local government unit ng Northern Samar.

 

 

Iniabot  naman ng Pangulo ang apat na  infrastructure projects sa provincial local government units ng Northern Samar.

 

 

Namahagi rin ang Pangulo ng  financial assistance na nagkakahalaga ng P150,000 sa walong  distressed overseas Filipino workers (OFWs) at scholarship assistance na nagkakahalaga ng P10,000  kada isa para sa dalawang  dependents sa ilalim ng OFW Dependent Scholarship Program.

 

 

Nagpaabot din ang Pangulo ng medical assistance  na ngakakahalaga ng P30,000  sa dalawang benepisaryo sa ilalim ng Welfare Assistance Program at financial assistance na nagkakahalaga ng P20,000  sa  naulilang pamilya ng OFW. (Daris Jose)

Informal settlers na tatamaan ng ruta ng railway project, tutulungan ng gobyerno

Posted on: July 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tutulungan ng gobyerno ang mga informal settlers na maaapektuhan nang pagtatayo South Commuter Railway Project (SCRP) sa ilalim ng North-South Commuter Railway (NSCR) System.

 

 

Aminado ang Pangulo na may mga maaapektuhan sa pagtatayo ng malalaking proyekto tulad ng SCRP.

 

 

“We must also recognize the plight of informal settler families who will be affected by the project as well as the disturbances that the construction of the NSCR system will cause. So, we are continuously conscious in the national government and of course the local governments to ensure that those needing assistance are attended to,” ani Marcos.

 

 

Sa paglagda ng tatlong kontrata ng proyekto nitong Huwebes, Hulyo 13, binanggit ni Marcos ang mga benepisyong maidudulot ng proyekto, kabilang ang pagbuo ng humigit-kumulang 3,000 trabaho kapag nagsimula na ang civil works para sa tatlong seksyon.

 

 

Humingi rin ang Pangulo ng patuloy na pasensya at pang-unawa ng publiko habang sila ay nakakaranas ng mga pagkaantala mula sa konstruksyon.

 

 

“These are the inevitable consequences of these large projects, but it is something that we have to go through if we are going to complete the projects as they have been designed and we will – to be able to reap the benefits in the longer term,” ani Marcos.

 

 

Sinaksihan ni Marcos ang paglagda sa tatlong pac­kages ng railway project na aabot sa 14.9 kilometers na daraan sa Blumentritt sa Manila, Pio del Pilar at Magallanes sa Makati City, Barangay North Daang Hari sa Taguig City, at Barangay San Martin De Porres sa Parañaque City.

 

 

Ang SCRP ay bahagi ng NSCR na nag-uugnay sa Blumentritt Station sa Calamba Station. (Daris Jose)

LTFRB nakahanda sakaling matuloy ang tigil-pasada

Posted on: July 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa publiko na sila ay nakahanda sa bantang tatlong araw na tigil-pasada ng ilang transport group kasabay ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Ayon kay LTFRB Board Member Mercy Jane Leynes, na magpapakalat sila ng mga sasakyan para alalayan ang mga maaapektuhang mananakay.

 

 

Nakipag-ugnayan na sila sa Metro Manila Development Authority (MMDA) at ilang mga local government unit ukol sa nasabing ukol.

 

 

Nanawagan sila sa mga transport groups na huwag ng ituloy ang nasabing planong tigil-pasada at handa silang magsagawa ng pag-uusap.

 

 

Magugunitang ikinasa ng grupong Manebela ang tatlong araw na tigil-pasada bilang protesta sa LTFRB dahil sa pagpabor umano nila sa ilang mga prankisa. (Daris Jose)

Dahil pag-aari ang trademark na ‘Eat Bulaga’ at ‘EB’: TAPE, Inc., sinagot ang reklamong ‘copyright infringement’ ng TVJ

Posted on: July 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINAGOT ng Television and Production Exponents (TAPE) Inc. ang reklamong copyright infringement and unfair competition na inihain laban sa kanila nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.

 

 

 

Sa ulat ng GMA News “24 Oras” nitong Miyerkules, sinabing inihain ng mga dating host ng “Eat Bulaga” ang reklamo sa Marikina Regional Trial Court.

 

 

 

Naglabas naman ng pahayag tungkol sa reklamo ang legal counsel ng TAPE Inc. na si Atty. Maggie Garduque.

 

 

 

Ayon kay Garduque, “It is not a copyright infringement. Eat Bulaga name, the design of the name and the logo is a trademark and not subject of copyright.”

 

 

 

“TAPE Inc. has the registration of the tradename Eat Bulaga so they cannot file infringement against the registered owner of the trademark. Their petition for cancellation of trademark of Eat Bulaga is still pending before the IPO and until such time that said petition is granted, the trademark Eat Bulaga and EB will be owned by TAPE Inc,” patuloy pa ng abogado.

