• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 20th, 2023

PBBM sa ₱20 per kilo na bigas ‘We’re doing everything’

Posted on: July 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ginagawa ng kanyang administrasyon ang lahat ng makakaya nito para matupad ang kanyang 2022 campaign promise na bawasan ang presyo ng bigas sa ₱20 kada kilo.

 

 

Araw ng Lunes, inamin ng Pangulo na hindi pa nya natutupad ang kanyang pangako.

 

 

“Iyon pa rin ‘yung ating hangarin na ₱20 na bigas ay wala pa tayo roon pero ginagawa natin ang lahat,” ayon sa Pangulo sa kanyang talumpati kasunod ng paglagda sa  Memorandum of Agreement para sa  Kadiwa ng Pangulo kasama ang  local government units.

 

 

“As of July 17,” makikita sa data ng  Department of Agriculture na ang  per kilogram na presyo ng bigas ay mula  ₱36 hanggang ₱48.

 

 

Tinuran ng Pangulo na ang pagpapalawig sa Kadiwa ng Pangulo sa buong Pilipinas ay maaaring nakapagpabawas sa presyo ng  agricultural products dahil mawawala ang tumatayong “middlemen.”

 

 

“Ang programa ng Kadiwa ay napakasimple lamang at tayo ay ginagawa natin ay pinalalapit natin sa magsasaka ang palengke. Kaya’t ‘yung mga middleman, ‘yung mga added cost ay binabawasan natin nang husto ‘yan. Sa ganyang paraan ay maipagbili natin ng presyo na mababa,”  ang winika ng Pangulo. (Daris Jose)

Inisa-isa na ang mga dahilan ng paghihiwalay: KRIS, inamin na ‘di talaga sila meant for each other ni MARK

Posted on: July 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA Instagram post ni Queen of All Media Kris Aquino noong Lunes, July 17 (Martes sa Pilipinas) ng litrato kasama sina Joshua at Bimby ay kasama rin ang isang mahabang mensahe.

 

 

Inisa-isa nga ni Kris ang mga dahilan kung bakit siya nagdesisyong tapusin na lang ang pakikipag-relasyon kay Batangas Vice Governor Mark Leviste.

 

 

Mababasa sa caption sa kanyang IG post, “Kuya isn’t wearing a turban, that’s my sleep mask… The reasons i refuse to give up… and the TRUTH i owe you (i forgot to say thank you in the art cards to marc @markleviste for staying until bimb was a day away from finishing his medicine).”

 

 

Sa dalawang notes sa IG post, in-explain ni Kris kung bakit kailangan tapusin na ang love affair nila ni VG Mark.

 

 

“I gave you a cleansed version of why I ended my relationship with Marc. I didn’t lie when I said a long distance relationship is difficult,” panimula niya.

 

 

“BUT I saw he has many dreams left to fulfill and many obligations to the people who gave him their vote.

 

 

“Sadly, I’m in the battle of my life precisely because I’m doing all I can to save my life because my 2 sons still need me,”

 

 

Pagpapatuloy pa ng tv host-actress, “I’m realistic enough that Marc has a life beyond trying to help take care of me. I apologize for seeming selfish but why I will add stress in my life when I see his posts enjoying himself when I am suffering 8,000 miles away?

 

 

“If we had tried to stay together as a couple the ending would still be the same, tao rin ako na mapipikon at magtatampo dahil mararamdaman kong, hindi ba nya naisip ang hirap na pinagdaanan ko?”

 

 

Dagdag pa ni Kris, “Kaya minabuti ko nang sa akin nang manggaling kasi nakita at nararamdaman kong hindi sya handa sa responsibilidad ng seryosong relasyon kasama ang isang babae na tinatanggap ang realidad na yung buhay nya ngayon ay pinahiram na oras lamang ng Diyos.

 

 

“Pareho kaming may karapatan na mabuhay sa paraan na pinaka-payapa ang mga puso namin.”

 

 

Sa pagtatapos ng mensahe, “I’m keeping my word that he will never read nor hear me saying anything negative about him because what for. We’re not enemies, we just weren’t meant for each other.”

 

 

Nag-reply naman si Mark sa comments section, “Love, love, love you-all,” bagay na pinusuan ng netizens at napuno ng encouragement at pasasalamat sa kanyang pagmamahal sa mag-iina.

