• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 22nd, 2023

SIM registration deadline hanggang July 25… KUYA KIM at KIRAY, na-experience din na mabiktima ng ‘hacking’

Posted on: July 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ILANG araw na lang at sasapit na ang deadline sa Hulyo 25, kaya naman naglunsad ang Globe ng isang creative campaign na nagbibigay-diin sa mga consumer na sumunod sa ‘SIM Registration Act’ upang maprotektahan ang kanilang sarili mula sa mga panganib na nakatago sa online.

 

 

Sa “Number Mo, Identity Mo” campaign, ang online identities ng mga sikat na celebrity na sina Kuya Kim Atienza at Kiray Celis ay nakatatawang ‘na-hack’ ng mga talented stand-up comedians at improv artist na nagpapanggap sa kanila.

 

 

Ayon sa statement ni Ms. Yoly Crisanto, ang Chief Sustainability and Corporate Communications Officer ng Globe Group, “Online safety is a pressing issue in today’s digital age. Through this unique initiative, we hope to drive home the point that our SIMs are a crucial part of our digital identity and must be protected.

 

 

“We also want to remind our prepaid customers that they need to register their SIMs by the July 25 deadline. We urge all Globe customers to register their SIMs now,”

 

 

Sa naganap na press conference Globe, nagpaalala si Kuya Kim sa kahalagahan ng SIM registration.

 

“Ang number natin ay nakakabit sa ating digital o online identity,” sabi ng TV host.

 

“Sa experience na ito, marami akong natutunan, kailangan nating maging maingat sa ating identity kahit sa online space lang ito. Ang ating SIM ay hindi lang para sa ating mobile connectivity. Ito rin ay nakakabit sa ating digital identity.”

 

Dagdag pa ni Kuya Kim, “Number mo, identity mo. Kaya’t mahalaga na iparehistro ito upang maiwasan ang mga scam at pagsasamantala tulad ng nangyari sa akin.”

 

 

Kuwento naman ni Kiray, na-experience daw niya na totoong ma-hack ang kanyang account.

 

 

“May nangha-hack ng account ko, true story ito, siguro three or four weeks ago. Buti na lang, yung OTP ko ay pumapasok sa number ko.

 

 

“So, doon namin nalaman na, ‘Ay, sino ang pumapasok sa account ko?’ Ako lang naman ang nakakaalam ng mga password ko. Buti na lang nag-send ng mga OTP and nagpalit agad ako ng mga password.”

 

 

Upang maiwasang maging biktima ng panloloko, muling iginiit ng Globe ang panawagan nito sa mga customer na irehistro ang kanilang mga SIM. Maaaring magparehistro ang mga customer ng Globe Prepaid, TM at Globe At Home Prepaid WiFi sa pamamagitan ng GlobeOne app at SIM registration microsite ng Globe (https://new.globe.com.ph/simreg) 24/7.

 

 

Ang mga ganap na na-verify na may hawak ng GCash account ay maaari ding gumamit ng GCash app. Ang mga nangangailangan ng tulong upang mairehistro ang kanilang mga SIM ay maaari ring pumunta sa alinmang Globe Store at EasyHub sa buong bansa.

 

 

Ang Globe Postpaid, Globe Business Postpaid at Globe Platinum subscribers ay naisama na sa SIM registration database. Para sa mga prepaid na account ng Globe Business na pag-aari ng kumpanya, ang mga hakbang sa pagpaparehistro o pag-update ng mga detalye ay ipinadala sa mga awtorisadong kinatawan ng kumpanya.

 

 

‘Wag nang magpa-abot pa sa dealine sa July 25, magpa-register na ng inyong SIM, ngayon na dahil wala itong second extension ayon mismo sa Department of Information and Communications Technology (DICT).

 

 

Bisitahin din ang kanilang website, https://www.globe.com.ph/.

(ROHN ROMULO)

NEW TRAILER FOR “GRAN TURISMO” GIVES A GLIMPSE INTO THE INTENSE AND INSPIRING TRUE STORY OF RACECAR DRIVER JANN MARDENBOROUGH

Posted on: July 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

THIS. ACTUALLY. HAPPENED. See the INSANE TRUE STORY of Gran Turismo, in cinemas August 30.

Watch the new trailer:

YouTube: https://youtu.be/sM8xVZp2aKs

About Gran Turismo

Based on the true story of Jann Mardenborough, the film is the ultimate wish fulfillment tale of a teenage Gran Turismo player whose gaming skills won a series of Nissan competitions to become an actual professional racecar driver.

Directed by Neill Blomkamp, screenplay by Jason Hall and Zach Baylin, based on the PLAYSTATION STUDIOS video game.

Produced by Doug Belgrad, Asad Qizilbash, Carter Swan, Dana Brunetti. The executive producers are Kazunori Yamauchi, Herman Hulst, Jason Hall, Matthew Hirsch.

The cast is led by David Harbour, Orlando Bloom, Archie Madekwe, Darren Barnet, Geri Halliwell Horner and Djimon Hounsou.