 

 

 

Kasama rin sa reklamo ang GMA Network Inc., kung saan ipinapalabas ng TAPE Inc. ang “Eat Bulaga” bilang blocktimer.

 

 

 

“We will refer the complaint to our legal counsel, Belo Gozon Elma Parel Asuncion and Lucila Law Offices,” ayon sa inilabas na pahayag ng network.

 

 

 

Nitong nakaraang Mayo 31 nang kumalas sina Tito, Vic, Joey, at iba host ng “Eat Bulaga” mula sa TAPE Inc.

 

 

 

***

 

 

 

MARAMI ang hindi maka-move on matapos panoorin ang very intense trailer ng first-ever film ng GMA Public Affairs under GMA Pictures na ‘The Cheating Game’ na pinagbibidahan nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

 

 

 

Unang inilabas ang trailer noong Martes, July 11, pagkatapos ng 24 Oras na lalong ikina excite ng JulieVer fans na ready nang manuod sa sinehan this July 26.

 

 

 

Siguradong lalong na-curious ang viewers sa pelikula dahil napakaraming emosyong mararamdaman, trailer pa lang. Makikita ring hindi ito isang ordinary romantic drama at mukhang maraming eksenang talagang magmamarka sa moviegoers.

 

 

 

Dagdag din syempre ang powerful cast kasama sina Martin Del Rosario, Winwyn Marquez, Yayo Aguila, Candy Pangilinan, Phi Palmos, Thea Tolentino, Paolo Contis, at marami pang iba.

 

 

 

***

 

 

 

NATARANTA sa pag-alala si Beyonce dahil naging biktima ng major burglary ang kanyang inang si Tina Knowles.

 

 

 

Ayon sa report ng TMZ, pinasok ang bahay ni Tina sa Los Angeles at tinangay ng mga ito ang higit na $1 million in cash at mga mahahaling alahas.

 

 

 

Gustong malaman ni Beyonce kung paano nakapasok ang mga magnanakaw sa estate ng kanyang ina. Highly secured daw ang bahay nito at maraming cameras sa paligid.

 

 

 

Ayon sa Los Angeles police department, pinag-aaralan na nila ang mga video footages at kinakausap na nila ang ilang kapitbahay ni Tina kung may nalalaman sila sa naging break-in.

 

 

 

Noong bilhin nila Beyonce at Jay-Z ang bahay bilang regalo nila kay Tina, sinigurado nila na equipped ito with the best security. May ilang nang reports ng pag-akyat-bahay ng ilang gangs sa mga malalaking bahay ng celebrities sa Los Angeles. Hindi inakala ni Beyonce na magiging biktima pa ang kanyang ina.

 

 

 

Sa ngayon ay nakatira si Tina sa bagong biling bahay ng mag-asawa sa Malibu, California na nagkakahalaga ng $200 million.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Tubig sa Angat ‘di sasadsad sa critical level -MWSS

Posted on: July 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINDI sasadsad sa critical level ang antas ng tubig sa Angat dam sa Bulacan.

 

 

Ito ang pampakalmang pahayag ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa  publiko kaugnay ng antas sa krisis sa tubig.

 

 

Sinabi ni Engineer Patrick Dizon, Division Manager ng MWSS na batay sa pag-aaral na ginawa ng Inter-Agency Technical Working Group na nakatutok sa Angat Dam kasama ang mga kinatawan ng Pagasa, National Water Resources Board, National Irrigation Administration at iba pang ahensiya na hindi aabot sa mas kritikal na antas ng water level ang Angat.

 

 

Ayon sa datos ng PAGASA, ang projection ng pinakamababang water level sa Angat ay nasa 175-176 meters na mas mataas sa 160 meters na critical level ng dam.

 

 

Aniya, ang inaasahang apat na bagyo ay mapapalakas ng habagat at magpapaulan sa mga watershed ng Angat na magbibigay ng pagtaas ng tubig sa dam.

 

 

Sinabi pa ni Dizon na nag-uusap na ang dalawang kompanya ng tubig na Maynilad at Manila Water para buksan ang cross boarder valve kung saan nagtutulu­ngan ang mga ito sa pagsusuplay ng tubig sa milyong mga customer.

 

 

Kaugnay nito ay nanawagan si Dizon sa publiko na patuloy na magtipid sa paggamit ng tubig lalot tatagal pa ang El Niño hanggang sa ikalawang quarter ng 2024.

Tama lamang na magkatuluyan sina Bryce at Angge: Fans nina WILBERT at YUKII, naniniwala sa ‘true love’ at ‘happy ever after’

Posted on: July 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MATAPOS ang 13 linggo ng pagpapakilig, pagpapatawa, pagpapaiyak, at pagpapaibig sa fans, magsasara na ang kuwento ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile ng Puregold Channel. 