 

 

Ilan sa naging komento ng netizens:

 

 

“Sir, love always finds a way.”

 

 

“Thank you po vg for your love to our queen, kuya josh & bimb.”

 

 

“Don’t give up on her, dont give up on love.”

 

 

“I admire your unconditional love to crissy, parang laban lang ni pacman. Yan sa Vegas. Wag susuko. Remember nung nuod ka ng fight sa Vegas. With tropang board member of Batangas.”

 

 

“Hope springs eternal… if it’s meant to be and the Lord’s will, it will be you and Kris still in the end. Prayers.”

 

 

“When two people are meant for each other, no time is too long, no distance is too far, and nobody can keep them apart. Remember true love conquers all. I’m praying for both of you, Bimb and Josh. #lovelovelove.”

 

 

Sa kabilang banda, meron din namang nagni-nega sa naturang relasyon na ngayon nga ay nagtapos na…

 

 

“Magtataka ka din sa mga guys na nanliligaw kay Kris. Alam nila background at may sakit pa. Pero alam din nila na ang weakness ni Kris ay pakiligin siya. Bakit pa sila makikipag relasyon sa alam nilang magde demand ng time at energy. So I guess gusto lang nila magpa ingay knowing may hatak si Kris sa tao.”

 

 

“Aliw ako sa replies niya. He didn’t bother to defend himself. I’m guessing nagtampo si Kris and declared a breakup pero sinusuyo pa rin siya ni Marc. I think he really loves her. He just might be the one. They seem to complement each other’s personalities.”

 

 

“Mukhang pa attention si VG.. ahahaha.”

 

 

“Nag-iingay si Kuya, forda nalalapit na halalan.”

 

 

“Nasa personality naman kasi ni Kris yung pahabol.”

 

 

“Good for Kris. That Mark is questionable. Cringey. Creepy. Good riddance.”

 

 

“Honestly walang kilig. Naawa ako sa mga fans ni Kris, desperate din sila sa lalaking ito for Kris, wala na atang iba silang makita.”

 

 

“Maybe Marc is really a happy, cheerful guy that Kris can’t stomach.”

 

 

“Not a fan of Kris just a maritess, been observing this Mark Leviste pansin ko magaling siyang magpress release. Finally sumikat na rin siya after ma-link kay Kris.”

 

(ROHN ROMULO)

Maharlika Wealth Fund pirmado na ni Pangulong Marcos

Posted on: July 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NILAGDAAN na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Martes ang Maharlika Investment Fund (MIF) Act of 2023 sa Malacañang, kung saan inilagay ang kauna-unahang sovereign wealth fund ng Pilipinas na susuporta sa mga layunin sa ekonomiya ng Administrasyon.

 

 

“Ang MIF ay isang matapang na hakbang tungo sa makabuluhang pagbabago ng ekonomiya ng ating bansa,” pahayag ni Pangulong Marcos sa seremonya ng paglagda.

 

 

“Just as we are recovering from the adverse effects of the pandemic, we are now ready to enter a new age of sustainable progress, robust stability, and broad-based empowerment.”

 

 

Sa paglagda ng Republic Act (RA) No. 11954 bilang batas, ang bansa ay magkakaroon ng kapasidad at kakayahan na mamuhunan sa lahat ng napakahalagang proyektong ito tulad ng agrikultura, imprastraktura, digitalization pati na rin ang pagpapalakas ng value chain.

 

 

Ang mga institusyong financing ng gobyerno ay magsasama-sama na ngayon ng mga mapagkukunang pinansyal na hindi utang para hindi maalis ang iba pang mga obligasyon sa pagpapautang na kailangan nilang tuparin sa ilalim ng kani-kanilang mga mandato.

 

 

Higit pa rito, ang pondo ay may potensyal na mag-funnel sa panlabas na financing, na binabawasan ang pasanin ng pamahalaan upang tustusan ang imprastraktura sa pamamagitan ng mga paghiram, mga buwis.

 

 

“Through the fund, we will accelerate the implementation of the 194 National Economic and Development Authority Board-approved, NEDA-approved, flagship infrastructure projects.”

 

 

Kasunod ng paglagda sa MIF Act, nakatakdang ihanda ng Administrasyon ang mga implementing rules and regulations (IRR) para sa paglikha ng Maharlika Investments Corp. (MIC), na magiging tanging sasakyan para sa pagpapakilos at paggamit ng MIF para sa mga pamumuhunan.

 

 

Ang MIC ay inaasahang magkakaroon ng hindi bababa sa P75 bilyon na paid-up capital ngayong taon, P50 bilyon mula sa Land Bank of the Philippines (LBP) at P25 bilyon mula sa Development Bank of the Philippines.

BLOCKBUSTER AND ACCLAIMED FILMMAKER CHRISTOPHER NOLAN’S LATEST ATOMIC THRILLER “OPPENHEIMER” NOW SHOWING IN PH CINEMAS

Posted on: July 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

CHRISTOPHER Nolan, known for his acclaimed global blockbusters is about to give the audience an exhilarating experience back in time with his latest film “Oppenheimer” made and meant to be seen only in cinemas.

 

 

 

Nolan’s films, including Tenet, Dunkirk, Interstellar, Inception and The Dark Knight trilogy, have earned more than $5 billion at the global box office and have been awarded 11 Oscars and 36 nominations, including two Best Picture nominations.

 

 

 

Nolan’s latest film “Oppenheimer”, which he also wrote is an IMAX®-shot epic thriller that thrusts audiences into the pulse-pounding paradox of the enigmatic man, J. Robert Oppenheimer, known as the father of the atomic bomb who must risk destroying the world in order to save it.

 

 

 

The film’s robust cast includes Cillian Murphy in the titular role along with Emily Blunt as his wife, biologist and botanist Katherine “Kitty” Oppenheimer. Oscar® winner Matt Damon portrays General Leslie Groves Jr., director of the Manhattan Project, and Robert Downey, Jr. plays Lewis Strauss, a founding commissioner of the U.S. Atomic Energy Commission.

 

 

 

Academy Award® nominee Florence Pugh (Don’t Worry My Darling) plays psychiatrist Jean Tatlock, Benny Safdie (Uncut Gems) plays theoretical physicist Edward Teller, Michael Angarano (Sky High) plays Robert Serber and Josh Hartnett (Pearl Harbor) plays pioneering American nuclear scientist Ernest Lawrence. Oppenheimer also stars Oscar® winner Rami Malek and reunites Nolan with eight-time Oscar® nominated actor, writer and filmmaker Kenneth Branagh. The cast further includes Dane DeHaan (The Amazing Spiderman franchise), Dylan Arnold (Halloween franchise), David Krumholtz (The Ballad of Buster Scruggs), Alden Ehrenreich (Solo: A Star Wars Story) and Matthew Modine (The Dark Knight Rises).

 

 

 

The film is based on the Pulitzer Prize-winning book American Prometheus: The Triumph and Tragedy of J. Robert Oppenheimer by Kai Bird and the late Martin J. Sherwin. The film is produced by Emma Thomas, Atlas Entertainment’s Charles Roven and Christopher Nolan.

 

 

 

Oppenheimer is filmed in a combination of IMAX® 65mm and 65mm large-format film photography including, for the first time ever, sections in IMAX® black and white analogue photography.

 

 

 

In a recent interview with Variety, co-author and historian Kai Bird shared his thoughts when he finally saw the film “I am, at the moment, stunned and emotionally recovering from having seen it,” Bird said. “I think it is going to be a stunning artistic achievement, and I have hopes it will actually stimulate a national, even global conversation about the issues that Oppenheimer was desperate to speak out about — about how to live in the atomic age, how to live with the bomb and about McCarthyism — what it means to be a patriot, and what is the role for a scientist in a society drenched with technology and science, to speak out about public issues.”

 

 

 

From Universal Pictures International, “Oppenheimer” is now showing in PH cinemas nationwide. Follow Universal Pictures PH on Facebook, IG and YouTube for latest news.

 

(ROHN ROMULO)

PROBLEMA NG TRANSPORT SECTOR PINATUTUKAN KAY PBBM

Posted on: July 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ILANG  araw bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sama-samang nanawagan ang mahigit sampung malalaking transport organizations at cooperative kay Pangulong Marcos na agarang resolbahin ang ibat ibang problemang bumabalot sa sektor ng transportasyon.

 

 

Sa isang press conference, lumantad sina Pasang Masda National President Roberto Martin upang iapela sa pangulong BBM ang suspensyon ng Joint Administrative Order (JAO) No. 2014-01 na inilabas ng Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) noong 2014 kung saan nagpapataw ng 1 milyong multa laban sa PUV drivers at operators na iligal na nag ooperate.

 

 

Binigyang diin ni Martin na hindi dumaan sa kosultasyon ang naturang polisiya at hindi na rin kailangan ng dahilan sa mayroon ng karampatang probisyon ang Philippine Traffic Code o Republic Act (RA) 4136 patungkol sa mga pagpataw ng singil at penalties laban sa traffic violations.

 

 

Binatikos naman ni Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) National President Orlando Marquez ang ksalukuyang foreign IT platform na Land Transportation Management System (LTMS) sa mga kapalpakan at hndi maayos na interconnection sa pagitan ng LTO at LTFRB na nagdudulot ng problema sa vehicle registration at posibleng pagsimulan ng katiwalian.

 

 

Aniya, ang non-connection sa pagitan ng LTMS sa LTFRB ay nagpapahirap sa LTO para marebisa and validity ng franchise na isinusumite ng PUVs kayat lumalaganap ang colorum sa bansa.

 

 

Hiling din ng grupo kay Pangulong Marcos na imandato sa local government units (LGUs) na limitahan ang operasyon ng electric tricycles (e-trikes) partikular sa mga nag ooperate ng walang permit o prangkisa.

 

 

Kasunod nito, nagpahayag ng pagsuporta ang mga transport leaders sa panukala ni Deputy Speaker Gloria Macapagal -Arroyo na naglalayong magkaroon ng public road transport modernization development fund.

 

 

Sakaling mapagtibay ang panukala, malaking tulong ito para magkaroon ng source of funds para sa PUV Modernization program na magpapahusay sa kasalukuyang kondisyon ng public transport workers sa pamamagitan ng insurance protection at housing projects at iba pa.

 

 

Kasama rin sa mga transport groups na sumusuporta sa mga panawagan ay ang Pasang-Masda, LTOP, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), UV-EXPRESS, Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (Piston), Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (Fejodap), Stop & Go, Taxi National Org. Confederation of Truckers Association of the Philippines (CTAP) at Private Bus Operators Association (PBOA). (PAUL JOHN REYES)

PBBM, nagpalabas ng EO 34, idinedeklara ang Pambansang Pabahay Para Sa Pilipino Program bilang flagship program

Posted on: July 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGPALABAS si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Executive Order (EO) No. 34, idinedeklara ang   Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program (4PH) bilang  flagship program  ng gobyerno.

 

 

Inaatasan din nito ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na magpalabas ng inventory ng  angkop na  lupain  para sa programa.

 

 

“The 4PH Program is hereby declared as a flagship program of the government,” ang nakasaad sa EO.

 

 

“The DHSUD (Department of Human Settlement and Urban Development), as the primary government entity responsible for the management of housing and human settlements in the country, shall be the lead implementing agency of the Program,” ayon pa rin sa EO.

 

 

Para sa layuning ito, inatasan ni Pangulong Marcos ang lahat ng national government agencies (NGAs), local government units (LGUs) at iba pang  government entities na suportahan at  makipagtulungan sa DHSUD para matiyak ang matagumpay na implementasyon ng 4PH program.

 

 

Inatasan naman ng  EO ang  DHSUD na i-identify ang  national at local government lands na angkop para sa pabahay at  human settlements sa pakikipagtulungan sa mga kinauukulang NGAs at LGUs, at isagawa ang required activities  para sa kanilang  development.

 

 

Hinggil naman sa  public lands, ang DHSUD  ay may mandato na irekomenda sa Pangulo sa pamamagitan ng  Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang pagpapalabas ng proklamasyon na magdedeklara sa public lands  bilang  “alienable and disposable”  para sa pabahay at human settlement purposes.

 

 

Ipinag-utos din ng EO  sa national government departments, mga ahensiya at instrumentalities, kabilang na ang GOCCs, at maging sa LGUs na magsagawa ng inventory ng mga lupain na kanilang pagmamay-ari at pinangangasiwaan, at magsumite ng kompletong listahan sa DHSUD sa loob ng  60 na araw mula sa pagpapalabas ng kautusan ng Punong Ehekutibo.

 

 

“The inventory of lands shall include government-owned idle lands or lands that have not been used for the purposes for which they have been originally reserved or set aside for at least 10 years, and on which no improvements have been made by the owner as certified by the concerned LGU, pursuant to Section 8, Paragraph 2 of Republic Act No. 7279 (Urban Development and Housing Act of 1992), as amended, and Sections 5.II (d) and 24 of RA No. 11201 (the law that created the DHSUD),” ang nakasaad sa EO.

 

 

“The Land Registration Authority (LRA) shall assist these agencies in the preparation of their respective inventories by providing a list of titles and the corresponding certified true copies thereof that are registered in the name of said agencies,” ayon pa rin sa EO.

 

 

Ayon pa rin sa  EO, “the DHSUD will acquire ownership and administration of the identified lands of concerned agencies for housing and human settlement purposes and immediately carry out the development of those lands. The funding requirements for the EO’s implementation will come from the current available appropriations of concerned agencies, subject to pertinent budgeting, accounting, and auditing laws.”

 

 

Ang  funding requirement para sa mga susunod na taon ng program implementation  ay isasama sa  taunang  General Appropriations Act.

 

 

Samantala, inilunsad ng DHSUD ang programa para tugunan ang pangangailangan para sa disenteng pabahay.

 

 

Layon din nito na tiyakin ang tagumpay ng 4PH program, kinilala naman ng administrasyon ang pangangailangan na palakasin ang DHSUD at ang mga pangunahing shelter at siguraduhin ang suporta ng NGAs at LGUs.

 

 

Ayon sa  Philippine Development Plan 2023-2028, “the country’s housing need estimates have accumulated to 6.8 million in 2017-2022.” (Daris Jose)

Maharlika Investment Fund, hindi gagamitin pambili ng mga luxurious items —PBBM

Posted on: July 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINDI gagamitin ang Maharlika Investment Fund (MIF) para ipambili ng luxurious items.

 

 

Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko.

 

 

Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng Pangulo ang mga kontra at salungat na pahayag sa  newly-signed law.  Sa katunayan, ilan sa mga ito ay “nakatatawa.”

 

 

“I note that some of the objections very early on, I would hear some people commenting, hindi ba pag may pera tayong ganyan, may pondo tayong ganyan, dapat ilagay ‘yan sa agricultural, ilagay ‘yan sa infrastructure, dapat ilagay ‘yan sa energy development,” ayon kay Pangulong  Marcos.

 

 

“Eh nanonood ako ng television sabi ko, siyempre kinakausap ko ang TV, saan niyo kaya iniisip na ilalagay ‘yan, bibili kami ng magagarang kotse? Bibili kami ng malaking yate? That’s… it makes me laugh because that is so far from the truth,” dagdag na wika nito.

 

 

Nauna rito, nilagdaan ng Chief Executive  upang maging ganap na batas ang MIF, kung saan gagamitin ang state assets para sa  investment ventures para makalikha ng karagdagang  public funds.

 

 

Tinintahan ang Republic Act No. 11954 sa kabila ng pangamba at pag-aalala sa batas na ito, tinukoy ng ilang mambabatas ang mga mali at pagkakaiba at maging ang malabong probisyon nito.

 

 

Pinawi naman ng Pangulo ang pangamba sa paggamit ng MIF,  sabay sabing ito’y  ‘independent’  mula sa gobyerno at hindi dapat na iugnay sa politika.

 

 

“Through the fund we will leverage on a small fraction of the considerable but underutilized investable funds of the government and stimulate the economy without the disadvantage of adding additional fiscal and debt burden,” ayon sa Pangulo sa isinagawang paglagda sa  MIF.

 

 

“Let us make sure that these are professionals. Let us make sure that the decisions that are being made for the fund are not political decisions that they are financial decisions because that is what the fund is,” dagdag na wika ni Pangulong Marcos.

 

 

Sinabi naman ng  economic managers ni Pangulong Marcos na ang MIF ay maaaring magsilbi  bilang alternative financing option para sa gobyerno kapag ang Pilpinas  ay naging “upper middle-income state.”

 

 

Sa kabilang dako,  hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ipinalalabas ng Malakanyang ang kopya ng newly-signed law subalit sa impormasyon mula sa Presidential Communications Office, itatatag ang Maharlika Investment Corporation (MIC)  bilang “sole vehicle” para sa paggamit ng  MIF.

 

 

“The MIC will have an authorized capital stock of P500 billion, the P375 billion of which shall have corresponding common shares available for subscription by the national government, its agencies or instrumentalities, government-owned and controlled corporations or GFIs, and government financial institutions,” ayon sa Malakanyang.

 

 

“The remaining P125 billion in capital shall have corresponding preferred shares available for subscription by the national government, its agencies or instrumentalities, GOCCs or GFIs, and reputable financial institutions and corporations,” ayon pa rin sa Malakanyang.

 

 

Matatandaang, sa isang survey  ng Social Weather Stations (SWS) nitong Marso ng taong kasalukuyan, natuklasan na 51% ng mga Filipino ang umaasa lamang ng maliit o walang benepisyo mula sa MIF(Daris Jose)

Rehabilitation project sa NAIA, sisimulan na sa isang taon

Posted on: July 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SISIMULAN na sa susunod na taon ang rehabilitasyon at pagkukumpuni sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

 

 

Ito ang naging pahayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan  sa press briefing sa Malakanyang  kasunod ng pag-apruba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos na simulan na ang proyekto.

 

 

Sinabi ng Kalihim na  aabot sa P170 bilyong piso ang gagastusin sa naturang proyekto na magpapataas sa bilang ng mga pasahero   at magpapaganda sa air traffic movement.

 

 

Sa oras aniya na mayroon ng  winning bidder ngayong taon ay masisimulan na ang proyekto sa 2024.

 

 

Target aniya sa  rehabilitation sa NAIA  ay ang makasabay ang  Pilipinas sa iba pang mga bansa kung pag uusapan ay standards ng paliparan.

 

 

Inamin ni  Balisacan na napag-iiwanan na ang Pilipinas ng mga kalapit-bansa nito gaya ng Singapore at Thailand dahilan para kagyat na simulan ang proyekto.

 

 

Samantala, maliban  sa NAIA rehab, kabilang din sa inaprubahan ng NEDA board ang Samar Pacific Road Project at ekspansyon at  maintenance ng Lagindingan Airport sa Misamis Oriental. (Daris Jose)

Kahit wala naman siyang ka-date: DAVID, kinarir ang suit na susuotin sa ‘GMA Thanksgiving Gala 2023’

Posted on: July 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BUKOD sa pagiging abala sa taping ng kanilang upcoming Kapuso series na ‘Maging Sino Ka Man’ ni Barbie Forteza, ay abala ang Pambansang Ginoo na si David Licauco sa paghahanda para sa nalalapit na GMA Gala 2023 sa July 22.

 

 

Ayon kay David ay galing pa sa ibang bansa ang kaniyang suit na isusuot para sa nasabing event.

 

 

“Medyo pinaghirapan ko yung this year’s gala kasi binili ko sa Hong Kong yung damit ko, yung susuotin ko.”

 

 

Napangiti naman si David nang tanungin siya tungkol sa kung sino ang magiging date niya para sa GMA Thanksgiving Gala 2023.

 

 

“Wala, wala akong date,” natatawang sinabi ni David.

 

 

Matatandaan na natapos na rin ang shooting ng movie nila ni Barbie na pinamagatang ‘That Kind Of Love’ na ipalalabas sa mga sinehan ngayong taon.

 

 

Samantala, ang GMA Gala 2023 ay magsisilbing fundraising event na makatutulong sa iba’t ibang institusyon na lubos na nangangailangan.

 

 

***

 

 

BALIK-TAPING na ang ‘Love. Die. Repeat.’

 

 

Matatandaang nahinto ang taping ng naturang GMA drama series noong September 21 dahil sa pagdadalang-tao ng lead actress nito na si Jennylyn Mercado.

 

 

At nitong Abril 2023 ay napabalitang nag-resume na ang taping ng show na pagbibidahan nina Jennylyn at Xian Lim.

 

 

Nakausap namin ang isa sa mga supporting cast members ng show na si Shy Valdez at napag-usapan namin ang tungkol sa pagbabalik-taping nila.

 

 

Kinumpirma ni Shyr sa amin na nagte-taping na nga silang muli.

 

 

Ano ang pakiramdam niya na nag-resume na sila ng ‘Love. Die. Repeat.’?