In Philippine cinemas August 30, Gran Turismo is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with the hashtag #GranTurismoMovie

Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”

(ROHN ROMULO)

DongYan fans, walang dapat ipag-alala: DINGDONG, natsi-tsismis na namang may babae na malinaw na haka-haka lang

Posted on: July 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINDI kami halos makapaniwala na simula sa pagiging child actress at five years old at halos napakaraming nagawang teleserye sa ABS-CBN, bukod pa sa suki rin dati ng ‘Maalaala Mo Kaya’, unang lead role pa lang pala talaga ni Jane Oineza ang “Nag-aapoy na Damdamin” na magsisimulang mapanood ngayong Lunes, July 24 sa Kapamilya Gold.

 

 

 

Ito ang hudyat ng pagbabalik ng panghapong teleserye ng ABS-CBN kunsaan, back-to-back naman sa “Pira-Pirasong Paraiso.”

 

 

 

Ang maganda kay Jane, kahit nga kasabayan niya noon mula sa ‘Goin’ Bulilit’ sina Julia Montes, followed by Kathryn Bernardo at talagang nabigyan agad ng mga opportunities at sumikat ng husto, hindi raw talaga siya nakaramdam ng inggit o nagtatanong bakit ang mga ito, nagbibida na, siya, hindi pa.

 

 

 

‘Yung attitude raw siguro niya na hindi siya sumusuko at fighting lang palagi.

 

 

And true enough, ngayong dumating na nga ang opportunity na siya na ang bida kunsaan, kasama niya rin sina JC de Vera, Tony Labrusca at Ria Atayde, sobrang saya ni Jane at talagang nasabi niya raw na hindi niya sasayangin ang opportunity na ibinigay sa kanya ng network.

 

 

 

Game rin si Jane sa kahit anong ipagawa raw sa kanya dahil una, tiwala raw siya sa network at sa kanilang director na si Direk FM Reyes. Hindi rin isyu ang relasyon nila ni RK Bagatsing.

 

 

 

In fact, kuwento ni Jane, nanood pa si RK sa naging red carpet premiere nila.

 

 

 

“Suportado namin ni RK ang isa’t-isa, lalo na sa career. Kaya happy kami sa kung ano ang project ng bawat isa sa amin.”

 

 

 

At bukod pa sa pinagbibidahang teleserye, may natapos na rin pala silang movie ni RK, ang “Switch” sa MAVX Productions at ipalalabas naman na sa August 30.

 

 

 

Kaya kahit happy ang lovelife, pareho raw sila ni RK ngayon na career talaga ang focus.

 

 

 

***

 

 

 

ANG daming nagdi-DM (direct message) sa amin na mga fan ng DongYan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

 

 

 

Nagtatanong sila kung ano raw ba talaga ang totoo sa blind-item na may babae si Dingdong.

 

 

 

Kasi raw, kahit na blind-item ito ni Ogie Diaz noong una pagkatapos ay sinabing hindi ito si Dingdong, ‘yung mga clues daw ay leading sa dalawa. So, naba-bother sila kung totoo. Kawawa naman daw si Marian at ang dalawang anak nila na sina Zia at Sixto Dantes.

 

 

 

Ang totoo, hindi na kami nag-attempt na i-message naman si Dingdong dahil sure na kami, baka mas mag-react pa ito na nagtatanong pa kami, huh!

 

 

 

Kasi, malinaw naman na wala talagang katotohanan ang ganitong mga haka-haka. Una sa lahat, parang mag-boyfriend-girlfriend pa lang sina Dingdong at Marian, hindi na naman nawala ang mga ganyang issue. Pero napatunayan din na walang basis.

 

 

 

Lalo na ngayon na parehong sinasabi nina Dingdong at Marian kung gaano sila kasaya bilang isang pamilya.

 

 

 

Hmmm… ano ba ito, gimmick na ba agad dahil may pelikulang pagtatambalan ang dalawa, ang “Rewind” na ipapalabas sa MMFF 2023?

 

 

 

Ang aga naman ha!

 

(ROSE GARCIA)

Walang problema kahit Chinese ang mapapangasawa: BENJAMIN, nakapagpatayo na ng bahay bago sila ikasal ni CHELSEA

Posted on: July 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA January 28, 2024 na ang kasal nina Benjamin Alves at girlfriend niyang si Chelsea Robato, kaya excited na siya.

 

Kuwento pa ng aktor, “Kapag napag-uusapan yung mga schedules, mga kulay, dun ako medyo nalulula kasi ang dami nga palang preparations, but we have a really great wedding coordinator, si Kim Torres.”

 

 

Hands-on sila ni Chelsea sa mga preparasyon para sa kanilang pag-iisang dibdib.

 

 

“Yeah, si Chelsea super hands-on, si Chelsea talaga, it’s her day,” ang nakangiting sambit pa ni Benjamin.

 

 

Gusto nilang magkaroon agad ng baby kasunod ng kanilang kasal.

 

 

“May plano na po, hindi ko lang po gustong sabihin kung kailan but may plano naman po, pero may specific… bilang Chinese si Chelsea, may specific kung anong year ang mas maganda.”

 

 

Mahilig raw sina Benjamin at Chelsea sa bata.