 

 

Natunghayan ng mga tagapanood nang magkakilala sina Angge (Yukii Takahashi) at Bryce (Wilbert Ross) sa digital na mundo; ang pagiging magkaibigan at pagpapalagayang-loob ng dalawa, at ang pagkakaroon nila ng malalim na damdamin para sa isa’t isa.

 

Noong nagkakilala na sila sa “real world”, ramdam na ramdam ang kilig at nagtanong ang mga manonood: magiging sila na kaya? Pero dahil sa pangamba, takot, at iba pang mga bagay, hindi nagkaroon ng pagkakataon ang dalawa na maituloy ang potensyal na pag-iibigan.

 

 

Umamin lamang sina Bryce at Angge noong huli na ang lahat. Nagkabalikan nang muli sina Angge at ang kanyang ex na si Jerry (Anjo Resurreccion), at muling naglayo sina Bryce at Angge, sa kabila ng nararamdaman.

 

Sa gitna ng kaba at pagkasabik na naipadama ng seryeng ito sa mga manononood, naghihintay ang mga tagasubaybay at umaasa sa isang happy ever after sa dulo ng lahat.

 

 

Tingnan natin kung ano ang mga masasabi ng tagapagtangkilik ng ALSLNP tungkol sa kuwento ng pag-ibig na ito.

 

“End game” na ba sina Jerry at Angge? Anong gagawin ni Bryce kung ganito nga?

 

 

 

Suspetsa ng mga fan, dahil sa pagiging urong-sulong ni Bryce, nagkabalikan sina Angge at Jerry. Bagamat nakalulungkot ito para sa shippers nina Bryce at Angge, naniniwala silang karapat-dapat lamang na ang makatuluyan ni Angge ay isang lalaking matapang na nagtatapat ng kanyang pagmamahal.

 

Anong naghihintay kina Ketch (Migs Almendras) at Genski (Kat Galang)?

 

 

May kuwentong pag-ibig din ang kuwela at makulit na mga BFF ni Bryce na sina Ketch at Genski, at natuwa rin ang mga tagasubaybay sa kanilang love story. Matagal na kinimkim ni Genski ang nararamdaman para kay Ketch, at nalaman niyang ganoon din pala si Ketch.

 

 

Kaya lang, kinailangan niyang mangibang-bansa. Ngayon, tinatanong ng mga manonood kung may kinabukasan ba ang dalawa, dahil talaga namang bagay na bagay ang mga ito.

 

Aprub ba si Bessie (Marissa Sanchez) kay Angge?

 

Noong nakilala na ng nanay ni Bryce na si Bessie si Angge, hiniling niya rito na huwag sasaktan ang anak. Nagbago man si Bessie sa pagtakbo ng serye, nag-aalala pa rin ang ilang mga tagapanood. Tatanggapin ba ni Bessie si Angge, kung magkatuluyan ang dalawa?

 

Magtatagumpay kaya sina Bryce at Angge sa kanilang sariling mga pangarap?

 

 

Sa nakaraang mga episode, ipinakitang nahihirapan si Bessie sa negosyo ng kanilang pamilya, ang Veggie Boy, at hangad niyang sumalo rin si Bryce dito. Habang si Angge naman ay isang manunulat ng tula, at ang kanyang kaalaman sa pag-ibig ang tumulong kay Bryce sa pakikipag-usap sa mga babae noong virtual wingwoman siya nito.

 

 

Gusto rin ng mga tagasubaybay na magtagumpay ang dalawa sa kanilang mga personal na buhay, at na makita nilang mangyari ito kapag pinanood ang finale.

 

May pag-asa ba sa tunay na pag-ibig sina Bryce at Angge?

 

 

Para sa mga naniniwala sa true love, posible pa ang happily ever after para kina Bryce at Angge. Ang iba naman, maliit na lamang ang pagkapit sa posibilidad subalit patuloy na umaasa.

 

Kung masusunod ang fandom, tama lamang na magkatuluyan ang dalawa. Naging mas maayos at mahusay na tao si Bryce dahil sa pagpapakita ni Angge sa kaniya ng kaniyang potensyal. Si Bryce naman, nanatiling nandiyan para kay Angge sa masaya at malungkot na mga pangyayari, at pinaligaya ito sa taglay niyang pag-aalaga at kabutihan.

 

Hindi na nakapagtataka na gusto lamang ng fans ng pagtatapos na maibibigay ang hinahanap ng kanilang mga puso. Huwag kalimutang sumubaybay sa finale ng seryeng Ang Lalaki sa Likod ng Profile, na ipalalabas sa opisyal na YouTube channel ng Puregold ngayong Sabado,  Hulyo 15, ika-7 nang gabi.

 

Gusto mo ba ng LIBRENG entertainment? Mag-subscribe na sa Puregold Channel sa YouTube. Para sa higit pang update, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, at i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at ang @puregoldph sa Tiktok.

(ROHN ROMULO)