 

 

“Siyempre masaya! Tuloy ang naputol na bonding ng cast sa set. Masaya kasi ang set namin, e.

 

 

May punto ba na inaakala niya na hindi na itutuloy ang show, lalo pa nga at dalawang bagay ang kinaharap nilang lahat noon; ang COVID19 pandemic at ang pregnancy ni Jennylyn?

 

 

“It was never an issue na hindi na kami matutuloy.

 

 

“We’ve always known na matutuloy siya matapos lang si Jen manganak. The production kept all actors in the loop for updates about LDR.

 

 

“It was really just a matter of time. At eto na yung time, we are now rolling again.”

 

 

Sa unang taping nila noong 2021 bago sila nahinto, alam na ba nilang cast and production na preggy si Jen?

 

 

“Actually no. Kahit si Jen hindi pa niya alam na buntis siya. Until nag-iba at hindi na niya ma-explain ang pakiramdam niya.

 

 

“So nung ma-confirm, we were all advised na. Siyempre masaya kami for her,” pagpapatuloy pa ni Shyr.

 

 

“Ako I was ecstatic for Jen kasi talagang gusto niya ng anak pa.”

 

 

Pinagkuwento naman namin si Shyr kung ano ang role niya sa ‘Love. Die. Repeat.’ and without any spoilers, kung tungkol saan ang show.

 

 

“I play Hilda the mother of Bernard (Xian’s character). Basta ito lang sasabihin ko, Love. Die. Repeat is something new on primetime. It will keep you in the loop while watching.”

 

 

Gaano kalapit o kalayo ang karakter niya bilang si Hilda sa show sa tunay na Shyr Valdez?

 

 

“May character si Hilda dito na hindi ako as Shyr but I cannot say just yet. Pero the way she loves and cares for her child, ako na ako.

 

 

“I will not tolerate what is bad, but I will have my child’s back through and through.”

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Sa Hong Kong sila nagsu-shoot ng movie: WIN at JANELLA, kinumpirma na ang pagtatambal sa ‘Under Parallel Skies’

Posted on: July 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL naglalabasan na rin naman kung sino ang Thai actor na leading man ni Janella Salvador sa ginagawang movie at kasalukuyang sinu-shoot ngayon sa Hong Kong, ang “Under Parallel Skies,” nagkaroon na nga ng video announcement sina Janella at ang Thai actor na si Win Metawin.

 

 

 

Ang movie ay under Squared Studios, ang production company na pagmamay-ari ng TV host-actor na si Richard Juan. At ang director ay si Sigrid Bernardo.

 

 

 

Nang magpunta kami ng Bangkok, Thailand last year, hindi sinasadyang nakita namin si Win sa mismong hotel kunsaan kami naka-check-in. Nagkataong may event ito nearby at do’n namin na-prove na isa si Win sa sikat na actor ngayon sa Thailand.

 

 

 

Napakarami niyang fans na talagang matiyagang naghihintay sa kanya sa lobby at nagsisigawan nang makita na siya.

 

 

 

Si Win din ay kilala sa mga BL series at sikat din ang mga series niya ng kanyang “ka-loveteam” na si Vachirawit Chiva-aree bilang “BrightWin” ang tawag sa kanila.

 

 

 

***

 

 

 

UMALIS na papuntang U.S. ang ilan sa grupo ng ‘Voltes V: Legacy’ para sa kanilang paglahok sa San Diego Comic-Con 2023.

 

 

 

Naimbitahan ang GMA Network ng Dogu Publishing through its CEO, Jerry Blank para maging panelist sa biggest annual comics convention sa California, USA.

 

 

 

Bukod sa ilang GMA executives, ang director ng Voltes V: Legacy na si Direk Mark Reyes at ilan sa cast nito na sina Gabby Eigenmann, Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega ang umattend.

 

 

 

Ang alam namin, nag-alanganin pa kay Miguel dahil hindi agad naiayos ang mga document nito, but seeing him along with the entourage, meaning, nagawan din ng paraan at nakasama siyang umalis. Tama lang naman dahil si Miguel ang tila lumalabas na pinaka-leader ng Team Voltes V.

 

 

 

At siyempre, siguradong happy silang dalawa ni Ysabel na magkakaroon ng chance na makapasyal at makapag-bonding habang nasa U.S.

 

(ROSE GARCIA)