 

 

“Yeah, I think we’re both ready, I think we’re both excited for it.

 

 

“Iyon naman po yung goal namin, kaya hopefully maka-find kami ng time after the wedding na makapagpahinga, para makapag-honeymoon ng maayos.”

 

 

Pinoy si Benjamin at Chinese ang kanyang mapapangasawa, at very close raw siya sa pamilya, lalo na sa mommy ni Chelsea.

 

 

At bongga si Benjamin dahil hindi pa man sila ikinakasal ay may titirahan na sila ni Chelsea dahil nakapagpatayo na siya ng bahay.

 

 

“Yeah, meron na po kami ni Chelsea, okay na,” ang nakangiting rebelasyon pa ni Benjamin.

 

 

Napapanood si Benjamin bilang si Eric sa ‘Magandang Dilag’ sa GMA Afternoon Prime.

 

 

***

 

 

NAKAPANAYAM namin ang American/South Korean actor na si Ellis Gage via Zoom; siya ang gumaganap bilang si Joshua sa BL (Boys Love) series na ‘Stay’ na kasalukuyang napapanood sa Youtube channel na Team Campy Entertainment.

 

 

Bida rin sa series ang Fil-Am actor na si Sebastian Castro (bilang si Andre) na naka-base na rin ngayon sa Amerika kung saan kinunan ang kabuuuan ng ‘Stay’

 

 

Ang mga lumikha at direktor ng Stay ay sina Dexter Paglinawan Hemedez at Allan Michael Ibañez ng Team Campy Entertainment na mga direktor rin ng critically-acclaimed indie film na ‘1st Sem’ noong 2016 na pinagbidahan ng multi-awarded actress na si Lotlot de Leon (na nasa cast rin ng ‘Stay’) at then-newbie actor na si Darwin Uy na isa ng Regal baby ngayon.

 

 

Una naming itinanong kay Ellis ay kung ano ang naramdaman niya habang pinapanood na sa wakas ang kanilang BL series ni Sebastian.

 

 

“Well, oh it was just very, very cool to see our finished product, especially after you, you know, we shot things out of order.

 

 

“And you know, while you’re there it feels one way. But you know, while you’re watching it and seeing the amazing work that, like Dexter and Allan did, and post like it, it looks like something else.

 

 

“So it’s yeah, it was very, very cool to sort of see it all come to fruition, you know. See how it reads, see how everything scans.

 

 

“And I’m just super stoked that people have been as excited as we have about it,” ang nakangiting sinabi ni Ellis.

 

 

Sa tunay na buhay, sa ngayon ay walang karelasyon si Ellis.

 

 

“I’m not. I’m just, I’m busy,” at tumawa si Ellis.

 

 

“Honestly, I think that would be a little exhausting right now. “But yeah, it’s not a thing I’m turned off to or opposed to. But I’m very much single at the moment.”

 

 

Sa pagkakaalam namin, si Sebastian, na tulad ni Ellis ay miyembro ng LGBTQIA+ community, ay single rin.

 

 

”I don’t know. I don’t know. I’m not… I’m not sure. We haven’t talked about it very much. And we talk a lot, you know, and that’s something that’s so lovely like sometimes he’ll just call me, and we’ll like talk for a while, and he’ll just want to like, tell me about life and his dogs.

 

 

“It was like super special to make a friend like Sebastian in this process. But yeah, you’d have to ask him if he’s single,” at natawa si Ellis.

 

 

Hindi ba sila nagkaroon ng connection romantically ni Sebastian habang ginagawa nila ang Stay?

 

 

“A romantic connection… you know, you know what it was? We just we really really respected each other a lot as actors and as people.

 

 

“It was… yeah, it would take two to answer that,” at tumawa si Ellis.

 

 

May komunikasyon pa rin sila ni Sebastian haggang ngayon.

 

 

“Oh, yeah, oh, yeah, we we still see each other.

 

 

“We talk all the time. I, yeah, online, that person. Yeah, I know sadly, we live in very different states. I know Sebastian’s based in Georgia, like down South right now. And I’m based in New York City, in like the theater industry scene.”

 

 

Nasa Taiwan si Ellis habang kausap namin via Zoom.

 

 

“I’m doing a musical, the musical ‘Next To Normal’, it had a very successful run in New York like over ten years ago, and it has recently been brought here to Taiwan for the very first time so I am here right now working on that.”

 

 

Bago ang ‘Stay’, anu-ano na ang mga proyektong nagawa ni Ellis?

 

 

“Let’s see, like film projects? I was on like two projects with major studios when I was very, very young. I worked on ‘Chasing Life’ on ABC and ‘American Hustle’ the 2012 Oscar winner, but I am in very, very small parts in both.

 

 

“I sort of did some independent work, you know. I’ve done a lot of voice over work for animation and yeah, like, I have done like some commercial stuff like some modeling stuff.

 

 

“So I wasn’t super, super new to the process and like to being in front of the camera. But something of this scale and a role this big, I think, was definitely new to me.

 

 

“So ‘Stay’ was something very exciting to tackle on a total new adventure.”

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Ads July 22, 2023

Posted on: July 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments